EPILOGUE
Golden Scenery of Tomorrow album is OUT now!
Ikaw Ang Musika by Gwy Saludes and Marc Alfaro is attached above.
**
"Saan ka na niyan, Arkin? Magpapahinga ka na ba?"
Umiling ako sa manager ko at sinabing may bibisitahin pa ako bago ako umuwi. Katatapos lang ng shoot at wala pa akong tulog simula kahapon pero nagkaroon pa ako ng lakas para bumili ng pagkain bago ako nag-drive ulit.
"Kuya Arkin! Yes! Thanks for the food!" tuwang-tuwa si Aidan pagkarating ko sa bahay nila.
"Hindi pa naman kayo nagdi-dinner, 'di ba? Kumain na kayo. Nagdala ako ng pagkain." Tinawag ko na rin si Mira at Ysha sa taas. Si Papa ay nasa kusina na at naghahain ng plato para sa akin. "Ako na, Pa."
Simula noong umalis si Via, palagi na akong bumibisita rito para kumustahin ang pamilya niya. Keeping them safe and healthy became one of my priorities. I wanted to take care of them just like how Via did. Alam kong nalulungkot sila dahil nawalan sila ng Ate kaya sinusubukan kong pagtakpan ang butas na iniwan niya sa pamilya niya.
She already left me... but I still wanted to fulfill my promise. I can't be by her side anymore so I'll just stay with her family, the closest to her heart.
"Kuya Arkin, kanina pa nagmamaktol 'tong si Aidan. Turuan mo na 'to ng gitara," sabi naman ni Mira. "Wala kasi si Ate, eh."
"Busy si Kuya Arkin, Aidan! Huwag ka nang dumagdag!" sabi naman ni Ysha.
"Oo nga, anak... Magpaturo ka na lang sa mga kaklase mo." Si Papa talaga! Lahat sila ay masyadong nag-aalala sa kalusugan ko.
"Okay lang ako! Marami akong oras!" Kahit wala. "Tuturuan kita, Aidan. Nasaan ba ang gitara mo?"
Nagulat ako nang umakyat siya at pagbalik niya, dala-dala na niya ang gitara ni Via. Hindi ko alam na iniwan niya pala 'yon. Hinawakan ko ang gitara at sinabing hihiramin ko muna 'yon. May iba akong ipapahiram kay Aidan.
"Mira, ako na ang maghuhugas," sabi ko nang makitang nagliligpit na siya ng pinagkainan.
"Ako na, Kuya," sabi niya sa akin. "Matulog ka muna sa kwarto ni Ate. Mukhang pagod na pagod ka. Hindi safe mag-drive pauwi kapag ganiyan."
Napangiti ako sa kaniya bago ako tumango at umakyat sa kwarto ni Via. Wala pa ring pinagbago pagkapasok ko. Her smell was all over the room, which just made me miss her more. Napabuntong-hininga ako nang umupo ako sa kama. I could still see her doing her plates on her desk. Napakarami kong memorya kasama siya sa kwartong 'to.
Napayuko ako nang mahulog ang phone ko sa sahig. Nasipa ko pa sa kama kaya tumayo ako at lumuhod sa baba sabay tingin sa ilalim para hanapin ang phone ko. Napakunot ang noo ko nang may makapa akong canvas. Hinatak ko rin 'yon at ang phone ko para makita kung ano ang naka-paint.
Binagsak ko ang sarili ko sa kama nang makita ang painting namin sa Sunken Garden. Sigurado akong kami 'yon dahil iyon din ang suot namin noong kinanta ko sa kaniya ang Ginintuang Tanawin. Natawa ako nang sarkastiko nang mabasa ang note sa likod.
Happy anniversary, my love.
I hope this isn't the last time I'll be saying or writing this. I know things have been hard on you. Nahihirapan ka na siguro pagsabayin lahat. Nahihirapan ka na ring itago ang relasyon nating dalawa. I know it's hard but let's hang in there, please. I don't want to lose you.
We may have some (actually a lot) of misunderstandings, but know that those will never make me love you less.
I'll stay with you whatever happens as your girlfriend, bestfriend, and number one fan. I love you. Let's be strong together.
Napailing ako at nilapag sa gilid ang painting pagkatapos kong mabasa ang note. Humiga ako sa kama niya at tumitig sa kisame habang pinipigilan ang mga luha ko.
"I'll stay with you whatever happens?" ulit ko at natawa ulit. "Wala ka nga rito ngayon... You... left me here... alone."
Gusto kong magalit kay Via. Gusto kong umiyak. Gusto kong huwag na siyang makita ulit dahil bigla-bigla na lang niya akong iniwan. Iniwan niya ako nang hindi nagpapaalam. Iniwan niya ako pagkatapos kong umasa na baka pwede pa... na baka pwede na.
"Ang daya mo, Via," bulong ko, kasabay ng pagtulo ng luha ko. "Naaalala mong nangako ka, 'di ba? Bakit mo 'ko iniwan?"
Dinala ko ang sakit na nararamdaman ko hanggang Espanya. Ilang pagpipilit at request ang ginawa ko sa management para lang magkaroon ako ng concert doon. Mabuti na lang at natupad. I didn't know if I wanted to see her or not... but I still brought the guitar with me. Hindi ko alam kung mahahanap ko ba siya. Kapag hindi, iyon na ang kapalaran ko. We were not meant to see each other again.
That was what I thought... because the moment I started singing Ginintuang Tanawin again on stage, even after refusing to sing that song ever since we broke up, my eyes met hers. I knew it was her. I could never forget those eyes... that look.
She looked at me like she was in pain. She looked at me the same way she looked when she wanted to break up. She was... looking at me like she was decided not to see me ever again.
Her look was telling me that she wanted nothing to do with me... that she was planning to leave again. She did.
Pagkatapos ng concert, alam kong mapapagalitan ako pero tumakbo ako palabas ng venue, dala-dala ang gitara sa likod ko. Walang nakapansin sa akin at masyado rin akong abalang hanapin si Via.
Nakakatawa dahil napakatanga ko. Alam kong ayaw na niya akong makita pero hinanap ko pa rin siya. 'Yong galit at sakit sa dibdib ko ang nagsabi sa aking sundan ko siya... hanggang sa makita kong nakaupo siya sa may hintayan ng tren.
"How are you?" unang tanong ko sa kaniya.
Hindi... Hindi iyon ang gusto kong sabihin. Napakaraming tumatakbo sa utak ko. Napakarami kong gustong itanong sa kaniya.
"I came here to give you this." Kinuha ko ang case ng gitara niya at inabot sa kaniya 'yon. Hindi ko alam kung bakit ko dinala 'yon dito. Maybe I just didn't want her to completely forget about music... because I was afraid that if she did, she will eventually forget me too. "Iniwan mo 'to."
"Sinadya kong iwan 'yan."
"Ako rin ba?" Hindi ko na napigilang magtanong. "Sinadya mo rin bang iwan ako?"
Tinitigan ko siya nang matagal. Naghintay ako ng sagot niya... Sa katotohanan, naghintay akong sabihin niyang hindi... Hindi niya sinasadya. Kung sinabi niya 'yon, papatawarin ko naman siya sa pag-iwan niya sa akin. Mapapawi lahat ng galit at sakit sa dibdib ko.
Pero hindi. Hindi siya sumagot... kaya naintindihan ko kaagad.
"Okay, then... That's all I need to know."
Nakapamulsa akong naglakad paalis dahil wala naman na kaming kailangang pag-usapan. Iyon na ang sagot niya. Sinadya niyang iwan ako.
Napahinto ako sa paglalakad at napasandal na lang sa may gilid ng poste. Nagpakawala ako ng mabigat na buntong-hininga bago tinakpan ang mukha ko, pinipigilan ang mga luha.
Inasahan ko na 'to... pero bakit ang sakit pa rin? Siguro dahil may parte pa rin sa akin na umasang baka puwede naming ayusin kapag nagkita kami ulit... na sasabihin niyang hindi niya sinasadyang iwan ako... na babalik siya sa akin... pero hindi iyon ang sinasabi ng mga mata niya.
Her eyes were cold. She did not have plans on coming back. Gusto niyang malayo siya sa akin. She was just beside me but she felt so far away. Parang hindi ko na siya kilala. We became strangers once again. Hindi ko na alam ang iaakto ko sa harapan niya at ganoon din siya.
Na para bang hindi namin nakasama ang isa't isa nang ilang taon... na parang hindi ko alam ang mga gusto niya, ang mga paborito niya, ang mga iniisip niya, at lahat ng naranasan niya habang magkasama kami.
Minsan, iniisip ko kung magsisisi ba akong inalok ko siya ng relasyong higit pa sa magkaibigan... pero lahat ng araw na pinaramdam niya sa 'king mahal niya ako ang pinakamasasayang araw na naranasan ko.
Dahil sinusubukan niyang bumangon mula sa mga hirap na naranasan niya dahil sa akin, sinubukan ko ring bumalik sa buhay ko noon. Nag-aral ulit ako ng Film. Humabol ako sa lahat ng subjects. Kahit wala na akong pahinga ay okay lang sa akin.
Para ko nang pinapatay ang sarili ko dahil palagi akong walang tulog. Ang daming projects at kuha lang ako nang kuha dahil gusto kong ibalik ang pangalan ko... na sinira ko rin noon. Pati pangalan ni Clea ay nadamay ko... lalo na si Via.
I wanted to make up for my mistakes by doing the best I could pero palagi kong nararamdamang may kulang. I was just distracting myself from all the things that could remind me of her. Mahirap... dahil lahat ng bagay ay ginawa naming magkasama.
"Hoy, tanga, okay ka pa ba? Bakit ganiyan ang kulay ng mukha mo?" tanong ni Sevi sa akin nang bisitahin niya ako sa condo.
"Hindi pa ako natutulog," sabi ko sa kaniya at umupo sa may sofa. "Bakit nandito ka na naman?"
"Nagluto si Mama! Ibigay ko raw sa 'yo para naman may makain kang lutong-bahay." Pumunta siya sa kusina at pinagkasya sa ref ang mga dala niya. Binuksan niya pa ang dalawang container at nilagyan ako ng pagkain sa plato. "Kumain ka muna tapos matulog ka na."
"Yes, Ma," sagot ko sa kaniya at umirap.
Umupo nga ako roon at kumain pero dahil nga ilang beses na akong nagii-skip ng meals tuwing nasa set, wala na rin akong gana. Sinamaan tuloy ako ng tingin ni Sevi.
"Isusumbong kita kay Mama. Sasabihin ko hindi mo gusto ang luto niya," pagbabanta niya pa sa akin.
"Masarap naman, ah!" Napilitan tuloy akong ubusin 'yon! Baka ma-bad shot pa ako kay Tita!
"Uuwi raw si Via, ah."
Natigilan ako sa sinabi niya. Napatulala lang ako sa pagkain habang hawak ang kutsara, iniisip kung ano ba ang ire-react ko roon. Wala naman na... Wala naman na dapat.
"Wala akong pakialam," sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain. Narinig ko ang malakas niyang tawa dahil sa sinabi ko.
"Totoo? Wala kang pakialam? Sige, hindi ko sasabihin sa 'yo kung kailan. Wala ka namang pakialam, eh!" Tumayo siya at nag-inat ng braso at binti. "Uuwi na ako! Matulog ka na!"
"Teka-" Hindi ko na natuloy dahil kinuha na niya ang gamit niya at umalis.
Uuwi si Via? Bakit? Kailan? Magtatagal ba siya rito? Itanong ko kaya kay Mira? Siguradong alam nila kung kailan siya uuwi... kaso baka naman isumbong nila ako. Baka sabihin nila ay may pakialam pa ako. Huwag na.
Bumisita ako roon sa paborito kong music shop. Dito ako palagi dahil kompleto sila ng mga gusto ko at mura pa ang bilihin. Wala ring masyadong tao. Hinahayaan pa nila akong gamitin ang studio sa baba.
"Excuse," sabi ko sa babae nang makuha ko na ang strings na gusto ko.
Nagtingin ako ng mga electric guitars kaso may nakita akong pamilyar na mukha kaya lumapit ako at kinalabit siya.
"Kuya Arkin!" gulat na sabi ni Aidan sa akin. Tumabi ako sa kaniya habang may hawak siyang gitara.
"Ano 'to? Bibili ka na ng gitara?" tanong ko sa kaniya habang tinotono iyong napili niya para naman matugtog niya nang maayos.
"Sabi sa 'yo magaling na ako! Tinuruan mo ako, eh!" Ngumisi siya kaya ginulo ko ang buhok niya pagkabalik ko ng gitara sa kaniya. Binigyan ko na rin siya ng guitar pick na nasa bulsa ko.
"Huwag mong sasabihin sa Ate mo 'yan," sabi ko naman sa kaniya. Ayaw kong isipin niyang sumisipsip ako sa pamilya niya habang wala siya. Wala naman akong intensyong ganoon.
"Ate!" tawag ni Aidan bigla sa babae. "Okay 'to! Gusto ko 'to!"
"Ito ba? Bilhin na rin natin 'to kung gusto m-"
Naestatwa ako sa kinauupuan ko nang magtama ang tingin namin. Bumilis kaagad ang tibok ng puso ko nang makita ko siya sa harapan ko. Hindi ko... inaasahang narito na siya. Akala ko ay namamalik-mata lang ako.
"Ah, binigyan na ako ni Kuya Arkin ng guitar pick!" Bakit kailangan niya pang sabihin ang pangalan ko?!
Gulat na gulat si Via nang makita ako pero mas gulat ako 'no! Umiwas siya ng tingin sa akin at nagpunta ng counter. Nailang naman ako kaya tumayo rin ako at tinalikuran siya, umaaktong nagtitingin ng gitara.
"Hey, Miss, you forgot something."
Miss... Miss you!
Inabot ko sa kaniya ang capo habang nakatitig siya sa akin. Napagtanto niya yata kaya umiwas kaagad siya ng tingin. "Thanks," maikling sabi niya bago umalis.
Hindi ako makatulog noong gabing 'yon. Sinabi ko sa sarili kong hindi ko na hahayaang magtagpo ang landas namin ulit. Natatakot ako para sa sarili ko. Ilang beses kong sinubukang huwag siyang isipin tapos ganito ulit ang mangyayari. Hindi puwede.
"Clea, here's your..." Nabitawan ko kaagad ang tray nang makita si Via sa harapan ko. "Shit." Lumuhod kaagad ako para linisin 'yon.
Pucha, bakit pati rito?! Nilalayuan ko na nga ang tao! Bakit nagkita na naman kami?! Sinasadya ba ni Clea 'to, huh?!
"Ako na," sabi ko at hinawakan ang palapulsuhan niya. "Masugat ka pa." Para akong nakuryente nang maramdaman ko ang balat niya sa akin.
Via became more mature. Wala namang masyadong pinagbago mula noong concert ko sa Spain pero ngayon, halata sa akto niyang professional na siya. Hindi siya mukhang naiilang sa akin. She was acting so natural... or was she just naturally cold?
Umuulan nang lumabas kami ni Clea sa may coffee shop. Nakita kong naroon pa rin si Via sa gilid, mukhang walang payong.
"Your umbrella. Give it to her," bulong sa akin ni Clea.
"Bakit? Ayaw ko," pagmamaktol ko sa kaniya.
Nagulat ako nang agawin niya bigla ang payong sa kamay ko at inabot kay Via! "Architect Diaz... Here."
Ang payong ko! Mahalaga 'yon sa akin!
"Nananadya ka na talaga, Clea," sabi ko sa kaniya habang nasa set kami. Ngumiti lang siya sa akin, halatang nang-aasar. "Seryoso, hindi na nakakatuwa."
"Oh come on! I know you like it! You miss her so much!" Inasar niya na naman ako! Kaya palagi kaming nagtatalo sa set dahil simula noong umalis si Via ay nagkaroon siya ng bagong pang-aasar sa akin. Palibhasa masaya ang lovelife niya ngayon.
"Anong miss? Asa ka," tanggi ko kaagad. "Bakit ko mami-miss 'yon? Kapag iniwan ka na, iniwan ka na. Wala nang balikan."
"Arkin, arkin..." sabi niya na parang kontrabida sa movie. "Don't say things you will regret. Mabubusog ka niyan sa rami ng salitang kakainin mo."
Ah, basta! Ayaw ko na siyang makita. It was not because of her... but because of me. I wanted to protect myself. I wanted to keep myself out of her space. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag nasanay na ulit akong nariyan siya.
Pero... sa raming beses na puwede kaming magkita, bakit sa set pa... at bakit kung kailan hinahalikan ko si Clea?! Natigilan tuloy ako. Namamalik-mata na naman ba ako?! Baka naman gawa-gawa lang 'yon ng utak ko?!
"Arkin, bakit? Ano bang mayroon sa 'yo ngayon?! Saan ka ba nakatingin?!"
"Sorry, direk," paghingi ko ng tawad.
Si Clea na naman ang may pakana noon! Sigurado ako! Bakit ba nangyayari sa akin 'to, ha?! Sinusubukan ko na ngang makabangon! Bakit ba ayaw nila akong hayaan?! Past is past! Kung past na, pucha, huwag nang balikan!
"Lasing ka na. Huwag ka nang magsalita," seryosong sabi ko.
Larkin... Ikaw ang gumagawa ng ikapapahamak mo. Bakit magkasama na naman kayo? Bakit iuuwi mo siya sa kanila? Nariyan naman sina Luna! Bakit nagprisinta ka pa? Ugok ka rin, eh.
"What is the biggest star doing in my room?" tanong niya pagkabalik mula sa shower. "Umalis ka na."
"Payong ko." Pinapatagal ko lang talaga ang oras na magkasama kami kahit sa katotohanan ay antok na antok na ako. Wala pa akong tulog simula kahapon. Kaunti na lang ay babagsak na ako.
Umupo ako sa work table niya. Hindi ko na namalayan ang oras habang hinahanap niya ang payong ko. Nagising na lang ako noong umaga na may kumot sa balikat ko. Naguluhan pa ako kung nasaan ako dahil hindi ko kwarto 'yon. Ang sakit pa ng likod ko!
"Ay, gago," bulong ko sa sarili nang makita si Via na natutulog doon sa kama. Tumayo kaagad ako at tinupi ang kumot bago naisipang mag-shower.
Nagluto pa ako ng almusal para sa kaniya at mga kapatid niya bago ko siya ginising sa taas. Kawawa naman siya at mukhang lasing na lasing kagabi.
"Aalis na 'ko."
Napasigaw kaagad ako sa sakit nang mauntog siya sa baba ko. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin! Ako na nga ang mabait na pinagluto siya at hindi siya ginising kaagad!
"Ang aga-aga, nanggigising ka pa!" reklamo niya. Napatingin tuloy ako sa orasan. 6 AM. Okay naman, ah? Ganitong oras naman siya gumigising!
"Hindi ka na ba maaga gumigising?"
Ah... Marami na nga palang nagbago sa kaniya. Matagal na nga pala kaming hiwalay. Nag-iba na nga ang pakikitungo namin sa isa't isa. We were not even friends anymore. Kahit magkaibigan lang, wala.
"Have we met before?" tanong ko kay Architect Morales.
"Ah... Kanina... Tsaka kaklase ako ni Via noon."
Sinasabi ko na nga ba! Kaya pamilyar 'tong lalaking 'to! Ito 'yong dikit nang dikit kay Via noon. Hanggang ngayon ba naman ay magkasama pa rin sila?! Hindi naman sila bagay!
"Ah, oo nga..." Tumango ako at nilingon si Via. "Blockmates."
Oo nga naman... Bakit hindi sumasagi sa isip kong baka mayroon na siyang iba? Hindi naman 'yon imposible. Kung mayroon man siyang iba... magiging masaya rin ako para sa kaniya dahil ibig sabihin, hindi na niya dinadala ang paghihirap na binigay ko sa kaniya noon.
"Sus, okay lang 'yon kapag may boyfriend na siyang iba!" sabi ko kay Sevi.
"Wala nga siyang boyfriend," sagot niya naman habang umiinom ng beer.
"Hindi, tol, okay lang talaga," pamimilit ko. "At least... 'Di ba? Masaya siya roon! Naka-move on na siya! Okay 'yon! Okay na siya, 'di ba?! Okay lang 'yon!"
"Wala siyang boyfriend, tol," ulit niya sa akin.
"Tol, okay lang, promise-"
"Puta, wala ngang boyfriend! Kulit mo, ah?!" sigaw niya na sa akin.
In all seriousness, I knew how much damage I had caused her. Kahit ganoon, gusto ko pa ring pumasok siya sa musika dahil alam kong doon siya nababagay. Gusto ko pa ring itulak siya roon... ngunit nakalimutan kong ilugar ang sarili ko. Wala na nga pala... Hindi na nga pala ako isa sa mga taong malapit sa kaniya.
"Nagsisisi ka bang nakilala mo 'ko?" tanong ko sa kaniya habang umiiyak siya sa harapan ko.
Umasa akong sasabihin niyang wala siyang pinagsisisihan... Umasa akong magiging katulad niya ako. Wala akong pinagsisisihan sa aming dalawa dahil masaya akong nakilala ko siya.
"Mas mabuti nga... kung hindi."
Pero hindi ganoon ang nararamdaman niya sa akin. Mas minahal ko ba siya kaysa sa pagmamahal na binigay niya sa akin? Masusukat pa ba 'yon? Bakit kailangan kong sukatin? Ang pagmamahal ay pagmamahal... Simula pa lang naman, sinabi ko na sa sarili kong basta mabigyan ko siya ng pagmamahal ko, okay na. Kahit hindi na niya ibalik... Gusto ko lang iparamdam sa kaniyang may nagmamahal sa kaniya... na may nag-aalaga sa kaniya.
"I guess I was wrong about us. Let's not see each other again... Ever."
Iyon nga ang plano. Nangako na ako sa sarili kong hindi ko na siya kikitain ulit kahit anong mangyari. Lalayuan ko na siya dahil... sa tingin ko, mas matatahimik ang buhay niya kapag wala ako. Noong sinabi niya sa aking hindi pa rin siya okay hanggang ngayon dahil sa akin, napagtanto kong masakit pa rin sa kaniya ang makita ako.
Nasaktan din ako, siyempre. Masakit sa aking masabihang sana hindi na lang ako nakilala. Akala ko kasi... kahit bilang magkaibigan lang, papahalagahan niya pa rin 'yon. Mukhang mali ako.
"Pucha, kung kailan kasi sinabing huwag na magkita ulit, saka kayo nagpaplano ng ganiyan! Para kayong hindi tropa!" reklamo ko kina Luna.
"Ang KJ mo naman! Sumama ka na!" sagot ni Luna sa akin. Kumakain kami ngayon sa bahay nina Sevi at wala si Via. Separate talaga nila kaming inaaya.
"KJ daw," pang-aasar ni Kierra.
"Oh talaga, Kierra? Ledezma, Ledezma, Ledezma, Ledezma..." paulit-ulit na sabi ni Luna na parang bata.
"Hoy, nakakabastos ka na, ah." Tinuro siya ni Sevi gamit ang kutsara. "Ayus-ayusin mo 'yang buhay mo."
"Okay, kids, huwag kayong mag-away sa hapag," sabi naman ni Yanna.
"Ah, basta! Hindi ako sasama! Hindi! Never!"
Tangina. Nakita ko na lang ang sarili kong nakatulala sa dagat at nakaupo sa may hagdanan ng villa na binook namin. Napakamot na lang ako sa ulo ko, naiinis na naman dahil nagpauto ako kay Sevi. Ang sabi niya, hindi na raw sasama si Via dahil may trabaho! Tingnan mo naman ang nangyari!
"Tangina ka, huwag mo 'kong kakausapin," galit na sabi ko sa kaniya nang makitang nakangisi siya sa akin.
"Sige na, please, huwag nang mainis, bumalik ka na sa 'kin," pagkanta niya pa, nambibwisit lalo.
Sinubukan kong umaktong wala akong pakialam pero kahit sa simpleng pag-abot ng pagkain, pagsalin ng tubig, pagbigay ng paborito niyang inumin, hindi ko napigilan ang sarili ko. Idagdag mo pa iyong ngiti niya habang pinipicture-an siya nina Luna, suot ang bikini niya.
"Cute," bulong ko sa sarili ko habang pinapanood siyang mailang.
"Thank you, tol. Para ka namang gago... Alam ko naman 'yon," nahihiyang sabi pa ni Sevi sa akin sabay kamot sa batok. Hindi maipinta ang mukha ko nang tingnan ko siya pabalik.
"Huwag mo ngang sinisira ang araw ko, pare," sabi ko sa kaniya at napailing na lang.
Mukhang napuno na rin si Via at hindi na kinaya ng konsensya niya ang sinabi niya noon kaya lumapit na siya sa akin para humingi ng tawad. Hindi naman ako galit... Nasaktan lang ako pero hindi ako galit sa kaniya. Naiintindihan ko naman kung bakit niya sinabi 'yon. Napag-isip-isip ko na rin 'yon. Kung ilalagay ko ang sarili ko sa pwesto niya, baka iyon din ang masabi ko.
"Do you think we could bring our friendship back?" Nagulat ako sa tanong niya sa akin. Nagkaroon ako bigla ng pag-asa.
"We could try... If you also let me help you figure out what you really want... and embrace it with you."
Ngayon, wala na akong gustong makamit kung hindi ang kasiyahan niya. Hindi pa rin siya masaya sa ginagawa niya at alam ko 'yon. Pansin ko 'yon sa mukha niya. Kahit pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa akin, tatanggapin ko naman 'yon. Wala na akong hinihiling na higit pa roon... pagkatapos ng lahat ng nangyari. Ayaw ko na siyang masaktan ulit.
"Why the hell are you smiling like that? May nakakatawa ba?" tanong ni Clea at sinilip ang phone ko para tingnan kung may meme.
"Chismosa!" Nilayo ko kaagad ang phone ko dahil ka-text ko si Via.
"Don't tell me... Oh my gosh, nagkabalikan na kayo?!" Tuwang-tuwa siya para sa akin pero umiling ako kaya sumimangot ulit siya.
"Friends lang," sabi ko naman sa kaniya.
"Lame!"
Lame... pero okay na 'yon para sa akin. Okay na kahit ano basta mabibigyan ako ng pwesto sa buhay niya. May pagkakataon akong manatili sa tabi niya at samahan siyang madiskubre ang mga bagay na gusto niya... ang musika niya.
"Ilang taon na ang lumipas na magkasama kayo, sigurado kang hindi mo pa rin gusto si Clea?"
Hindi ko alam kung papaano 'yon pumapasok sa utak niya. Sa tingin niya ba, sa lahat ng taong hiwalay kami, nakaisip akong magmahal ng iba?
"If time could measure my love for someone, think about who I was with for more than twenty years... And you have your answer."
Inamin ko na sa sarili kong hanggang ngayon... Siya pa rin talaga. Wala namang nagbago. Pakiramdam ko mas lumala lang ang nararamdaman ko para sa kaniya... pero alam ko rin kung saan ilulugar ang sarili ko.
Hindi pa siya handa. Hindi pa niya nagagamot ang mga sugat niya mula sa nakaraan... at naiintindihan ko 'yon.
"Arkin... Hindi ko alam kung pareho ba ang nararamdaman ko para sa 'yo noon at ngayon." Dapat nasaktan ako sa sinabi niya pero... I felt relieved because she told me the truth. Kaya niya nang humindi ngayon. Kaya niya nang sabihin kapag hindi siya sigurado. At least alam kong hindi naman ako talo.
Dinala niya ako sa Sunken Garden pagkatapos noong gabing nilabas ko sa kaniya lahat ng nararamdaman ko. I bottled up my feelings for years and it felt nice saying them out loud in front of her. Nawala na lahat ng emosyong dinadala ko sa dibdib ko.
Nang makita kong dala niya ang gitara niya at nag-strum siya, napangiti na lang ako bigla... dahil hindi ko na nakita sa mga mata niya ang sakit, galit, at lungkot. Masaya siya. Masaya siyang tumugtog nang walang pag-aalinlangan.
Alam kong Ginintuang Tanawin ang kakantahin niya... pero iba ang mga salitang narinig ko.
"Sulyap sa 'yo sa gitna ng katahimikan
Nakikinig sa pulso ng nararamdaman
Nagtama ang mga matang nagpapaisip
Kulay sa mga mukha ang sinag ng araw na sumisilip..."
She changed it into her own lyrics. Her own version. Her own words. Pabilis nang pabilis ang kabog ng dibdib ko habang pinapakinggan siya.
"Dumilim man ang buhay, ika'y nariyan
Magkatabi't sinisilayan ka...
Kumakalma, nabubuhayan
Tuwing kasama kita sa..."
Saka lang nag-sink in sa aking kinakanta niya ang kanta ko! Kanta ko 'yon ngunit kanta niya na rin ngayon dahil ginamit niya 'yon upang magpadala ng mensahe sa akin. Halos madura ko ang kinakain ko nang kantahin na niya ang chorus.
"Ginintuang tanawin sa ilalim ng langit
Ika'y kapiling ko... Sa pag-ihip ng hangin
Kasabay ng awitin... Ramdam ang palad mo
Kailan kaya maaamin ang iyong damdaming aking napapansin..."
Huh?! Napapansin niya na ba iyon noon?! Akala ko ay wala siyang kaalam-alam sa nararamdaman ko.
"Kulay kahel na langit... Nakitang gumuhit sa ganda ng mata mo..." Nag-strum ulit siya, hindi makatingin sa akin dahil sa hiya. "Nakikinig sa galaw mo ng gitara... Pansin ang kaba tuwing ika'y nasa aking tabi... Umaawit sa kislap ng 'yong mga ngiti... Hihiling na lang na sana'y ako ay huwag mong iiwasan..."
Hihiling na lang na sana'y ako ay huwag mong iiwasan? Tinutukoy niya ba 'yong panahong ni-reject niya ang confession ko para maprotektahan ang pagkakaibigan naming dalawa?
"Sa liwanag ng araw ika'y nariyan... Magkatabi't sinisilayan ka.. Kumakalma, nabubuhayan... Tuwing kasama kita sa..." Patuloy siya sa pagkanta.
"Via..." Napatakip ako sa bibig at lumingon sa ibang direksyon, namumula ang pisngi dahil nakarating kami sa tanong kung hanggang dito na lang ba ang aming pagkakaibigan.
She wanted to write music. For the first time... She admitted that she did. I felt so happy and proud of her progress. She was... trying.
"Hoy, Arkin, totoo 'yong bed scene n'yo ni Clea? 'Yong napanood natin!" Gulat na gulat ako sa tanong ni Yanna. Bakit biglaan?! Sa harapan pa ni Via!
"Ah, hindi..." Napakamot tuloy ako sa ulo ko, naiilang! "Tsaka hindi naman pinakita..."
"Ang galing n'yo rin doon, ah! Hoy, Via! Huwag ka ngang magpapatalo! Galingan mo rin!"
Ha?! Ano raw?! Ano bang pinagsasasabi nito?! Hinatak pa niya si Via sa gilid kaya naiwan kami rito ng asawa niya.
"You're filming adult movies now?" curious na tanong niya sa akin. "Is it hard?"
"Hindi! Kasama lang talaga sa script. Hindi naman pinapakita!" pagtatanggol ko sa sarili ko. "Ano 'yong... kinuha ni Yanna sa bulsa mo? Parang ibibigay niya kay Via."
"Oh..." Kinapa ni Hiro ang bulsa niya at natawa sa akin. "It's nothing. Don't worry about it. You're safe, bro."
"Huh?!" Anong safe pinagsasasabi nito?! Bakit?! May danger bang paparating?! Nanganganib na ba ang buhay ko?!
Saka ko lang naintindihan nang mahulog 'yon mula sa jacket ni Via. Alam ko na kung para saan 'yon. Parang hindi ko alam ang ginagawa ko! Pagkatapos naming gawin 'yon... sa loob pa ng dressing room... Nakatulala na lang ako pag-uwi.
"Tangina..." bulong ko at sinabunutan ang sarili ko. "Paano kapag hindi na 'ko kinausap noon?"
"Kakausapin ka pa noon."
"Pucha!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. "Anak ng... Bakit nandito ka na naman?!" reklamo ko kay Sevi.
"Bobo ka ba? Kanina pa ako nandito. Lakas ng amats mo, ah. Good shit ba 'yan?" pang-aasar niya sa akin.
Mababaliw na yata ako kakaisip. I was overthinking if I did it right. May nagawa ba akong... kakaiba? Hindi pasok sa panlasa niya? Did I go overboard? Baka bigla siyang mapabalik ng Spain nito, ah.
I tried so hard to give Via the peace of mind she wanted... to let herself feel free. I tried to protect her... but she was, again, got overwhelmed by my light.
"Via... Hey..." Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ang mga kamay niya. She was shaking badly. "Look at me... I'm here. We're safe here. Ako lang ang nandito..."
Hindi ko alam kung paano ko papagaanin ang loob niya. She was reliving her traumas. It reminded me of when she was a kid. She also used to cover her ears whenever her mom was yelling.
"I'm here... Hindi ako mawawala. Ako lang ang narito... Hindi kita iiwan, okay? Nakikinig ka ba sa 'kin? Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? Mahal kita... at poprotektahan kita kahit anong mangyari."
Noong dinumog siya ng media, alam kong lahat ng sasabihin ko ay mas makakasama pa para sa kaniya. I waited days for the issue to calm down before I scheduled an interview. I cannot lose her again... Not this time. Not ever.
"Kino... Tandaan mo 'to... Ikaw ang musikang gusto kong marinig ng lahat..."
Hindi na niya ako pinagdadamot. Hindi na siya madamot sa iba... at sa sarili niya. Masaya ako para sa kaniya kahit alam kong iiwan niya ulit ako. Kahit naman ganoon, mas importante pa rin sa akin ang kapakanan niya. Ang kasiyahan niya ang kasiyahan ko.
As long as she decided to do it for herself, I will always support her. Wala akong karapatang pigilan siya sa mga bagay na puwede niya pang maabot. She just gained her wings again... and I knew that she will use them to fly... in the right time. She will flaunt her talent to everyone.
"Sa Spain ka magpapasko?" tanong ni Mama sa akin.
"Opo... Susunod ako kay Via," sabi ko habang nag-iimpake. "Miss ko na siya, Ma..."
"Bahala ka, Kino. Malaki ka na," sabi naman ni Papa sa akin. "Basta, mag-uwi ka ng pasalubong. Huwag mong kalilimutang may concert ka pa. Baka mapasarap ang stay mo roon."
"Yes, Pa."
Inaasikaso ko na ang papeles para sa pag-move ko roon. Napagtanto kong... mas gugustuhin ko pala ng mapayapang buhay kasama siya kaysa mabulag sa sarili kong liwanag. She was there for me... all the time. It was my turn to be beside her again.
And I also promised myself that I will always stay with her... near her... or beside her. Kahit hindi bilang partner... Kahit bilang kaibigan lang.
"Anong dito ka na titira? Una sa lahat... ¿Hablas español? No. No sabe lo que está haciendo! Sube el taxi y ve a casa ahora mismo. Es mejor si no te quedas aquí!"
Nakatulala lang ako kay Via habang sinesermunan niya ako. Whoa... Ang galing noon, ah! Ang ganda ng accent niya! It was sexy! I could spend all day hearing Via speak Spanish, kahit mura-murahin pa niya ako.
Bandang huli, pumayag pa rin naman siya. Iyon nga lang... Ang boring dahil araw-araw siyang wala kaya naman bawat araw ay naghahanap din ako ng pagkakaabalahan ko. Kinaibigan ko na lahat ng mga may-ari ng shops na malapit sa apartment niya. Kadalasan ay mga matatanda. Ang bilis nilang maging kaibigan.
I wasn't being sweet to her to convince her... I just wanted to make her day better each day. It must be tiring to work in an architectural firm. Bukod doon, balita ko ay nagtuturo rin siya. Hanga talaga ako kay Via.
I had the chance to be free in Spain. Ang tagal kong nakatira sa spotlight. Hindi ko na alam kung papaano ang lugar sa labas. I could walk freely without covering my face. Walang nakasunod... Walang nagbabantay.
"Life is so good," bulong ko habang nakaupo sa bench at nakatingala sa langit. Ganitong buhay na ang gusto ko... kung papalarin ako.
I was ready to say goodbye to the cameras. The concert was the last spotlight that I will ever be in... for a long time... and I was glad to spend it with her.
"Ito 'yong duet song na sinulat natin noon, 'di ba?" tanong ko kay Via habang binabasa ang mga sinulat niyang lyrics. "Iniba mo na?"
"Mas maganda 'yong ngayon," sabi niya sa akin.
"Are you sure you want to sing this in my concert?" Naninigurado lang ako ulit dahil baka umatras na naman siya. Ayaw kong makaramdam na naman siya ng bigat sa dibdib niya.
Ngumiti siya at pinatakan ako ng halik sa labi. Nagulat ako roon, ah. "I'm sure. I know what I want to do, Kino."
"O-okay..." Nautal pa ako! "Uh... Via... If I ever ask you to marry me, what will you say?"
Kumunot ang noo niya. "Yes?" patanong pa iyon.
"Hindi ka ba sigurado?" Nagtatampo na ako! Bakit parang may question mark sa dulo noon?!
"Yes," malinaw na sabi niya. "Hindi pa ba proposal 'to? Nakakatawa. Kailangan mo pa talagang tanungin 'yan?" Ginulo niya ang buhok ko.
"Are you okay with public proposals?" Kailangan ko munang siguraduhin 'to sa kaniya.
"Whatever it is, Arkin... I will still say yes." Ngumiti siya sa akin kaya lumapit ako at hinalikan ang noo niya.
She was shining in my eyes. I knew she was happy. I knew that smile was genuine. Sa wakas... Pagkatapos ng ilang taon... Nakikita ko na siyang masaya.
"Ready?" tanong ko sa kaniya habang hawak ang kamay niya. Sa isang kamay ko naman ang microphone.
Tumango siya sa akin, nakangiti. Halatang kinakabahan siya... pero hindi siya umaatras. She was ready to face the crowd.
"Let us all welcome, Larkin Sanchez and Avianna Diaz!"
Nauna akong lumabas nang tumugtog ang kanta. Ito na 'yon... Ang kantang sinulat naming dalawa. Ang kantang magkekwento ng naranasan namin mula pagkabata, pagdating sa pagkahulog sa isa't isa, hanggang sa maging kami at naghiwalay... ngunit nakahanap muli ng pagmamahal sa isa't isa.
"Pagmulat ng mata, kasama na kita
Sinasangga ang laban, sa'n man tayo magpunta
Sunud-sunuran sa laruan hanggang sa eskwela
'Di na humiwalay, tayo na ba ang tinadhana?"
Nabibingi na ako sa sigawan ng mga tao... pero mas lumakas iyon nang naglakad palabas si Via habang kumakanta. Lumingon ako sa kaniya at inalok ang kamay ko.
"Nagkagusto man ako sa kaniya... Ikaw pa rin ang nais kong makasama... Walang iba," pagkanta niya bago hinawakan ang kamay ko.
"Bawat tingin, tono sa tenga'y humihiling... Pagkat sa bawat minuto, gusto kang pagmasdan." Nakatitig lang ako sa kaniya para basahin kung ano ang iniisip niya... Kung okay pa ba siya.
"Ewan ko ba, ano ba 'tong nadarama... Humahalo sa agos ng pusong takang-taka..." At siya muli.
Tumango siya sa akin para sabihing okay lang siya bago ako kumanta ulit, nakatingin sa kaniya. "Ikaw na ang laman ng musika... Bawat tinig sa gitara, sabay sa bagyo ng isip..."
"Paano nga ba sasabihin kung lumalim ang damdamin, hahayaan ba o aking aaminin? Paano na?" kanta niya. Bumitaw siya sa akin para maglakad sa kabilang side ng stage at hinayaan ko naman siya. "Pagtapos ng araw, ako lang at ikaw... Ganda ng ulap, ang damdamin ko'y umaapaw. Nakaupo, magkatabi't kasama ang gitara... Nakatingin sa 'yo, ramdam ang pusong guminhawa..."
Naglakad na rin ako papunta sa kabilang side para sa blockings naming dalawa. "Kaba sa puso nararamdaman... Ngayon na ba o kailan mo malalamang mahal kita?"
Nagsalitan muli kami sa pre-chorus at sabay naman sa chorus bago kami nakarating sa parte ng kanta kung saan namin kinwento kung paano kami naghiwalay. Masakit ngunit isa siya sa mga paborito kong sinulat.
"Paano na? Hindi ko na kayang manatili pa..." sambit niya.
"Huwag mo sa 'king sasabihing tama na..." Naramdaman ko ang kirot sa dibdib ko nang kantahin ko 'yon.
"Ayoko na. Sana hindi ka na nakilala..." pagkanta niya bago kami sabay ulit kumanta.
"Naaalala mong nangako ka, 'di ba?"
Naglakad na ulit ako pabalik para magtagpo kami sa gitna habang kumakanta siya. "Ikaw pa rin ang laman ng musika... Bawat sigaw ng melodiya... Sabay sa tibok ng puso..."
Hinawakan ko ang pisngi niya habang nakatingin siya sa akin. Bumaba ang hawak ko sa kamay niya na nilagay ko sa dibdib ko. "Habang-buhay, hawak-hawak ang iyong kamay... Mananatili sa iyong tabi..."
"Pangako, 'di ka bibitawan..." sabay naming pagkanta. Isa na rin iyong pangako para sa amin. "Pangako, 'di ka bibitawan..."
Hindi ko na narinig ang mga sigawan at palakpakan ng mga tao dahil mas nakatuon ang atensyon ko kay Via. She smiled at me and hugged me tightly in front of everyone. Hinalikan ko ang noo niya habang pinapakiramdaman ang tibok ng puso niya.
"I love you," sabi niya sa akin.
Nang bitawan niya ako, napatitig ako sa mga mata niya. She looked so happy... and it was enough to make me smile.
"I love you, Via..." I reached for my pocket before kneeling one knee in front of her. Nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa paligid. Lahat sila ay nanonood. Maraming camera, maraming tao.
"Arkin! Siraulo ka talaga. Ito pala ang pinaplano mo," mahinang sabi niya sa akin para hindi marinig sa microphone. "Yes na nga, 'di ba? Tumayo ka na riyan!"
"Magtatali lang ako ng sapatos ko, Via," sabi ko sa kaniya. Narinig pala 'yon sa microphone kaya nagtawanan ang lahat.
Peke siyang ngumiti sa akin bago ako tumayo at binalik ang box sa bulsa ko. Maybe... I wanted to do it in some other time... I wanted it to be private between us, although she already agreed.
"Again, a round of applause for my girlfriend, Avianna Rye Diaz! Mi amor," sabi ko sa microphone. Kinurot pa niya ako sa baywang dahil sa hiya.
"Thank you po." Nag-bow pa si Via, nahihiya. "Puwede na bang bumalik? Nahihiya na ako," bulong niya sa akin pero narinig na naman sa microphone. "Ay, putek..."
"Pagpasensyahan n'yo na. Hindi sanay 'to pero... Ang ganda ng boses, 'di ba?! We wrote the song together... It was arranged chronologically from when we were childhood friends, then highschool when I realized that I liked her... pero may gusto siyang iba... Until college came and we realized that we loved each other then. But things went south and we had to separate, but look at us! We found ourselves back in each other arms again!"
"The song is entitled Ikaw Ang Musika... because our passion for music became our bridge. It led us to each other again even after taking different paths. Our music... is our sign of love. Our commitment to each other," dagdag niya rin.
At kahit anong mangyari, siya ang magiging laman ng musika ko.
"And... Cut! Pack up na, Arkin! Yehey!" tuwang-tuwa si Via nang siya na ang magsabi noon para sa akin. We were shooting a Filipino movie in Spain.
Ngunit hindi na ako ang nasa harap ng camera.
"Pahinga na, direk!" sabi sa akin ng staff ko.
"Kayo rin. Pahinga muna kayo. Mukhang uulan pa..." Tumingin ako sa langit bago ko binaba ang script na hawak ko sa gilid. Masaya namang tumakbo si Via sa akin para yakapin ako. "Mahal!"
"Good job!" puri niya sa akin. "Rest na..."
Ngayon lang siya bumisita sa set kaya ngayon lang din niya ako nakitang nagtatrabaho. Palagi kasi siyang busy. Hindi niya plinanong umalis sa firm nila pero nagsusulat pa rin naman siya ng mga kanta para sa iba. She was officially signed as a songwriter under my recording agency. Ang dami na niyang naka-collab na artists. Mukhang masaya naman siya sa ginagawa niya.
"Tungkol saan ulit 'yong movie?" curious na tanong niya sa akin at kinuha ang script.
"Tungkol sa atin," sagot ko sa kaniya at ngumisi.
Akala niya ay nagbibiro ako hanggang sa mabasa niya ang script. May mga linya roon na sinabi niya talaga sa akin. Napaawang ang labi niya at pumunta kaagad sa dulo para tingnan kung paano 'yon nagtapos.
"Nag-propose ka?" tanong niya sa akin. "Hindi naman!" Tinaas niya ang kamay niya at pinakita sa akin. "Walang singsing dito! Sinungaling 'tong script!"
Tumawa ako at nilabas ang box sa bulsa ko. Walang pag-aalinlangan kong kinuha ang kamay niya at sinuot ang singsing doon. "Ngayon, mayroon na."
"Kino!" Napatakip siya sa bibig niya at hinampas ako sa braso. "Wala talagang tanong? That's not a proposal!"
Napatitig ako sa kaniya habang nagrereklamo siya sa akin. God... She was so cute. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa noo.
"Will you be my endgame?" seryosong tanong ko sa kaniya.
Natahimik siya bigla sa tanong ko. Nakita kong agad namula ang pisngi niya habang nakaiwas siya ng tingin sa akin. "Yes..." mahinang sabi niya. "Duh... Sabi ko sa 'yo... Yes naman talaga ang isasagot ko..."
"Eh, bakit nagrereklamo ka pa?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi kasi iyon ang nasa script." Pinakita niya sa akin ang papel. "Teka, anong title ng movie?"
"Golden Scenery of Tomorrow," sagot ko.
Red, orange, yellow... The colors of sunset always reminded me of her. The golden scenery that witnessed how we started, ended... and started all over again.
The sunset may represent another end... but it always gave me hope for a good tomorrow. A chance to be with each other again.
This is Director Larkin Olivier D. Sanchez,
saying goodbye to the cameras.
- END -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro