Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

50


"Ano?! Ano'ng sinasabi mo?! Bakit ka ba nandito?!" 


Napasigaw siya nang hampasin ko siya sa braso at umatras pa para ilagan ang tulak ko. Tinaguan pa niya ako at nagtago sa may pader malapit sa fire exit na parang tutang napagalitan. Saka ko lang natandaang kasama ko pala si Pauline nang mapaupo siya sa sahig, nakatakip sa bibig niya. 


"Pau, tumayo ka riyan!" Hinatak ko ang palapulsuhan niya para tumayo siya pero nanghihina ang tuhod niya. "Saka na tayo mag-usap. Umuwi ka muna." 


Hinatak ko si Arkin at ang maleta niya papasok ng apartment ko dahil hindi naman kami pwedeng mag-usap sa labas. Pinaupo ko siya sa may sofa at tumayo sa harapan niya habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.


"Anong dito ka na titira? Una sa lahat... ¿Hablas español? No. No sabe lo que está haciendo! Sube el taxi y ve a casa ahora mismo. Es mejor si no te quedas aquí!" sunod-sunod na sermon ko sa kaniya. 


Nang mapansin kong nakatulala na lang siya sa akin at nakaawang ang labi, tumigil na ako sa pagsasalita ko. Napasapo ako sa noo nang ma-realize na sunod-sunod na pala akong nag-Spanish sa harapan niya. 


"See? Hindi ka nga marunong mag-Espanyol tapos titira ka rito? Tsaka... Bakit hindi ka nagsasabi beforehand? Nanggugulat ka na lang dito bigla! Isa pa... Hindi ba may school ka pa, huh?!" pagpapatuloy ko ng sermon. 


Kinamot niya 'yong isa niyang tainga at pasimpleng tinakpan 'yon habang nakaiwas ng tingin. Napailing ako sa kaniya at pumunta munang kusina para uminom ng tubig at pakalmahin ang sarili ko. Nang makabalik ako ay prenteng nakasandal na siya roon na parang bahay niya 'yon. 


"Hello," bati niya ulit sa akin at ngumiti. "Okay, bago ka magalit... May school nga ako pero sembreak na ngayon! I'll live here for a month and I'll go home at the end of January to finish my sem. Chill ka lang!"


"Hindi mo kasi nililinaw kaagad." Binato ko siya noong maliit na unan at tumawa naman siya nang masalo niya 'yon. 


"No but after I graduate, dito na rin ako titira. Inaayos pa 'yung papeles ko," seryosong sabi niya sa akin.


"At bakit dito ka na titira, huh?" Tinaasan ko siya ng kilay.


"Kasi dito ka nakatira?" Tinaasan niya rin ako ng kilay na para bang sinasabing 'Obvious ba?' 


Grabe, unbelievable! Ano bang naisip ng lalaking 'to at bigla na lang sumunod dito? Simula pagkaalis ko, kahit kailan ay hindi ko naisip na gagawin niya 'to! Na susundan niya ako. Akala ko iyon na talaga ang wakas naming dalawa pero... Ang kulit talaga! 


"At paano ang trabaho mo, huh?" Tinaasan ko siya ng kilay. 


"Dito ako magtatrabaho?" sagot niya rin na para bang napakasimple noon! "May mga kilala akong direktor dito, Via. Magtatrabaho muna ako sa kanila para kumuha ng experience tapos... unti-unti na 'yon! Huwag kang mag-alala! Alam ko ang ginagawa ko!" 


"Talaga?" Sarkastiko akong natawa. "Parang hindi naman, Arkin. Parang nagising ka lang isang araw tapos naisip mong miss mo na ako kaya sumunod ka rito kung makagawa ka ng desisyon!" 


"Hala, paano mo alam?" inosenteng tanong niya kaya napasapo ako sa noo ko. Gulat na gulat pa siya at aminadong iyon nga ang nangyari!


Jusko, mas nakaka-stress pa si Arkin kaysa sa mga estudyante ko! Ano bang gagawin ko sa lalaking 'to? Saan ba 'to pinaglihi, huh? Kung makadrama pa siya noong umalis ako, akala ko naman matagal bago kami magkita ulit! 


"So dito ka magpapasko?" Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko ang sinabi niya kanina. December na kasi at sabi niya dito siya titira. 


"Oo! Dito tayo magpapasko!" Tuwang-tuwa pa siya. Napakasimple niyang tao! 


"At saan ka titira, huh?" 


"Dito!" Tumingin pa siya sa paligid at tumayo, hawak-hawak na ang maleta niya. "May extra room ka ba? Sige na, Via... Wala akong binook na hotel... Hindi ko naisipan 'yon, ah." 


Teka... Paano muna niya nalaman ang apartment ko?! Ipapapulis ko 'to, eh! Stalker! Sino ang nagsabi? Nabanggit ko ba 'yon dati? Ah, wait... 


"Sinabi ba ni Papa sa 'yo kung saan ako nakatira, huh?!" Kinurot ko ang baywang niya kaya napalayo siya sa akin.


"Aray ko, Avianna! Oo! Tinanong namin sa Tita mo! Surprise nga, eh! Alangan tanungin kita mismo!" reklamo niya pa sa akin. "Eh 'di hindi ka na na-surprise?!" 


Surprise?! Hindi itong klase ng surprise ang inaasahan ko sa buhay ko! Alam kong wala naman akong magagawa dahil hindi ko naman siya pwedeng palayasin at hayaang magpalaboy-laboy sa daan dahil malamig. Kawawa naman 'to!


"Wala akong extra room," sabi ko dahil maliit lang naman ang apartment ko. "Kaya matutulog ka sa sofa."


"Ang damot! Walang kama?" Aba! Nag-request pa 'tong ugok na 'to. Kumakapal yata ang mukha ni Larkin Sanchez.


"Mag-hotel ka kung gusto mo." Napailing ako sa kaniya at pumasok sa kwarto ko para kumuha ng damit. Maliligo muna ako at galing ako sa labas. Bahala na si Arkin doon sa labas. 


May Christmas break doon sa school namin kaya hindi ko na kailangang pumasok sa mga susunod na araw. Nariyan naman na si Tita para asikasuhin ang mga pinasa ng mga estudyante. Iyon nga lang, sa trabaho sa firm, kailangan ko pa ring bumisita sa mga sites. 


Pagkaligo ko, nakita kong may kausap si Arkin sa phone at nakatayo roon sa may kusina. Mama niya yata dahil narinig ko ang tawag niya. Kinuha ko ang jacket ko para bumili ng makakain namin dahil hindi pa ako nakakapag-grocery. 


"Saan ka pupunta?" tanong niya at binaba ang phone.


"Bibili ako ng pagkain sa labas," sagot ko sa kaniya. 


"Sama ako! Wait!" Tumakbo siya roon sa may maleta niya at binuksan 'yon para kuhanin ang coat at scarf niya dahil malamig na sa labas. Hindi pa niya naiikot nang maayos ay naglakad na siya palabas.


Sinara ko ang pinto at humarap sa kaniya para ayusin ang scarf niya sa leeg. Natigilan siya saglit at natulala sa akin habang ginagawa ko 'yon. Nang taasan ko siya ng kilay ay napaiwas na siya ng tingin at tinalikuran ako para maglakad na paalis na parang alam niya kung saan pupunta. 


"Buenas noches! Le encargo..." Tumingin ako sa menu bago siniko si Arkin. "Ano sa 'yo?" Napakatagal niyang sumagot kaya ngumiti ulit ako sa nagtitinda. "Ah... ¿Nos puedes dar un minuto más, por favor? Gracias."


"Hindi ko maintindihan." Tinuro ni Arkin ang menu at napakamot sa ulo. "Kahit ano. 'Yong mukhang masarap na lang." 


Kinuha ko na lang ang pagkaing pareho ng sa akin at naghintay kami roon sa labas dahil wala nang pwesto sa loob. Pasta lang iyong in-order ko na sigurado namang magugustuhan niya. Habang nakatayo kami sa may gilid ng daan ay binulsa ko muna ang mga kamay ko sa loob ng jacket ko dahil malamig. 


"'Yong totoo, Larkin... Bakit ka nga nandito?" tanong ko sa kaniya at sumandal sa may lamp post. 


"Hmm... For the whole month, I'll convince you to work for me!" Ngumiti siya sa akin. "And go to my concert! It will be held this January! Last concert ko na yata 'yon kaya gusto kong pumunta ka..." 


"Last concert?" Kumunot ang noo ko. 


"Magfo-focus na muna ako sa pagiging direktor. Hindi naman sa last concert ko na habangbuhay dahil gusto ko pa rin kumanta pero mukhang matagal bago ang kasunod... Magre-retire na rin ako sa pagkuha ng movie or teleserye projects." 


"At nandito ka para kumbinsihin ako?" Natawa ako sa kaniya at umiling. "Ngayon pa lang, sinasabi ko na sa iyo... No. Hindi ako uuwi ng Pinas. Kararating ko lang dito!" 


"Hep!" Tinakpan niya ang bibig ko. "Huwag mo muna akong bigyan ng sagot! May one month pa ako, Via!"


Tinanggal ko ang takip niya sa bibig ko dahil tinawag na ako noong waiter, dala-dala ang paper bag namin. Nagpasalamat ako at naglakad na ulit pauwi sa may apartment habang nakasunod si Arkin sa akin. 


"Sarap, ah! Lasang Spain!" sabi ni Arkin habang kumakain kami sa dining table. 


Mabuti na lang at naglilinis ako palagi ng apartment pagkagising sa umaga kaya maayos tingnan ang lugar. Nakakahiya kung ganoon pero mukhang wala rin namang pakialam 'tong isa. 


Pagkatapos namin kumain ay naligo na rin siya at pinuntahan ako sa may sofa. Kinuha ko ang gitara ko sa gilid at nag-strum dahil masyadong tahimik. May kinuha naman siya sa maleta niya bago umupo sa tabi ko. 


"Saan mo nakuha 'yan?!" gulat na tanong ko nang makita ang painting na ginawa ko para sa anniversary namin noon. Sinubukan kong abutin pero nilayo niya sa akin. I just realized that I didn't get the chance to give it to him.


Ang painting kung saan nanonood kami ng sunset sa Sunken Garden habang nakatalikod at may hawak siyang gitara. Iyon 'yong araw na kinanta niya sa akin ang sinulat niyang kanta. Ginintuang Tanawin. Ang tagal na pala noon. 


"Hindi mo man lang binigay sa 'kin 'to..." Binasa niya pa ang note sa likuran ng canvas! "Happy anniversary, my love... I hope-"


"Isa," pagbabanta ko sa kaniya kaya tumigil kaagad siya at tinawanan ako. Nilapag niya iyon sa lamesa at sinandal sa vase para nakatayo at nakikita ko. 


Looking at the painting brought so many memories back. At that time... I really did not know what to say. I was hoping not to get a chance to ruin our friendship. Sinubukan kong protektahan nang maigi ang pagkakaibigan naming dalawa dahil ayaw ko siyang mawala sa buhay ko pero iba ang nangyari. For once, I was ready to risk our friendship just to get that assurance.


It turned out worse than expected. Akala ko ay magbabago na talaga ang lahat sa amin. Akala ko ay nagwakas na kami pero narito na naman ang lalaking 'to sa harapan ko! 


"How are you holding up?" tanong niya bigla sa akin habang nakangiti nang tipid. 


Sumeryoso tuloy ang mukha ko at napaiwas ng tingin sa kaniya. "I'm doing so well," totoong sagot ko sa kaniya. "Pakiramdam ko malapit ko nang makamit ang gusto ko."


"Ano ba ang gusto mo?"


"Well... I'm afraid of people... of crowds. Ang gusto ko, ma-overcome ko ang takot ko na 'yon. Gustong-gusto ko mang pumunta sa concert mo, Kino... Natatakot akong baka bumalik na naman ako sa umpisa. Baka hindi ko kayanin... Pero... Sinusubukan ko... Alam ko naman sa sarili ko kung kailan ako magiging handa." 


Matagal siyang napatitig sa akin bago lumaki ang ngiti niya at ginulo ang buhok ko, tumatawa. Pagkatapos ay inayos din niya at hinawakan ang pisngi ko. 


"Hindi naman ako nagmamadali... Ikaw naman ang makakapagsabi kung kailan mo gusto. Kahit anong desisyon naman ang ibigay mo sa akin, tatanggapin ko... pero next month ka na mag-decide." 


Kinuha niya ang gitara mula sa akin at sumandal sa sofa. Nakatingala siya sa kisame habang tumutugtog ng gitara at kumakanta ng kung ano mang maisip niya. Nakinig na lang din ako habang nagtatrabaho sa laptop ko. 


Kinabukasan, halos mahimatay ako nang makitang may lalaking natutulog sa sofa! Hindi ako sanay na narito siya! 


Kailangan kong pumasok sa trabaho pero ayaw ko naman siyang gisingin kaya nag-iwan na lang ako ng note sa may ref. Nilutuan ko na rin siya ng breakfast bago ako pumunta sa site. Buong araw akong wala kaya hindi ko rin alam kung anong gagawin ni Arkin doon. 


"Bakit ang aga mo naman uuwi, Via?" tanong ng Tita ko pagkabalik ko sa firm. Nag-kape lang ako saglit doon pagkatapos ng meeting at kinuha ko na ulit ang mga gamit ko. "Dati, overtime ka pa, ah..." 


"Ah... May pupuntahan lang po," sagot ko sa kaniya. 


"Oo nga pala... Via... Kung gusto mong umalis sa trabaho at manatili na lang sa Pinas, pwede ka namang magsabi sa akin. Marami akong kakilala roon at mare-recommend kita sa ilang firms. Hindi mo na kailangan magtrabaho sa akin," mahinahong sabi niya sa akin.


"Ah... Dito po muna ako."


Hindi pa ako handang bumalik ulit sa simula. Alam kong kapag lumipat ako ng trabaho, panibagong kumpanya 'yon, panibagong mga tao, environment, mga boss, projects... Hindi ko alam kung kaya ko nang makihalubilo sa iba, lalo na't kalat sa Pinas ang relasyon namin ni Arkin. 


Pagkauwi ko sa apartment ay hindi ko nakita si Arkin. Mukhang lumabas siya saglit. "Lumabas siya?!" gulat na tanong ko sa sarili ko nang mapagtanto 'yon. 


Nilapag ko lang ang gamit ko at naglakad na ulit palabas para hanapin ang lalaking 'yon! Nakita kong iniwan niya ang phone niya sa lamesa kaya nag-alala ako! Hindi siya marunong mag-Espanyol at hindi rin siya pamilyar sa lugar! Baka kung ano na nangyari doon! 


Kung saan-saan na ako napadpad kahahanap sa kaniya. Hingal na hingal na ako at nakahawak na lang sa tuhod ko nang makita ko ang pamilyar na lalaki sa may gilid ng daan, bumibili ng bocadillo. 


"Kino!" inis na sabi ko nang maglakad ako palapit. "Kanina pa kita hinahanap!"


"Via, buti nahanap mo 'ko!" At mukhang natutuwa na naman siya. "Gusto mo?" Inalok niya pa ako noong sandwich pero umiling ako sa kaniya.


"Bakit lumalabas ka tapos iniiwan mo phone mo, huh?" 


Napakapa tuloy siya sa pantalon niya at mukhang ngayon lang nalaman na hindi niya nadala ang phone niya. Napasapo siya noo niya at tumingin sa paligid. 


"Pucha, oo nga 'no?! Buti nahanap mo 'ko! Hindi ko na alam ang daan pabalik!" Nakita ko ang panic sa mga mata niya. Ano bang gagawin ko sa lalaking 'to? 


"Sana hinintay mo 'ko bago ka lumabas," sabi ko habang naglalakad kami. Nakasunod siya sa akin habang kinakain iyong sandwich na binili niya. 


"Ang boring kaya. Wala akong ginagawa roon. Ang astig nga, Via! Nakalalabas ako nang walang lumalapit sa akin! Nakakabili ako ng street food. Wala akong takip sa mukha, oh. Tingnan mo!" Huminto siya sa harapan ko at pinakita ang mukha niya.


I felt bad and happy at the same time. I felt bad that he could feel happiness by just walking outside with no one following him. He looked so at peace with it. Parang ngayon na lang siya nakalabas ulit nang hindi nagtatakip ng mukha. It was the only time he felt free. 


Kilala pa rin naman siya rito pero hindi naman nila mapapansin unless titingnan nila nang maigi. Wala namang umaasang narito si Arkin sa Spain. Maiisip nilang baka kamukha lang. 


"Kaya ba gusto mong tumira sa ibang bansa?" tanong ko sa kaniya. Naramdaman kong hindi lang ako ang rason kung bakit niya napiling dito tumira. Nakadagdag lang talaga ako sa decision-making process niya. 


"Hmm, oo. Masaya palang maglakad sa labas nang walang inaalala." Nagkibit-balikat siya sa akin. "I told you... I want to work behind the cameras now. I want my privacy back kahit mukhang imposible." 


"At bakit dito?"


"Kasi nandito ka," simpleng sagot niya na naman. 


Ganoon ang naging routine namin araw-araw. Papasok ako sa trabaho habang tulog pa siya at habang wala naman ako ay nag-iikot siya mag-isa sa labas, ine-enjoy ang freedom niya. Pagkauwi ko, minsan may mga dala pa siyang kung ano-ano. Nagkekwento rin siya ng mga na-experience niya sa labas.


"May nakilala akong lola sa baba, 'yong may-ari ng flower shop. Magaling siya mag-English. Tinuruan niya ako mag-Spanish. Ah... La florería..."


"Flower shop. Ano pa?" tanong ko habang nag-aayos ng groceries. 


"Buenos días. Buenas tardes. Buenas noches," pagsabi niya ng mga greetings. Natatawa ako habang pinapakinggan ko siya. 


"Ano pa?" Entertaining pala siyang pakinggan. Para siyang batang naka-discover ng kung ano at hindi na matigilan ulit-ulitin 'yon. Ang accent pa niya... Well, he will improve soon. "Ano pang naturo sa 'yo?" 


"Te ves muy guapa," seryosong sabi niya habang nakatitig sa akin. 


Natigilan ako at nahulog pa ang mansanas na hawak ko. I cleared my throat and let out a fake cough to ease the awkwardness. He just said I looked beautiful! Napaka-random! Pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko. Napahawak tuloy ako roon. 


"Tumulong ka rito," sabi ko na lang sa kaniya. Nakangisi na siya ngayon dahil nakita ang reaksyon ko sa sinabi niya. 


Bawat balik ko galing sa trabaho ay pinaparinig niya sa akin ang mga bagong salitang natutunan niya. Tinuturuan ko rin siya kung paano bigkasin nang maayos. Unti-unti na akong nasasanay na naroon siya sa apartment ko. 


I also told my therapist about him and she asked what I was feeling because I was surrounded by his presence. Surprisingly, I said I... liked it. I never felt alone now. Dati kasi, nalulungkot ako kaya madalas akong nagpapalipas ng oras sa labas. Ngayon, maaga na akong umuuwi. Minsan, sinasamahan ko siyang mag-ikot sa labas, lalo na kapag hindi gaanong malamig. 


He was still bringing me comfort, kahit anong mangyari. The season was cold but I felt warm with Arkin's presence. Masaya akong sumunod siya rito at sinamahan niya ako kahit hindi naman kailangan. 


Pagkapasok na pagkapasok ko sa apartment ko galing sa trabaho, napaatras kaagad ako dahil bumungad ang isang bouquet sa harapan ko. Binaba 'yon ni Arkin at ngumiti sa akin. 


"Para saan 'to?" tanong ko sa kaniya bago kuhanin ang bouquet. Napakaganda ng arrangement at ng mga bulaklak na nakalagay. 


"Wala lang. Do I need a special occasion to give you flowers?" Tinaasan niya ako ng kilay at ngumisi. "They are called 'just because' flowers. I have no reason to give them. I just want to... just because."


"Thank you..." nahihiyang sabi ko. Binili niya siguro 'to sa flower shop sa baba. Magkaibigan na sila noong matandang nagbebenta roon, eh. Lagi rin siyang tumatambay roon at tumutulong magbuhat ng mga paso. 


Bawat uwi ko yata ay may bago siyang pinagkakaabalahan dahil kinabukasan, naabutan ko na naman siyang may ginagawa sa sofa. He was learning how to knit. Ang sabi niya ay tinuruan daw siya noong isa pang matandang may-ari naman noong clothing store sa tapat ng apartment. Lahat na yata rito ay kinakaibigan ni Arkin. 


"Oh..." Tumingin siya sa akin. "Te quedan muy bien esas gafas."


Nagulat na naman ako sa sinabi niya. He said I looked good in my glasses. Tumalikod ako sa kaniya at nagmamadaling pumasok sa kwarto ko. Napasandal ako sa may pinto habang hinahabol ang hininga ko. Hinawakan ko ulit ang pisngi kong nag-iinit. 


"Saan niya ba natututunan 'yon?" bulong ko sa sarili ko. Mababaliw na yata ako! Bawat araw ay iba-ibang compliment ang binibigay niya sa akin. Spanish pa. Mukhang iyon lang ang mga gusto niyang matutunan. 


Kinabukasan, umuwi ako pagkatapos kong mag-jogging sa labas. Umuwi akong may dala-dalang breakfast para sa kaniya bago ako pumasok sa trabaho pero gising na rin pala siya. 


"Wow, esa camiseta te queda muy bien." He complimented my shirt now. He said I looked very good on it. Fitted pa 'yon kaya napailing ako sa kaniya. 


"Eat your breakfast." Nilapag ko ang paper bag sa may lamesa. "Solo has estado estudiando español dos semanas, pero hablas muy bien," sabi ko naman sa kaniya. 


"Ha?" naguguluhang tanong niya sa akin. "Slowly, please..."


"Ang sabi ko, halos two weeks ka pa lang nag-aaral ng Spanish pero ang galing mo na magsalita," pagpapaliwanag ko. "Iyon nga lang, puro kaharutan yata ang inaaral mo." 


Tinawanan niya ako at humiga ulit sa sofa. "Eres muy divertido, mi amor," he said in a sexy accent. 


I was funny? And wait... did he just call me love? I bit my lower lip and turned my back against him, tinatago ang mukha ko. He really had his own way to make me feel flustered. Tuwing gumaganiyan siya ay hindi ko alam ang gagawin ko. 


"Blushing, eh?" pang-aasar niya pa. "¿Por qué? ¿Me amas?" Why? Do you love me?


Bakit ang dami na niyang nalalaman? Alam kong dati pa, fast-learner na talaga siya kaya hindi siya mahihirapang mag-adjust pero 'yong mga salitang 'yon, bakit alam niya na rin?! O baka naman iyon talaga ang mga gusto niyang aralin? 


Hindi ako sumagot kaya mas lalo siyang nagpakawala ng nakakaasar na tawa. Noong sumunod na linggo ay pasko na kaya lumabas kami para mag-celebrate. Punuan ang mga restaurant pero nakapag-reserve siya para sa amin dahil kinaibigan niya na rin 'yong may-ari noon! Magaling din daw mag-English. 


It was a formal dinner so I was wearing a white satin dress and the knitted scarf he made for me underneath the coat. Nag-ipit din ako ng bun at nag-heels para naman maayos akong tingnan. We had a wine 'date.' Ang sabi niya, date raw 'yon, eh. 


"I have a gift for you," sabi niya sa akin. "Pero nasa apartment mo." 


"Akala ko ba no gifts this Christmas?" tanong ko sa kaniya. Kung alam ko lang, sana naghanda ako ng something. Madaya! 


"Pagbigyan mo na ako. You don't have to give me anything." The side of his lips rose up before raising his wine glass. "Cheers? Merry Christmas, mi amor." 


"Merry Christmas," sabi ko bago pinagdikit ang baso naming dalawa. 


Pagkauwi namin ay tinakpan pa niya ang mga mata ko para surprise daw ang regalo niya! Nabunggo-bunggo na tuloy ako dahil hindi niya ako inaalalayan nang maayos! Siraulo rin talaga ang lalaking 'to. 


"Ta-da!" excited na sabi niya nang alisin ang mga kamay sa mga mata ko. 


Napaawang ang labi ko nang makita ang isang case ng gitara sa may sofa. May balot pa iyong ribbon. Lumapit kaagad ako at binuksan 'yon. 


"Arkin..." hindi-makapaniwalang sambit ko nang makita ko ang bagong gitara. It was a new beige-colored guitar with my name engraved at the bottom of the wood. VIA. 


"It's time to let go of the past, Via..." Tiningnan niya ang luma kong gitara. Gitara iyon ni Mama na ginagamit ko pa rin at inaalagaan. "You can use this for your future works." 


Hinawakan ko ang gitara at nilapag sa binti ko. Inayos ko ang tono bago ko tinugtog. The first strum felt so surreal. Ang ganda. 


"Thank you..." Pakiramdam ko maiiyak ako nang tumingala ako sa kaniya. Nakaupo kasi ako at nakatayo siya sa harapan ko.


"Akala ko hindi mo tatanggapin. Phew..." Nakahinga siya nang maluwag at humawak sa dibdib niya. 


"May regalo rin ako sa 'yo..." 


Nanlaki ang mga mata niya sa gulat dahil hindi niya inaasahan 'yon. Nilapag ko ang gitara sa gilid at tumayo para may kuhanin sa kwarto ko. Pagkabalik ko ay pinakita ko sa kaniya ang papel na hawak ko.


"Via?!" Hindi rin siya makapaniwala nang makita ang flight details ko.


"I'm going to attend your concert," pagkumpirma ko sa kaniya. "And... I want to write music for you, Arkin." 


Napatitig siya sa akin nang matagal bago mabilis na naglakad sa akin papalapit. Sa sobrang tulin ay muntik pa akong mapaatras dahil bigla niya akong hinalikan habang hawak ang mukha ko. Napapikit ako at pinalupot ang mga braso ko sa leeg niya, tinatanggap ang halik niya. 


"Sigurado ka ba?" tanong niya ulit sa akin. "Wala pang isang buwan." 


"I know when I'm ready, Arkin," nakangiting sabi ko bago ko hinalikan ang pisngi niya. "And I'm ready now." 


Niyakap niya ako nang mahigpit at hinaplos ang buhok ko. I never thought that this day would come but I hoped... I really hoped for it. 


"En caso de que te lo estés preguntando... yo también te quiero..." bulong ko sa kaniya. 


"Huh?" Binitawan niya ako, naguguluhan sa sinabi ko. "I understood a few... Ang bilis mong magsalita, Via. Ano 'yon?" 


"In case you're wondering... I love you too," ulit ko. 


Narinig ko ang mura niya bago siya umatras palayo sa akin, hindi makapaniwala. Tinakpan niya ulit ang bibig niya gamit ang dalawang kamay na ngayon habang tumitingin sa paligid, hindi mapakali at gustong sumigaw. 


"Totoo?!" tanong niya ulit sa akin. Nang tumango ako, napamura ulit siya. "Shit... Merry Christmas! Holy..." Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya. 


And then I just found myself on a plane with him. Nakatingin ako sa labas habang lumalapag ang eroplano sa Pilipinas. Kakaalis ko lang ay narito na naman ako. 


"Sayang ang luha ko, Via! Uuwi ka rin pala!" sabi sa akin ni Luna. Nauna na akong lumabas dahil alam kong may mga naghihintay kay Arkin. Mukhang hindi naman nila ako napansin kaya mabuti 'yon. 


"Babalik din ako pagkatapos ng concert... May trabaho pa ako," sabi ko sa kaniya. 


"Ang dami mong pera. Pabalik-balik ka ng Spain," pang-aasar ni Sevi sa akin. 


"Si Arkin ang nagbayad dahil siya ang nagpumilit umuwi ako rito." Napailing ako at nilagay ang case ng bago kong gitara sa likod ng sasakyan. 


"Deserve," sabi naman ni Kierra. "Na-miss ka pa rin namin, ah." 


Magkahiwalay kami ni Arkin ng sasakyan dahil doon siya sa van niya habang ako ay sa sasakyan ni Luna. Wala si Yanna at may flight pero susunod naman siya sa amin. 


"Tita Via!"


Lumaki ang ngiti ko nang makita si Avi na tumatakbo papunta sa akin. Tumambay muna sina Luna sa bahay namin kaya dito rin sumunod si Yanna. Hindi ko inaasahang dadalhin pala niya si Avi! 


"Avi!" Niyakap ko siya nang mahigpit at hinaplos ang buhok niya. "I missed you."


"Via!" Tumakbo rin si Arkin sa akin. Kararating lang niya at inagaw na niya ako kay Avi para yakapin. "Na-miss din kita!" 


Sumimangot ako sa kaniya at tinulak siya dahil kausap ko iyong bata! Sumisingit pa siya! Tinawanan tuloy siya nina Sevi at sinabing deserve niya ang matulak. Ngumuso tuloy siya at niyakap pa rin ako patalikod habang nakikipag-usap ako sa bata. 


"Kasura, oy!" reklamo ni Yanna. "Dikit na dikit na naman kayo sa isa't isa! Respeto sa single! Hindi ako 'yon pero sige."


"Salamat, Yanna. May nasabi ka ring maganda," sabi naman ni Sevi. 


"Mukha kang tae, Sevi," pambabara naman ni Yanna. 


Habang palapit nang palapit ang concert ni Arkin ay palala nang palala ang kabang nararamdaman ko... pero wala naman akong balak umatras. 


Alam kong hindi naman ako iiwan ng pamilya ko at ng mga kaibigan ko kahit anong mangyari. Just by having them beside me was enough to give me strength.


"Are you sure about this?" tanong ni Arkin sa akin sa mismong araw ng concert niya. 


Tumango ako sa kaniya at hinalikan siya sa noo. "I'm more than sure. It's time to face my fears." 


"I'm always so proud of you, okay?" Hinaplos niya ang buhok ko. "Kaya mo 'to... Kaya natin 'to." 


Tinatapik-tapik ko ang mga daliri ko sa may tapat ng vanity table habang naghihintay. When the concert started, I heard the loud screams from outside. Napapikit ako at huminga nang malalim. Mag-isa lang ako sa dressing room para mapakalma ko ang sarili ko. Wala si Arkin dahil pumunta na siya roon sa stage. 


He also had guests over. Napadilat ako nang marinig kong may kumatok sa pinto pero kumalma rin ako nang makita kung sino 'yon.


"Hi, how are you? Feeling good?" tanong ni Clea bago umupo sa tabi ko. 


"Okay lang... Kinakabahan lang ako tuwing naririnig ko 'yong mga sigaw," sabi ko sa kaniya.


Nang mapansin niyang kanina ko pa tinatapik ang mga daliri ko ay hinawakan niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil.


"I admire you as a person," nakangiting sabi niya sa akin. "You're a brave woman. I'm rooting for you, your career, life, and relationship with Arkin. It won't be full of rainbows but it won't be full of storms either. You guys are made for each other. I witnessed that." 


"Thank you, Clea..." Ngumiti rin ako sa kaniya. 


Napalingon kami sa pinto nang pumasok si Arkin na nagpupunas ng pawis. Magpapalit na siya ng damit kaya nagpaalam na rin si Clea at lumabas. Tumayo na rin ako pagkatapos magpalit at mag-retouch ni Arkin. Kasama na rin niya ang makeup artist niya. 


"You good, baby?" tanong niya sa akin.


Tumango ako sa kaniya bago kami naglakad palabas. Inalalayan kami ng security hanggang sa makarating kami sa gilid ng stage. I was holding a microphone on my other hand. 


I never felt so alive and free. This time, I will let go of my past. This will mark the end of all the heartbreaks and suffering I went through. This will close the wounds I had been trying to heal for years. 


I could not call my progress fast or slow as I was moving forward on my own pace. I just knew that I tried... and I wanted it to happen. I hoped for it.


"Let us all welcome, Larkin Sanchez and Avianna Diaz!" 


I hoped to see another golden scenery with the man beside me... as I hoped for a good tomorrow... and a good today... because this time, I will face my fears. 

________________________________________________________________________________

EPILOGUE. Nov 8. 12 AM.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro