Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

45


Original song for this chapter: Sa Pag-Ikot ng Araw - Gabo Gatdula (attached above) 


___ 


"Sige na, pumunta ka na. It's just a small gig." 


Small gig? Napatingin ako kay Larkin at tinaasan siya ng kilay. Small gig for such a big artist? Hindi ako naniniwala roon! Hindi pwede 'yon lalo na't release 'yon ng kanta niya. Kanina pa niya ako pinipilit na pumunta dahil importanteng event daw 'yon para sa kaniya. 


"Small gig with thousands of people? No." Umiling ako sa kaniya at pinagpatuloy ang pagtatrabaho ko. Hindi ko maintindihan kung bakit narito na naman sa bahay 'to. Natapos lang ang shooting nila at nagkaroon siya ng free time, palagi na niyang tinuturuan si Aidan dito. Alam ko namang marunong na si Aidan kaya excuse na lang 'yon sa kaniya! Palagi siyang pumupunta rito kapag wala siyang klase! Ang sabi niya kayang-kaya naman daw niya ang requirements nila. 


Okay lang naman dahil ganito rin naman siya dati. Mabuti nga at bumabalik na kami sa dati... Iyong magkaibigan kami at palagi siyang narito sa bahay as a friend. As a friend lang naman 'to kaya okay lang. Huwag ko lang isipin ang sinabi niya noong isang araw tungkol kay Clea at sa oras na magkasama raw kami. Dumadagdag lang 'yon sa isipan ko lalo na't hindi rin naman niya pinaliwanag. 


"Via, I swear. Close friends ko lang ang pupunta. Huwag mo na 'kong kausapin kahit kailan kung hindi ka maging kumportable sa lugar na 'yon. I just wanted to celebrate my new release with my family and friends," pagpapaliwanag niya habang nakahiga sa kama ko at nagii-scroll sa phone niya. 


"Titingnan ko," sambit ko sa kaniya. Friday kasi 'yon at hindi ko alam kung mago-overtime ba ako sa trabaho o hindi. Napakarami ko nang ginagawa ngayon. 


"Masisingit mo ba ako sa schedule mo, Architect Diaz?" Bumangon siya sa kama at sarkastiko akong tinanong. 


"Talk to my manager," seryosong sabi ko habang may ginagawa sa laptop ko. Narinig ko ang tawa niya bago binagsak ulit ang katawan sa kama. Nagulat ako nang bigla siyang bumati sa screen ng phone niya ng 'Hi' kaya napalingon ako. 


"Hello, guys. Long time no live. Short lang din 'to." Nanlaki ang mga mata ko at tinigil ang ginagawa para hindi ako makagawa ng ingay. Sinamaan ko siya ng tingin pero nakahiga lang siya roon at hawak ang phone. Siraulo talaga! 


Mabuti na lang at walang design ang bed sheet ko at kulay puti lang 'yon! Iyon lang naman siguro ang nakikita kaya dahan-dahan akong bumalik sa ginagawa ko, ayaw gumawa ng ingay, habang siya ay nakikipag-usap sa fans niya na para bang wala ako roon at wala siya sa kwarto ko! 


"Thank you, everyone, for supporting my movie with our best actress, Clea Aguilar." Tumawa pa siya. "Girlfriend? Ah, I don't have a girlfriend yet. If some of you want to apply, I'd be willing to entertain..." 


Napakunot ang noo ko sa kalandian ng lalaking 'yon habang nakatutok ako sa screen. Nakahiga lang talaga siya roon at hawak ang cellphone. Sana hindi na siya bumangon dahil baka mapansin pa ng iba na nasa ibang kama siya! 


"Oh, narito lang ako sa set, waiting for my scene," pagsisinungaling niya pa. Bawat sinungaling niya kung nasaan siya ay napapailing ako. Napakagaling talagang aktor! Hindi man lang nauutal o kumukurap kapag nagsasabi ng kasinungalingan! 


Sinara ko na ang laptop ko at dahan-dahang naglakad papuntang side table para kuhanin ang charger ko. Nakita kong lumingon sa akin si Arkin kaya nagtama ang tingin namin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata kaya binalik niya ang tingin sa camera niya, nakangisi na. 


"Have you guys heard the teaser of my new song? Let me know what you think in the comments," pagpapaalala niya pa ng kanta niya. "I have a question. If you really want someone to listen to the song you created, how will you ask them?" 


Nilipat niya ang phone sa isa niyang kamay para mahawakan ang kamay ko nang patago sa gilid. Sinubukan kong alisin 'yon pero ayaw niya akong pakawalan at hinatak pa ako paupo sa kama. Napatakip ako sa bibig ko gamit ang isa kong kamay para hindi ako makagawa ng ingay. 


"Do I like someone right now?" tanong niya sa sarili niya habang nagbabasa ng comments. "Of course..."


Sinusubukan ko pa ring alisin ang hawak niya sa akin pero nilipat niya 'yon at nilagay sa bewang ko. Hinampas ko tuloy ang kamay niya at mabilis na naglakad paalis. Narinig ko pa ang mapang-asar na tawa niya.


"Of course I like you guys. My Rhythmics..." pambobola pa niya roon. "I really hope you will like my next song. Maganda ang message noon. Malalim pa... It's about a person reminiscing their memories with their special someone who left them in the end... That's their way of expressing how painful it is."


Napakagat ako sa ibabang labi ko, alam kung sino ang tinutukoy niya. Paniguradong hindi 'yon si Clea at hindi naman siya iniwan noon. Hanggang ngayon ba pinapatamaan pa rin ako nito sa kanta niya? Kapag siya ginantihan ko! 


"No, it's not my experience. It's an experience of a friend..." Tumawa na naman siya. "Kung alam n'yo lang... Na-broken na kasi lahat ng kaibigan ko, eh. Shoutout nga pala kay Sebastian! Kung nakikinig ka ngayon, kawawa ka naman. Para sa 'yo 'yong kanta ko." 


Mabuti na lang at in-end na rin niya kaagad ang live niya na 'yon kaya nakahinga ako nang maluwag. Pagkatapos noon ay nag-post pa siya ng selfie niya na nakahiga sa bed sheet ko! Mabuti na lang talaga at walang nakakapansin! 


"Tapos ka na ba?" tanong niya sa akin nang pumunta siya sa tabi ko. 


"Hindi pa kaya umuwi ka na." Sinamaan ko siya ng tingin kaya nagtaka siya. "Paano kapag nalaman nilang narito ka sa kwarto ko, huh?"


"Via, 'yong bed sheet mo, parang bed sheet ng hotel..." Napailing siya at tiningnan pa ang bed sheet ko. Aba, nilalait niya ba 'yon?! Maganda naman, ah! Comfortable din siya higaan! 


Umuwi na rin 'yong lalaking 'yon pagkatapos tumambay at makipagkulitan kina Aidan. Maluwag na ang schedule niya dahil puro pag-promote na lang ng kanta niya ang inaatupag niya ngayon. Iyon ang sabi niya sa akin. 


Dumating ang Friday at todo pilit na naman sina Luna sa akin pumunta. Gabi pa naman 'yon magsisimula kaya nag-overtime muna ako sa office para tapusin ang trabaho ko. Pagkatapos noon ay matagal akong nakaupo sa sasakyan, iniisip kung pupunta ba ako o hindi. Ang sabi ni Luna ay kaunti lang daw ang tao pero natatakot pa rin ako.


Bumuntong-hininga ako at sinandal ang noo ko sa may manibela habang tinatapik-tapik iyon. Nakapikit ako at nag-iisip pa rin, kinakabahan. 


"Kaya mo 'to, Avianna," bulong ko sa sarili ko. "It's time to face people..." 


Huminga ulit ako nang malalim bago ako nag-drive papunta roon sa venue. Isa siyang underground bar ngunit maganda at malinis daw sa loob. Malaki rin daw siya sabi ni Luna at mukhang mga bar ng hotel kaya hindi naman daw kumpol-kumpol ang mga tao. Natatakot kasi ako kapag sobrang enclosed ng space. 


I was wearing my navy blue pantsuit and sandals when I walked down the stairs. Naririnig ko na kaagad ang tugtog sa labas ngunit hindi si Arkin 'yon. May iba pa sigurong tumutugtog. Napasandal ulit ako sa may pader at napaupo sa may hagdanan, natatakot pumasok. 


"Umuwi na lang tayo, Via..." sabi ko sa sarili ko. Tumayo na kaagad ako at maglalakad na sana paalis nang muntik ko nang mabunggo ang lalaking humarang sa may hagdan. 


"So pumunta ka nga..." Arkin playfully said. The side of his lips rose up when he saw me. "Although you're late..." 


"Sabi mo pumunta ako." Humakbang ako pababa ng hagdan at sumandal sa may railings. Pinagkrus ko rin ang braso sa dibdib ko habang nakaiwas ng tingin, guilty dahil sinubukan kong tumakas. 


"Come here." Inalok niya ang kamay niya sa akin at bumaba ng hagdan. Matagal kong tinitigan ang kamay niya bago ako lumingon sa paligid, kinakabahan na baka may makakita. Napansin niya 'yon kaya binaba niya ang kamay niya at binuksan na lang ang pinto. Sinenyasan niya akong mauna na papasok. 


"Maraming tao?" tanong ko ulit sa kaniya.


"Kaunti lang..." he assured me again. "And I will always be by your side." 


Hindi ako nagsalita at dahan-dahang pumasok. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang kaunti lang nga 'yon. Lahat sila ay mas tutok sa tumutugtog sa harapan kaysa sa pumasok sa bar. May nakita akong mga pamilyar na mukha pero bilang lang din sa daliri ko. Yumuko na lang ako at hinanap sina Luna. 


"Via ko!" bungad ni Luna at niyakap ako. Nakaupo sila sa may couch. Si Luna, Kierra, at Sevi lang ang naroon. Umiinom silang lahat ng beer. 


"Una na 'ko... Ako na next," sabi sa amin ni Arkin pagkakuha ng case ng gitara niya sa gilid. 


Tumayo rin muna ako para batiin ang magulang niya bago ako bumalik sa couch, naghihintay. Nag-cheer silang lahat nang lumabas si Arkin at umupo roon sa may stool, nagso-sound check. Casual lang iyon dahil kami-kami lang din naman. 


"Mic test," sambit niya. Nakakatindig-balahibo talaga ang boses ng lalaking 'to kahit iyon lang ang sinabi. He had a very nice voice, both speaking voice and singing voice. Everyone loved that about him. 


"Hello, so this song will be released in 5 minutes..." Tiningnan niya ang relo niya. "I wrote this song back when I was... lonely and longing for someone. A friend? A loved one... My best friend... My girlfriend... I don't know." He let out a small laugh. "But what I do know is that... There was something missing in me. May kulang. Hindi ako sanay." 


Nagkatinginan kami nina Luna at siniko pa ko ni Sevi kaya siniko ko rin siya pabalik. Tumawa lang siya at binigyan ako ng head pat para sabihing okay lang 'yan. Sinamaan ko siya ng tingin bago binalik kay Arkin ang atensyon ko. 


"Hindi ako sanay kasi parang... Ang bilis mawala ng bagay na sobrang tagal kong pinaghirapan buoin. More than twenty years... I was trying to build the perfect relationship... and still failed. So... Here's the song that I wrote... about my missing piece." 


Nag-strum siya ng gitara habang nakayuko. "Ang bukang liwayway ng ating pagsasama, sana'y 'di nagwakas..." Napatitig ako sa kaniya habang kumakanta siya. Namangha rin ang mga nanonood sa panimula ng kanta niya. "Ang pagnakaw sa sandali ang siyang sumira sa kasigl'an ng umaga..." 


It was such a beautiful start. Napakaganda ng kanta. It was slow, emotional, and powerful. Hindi talaga nakakasawang pakinggan ang musika niya.


"Oh... 'di mo ba nararamdaman? Ang pighati nang ika'y lumisan..." Napatigil siya saglit bago nag-strum ulit. "Oh mahal ko... Sana'y 'di naglaho sa dapit-hapon... O pagsara ng pinto..." 


Kitang-kita ko sa mga mata niya ang emosyon. Alam ko kung ano ang sinasabi ng mga mata at boses niya. Naramdaman ko ang sakit sa dibdib ko habang pinapakinggan ang mensahe ng kanta niya. 


Naalala ko... 'yong panahong tinanong ko sa kaniya kung kaya pa ba namin at sinabi niyang kaya niya pa... ngunit ako hindi na. 


"Nararamdaman mo ba ang paghaplos ng alon? Ang kaluskos ng mga dahon... Sa dagundong ng puso'y umayon... Oh 'di mo ba nararamdaman? Ang pighati nang ika'y lumisan..." 


Hindi ko inalis ang tingin ko kahit noong lumingon siya sa akin. He stopped strumming again before looking away and closing his eyes while singing. He looked so in pain. My face started to heat as tears started pooling at the corner of my eyes. 


"Oh mahal ko... Sana'y 'di naglaho sa dapit-hapon... Pabago-bagong yugto..." It was a long and emotional strumming before he continued singing. "Kabisa pa'ng bawat kilos... Bawat segundong umagos... Tiyak bawat hakbang... Bawat tingin ay nakatuon sa 'yo..." 


He was strumming again while staring at me. Kumikirot ang dibdib ko. Akala ko ay nakalimutan ko na ang pakiramdam na iyon... pero bumabalik sa akin lahat. Tumutulo na ang luha ko habang nakatingin siya sa akin. 


"Sa pag-ikot ng araw at sa dapit-hapon... Sana'y hindi maglaho..." sambit niya bago binaba ang gitara. 


There was a long silence before everyone started clapping. Napangiti nang tipid si Arkin bago tumayo, hawak pa rin ang gitara. Nagpasalamat siya sa lahat ng pumunta bago bumaba ng mini-stage. Tumayo naman ako at nagpaalam kina Luna na lalabas ako saglit. 


Umupo ako sa may hagdanan at niyakap ang binti ko habang umiiyak. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang sarili ko. Alam kong hindi ko dapat siya iniwan nang ganoon-ganoon lang... pero hindi ko na rin kaya noong mga panahong 'yon. 


"Via..." Alam kong siya 'yon. Umupo siya sa tabi ko at hindi na nagsalita ulit. 


I cried more while covering my face with my hands. Alam kong masakit... At gusto ko mang pawiin ang sakit sa kaniya, wala na akong magagawa. 


"Ang hirap... Arkin... noong mga panahong 'yon..." umiiyak na sabi ko. "Hindi ko rin naman ginustong iwan ka. Kung pwede nga lang, haharapin ko ang mundo kahit batu-batuhin nila ako sa likod... Kahit saktan nila ako... dahil alam kong nandiyan ka para sa akin pero... Arkin, mahina lang ako..." 


"Hindi ka mahina, Via," seryosong sabi niya. 


"Gustong-gusto ko nang kalimutan lahat ng kinakatakutan ko," bumiyak ang boses ko. "Hindi ko rin 'to gusto... Hindi ko 'to gusto... Hindi ko gustong kailangan ko pang paalalahanan ang sarili kong kaya ko kapag haharap ako sa maraming tao... Hindi ko gustong manginig o sumikip ang dibdib kapag nababanggit ang nangyari noon... Ayaw ko rin nito, Arkin... Ang hirap-hirap..." Iyak ako nang iyak. 


"Hindi mo kailangan madaliin, Via... At hindi ako nagmamadali... Gusto ko lang na subukan mo ulit..." mahinang sabi niya. "Gusto kong subukan natin ulit." 


"Bilang magkaibigan?" tanong ko sa kaniya.


"Hindi ko kayang maging kaibigan ka ulit, Via, pagkatapos ng lahat... Parang niloloko ko na lang ang sarili ko... Hanggang ngayon, pucha, ikaw pa rin, eh. Hindi na magbabago 'yon." Napabuntong-hininga siya. "I tried... I really did... But I can't forget you. I don't want to." 


"Try again?" Napalingon ako sa kaniya habang tumutulo ang luha sa mga mata ko. "At paano kung masaktan tayo ulit?" 


"Kung masasaktan, eh 'di masaktan. I'll do everything to ease your pain... even if it means hurting more." Niyakap din niya ang tuhod niya. "I'd be lying if I say that I promise you nothing like that will happen again... But I know what to do now. I was young back then... and I didn't know any better. What I could promise is to treat you better than before." 


"Arkin..." Napahilamos ako sa mukha ko at yumuko. "Hindi ko alam kung pareho ba ang nararamdaman ko para sa 'yo noon at ngayon." 


Napapangunahan ako ng takot. Alam kong mahalaga siya sa akin ngunit sa tagal kong pinilit sa sarili kong puro sakit lang ang mabibigay niya sa akin, unti-unti ko nang nakalimutan ang pagmamahal ko sa kaniya. Hindi ko alam kung narito pa iyon o puro takot na lang ang nasa puso ko. Ang alam ko lang... nasasaktan pa rin ako tuwing naaalala ko ang nangyari noon.


Was I living in the past all along? Nasasaktan ako sa mga tapos nang mangyari at hindi kayang harapin ang nangyayari ngayon. How will I ever grow out of it if I will continue living in the past? Time was moving... and I should too. Hindi ako pwedeng habangbuhay nananatili sa sakit ng kahapon. Mauubusan ako ng panahon. 


"Noong nakita kita sa Spain... sa train station..." Napatingin ako sa kaniya nang magsalita siya. "Mukhang okay kang tingnan. Ang ayos ng hitsura mo... Parang... Parang okay kang wala na ako... At naisip kong 'ako kaya? Kailan kaya ako magiging katulad niya?' because I think I loved you more than you loved me..." Hindi ko alam ang gagawin ko nang tumulo na ang luha niya.


"I was not okay... I was never okay," mahinang sabi ko. "Kinailangan ko lang magmukhang okay... dahil maraming umaasa sa akin. Marami akong responsibilidad sa buhay. Simula dati pa naman, kailangan kong magmukhang maayos sa harap ng mga tao dahil alam kong inaasahan nila ako. Kung mahina ako, paano na ang mga kapatid ko? I had to be a mother for them... at such a young age... and it was never easy. It was also never easy to lose someone I cherished for more than twenty years."


"Bakit hindi mo sinabi sa 'king aalis ka?" His voice broke, which made me tear up more. 


"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin..." Yumuko ako, guilty na ngayon. "Highschool pa lang, alam ko nang aalis din ako pero hindi ko sinabi sa 'yo dahil... Iniisip kong baka hindi mo kayanin. We were never apart for that long... and with that kind of distance. Natakot ako..."


"So leaving without saying anything was the better choice?" Tiningnan niya ako, puno ng sakit ang mga mata. "Right after I felt your love... the night before? Right after getting my hopes up... confused... Paano mo... Paano mo nakayanang iparamdam sa aking mahal mo pa ako... at iwan ulit ako kinabukasan na para bang wala lang para sa 'yo lahat ng nangyari? Minahal mo ba ako, Via?" 


Ang tanong na 'yon ang tumusok sa didbib ko. Hindi ko inakalang kaya niyang itanong sa akin 'yon. Was he doubting my love for him? Hindi ko naman siya kayang sisihin... dahil ako ang umalis. Iniwan ko siya nang walang pasabi. But...


"How could you ask that, Arkin?" Napatakip ako sa bibig ko, pinipigilan ang humikbi. "Kahit gaano kasakit sa akin, sinubukan kong manatili sa tabi mo... dahil mahal kita. Kahit kinakalaban ako ng mundo, kahit sinasaktan ako ng mga tao, kahit kailangan kong magtago, kahit naaalala ko ang masasakit kong kahapon sa 'yo, nanatili ako... at sinuportahan kita sa lahat ng gusto mong gawin. Kahit ilang beses kang magsinungaling sa akin, Larkin... Handa akong maniwala sa mga sinasabi mo... dahil mahal kita... At alam kong hindi dapat ganoon ang pagmamahal pero... Pagmamahal pa rin para sa akin 'yon. Hindi ba?"


"Kung mahal mo 'ko... Bakit hindi mo man lang nagawang magpaalam sa akin bago ka umalis?" Umiyak ulit siya kaya bumigat ang dibdib ko. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak nang ganito. "Ilang gabi... Ilang araw kong inisip... kung bakit ang dali sa 'yong umalis pagkatapos ng lahat? Nagkulang ba ako ng pagpaparamdam sa 'yong mahal kita?"


"Kasi mahal kita, Arkin... Mahal na mahal kita... kaya hindi ko magawang magpaalam sa 'yo. Alam kong hindi ko kayang sabihin sa harapan mong iiwan na kita... Sobrang sakit at sobrang bigat. Hindi ka nagkulang... ngunit masama rin para sa atin ang sobra." Pinunasan ko ang mga luha ko dahil wala na akong makita. "And I think it was a good thing that we were apart... It made us realize how wrong our love was. Love and dependency... are different." 


Hindi siya nagsalita at tumango na lang, humihikbi. Dahan-dahan akong tumayo at bumaba ng hagdan para iluhod ang isang tuhod sa harapan niya. Kailangan kong makita nang maayos ang mukha niya. Binigyan ko siya ng masakit na ngiti bago hinawakan ang mukha niya at pinunasan ang mga luha niya. 


"I'm sorry," bulong ko bago ako tumayo at niyakap siya, ang ulo niya ay nasa bandang tiyan ko. Yumakap siya sa baywang ko habang tinatapik-tapik ko ang balikat niya. "I'm sorry... for leaving without a word... and for making you feel like you had me... when I eventually slipped away." 


"Ah, fuck..." Sinubukan niyang punasan ang luha niya. "Mahal na mahal pa rin kita..."


Natigilan ako sa sinabi niya, lalo na't naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hinigpitan ko na lang ang yakap ko sa kaniya at hinaplos ang buhok niya. Para siyang bata. Naalala ko tuloy noong highschool. Palagi rin siyang umiiyak nang ganito sa akin. Lalo na noong sinabi niyang gusto niya ako...


"May... gusto akong puntahan bukas. May gagawin ka ba?" tanong ko sa kaniya.


Tumigil tuloy siya kakaiyak para iangat ang tingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya habang hinahaplos pa rin ang buhok niya para patahanin siya. Puno ng pagtataka ang mga mata niya. 


"Are you asking me out on a date?" naguguluhang tanong niya. 


"Ano nga?" kalmadong tanong ko ulit. 


"I mean... Of course I'm..." Hindi na siya makapagsalita ngayon. "Siyempre... Free ako. I'm always free..." Parang nawala siya sa sarili niya.


"Then... I'll see you tomorrow." Tinapik ko nang mahina ang pisngi niya bago ako naglakad paakyat ng hagdan para umalis na. 


Pagkarating ko sa sasakyan ay saka lang ako nagpakawala ng mabigat na hininga. Kanina ko pa pinipigilan 'yon. Napasabunot ulit ako sa buhok ko, pinagsisisihan na ang mga sinabi ko! Nakakahiya! Bakit ko ginawa 'yon?! Anong pumasok sa utak ko, huh?! 


"Ano ba naman 'to, Via..." bulong ko sa sarili ko. "Akala ko ba friends lang?" 


Hindi ko na rin alam sa sarili ko. Nanghihina ako kapag nasa harapan ko na siya. Mas okay pa palang nakikita ko siya sa mga posters, standee, or screen. Mas madali para sa akin ang tiisin siya, pero kapag nasa harapan ko na siya, hindi ko na alam ang sasabihin ko. Nawawala na naman ako sa sarili. 


"May gayuma si Arkin... kaya siguro ang dami niyang fans," pagkumbinsi ko na lang sa sarili ko bago nag-drive paalis. 


Maaga akong nagising kinabukasan dahil tumatawag si Arkin at tinatanong kung anong oras daw kami magkikita. Ang sabi ko ay pumunta na lang siya sa bahay at sabay na kaming pumunta roon sa lugar na gusto kong puntahan pero mga 3:30 PM pa sana.


Nag-jogging na lang ako dahil maaga pa bago ako nagluto ng umagahan para sa pamilya ko. Nagtrabaho na rin ako saglit at nag-attend ng meetings habang naghihintay ng oras. Pagkatapos naman ng lunch ay naligo na ako at pumili ng damit.


Bandang huli, nagsuot na lang ako ng simpleng pants at sleeveless top dahil mainit. Nagsapatos na lang din ako at nag-half ponytail. It was a casual attire, a nice getaway from my work attire. Narinig ko na si Arkin sa baba kaya kinuha ko na ang susi ng sasakyan ko. Bago ako lumabas ng kwarto, napatingin ako sa case ng gitara ko.


Naglakad ako palapit at kinuha 'yon para isabit sa balikat ko bago ako bumaba. Nakita ko pa ang gulat sa mga mata ni Arkin nang makitang dala-dala ko ang gitara ngunit hindi na lang din siya nagsalita at sumakay na sa sasakyan ko. 


Tanong siya nang tanong kung saan kami pupunta pero hindi ko siya sinasagot. Mabuti na lang at simple lang din ang suot niya. White printed shirt at jeans. Galing yata siyang klase at may bag pa siyang dala, pati camera.


"Huh?" nagtatakang tanong niya nang pumasok na kami sa UP. "Saan tayo? Kagagaling ko lang dito, ah!" 


"Huwag ka nang magreklamo," sabi ko sa kaniya. Sinuot niya na lang ang cap niya bago kami bumaba ng sasakyan. 


Pumasok kami roon sa may isawan. Kilala na pala siya ng mga nagbebenta rito kaya kumaway siya at sinabing huwag na lang maingay. Nag-order kami ng pagkain bago umupo sa may mga upuan roon, naghihintay. 


"Dito pala ang date natin," nakangising sabi niya. Nasa pinakasulok kami para walang makakita sa kaniya. 


"Ayaw mo ba?" tanong ko sa kaniya.


"Hindi naman..." Tumingin siya sa paligid. "It just reminds me of our college days... kahit technically, college pa rin naman ako ngayon." 


That was the point, Arkin. Napailing na lang ako at nag-phone habang naghihintay. Kinuhanan ko pa siya ng picture kahit alam kong hindi ko naman mapo-post. Gusto ko lang ng memories. Magkasama kami ngayon... Iyon ang mahalaga. 


"Anong ginawa mo rito kanina?" tanong ko sa kaniya.


"May shinoot lang for a project. School related," sagot naman niya. Nilabas pa niya ang camera at pinakita sa akin 'yong shinoot niya. Hindi ba weird sa kaniya na hindi na siya ang laman ng camera? Siya na ang may hawak noon at nagdi-direct. 


"Do you like being on camera or off camera? Ano ang mas gusto mo?" tanong ko sa kaniya.


Napatingin siya sa akin saglit, nag-iisip. "Off..." Ngumiti siya. "Ayaw ko nang nasa harapan ng camera. Mas gusto ko nang magtrabaho sa likod noon." 


"Your original dream," mahinang sabi ko at tumango naman siya. "Pero... Paano ang musika mo?"


"Hindi ko kailangan umarte sa musika ko. I can be who I want to be. I can be myself... Iyon ang mahalaga," seryosong sabi niya. "Pagod na akong umarte sa camera. I want to be genuine now... using my music." 


Dumating na rin ang pagkain namin pagkatapos noon at dinala na lang namin 'yon habang naglalakad. Sakto at palubog na ang araw nang makarating kami sa Sunken Garden. Umupo ulit ako sa ilalim ng puno at tinabi ang kinakain kong fishball para kuhanin ang gitara ko sa case. Pinapanood niya lang ako, gustong magtanong pero hindi magawa. 


Nilagay ko ang gitara sa binti ko habang tinotono 'yon. Mabagal ang pagnguya niya, naguguluhan pa rin sa inaakto ko. 


Nag-strum ako ng gitara. It was the first time I didn't feel heavy. I actually... liked it. I liked hearing the strum of the guitar. I liked... music. 


"Ginintuang tanawin... sa ilalim ng langit, ika'y kapiling ko," I sang. Muntik na niyang madura iyong kinakain niya. "Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam ang palad mo... Sana'y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako... Kulay kahel na langit, nakitang gumuhit... sa ganda ng mata mo..."


I looked at him while I was strumming the guitar. Nakaawang ang labi niya, gulat pa rin at kinanta ko ang kanta niya. Again... Red, orange, and yellow. The colors of the sunset were reflecting on his face. Ito pala ang nakikita niya noon sa akin. 


I continued singing and strumming slowly until I reached my favorite part of the song. "Nagtatanong ang aking isipan... nais mo rin ba akong mahagkan?" I looked at him again. "Hanggang dito na lang ba... ang ating pagkakaibigan?" 


"Via..." Napatakip siya sa bibig niya at lumingon sa ibang direksyon, namumula ang pisngi. Natawa tuloy ako habang tumutugtog. 


Tumigil ako at binaba ang gitara sa gilid pagkatapos ng kanta. Natahimik kami pareho, hindi alam ang sasabihin. Pinanood ko na lang lumubog ang araw habang yakap ang tuhod ko. 


"Kino," tawag ko.


"H-huh?" Sabay kaming lumingon sa isa't isa. Hindi ko napansing sobrang lapit niya pala sa akin kaya nagulat ulit ako at umiwas. "Bakit?" 


Hindi ako nagsalita kaya lumapit ulit siya at hinawakan ang baba ko para matingnan ko siya ulit. He stared at my eyes for so long, trying to read my mind. Napangiti siya saglit nang makitang naiilang ako. 


"Still the same, Via," mahinang sabi niya bago lumapit. 


Napapikit ako nang maramdaman ang labi niya sa akin. It was soft and short... but it had too many emotions. Nang bitawan niya ako, magkalapit pa rin ang mukha namin. 


"Ano?" mahinang tanong niya. "Say it, Rye..." 


Matagal akong napatitig sa mga mata niya, trying to find comfort to say what was on my mind. "I want to write music," bulong ko. 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro