Chapter 1
Chapter 1: Sick
[Liam's Point of View]
Tatayo na sana ako para makapagmumog at makapaghilamos ng mukha nang bigla kong maramdaman ang bahagyang pagkirot ng aking ulo.
Mga ilang minuto, nakarinig ako ng pagkatok mula sa pinto na agad namang binuksan at bumungad sa harapan ko ang aking tita na nakapamewang.
"Ano pa'ng hinihintay mo riyan? Bumangon ka na, aba! Anong oras mo na naman ba balak na kumilos?"
"Hindi po muna ako papasok ngayon, tita."
"Aba'y bakit naman?" Magkasalubong ang dalawang kilay na tanong nito.
"Tina-trangkaso po kasi ako," walang ganang saad ko.
Kaagad siyang lumapit sa'kin at kinapa ang aking noo.
As I expected, sine-sermonan niya na ako ngayon at nagsisimula na naman siyang mag-rap sa harapan ko.
Pambihira mag-rap 'tong tita ko kasi live kong naririnig 'to palagi.
"Nagpaulan-ulan ka na naman siguro, 'no? Hindi ba't sinabihan kita na lagi kang magdadala ng payong para hindi ka mabasa o kaya naman huwag mong masyadong pinapagod 'yang sarili mo. Ilang beses ko na ba'ng sinasabi at pinapaalala 'yan sa'yo, ha!? Pasaway ka talaga."
Yeah, she's scolding me right now and I know that she's just concerned about my condition.
Don't worry, tita. I am fine, not really though. Sakit lang naman 'to.
Akala ko tapos na siyang sermonan ako, pero may pahabol pa siyang sinabi bago lisanin ang aking silid.
"O siya, tigil-tigilan mo na muna ang pagse-selpon mo riyan at kumain ka na rin para maka-inom ka ng gamot, ipapahatid ko na lang sa kuya mo 'yung pagkain mo."
Pagkalabas niya galing pinto, kahit papaano ay nakahinga na ako nang maluwag.
Ayaw kong masyado siyang nag-aalala sa'kin. That's my Tita Nita, limangpu't siyam na taong gulang ang kanyang edad, siya na ang tumayong guardian naming mag-kakapatid. Lumaki kaming na ulila sa mga magulang.
Our parents died in an accident when we were young. It's almost 8 years ago.
Si Tita Nita ang kumopkop sa'min nang mailibing ang aking mga magulang, simula noong mga bata pa kami hanggang ngayon, siya na ang nag-aruga at nagpalaki sa'min.
Hindi na siya nakapag-asawa, wala rin siyang sariling pamilya. One time, na-curious ako kaya tinanong ko kung bakit hindi na siya nag-asawa pa. Ang sabi niya sa'kin na hindi niya naman na daw kailangan no'n, matanda na daw siya. Ang mas mahalaga sa kanya ngayon ay kahit papapaano may kasama naman na daw siya sa buhay, 'yon ay kaming mga pamangkin niya.
Ramdam ko ang pagturing niya sa'min na parang tunay niya na mga anak, gayon rin ang pagturing namin sa kanya bilang isang mabuting ina.
Naramdaman kong nag-vibrate ang aking phone sa ilalim ng unan. Agad ko naman itong sinagot. Rosy is calling me.
["Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo! Bakit ba ngayon mo lang sinagot ang tawag ko?"]
Agad kong nailayo ang aking phone sa tainga ko, nakakarindi ang boses niya.
Kanina ay 'yong pag-sermon sa'kin ni tita, tapos ngayon makakarinig na naman ako ng isa pa'ng sermon.
Napaka-aga tapos gan'to ang bubungad sa'kin, pambihira nga naman.
"Pasensya na, ngayon ko lang naramdaman na nagvi-vibrate pala ang phone ko."
["Ewan ko sa'yo, imposible naman na hindi mo agad naramdaman na nag-vibrate 'yang phone mo."]
"Teka lang, bakit ba ang init agad ng ulo mo? At saka bakit napatawag ka?"
["Hindi mainit ang ulo ko, okay! Sabay na tayo ngayon, nasaan ka na ba?"]
"Nandito ako ngayon sa kwarto ko, I mean hindi pala—"
["Okay. Saktong sakto, malapit na ako makadaan sa bahay niyo."]
Binaba niya na ang tawag.
Aish! Hindi niya 'man lang ako pinatapos sa sinasabi ko. Napa-face palm na lang ako.
Di-nial ko nang ilang beses ang kanyang numero ngunit hindi niya naman ito sinasagot.
Talaga naman, oh!
Napabalikwas ako sa aking kama nang may biglang bumukas ng pinto sa aking silid.
"Liam!"
Hindi nga ako nagkakamali, boses ni Rosy ang narinig kong tumawag sa pangalan ko.
Tsk, hindi 'man lang siya kumatok muna sa pintuan ko.
"Wow! Seriously, Liam!? Hindi ko alam na gan'to ka na pala talaga kagaling sa pag-guhit at pag-pinta." Sabi niya, pansin kong napa-O pa ang kanyang bibig dahil sa pagkamangha.
Ang akala ko ay se-sermonan niya na naman ako dahil sa reaksiyon niya.
"I'm not that good enough."
"Sus, nagpapa-humble ka pa," ramdam ko sa bawat pagkilos niya ang pagkasabik na masulyapan ang aking mga gawa. "Ako nga ni mismong mukha ng tao 'di ko magawa-gawa."
Sa tagal nang pagkakaibigan namin, ngayon lang siya nakapasok ulit sa kwarto ko. Mga bata pa kami no'ng huli siyang naka-pasok dito, kaya gan'yan na lamang ang kanyang reaksiyon. Madalas kasi ako ang pumupunta sa kanila para makipag-laro sa kanya noong mga bata pa lang kami.
"Gusto mo ba na matuto?"
"Depende. Alam mo naman na hindi ako masyadong mahilig sa arts. Pero tuturuan mo ba ako?"
Tumango naman ako. Naka-set na agad ang napagkasunduan naming dalawa kung kailan ko siya tuturuan.
Ang pag-guhit at pagpinta ay isa sa mga libangan ko.
Sa kaliwang pader ng aking silid naka-display ang aking mga iginuhit na kung saan ito ay puro mga anime. Yes, I'm an Otaku. I'm a great fan of animes and mangas.
Sa kanan at sa aking harapan naman ay ang mga naipinta ko. Kadalasan sa mga naipipinta ko ay tungkol sa kalikasan.
Actually, doing these kind of things makes me feel satisfied. Art is my passion to be exact. Sometimes whenever I'm feeling down, depressed, and empty. I let myself do what I want to draw. Even though when I'm in sorrow, it somehow helps me to relieved the pain that I'm going through.
"Anyways, nasabi na pala sa'kin ni tita na hindi ka raw makakapasok ngayon dahil may sakit ka. Kaya heto, dumiretso na ako dito sa kwarto mo para naman kamustahin ka, 'di mo naman sinabi sa'kin kanina no'ng tumawag ako sayo."
Napangiti ako dahil naramdaman kong concern siya sa kalagayan ko ngayon. "Sus, nag-aalala ka na naman sa'kin, ayos na ayos lang naman ako, 'no! Don't worry."
"Hoy! Sakitin ka, remember? Kaya malamang na mag-aalala pa rin ako sa'yo."
"Masyado ka nang maraming sinasabi. Oo na, sakitin ako kaya lagi mo na lang ako tinuturing na parang bata," sabi ko naman sabay naka-pout aking mga labi.
"Tigil-tigilan mo nga ako, Liam. Tigil-tigilan mo rin 'yang panguso-nguso mo riyan, nakakairita lang, e."
Nabaling ang atensyon ko nang makita ang aking nakatatandang kapatid na napadaan sa kwarto ko. Napalingon naman si Rosy sa gawi nito.
"Hey, Pink!"
"H-hi," tugon nito sa kuya ko na may kasamang malalawak na ngiti.
Tsk. Akala ko ba ayaw niya na tinatawag siya sa palayaw niya, pero bakit naman nakangiti pa talaga siya sa harap ng kuya ko? Napailing naman ako, masyado kang napaghahalataan, Rosy.
"Would you mind, gusto mo ba'ng sumabay na sa'kin?"
"Talaga? Ah...no, no, I won't! I mean, okay lang naman, hehe."
Humakbang palapit sa'kin si kuya sabay na inabot 'yung mangkok na may lamang sopas. Mukhang kakatapos lang din nito lutuin dahil mainit-init pa. "Para naman kahit papaano ay gumaan 'yang pakiramdam mo."
"Thanks, bro."
He's my Older Brother, Wilson. Dalawang taon ang tanda niya sa'kin, nag-stop siya ng dalawang taon sa pag-aaral at naging magka-klase silang dalawa ni Rosy. Habang ako naman ay pareho ng year nila ngunit nasa ibang section.
Siya ang panganay sa'ming magkakapatid, ako ang pangalawa, at bunso naman ay si Wendell. Tig-dadalawang taon ang agwat namin.
"Get well, Liam. Huwag mo kalimutan na uminom ng gamot," paalala sa'kin ni Rosy.
"Yes, I will. Ingat nga pala kayo."
"Mauna na kami, bro."
Kumaway pa muna si Rosy sa'kin bago makaalis.
Tatayo na sana ako ulit para kumuha ng maiinom nang bigla na naman akong makaramdam nang pagkirot ng aking ulo.
Why do I often feel this, huh?
Inisip ko na huwag ko na muna masyadong problemahin 'yon. Baka mas lalo lang sumakit.
I took a deep breath sabay na kinain ko na lang 'yong sopas.
The best!
Habang kumakain ako, kahit papaano nakatulong at gumaan pakiramdam ko.
>>>
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro