44
"Mukhang kanina ka pa busy, Architect Diaz. May boyfriend ka na siguro."
Kanina pa ako inaasar ng mga kasamahan ko dahil kanina pa rin ako tingin nang tingin sa phone ko. Palagi kasing nagte-text si Arkin kaya sinasagot ko na lang din. Tungkol lang naman sa mga napaka-random na mga bagay ang text niya katulad ng may binili raw siyang bagong sapatos, may natapong drink sa set, galit ang direktor, at may aso raw na naligaw.
From: Arkin
Gusto mo starbucks
Naglakad ako palayo sa may site para pumunta sa lilim dahil mainit bago ako nagtipa ng reply sa kaniya.
To: Arkin
Nasa Bulacan ako. Nagtatrabaho.
From: Arkin
Alright what time are you going home
To: Arkin
Around 4 PM may kukuhanin pa ako sa office
Matagal bago siya nag-reply kaya tinago ko na lang ulit ang phone ko at bumalik sa may site. Nagkakaroon sila ng meeting doon kaya naman nakinig ako at nagsabi na rin ng input ko. Nahihilo na yata ako sa sobrang init.
"Kanina ka pa namumutla, Via," puna ni Dan sa tabi ko. Napangiti lang ako sa kaniya at pinunasan ang pawis ko. Ang init-init ngayon at hindi pa ako nakakakain simula kanina. "Kumain ka ba? Sandwich, gusto mo?"
"Huwag na. Mamaya na. May aayusin pa ako." Pumasok ako sa may office at kinuha ang laptop ko para magtrabaho. Nag-attend na rin ako ng virtual meeting para roon sa firm namin sa Spain kaya naman napapakunot ang noo ni Dan, hindi maintindihan ang sinasabi ko.
Medyo matagal ang meeting kaya naman hindi ko napansing madilim na pala pagkalabas ko. Akala ko ay gabi na ngunit pagtingin ko sa oras ay maga-alas kwatro pa lang. Mukhang uulan kaya naman bumalik ako at inayos na ang mga gamit ko. Kanina, ang init, tapos ngayon uulan pa.
Tinawag pa ako ng mga kasama naming architect kaya sinuot ko ang hard hat at pinuntahan sila para tingnan iyong ginagawang first floor. Nag-uusap pa kami nang biglang umulan nang malakas kaya nagkaniya-kaniyang takbo kami pabalik sa office. Nabasa pa ako!
"Mukhang kailangan na nating umuwi. Lumalakas na rin ang ulan," sabi ng isang architect.
Hinubad ko ang hard hat at kinuha ang gamit ko. Tinignan ko kung alin ang hindi pwedeng mabasa at iniwan na lang 'yon doon. Hindi ko naman gaanong kailangan. Itinago ko na lang ang laptop sa bag ko bago nagpaalam sa kanilang aalis na.
Tinakbo ko na lang ang ulan hanggang sa makarating sa sasakyan. Nilapag ko ang mga gamit ko at kumuha ng maliit na towel para punasan ang sarili ko dahil nabasa na rin ang katawan ko. Hininaan ko na lang ang aircon ng sasakyan habang nagda-drive pabalik ng Manila.
Nang makauwi ako, saka ko lang napansin ang reply ni Arkin. Ang sabi niya pala ay dadaan siyang bahay pagkauwi ko dahil magdadala siya ng dinner kina Papa. May usapan daw sila ngayon. Wala pa naman siya pagkarating ko kaya naligo na muna ako at nagpalit ng damit pambahay.
Humiga ako sa kama ko at tinakip ang braso sa mga mata ko dahil sumasama ang pakiramdam ko. Hindi pa ako nakatayo kaagad nang marinig ko si Arkin sa baba kaya pinuntahan niya na ako sa taas.
"Kakain na, Via," sabi niya sa akin.
"Hmm," mahinang sagot ko. Hindi siya nagsalita ngunit narinig ko ang yabag ng paa niya papalapit sa akin kaya tinanggal ko ang braso ko sa mga mata ko at dumilat. Umupo siya sa may gilid ng kama ko at nakakunot ang noo nang haplusin ang leeg ko gamit ang likod ng kamay niya. "Ano?"
"Lalagnatin ka yata," sabi niya sa akin bago binawi ang kamay. "Nagpaulan ka ba? Hindi mo dinala ang payong ko?"
"Okay lang 'yon." Tumalikod ako sa kaniya at niyakap na lang ang unan dahil inaantok na ako. Wala naman akong gana kumain kaya pumikit na lang ako. Hindi na nga ako nakakain buong araw maliban sa breakfast pero hindi ko alam kung bakit hindi ako nagugutom. Nalipasan na yata ako.
"Halika na. Kumain ka na." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at sinubukan akong hatakin patayo pero umiling ako at niyakap na lang ulit ang unan. "Ang kulit naman nito."
"Mas makulit ka. Pagod na nga sa trabaho 'yong tao, nanghahatak ka pa," balik ko sa kaniya. Tumayo siya sa harap ko at nagpamewang bago umiling at naglakad paalis. Sa wakas, natahimik na ang buhay ko.
Pumikit na lang ako ulit dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako sa araw na 'to. Napakainit kasi sa site tapos ang dami pang ginagawa kaya hindi na ako nakakain. Dederetso na sana ako sa pagtulog nang marinig ko na namang bumukas ang pinto.
"Hoy, kumain ka. Ito na 'yong pagkain." Sinundot ni Arkin ang balikat ko habang nakatalikod ako sa kaniya. Napasabunot ako sa buhok ko bago ako dahan-dahang umupo. Dinala nga niya ang pagkain. Pasta 'yon at may dala rin siyang gamot at baso ng tubig. "Dali na. Healthy 'to."
"Hindi naman kasi ako nagugutom," bulong ko, nagmamaktol. Tinitigan niya ako nang seryoso at hindi na nagsalita, mukhang hindi na natutuwa sa akin kaya ngumiti na lang ako nang tipid at kinuha 'yong plato para kumain.
"Ubusin mo na 'yan," seryosong sabi niya.
Pinagmasdan ko siya at napansing naka-pang gig attire siya. Mukhang kagagaling lang niya sa isang performance at dumeretso rito. Nakaayos pa kasi ang buhok at mayroong kaunting makeup sa mukha. Hindi naman masyadong halata.
"May bago kang kanta?" tanong ko sa kaniya at nilapag ang plato sa gilid, hindi na kayang ubusin 'yon pero kaunti na lang naman. Napakamot pa siya sa ulo niya at siya na ang umubos. Palagi naman niyang inuubos ang pagkain ko.
"Oo, malapit na 'yong release," sabi niya habang binubuksan 'yong gamot. "Oh." Inabot niya sa akin 'yon, pati na rin 'yong baso.
Uminom na lang ako ng gamot dahil mukhang seryoso si Arkin ngayon. Tumayo rin ako kaagad para ligpitin ang pinagkainan ko pero sabi niya siya na raw at kinuha ang mga plato at baso para bumaba sa kusina. Ako naman ay pumuntang banyo para mag-toothbrush bago matulog.
Narinig ko siyang naghuhugas ng plato sa baba bago ako pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog na ako kaagad.
Nagising lang ako noong madaling-araw dahil pinagpapawisan ako. Tumayo ako pagkatapos at binuksan ang aircon bago natulog ulit. Kinabukasan, maaga akong gumising para pumasok sa trabaho kahit pakiramdam ko ay mahihimatay na ako sa sobrang init.
"Bakit pumasok ka pa sa trabaho, Via? Sana nag-sick leave ka," sabi ni Dan nang mapansin ang hitsura ko sa office.
"Maaga naman ako uuwi," sabi ko sa kaniya, inaantok pa.
From: Arkin
May lagnat ka pa?
Nireplyan ko lang siya ng 'medyo' bago ako bumalik sa trabaho. Noong lunch, kumain lang ako ng tinapay dahil wala akong gana. Gaya ng sabi ko, maaga naman akong uuwi kaya hindi na ako inabot ng dilim.
Noong nasa parking na ako, nag-aya pa si Luna na mag-dinner dahil wala raw siyang kasama kaya naman pumunta kami ni Kierra. Napakunot kaagad ang noo niya nang makita ang hitsura ko pagkapasok ko sa restaurant.
"Hoy, okay ka lang ba?" Puno ng pag-aalala ang mga mata niya nang haplusin ang noo ko. "Gaga, ang init mo! Bakit pumunta ka pa rito?!"
"Sabi mo wala kang kasama kumain. Baka nalulungkot ka," nanghihinang sabi ko bago sumandal at humawak sa ulo ko. "Nag-order ka na ba?"
"Hindi pa. Hinihintay ko si Kierra. Teka... Dinala mo pa sasakyan mo? Baka naman mapaano ka sa daan pauwi. Ihahatid na kita," sabi niya sa akin, mukhang alalang-alala siya.
"Huwag na. Kaya ko naman," sabi ko sa kaniya habang nakapikit at nakakrus ang braso sa dibdib.
Dumating na rin si Kierra kaya nakapag-order na rin kami. Tumabi siya sa akin at hinaplos din ang noo ko. Ganoon ba kahalata na may sakit ako? Lagnat lang naman at hindi naman gaanong mataas kaya bakit umaakto silang parang mamamatay ako o ano.
"Dan? Gagi, bakit nandito ka?! Long time no see!" Nagulat ako nang tumayo si Luna at binati si Dan na kapapasok lang sa restaurant, kasama iyong mga lalaki niyang kaibigan.
"Luna!" Tuwang-tuwang lumapit si Dan at yumakap saglit kay Luna, sunod naman kay Kierra. "Magkatrabaho kami ni Via, ah! Hindi ba niya nabanggit? Ah, anyway... Una na kayo." Lumingon siya sa mga kaibigan niya para sabihing umupo na sila sa may table.
Nakiupo pa muna sa table namin si Dan para makipag-catch up kina Kierra. Dumating na 'yong pagkain namin, hindi pa rin sila tapos mag-usap. Kinekwento niya kasi na na-meet niya raw si Clea noong isang araw.
"Ang ganda, 'no?" sabi ni Kierra. "Na-starstruck din ako noong unang kita ko kay Clea. Ganoon pala hitsura noon sa personal. Parang anghel na binaba sa lupa."
"Huh? 'Di ba may jowa na 'yon, Dan?" chismis naman ni Luna. "Hindi si Arkin, ah!"
"Bakit? May alam ka ba, Luna?" tanong ko naman sa kaniya. "Huwag mong i-chismis 'yong ibang tao. Wala namang kasiguraduhan 'yan. Mahirap na."
"Hala, sige, i-confirm ko muna. Balita ko kasi mayroon! Hmp, chismis lang ba 'yon?" nagtatakang tanong ni Luna sa sarili.
Tumatawag si Arkin habang kumakain ako kaya naman sinagot ko at sinabing kasama ko sina Luna. "Pumunta ka rito!" sigaw ni Luna sa kaniya nang malamang siya ang kausap ko sa phone. Nilayo ko na lang 'yon at nagpaalam bago pinatay ang tawag.
"Si Arkin?" tanong ni Dan sa akin at tumango ako sa kaniya. "Okay na pala kayo, ah!"
"Nag-usap na kami," maikling sagot ko. Hindi ko naman kailangang ipaliwanag. Basta sinusubukan namin ni Arkin na ibalik 'yong pagkakaibigan namin. Hindi man iyon magiging katulad ng dati, at least kahit papaano ay nagiging kumportable na kami sa presensya ng isa't isa.
Natapos na akong kumain nang biglang may pumasok na naka-white hoodie, black pants, at facemask. Dumeretso siya sa table namin at umupo sa tabi ni Kierra kaya nasa gitna namin siya. Si Dan ay nasa tapat ko na katabi naman si Luna. Alam ko na kaagad sa pabango pa lang kung sino ang dumating.
Matagal na napatitig si Arkin kay Dan, nagtataka kung bakit naroon siya. Binati na muna niya si Luna at Kierra bago ako tiningnan. Walang pasabi niyang inalis sa bulsa ng hoodie niya ang kamay at nilagay iyon sa noo ko. Napaawang ang labi ko sa gulat.
"Halika na, umuwi na tayo," sabi niya sa akin bigla.
"Hindi ka na kakain?" tanong naman ni Kierra sa kaniya. "Pwede pa naman tayong mag-order."
"Hindi na. Kumain na ako. It's already late so we should go. May sakit pa 'to." Tinuro niya pa ako bago tumayo, inaaya na ako umalis. Umusog naman si Kierra para makadaan ako kaya tumayo na ako.
"Via, gamit mo." Inabot sa akin ni Dan ang naiwan kong gamit. "Tsaka vitamins. Binilhan kita kanina kasi namumutla ka."
"Thank you. Una na kami, Luna, Ke, Dan..." paalam ko sa kanila. Si Arkin ang kumuha ng mga gamit ko bago kami naglakad paalis. Nang nasa pintuan na kami ay napatigil pa ako sa pagtulak noon dahil may pumasok na pamilyar sa akin.
"Pucha," rinig kong bulong ni Arkin sa tabi ko.
"Pres?! Oh my gosh! Pres!" rinig na rinig ko ang lakas ng boses ni Luna nang tumakbo siya papalapit, excited. "Hala, nakabalik ka na palang Manila!"
"Ah, Luna..." Mukhang gulat pa si Pres at hindi alam ang sasabihin niya. Mabuti nga at naaalala pa nila ang isa't isa. Sabagay, ako nga, isang tingin ko pa lang ay alam ko nang si Pres 'yon!
Nakasuot siya ng white polo shirt na may logo ng FlyAsia sa gilid na naka-tuck in sa pants niya. May suot din siyang itim na jacket at specs. Nakaayos ang buhok niya na naka-middle part. Ang ayos niyang tignan.
"Nagkita kami nito ni Pres noong nakaraan sa isang event, eh!" Umakbay si Luna kay Acel. "Naaalala mo, Pres? Si Via! 'Yong nag-confess sa 'yo noong high-"
Malakas na napaubo si Arkin kaya napatigil si Luna sa pagsasalita. Hindi ko alam kung ano ang ngiting gagawin ko! Nailang ako bigla dahil sa sinabi ni Luna! Tumayo rin si Kierra at bumati kay Pres. Tumabi pa kami dahil nakaharang kami sa pinto.
"Dito ka na sa Manila, Pres?" tanong ni Kierra sa kaniya.
"Ah, no... I'm still working in FlyAsia. I just attended a meeting here," pagpapaliwanag niya. Bumulong pa si Luna sa akin na ang gwapo raw ni Pres at ang bango bago siya nakipag-usap ulit.
"Ah, meeting! Akala ko may binisita kang jowa rito, eh!" pang-aasar pa ni Luna.
"Uh..." Nahihiyang nilagay ni Acel ang kamay niya sa batok niya. "We broke up so..."
Ako ang napaiwas ng tingin sa sobrang awkward! Napamura na siguro sa utak niya si Luna dahil hindi na siya nakasagot. Mabuti na lang at nasalo siya ni Kierra doon.
"Ah... O-okay ka lang ba, Pres? Sorry rito sa pinsan ko! Walang preno 'to, eh!" Tinakpan na lang ni Kierra ang bibig ni Luna.
"It's..." Napatingin si Acel sa akin bigla at kumunot ang noo. "Are you okay?" mahinahong tanong niya sa akin.
Nagulat ako at hindi nakasagot kaagad. Parang may bumara sa lalamunan ko! Halatang-halata ba talaga na may sakit ako?
"You look sick," dugtong pa niya.
"Ah, may sakit lang siya, Pres... kaya mauuna na kami," sabi bigla ni Arkin. Hindi siya nagsasalita kanina pa, ah! Nakatayo lang siya sa gilid. Mukhang hindi naman siya nakilala ni Pres dahil naka-facemask siya pero tumango na lang ito at hindi na nagtanong.
Nagpaalam na rin kami pagkatapos noon. Mukhang mag-uusap pa nang matagal sina Luna. Sayang naman at hindi ako nakasama pero naiilang din naman ako kaya huwag na lang din.
Ang sabi ni Arkin ay siya na ang magda-drive ng sasakyan ko dahil wala siyang dala. Nagpababa lang daw siya sa driver para hindi makita ang sasakyan niyang naka-park sa restaurant.
"Papasok ka pa sa trabaho bukas?" tanong niya bigla sa akin.
"Baka hindi na... Nagpaalam na ako at nakita naman ng boss ko na may sakit ako." Nakapikit lang ako habang nasa sasakyan at nagda-drive siya pauwi. "Ikaw ba? May trabaho ka bukas?"
"Wala, sa hapon pa." Pagkatapos noon ay nabalot kami ng katahimikan. Pakiramdam ko may gusto siyang sabihin dahil kanina pa niya tinatapik ang daliri sa manibela. Ganoon siya kapag may iniisip at hindi mapakali. "Uh... Kumusta kayo ni Dan?"
Napakunot kaagad ang noo ko at tumingin sa kaniya. Hindi iyon ang inaasahan kong tanong mula sa kaniya, ha. Napaka-random naman noon. Bakit niya tinatanong kami ni Dan?
"Okay lang?" patanong ang sagot ko dahil hindi ko makuha kung ano ang punto ng tanong na 'yon. "Okay naman kami... Maayos naman siyang katrabaho."
Tumango lang siya at hindi nagsalita. Ang weird din talaga nitong lalaking 'to. Bigla-bigla na lang nagtatanong ng ganoon.
"Ngayon ko lang ulit nakita si Pres," sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi pa rin ako makapaniwala! Napakaliit ng mundo at talagang makikita ko pa siya rito sa Manila. Sa Pampanga kasi siya nagtatrabaho kaya wala na rin akong contact sa kaniya. Hindi rin naman namin kailangan magkaroon ng contact.
"Oo nga..." mahinang sabi ni Arkin. "Ano naman... Hindi ka crush noon."
"Hindi ko naman sinabing crush ako." Mapapairap na ako kung hindi lang masakit ang ulo ko.
"Sus," parang batang sabi niya. "Churros."
"Heh... Naghiwalay na pala sila..." sabi ko, napapaisip kung iyong huli ko bang nakitang lalaki ang tinutukoy niya. Hindi naman ako pala-social media kaya hindi ko rin alam kung may mga post doon. "Sayang naman... pero mukhang okay naman siya."
"He looks good, right?" tanong niya bigla.
"Oo," sagot ko dahil totoo naman.
Hindi na siya nagsalita pagkatapos noon hanggang sa makarating kami sa bahay. Akala ko ay aalis na siya pero naalala kong wala nga pala siyang sasakyan kaya siguro magpapasundo na lang siya rito. Umakyat na ako sa kwarto at dumeretso nang maligo para makatulog na kaagad. Si Arkin ay nakikipagbiruan pa kina Aidan sa baba. Nanonood kasi sila ng horror movie kaya tinatakot niya.
Nag-check lang ako ng email bago ako bumagsak sa kama. Ang init kaya ang hirap huminga. Binuksan ko na ulit ang aircon at nagtalukbong ng kumot. Hinang-hina na ako. Hindi na talaga ako magpapaulan sa susunod.
Makakatulog na ako nang pumasok si Arkin sa kwarto at naglapag ulit ng gamot at baso ng tubig sa may side table. "Uminom ka muna nito bago ka matulog... tsaka 'tong vitamins na bigay ni Dan."
Umayos ako ng upo at tahimik na ininom 'yon bago ako humiga ulit. Narinig ko pa ang sarkastikong tawa niya.
"Kahapon, kailangan pang pilitin..." pagmamaktol niya bago umalis.
Mayamaya, bumalik na naman siya, may dala nang bowl at towel. Sinalinan na rin ulit niya ang baso ng tubig bago umupo sa gilid ng kama ko. Pumikit na lang ako habang nilalagay niya ang towel sa noo ko. Pinatay niya na rin 'yong aircon para raw pawisan ako.
"May bibilhin lang ako." Tumayo siya at umalis.
Hindi ako makatulog dahil nagigising ako sa mga simpleng ingay lang. Napadilat ako saglit nang pumasok ulit si Arkin sa kwarto ko at nilagyan ng KoolFever 'yong noo ko. Sunod ay dinampi-dampi niya ang basang towel sa leeg ko at sa braso ko.
"Hindi ka pa ba uuwi?" mahinang tanong ko habang nakapikit.
"Nakauwi na 'ko," seryosong sabi niya.
Napailing na lang ako at sarkastikong tumawa habang pinupunasan niya ang kamay ko. Nakatulog din ako pero nagising noong madaling-araw dahil ulit sa pawis. Dahan-dahan akong napaupo kaya nagising din si Arkin na nakatulog na sa tabi ko. Nakaupo siya at hawak ang kamay ko, pati 'yong towel.
"Anong masakit?" tanong niya kaagad pagkagising niya.
"Ang init..." mahinang sabi ko.
"Upo ka." Lumapit siya sa akin at pinunasan ang likod ko gamit iyong towel. Basa na ako ng pawis kaya tumayo siya at kumuha ng panibagong damit sa cabinet ko. "Huhugasan ko lang 'yong towel. Magpalit ka na."
Habang wala siya ay nagpalit na ako ng damit at humiga ulit. Pagkabalik niya ay pinainom niya ulit ako ng gamot dahil nag-ring ang phone niya. Naka-alarm pala siya para sa pag-take ko ng gamot. Bakit nga ba narito pa rin 'to?
"Hindi ba mahirap matulog nang nakaupo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Hindi ako matutulog. Nakatulog lang ako," pagpapaliwanag niya sa akin. Hawak niya iyong thermometer para tingnan ang temperature ko. "Your fever went down... Finally."
Mukhang tuwang-tuwa siya kaya napangiti rin ako at umusog sa kama. Niyakap ko iyong unan at tumalikod sa gawi niya.
"Kapag inaantok ka, matulog ka na lang sa tabi ko," mahinang sabi ko bago matulog.
Hindi ko alam kung anong oras ako nagising pero maliwanag na sa kwarto ko. Hindi na masakit ang ulo ko pero ramdam kong may lagnat pa rin ako pagkaayos ko ng upo. Muntik pa akong mahulog sa kama nang makitang nakahiga si Arkin sa tabi ko.
"Jusko," bulong ko sa sarili ko. Bakit may artista sa kama ko?!
Dahan-dahan akong tumayo para sana makabangon na pero bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at pinahiga ako pabalik sa kama. Dahan-dahan siyang bumangon at napamasahe sa sentido niya, mukhang hindi nakatulog nang maayos.
"Diyan ka lang... Ako na magluluto ng breakfast," sabi niya sa akin. Hindi na ako nakapagreklamo dahil lumabas na siya ng kwarto.
Nagtataka ako sa kinikilos niya... pero mukhang ganoon naman ang kaibigan! Okay lang 'yon! As a friend lang naman 'yon, hindi ba? Kahit naman siya ang may sakit, gagawin ko rin naman 'to dahil kaibigan ko siya! Wala naman siyang ginagawang masama!
Kinumbinsi ko pa ang sarili ko hanggang sa kinailangan na niyang umalis. Kumakain ako nang lumapit siya sa akin at yumuko. Tinungkod niya ang kamay niya sa tuhod niya bago nilagay ang isa sa noo ko. I pursed my lips and looked away while biting a toast. Sobrang lapit niya sa akin.
"Take your medicine after eating," paalala niya sa akin.
Tumango ako sa kaniya, hindi alam ang sasabihin. Kagat-kagat ko pa ang tinapay sa bibig ko nang lumapit siya at kinagatan ang dulo noon bago kaswal na umayos ng tayo at ginulo ang buhok ko. Nanlaki ang mga mata ko at muntik pang mahulog ang tinapay mula sa bibig ko.
"I'll go now. Eat a lot," sabi niya bago umalis.
Hindi pa rin ako nakaka-get over sa ginawa niya! Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatulala. Ano 'yon?! Nagutom lang siguro siya... Oo. Gutom lang 'yon kaya ganoon. Ganoon naman ang magkaibigan. Naghahati sila sa pagkain.
Noong dumating ang Friday, inaya ako bigla ni Luna na manood noong movie ni Arkin at Clea. Nalabas na pala 'yon! Ang bilis naman ng panahon. Akala ko ay shino-shoot pa rin nila 'yon. Ibang project na ba 'yon?
"Ha? Kasama si Arkin manonood?" nagtatakang tanong ko dahil habang naghihintay kami sa tapat ng sinehan ay sinabi ni Luna na hintayin namin si Arkin at Sevi!
"Hindi kaya naiirita si Arkin na makita sarili niya sa screen?" nagtatakang tanong ni Kierra.
"Si Sevi nga, kahit hindi ko nakikita sa screen, naiirita ako," sagot ni Yanna.
"Hoy, hayop ka, naririnig kita, ah!" sigaw ni Sevi mula sa malayo at nakaturo kay Yanna. Napalakas naman ng pandinig ng lalaking 'to!
Kasama nga niya si Arkin na nakasuot ng simpleng pang-alis at facemask. Medyo pinagtitinginan nga kami dahil agaw-pansin si Sevi. Alam pa naman ng lahat na mag-bestfriend sila kaya minsan kung nasaan si Sevi, hinahanap din nila si Arkin. Ang tangkad pa naman ni Sevi kaya agaw-atensyon.
"Tara na," aya ko kaagad papasok dahil baka mahalata na ng mga tao na kasama namin si Arkin. Mahirap na.
Hindi ako mapakali habang nakapila kami papasok. Nagulat na lang ako nang biglang may magsuot sa akin ng itim na cap. Napalingon ako at nakita si Arkin sa likod ko, nakatingin sa ibang direksyon. Inayos ko na lang ang sombrero at yumuko habang hawak iyong popcorn namin.
Hindi kami nag-usap sa labas ngunit tabi kami noong pumasok na kami sa sinehan. Nag-share pa kami ng popcorn kaya tinaas niya iyong nasa gitna namin para madali. Naka-focus lang ako sa pinapanood namin, hindi siya kinakausap dahil naiilang ako. I was, again, in a crowd of people who probably loved him. Lahat ng tao sa paligid ko, lahat ng tao sa sinehang 'to, paniguradong kilala siya.
Nawala ang kaba sa akin nang biglang maghalikan si Arkin at Clea sa screen. Nagulat ang lahat ng tao at nagsigawan. Narinig ko ang malakas na tawa ni Sevi at Luna dahil hindi namin inaasahang mangyayari kaagad 'yon. Sa movie scene kasi ay nagkukunwari silang couple. May nag-dare sa kanilang i-prove 'yon kaya bigla silang nag-kiss.
"Ang pangit naman ng halik na 'yon," reklamo pa ni Yanna. "Wala bang mas okay diyan?"
"Sana ikaw na lang ang gumanap, Yanna. Ang dami mong reklamo," sabi naman ni Sevi.
"Ako at si Hiro, sige."
Hindi ako makapag-focus sa pinag-uusapan nila dahil napako ang tingin ko sa screen. Kakaiba pala talaga ang chemistry ni Arkin at Clea. Kahit anong mangyari, malakas talaga sila kapag pinagsama. Kahit hindi ako fan, naiintindihan ko kung bakit sila kinikilig sa simpleng ganoon lang.
Pero naiilang ako. Hindi ko alam kung bakit pero naiilang ako sa pinapanood ko. Naiilang akong nakikita ko silang magkasama. It was so weird. It felt... illegal.
"Are you okay?" bulong ni Arkin sa akin bigla.
Lumingon lang ako sa kaniya at ngumiti nang tipid para sabihing okay lang ako. It just felt weird watching them again on screen. Simula noon ay hindi na ako nanood ng movie nila or movie ni Arkin. I just did not like seeing them on screen. Para sa iba, paniguradong nakakakilig 'yon pero para sa akin... it just felt fake. It felt like a stupid play.
Both of them were so great in acting, I couldn't deny that... but it still appeared fake to me. Of course, they were. Those emotions, feelings, actions, were all fake... or was I just convincing myself? Were those the same eyes that looked at me before?
He was so great at acting that I would think that he was really in love with her. Or maybe he was. Maybe... Hindi ko alam. Hindi ko naman kinakausap si Arkin tungkol doon. If ever they were together, or if ever he had feelings for her, I should be happy for them.
"Anong iniisip mo?" tanong bigla ni Arkin sa tabi ko.
Lumingon ako sa kaniya at tumitig sa mga mata niya. He was looking at me gently. His eyes represented assurance... a good tomorrow.
Tumingin ulit ako sa screen para pagmasdan ang tingin niya roon. The movie was focusing on the emotions in his eyes. They hugged... and he assured her that everything will be okay... that he will stay by her side whatever happens.
Nang mapanood ko 'yon, hindi ko mapigilang mapangiti nang mapait sa sarili ko. Those were almost the same lines he used to say to me. It felt really weird. Parang ayaw ko na siyang panoorin.
"Anong problema?" tanong niya ulit sa akin. Para kaming tangang nagbubulungan sa sinehan habang abala ang lahat sa panonood. "Do you want to talk outside?"
"Hindi na. Tapusin natin 'to," sabi ko sa kaniya.
There was a glimpse of bed scene in the movie. Gulat na gulat sina Yanna at inasar-asar pa si Arkin. Hindi ako makasabay sa kanila dahil naaalala ko lang kung paano ko siya iniwan pagkatapos noon. I was reminded of the pain I inflicted on him.
Paano niya nagagawang hindi magkagusto kay Clea kung may mga ganito silang scenes? Nagtataka ako. Imposible. Ganoon ba talaga ang mga artista? Wala ba silang pakiramdam sa mga ganito?
"Bagay na bagay talaga sila!"
"Grabe, ramdam mo talagang totoo 'yong feelings ni Arkin kay Clea sa scene na 'yon!"
"Sila na talaga, promise! Kapag na-confirm na nila, mahihimatay talaga ako!"
Ang daming sinasabi ng fans pagkalabas namin ng sinehan. Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa kakainan naming restaurant. Naroon si Hiro, naghihintay. Siya ang nagpa-reserve ng tables dahil may meeting din siya sa restaurant na 'yon ayon kay Yanna.
"Hello," bati niya sa amin. "Feel free to order whatever you want. I'll just finish this meeting." Ngumiti pa siya bago bumalik sa table nila.
May kasama siyang tatlong mga naka-formal attire din doon. Halatang mga businessman. May katabi rin siyang kahawig niya. Pakiramdam ko ay kapatid niya 'yon... Medyo familiar sa akin.
Nasa malaking veranda ang table namin kaya naman tumayo muna ako para kuhanan ng litrato 'yong view. Sumunod naman si Arkin sa akin at sumandal sa railings, pinapanood ako.
"How was the movie?" tanong niya sa akin.
"Maganda," maikling sagot ko. "Bagay na bagay kayo ni Clea. You really like her, huh?" Ngumiti ako sa kaniya at binaba ang phone ko. "I saw your eyes."
Napataas ang isang kilay niya sa akin, mukhang hindi sang-ayon sa sinabi ko.
"Imposibleng hindi ka mahuhulog kay Clea. Ang perpekto na niya sa paningin ng mga tao tapos marami pa kayong scenes na ganoon. For sure, any man would fall in love with her, actor or not," pagpapatuloy ko.
"Ahuh..." Natawa siya saglit at umiling. "Where is that coming from?"
Nagkibit-balikat ako at sinandal na lang din ang likod ko sa may railings. "You looked at her the same way you used to look at me before."
I heard him scoff sarcastically before holding my chin so I could look at him. Nakapaharap siya sa railings habang nakatalikod naman ako. Tinaas niya ang baba ko para matitigan niya ang mga mata ko.
"I guess you didn't watch the movie carefully then." Nagkibit-balikat siya at binitawan ang baba ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumingin sa malayo, naiilang na.
"Ilang taon na ang lumipas na magkasama kayo, sigurado kang hindi mo pa rin gusto si Clea?" curious na tanong ko sa kaniya.
"If time could measure my love for someone, think about who I was with for more than twenty years..." Tumingin siya sa akin at napangisi. "And you have your answer."
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro