38
"Extensión, Señorita? Por favor?"
Napatigil na naman ako sa paglalakad palabas ng room nang may estudyanteng lumapit sa akin para manghingi ng extension sa plates nila. Napasapo ako sa noo ko ngunit bumuntong-hininga na lang din at kinuha ang listahan ng mga pangalan sa klase.
"Cuál es su nombre?" tanong ko sa pangalan niya para ma-note ko. "You only have until tomorrow. Mañana. Me entiende?"
"Sí! Muchas gracias, Señorita!" Tuwang-tuwa siyang tumakbo paalis sa hallway. Napailing na lang ako at naglakad na rin pabalik sa may office ni Tita para ilapag na ang mga dala-dala kong plates ng klase.
Umupo ako roon sa may tapat ng desk ko para mag-asikaso ng mga papeles pero natutulala na lang ako bigla kapag naaalala ko 'yong nangyari sa concert. It was... the last time I saw him. After ng concert na 'yon, nauna na akong lumabas at hindi na hinintay ang mga kaibigan ko. Sabi ko lang sa kanila ay masama na ang pakiramdam ko.
I couldn't stand in his crowd again. Not anymore. I felt uncomfortable, just by being surrounded by the people who loved him... and also because he was there. He was in front of me after months and months of not seeing each other.
I was waiting for the train with my earphones on after the concert. Nakatulala ako sa sahig, hindi pa rin kumakalma ang puso. I didn't know what to do the moment I saw him... and the moment I heard the song that started all of it.
Was I even healed from the pain I experienced from him? And did I already move on from the pain I caused him? It was not easy to forget him when I went here in Spain. I cried every night, longing for him and his comfort. I couldn't function well... because I was away from my friends too.
Natauhan ako bigla nang mapansing lumagpas na ang train na hinihintay ko kaya maghihintay na naman ako sa susunod! Inis kong tinanggal ang earphones ko para marinig ko ang announcement at itatago na sana sa bag nang biglang mahulog 'yon. Pupulutin ko na sana kaso may nauna nang lumuhod sa harapan ko para pulutin.
"Ah, gracias-" Natigilan ako nang magtama ang tingin namin.
He was wearing a black facemask and a black cap... but it was still impossible for me not to recognize those eyes. I froze for a moment before he stood up and sat beside me, giving me my earphones.
Tahimik ko 'yong kinuha mula sa kamay niya at tinago sa bag ko. Pagkatapos ay tumingin lang ako sa malayo, hindi nagsasalita. I didn't know what to say or how to act. Bakit siya narito? Kakatapos lang ng concert niya... Dapat nagpapahinga na siya sa hotel o kung saan man siya naka-stay.
"How are you?" he suddenly asked.
"I'm fine," mahinang sabi ko, nakatingin lang sa sahig. "Anong ginagawa mo rito?"
"I came here to give you this." Kinuha niya ang case ng gitarang nilapag niya sa gilid at inabot sa akin. "Iniwan mo 'to."
"Sinadya kong iwan 'yan," sabi ko habang nakatingin sa gitara. It was my guitar... or my mom's guitar. Nang umalis ako, iniwan ko na rin ang musikang binigay niya sa akin. I wanted to forget it. I wanted to move on from the pain she gave.
"Ako rin ba?"
Natigilan ako at napatingin sa kaniya dahil sa tanong niya. Months and months have passed already... Bakit ngayon niya pa 'yan tinatanong?
"Sinadya mo rin bang iwan ako?" tanong niya at natawa nang sarkastiko nang hindi ako sumagot. "Okay, then... That's all I need to know."
Tumayo siya at sinandal ang case ng gitara sa upuan bago naglakad paalis habang nakapamulsa. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. I couldn't sleep properly that night. It was like a dream to see him again.
Na hanggang ngayong nasa office ako ng school, iniisip ko pa rin 'yon. Iniisip ko pa rin lahat ng sinabi niya noong gabing 'yon... kahit isang taon na ulit ang nakalipas pagkatapos noon.
I got back to my senses when my phone rang. Tumatawag si Mira kaya sinagot ko 'yon kaagad dahil baka may emergency. "Hello, Mira?"
[Ate, kailan ulit flight mo?] tanong niya sa akin. [Naghahanap kasi ako ng pwedeng sumundo sa 'yo sa airport... or hindi ka ba tuloy?]
"Ah, teka..." Binuksan ko ang laptop para tignan ang email ko tungkol sa isang project. May project ako sa Philippines kaya kailangan kong umuwi roon pero for a temporary period lang. Kumukuha na rin kasi ako ng projects under sa Tita ko. Nang makita ko ang confirmation ng project at 'yong calendar, sinara ko na ulit. "Oo, tuloy ako..."
Sinabi ko sa kaniya ang date pero sabi ko, magpapasundo na lang ako sa mga kaibigan ko kaya huwag na siyang mag-abala pa. Gusto ko na rin kasing umuwi muna para alagaan si Papa dahil tumatanda na rin siya. Si Mira, nagtatrabaho na sa wakas sa Ledezma Group.
I was excited to go home because I will see my friends again and be with them for a longer time kahit temporary lang... pero kinakabahan din ako dahil alam kong kalat ang mukha ni Arkin doon.
Pero hindi naman siya ang inuwi ko roon kaya hindi ko dapat pigilan ang sarili ko dahil lang naroon siya. I can manage my emotions well. Hindi na ako magpapaapekto sa kaniya. Matagal na rin naman 'yon... at hindi na kami nag-uusap.
In the end, risking our friendship was a bad decision. Now, we lost everything. We also lost our connection. Kung alam ko lang na ganito ang kahahantungan, sana hindi ko na lang tinuloy. Sana nanatili na lang akong kaibigan.
But there was no point in regretting my decisions. It already happened. What I could do was to stop it from happening again.
"Balik ka kaagad, ha," paalala ni Elena sa akin habang nag-iimpake ako at tinutulungan niya ako. Mag-isa lang akong nakatira sa apartment ko pero sa kabilang apartment lang din naman siya kaya malapit kami sa isa't isa. "Let's go, Architect Diaz."
"Babalik ako kaagad kapag pwede na," sabi ko naman sa kaniya.
"Hindi mo ba dadalhin 'yon?" Napalingon ako sa tinuturo niya.
'Yong gitara ko. Matagal kong tinignan 'yon bago ako umiling at sinabing hindi na... pero nang matapos kaming mag-impake, napatingin ulit ako roon. Noong mag-isa na lang ako sa apartment ko ay kinuha ko 'yon at binuksan para ilabas ang gitara.
Ngayon ko lang ulit kinayang tignan 'yon. Kinalimutan ko na ang musika... pero nang isandal ko ang gitara sa binti ko, parang bumalik sa akin lahat ng memorya ko simula bata. Hindi ko siya matugtog dahil hindi na maayos ang strings pero sa simpleng paghawak ko lang, dinadala ako noon sa lugar na gusto kong kalimutan.
I liked music. I... loved music, but if I were given a choice, I would not. Lumala lang ang takot ko sa industriyang 'yon. Lahat gagawin ko para makaiwas sa ilaw nila. I would never put myself in that situation again.
In the end, I brought it with me. Iiwan ko na lang 'yon sa bahay at hindi na dadalhin pabalik sa Spain. Hindi naman dapat narito ang gitarang 'to. Dinala lang niya ulit sa akin.
"Mag-iingat ka, ha! I-hello mo ako kay Larkin kapag nakita mo siyang palakad-lakad lang diyan sa Pinas! Gusto ko na ring umuwi!" sabi ni Pauline na wala pa ring ideya sa nakaraan namin ni Arkin. Wala naman akong balak sabihin sa kaniya. Siguro bago lang din siyang fan kaya hindi niya alam.
"Alam mo na ang mga bilin ko sa 'yo," sabi naman ni Gab at niyakap ako.
"Baka pagkabalik mo rito, may boyfriend ka nang nabingwit sa Pinas, ha! Balitaan mo kaagad ako! Dapat gwapo 'yan!" pagbibiro ni Isabel.
"Sige na, guys... Thank you. Male-late na ako sa flight ko," paalam ko sa kanila.
Niyakap ko sila, pati si Elena na hinatid na ako hanggang sa gate. Hindi naman ako masyadong nalulungkot dahil babalik din naman ako. Nangingibabaw pa nga ang saya dahil makakasama ko na 'yong mga una kong naging kaibigan.
Nakasuot lang ako ng grey turtle neck, white leather jacket, light jeans, at tsaka sneakers, habang hatak-hatak ko 'yong carry-on luggage ko. Pina-check in ko na lang ang case ng gitara ko dahil pwede naman 'yon sa FlyAsia.
Maaga pa ako para sa flight ko kaya kumain muna ako at uminom ng kape habang naghihintay. Nang boarding na kami at nagche-check ng tickets ang flight attendants, nagulat ako dahil sa business class nila ako pinaupo.
"Your seat has been upgraded to business class, Ma'am," sabi sa akin noong nag-assist. Napakunot lalo ang noo ko at lumingon sa paligid. Wala naman si Yanna sa flight na 'to, ha! Pero sinend ko sa GC kahapon ang flight details ko dahil hinihingi nina Luna. Susunduin kasi niya ako.
Umupo na lang ako pagkalagay ng luggage ko sa compartment at tinignan ang mga freebies nila sa flight. Matagal-tagal din ang byahe kaya magpapasalamat na lang ako na nasa business class na ako.
"Good afternoon, ladies and gentlemen. This is Captain Juarez speaking..." Parang may kung anong light bulb ang lumabas sa tuktok ng ulo ko dahil naintindihan ko na kung bakit ako nasa business class ngayon. Okay... Alam ko na. Gets ko na.
Natulog na lang ako sa flight at gumigising lang kapag nariyan na ang pagkain. Nanood na rin ako ng ilang movies habang naghihintay na mag-land ang eroplano, kaso nakatulog lang din ulit ako.
Nagising lang ulit ako nang mag-land na. Tumingin ako sa bintana habang pababa ang eroplano at nakita ko kaagad ang malaking billboard ni Arkin. Noong nagbasa rin ako ng magazine kanina, siya pa ang cover. Hindi talaga ako nalulubayan.
Umayos na ako ng upo at kinuha ang mga gamit ko habang naghihintay ng go signal ng Captain na pwede nang lumabas. Nang buksan na ang mga pinto, dere-deretso lang akong umalis, hatak-hatak ang bagahe ko. Ang dami ko pang pinagdaanan sa airport bago ako nakalabas sa arrivals area.
Parang tanga at sinalubong naman ako ng malaking tarpaulin ni Arkin nang tumingin ako sa paligid. Nakasabit pa 'yon mula sa taas. Nage-endorse siya ng something.
"Via! Via! Here! Hello! Woohoo! Welcome back! I'm your fan!"
Hindi ko alam kung gusto kong pansinin si Luna o hindi. Sinuot ko na lang ang shades ko at yumuko sa sobrang hiya habang naglalakad palapit sa kaniya. Sisigaw na naman sana siya kaso tinakpan ko ang bibig niya at hinatak siya paalis doon. Tumawa siya at tinulungan ako sa mga bagahe ko.
"Here! Here!" Lumapit kami sa sasakyang naghihintay sa may tapat ng terminal. Sasakyan pala ni Kierra 'yon at naroon siya sa driver's seat.
"Welcome back!" bati niya sa akin pagkasakay ko sa may likod. "Amoy Spain!"
Hinatid nila ako sa bahay pero bumaba rin sila para tulungan akong mag-unpack ng mga bagahe ko. Pagkabukas ko pa lang ng pinto, sinalubong na ako ng yakap ni Ysha. "Welcome back, Ate!" sabi niya.
"Kumusta? Nasaan si Papa?" tanong ko pagkatapos kong yakapin din si Aidan at si Mira. Ang lalaki na nila! Parang ang tagal kong nawala! Bakit nag-iba ang mga hitsura nila?! Para tuloy akong nanay kung makaasta.
"Anak! Halika, nagluto ako! Hello sa mga kaibigan mo!" Lumabas si Papa sa kusina, naka-apron pa. Tinutulungan pala siya ni Mira roon. Mabuti na lang at Sunday kaya wala silang mga trabaho.
"Akyat po muna kami, Pa," sabi ko nang yakapin ko rin siya. "Mag-aayos muna ako ng gamit."
"Sige, saglit na lang din 'to..."
Inaya ko sina Luna sa kwarto ko. Nakakamiss palang matulog dito... kaso ang dami ring memoryang bumabalik sa akin tuwing nakikita ko ang kama ko. Those endless nights of pain... crying alone.
"Hoy, ano na? Nakahanap ka ba ng Espanyol doon?! Nagpasakop ka ba?!" pangungulit ni Luna sa akin habang nag-aayos kami ng gamit. "'Nako! Sinasabi ko sa 'yo palaging huwag kang magpapasakop! Ano na?!"
"Focused ako sa trabaho ko roon, Luna..." Napailing ako sa kaniya. "Wala akong panahon lumandi."
"Why not?" sabi naman ni Kierra. "Hindi ka ba nabo-bore doon? Balita ko maraming gwapo roon, ah..."
"Hindi naman ako naghahanap ng gwapo." Napatakip ako sa tainga ko nang magsalita na naman sila. "Tama na, tama na! Ayaw ko ngang magjowa! Kulit! Hindi sa landi umiikot ang mundo, okay?!"
"Ay, hindi ba?" naguguluhang tanong ni Luna. "Mali pala ang akala ko..."
Napakakulit noong dalawa sa pagpapakwento sa akin ng mga ganap ko sa buhay na parang hindi ko naman sila ina-update sa group chat namin kapag may nangyayari. Mabuti na lang at may sarili kaming group chat kaya hindi alam ni Sevi. Baka ikwento pa noon kay Arkin mga ganap ko! Siguradong siya ang nagsabi kay Arkin noon na aalis ako kaya hinabol ako sa airport.
"Sobrang sikat na ng ex mo rito..." pagkekwento ni Kierra. "Minsan na lang din namin makasama, kahit si Sevi hindi na nakikita 'yon. Sobrang busy sa career."
"Noong nag-iba siya ng agency, dinagsa siya ng napakaraming opportunities. Mas nag-focus siya sa music kaysa acting kaya solo artist ang ganap niya!" dagdag pa ni Luna.
"Good for him..." Iyon lang ang kaya kong sabihin. Wala naman akong iba pang masasabi. Wala nga akong interes na malaman ang mga 'yon. Matagal ko nang na-detach ang sarili ko sa buhay niya.
"Pero balita ko may bago silang movie ni Clea. Excited lahat kasi hindi na sila gumagawa ng projects na magkasama. Ngayon na lang ulit!" sabi na naman ni Luna. Napakarami talagang chika sa buhay. Wala kasing jowa kaya puro chismis na lang sa internet ang pinagkakaabalahan.
"Ang dami mong balita, sis," sabi ko sa kaniya. "Ayaw ko nang malaman 'yan."
"Ayan, ayaw na nga kasing malaman! Tantanan mo na!" sabi ni Kierra sa kaniya.
Bumaba na rin kami para kumain pero kinailangan kong umalis dahil kikitain namin si Yanna at Sevi sa mall. Magiikot-ikot lang kami tapos kakain na lang din ulit, kasama si Avrielle. Ang tagal ko nang hindi nakita 'yong bata kaya nagulat ako dahil ang tangkad na rin niya!
"Hello, Tita!" bati niya sa akin. What the hell? Patangkad na nang patangkad 'to, ah. Ang ganda-ganda na rin ng mukha niya. Halo-halo na ang lahi sa kaniya. "Welcome back!"
"Hello, Avi..." Hinaplos ko ang buhok niya bago tumingin kay Yanna na nakaupo roon at sumisimsim ng kape. "Buti hindi mo 'to tinuruang manghingi ng pasalubong sa mga umuuwi galing ibang bansa."
"Tinuruan ko nga! Hindi naman ginawa!" reklamo niya kay Avrielle. "Avi, ano ang sasabihin kapag may Titang galing ibang bansa?"
"Baka naman?" patanong na sabi ni Avrielle at lumingon pa kay Yanna para siguraduhin ang sinagot niya. Malakas na tumawa si Luna at hinatak pa ang buhok ni Yanna sa sobrang tuwa.
"Aray ko, gag-" Magmumura na sana si Yanna kaso pinigilan niya dahil naroon si Avrielle. "Gag reflex."
"Hoy!" Tumawa rin si Kierra nang marinig 'yon. "Umupo na nga lang kayo! Nasaan na ba si Sevi?"
Umupo na lang kami at nag-order lang ng tinapay at shake habang naghihintay. Kakakain ko lang kaya busog pa ako. Mayamaya, dumating na rin si Sevi. Nakasuot siya ng simpleng shirt at shorts, tapos magandang sneakers. Nakaayos pa nga ang buhok at parang naligo sa pabango.
"Wow, akala ko artista!" Exaggerated niyang tinakpan ang bibig niya nang makita ako. "Grabe, ang ganda ng kutis! Parang galing ibang bansa! Como estas, señorita?"
"Nakakabwisit ka, Sevi," seryosong sabi ko sa kaniya at napairap na lang.
"Ano ba 'yan, nakita ko na naman si Sevi. Sira na araw ko," sabi naman ni Yanna.
"Same," sabi ni Luna.
"Ah, ganoon... Pasensya ka na, ha... Sana hindi na lang ako nabuhay. Ganito lang kasi ako, Yanna... Luna... Hindi ko kayang abutin ang standards n'yo... Sabi ko na, eh, panira ako ng araw... Sige, sorry. Hindi ko na kayo guguluhin," malungkot na sabi ni Sevi.
"Pucha," hindi makapaniwalang sabi ni Kierra. "Umupo ka na nga lang at pati ako nabibwisit sa mga sinasabi mo!"
"Si Avrielle na lang talaga ang kakampi ko rito! Tsaka si Sam, kaso wala rin!" Tumatawa siyang umupo at pinanggigilan si Avrielle na kumakain ng ice cream.
Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Nagpasalamat din ako kay Hiro through Yanna dahil alam ko namang siya ang nag-upgrade ng seat ko. Hindi raw alam ni Yanna ang tungkol doon. Basta sinabi niya lang kay Hiro na may flight ako tapos iyon na ang ginawa.
"Avrielle... Nanghingi ka na ba ng pera sa Tita mo? Magkano? Baka naman... Hati tayo," rinig kong bulong pa ni Sevi.
"Ano na namang tinuturo mo sa anak ko?!" Kinuha tuloy ni Yanna si Avrielle pabalik sa tabi niya.
"Kailan mo susundan si Avi?" tanong ni Luna.
"Bakit ba lahat kayo, ayan ang tanong sa akin? Bakit hindi kayo ang magpabuntis? Ang hirap kaya!" sabi naman ni Yanna. "Huwag kang tanong nang tanong, Luna... Sige ka, baka ikaw ang sumunod."
"Gusto ko na rin ng isa pang pamangkin," sabi ko rin.
"Via... Wait ka lang, ha... Gagawa tayo ng paraan. Para sa 'yo, Via... Boss ka namin dito, eh. Guys, ang gusto ni Via, masusunod, ha. Pamangkin daw. Bigyan natin ng pamangkin," pambibwisit na naman ni Sevi sa akin.
"Sevi, kapag ikaw ang nagsasabi, lahat nakakainis," sabi naman ni Yanna.
"Why are you always fighting? Don't fight po..." pagpigil naman ni Avrielle.
"Init ng ulo! Baka buntis na!" lalo pang nang-asar si Sevi.
Nagbangayan na naman sila roon at nasali pa si Luna kaya ang ingay na naman. Napatakip na lang ako sa tainga ko habang kumakain dahil hindi sila matapos-tapos. Mabuti na lang at hindi kasali si Kierra kaya kami na lang ang nag-usap. Parang mga tanga talaga.
Nag-shopping na lang kami pagkatapos noon... kaso hindi rin talaga nakakatuwa ang kasikatan ni Larkin dahil kung saan-saan ko siya nakikita. Kahit naglalakad ka lang ay makikita mo ang posters niya sa rami ng endorsements. Makahulugan tuloy silang napapalingon sa akin. Umaakto lang akong walang nakita.
"Pogi nito, ah..." Tumayo si Sevi sa tabi ng standee ni Arkin sa tapat ng store. "Picture-an n'yo nga ako!"
"Hello, Sir! May meet and greet promo po kami kay Arkin! Baka gusto n'yo pong sumali? Bili lang po kayo ng products namin! Cute kasi, Sir... Mukhang fan na fan ka po ni Arkin." Lumapit iyong saleslady.
Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang tawa ko. Parang interesado pa nga si Sevi at pumasok sa store para tignan 'yong skincare products doon.
"Mommy, picture!" sabi ni Avrielle at tumabi naman sa standee ni Arkin. Napatingin si Yanna sa akin bago umiwas ng tingin at kinuha ang cellphone. "Tito Arkin!" masayang sabi niya.
For some reason, na-guilty ako dahil baka isa ako sa dahilan kung bakit hindi na nila nakakasama si Arkin... at kung bakit hindi na rin siya nakikita ni Avi. Pakiramdam ko ako ang sumira sa friend group namin. Our break up kind of forced Arkin to leave the circle.
Matagal na 'yon, Via... Siguradong naka-move on na rin si Arkin doon kaya huwag mo nang isipin.
Umuwi na rin kami kaagad dahil pagod pa ako mula sa flight. May jetlag ako kaya nakatulog ako kaagad. Kinabukasan naman, may meeting kami roon sa Philippine branch office ng nagha-handle ng project. I met with some architects, engineers, and project managers.
"Architect Diaz," pagpapakilala ko at ngumiti. "I came from Spain, under Architect Arce from Cuesta Architects. I take Philippine projects like these."
Pagkatapos ng meeting, nagkaroon kami ng site visit. Naging abala ako buong araw at nabilad pa sa araw nang mag-inspect. Pagkatapos, nag-set ulit kami ng meeting for tomorrow.
Noong sumunod na linggo, nagsimula na akong magtrabaho, iyong pumasok talaga sa office. I was working all day with other architects as well. Habang abala ako sa office ay napansin kong may pinagkakaguluhan sila sa labas.
Napaawang ang labi ko nang sumilip ako at nakita ko si Clea. May kausap siyang isang architect at naglalakad papunta sa main office habang pinagtitinginan naman siya ng ibang empleyado.
"Big client namin 'yan si Clea... Naghahanap yata siya ng gagawa ng bagong bahay niya," sabi ng kasama ko.
She looked even more gorgeous and intimidating. Nakakatuwa dahil hindi siya bumagsak noong nagka-issue sila ni Arkin. Patuloy lang siyang umangat sa industriya. Pakiramdam ko iyon talaga ang path niya. She had nowhere to go but up. She just kept on getting more famous each day.
Bumaba muna ako during break para bumili ng kape. Habang naghihintay ako sa counter, bigla namang may tumabi sa akin, naghihintay rin. Napakunot ang noo ko nang magkatinginan kami ni Clea. Nagulat din siya nang makita ako, pero hindi siya makapagsalita.
"Uh, thank you," sabi ko nang makuha na ang inumin ko. Tumingin na lang ulit ako kay Clea at ngumiti nang tipid bago nagmadaling umalis.
Sasabihin na ba niya kay Arkin na narito ako? O baka hindi naman? Sabi sa mga chismis, sila na raw ni Arkin... pero wala na rin akong pinaniniwalaan sa industriyang 'yon ngayon.
Nagtrabaho lang ako buong linggo. Tuwing weekend naman ay inaasikaso ko lang ang bahay at ang mga kapatid ko. Katulad ngayong Sabado, kailangan kong samahan si Aidan sa isang music store dahil gusto raw niya bumili ng gitara.
"Marunong ka ba?" tanong ko sa kaniya habang nagtitingin kami.
"Hindi, pero habang narito ka, pwede mo akong turuan, Ate!" sabi niya. "Ito, gusto ko!" Tinuro niya 'yong itim na gitara.
Ako? Tuturuan ko siyang tumugtog ng gitara? Natulala ako saglit dahil naalala kong nagtuturo rin si Mama noon... at estudyante niya si Arkin. Parang ganoon ulit ang mangyayari ngayon. I was slowly turning to her... but how could I say no to my brother? Wala na si Mama para turuan siya... kaya ako na lang.
If he wanted to pursue music, I will still support him. I... won't try to stop him from reaching his dreams... The thing I failed to do with Arkin. Looking back at those times now, naiisip ko lang kung gaano ako ka-selfish sa kaniya.
He was right. I was projecting my pain from the past to him... and I wouldn't do that to my brother. He just wanted my support, and I will give him that.
"Ito ba? Sige..." Kinuha ko ang gitara at pumunta sa counter. Bumili na rin ako ng bagong strings para sa gitara ko. Gumagana pa kaya 'yon?
"Hello!" bati ng nagtitinda sa bagong customer na pumasok.
Tumalikod ako para maghanap pa ng capo at pick para sa kapatid ko habang sinusubukan niya ang gitara roon. Nagtingin na rin ako ng ibang strings at sinubukang abutin 'yong nasa taas kaso muntik na 'kong matumba paharap dahil may lalaking kumuha rin noong string na titignan ko sana.
"Excuse," he said before stepping back, nakuha na ang gusto niya. Lumingon ako sa kaniya nang maglakad siya papunta sa mga electric guitars. He was wearing a mask and a cap.
Umalis saglit 'yong nagtitinda habang ang kapatid ko ay abalang sinusubukan ang gitara niya. Wala pa sa tono. Kumuha ako ng capo at pick at lumingon ulit sa kaniya para tanungin siya kung okay na sa kaniya iyon kaso nakita kong kausap na niya 'yong lalaki.
Nakaupo sila roon sa sofa at tinotono ng lalaki 'yong gitara. Pagkatapos ay binalik niya na ulit sa kapatid ko at ginulo ang buhok nito. Mas lalo akong nagtaka. Anong ginagawa niya sa kapatid ko?!
"Ate!" tawag ni Aidan sa akin. "Okay 'to! Gusto ko 'to!"
"Ito ba? Bilhin na rin natin 'to kung gusto m-" Muntik ko nang mabitawan 'yong hawak ko nang magtama ang tingin namin ni Arkin.
Huh? Nino?
"Ah, binigyan na ako ni Kuya Arkin ng guitar pick!" Pinakita ni Aidan ang isang yellow pick na may pirma ni Arkin. Napaawang ang labi ko, hindi alam ang sasabihin. Nakita ko rin ang gulat sa mga mata ni Larkin habang nakatingin sa akin.
Hindi ako makapagsalita. Parang nanuyo ang lalamunan ko. Umiwas kaagad ako ng tingin at binalik ang pick. Naglakad na lang ako papuntang counter para magbayad. Tumayo na rin si Larkin at tumalikod para magtingin ng gitara.
"Aidan, tara na," sabi ko sa kaniya pagkabayad ko. Nakasabit na ang case ng gitara sa balikat niya. Hindi ko na rin hinintay ang sagot niya at dere-deretso lang akong lumabas ng shop na 'yon.
"Hey, Miss, you forgot something."
Natigilan ako sa paglalakad at napapikit nang mariin nang marinig nang klaro ang boses niya. Lumingon ako sa kaniya at pinakita niya sa akin 'yong capo, nakababa na ang facemask ngayon. He... looked more mature. His features matured. He just looked more attractive. He was... glowing. He looked so out of my league.
Kinuha ko ang capo nang hindi nakatingin sa kaniya. "Thanks," maikling sabi ko at tumalikod na ulit.
"Ingat, Aidan," sabi niya pa sa kapatid ko.
I felt suffocated inside that shop! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Nang makalabas ako, roon lang ako nakahinga nang maluwag. Akala ko hindi na ako magugulat kapag nakita ko siya sa personal sa dalas kong nakikita ang mukha niya sa paligid ko... pero iba pa rin pala talagang makaharap siya. It was not the state of being starstruck.
It was... me... adjusting to the fact that we could look at each other again and not feel the connection we had back then... For years. And... Wait...
Miss?
Did he just call me 'Miss'?! Wala ba akong pangalan?!
"Let's go, Miss," sabi ni Aidan sa akin at tumawa pa bago naglakad paalis.
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro