48
"Ate? May trabaho ka ngayon... Hindi ka pa ba babangon?"
Nakatingin lang ako sa kisame nang marinig ang boses ni Mira. Kanina pa ako gising. Ni hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako pero wala akong gana tumayo mula sa kama ko.
"Nagluto na ako para kina Aidan," sabi niya ulit. "Uhm... Ate..."
Alam kong may gusto siyang sabihin. Nabalitaan na ba niya? Malamang ay kalat na ulit sa lahat ng news ang nangyari kagabi. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nakatingin lang ako sa kawalan habang hinahayaan ang lahat ng mga eksenang naiisip ko pumasok sa sistema ko. Napakarami kong naririnig. Napakarami kong inaasahang headline.
Hindi ko na ulit alam kung paano ko haharapin ang mundo. Wala akong lakas para lumabas ng bahay o kahit ng kwarto ko. Takot ako sa tingin ng mga kapatid ko... Ang mga kapatid ko...
Napatakip ako sa mukha ko nang maisip na kailangan kong magtrabaho para sa mga kapatid ko. Napakasama at napakabigat ng nararamdaman ko pero alam kong kailangan kong kumilos para sa kanila. Kung pwede lang manatili rito sa loob, ginawa ko na, ngunit marami rin akong responsibilidad na hindi ko pwedeng takasan.
"Sige na, Mira... Ayos lang ako," kalmadong sabi ko habang kumukuha ng damit. Napatango na lang siya at bumaba ng hagdan para iwanan ako. Nang mawala siya ay nabitawan ko ang damit na hawak ko at napaupo sa sahig. Napabuntong-hininga ako at napasabunot sa sarili ko.
Kinailangan kong ayusin ang sarili ko kahit sa hitsura lang, kahit sa panlabas lang, para hindi magmukhang sirang-sira na ako sa loob. Hindi maayos ang utak ko. Hindi maayos ang puso ko, at alam 'yon ng mga kapatid ko. Nakatingin lang sila sa akin nang lumabas akong naka-cap at facemask. Balot na balot din ako dahil naka-long sleeves at pants.
I was trying to protect myself with clothes, thinking that the more I covered myself, the more they can't hurt me... but I knew the damage was inside. No one can see it... but it was there. Only I knew about my own suffering, about how hard it was to deal with my wounds.
It was not healed at all. The scars just opened again and it hurt more than before since I was just not carrying the present, but the past too. It bled more... It was deeper than before.
Pumasok ako sa trabaho nang walang kinakausap, kahit si Dan. Hindi rin niya alam kung paano ako kakausapin pero nararamdaman ko ang tingin niya. Gusto kong magmakaawang huwag niya akong tingnan pero alam kong nag-aalala lang siya sa akin. Hindi ko alam kung ano na ang mga nakita nila o nabasa nila. Wala akong lakas para tingnan ang phone ko. Ayaw ko nang makita ang mga sinasabi ng mga tao tungkol sa akin.
"Architect Diaz-"
I almost jumped from my seat when I heard someone call me. Mukhang nagulat din siya sa reaksyon ko, lalo na nang tingnan ko siya. Puno ng takot ang mga mata ko at nanginginig ang mga kamay ko habang hinihintay ang sasabihin niya.
"Papa-approve ko lang ang interior para sa bahay ni Ms. Aguilar..." Dahan-dahan niyang nilapag ang folder sa table ko.
"O-okay." Nautal pa ako bago umiwas ng tingin at yumuko ulit, ayaw magpakita at makakita ng mga tao sa paligid ko. Kinuha ko ang folder at tiningnan ang mga naroon kahit kung saan-saan lumilipad ang utak ko.
Noong lunch, hindi rin ako bumaba at sumabay sa mga workmates ko. Nanatili ako sa lamesa ko, nakadukmo at nakapikit. Wala akong gana kumain. Gusto ko na lang umuwi. Gusto ko na lang magtago. Hindi ako mapakali tuwing naririnig ko ang pangalan ko. Bumibilis lang ang tibok ng puso ko at nahihirapan akong huminga. Nakapatay rin ang phone ko dahil pati sa mga tawag at text ay kinakabahan din ako.
Napaaayos ako ng upo nang may maglapag ng tinapay sa desk ko. Tinaasan ako ng kilay ni Jaedan nang magtama ang tingin namin.
"Kumain ka na muna," mahinahong sambit niya. "Kahit ito lang. Masama ang magpagutom."
Umiling ako at binalik sa kaniya iyong tinapay pero nilusot niya 'yon sa bag ko. Ang sabi niya, kapag nagutom ako ay alam ko na kung saan ako kukuha ng pagkain. Wala na akong lakas para makipagtalo sa kaniya.
Nilunod ko ang sarili ko sa gawain hanggang sa mag-out na ako sa trabaho. Nang mag-drive ako pauwi ng bahay ay nagulat ako dahil may mga taong nag-aabang sa labas. May mga camera at microphone silang hawak. Humigpit ang hawak ko sa manibela. Naisip ko kaagad ang mga kapatid ko.
Nasaan sila? Nakauwi ba sila nang maayos? Anong gagawin ko? Hindi ako makababa mula sa sasakyan ko. Matagal lang akong nakahinto roon bago ako nag-drive paalis, hindi alam kung saan ako pupunta.
Nag-iinit ang mukha ko habang nagmamaneho. Halos wala na akong makita nang magsimulang tumulo ang mga luha ko dahil sa takot at kaba. Hindi ko alam kung saan ako papunta pero nakita ko na lang ang sarili ko sa tapat ng isang pinto.
"Via?!"
Nagulat si Luna nang isandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang umiiyak. Agad niya akong niyakap at hinaplos ang buhok ko, nag-aalala ngunit hindi makapagtanong. Umiyak lang ako sa kaniya habang pinapakalma niya ako.
"Shush... I'm here... Don't worry," paulit-ulit na bulong niya sa akin.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiiyak pero nang kumalma na ako, nakita ko na lang ang sarili ko sa may sofa habang kumukuha siya ng tubig. Nakayuko lang ako habang hinahabol ang hininga ko dahil nahihirapan ulit ako dahil sa bigat ng iyak ko.
"Dito ka muna matulog," sabi niya sa akin at nilapag ang baso ng tubig sa harapan ko. "Gusto mo bang kausapin si Sam? Tumatawag siya kanina sa akin dahil hindi ka raw ma-contact..."
Tumango na lang ako sa kaniya kaya kinuha niya ang laptop niya para makipag-video call. Umalis din siya saglit at pumunta sa kwarto niya dahil may tinatapos daw siyang trabaho. Bumungad na lang si Sam sa screen ko, alalang-alala ang mukha habang umiinom ako ng tubig.
"Hey, goodness! I thought something happened to you already!" Halatang kabado siya at napahawak pa sa dibdib niya. "How are you, love?" Naging mahinahon na muli ang boses niya.
Umiling ako at ngumiti nang tipid sa kaniya. "Hindi ko alam." No words could explain what I was feeling at that time. My emotions were all over the place. Fear was dominating everything.
"Why don't you try to visit Dr. Peja? I texted you her contact details before... Kierra knows her too," maingat na sabi niya sa akin. She looked so worried for me so I needed to give her an assuring smile.
"Okay..." mahinang sabi ko. I didn't want to worry her anymore. I just had to say okay para hindi na siya mag-alala sa akin.
"The thing with media and people on the internet... is that they find entertainment in other people's lives, and I'm so sorry that you became one of their targets just for being associated with Larkin..." Napabuntong-hininga siya. "Larkin actually called me earlier."
Napaangat ang tingin ko sa kaniya, nagtataka. Oo nga pala... Nakapatay ang phone ko kaya hindi ko rin alam kung sinubukan ba akong kausapin ni Arkin.
"He's holding an interview tomorrow. I referred someone for him. An interviewer I trust," sambit niya. "And I hope everything will be sorted out... While talking to him, he really seemed so... grown up."
Natawa siya saglit kaya natawa na rin ako. Hindi lang pala ako ang nakapansin sa pagbabago ni Arkin. Hindi lang siya nagmukhang mas mature, pati ang pag-iisip niya ay nag-iba na rin.
"He said he would do everything to protect you... and that he does not care anymore about his career... But you know what I told him?" Tinaas ni Sam ang kilay niya. "That you will just blame yourself more if he happens to ruin his career for you... So it's better to just... say what your heart wants to say. No more lies... Just be true to his feelings and let the people judge... As long as he says the truth, then nasa tao na 'yon, Via... Nasa kanila na on how they will take it... The burden is not on you or Arkin anymore."
"Easier said than done," nakangiting sabi ko sabay iling.
"It's really not easy to deal with it... and I should know, right?" She also gave me a sad smile. Naalala ko rin kung paano siya naghirap noon. Sana lang mas dinamayan ko pa siya noong mga panahong 'yon. "I can't even say it's going to be okay soon... because we don't know what the result will be... But what I can promise you is that you will never be alone. You... and Arkin will never be alone. Our friends and I will always stay by your side whatever happens. You got it?"
"Thank you, Sam." Hindi ko alam kung paano ako makakapagpasalamat kay Sam sa lahat ng ginawa niya para sa akin. She brought comfort from miles away. Kahit malayo siya, hindi siya nakalilimot kumustahin ang mga kaibigan niya. She was really that kind of person... The one who could find comfort by seeing their friends doing well. Nagiging okay siya tuwing nakikita niyang okay kami.
Sinusubukan niyang ipaalala sa aming lahat na hindi kami mag-isa... na kasama namin siya, at alam kong dahil din iyon sa takot niya. She was seeing her sister in everyone. She didn't want that to happen again. Lahat naman ng tao ay may kinatatakutan... but I admired Sam for still trying everything she could to not experience that pain again.
I also tried to avoid experiencing this again... Nagpakalayo-layo ako. Nakipaghiwalay ako... pero gaya noon, Arkin and I were like magnets. Palagi kaming pinaglalapit sa isa't isa. I was weak for a moment... but I cannot just let this ruin everything I worked on before. I tried to heal myself... but I guess it wasn't the right time yet.
Kahit ano pang mangyari bukas... handa akong tanggapin 'yon. Tatanggapin ko 'yon... pero hindi ibig sabihin ay pipilitin ko ang sarili kong kayanin lahat. I realized that progress wasn't linear... Sometimes I could go back to where I started... but sometimes I could go back to where I advanced.
Hindi ako mag-isa. Iyon ang sabi ni Sam. Simpleng salita ngunit parang inalis noon lahat ng bigat sa dibdib ko... kahit ngayong gabi lang. Nakatulong din na alam kong nasa paligid ko si Luna... at alam kong hindi niya hahayaang may masamang mangyari sa akin.
I felt safe with my friends. Kung puwede lang na nariyan sila habangbuhay sa tabi ko... But I also had to learn how to move forward by myself in order to grow.
Kinabukasan, kinailangan ko pa ring pumasok sa trabaho. Damit pa ni Luna ang suot ko kahit hindi ko iyon style. Puwede na rin dahil office attire naman at wala rin naman akong magagawa. Hindi ko na tinakpan ang sarili ko... ngunit hindi pa rin ako makatingin sa mga tao.
Pumunta ako sa site noong umaga. Noong lunch naman ay pumasok ako sa maliit na office sa Bulacan para magpalamig habang ang lahat ay kumain sa labas. Nakatingin lang ako sa laptop ko, pinag-iisipan kung papanoorin ko ba iyong video ng interview niya. Ito lang ang unang beses na pumunta ako sa internet ulit mula noong nangyari ang kinatatakutan ko.
Huminga ako nang malalim bago plinay ang video. Nakakapit lang ako nang mahigpit sa bote ng tubig na hawak ko, kinakabahan sa pwede kong marinig.
"So... Ano ang masasabi mo sa mga kumakalat na video at pictures sa internet? For sure nakita mo na rin 'yon, 'no, Arkin? Halo-halo ang naging reaksyon ng netizens and this will be the first time you'll address it," sabi ng interviewer.
"Yeah." Tumango si Arkin at ngumiti. "I'm sure the girl was familiar to some... because as what others speculated, siya nga iyong babaeng kasama ko rin sa pictures noon... The media made her look like... a third party... the one who ruined my relationship with Clea... the girl who seduced me... the girl who was trying to fight Clea... Marami..."
Nanginginig ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya... ngunit alam kong may kasunod iyon. Hinintay lang din ng interviewer na magsalita siya ulit.
"But what people don't know is that... that girl... is the girl who was there from the very beginning... from the moment I opened my eyes to the world... the girl I first loved... the girl who made me write music, love music, embrace my passion... the girl who listened and stayed beside me even before the public knew me. Naroon na siya kahit wala pa kayo... because that girl was my childhood friend... My best friend."
"But what made you lie to the public?" tanong ulit ng interviewer.
"When I was starting my career, I didn't know any better. In this industry, there's nowhere to go but up. I wanted to climb faster than everyone... and Clea helped me with it. The management knew that we worked well together and so... we did everything to stay with each other. All those lies of... dating... Although we were just friends... and actually in love with another person behind the cameras... All of those... I deeply regret... and so I want to apologize to everyone, especially to my fans, Clea's fans, and of course, ArClea fans."
"So you and Clea were just friends all this time, right? In your last press con after the same issue, you also apologized and decided to take a break from showbiz. That was when you and Clea separated on projects. How is your relationship with her now?"
"I actually felt bad for Clea because she was still being dragged into this... but I admire her. I really admire her. She is the most professional actress I have ever known. She really guided me and saved my ass a lot of times. Clea is a really nice woman... and just like before, we are still friends. Just friends... because both of us are happy with the people we truly love. For me... I really love the girl in those pictures... and if I could just repeat everything that happened before, I would gladly tell to the world that I am so in love with her. I really am... She's the only girl I ever fell in love with... and nothing could ruin that. Nothing can ever change that."
"I just hope that people will stop throwing hates to her because she did nothing wrong. She just loved... and if you think that loving is wrong, then what world are we living in? Nahihirapan siyang harapin lahat ng 'to dahil sa 'kin. Tuwing nasasaktan siya, doble ang balik sa 'kin. Hindi ko gusto 'yon. I'm not asking people to continue supporting me... but at least direct your sentiments to me instead. Kaya kong saluhin lahat ng binabato n'yo sa kaniya... kaya sa akin na lang. Let her live her life. Let her love freely."
"Hearing it from you, I just know that she's an amazing and lovely girl..." Ngumiti ang interviewer.
"She is." Ngumiti rin si Arkin. "For the people watching this... I told you the truth now... so it's up to you on how you will take it. I have nothing to hide... But I have things that I want to keep private. I know I'm in the spotlight most of the time, but what you see in front of the camera is not all of me. I still value the things left for me... and I hope you will respect that. The people you see on screen are still humans like you. They are not robots. They should not be. Those people have lives outside the cameras, outside the set... and just like you, we just want to freely be ourselves. That's all I ever want to ask from you."
Naubos ko na ang tubig sa bote nang matapos ang interview. Nakahinga na rin ako nang maluwag habang nakatulala sa kawalan. Hindi pa pumapasok sa utak ko lahat ng sinabi niya. Ang nanatili lang ay iyong parteng sinabi niya sa lahat na mahal niya ako. Hindi ko inasahang sasabihin niya 'yon sa lahat ng tao!
Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon ng mga tao roon... ngunit gaya ng sabi ni Sam, hindi ko na dapat dala-dala 'yon. Whatever happens, people will still talk.
Arkin did a good job... but no one can force me to face the things I wasn't ready to face. I will just crumble down. I wanted to take it slow... at my own pace. I knew what was best for myself... and I hoped he would also respect that.
Nang buksan ko ang phone ko, binaha na iyon ng mga notifications noong mga nakaraang araw na hindi ko 'yon binubuksan. Nakita ko ang contact details ng doctor na ni-refer ni Sam sa akin. Matagal akong nakatitig doon bago ako lumabas ng office, dala-dala ang jacket ko.
"Hello? Is this Dr. Peja?" tanong ko sa phone habang naglalakad. "Hello po. This is Avianna Diaz... Samantha Vera gave me your contact details..."
I had to deal with it. I knew I had to... but I couldn't do it by myself yet. I needed a little push. A professional one. Maybe this will work.
No... I will make this work.
Matapos ang ilang araw, nakita ko na lang ang sarili ko sa tapat ng puntod ni Mama. Nilapag ko ang bulaklak doon bago ako umupo sa damuhan. Hindi ko nilayo ang sarili ko sa kaniya. Nilagay ko na lang ang dalawang kamay ko sa gilid para itungkod habang nakatingin ako sa langit. Nakakasilaw ang araw kaya tinakpan ko ang itaas ng mga mata ko gamit ang palad ko.
"Nakakasilaw, 'no?" tanong ko kay Mama bago ako tumingin sa lapida niya. "But a little sunlight is also good and healthy... lalo na't umaga. Hindi siya masakit sa balat."
Inayos ko ang bulaklak at pumitas ng isa mula roon para paglaruan sa daliri ko. Matagal ko iyong tiningnan habang nilalaro ang petals.
"Hindi lahat ng ilaw nakakasakit. Alam ko na 'yon ngayon," sambit ko. "Kaunting ilaw lang din ang kailangan ko para magawa ang gusto ko... Para makapagsulat ng kanta. Para sa sarili ko muna... Hindi para sa iba."
Nilabas ko iyong papel na may nakasulat na lyrics ng kantang sinulat namin ni Arkin. Tinapat ko ang gilid ng papel sa kandilang sinindihan ko. Pinanood ko kung paano unti-unting kainin ng maliit na apoy ang papel.
"Ayaw ko sa sinulat ko," sabi ko nang maubos ang papel. "Kung susulat ako ng kanta... Gusto ko galing sa pusong walang dinadalang bigat. Gusto ko... kapag narinig ng mga tao ang kantang sinulat ko, mararamdaman nilang magaan ang loob ko habang sinusulat 'yon. Totoong magaan... No freshly healed wounds. Gusto ko... sarado na ang mga sugat ko bago ko ibahin ang kurso ng buhay ko."
I was not mad at her anymore. Gusto kong malaman niya lahat ng nararamdaman ko ngayon... pero hindi na iyon galit. I just felt hopeful for tomorrow. My tomorrow.
"And the first step to that... is forgiving you," sambit ko. Napangiti ako bago tumayo at inalay ang isang bulaklak na hawak ko. "Pinapatawad na kita... sa lahat. Sa mga sakit na binigay mo sa akin, kay Papa, sa mga kapatid ko. Pinapatawad na kita sa pag-iwan mo sa akin... At huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para hindi maulit ang nangyari sa 'yo. Ako ang gagamot sa sugat na iniwan mo kay Papa at sa mga kapatid ko. Gagawin ko 'yon... pagkatapos kong gamutin ang sa akin."
Umatras na ako palayo sa puntod niya habang pinapagpag ang damong naiwan sa damit ko. Tumingin muli ako sa langit bago ako tumingin sa lapida niya.
"Paalam at salamat," mahinang sabi ko bago ako naglakad paalis.
Hindi pa kami nag-uusap ni Arkin pero balak kong makipagkita sa kaniya mamaya pagkatapos ng trabaho ko. Alam ko ang desisyon ko. Alam ko ang maganda para sa sarili ko at para sa kaniya.
Sinigurado kong magaan ang loob ko nang pumasok at umalis ako sa trabaho. Nakausap ko na rin ang boss ko tungkol sa pag-alis ko. Ang sabi ko ay may ipapadala silang papalit sa akin para sa project. Tapos ko na rin naman ang bahay ni Clea. Kaya na nila iyon.
Pinuntahan ko si Arkin sa school niya dahil may klase pa siya. Umupo ako sa damuhan, sa may Sunken Garden, habang mag-isang pinapanood ang paglubog ng araw. Padilim na noong dumating siya at umupo sa tabi ko.
"Via," tawag niya kaya lumingon ako sa kaniya.
"I'll go home," nakangiting sabi ko sa kaniya.
Napaawang ang labi niya, hindi kaagad naintindihan ang sinabi ko pero dahan-dahan din siyang tumango at tumingin sa harapan. Niyakap niya ang tuhod niya at hindi kaagad sumagot sa akin.
"Hindi ka ba magagalit sa akin?" tanong ko. Iyon ang inaasahan kong reaksyon niya... pero mukhang nakalimutan kong hindi na siya ang Arkin na nakilala ko noon. Iba na ang pag-iisip niya ngayon. He already grew from his experiences. From his pain.
"Babalik ka?" Iyon lang ang tanong niya sa akin.
Natawa ako saglit bago tumingin din sa harapan, yakap-yakap na rin ang tuhod ko. Ramdam ko ang umaasang tingin niya sa akin.
"Hindi," desididong sagot ko sa kaniya. "Hindi na ako babalik."
"Bakit?" Walang bakas ng galit sa boses niya. He was calm... but I could hear the loneliness in his voice. "Napanood mo ba ang interview?"
Tumango ako sa kaniya. "Oo naman. You did a great job... You proved yourself once more to the public. I heard you got a positive reaction after that. Congratulations... and thank you rin for clearing my name."
"Kumusta ka? Anong nararamdaman mo ngayon?" Hindi pa rin niya nakalimutang magtanong, ha. Alam kong nag-aalala siya sa akin dahil hindi ko sinasagot ang mga text at tawag niya noong mga nakaraang araw. I was busy thinking.
"Kapag sinabi kong okay lang ako, hindi 'yon totoo." Nagtama ang tingin namin kaya binigyan ko siya ng ngiti. Our eyes reflected each other. "Hindi ako handang maging parte ng mundo mo ulit..."
"At... magiging handa ka ba?" He was hopeful again.
"I can't give my healing process a deadline, Arkin," pagbibiro ko sa kaniya. "Hindi ko alam ang sagot diyan. Mas iniisip ko muna ang sarili ko... Kung paano ko tutulungan ang sarili kong makaalis ulit sa kung saan ako nagsimula. I was okay... and then I was not." The tears started to form at the side of my eyes.
"I'm sorry..." Bumuntong-hininga siya nang makitang naluluha ulit ako ngunit umiling ako sa kaniya, nakangiti pa rin kahit masakit.
"No, huwag kang mag-sorry. You did a great job protecting me this time... I owe a lot to you. Hindi ka dapat humihingi ng tawad sa akin. Pinili ko 'to, Arkin... Lahat ng nangyayari sa akin ngayon, dahil iyon sa mga desisyon ko... At pinili kong mahalin ka. Walang mali roon."
Kahit ilang beses kong naramdamang mali ang pagmamahal ko sa kaniya, napagtanto ko ring mali lamang iyon dahil wala akong tinitira para sa sarili ko. Palagi kong binibigay ang pagmamahal at atensyon ko sa mga tao sa paligid ko dahil may responsibilidad ako bilang anak, bilang kapatid, bilang kaibigan.
Bata pa lang ako, natuto na akong huwag takasan ang mga responsibilidad ko. Kinailangan kong tiisin ang hirap para sa pamilya ko. I had to grow up faster than everyone else so I could be reliable to my family. I had to always carry the weight on my back so my siblings won't. All of my life, I was trying to clean up the mess my mom made... and promised myself that I will never let other people experience that. I didn't want to repeat what she did.
"Ayaw ko nang ipasa sa 'yo lahat ng takot at sugat ko, Kino," sambit ko bago punasan ang luhang tumulo mula sa mata ko. "Alam kong gusto mo akong samahan harapin lahat ng 'to... but this is my battle to begin with. Hindi mo 'to laban. Hindi mo kailangan masaktan para sa akin. I'm not ready yet... and you know that."
"Ah..." Natawa siya at sinandal ang mga kamay sa likod habang nakatingin sa langit. "I guess I pushed way too hard, huh..."
Umiling ulit ako sa kaniya. "No, you pushed me just enough for me to realize a lot of things."
"Hindi ko rin inasahang haharap ka kaagad sa napakaraming tao... Hindi ko intensyon 'yon. I'm sorry for not acting fast enough. Noong nakita kong takot na takot ka, mas pinili kong ilagay ka muna sa lugar kung saan walang tao kaysa sagutin ang mga tanong doon at patagalin pa ang pag-alis mo mula sa kumpol-kumpol na tao. I hope you understood... that I couldn't talk impulsively. Everything I say at that moment can just add fuel to the fire."
"You made the right choice, Arkin." Hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil 'yon. "Alam kong ako ang palagi mong iniisip tuwing gumagawa ka ng desisyon. Sa sitwasyong 'yon, naintindihan ko. Huwag kang mag-alala... Hindi lang kita kinausap dahil kinailangan ko ng oras para sa sarili ko... para gumawa ng desisyon."
"At... ang desisyon mo ay bumalik? Umuwi sa Spain?" tanong niya ulit. Tumango ako sa kaniya at hindi nagsalita. Napabuntong-hininga na lang siya bago tumingala sa langit. "Magaan ba ang pakiramdam mo nang ginawa mo ang desisyon na 'yan?"
"Oo," simpleng sagot ko.
"Okay, then!" Nakangiti siyang umayos ng upo at mabilis na tumayo. Nilahad niya ang kamay niya sa akin para tulungan akong tumayo rin. "Halika."
Kinuha ko ang gamit ko bago humawak sa kamay niya at tumayo. Pinagpagan ko rin ang suot ko bago nagtama ang tingin namin. Natigilan ako nang hatakin niya ako palapit at mahigpit na niyakap. Niyakap ko na lang din siya at tinapik-tapik ang balikat niya.
"Ingat ka roon," mahinang sabi niya sa akin. "I hope your heart will finally be put in its right place."
Napapikit ako, feeling his warmth and comfort. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa kaniya sa lahat ng ginawa niya. I expected him to be mad at me for leaving him again but he was... supportive of my decision... just like how I was.
"Kino... Tandaan mo 'to," mahinang sabi ko. "Ikaw ang musikang gusto kong marinig ng lahat..."
Dahil simula ngayon, hindi kailanman magiging madamot ang pagmamahal ko para sa ibang tao... at para sa sarili ko.
_______________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro