Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Chapter 2: Late

[Rosy's Point of View]

Napatingin ako sa wristwatch ko. What? 6:38 na? 38 mins na pala kaming late ni Wilson!

Magkatabi kami habang nakasakay sa loob ng tricycle. Bahagyang napalingon naman ako kay Wilson na kanina pa abala sa pagtitipa sa phone niya.

To be honest, ang gwapo ng side profile niya. Ang tangos ng ilong, pati yung makapal niyang pilikmata halata kapag kumukurap siya, tapos yung jawline niya ang ganda ng shape, bagay sa kanya.

Alam naman niya siguro na late na kami, pero chill lang siya na parang balewala lang sa kanya ang ma-late.

Napabuntong-hininga na lang ako sa kawalan.

Nang makarating kami sa school, agad kong hinila ang braso ni Wilson para magmadali nang maalala kong may summative test pala kami ngayon kay Mrs. Cruz.

Hingal na hingal ako nang makarating sa tapat ng room namin.

"Good morning, Mrs. Cruz. Sorry po kung na-late ako. Iyong sinakyan ko po kasi–I mean 'yong sinakyan po namin ni–"

Hindi ako pinatapos ni Ma'am sa pagsasalita.

"Okay. And you, Mr. Soriano? You're not going to say anything?"

Nabaling ang tingin ni Ma'am kay Wilson, pansin ko ring halos lahat ng mga kaklase namin ay nakatingin sa'ming dalawa.

"Good day, Ma'am. I'm deeply sorry for being late, today. Actually, kasabay ko po si Rosyll kanina."

Bahagyang papasok na sana ako ngunit may sinabi pa si Mrs. Cruz.

"Wait. I didn't say anything na maaari na kayong pumasok, because you two are late, then stay outside until my class dismissed."

I knew that it would happen. Kahit na magbigay ka pa ng explanation at reason, we still don't have a choice.

So, we have to wait and stay here sa labas ng room for about 30 minutes, I guess.

Wala na akong ibang magawa ngayon at may natitira pang 20 minutes bago matapos ang oras ni Ma'am.

Mabuti na lang talaga at nandito si Wilson kaya okay lang sa'kin na ma-late e, basta siya ang aking nakikita at kasama. Kahit papaano ay may pampalubag-loob ako, diba.

Charot!

Ang harot!

Pa-simple kong kinuhanan ng picture si Wilson na naka-upo sa sahig habang nakatungo at nagse-selpon.

No'ng nalaman kong isa siyang Varsity Basketball Player dito sa campus ay madalas ko na siyang pinapanood tuwing may intrams. Kaya doon na nagsimula ang paghanga ko sa kanya hanggang ngayon. Well, hindi ko naman itina-tanggi 'yong nararamdaman ko para sa kanya.

I really admire him.

He's an athlete. No'ng nakaraang taon ay isa siya sa mga representative ng campus para sa taekwondo competition.

"Ms. Enriquez and Mr. Soriano, because both of you did not take the summative test earlier. Please come to my office after lunch, I'll give you two a chance later, but do not discuss it to your classmates."

"Yes, Ma'am."

Mabuti naman at napagbigyan pa kami. Sayang din 'yong score do'n, 'no. Kahit na summative pa lang ay mahalaga pa rin iyon. Tsaka ayoko naman na bumagsak ako sa subject niya.

Pagka-upo na pagka-upo ko pa lang ay nakatingin na sa'kin nang masama ang mga kaibigan ko.

"'Di ka nagsasabi na close pala kayo ni Wilson, ha!"

"At magkasabay pa nga sa tricycle ang mga gaga!" Sabi ni Selena na may halong pang-aasar.

"Manahimik nga kayo dyan!"

"Baka naman sa susunod mag-jowa na kayo niyan. Ikaw Rosyll, ha!" Pagbibiro naman ni Julia na may kasama pang pag-hampas.

"Wala lang 'yon! Nagkasabay lang may something na agad?"

"Sus, ikaw ba talaga 'yan?"

"Pero sana sa susunod ay meron na, diba!"

"Hoy! Ang harot mo!"

Nagtawanan kaming tatlo. Mabuti na lang talaga at malayo 'yung upuan ni Wilson sa'min. Nakakahiya naman kung malalaman niyang pinag-uusapan namin siya.

Mga ilang minuto, dumating na ang sumunod naming guro.

Pagkatapos namin mag-klase ay pumunta kami sa canteen para mag-lunch.

Sa sobrang dami ng ulam dito ay hindi ako makapili kung anong kakainin ko. Lahat ng pagkain dito ay masarap, ang problema ay mahal nga lang talaga ang presyo pero sulit naman.

Ang binili ko ay 'yong adobong karne, kay Julia naman ay pinakbet at kay Selena ay 'yong Mechado siguro? Afritada? O Kaldereta? Or baka naman Menudo? Ay, ewan! Nalilito ako kung ano ba ang pinagkaiba nila.

Basta pagkain 'yan.

Dahil hindi mawala sa isipan ko kung ano nga ba ang ulam ni Selena, naging topic pa tuloy namin 'to.

"Sa pagkakaalam ko Menudo 'yan, e." Ani Julia habang siya ay ngumunguya.

"Mechado 'yan, tangek!"

"Ano ba talaga? Naguguluhan ako sa inyong dalawa."

"Ba't kasi tinanong mo pa kung anong ulam ko, malay ko ba rito." Tumawa si Selena sabay na sinubo ang kinakain nito. "Sana sinabi mo kanina Rosy, edi sana naitanong ko do'n kay ate, diba!"

"Huwag niyo nang masyadong problemahin 'yan, guys. Meron naman sa google, mag-search na lang kayo."

"Oo nga! Mindset ba, mindset."

"Oo na, ang ingay mo. Manahimik ka na lang riyan, Lena."

Selena is a type of friend na masaya kasama, madaldal siya at ang kwela. Kung 'di ko lang siya kilala at kaibigan, mapapansin mo talagang parang wala siyang pinoproblema sa buhay. Kaya minsan, ang hirap niya i-approach kapag may pinagdaraanan siya, dahil hindi siya madalas agad nagku-kwento o nagsasabi sa'min.

Si Julia naman ay kalmado, an average person. Iyong tipo na madaling kausap sa kahit ano pa mang bagay, at siya rin ang tagapamagitan sa'min ni Selena tuwing nagtatalo o nag-aasaran kaming dalawa.

Nagpaalam na ako kina Julia at Selena dahil kailangan ko nang pumunta sa faculty.

Habang ako ay naglalakad sa hallway, nakita ko si Wilson na nakatayo sa may gilid ng bintana.

"Hey!" Pagbati niya sa'kin.

Agad naman akong kumaway sa kanya.

"Nandyan na si Ma'am?"

Tumango naman siya. "May kukunin lang daw saglit."

"Okay."

Dumating ang ilang minuto ay nagpakita na rin si Mrs. Cruz. Naglalakad papunta sa'min at may dala siyang tablet instead of test paper.

"I'm going to dictate the questions and you will write your answers on the paper."

Siguro iniisip niya na mandadaya kami, as if naman na gagawin ko 'yon.

Hindi ko na nga naisip kanina na tanungin pa sina Lia at Lena about this. Masyadong naging cautious si Ma'am sa mga gan'tong pangyayari. Hindi ko rin naman siya masisisi lalo na no'ng nalaman nilang may nag-cheat last time sa kabilang section.

After an hour, thank God! We're done.

Nakahinga ako nang maluwag no'ng naipasa ko na 'yong answer sheet ko. Honestly, it was a bit difficult for me dahil 'yong mga tanong ay dinidikta lang ni Ma'am.

Napasulyap ako sa gawi ni Wilson and I was startled when I realized that he's staring at me.

Napaiwas naman agad ako ng tingin.

"Uuwi ka na kaagad?" He asked.

"H-hindi ko sure. Pero maglalakad na lang siguro ako papuntang terminal ng tricycle then do'n na lang sasakay."

"Oh, I see. Tara, sabay na tayo."

Kasama ko si Wilson at naglalakad na kami ngayon. Hindi ko naman akalain na makakasabay ko siya sa pag-uwi ngayon. Imagine, he's the one who offered to walk with me. To be honest, he's really popular in our Campus because he's known to be a varsity player plus, he's one of representative to compete in any tournament.

Yes, kahit anong tournament pwede siya dahil halos lahat ng sports ay kaya niya. But I think he's more focused in basketball.

Maraming girls ang nahuhumaling sa kanya at isa na ako ro'n. Can't deny it.

"Wala kang training ngayon?"

"Tomorrow."

"Pasensya na nga pala kung nadamay ka pa sa'kin kasi na-late tayo kanina."

"No, don't blame yourself. Though, it's not your fault naman talaga."

"By the way, galingan mo sa training. Syempre pati na rin sa competition."

"Thanks."

Sa totoo lang, medyo awkward pa rin sa part ko na maka-usap siya. It's just that maybe we're not that really close. Hindi katulad ng kapatid niya.

Si Liam kasi kahit na sakitin noong mga bata pa lang kami, palagi talaga siyang lumalabas ng bahay para makipaglaro ng larong kalye sa'min. Habang itong si Wilson naman ay palaging nakatambay sa court para mag-basketball sa mga tropa niya.

"If it's okay to you, you can watch on my training tomorrow."

"Talaga? Pwede ba?"

"Oo naman, ako bahala."

>>>

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro