43
"Ano? Okay na kayo?"
Iyon kaagad ang tanong ni Luna sa akin pagkabalik ko galing sa usap namin ni Arkin. Nakahawak pa ako sa ulo ko kung saan niya nilagay ang kamay niya kanina, hindi makapaniwalang ginawa niya 'yon!
"Okay naman kami, ah," sabi ko sa kaniya habang nag-aayos ng mga plato. Tinawanan niya ang sagot ko at pinisil lang ang pisngi ko para sabihing nakakatawa raw ako. Hindi ko rin alam sa kaniya kung ano kaya ang nakakatawa.
Gaya ng pakiusap ko kay Arkin, normal naman kaming umakto sa harap ng mga kaibigan namin habang kumakain. Hindi na mabigat ang atmosphere namin dahil pareho na kaming sumasali sa usapan at nakikipagtawanan pa sa mga banat ni Sevi. Nagplano silang mag-bonfire pagkatapos kaya naman nagpalit ako ng damit. Malamig kasi kaya kumuha ako ng cardigan at sinuot 'yon kasama ng isang floral long dress. Nakapaikot na sila roon at nag-iihaw ng kung ano-ano habang si Arkin ay may hawak na gitara.
"Ginintuang Tanawin naman!" request ni Sevi. Napatingin kaming dalawa ni Arkin sa kaniya nang masama pero tumawa lang siya. "Sige na! Matagal ko nang hindi naririnig 'yon! Favorite ko kaya 'yon!"
Sunod namang tumingin sa akin si Arkin pero umiwas ako at niyakap na lang ang tuhod ko. Hinahangin ang ilang hibla ng buhok kong hindi nasama sa ipit ko habang nakatingin sa may dagat. Nang marinig ko ang pag-strum niya ng gitara, bumilis kaagad ang tibok ng puso ko. Napakaraming alaala ng kantang 'yon.
"Napapaisip sa gitna ng kaguluhan... Litong lito sa pulso ng nararamdaman... 'Di mawari kung ito'y isang panaginip... Tila ang puso ko'y naglalaro sa kalawakan..." pagkanta niya. Tahimik ang lahat at nakikinig lamang sa kaniya kahit abala sa ibang ginagawa tulad ng pag-iihaw at pagbubukas ng bote ng beer.
Ang musika lamang ni Arkin ang naririnig ko kasabay ng paghampas ng alon at pagdaan ng hangin. Kung nariyan ako sa liwanag ng araw niya, naroon naman siya sa kadiliman ng buhay ko at hindi ko mapagkakait 'yon sa kaniya. Binalik lamang ng kantang 'yon lahat ng pinagsamahan namin noon. Nakakatawa dahil hanggang ngayon, nakaupo kami malayo sa isa't isa.
"Sana'y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako..." Lumingon na ako sa gawi niya nang marinig ko ang linyang 'yon ngunit nakayuko lang siya at abala sa pagtugtog ng gitara. Iyon na ang naging pagkakataon ko para tingnan siya nang mabuti.
Kapag nasa labas siya kasama ang iba niyang mga kaibigan sa showbiz o kaya kapag napapanood ko siya sa screen, ibang-iba siya sa pagkakakilala ko sa kaniya, pero ngayong narito siya kasama ang mga kaibigan namin, alam kong iyon pa rin siya. He wasn't here as Larkin Sanchez, but only as Kino. Our friend.
Orange, yellow, a bit of red. The color of the bonfire reflected on the side of his face while he was strumming the guitar and singing from his heart. At that moment, I knew that I could never be strangers with the man who had known me for years. All my fresh wounds and my healed scars.
"Nagtatanong ang aking isipan, kailan kaya kita mahahagkan? Mawawala na lang nga ba ang ating pagkakaibigan?" Nagulat ako nang magtama ang tingin naming dalawa. He stopped for a moment but his fingers were still strumming the guitar, leaving the question for us. He changed the lyrics of the song to fit our situation now.
He was aware that we lost the friendship that we had... at gusto niyang ibalik 'yon. Kaya ba naming umaktong parang walang nangyari sa aming dalawa kung ganoon? Ako, kakayanin ko dahil hanggang doon na lang ang kaya kong i-offer sa kaniya. Hanggang doon lang.
"Ginintuang tanawin sa ilalim ng langit, sana'y malaman mo... Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam mo ba ako? Sana'y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mapatawad mo ako... Kulay kahel na langit, hindi mapipilit mabigyan ng pag-ibig mo..." Tumigil na siya at binaba ang gitara. Natahimik sina Luna saglit bago pumalakpak at pinuri siya.
"Ang ganda talaga ng boses mo," sabi naman ni Kierra. "Ang ganda rin ng kanta. Five stars ka sa akin. Thank you, seller. Fast shipping din."
"Next naman si Via!" tuwang-tuwa pang sabi ni Luna at inabot sa akin iyong gitara ni Arkin. Hinawakan ko 'yon dahil muntik nang mahulog nang bitawan niya sa tabi ko.
"Ah, hindi na ako kumakanta," sabi ko naman sa kanila.
"Sige na, Via! Ngayon lang! Para naman kaming others, oh!" reklamo ni Yanna sa akin, nakangisi pa.
Alam ko namang hindi sila titigil hangga't hindi nila ako napipilit kumanta kaya nag-strum na lang ako ng gitara. Ang tagal ko na rin palang hindi tumutugtog sa harap ng ibang tao. Kakanta pa. Hindi ako sanay lalo na't narito siya.
I remembered how supportive he was with my music. Sinali niya pa ako sa Music club at tuwang-tuwa siya tuwing naririnig akong kumanta. When he told me to try music again, I knew that he meant well... I just reacted different because of the things running inside my mind. Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko lang kaya. Hindi ko naman kasalanang nasaktan ako sa mga taong nasa paligid ko.
"And when I hold you in my arms I promise you... You're gonna feel a love that's beautiful and new..." I strummed the guitar while singing. "This time I'll love you even better than I ever did before and you'll be in my heart forevermore..."
Todo cheer kaagad si Luna nang marinig ang boses ko. I also caught Arkin's attention. He was just staring at me the whole time. Nararamdaman ko iyong tingin niya dahil ganoon 'yon kabigat. May epekto pa rin talaga sa akin.
"We were just too young to know, we fell in love and let it go..." Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang ituloy ang kanta dahil sumasakto sa amin ngunit pinapakinggan nila akong lahat. "So easy to say the words goodbye... So hard to let the feeling die..."
I just had to get through the chorus but the lines "Welcome home, my lover and friend... We are starting over, over again..." got me emotional. Hindi ko alam pero pakiramdam ko gusto kong umiyak. Pinigilan ko lang ang sarili ko.
Hindi ko na tinapos ang kanta at binalik na lang ang gitara pero pinalakpakan pa rin nila ako at pinuri ang boses ko. Ngumiti lang ako nang tipid sa kanila at niyakap ulit ang mga tuhod ko habang nakaupo sa nakalatag na kumot.
Uminom na lang ako ng beer na inabot ni Luna habang nagkakantahan na sila roon. Tumutugtog ng gitara si Sevi at masayang sinisigaw naman nina Luna, Yanna, at Kierra ang lyrics. Halos masamid ako nang maramdaman kong umupo sa tabi ko si Arkin, may hawak ding beer.
"Ang ganda ng boses mo," kaswal na sabi niya sa akin. "Don't worry, I won't tell you to try again. I just wanted you to know... Hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa musika mo."
"Salamat," mahinang sabi ko, hindi nakatingin sa kaniya. Pareho lang kaming nakaharap sa dagat at may hawak na bote ng beer. "At sorry ulit... for how I reacted."
"It's fine," sagot niya naman. "Ah, sa birthday ni Mama... Sasama ka ba? Imbitahin daw kita. Pamilya mo lang at pamilya ko ang kasama sa outing. Nag-oo na mga kapatid mo."
"Oo nga pala..." Nabanggit na rin ni Papa sa akin 'yon. May outing na naman next Saturday pero sa may pool resort na lang at hindi sa beach. Double celebration kasi 'yon. Halos magkasunod lang ng birthday ang Mama ko at ang Mama ni Arkin kaya palaging sabay cine-celebrate. "Sige... Wala naman yata akong trabaho noon. Buti free ka ngayon?"
"Kagagaling ko lang shoot. Dumeretso na ako rito," sabi niya naman. "Natulog na lang ako sa sasakyan." Hala, hindi ba nakakapagod 'yon? Galing pala siyang shoot. Halos wala pa siyang tulog tapos pumunta pa siyang beach. Nakakaantok siguro 'yon.
"Take care of yourself." Iyon na lamang ang nasabi ko at uminom ulit ng beer. Narinig ko lang ang maikling tawa niya kaya napatingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng isang kilay para magtanong kung bakit siya tumawa.
"Wala... I just remembered something." Nagkibit-balikat siya. "Ikaw ang mag-ingat sa sarili mo... Iyan ang kalaban mo, eh."
Alam ko naman ang ibig niyang sabihin kaya hindi na ako nag-abalang magtanong pa. Hindi ko lang sinagot dahil hindi ko rin alam kung ano ba ang sasabihin ko. Masyado niya akong kilala. Bakit nga ba hanggang ngayon, pakiramdam ko kaya niyang basahin ang iniisip ko?
I spent the night with something heavy on my chest. Hindi pa 'yon nawala kahit noong bumalik na ako sa Manila at nagtrabaho. Hinintay ko lang ang Friday dahil birthday 'yon ni Mama at pumunta sina Papa sa sementeryo noong umaga. May trabaho ako kaya naman hindi ako sumama.
Hindi lang din iyon ang rason. Ayaw ko lang talagang pumunta roon... Pero noong pauwi na ako galing trabaho, nakita ko na lang ang sarili kong bumibili ng bulaklak. Napabuntong-hininga ako nang mag-park sa gilid ng sementeryo at naglakad papunta sa puntod niya.
Nilapag ko lang ang bulaklak doon at umayos ng tayo habang nakatitig sa pangalan niyang nakaukit sa lapida. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Simula pag-uwi ko ay hindi na ako pumunta rito. Sa buong buhay ko naman ay bilang ko lang sa daliri ko ang mga bisita ko sa kaniya.
"He said I should try visiting you so here I am." Nagpamulsa ako, nakatingin pa rin sa pangalan niya. "Happy birthday."
Napakarami kong gustong sabihin palagi tuwing pumupunta ako rito pero ni isang salita ay walang lumalabas sa bibig ko. Ang hirap sabihin. Hindi ko magawang ilabas ang nararamdaman ko kahit ilang beses pa akong bumisita rito... ngunit sinusubukan ko pa rin. Naniniwala akong kahit papaano, mababawasan ang galit sa akin kapag nalalabas ko iyon sa kaniya.
"Ni hindi ko masabi ngayon ang mga nasa utak ko dahil sinanay mo ako noong bata ako na kalimutan lahat ng nararamdaman ko dahil may marami pang ibang bagay na kailangan kong asikasuhin," sambit ko. "Ngayong tumanda na ako, tuwing nakakakita ako ng mga bata, alam mo kung ano ang iniisip ko?"
I watched Avrielle grow up. Hindi man kami kasing dalas magkita katulad nila ni Sam, nasaksihan ko pa rin ang paglaki niya. Tuwing nakakakita ako ng mga batang ganoon, naaalala ko ang sarili ko.
"Naiisip ko na sana hindi nila nararanasan ang naranasan ko. I was a child taking care of everyone in the house." Natawa ako nang sarkastiko. "Habang 'yong ibang mga bata masayang naglalaro, ako, nag-aalaga ako ng kapatid ko. 'Yong ibang mga bata, araw-araw nanonood ng cartoons... Ako, araw-araw kang pinapanood mawala sa sarili mo... Mawala sa pamilya natin... At ako ang kinailangang pumalit dahil kung wala ka... Sino ang kakapitan nina Mira? Ysha? Aidan? Ni Papa?"
Tumingala ako at bumuntong-hininga para pigilan ang luha ko. "Naiinis ako dahil wala ka rito para saluhin ang galit ko. You're not here to regret all the things you put me through that made me hate what I love, that forced me to love what I don't."
And even my love for others. It was ruined. Sa kaniya galing ang unang ilaw na sumilaw sa akin. Sa kaniya ako unang natakot. Sa kaniya ko naranasan ang unang sakit. Ang unang pag-iyak. Ang unang pagbiyak ng puso ko. It was not from Arkin. It was from her. Kay Arkin ang unang saya. Ang unang pagmamahal. Ang unang pagtawa. Ang unang kapayapaang naramdaman ko.
But all of those also went to nothing. Naiisip ko... Kung hindi ba nangyari lahat ng 'yon noong bata ako, magiging mas matapang ba akong harapin ang relasyon namin ni Arkin noon? Mas kakayanin ko pang lumaban? Hindi kaya mawawala ang kung ano mang mayroon sa amin noon? Would I be braver to face the consequences? Would I be braver to show my face to others? To enter his world?
"Bago ka... nawala... Kung isang beses... Kahit isang beses lang... sinabi mong nagsisisi ka at humingi ka ng tawad sa akin... Sana... Sana hindi ako darating sa ganito." Tumulo ang luha ko kaya mabilis kong pinunasan 'yon gamit ang likod ng kamay ko. "Kinailangan ko lang marinig 'yon... Kinailangan ko lang na manggaling sa 'yo 'yon. Hindi kay Papa. Hindi kay Arkin. Hindi sa mga kapatid ko. Sa 'yo, Ma... Pero wala na akong magagawa. Ako na ang dapat humingi ng tawad sa sarili ko."
I wanted to apologize to myself a lot of times... But what did I even do wrong? Hindi ko alam kung para saan kaya hindi ako matahimik. Gusto ko lang naman maging payapa. Gusto kong maramdaman balang-araw ang isang buhay kung saan wala na akong iniintindi... Kung saan hindi ko na kalaban ang sarili ko.
Kung saan kaya ko nang aminin sa sarili ko ang mga gusto ko. Kung saan kaya ko nang sabihin ang mga ayaw ko. Kung saan hindi ko na kailangang tiisin ang sakit. Hindi ko na kailangang itago ang mga luha ko. Balang-araw... Balang-araw darating din 'yon. Sana.
"Sana sa susunod na balik ko rito... Napatawad ko na rin ang sarili ko," sambit ko sa kaniya bago ako naglakad paalis.
Kinabukasan ang outing ng pamilya ni Arkin at pamilya ko sa Batangas. Isang mamahaling resort 'yon at kaunti lang ang pwedeng pumunta kaya naman safe si Arkin doon. Ako na ang nag-drive para sa pamilya ko papunta roon. Ang ingay nga lang ng mga kapatid ko sa likuran dahil excited mag-swimming at mag-picture. Kagagaling ko lang sa dagat kaya hindi naman ako natutuwa masyado.
"Naroon si Kuya Arkin, 'di ba, Ate?" excited na tanong ni Aidan pagkababa namin ng sasakyan. Dala-dala niya sa likod niya ang gitara habang ako ay buhat-buhat ang iilang gamit. Tumango lang ako sa kaniya bago pumasok sa resort.
Nauna na sina Tita sa amin kaya naman sinalubong nila kami sa lobby. Nakatayo lang sa gilid si Arkin pagkatapos mag-bless kay Papa at guluhin ang buhok ng mga kapatid ko. Pinagtitinginan siya noong ibang staff kaya naman yumuko ako para itago ang mukha ko. Iisipin lang naman nilang relatives kami o ano pero mas mabuti nang safe.
"Hello po, Tito, Tita," bumati ako sa magulang ni Arkin. Nag-bless ako sa Papa niya at bumeso sa Mama niya. "Happy birthday po."
"Thank you, Via! Mabuti na lang at sumama ka!" Humigpit ang yakap niya sa akin. "Hindi kompleto ang birthday ko kapag hindi tayo complete!"
Ngumiti lang ako sa kaniya at sumulyap kay Arkin na tinutulungan na si Papa buhatin ang mga gamit papunta roon sa room para sa amin. Napakaganda pala rito at ang daming pwedeng kuhanan ng litrato kaya naman hindi pa ako nakakapag-ayos ng gamit, hatak-hatak na ako nina Ysha sa labas para kuhanan sila ng picture.
"Ikaw naman, Ate!" sabi sa akin ni Ysha. Umiling ako sa kaniya habang hawak ang camera.
"Ysha, tawag tayo ni Papa!" sabi naman ni Mira kaya pareho silang naglakad pabalik sa may room namin. Ako naman ay naglakad-lakad na lang habang kinukuhanan ng picture ang paligid. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang madaanan ng camera ko si Arkin na nasa harapan ko na pala.
"Kakain na raw," sabi niya sa akin nang ibaba niya ang camera na hawak ko. "Tara na. Pinapatawag ka ni Mama sa akin."
"Gusto mo ba ng picture?" alok ko sa kaniya at tinaas ang camera. Baka kailangan niya ng ipo-post man lang or ibibigay sa fans niya.
Napatitig siya sa akin saglit bago siya tumango at pumwesto malapit sa exclusive pool para sa amin. Tinaas ko naman ang camera ko at kinuhanan siya ng litrato habang gumagawa siya ng mga pose. Mayroong nakatingin lang siya sa lens pero parang pwede na iyon ilagay sa magazine. He was so effortless in looking good. Lahat yata ng ginagawa niya ay malakas ang impact. No one could ever compare to his charisma.
"Akin na." Akala ko ay titingnan niya ang pictures kaya inalis ko ang camera mula sa pagkakasabit sa leeg ko at sinuot niya naman iyon sa kaniya. "Picture-an kita."
"Huwag na." Umiling ako at naglakad paalis pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko at pinapwesto ako roon sa may magandang upuan. Alam kong hindi ko naman 'yon mapo-post kaya ngumiti na lang ako nang alanganin sa kaniya para ma-satisfy na siya. Mamimilit pa 'yan kung hindi.
"So pretty," bulong niya pero narinig ko naman kaya tumayo kaagad ako at hiningi na pabalik ang camera. Ngumisi siya bago binalik sa akin, halatang sinadyang iparinig sa 'kin 'yon.
Namumula tuloy ang pisngi ko nang makarating kami sa may dining area. Naroon na ang mga in-order na pagkain ni Tita, pati na rin ang cake. Hinihintay lang pala nila kami para mag-blow ng candles. Kumanta kami ng 'happy birthday' bago nagsimulang kumain.
"Alam mo, Ate, ako 'yong naaawa sa susunod na girlfriend ni Kuya Arkin," bulong sa akin ni Mira habang kumakain kaya napalingon ako, nakakunot ang noo.
"Bakit?" naguguluhang tanong ko. "Huwag mong sabihin 'yan. Baka may girlfriend siya tapos sinasabi mong kinakaawaan mo."
"Kasi ikaw hinahanap-hanap ng pamilya niya..." sabi naman ni Mira. "Sobrang close ng pamilya natin. Kahit siguro break na kayo, kung ilalagay ko sarili ko sa posisyon noong bagong girlfriend, parang gusto ko nang umayaw. Kaya siguro wala pa ring girlfriend si Kuya Arkin."
"Hindi mo naman sigurado 'yan," sabi ko sa kaniya. "Tsaka ilalayo ko naman ang sarili ko kapag nangyari 'yon bilang respeto na rin."
Alam ko namang clingy ang Mommy ni Arkin sa akin at close din ako sa Papa niya. Mas lalong close siya sa pamilya ko kaya hindi talaga pwedeng hindi magkrus ang landas naming dalawa kahit maghiwalay kami. We cannot cut our connections completely. Nagsimula ang koneksyon namin sa pamilya namin kaya hindi 'yon basta-basta pwedeng sirain.
Bumalik ang atensyon ko sa plato ko nang lagyan ni Arkin ng broccoli 'yon mula sa plato niya. Hindi kasi siya kumakain noon kaya nasanay na siyang sa akin niya nilalagay kasi gusto ko 'yon. Hindi na lang ako nagsalita at kumain na lang ulit.
"Larkin, tubig," sabi ko sa kaniya dahil nasa tabi niya ang pitsel. Tumango siya at sinalinan ng tubig ang baso ko. "Thank you." Himala at sumusunod pa rin 'to sa mga sinasabi ko, ah. Mukhang hindi talaga siya galit sa akin kahit ramdam ko pa rin ang awkwardness sa paligid namin.
"Pa, favorite mo." Tumayo si Arkin at inabot sa Papa ko 'yong plato ng ulam. Tuwang-tuwa naman si Papa nang lagyan siya ni Arkin noon sa plato. Pagkatapos noon ay nag-usap na sila tungkol sa paboritong international action star nilang dalawa.
Arkin took care of my family during the times when I couldn't. Katulad noong mga panahong nilalagnat ako, siya ang pumapalit sa akin sa bahay. Siya ang nag-aalaga sa mga kapatid ko. Siya rin ang bumibili ng pagkain. Pati ako ay inaalagaan niya. It probably already became his habit to take care of my family. Nasanay na siya sa ganoon gaya ng pagkasanay ng Mama niya sa presensya ko.
"Tita, gift ko po." Inabot ko sa kaniya ang box ng designer brand. Bumili ako para sa kaniya. Pinag-ipunan ko pa iyon. Pasalamat ko na rin 'to para sa mga nagastos niya sa aming magkakapatid. Palagi niya kaming binibilhan ng mga kailangan namin noon kaya gusto kong mabalik 'yon.
"Oh my gosh, Via!" Tuwang-tuwa siya nang makita ang designer bag. "You're really the best! Love you a lot!" Niyakap niya ulit ako.
Nag-swimming na sila pagkatapos kumain habang ako ay nakahiga lang sa may lounge chair sa gilid ng pool, nagpapahinga. Suot ko ang shades ko kahit malilim naman sa kung nasaan ako. Tirik pa rin kasi ang araw. Hindi ko alam kung paano nakakayanan nina Aidan maligo sa pool.
Nakatulog na pala ako nang hindi ko namamalayan. Nagising na lang ako nang lubog na ang araw at nakapagbanlaw na ang mga kapatid ko. Nang umayos ako ng upo ay nakita ko si Arkin sa may katabing lounge chair ko, tulog din.
Tumayo ako at tinapik-tapik ang balikat niya para gisingin siya. Yakap pa niya ang gitara at mukhang nakatulog na habang tumutugtog. Dahan-dahan kong inalis 'yon para ilapag sa gilid pero napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko. Kagigising niya lang nang makita niya ako.
"Via..." mahinang sabi niya nang umayos siya ng upo. Napatingin siya sa gitara, mukhang hindi napansing nakatulog siyang hawak 'yon.
"Tara na." Tumayo ako at aalis na sana kaso hawak niya pa rin pala ang kamay ko. Tumingin ako roon para matauhan siya. Binitawan niya kaagad ako at bumangon, dala-dala pa rin ang gitara. Hindi ako nagsalita at naglakad na lang paalis.
Tahimik lang ako buong dinner dahil ramdam ko pa rin ang hawak niya sa kamay ko kahit wala na 'yon. Noong madilim na ay tumambay na lang ulit ako sa pool area at umupo sa may gilid, kita ang sarili sa repleksyon sa tubig. Binabad ko ang mga paa ko at tumingala sa langit habang nakatungkod ang magkabilang kamay sa gilid ko. Parang wala akong pinoproblema kahit ang daming tumatakbo sa isip ko.
"Anong iniisip mo?" Napalingon ako kay Arkin na naglalakad na palapit. Umupo siya sa tabi ko at binabad din ang mga paa niya sa tubig. Tiningnan niya rin ang langit na tinitingnan ko.
"Marami," mahinang sagot ko.
"Then tell me everything," he genuinely said like it was so easy for me to open up again.
But I knew I had no one to open up to... like I did to him. Sa kaniya ko naman palaging sinasabi ang mga problema ko noon. Alam kong close kami nina Luna, Sam, Kierra, Yanna, Sevi... pero iba pa rin ang closeness namin ni Larkin. Walang makakapantay roon.
"Did you post your pictures?" tanong ko na lang sa kaniya.
Umiling siya at natawa saglit. "Hindi... I'm trying to avoid everything that would link back to you. Mahirap..."
"Mahirap para sa 'yo o mahirap para sa akin?" Tumaas ang kilay ko, naaalala ang sinabi niya sa akin.
"Parehas. Mahirap sa akin dahil mahirap sa 'yo."
Natahimik kami saglit, nag-iisip. I was contemplating all the things I wanted to say to him. Ngayon lang kami nag-usap ulit nang ganito simula pagkauwi ko. We were... mad at each other. I knew we were, because we hurt each other. Ngayon, hindi pa rin nawawala 'yon.
"Binisita ko si Mama kahapon," sambit ko sa kaniya. Gulat siyang napatingin sa akin kaya napangiti ako nang malungkot. "Wala... Sinabi ko lang ang mga gusto kong sabihin pero... Wala pa ang mga salitang 'yon sa kalahati ng gusto kong ilabas. Naisip ko lang na... kung hindi ba siya nagkaganoon, maayos pa rin kaya tayo ngayon? Or will I still be blinded by the brightness of your light?"
"That was my mistake," mahinang sabi niya. "Kahit kailan, hindi ko ginustong ilagay ka sa posisyong 'yon. Sinubukan ko ang lahat para malayo ka mula sa bagay na kinatatakutan mo... pero nabigo ako. Nabigo kita... at kasalanan ko 'yon."
I bit my lower lip and let out a small laugh. Tuwing naaalala ko ang panahong pakiramdam ko ayaw sa akin ng lahat ng tao, bumibigat ang dibdib ko at parang hindi ako makahinga.
"Hindi ako okay..." Nanginig ang boses ko at yumuko. "Kahit ilang taon na ang lumipas, Arkin... Hindi pa rin ako okay, at kahit gustuhin ko man maging okay, hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung paano kita kakalimutan kung sa bawat sulok ng puntahan ko ay naroon ka. Posible kayang kalimutan ka? Kahit kailan ba... Naisip mong kalimutan din ako?"
Umiling siya at bumuntong-hininga. "Kahit gaano kasakit noong gumising ako nang wala ka... Kahit kailan, hindi ko hiniling na makalimutan ka. How could I when you were my beginning? Sa simula pa lang ng buhay ko, nariyan ka na. You supported me all throughout my life. You made me love music... because you couldn't. You made me pursue music for you... because you couldn't. I took the spotlight because you couldn't."
Napangiti ako saglit ngunit hindi iyon umabot sa mga mata ko dahil hindi ako masaya. Hindi ako masaya sa sinabi niya dahil tama siya.
"The only time I could love music is when it comes from you..." And when he pursued music, I was glad... I was glad for some reason, because... "When I see you... pursuing what I couldn't. When I see you in love with what I also fell in love with once."
"Ikaw pa rin ang laman ng musika ko, Via," mahinang sabi niya na parang ayaw niyang iparinig sa akin. "Kaya paano kita makakalimutan? Kinaya ko lang mabuhay nang wala ka sa tabi ko pero ang kalimutan ka... How could I forget the woman who taught me how to love and how to reach my dreams? The woman who pushed me up while lowering herself down."
"I'm sorry," bulong ko nang tumulo ang luha ko. "I was not that brave to take everything in. Pakiramdam ko... lahat ng tao, kapag nakatingin sila sa akin, hinuhusgahan nila ang pagkatao ko. I'm sorry I left without saying anything to you... and I'm sorry I didn't look back when you called my name."
"Why are you saying sorry for protecting your peace?" Hinawakan niya ang baba ko para paharapin ako sa kaniya. "I was mad at you... But I still understood. Kinailangan ko lang ilayo ang sarili ko sa 'yo dahil baka hindi ko mapigilan at yakapin kita. You knew we were magnets. I will always be attracted to you when you're near. We always find our way to meet."
"Do you think we could bring our friendship back?" tanong ko sa kaniya. Napatingin siya sa taas, nag-iisip. Kahit iyon lang... Kahit iyon lang ang mabalik sa amin.
"We could try," sagot niya naman at tumango. "If you also let me help you figure out what you really want... and embrace it with you."
"I know what I want." Nagsisinungaling lang ako sa sarili ko dahil hindi ko 'yon kayang tanggapin kaya palagi kong sinasabing hindi... pero alam ko. Alam ko ang gusto ko. Nalaman ko. "But I can't..."
"Kaya mo, Via..." Pinunasan niya ang luha ko. "Dahil narito ako. Sasamahan kita... hanggang sa mawala lahat ng galit at sakit sa puso mo... Hanggang sa maging okay ka. Nangako ako sa 'yong hindi kita iiwan mag-isa, hindi ba?"
Puno ng takot ang mga mata ko nang magtama ang tingin namin kaya lumapit siya at niyakap ako. Hinaplos niya ang buhok ko at tinapik-tapik ang balikat ko.
"It's okay... You have me... Always," bulong niya. "Until you're okay again... Until you're ready to leave again. I will always be behind your back."
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro