"Anong problema n'yong dalawa? Magkaaway na naman ba kayo?"
Napatingin ako kay Dan na kanina pa nagtataka kung bakit nilalayuan ko si Arkin kahit magkakasama kami ngayon sa bahay ni Clea para tingnan ang progress ng bahay. Ang bilis nga at malapit na siyang matapos. Iyong interior na lang talaga ang aayusin at pwede nang malagyan ng gamit. Malaki rin kasi ang binabayad ni Clea rito kaya marami ring construction workers ang gumagawa. Napapabilis noon ang proseso namin.
Hindi ako makatingin kay Arkin ngayon dahil tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang nangyari sa amin sa dressing room noong isang araw. Hindi na 'yon nawala sa utak ko! Hindi ko na rin matingnan si Clea na abala sa pagpili ng gusto niyang design ng interior dahil ang bed scene nila ang dahilan kung bakit kami napunta sa ganoon!
Hindi naman dapat nandito si Arkin pero dinalhan niya ako ng pagkain dahil hindi pa ako naglu-lunch. Galing kasi akong Bulacan at dumeretso ako rito kasama si Dan. Sumabay lang siya pabalik dahil iniwan niya ang sasakyan niya sa may kumpanya.
"Hindi kami magkaaway," simpleng sabi ko kay Dan habang may inaayos sa laptop ko. Kung ano-ano na lang ang ginagawa ko habang pumipili si Clea dahil ayaw kong pansinin si Arkin.
Kinuha ko ang panukat at tumayo para sukatin ang mga cabinet na balak naming ilagay. Tumungtong ako sa may foldable metal stairs at nilagay ang lapis sa may tainga ko habang nagsusukat. Ramdam ko ang titig ni Arkin sa likod ko kaya kinakabahan pa ako! Nakakalimutan ko nga ang mga sukat!
Hinawakan din ni Dan ang hagdan para hindi ako mahulog. Nang mapansin niyang natatagalan ako, nagprisinta siyang siya na lang ang magsusukat pero umiling ako. Kapag ginawa niya 'yon, paano na ako magiging busy?! Kailangan ko maging busy para hindi ako kausapin ni Arkin!
"Via, kumain ka muna." Muntik na akong mahulog sa hagdan nang marinig ko ang boses ni Arkin. Natataranta akong lumingon sa kaniya habang nakaupo siya roon sa may kitchen island.
"M-mamaya na!" Umiwas kaagad ako at pinagpatuloy ang pagsusukat. "Clea, okay ba sa 'yo ang hanggang dito?" Iniba ko na kaagad ang topic.
Bumaba na ako ng hagdan pagkatapos ni Clea magsabi at nag-usap na rin kami kung kailan pwedeng matapos. Ang sabi ko, tutulong lang ako sa interior pero iyong partner ko na ang bahala roon. Magiging maayos naman 'yon dahil alam ko na ang mga gagamiting materials at naayos na rin ang cut ng bahay.
"Tapos ka na?" Nakapahalumbaba si Arkin at bored na bored akong tiningnan. "Kumain ka na." Mahina niyang tinulak papunta sa akin iyong dala niyang takeout. Gutom na ako kaya wala akong choice kung hindi umupo sa harapan niya para kumain.
"How was the shoot the other day?" tanong ni Clea kay Arkin.
"It was good," sagot naman ni Arkin at tumingin sa akin. "The dressing room was so nice."
Muntik ko nang mabuga ang kinakain ko! Naubo kaagad ako at inabot ang inumin para malunok ko nang maayos ang pagkain. Nangati ang lalamunan ko roon! Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ko! Mahahalata kapag masyado akong nagpakita ng reaksyon kaya nanahimik na lang ako!
"What do you mean? I had a shoot there too last week and the dressing room was the usual one." Kumunot ang noo ni Clea. "Did they put you in another dressing room? I'm jealous!"
"Hindi naman, but for some reason, I liked that dressing room. How memorable." Kahit hindi ako nakatingin, alam kong nakangisi si Arkin habang nagsasalita. "It was not sound-proof though."
"It's not a recording studio, Larkin." Nakita kong umirap si Clea nang sulyapan ko siya. Mabuti na lang at hindi siya nakakasunod sa ibig sabihin ni Larkin.
"Oh, a recording studio sounds nice too..." Nagtama bigla ang tingin namin ni Arkin. Tinaasan niya ako ng isang kilay at ngumisi sa reaksyon ko. "Do you like it, Via?"
"H-huh?!" Gulat na tanong ko, puno pa ng pagkain ang pisngi ko. "Napakabastos-"
"'Yong pagkain." He looked at it and gestured before letting out a short laugh. "Masarap ba? Pasok ba sa panlasa mo?"
Hindi ako nakasagot kaagad at yumuko na lang para kumain ulit. Mabuti na lang at iniwan na kami ni Clea para pumunta sa labas habang si Dan naman ay nakikipag-usap doon sa engineer. Magkaibigan na sila ngayon.
"Kanina mo pa ako hindi pinapansin, ah. Anong problema?" tanong na niya sa akin.
"Wala," maikling sagot ko. Naramdaman ko kaagad ang init ng pisngi ko nang maalala ko na naman iyong nangyari. Hindi ko talaga alam kung paano ko kinayang umuwi noon! Para akong nasa ulap! Nakatulala lang ako at hindi ko na matandaan ang mga pinagsasasabi niya pagkatapos noon! Nagulat na nga lang ako at may bracelet na ako!
"Hmm?" Lumapit siya at inipit ang buhok ko sa likod ng tainga ko habang nakatitig sa akin. "Bakit kaya? Hindi mo ba nagustuhan?"
"Gusto ko 'yong pagkain," malinaw na sagot ko na ngayon.
"Not that. The sex."
Nabulunan na talaga ako sa kinakain ko kaya agad niyang inabot ang inumin sa akin habang tumatawa. Hindi ako makapagsalita at sumakit ang dibdib ko sa sinabi niya! Kahit nakainom na ako ng tubig, naubo-ubo pa rin ako! Napakawalanghiya ni Arkin! Mabuti na lang at walang nakarinig!
"Pwede bang huwag na natin pag-usapan 'yan?" bulong ko sa kaniya, nagagalit na.
"Ouch!" Humawak siya sa dibdib niya at tumingin sa paligid. "You're so cold. Is this the part where you will tell me that it was a mistake?" Tumaas ang kilay niya.
I knew it was not a mistake and I knew I also wanted it! Hindi ko lang maamin dahil nakakahiya! Nahihiya ako sa inakto ko at nahihiya ako sa lugar kung saan namin ginawa! Kahit kailan sa buhay ko ay hindi ko naisip gawin 'yon sa isang lugar na may mga tao! Alam kong walang tao sa loob pero sa labas mayroon! Nakakahiya! Anong nangyari sa akin?!
"Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo," seryosong sabi ko sa kaniya at umirap.
Ang sakit pa rin ng binti ko dahil sa nangyari! Mas masakit din ang nasa gitna ng binti ko! Mas masakit pa kaysa sa unang beses naming ginawa, dahil siguro mas nakatuon ang atensyon ko sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Ngayon, concentrated na roon ang sakit! Iyong una kasi namin ang huli ko rin! I never saw myself doing it with another man!
Napatigil ako sa pagkain ko nang may marinig akong sasakyan na nag-park sa may tapat ng bahay. Lumingon ako at nakita ang isang lalaking naglalakad papasok. Nakasuot ito ng pormal na damit, navy blue button-down long sleeves polo na nakatupi hanggang sa siko, necktie, black slacks, black shoes, at specs.
Kilala ko 'to, eh!
"Si Clea?" nakangiting tanong niya kay Arkin.
Tuturo pa lang ni Arkin iyong backyard nang biglang pumasok si Clea, tumatakbo papunta sa lalaki. Napalingon din tuloy si Dan at nagulat nang biglang yumakap si Clea kay Adonis.
"Love!" tuwang-tuwang sabi nito habang nakayakap sa leeg. "Hi! What brings you here?!" Humalik pa ito sa labi ni Adi kaya mas nagulat ako! "I missed you!"
"Kagagaling ko lang sa firm." Humawak ito sa baywang ni Clea. "Naiwan mo wallet mo sa sasakyan ko." Tinaas nito ang Chanel na wallet.
"Ah, right! I forgot! Oh my gosh, buti na lang hindi ako nag-drive! My license was there!" Humiwalay na ito at kinuha ang wallet.
Gulat pa rin ako sa nakita ko pero umiwas na lang din ako at kumain dahil baka maweirdo-han sila sa akin! Sino ba naman ang may gustong matitigan habang nakikipag-usap sila sa jowa nila?!
"Gagi, boyfriend ni Clea?" Lumapit sa akin si Dan para magtanong. Kawawa naman 'to at parang nabiyak ang puso dahil may boyfriend na ang celebrity crush niya.
"Matagal na sila," sagot naman ni Arkin.
"What the frick!" Hindi pa rin makapaniwala si Dan. "Totoo nga!"
Nanatili pa si Clea at Adi roon dahil pinapakita ni Clea ang designs. Nang makakain na ako ay bumalik na rin naman kami ni Dan sa kumpanya para magtrabaho. Nag-out na rin ako nang maaga at dumeretso sa may coffee shop para bumili ng pasta. Ayaw kong magluto kaya ito na lang ang dinner namin para mamaya.
Pagkauwi ko, pinapanood na ni Aidan si Arkin sa TV. Rumored na may bahay raw na ginagawa si Clea at Arkin para sa kanilang dalawa, ngunit nililinaw naman ni Arkin sa mga interview at live niya na single naman daw siya kaya nagtataka rin ang fans. Hindi naman talaga sila... Mabuti at hindi na siya nagsisinungaling ngayon.
Kumusta kaya si Adi? Iyong boyfriend ni Clea. Kaibigan iyon ng ex ni Luna kaya nakilala ko na rin kaagad. Palagi kasi noon kinukulit si Luna tuwing nakikita niya. Siya rin iyong football player na kausap niya noon sa may inuman! Akala ko ba ay ni-reject siya noon?!
Naiisip ko lang din kung okay lang sa kaniya 'yong mga chismis na ganito... na may boyfriend na iba 'yong girlfriend niya. Mabuti at mukhang masaya naman silang dalawa at wala silang pinoproblema. Ano kaya ang reaksyon niya sa mga bed scene?!
Ayan na naman! Bed scene na naman iyong laman ng utak ko! Hindi ko lang maiwasang ikumpara ang sarili ko kay Adi. Mukhang okay lang sa kaniya... habang sa akin, hindi. Mukhang kaya niya. Ang tapang niya... Kahit sobrang sikat ni Clea, hindi siya natatakot sa mga tao. Sana makausap ko siya minsan. Pakiramdam ko siya lang ang makakaintindi sa nararamdaman ko ngayon.
Kinuha ko ang phone ko at sinearch siya sa social media. Pumunta lang ako sa followings ni Sam at nakita ko na kaagad iyong account ni Adonis. Public naman iyon at marami rin siyang posts. Puro HD nga. Madalas kasama niya iyong iba nilang kaibigan ni Kalix. Sina Leo yata at Amethyst.
Nakita kong finofollow naman nila ang isa't isa sa Instagram. Finollow ko na rin siya. Wala naman akong mga post at naka-private ang account ko pero nagulat ako nang mag-follow request siya kaagad! Tinitingnan ba nito mga nagfo-follow sa kaniya?!
Hindi ko naman in-accept 'yon at hinayaan na lang na naroon. Kinabukasan, nagkaroon pa kami ng meeting ni Clea sa isang coffee shop. Magkasama sila ng boyfriend niya pero hindi sila magkatabi. Nasa may gitna ng lamesa si Adi at magkatapat naman kami ni Clea para hindi halata.
"Sorry, I have to bring him because my car is getting repaired." Alanganing ngumiti sa akin si Clea.
"Okay lang..." Sumulyap ako kay Adonis na may kausap sa cellphone. Tungkol sa law ang naririnig ko. Mukhang busy siya.
"I'll just order!" Tumayo si Clea kaya naiwan kaming dalawa ng jowa niya! Sakto pang tapos na sa call si Adonis kaya tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Architect!" tuwang-tuwang bati niya sa akin. "Kumusta ka naman?! Girlfriend ka ni Arkin, 'di ba?"
"Uh..." Hindi ko alam ang isasagot ko roon. "Hindi ko alam..." Umiwas ako ng tingin at tumingin kay Clea na nakapila roon. "Mabuti hindi kayo nahuhuli ng media..." wala sa sariling sabi ko.
"It's fine. We don't care." Nagkibit-balikat siya at tumawa. "Ikaw ba? Mabuti hindi rin kayo nahuhuli ni Larkin!"
"Maingat kami..." Yumuko ako. "Mukhang okay lang sa 'yo 'yong loveteam ni Clea at Arkin, 'no? Hindi ka ba naiinggit o ano? Kasi kaya nilang magsama in public tapos... kayo... kailangan pang magtago."
"Hmm..." Humawak siya sa baba niya at tumingin sa taas bago ngumisi sa akin. "Sa loveteam, okay lang naman ako. Hindi naman na 'yon katulad noon na may deal sila sa management na magpapanggap sila. Ngayon, para lang 'yon sa projects. It wasn't as serious as before. I think Clea, having a boyfriend that isn't Arkin, won't affect her career that much now. She has proven herself a lot in the industry and she can be paired with anyone. She's very versatile. I'm not jealous at all... Si Clea ang selosa."
"Wow," bulong ko. "Is it even the same with Arkin?"
"You know, Arkin's probably going to be fine with it. Clea's going to be okay with it and I am too. Ang problema mo ngayon eh 'yong sarili mo, because you're the one who's not okay with the spotlight, I'm guessing." Patanong iyon.
Ngumiti ako nang tipid sa kaniya. "Trauma..." mahinang sabi ko.
"Oh." Tumango-tango siya. "Well, what happened last time was so terrible. You know what's best for your mental being... At your own pace. Hindi naman required na okay ka sa lahat. Don't compare yourself to me because I don't care about stuff like those. I just care when I know it's going to affect Clea's career. We are different. There's no point in comparing yourself to me, or your relationship with us." Kumindat pa siya at binigyan ako ng mapaglarong ngiti.
"What are you guys talking about?" nakangiting tanong ni Clea nang maglapag ng tray. "Was it Arkin?"
"Just... stuff, babe," sagot naman ni Adi.
Pagkatapos ng meeting ay may usapan kami ni Arkin na magkikita roon sa shop na pinagbilhan ni Aidan ng gitara. May studio room daw kasi roon at doon siya madalas pumupunta tuwing gusto niyang magsulat ng kanta. It was his creative space and he wanted me to see it. May mga instruments din doon. Kompleto.
Pagkapasok ko sa shop ay tinuro ng lalaking nasa counter iyong isang door. Pagkapasok ko ay may hagdanan papunta sa baba. May isa pang pintuan sa pinakababa ng hagdan at pagbukas ko noon, nakita ko na ang music studio. Kompleto nga ang instruments at naroon si Arkin, tumutugtog ng gitara. Tinigil din niya nang makita ako.
"How's work?" tanong niya sa akin pagkapasok ko. Nilapag ko muna ang gamit ko bago ako umupo sa may couch. Kinuha ko pa ang gitara sa gilid.
"Work..." mahinang sagot ko. "Okay lang."
Ganoon naman palagi. Hanggang 'okay lang' ang trabaho ko. Hindi ko masabing masaya ako pero hindi ko rin masasabing malungkot ako roon. It was just there... My job. I couldn't even say that I was living my best life at the moment. Nothing was best for me. I was also not best at anything.
"Will you resign in your architectural firm once you start writing music?" tanong sa akin bigla ni Arkin nang mabasa ang iniisip ko.
Umiling ako kaagad. "Kailangan kong pag-aralin mga kapatid ko..."
"Work for me, Via."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi ko kaagad nakuha 'yon. Paano ako magtatrabaho para sa kaniya?
"Write music for me or with me. I will pay you enough... Just what you deserve," he tried to convince me but I still shook my head.
"Sayang ang trabaho ko," sabi ko naman. "Baguhan pa lang ako sa musika. Hindi pa naman ako magaling doon."
"Then do you want to start now? I'm writing a song..." Kinuha niya ang papel na sinusulatan niya kanina at inabot sa akin. Nang kuhanin ko ay naroon ang lyrics at chords ng gitara.
Sinubukan kong tugtugin sa gitarang hawak ko pero hindi ko makuha kaya tinuruan niya ako kung paano ang tono. "Pagmulat ng mata... kasama na kita..." Pagkanta niya ngunit tinigil din kaagad dahil hindi pa niya naiisip ang kasunod.
"Tungkol saan?" tanong ko naman.
"Tungkol sa atin," simpleng sagot niya. "Gusto ko lang isulat kung paano tayo nagsimula... at nagtapos. Gusto kong ikwento ang storya natin gamit ang musika. Maganda kung may input ka rin."
Tinugtog ko ulit sa gitara iyong kanta habang nag-iisip. "Ikaw... pa rin ang nais kong makasama... Walang iba," bulong ko at kinuha ang papel para magsulat.
I was just word-vomiting. Sinusulat ko ang naiisip kong bagay sa kanta at binubura ang hindi. Arkin was also thinking of his own verse. Hindi ko alam pero mukhang tama nga siya at may something sa lugar na 'to na nakakapag-isip ako nang maayos. I wasn't used to writing music. Isa lang ang sinulat ko para sa kaniya at hindi pa rin 'yon maayos. Ngayon... ang dami kong naiisip na salita.
Sobrang dami kong gustong isulat. Kung kakasya lang lahat ng naiisip ko sa iisang kanta, napakahaba na noon. Ganito pala ang pakiramdam ng pagsusulat. I was expressing myself through it. Parang pinapasa ko roon ang bigat na nararamdaman ko. Nakakagaan siya ng loob.
"You should sing this with me," sabi ni Arkin. "Hindi pwedeng hindi... You wrote this with me."
Tumitig ako sa kaniya at napangiti na lang. "Okay, then... For now."
Dahil hindi ko alam kung magbabago ang isip ko kapag nasubukan ko na ulit ang pakawalan ang sarili ko sa musika. Hindi ko alam kung ano ang nag-aabang sa akin doon. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa dulo ng daang tatahaking ko... o kung mayroon nga bang dulo.
Paano kapag nagustuhan ko ito nang sobra at hindi ko na alam kung paano tumigil? Mapapagod ba ako? Kakapaguran ko ba ang musika? Iyon ang kinakatakot ni Arkin, hindi ba? Kaya pinili niya ang film kaysa music.
"Kailan mo balak magkaroon ng sariling pelikula?" tanong ko sa kaniya.
"Pagka-graduate ko," sagot naman niya. "Marami na rin akong short film na ginawa para sa mga project ko sa school. Actually, nanalo sa isang film fest 'yong isa roon."
"Wow..." hindi makapaniwalang sambit ko. "Iba talaga kapag gusto mo ang ginagawa mo, 'no? You could create better output. Tungkol saan ang film?"
"Wala... Love story. It also did not end well but for some reason, the audience liked it." Nagkibit-balikat siya. "And I also did its own soundtrack. It was memorable."
"You're really thriving..." Napangiti tuloy ako, iniisip ang hitsura niya kapag ginagawa niya ang mga bagay na gusto niya. I admired him for that. "Congrats. I'm so proud of you."
Matagal siyang napatitig sa akin kaya nailang ako bigla, hindi alam kung saan ako titingin. Binaba na lang niya bigla ang gitara at naglakad palapit sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko at yumuko para mahalikan niya ako. Napatingala na lang din ako sa kaniya para maabot siya.
"You make me so happy..." bulong niya. "Thank you."
Natawa ako saglit at hinawakan ang kamay niya na nasa pisngi ko. "No, I should thank you instead for pushing me back to music. Gusto ko siya... Alam kong gusto ko ang ginagawa ko pero hindi ko mare-realize 'yon kung hindi mo 'ko tinulak papunta sa direksyong 'yon."
Totoo naman. He was the reason why I started loving music again. I was starting to live in the present... not chained by my past. Hindi madali dahil alam kong nakakadena pa rin ang kamay ko sa nakaraan pero mabuti na rin at umaandar naman ako kahit papaano. Gumagalaw ang mga paa ko papunta sa gusto kong daan.
It became our routine whenever we saw each other. We would hang out in that studio and write music together. We also played music together. Little by little, my love for music started to grow again.
"Are you sure you won't visit your mom today?" tanong sa akin ni Arkin habang pabalik kami sa bahay. "Kasi dadaan muna ako sa condo. Nagpadala ng cake manager ko dahil maganda ratings noong movie. Kukuhanin ko lang."
Umiling ako. "Wala akong rason para bumisita... Kuhanin na lang natin iyong cake."
Gabi na rin noong nakarating kami sa parking ng condo niya. Bumaba rin ako at sumunod papasok ng unit niya. Madilim doon kaya hindi ako makalakad nang maayos. Nang buksan ni Arkin ang ilaw, halos napatalon ako sa gulat nang makitang maraming tao.
"Surprise! Congratulations!" Napaawang ang labi ko nang makita ang mga pamilyar na mukha. Naroon ang cast ng movie nila, may mga direktor, ang manager niya, at ibang kaibigan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Bakas din sa mukha ni Arkin ang gulat.
"Uh..." Hindi alam ni Arkin ang sasabihin. Nakita kong gulat din ang iba nang makita akong nasa likod niya. Hindi nila ako kilala. Naroon si Clea na mukhang nagulat din nang makita ako.
"Friend mo? Artista ba 'yan? Sino 'yan?" pagbibiro noong isang taga-showbiz.
May camera... They were filming the surprise. Hindi ko alam kung saan ako titingin. I looked at the floor and held my chest. It was so hard to breathe with many people inside the room. It was suffocating.
Flashes of camera. They were filming him. They were taking pictures of him as I hid behind him. My hands were shaking when I saw the flashes. Napakaliwanag. Nasilaw ako.
"Arkin, who's that? Halika na rito! Clea's waiting for you to blow the candle!" Hawak ni Clea ang cake at hindi alam kung ano ang gagawin.
"Arkin's friend? Come here! Join the party! I've never seen you before!"
"Familiar siya, ha..."
Familiar. Familiar ako. Ako 'yong kabit... noon. I was that girl. The media made me look like that. Paano ko ipapaliwanag 'yon? I started walking back. I took a step back while trying to cover my face with my hand.
"Huh? Hindi ba siya 'yong babae..."
"Via-" I ran away when Arkin called me. I took the stairs to go to the parking dahil ang tagal ng elevator. I was running down the stairs while Arkin was trying to catch up. But... But I had nowhere to go.
Sumakay ako sa elevator at pumunta na lang ng lobby. I was shaking while watching the floor number go down. Pagkahinto noon, Arkin also just followed from the stairs. He tried to catch up when I tried to run away.
"Via, no! May media sa labas!" He tried to stop me but it was too late.
When I walked out of the building with Arkin holding my arm, trying to stop me, interviewers were alarmed. "Arkin!" They called for him and started running to us. It was starting to get crowded. It was... again... suffocating.
"Arkin, sino 'yang kasama mo? Hindi ba iyan ang babae mo noon?"
"Siya ba ang girlfriend mo at hindi si Clea?"
"What's your real relationship with Clea? Are you cheating on her?"
"Is she a third party?"
Nabunggo-bunggo na ako ng mga tao. The cameras were on me, as well as the microphones. Arkin pulled me back and hid me behind his back, putting his cap on my head. Lumingon din siya sa akin at hinawakan ang balikat ko para makapasok ulit kami sa loob. May dumating na guards para paalisin ang media.
I could feel everyone looking at me. Mabilis akong dinala ni Arkin sa fire exit at pinaupo ako sa may hagdanan.
"Via, I'm sorry, I didn't know..." He stopped himself from explaining when he saw me getting pale. "Via... Via... Listen to me."
Third party. Girlfriend. Clea.
I covered my ears because I kept on hearing them. I also closed my eyes because I could still see the cameras. The flashes. I got blinded by them.
"Via... Hey..." Lumuhod si Arkin sa harapan ko at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Look at me... I'm here. We're safe here. Ako lang ang nandito..."
Umiling ako nang umiling sa kaniya habang tumutulo ang luha ko. Natahimik siya habang umiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit pero sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko habang umiiling sa lahat ng sinasabi niya.
"No..." bulong ko sa kaniya.
Nakikita ko na ang laman ng news pag-uwi ko o pagkagising ko. Nararamdaman ko na ulit ang nandidiring tingin sa akin ng mga tao. Naaalala ko na ulit kung paano ko tinatago ang sarili ko tuwing pumapasok ako sa school noon. The chain on my other hand started to pull me back.
It was back to zero. I realized that I couldn't take it. I still can't. I can't do it. Hindi ako umusad. Ganito pa rin ako... Walang kwenta lahat ng ginawa ko noong mga nakaraang araw.
"Via..." Hinawakan ni Arkin ang dalawang palapulsuhan ko para ibaba iyon mula sa tainga ko. "Avianna! Makinig ka sa 'kin, please!"
Dumilat ako at tumingin sa kaniya. He was also starting to tear up. I could see the pain and regret in his eyes while staring at me.
"I'm here..." ulit niya. "I'm here... Hindi ako mawawala. Ako lang ang narito... Hindi kita iiwan, okay? Nakikinig ka ba sa 'kin? Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? Mahal kita... at poprotektahan kita kahit anong mangyari."
Hindi ako makasagot habang nakatitig ako sa kaniya. Whenever I looked at him, I was reminded by where he was standing in the industry. One of the most famous actors in showbusiness, if not, the most famous one. He was kneeling in front of me, holding my hands.
How could I forget? How could I forget that he was far from me? That we were different from each other.
"Ang... layo mo, Arkin..." My voice broke as I started crying hard.
"Via, nandito ako... Please." Humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. "It's different now... It should be different now. Trust me..."
Umiling ako. "Hindi ko kaya... Hindi ko kaya..." Humawak ako sa dibdib ko. "Ang daming taong nakatingin. Hindi ko kaya..."
"Mahal..." Bumuntong-hininga siya at lumapit para yakapin ako. "Shush... You can... You're with me... Just trust me. Stay with me."
Mas lalo akong umiyak. "Gusto ko nang umuwi..." pagmamakaawa ko. "Ayaw ko na rito, Arkin..." Kumapit ako sa damit niya. "Please..."
Tumango siya habang yakap-yakap ako. Hindi ko alam kung paano ko kinayang tumayo at sumunod sa kaniya papuntang parking. Sinigurado niya pang walang tao bago niya ako sinakay sa sasakyan niya. I was closing my eyes the whole trip. My eyes hurt from crying.
Nang mahatid niya ako sa bahay, dere-deretso lang akong bumaba at naglakad papasok. Susunod na sana siya pero sinara ko kaagad ang pinto. Napaluhod ulit ako at umiyak. I was scared... I was so scared.
Takot na takot akong lumabas muli. Ilang taon kong prinotektahan ang sarili ko... Kaya bakit nangyayari ulit 'to? All those years I spent trying to heal became nothing. Did I make the wrong choice again?
But my choice was to love... Bakit pakiramdam ko mali pa rin?
"Kailan ba magiging tama ang pagmamahal ko?" bulong ko sa sarili. Will I ever... be happy?
________________________________________________________________________________
.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro