41
"Larkin Sanchez and Clea Aguilar are planning to build a house together?!"
Exaggerated pa ang pagbabasa ni Mira ng news na 'yon sa harapan ko habang nagdi-digital sketching ako sa drawing tablet ko. Pumasok pa siya sa kwarto ko at humiga sa kama ko para sabihin 'yon sa akin. Akala ko naman ay importante.
"Hindi ba ikaw 'yong architect ni Clea?" nagtatakang tanong niya sa akin. "Omg, totoo ba 'to, Ate? Ano'ng nararamdaman mo?"
"Wala naman," sagot ko sa kaniya habang abala sa ginagawa. Wala naman talaga akong nararamdaman... dahil matagal ko nang in-expect 'yon. Matagal ko na ring tinanggap na wala na talaga ang sa amin ni Larkin. Kinalimutan ko na 'yon noong umalis ako. Kailangan, eh. Wala naman na akong balak bumalik pa sa kaniya.
Ayaw kong bumalik sa sitwasyong 'yon... at alam kong mas lalong ayaw ni Larkin. Hindi na kami katulad ng dati na pwede pang maging malapit sa isa't isa. Iyon nga ang sabi niya, hindi ba? Hindi niya raw talaga kayang maging malapit sa akin.
Ganoon na rin siguro ako sa kaniya, pero kung iisipin ko ang pagkakaibigan namin, kaya kong maging malapit sa kaniya para hindi naman masira ang friendship circle namin nina Luna. Ayaw kong kami ang maging dahilan kung bakit malalayo si Larkin sa amin... or sa kanila lang dahil matagal naman na kaming malayo sa isa't isa.
"Totoo bang nagde-date daw sila?" chismosang tanong na naman ni Mira.
"Mira, hindi ko nga alam," kalmadong sagot ko sa kaniya. "Hindi naman kami close ni Larkin. Siya ang tanungin mo at tutal, mukhang mas malapit kayo nina Aidan sa kaniya kaysa sa akin..."
Napagtanto ko nang may koneksyon pa rin sila sa isa't isa dahil noong pumunta si Larkin dito ay parang wala lang sa kanila, lalo na kay Aidan na tinuturuan pa pala ni Larkin tumugtog ng gitara. Hindi naman nila kailangang itago sa akin. Hindi ko alam kung bakit umaakto silang parang bawal sila maging close.
Naiintindihan kong hindi nila kayang malayo sa taong buong buhay rin nila ay kasama nila. Nasanay silang nariyan si Arkin simula pagkabata nila. Napanood din sila ni Arkin lumaki kaya hindi madaling putulin ang koneksyon nila sa isa't isa. Hindi rin naman naging madali sa akin... pero iyon ang nangyari.
"Ate, paano mo nakayanan?" tanong niya pagkatapos manahimik. Nakatulala na lang siya ngayon sa kisame ng kwarto ko. "Hindi ba mahirap? Pinagsisihan mo ba?"
Napatigil ang kamay ko sa pagdo-drawing at natulala saglit sa may lamesa ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko bago sumandal sa upuan at inayos ang buhok ko. Paano ko ba sasagutin 'yon?
"Mahirap," mahinang sabi ko, naaalala ang mga panahong ginusto kong bumalik... iyong mga panahong naisip kong kaya ko namang tiisin lahat... pero naisip ko ring hindi 'yon maganda para sa sarili ko. "Pero hindi ko pinagsisisihang umalis ako. Ang pinagsisisihan ko ay 'yong desisyon kong sirain ang pagkakaibigan namin para lang dito."
"Lang?" Lumingon ako sa kaniya at nakataas na ang isang kilay niya sa akin. "Hindi 'lang' ang relasyon n'yo, Ate. Kahit hindi mo sirain ang pagkakaibigan n'yong dalawa, hulog pa rin naman kayo sa isa't isa. Hindi mo na rin naman matatawag na friendship 'yon."
"Bakit ganiyan ka magsalita? May boyfriend ka na ba?" Natawa ako at bumalik na sa ginagawa ko. Todo tanggi naman siya at sinabing curious lang naman siya dahil nasaksihan niya kung paano nagbago ang pakikitungo namin ni Larkin sa isa't isa.
Sa mga sumunod na araw ay mas lumala lang ang dating rumors ni Larkin at Clea, lalo na't wala namang sinasagot ang dalawa tungkol sa mga 'yon. Wala na silang kinukumpirma. Naisip ko lang kung ano na kayang nangyari kay Clea at sa crush niya noon? Okay kaya sila? Naging sila ba? Kung oo, bakit kaya sila nag-break?
"Huwag ka nang chismosa, Via," bulong ko sa sarili ko habang nagtitimpla ng kape sa office.
Pagkalabas ko ng pantry room ay may pamilyar akong mukhang nakita na kalalabas lang din ng office ng boss ko. Napakurap ako at tinitigan siya nang matagal para masigurado kung siya ba talaga 'yon.
"Dan?" nagtatakang tanong ko habang hawak ang baso ng kape. Napaawang ang labi niya nang magtama ang tingin namin.
"Via!" gulat na sabi niya at lalapit na sana para yakapin ako pero nakita niyang may hawak ako kaya awkward siyang napatigil at tinapik na lang nang mahina ang braso ko. "Kumusta?! Nakauwi ka na pala?!"
"Temporary lang. Bakit ka narito?" Bumaba ang tingin ko sa suot niyang I.D. at nakitang pareho iyon noong akin. "Huh?" Binalik ko ang tingin sa mukha niya.
"Kaka-transfer ko lang dito ngayong araw!" pagpapaliwanag niya nang makita ang reaksyon ko. "Galing akong Malaysia. Nag-transfer na ako rito para sa project! Balita ko naroon ka rin!"
"Ah, the airport project in Bulacan! Kasama ka na rin sa team?" pagkumpirma ko. Nang tumango siya, napangiti ako at nilahad ang kamay ko. "Wow, I'm looking forward to working with you, Architect Morales."
"Same with you, Architect Diaz." Ngumiti siya at nakipagkamay sa akin. "Do you want to catch up? Ang tagal kitang hindi nakita. Small world. We can get coffee after this."
"Sure, after work!" Tumango ako sa kaniya. It felt nice seeing familiar faces.
Umalis din siya kaagad kasi kailangan niyang pumunta sa field habang ako naman ay nag-aasikaso ng mga pinapadala sa email ko. Kahapon ay naroon na ako sa field pero ngayon ay naghahanda ako para sa meeting mamaya. Doon na siguro ipakikilala si Jaedan.
Tama nga ako. Pagkatapos ng meeting ay sabay kaming bumaba ni Dan para pumunta sa malapit na restaurant. Late na kasi natapos ang meeting kaya ang kape namin ay naging company dinner na. Nauna na kami ni Dan doon para mag-reserve ng pwesto.
"Kumusta ang Spain?" tanong ni Dan sa akin pagkababa niya ng mga gamit. "Babalik ka pa ba roon pagkatapos ng project?"
"Spain is nice," sagot ko sa kaniya habang nakapahalumbaba. "Oo naman... May trabaho pa ako roon kaya kailangan kong bumalik. Ikaw ba? Dito ka na for good?"
Tumango siya sa akin habang nagtitingin ng menu. "Kumusta kayo?" Nakita ko ang ingat sa mga mata niya nang tingnan niya ako. "Hindi na kita nakita after graduation."
Napangiti ako nang tipid sa kaniya. Kilala ko naman ang tinutukoy niya. "Okay naman... Civil lang. Hindi naman siya ang inuwi ko rito." Civil lang? Talaga? Parang mortal enemy nga ako noon kung ituring!
"Ah, mabuti naman." Hindi na niya alam ang sasabihin niya. Alam kong pinipigilan niya lang ang sarili magtanong pa dahil ayaw niyang manghimasok sa mga personal na bagay sa buhay ko. "Ang ganda pa rin ni Clea." Iniba niya ang topic.
"Clea Aguilar?!" Napatingin kami sa ibang architects na kasama namin sa team. Kararating lang din nila at agad umupo sa ni-reserve naming seats. "Oh my gosh, palagi siyang nasa office, 'di ba? Sobrang ganda niya talaga! Balita ko sila raw ni Arkin!"
"Bali-balita lang 'yon. Siyempre, may movie... Kaya nagpapalakas sa madla," sabi noong isa. "Ganiyan naman ang showbiz. Pagkatapos ng movie, wala na ulit 'yan. Kung sila nga ngayon, eh bakit hindi pa dati, hindi ba? Hindi ako naniniwala."
"Hindi ba may ibang girlfriend daw si Arkin noon? Iyon ang issue dati!"
Natigilan ako at napatulala na lang sa may lamesa nang mabanggit 'yon. Nakuyom ko ang mga kamay ko habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na gusto kung saan papunta ang usapan.
"Sino nga ulit 'yon? Hindi ko na maalala..."
Huminga ako nang malalim habang pinapakinggan ang usapan nila ngunit umangat ang tingin ko nang lagyan ni Dan ng table napkin ang kamao ko bago niya ako hinawakan para hindi magdikit ang balat namin.
Nginitian niya ako nang tipid. "Nanginginig ka," mahinang sabi niya sa akin bago bumaling sa mga kasama namin. "Order na tayo!" pag-iba niya ng topic bago ako bitawan.
Napahawak ako sa kamay ko at sinubukang pakalmahin ang sarili. Tumingin na lang ako sa labas habang hinahaplos ang nanginginig kong kamay. Paulit-ulit akong nag-inhale at exhale para maging okay ang pakiramdam ko.
Hindi tuloy naging maganda ang gabi ko kaya kinailangan kong magpaalam nang maaga sa kanila. Tatayo na sana si Dan para ihatid ako pero umiling ako at sinabing may dadaanan pa ako. Habang naglalakad ako pauwi sa amin ay tumambay muna ako sa maliit na playground malapit sa bahay. Umupo ako sa swing at pinagdikit ang dalawang palad ko bago tiningnan ang mga kamay ko.
"Never... in that situation again," bulong ko sa sarili ko.
Tumingin ako sa langit saglit at pinagmasdan ang mga bituin. Sa hindi malamang dahilan, nag-init ang mukha ko habang pinipigilan ang luha ko. Mabilis akong tumayo at pinunasan ang kaunting luha sa mga mata ko gamit ang likod ng kamay ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako naiiyak. It just felt... suffocating.
I had a complicated relationship with Architecture, but I still tried to excel in that field because I wanted to make a different name for myself. Ayaw kong makilala bilang... 'third party' kay Arkin at Clea o kaya bilang 'girlfriend' o 'kabit' ni Larkin Sanchez. Pakiramdam ko tuwing tinitingnan ako ng mga tao ay iyon ang naaalala nila. I wanted to have a different image. A different name. Architect Diaz.
Pero hindi ako masaya. Mas lalo lang tumulo ang luha ko habang nakatayo dahil hindi ko na naman alam ang ginagawa ko sa buhay ko. Hindi ko alam kung saan ako patungo sa daang tinatahak ko ngayon. Gulong-gulo pa rin ako kahit ilang taon na ang nakalipas.
They said it will take time to figure things out, but I felt like I was running in circles. There was not any progress. Kapag pakiramdam ko napapalapit na ako sa kasagutang hinahanap ko, umaatras ako at tumatakbo sa ibang direksyon.
I liked teaching, yes... pero hindi ko alam kung Architecture ba ang gusto kong ituro. I didn't want to teach about the things I wasn't passionate about. Ang hirap, eh. Nakakaubos. Tinitiis ko na lang dahil may mga kapatid ako. May pamilya ako.
"Tama na, Via," sabi ko sa sarili ko bago bumuntong-hininga at naglakad na pauwi. Umakto na naman akong walang problema pagkatapak ko sa loob ng bahay. Ngumiti ako kay Papa pagkatapos magmano at umakyat na sa kwarto ko.
Kinabukasan, kailangan kong pumunta sa field, pero kailangan ko ring tingnan iyong progress sa ginagawang bahay ni Clea. Wala pa iyong driver's license ko kaya naman mamamasahe na dapat ulit ako pero naabutan ko si Dan sa office.
"Sabay na tayo? May dala akong sasakyan," offer niya sa akin.
"May dadaanan pa ako, eh," sabi ko naman sa kaniya. "Malapit lang din naman. Okay lang ba?"
Pumayag naman siya kaagad kaya sumakay ako sa shotgun seat at tinuro sa kaniya kung saan kami papunta. Sinabi ko rin sa kaniya iyong tungkol sa project at tuwang-tuwa naman siya dahil kay Clea 'yon. Sana raw ay maabutan namin si Clea sa site na nagtitingin pero sabi ko busy 'yon at hindi niya alam na pupunta ako ngayon.
"Sure ka bang busy? Sasakyan niya 'yon. Kararating lang..." sabi niya sa akin habang papalapit kami sa site.
"Eh?!" Hindi ko napigilan ang reaksyon ko nang makita kong bumaba rin si Arkin sa shotgun seat, nakasuot pa ng shades. Tinawag siya ni Clea para ipakita iyong lupa niya kaya lumapit si Arkin. Mahangin pa sa labas kaya naman nagugulo ang buhok niya.
Nagkatinginan kami ni Dan pero umiwas din ako at bumaba. Wala naman akong choice at narito na rin ako. Kakausapin ko rin ang engineer doon kaya kinailangan kong pumasok sa site. Sumunod naman si Dan sa akin pagkatapos i-park ang sasakyan.
May pinag-uusapan si Clea at Arkin habang may tinuturo si Clea. Mukhang wala silang schedule ngayon, ah. Dere-deretso lang akong naglakad sa gilid para hindi sila magambala kaso bigla akong tinawag ni Clea kaya napahinto ako!
"Architect Diaz?! You're here!" gulat siya nang batiin ako. Napapikit ako nang mariin bago ako lumingon na may ngiti sa labi.
"Hello, kailangan ko lang makausap si Engineer Lazaro..." sabi ko naman sa kaniya. Napatingin ako kay Arkin na nasa tabi niya pero kahit naka-shades, alam kong nakatingin siya sa lalaking nakatayo naman sa likod ko.
"Oh... Another architect?" tanong ni Clea nang mapansin si Dan. Nakita niya kasi iyong suot na I.D.
"Gagi, anong sasabihin ko?!" bulong ni Dan sa akin at hinatak pa nang kaunti ang laylayan ng damit ko na parang bata. "Shit... Si Clea... Shit... Kinakausap niya ako..."
"Si Architect Morales," pagpapakilala ko. "Workmate ko. Architect Morales, si Clea... Kilala mo na siya. Clea, he's actually a big fa-"
"Hello!" Tinakpan bigla ni Dan ang bibig ko para pigilan ako bago siya naglakad palapit kay Clea at nilahad ang kamay niya. "Clea... Aguilar, right? I've seen you a lot on televisions."
Napakunot ang noo ko nang mapansing nag-iba bigla si Dan! Umaakto pa siyang casual na casual pero 'yong kamay niyang nakatago sa likuran niya, nanginginig! Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko!
"Ah, yes. Nice to meet you, Architect Morales. By the way, this is Larkin Sanchez," pagpapakilala naman ni Clea.
Ngumiti lang din si Arkin sa kaniya at tinanggal ang shades bago naglahad ng kamay. "Hello," bati naman nito. "Nice to meet you, Architect."
"Uh... Nice to meet you..." Nakipag-shake hands si Dan at sumulyap sa akin, naiilang. Ang tagal ng sulyap niya sa akin at hindi na napansing nakabitaw na si Arkin sa kamay niya at siya na lang ang nakahawak. "Ay, sorry." Binulsa niya kaagad ang kamay niya. Nakakahiya!
"Okay lang..." Minasahe ni Arkin ang kamay niya gamit 'yong isa bago binaba. "Kumain na kayo? Clea and I brought food."
"Ah, no, aalis na rin kami pagkatapos makipag-usap kay Engineer," sumingit na ako at hinatak si Dan sa braso paalis. Nakatulala kasi siya kay Clea! Hindi pa rin siya nakaka-get over!
Nagpaalam ako kay Clea na pupuntahan muna si Engineer. Mabuti na lang at naroon nga siya sa may gilid at may kausap sa phone. Nag-usap lang kami saglit tungkol sa changes na sinasabi niya sa akin kanina sa tawag. Nilapag niya ang blueprint at nagpaliwanag habang si Jaedan ay nakikinig din sa tabi ko.
"Ibang materials lang din? Para rito?" turo ko sa blueprint. "Hindi ba mas makakatipid if we stick to the original plan? See, magagamit pa kasi natin 'yon for the exterior here..."
"Sa tingin ko lang, ah... Parang hindi maganda kung same material dito. Ito kasing area, if we look at it..." Napatingin ako kay Dan na nakikisali sa usapan namin. Nakalimutan kong mas matalino pala sa akin 'tong lalaking 'to. Mas may sense ang sinabi niya kaysa sa akin kaya tumango na lang ako.
Saglit lang din ang naging usap namin kaya nagpaalam na rin kami kaagad. Pagkalabas namin ay naroon pa rin si Clea at Arkin na may pinag-uusapan sa tapat ng sasakyan. Paalis na rin yata sila. Hinahatak na siya ni Arkin paalis pero mukhang ayaw pa ni Clea.
"Oh, Architect Diaz!" Binitawan siya ni Arkin nang kumaway ulit sa akin si Clea. Naglakad ako palapit sa kaniya para magpaalam na rin. "You're going home already?"
"Ah, may pupuntahan pa kami sa Bulacan," sabi ko sa kaniya. "Kaya aalis na rin kami."
Tumingin ako kay Arkin na nakaiwas ng tingin sa akin at abalang pinagmamasdan 'yong field. Nang mapansin niya akong nakatingin ay lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng isang kilay. Kumunot ang noo ko sa kaniya kaya binaling niya ang ulo niya sa gilid, nagtataka rin sa tingin ko.
"Oh, wait! I have to take this call. Wait lang, Architect Diaz. I have something to give to you." Sinagot ni Clea ang tawag at nagmamadaling naglakad paalis. "Hey... Sorry, I couldn't answer earlier. I was driving..."
"Una na 'ko sa sasakyan," paalam ni Dan sa akin.
"Hindi. Dito ka lang." Pinigilan ko siya sa braso kaya napatingin si Arkin sa kamay ko. Ang awkward dahil nakatayo ako malapit sa tapat niya habang hinihintay si Clea habang siya ay nakasandal sa may sasakyan at nakahalukipkip.
I saw how the side of his lips rose up before looking at the other direction and wearing his shades again. Natawa pa siya saglit kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Ano kayang nakakatawa?
"Have we met before?" tanong niya bigla kay Dan.
"Ah... Kanina..." Hindi alam ni Dan kung ano ang isasagot niya. Alam ko namang nagkita na sila noon! Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Arkin o hindi niya talaga mamukhaan si Dan. Sabagay, ang tagal na rin noong huli silang nagkita. "Tsaka kaklase ako ni Via noon."
"Ah, oo nga..." Tumango si Arkin at lumingon naman sa akin. "Blockmates."
"Ano?" tanong ko dahil nakatingin pa rin siya sa akin. Halata naman kahit nakasuot ng shades! Parang kinikilatis niya ang buong buhay ko! "May problema ba?"
Hindi niya ako sinagot dahil dumating na rin si Clea. Kumuha ng paper bag si Clea sa loob ng sasakyan at inabot sa akin. It was a bottle of wine. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako binibigyan noon.
"A thank you gift for accepting this project," sambit niya sa akin.
"Tara na, Zorel." Hinatak na naman siya ni Arkin sa braso para magpumilit nang umalis pero tinatanggal ni Clea ang hawak sa kaniya habang nakangiti sa akin.
"Thank you... Hindi naman kailangan pero thank you," sabi ko na lang nang kuhanin ang paper bag. Nauna na rin si Dan sa sasakyan para i-start 'yon.
"Okay na? Tara na," sabi na naman ni Arkin. "Late na tayo."
"Kino," Clea warned him and glared.
Kino.
Pinabalik-balik ko ang tingin sa kanilang dalawa habang nagtatalo sila roon. Ngumiti na lang ako nang tipid at nagpaalam na. Naglakad ako kaagad paalis para hindi na makapagreklamo si Clea. Kailangan ko na talagang umalis dahil male-late na rin kami ni Dan.
Tahimik lang ako pagkapasok ko ng sasakyan, nakatulala sa may daan. Hindi rin nagsalita si Dan at hinayaan na lang ako. Akala ko ay may mga itatanong pa siya sa akin tungkol kay Arkin. Mabuti na lang at wala.
Kino... Ang tagal ko nang hindi naririnig 'yon. Parang hindi na ako sanay sabihin 'yon ngayon. It felt like... a forbidden name. Isang pangalang hindi ko dapat itawag sa kaniya dahil wala akong karapatan.
But I gave him that nickname when we were kids. Nahihirapan akong bigkasin ang 'r' noon sa Arkin niya kaya naman 'Kin' na lang ang tinatawag ko. Naging Kino lang dahil pakiramdam ko ay kulang bigkasin kaya sinama ko na rin ang unang letter ng pangalawang pangalan niya.
It felt... weird that I couldn't even call him that now when others could.
Tinuon ko na lang din ang atensyon ko sa trabaho ko buong linggo dahil iyon naman ang pinunta ko rito. Nakuha ko na rin ang lisensya ko kaya naman nabigyan na ako ng company car. Nag-practice pa ako mag-drive kaya naging abala.
"Saan ka?" tanong ko kay Aidan nang sumakay siya sa may shotgun seat. Dala-dala niya iyong gitara niya.
"Sa bahay nina Kuya Arkin!" sabi niya sa akin. "Makiki-piano ako!"
"Piano, pero dala mo 'yong gitara mo," sabi ko habang nagda-drive.
"Papaturo rin ako!"
Magpapaturo siya? Ibig sabihin ay naroon si Arkin ngayon. Hindi na lang ako bababa. Tama. Aalis na rin ako kaagad at susunduin na lang siya pagkatapos. Hindi naman sobrang layo kaya kaya kong magpabalik-balik.
Iyon naman talaga ang plano... kaya hindi ko alam kung bakit nakita ko na lang ang sarili kong hinahatak ng Mama ni Arkin papasok ng bahay nila dahil nagluto raw siya ng meryenda! Hindi ko alam kung paano ako tatanggi! Wala na akong nagawa at napaupo na lang doon sa may living room nila!
"Umakyat ka na. Huwag mong sasabihing narito ako," bilin ko kay Aidan bago siya umakyat sa may music room ni Arkin.
Pinaghanda ako ni Tita ng mga na-bake niyang tinapay. Iyon daw ang pinagkakaabalahan niya ngayon kaya naman tumikim ako. Masarap naman! Binilisan ko lang ang kain ko dahil baka maabutan pa ako rito ni Arkin at mag-alburuto na naman 'yon. Ayaw pa naman noon makita ako sa bahay nila. Hindi ko rin naman ginusto 'to!
"Ito pa, Via! Kain ka pa!"
Hindi ako makaalis dahil lapag nang lapag ng pagkain si Tita. Tatanggi na sana ako at handa nang tumayo nang marinig ko ang mga yabag ng paa sa may hagdanan. Nagmadali kong kinuha ang gamit kong nilapag ko sa may lamesa para makaalis.
"Ma, anong pagka-" Napatigil si Arkin nang makita ako sa may sofa. Awkward akong tumayo at humarap kay Tita na kalalabas lang din sa may kusina.
"Tita, alis na po ako," paalam ko kaagad.
"Ate, wait lang! Sabay mo na ako!" reklamo ni Aidan sa akin pagkakuha ng tinapay. "Sama ka na lang sa taas para hindi ka ma-bored dito. Okay lang naman, 'di ba, Kuya?"
Hindi sumagot si Arkin at pumunta na lang ng kusina para kumuha ng inumin. Pagkatapos noon ay walang pasabi siyang umakyat, may dala-dala nang plato ng tinapay. Hinatak naman ako ni Aidan para samahan ko siya paakyat kaya wala na rin akong nagawa.
Tumutugtog silang dalawa ng piano at abala sila roon kaya kinuha ko muna ang gitara ni Aidan at umupo sa may gilid para mag-strum. Mahina lang 'yon para hindi ko sila ma-distract. Wala kasi akong magawa kaya ito na lang ang pinagkaabalahan ko.
"Nagtama ang mga matang nagpapaisip... Kulay sa mga mukha ang sinag ng araw na sumisilip..." pagkanta ko.
It was out of the blue. Kinanta ko lang ang lumabas sa dila ko. Parang natural lang ang paglabas ng mga salita sa akin kaya napatigil ako saglit at tinigil ang pag-strum.
"Dumilim man ang buhay, ika'y nariyan..." bulong ko ngunit hindi ko sinabayan ng gitara. Tinigil ko 'yon nang mapansing wala na pala akong naririnig na piano.
Lumingon ako sa paligid at napansing wala pala si Aidan at bumaba siguro kaya naiwan kami ni Arkin. Nakaupo lang siya roon sa tapat ng piano at nakatingin sa akin. Agad akong umiwas at binaba ang gitara sa gilid. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil ang tahimik na sa kwarto.
"Nagsusulat ka na ng kanta?" tanong niya sa akin bigla.
Umiling ako. "Wala... It just came out." Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil nararamdaman ko ang titig niya sa akin. Ano? Hindi na ba siya naghahamon ng away ngayon?
"You're a natural in music," sabi niya bigla kaya napatingin ako sa kaniya. "You should try."
Matagal kaming nagkatinginan bago ako napangiti nang tipid sa kaniya. Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. His stare looked like... he was longing. It was soft and calm. It looked sincere.
"Try what? Music?" Napatawa ako nang sarkastiko. He pursed his lips and sighed, obviously getting where the conversation will go.
"Have you visited your mom?" tanong niya na sa akin bago tumayo at lumipat ng upo roon sa kabilang sofa. Katapat ko na siya ngayon pero hindi kami gaanong magkalapit.
Umiling ako sa kaniya at hindi nagsalita. I hated how he knew everything about me. Hindi ko naman siya masisisi pero hindi ko tanggap na kahit hiwalay na kami, alam niya pa rin ang mga iniisip ko.
"Subukan mo kaya?" maingat na sabi niya ulit. Parang may kung anong pumitik sa akin dahil sa sinabi niya. My heart dropped and my hands went cold just by thinking about it.
Napapikit ako nang mariin at tinitigan siya sa mga mata. "Huwag kang mangialam sa buhay ko," malamig na sambit ko. "Wala ka na sa lugar para mangialam."
Napaawang ang labi niya at may gusto sanang sabihin ngunit pinigilan ang sarili. Napabuntong-hininga na lang siya at dahan-dahang tumango.
"I'm sorry," mahinang sabi niya.
"Stop forcing me into your world, Larkin," seryosong sabi ko. "Matagal na akong sira diyan. Hindi ko gugustuhing pasukin ulit 'yang mundo mo."
"Avianna..." tawag niya at hahawakan sana ang kamay ko pero pinigilan niya ang sarili niya. Nakita ko ang bilis ng pagbabago ng tingin niya sa akin. May sasabihin siya pero hindi niya tinuloy.
Musika, huh? Gusto niyang subukan ko? Ang musika, showbiz, pag-acting, pare-pareho lang naman 'yon. Kapag pinasok mo ang isa, may pinto ka na para pasukin lahat. Kailangan mo lang ng spotlight... na nakakasilaw. Nakakabulag.
"Ni hanggang ngayon nga, Larkin, hindi pa rin ako okay," nanginginig na sabi ko. Naramdaman ko na naman ang mga nagbabadyang luha ko. "Mas gusto kong manatili sa lugar na hindi ako masaya, pero hindi ako malungkot, kaysa ilahad ulit ang sarili ko sa harap ng maraming tao."
Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko. He looked like he was in pain. His eyes reflected mine.
"Mas takot na ako ngayon... kaysa noon... dahil sa 'yo." Tumulo ang luha ko kaya napayuko ako. "Kaya wala kang karapatang sabihin sa aking subukan ko... kung pinadugo mo lang din naman ang sugat ko."
Natahimik siya saglit bago tumayo at niligpit ang gitara ni Aidan. Nilagay niya 'yon sa case bago nilapag sa tabi ko. Nanatili akong nakaupo at nakayuko sa sahig, ayaw na makita niyang lumuluha sa harapan niya.
"Iyon lang ba ako sa 'yo, Via?" mahinang tanong niya. "Sa lahat ng taon... na magkasama tayo... Iyon lang ba ang naiwan kong alaala sa 'yo?"
Hindi ako makasagot dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko. Was I... being too harsh on him? Parang tinapon ko ba lahat ng pinagsamahan namin sa sinabi ko?
"Nagsisisi ka bang nakilala mo 'ko?" tanong niya na sa akin.
Natahimik ako ulit. Kung... hindi ko ba siya nakilala, nasaan ako ngayon? Will I get less pain? Will I experience a happier life? Minsan, iniisip ko rin 'yon. Kung hindi ba kami nagkakilala, mas masaya ba ako ngayon? Mas okay ba ako ngayon? Hindi ko ba kailangang magtago sa maraming tao?
"Mas mabuti nga... kung hindi," sambit ko.
Napuno ng katahimikan ang kwarto bago siya tumango at ngumiti sa akin nang tipid. He looked like he was... defeated.
"I guess I was wrong about us," bulong niya. "Let's not see each other again... Ever."
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro