PROLOGUE
University Series #1: The Rain in España (complete)
University Series #2: Safe Skies, Archer (complete)
University Series #3: Chasing in the Wild (complete)
University Series #4: Avenues of the Diamond (complete)
University Series #5: Golden Scenery of Tomorrow
This story contains spoilers for University Series #1, #2, #3, #4.
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This story is not affiliated with UST/ADMU/FEU/DLSU/UP/other universities.
Please be advised that this story contains sensitive content, mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences.
The songs that are used/will be used are all original compositions that are made solely for the story unless otherwise stated.
***
"Teacher! Teacher! Señorita!"
I suddenly stopped walking when a male student stopped in front of me, holding the project that he was supposed to pass during class hours. Napamasahe ako sa sentido ko bago ko nilahad ang kamay ko. I really should stop letting them get into me, but I felt bad because he probably worked hard on this plate.
"Thank you so much!" He smiled and even threw a fist in the air. "Muchas gracias!"
"Ah, si..." I nodded and just waved my hand to dismiss him.
It was another tiring but fun day of being an assistant of my aunt. She was teaching Architecture to one of the best colleges in Spain. Hindi madaling magkaroon ng kaibigan dito lalo na't hindi naman ako ganoon kagaling makipagkaibigan kahit noon pa man. I always preferred being alone, but I knew I won't survive out here without having people around me.
For some reason, I found other Filipino friends here. Ang iba ay mga studyante at ang iba naman ay professor or architect sa parehong university na pinagtatrabahuhan ko. Marami sila rito lalo na't may mga grupo grupo pa sila. Marunong naman akong makisama pero dahil sa trabaho ko, alam ko namang hindi ako mananatili sa iisang lugar lang.
Para rin kumita ng pera, iba't ibang part time jobs pa ang pinasok ko habang hinihintay ang pangako ng Tita kong pag-aaralin niya 'ko ng Master's kapag nagtrabaho ako sa kaniya nang isang taon. Okay na rin siguro dahil hindi pa talaga ako nakakapag-adjust dito. Sa susunod na school year ay pwede na 'kong mag-aral ulit.
Bukod doon, I had also been attending different conferences in different countries to further explore and expand my knowledge about architecture as my aunt would always send me instead because of her busy schedule. Inaral ko naman na nang ilang taon, bakit hindi ko pa sagarin, hindi ba? Siguro iyon na rin ang paraan ko para hindi ko maisip na sinayang ko lang lahat ng natutunan ko habang nag-aaral ako. Sinayang... dahil hindi ko naman talaga ginusto 'yon.
Baka sakaling matutunan kong mahalin kapag tinuro ko. Baka sakaling matutunan kong tanggapin kapag isinabuhay ko. Baka sakali lang... na mahanap ko ang totoong gusto ko dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan patungo 'tong buhay ko.
Kinukulong ko lang ba ang sarili ko rito dahil 'sayang'?
Masaya ba ako?
Iyon ang paulit-ulit tumatakbo sa isip ko... Pagkagising, bago matulog, kahit habang nasa school at tinitignan lahat ng plates ng mga estudyante ng Tita ko. I could feel and see their passion just by looking at their works. Was I like that before? Satisfied ba ako sa mga gawa ko? Anong ginagawa ko ngayon? Hindi ko rin alam.
Dapat ba nanatili na lang ako sa Pilipinas para tumanggap ng mga proyekto? Sinasayang ko lang ba ang oras ko rito? Ano nga bang ginagawa ko? Pero... Pakiramdam ko pa rin ay wala akong alam.
Hindi ba dahil ayaw kong malaman? Pinipilit ko lang ba ang sarili ko?
"Hello, Pa?" Sagot ko sa phone ko nang tumawag si Papa mula sa Pilipinas habang naghihintay ako ng train. Iniwan ko na ang mga plates sa office dahil mas safe 'yon doon kaysa dalhin ko hanggang sa commute ko pauwi. Madalas pa namang umulan sa panahon ngayon.
[Via, anak, kumusta ka riyan? Kumakain ka naman, 'di ba?] Nag-aalalang bungad niya sa 'kin.
"Okay naman, Pa. Medyo busy lang ngayon. Bakit? May problema ba? Natanggap n'yo na ba 'yung pinadala ko para sa tuition ni Aidan at Alysha?" Sunod-sunod na tanong ko. Tuwing tumatawag kasi si Papa ay kinakabahan ako dahil baka may problema roon.
[Oo, natanggap ko na. Salamat, anak. Oo nga pala, itong si Aidan, malapit na mag-exam sa mga school para sa senior high. Sigurado ka bang sa university mo 'to ipapasok? Baka mamahalan ka, anak.]
[Papa, si Ate ba 'yan?!] Sigaw ng kapatid ko sa likod. Napailing ako nang marinig ang malakas niyang boses.
"Kaya ko po, Pa. Kasya naman siguro 'yung ipon ko hanggang kolehiyo ni Aidan. Sana makahanap na rin ng trabaho si Mira para makatulong sa tuition ni Aly."
[Paano, e hindi naman sumusubok! Pasensya ka na, anak, ha... Kailan ka uuwi ulit? Malapit na mag-birthday ang isang kapatid mo.]
"Hmm, malapit na rin matapos ang school year kaya wala na rin akong trabaho. Titignan ko po kung uuwi ako para sa bakasyon." Napatingin tuloy ako sa orasan. "Ah, Pa, parating na 'yung train. Mamaya na lang. Ingat kayo! Bye!"
Pinatay ko kaagad ang tawag nang magpaalam na si Papa sa 'kin. Hindi ko man lang naabutan ang mga kapatid ko dahil mga busy sa pag-aaral. Sumakay na lang ako ng tren at bumaba sa pangalawang station dahil magkikita-kita kami ng mga kaibigan ko. Kakain daw sa labas dahil day-off naming lahat bukas.
"Avianna!" Tumayo si Isabel at kumaway pagkapasok ko sa restaurant. Ngumiti kaagad ako at naglakad papunta sa table. "Halika! Tamang tama! May pinag-uusapan kami! Nakakuha kami ng tickets sa isang concert!"
"Huh? Anong concert?" Umupo ako sa tabi ni Elena at nilapag ang bag ko sa gilid. Hindi kami magkakasing-edad. Si Elena lang ang ka-edad ko at puro mas bata na sa amin ang iba.
"Since day-off n'yo naman bukas, bakit hindi n'yo na lang ako samahan sa concert ng love love ko?! Bukas na 'yon pero may extra two tickets ako kasi biglang may work 'yung dalawa kong kasama!" Ngumuso ang pinakabata sa aming si Pauline. Kaka-graduate lang niya sa college.
"Pass ako. Ang dami kong gagawin," sagot naman kaagad ni Gab.
"O, see! Kayo na lang ni Isabel! Please! Ayaw din ni Elena! Sige na, Via! Wala ka namang gagawin bukas, 'di ba? Ayaw mo no'n? Libre 'to! Makakarelax ka na nga, makakanood ka pa ng artista! Filipino artist siya tapos super sikat niya! Ngayon lang siya magcoconcert dito at baka hindi na maulit kaya samahan n'yo na 'ko!" Ang daldal ni Pauline.
"Anong oras ba?" Naawa kaagad ako sa kaniya. Naaalala ko lang ang mga nakababata kong mga kapatid na babae kaya ang daling matunaw ng puso ko. Wala naman din akong masyadong kilala sa mga artista kaya hindi na 'ko nag-abalang itanong kung sino. Panigurado hindi ko naman kilala.
"Oh my gosh! Payag ka na, ha?!" Pangungulit ni Pau. Kumapit pa siya sa braso ko at inalog-alog. "6 PM pipila na tayo! Text ko sa inyo mamaya 'yung address! Okay?! Don't bail, por favor!"
"Oo naman. Gusto ko rin siya makita 'no!" Ngumisi si Isabel sabay simsim sa iniinom na juice.
Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa pero mukhang sila lang ang nagkakaintindihan. Hindi na 'ko nag-abalang makinig at nag-order na lang ng sariling pagkain. Habang naghihintay, nagchecheck lang ako ng emails at sumasagot sa mga estudyante. Sila naman, nag-uusap tungkol sa trabaho.
Ganoon naman palagi. Madalas ay nakikinig lang talaga ako at paminsan-minsan, nag-rereact. Ever since I was young, I preferred not hanging out in groups. For me, it was just a hassle... Not until I met my high school friends. For some reason, the barrier was gone.
Pagkatapos kumain, maaga na rin akong umuwi para mag-asikaso ng mga papeles. I just rented a small apartment for me. Iyong sapat lang para sa akin dahil mag-isa lang naman ako. Palagi naman akong mag-isa... Ah, hindi pala. Back then, it was always the two of us... But I lost that too.
The next day was just the same. I woke up early to clean my apartment, do more paperwork, cook breakfast and lunch, buy some groceries, and then I went back to my apartment again to prepare for the concert. Alam ko namang hindi ako titigilan ni Pau. Kanina pa siya tumatawag para paalalahanan ako.
I'll just go there to relax. I loved music... So I could enjoy it as well. Pupunta na nga lang ako, dapat ay sulitin ko na, hindi ba? Libre pa naman. Wala naman ako sa lugar para tumanggi. Sana lang ay pamilyar sa akin ang mga kakantahin. Banda ba 'yon? Hindi ko matandaan ang sinabi ni Pau kahapon.
Hindi ko alam kung may dress code ba sa mga ganoon kaya para safe, nag-suot na lang ako ng white satin sleeveless top tucked inside my high-waisted mom jeans, partnered with white sandals. Pakiramdam ko ay lalamigin ako sa venue kaya nag-suot na rin ako ng leather jacket.
I just applied minimal makeup bago ako umalis ng apartment at nag-commute papunta sa venue. Medyo malayo pero marami pa namang oras kaya nakinig na lang ako ng music habang nasa tren.
Hanggang sa makarating ako sa venue ay hindi ko inalis ang earphones ko dahil maingay sa paligid. Hindi ko naman inexpect na marami palang tao. Akala ko ay simpleng concert lang para sa mga banda. Totoo palang sikat.
"Via! Dito!" Tinaas ni Isabel ang kamay niya. Matangkad siya kaya nakita ko siya kaagad. Lumapit ako at hininaan ang music na pinapakinggan ko para batiin sila. "Pila na tayo!"
May mga banners na hawak ang iba, at may headbands pa. Hindi ko alam ang irereact ko. Sa buong buhay ko, wala naman talaga akong iniidolo kaya hindi ko maintindihan kung para saan lahat ng 'to.
Napaawang ang labi ko nang may makita akong pamilyar na mukha sa banner. Dahan-dahan kong tinanggal ang earphones ko nang bigla silang magsigawan dahil may video na lumabas sa malaking screen.
"What..." Napaawang ang labi ko habang pinapanood ang lalaking nasa screen. Napuno ng maraming tanong ang nanlalaki kong mga mata. Ito... "Siya ba?" Tanong ko kay Pauline, halos hindi na makapagsalita.
"Si Arkin! Oo! Hindi mo ba narinig?! Sinabi ko kahapon!" Tuwang tuwang sagot niya.
Hindi ko alam pero parang may bumigat sa dibdib ko at halos hindi ako makahinga. Napaiwas kaagad ako ng tingin para hindi nila mahalatang nagbago ang itsura ko. Masyado na bang... huli para umalis? Magagalit kaya sa 'kin si Pau?
Narito ako para mag-saya at makinig sa musika... Hindi para balikan lahat ng alaala kasama siya.
Anong gagawin ko? Gusto kong umalis. Gusto kong tumakas. Ayaw ko siyang makita. Akala ko kapag umalis ako, matatakasan ko na rin ang kasikatan niya. Bakit ba kahit saan ako magpunta ay nariyan ang mukha niya?
"Pau..." Hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko ay hinawakan na niya ang palapulsuhan ko at hinatak dahil umusog na ang pila.
"Ayan na! Nagpapapasok na! Omg!" Tuwang tuwa ang mga mata niya kaya tinikom ko na lang ang bibig ko.
Bahala na. Bahala na siguro. Sa rami ng tao, hindi naman niya malalamang narito ako. Ilang oras lang naman 'to. Titiisin ko na lang.
Mas lalong hindi ko inaasahang malapit pa kami sa stage at nakatayo kami buong concert. Kung alam ko lang noong una ay sana hindi na 'ko sumama! Akala ko naman ay nakaupo ang pinili ni Pauline! Wala akong pakialam kung sino ang magpeperform! Ayaw kong tumayo buong concert. Nakakangawit!
"Sorry na, Via! Nababasa ko ang mukha mo!" Tumawa pa si Pauline.
Napailing na lang ako at pinag-krus ang braso sa dibdib. Wala akong ginawa kung hindi tumunganga habang naghihintay magsimula ang concert. Wala akong interes... Pero parang mahihimatay na 'ko sa bilis ng tibok ng puso ko, lalo na noong pinatay na lahat ng ilaw at nagsimula nang magsigawan ang mga tao sa paligid ko.
Pamilyar... At nakakatakot ang sigaw. Nakakatakot dahil napapaligiran ako ng mga taong nagmamahal sa kaniya.
Napabalik ako sa katinuan nang biglang nagkaroon ng ilaw sa stage at tinawag ang pangalan niya. "I present to you, Larkin Sanchez!" Nabingi ako sa sigawan ng mga tao sa paligid ko kaya napatakip ako sa tenga ko.
Hindi ko alam kung saan ako titingin. Tumingin na lamang ako sa sahig, umaasang matatakasan ko ang presensya niya pero bigla siyang kumanta. Bigla siyang kumanta kaya napaangat ang tingin ko.
He was wearing a semi-formal attire while holding a microphone, nakangiti at tumitingin sa paligid habang kumakanta. Sa simpleng ganoon lang ay nakuha na niya lahat ng puso ng mga nanonood.
"Isabel, pwede mag-C.R?" Tanong ko.
"Oo, pero baka mahirap nang bumalik!" Sigaw niya para magkarinigan kami.
"Okay lang." Tumango ako at siniksik ang sarili ko sa gitna ng mga taong nagkukumpol sa harapan para maging malapit sa stage. Kung pwede lang, mas pipiliin ko roon sa pinakamalayo.
Wala na 'kong balak bumalik, pero baka magalit si Pauline. Tinatakan lang ako ng guard sa kamay nang pumunta ako sa labas para mag-C.R... Pero sa totoo lang ay umupo lang ako sa may bench sa loob pa rin ng venue habang nakatulala sa kawalan. I could still hear the loud music from the concert, but it was muffled. Hindi ko na marinig ang boses niya.
I wanted to go home already. Nakailang buntong-hininga ako sabay takip sa mukha ko. My heart just won't stop beating so fast because every memory came flashing back to me upon seeing him.
It was funny how we were almost inseparable ever since we were kids... Pero ngayon, hindi ko na kaya nang malapit siya.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na 'kong nakaupo sa bench. Pinapalipas ko na lang ang oras, pero biglang nag-text si Pauline kaya napatayo ako kaagad at bumalik sa loob ng venue. Ang sabi ko sa kaniya ay nasa likod lang ako ng standing area. Roon na lang ako pumwesto habang nagkakagulo ang lahat sa harapan.
Sumandal ako sa railings na humaharang sa standing area at sa seated area habang sineset-up ang upuan at stand ng microphone sa stage at nagsasalita ang host. Patapos na siguro. Ang tagal ko ring nasa labas.
I pursed my lips when Arkin sat on the high chair with a guitar in his hand. That was a very familiar view. And...
Why the hell was he holding my guitar?
"Hello, this will be my last song," he said over the microphone, smiling a little. His low voice made the crowd go crazy. Ang iba naman ay nalungkot dahil last song na. Ah, his voice. Iba rin ang epekto sa akin noon.
Last song. Umabot pa 'ko, ah.
"I know, I know... I really had fun today." His laugh was even heard through the speakers. "I hope it's okay for me to sing my first original song. I hope you guys can still remember the lyrics."
Anong... tinutukoy niya? Iyon ba? Napaayos ako ng tayo at hindi na mapakali. Huwag naman sana. Hindi naman niya siguro gagawin 'yon, 'di ba?
"This song is about someone who wants to confess their love to their closest friend... But at the same time, too afraid to risk everything they have..."
My heart was beating so fast while he was talking. I knew the song. I knew what he will sing. Kahit wala pa siyang sinasabi ay alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. No way... Why would he even...
"Sing with me. Here's 'Ginintuang Tanawin'... One, two, three," he whispered before strumming his guitar.
"Napapaisip sa gitna ng kaguluhan
Litong lito sa pulso ng nararamdaman
'Di mawari kung ito'y isang panaginip
Tila ang puso ko'y naglalaro sa kalawakan..."
Why now? And why did he look so in pain while singing the song he wrote for me back then? Bakit ito? Wala na bang ibang kanta?
"Sa liwanag ng araw, ikaw ay nariyan... Magkatabi't sinisilayan ka.
'Di na alam, naguguluhan... Tuwing kasama kita sa...
Ginintuang tanawin... Sa ilalim ng langit, ika'y kapiling ko...
Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam ang palad mo..."
My eyes were so wide while I was staring at him. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Bakit niya 'to kinakanta ngayon kung matagal na niyang inabandona ang kantang 'to? And on top of that, the crowd was so clueless that the song was written out of his own experience.
"Sana'y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako
Kulay kahel na langit, nakitang gumuhit sa ganda ng mata mo..."
He continued strumming the guitar while looking around like he was trying to find something... or someone. The venue was so quiet. Lights were coming from the audience's phones, waving them slowly to match the song's aura.
"Sumisilip ang tinatagong kagustuhang
Makasama ka't manatili sana sa iyong tabi
Umaawit sa kislap ng 'yong mga ngiti
Hihiling na lang na sana'y ako man lang ay iyong tignan."
I looked away immediately when our eyes met for a second, or were I the only one thinking that it happened? Baka namalik-mata lang ako... Pero mas mabuti na ring umiwas sa kaniya. Ayokong malaman niyang narito ako.
"Sa liwanag ng araw, ikaw ay nariyan... Magkatabi't sinisilayan ka
'Di na alam, naguguluhan, tuwing kasama kita sa...
Ginintuang tanawin sa ilalim ng langit, ika'y kapiling ko...
Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam ang palad mo
Sana'y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako
Kulay kahel na langit, nakitang gumuhit sa ganda ng mata mo..."
I wanted to leave already, but my feet were glued to the floor. Wala akong lakas para maglakad paalis, dahil naubos na 'yon noon.
"Nagtatanong ang aking isipan
Nais mo rin ba akong mahagkan?
Hanggang dito na lang ba ang... Ating pagkakaibigan?"
Damn you, Arkin. That was the question that ruined everything we had.
"Ginintuang tanawin sa ilalim ng langit, sana'y malaman mo...
Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam mo ba ako?
Sana'y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako
Kulay kahel na langit, hindi mapipilit mabigyan ng pag-ibig mo..."
Everyone clapped and cheered for him until the lights on the stage went off. "Thank you so much," he whispered over the microphone.
Akala ko ay iyon na. Akala ko ay makakahinga na 'ko nang maluwag ngunit nagsalita siya ulit.
"It was nice... Seeing you again." That was the last thing he said before he walked away from the stage, which left the audience confused.
But even upon seeing him, nothing really changed.
Ayoko pa ring maging parte ng buhay niya.
Ayoko na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro