Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

37


"Kino, gusto mong sumama sa party? Masaya 'yon. Wala ka namang gagawin tonight, 'di ba?" 


Kinuha ko ang bag ko at sinuot sa balikat ko pagkatapos ng workshop. May kasama kaming sikat na artistang taga-La Salle na naging kaibigan ko na rin. Ilang linggo na rin naman kaming magkasama nito. 


"Sige, pare," sagot ko na lang dahil wala rin naman akong gagawin mamaya. Busy kasi si Via mamayang gabi at hindi nga nagre-reply kaya wala naman sigurong masama kung magsasaya muna ako roon. Matagal na rin since 'yong last na inom ko dahil mas naging busy ako sa school at sa workshop. Pinagsasabay ko na rin ang mga shoot ko, dahil maraming nag-hire sa akin noong nakita nila akong mag-model sa isang sikat na brand. 


Umuwi muna ako sa condo para magpalit ng damit at ibaba ang mga gamit ko bago ako pumunta sa house party na 'yon. Sinundo naman ako ng tropa ko kaya hindi ko na kinailangan mag-commute. Marami akong nakilalang mga tao. Hindi ko naman ine-expect na mga bigatin pala ang bisita roon dahil bigatin din ang may birthday, kahit hindi ko 'yon kilala. 


"Ida, my brother will kill me if he finds out that I'm here. I swear." Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Hindi ko siya nakita kaagad dahil hindi niya abot ang line of vision ko kaya nagkabungguan kaming dalawa. Sinamaan niya kaagad ako ng tingin. "What the!" 


"Oh, sorry-" 


"Elyse! You're here! Does your brother even know about this?" Inakbayan siya ng kaibigan kong artista at ginulo ang buhok noong babae. Ngumiti naman 'yon at pabirong tinulak 'yong kaibigan ko. "You guys met already? This is Arkin! Arkin, meet Elyse!" 


"Oh, he's your friend? Hi!" Inalok ng babae ang kamay niya at tinanggap ko naman 'yon. May sasabihin pa sana siya kaso nag-aya mag-picture 'yong kaibigan ko kaya umayos kami ng tayo. "Oh my gosh, if you're going to post that, don't tag me!" 


"Pretty sure your bro already knows," sabi ng kaibigan ko. "Anyway, talk to Arkin. He's a nice guy! Malay mo... magkatuluyan kayo!" Malakas pa siyang tumawa bago umalis para kumuha ng drinks.


"Are you from engineering?" unang tanong ni Elyse sa akin. 


"Uh, UP Film," sagot ko. Nakita kong nag-iba ang mukha niya pero hindi ko na lang 'yon pinansin. Uminom na lang ako sa baso ko at umiwas ng tingin. Parang gago 'yong tropa ko. Halata namang hindi namin type ang isa't isa. Kung siya, gusto niya ng engineering, ako, gusto ko ng taga-Archi. 


"Can I have your socials?" tanong niya naman sa akin. "Maybe you have engineering friends." 


Kinuha niya ang phone niya at pinakita sa akin ang Instagram niya. Naging mutuals kami roon at nag-usap pa kami kasama 'yong isa pa niyang kaibigang si Ida. Pakiramdam ko nakainom siya kaya ang daldal niya kaya naging magkaibigan kami. 


Mas naging busy lang ako kahit natapos na ang sem ng 2nd year dahil nga 'yong iba kong mga kaibigan ay gusto akong gamitin pang-practice nila sa mga film projects nila. Pumapayag naman ako um-acting para naman ma-apply ko ang natutunan ko sa workshop. Hindi na kami masyadong nagkikita ni Via pero pinupuntahan ko naman siya kapag may oras ako. Sadyang busy lang talaga sa mga shoots. 


"Ang ganda ng kuha mo, Kino!" sabi sa akin ng kaklase ko sa UP. Nagkaroon kami ng street shoot. Nakasabit ang camera ko sa leeg ko habang pinupunasan ang pawis ko. Nakakapagod 'yong ganito. Set-up ko na 'to dati pa pero dahil nga napupuno na ang schedule ko, hindi ko alam kung paano ko pa mapagsasabay 'yon. 


Matagal kong pinag-isipan kung magpapatuloy pa ba ako ng 3rd year o itutuloy ko na lang ang pag-aartista dahil marami nang dumadating na future projects. May teleserye akong paparating kaya hindi ko sure kung kaya ko pa. 


Ayaw kong bumagsak sa school dahil lang napabayaan ko ang pag-aaral ko. Pwede ko pa namang balikan 'yon. Pwede akong bumalik next year. Balak kong magpahinga lang muna nang isang taon para mag-focus sa pag-angat ng career ko, tapos babalik na ako sa UP. 


"Sigurado ka ba?" tanong ni Mama sa akin. "Hindi mo naman kailangang gawin lahat 'to, anak." 


I knew I was a fast-learner, but I wasn't sure if I could do two big things at the same time. My career and my studies. It was not an impulsive decision. It was a result of my sleepless nights, mediocre works, and time management struggles. Ayaw ko nang magpatuloy sa pagpapasa ng mga film na hindi ko naman pinagtutuonan masyado ng pansin dahil sa career ko. 


I knew that if I would study, I had to do my best to have a name, but I was already building a career in the industry that I wanted to flourish in. It would be easier for me. Isang taon lang naman o kaya isang sem at babalik din ako sa pag-aaral kapag okay na... kapag may pangalan na. I needed to establish my career so I would be stable enough to leave. 


But I didn't know how to say it. I knew it was so wrong to keep it a secret from Via... pero siya kasi 'yong taong araw-araw nagpapaalala sa akin na mahalaga ang pag-aaral ko. Para kasi kay Via, ang pag-aaral ang magsasalba sa lahat. She wanted to stick so bad to the thought of me being a director, because that was my dream.


It was, pero hindi na niya napapansing siya na ang mas pumipilit sa aking mag-focus sa pagiging direktor, hindi dahil iyon ang pangarap ko, pero dahil mas gusto niya 'yon kaysa maging artista ako habang-buhay. She hated the spotlight. Alam na alam ko 'yon.


Ayaw niya pa rin sa pag-aartista ko pero hindi niya sinasabi, dahil alam niyang wala naman siyang magagawa... pero kahit ganoon, kapag sinabi niya sa aking nasasaktan na siya sa ilaw ko, wala na akong pakialam at iiwan ko 'yon para manatili sa dilim kasama siya. Ganoon siya ka-halaga sa akin.


Mahirap ipaliwanag. Ilang beses kong pinagpraktisan ang salamin kung paano ko sasabihin sa kaniyang hindi ako nag-enroll, pero tuwing naiisip ko ang magiging reaksyon niya, parang bumabaliktad ang sikmura ko. 


"Arkin, magpahinga ka muna," sabi ng assistant ko habang nasa shoot. Nakapikit ang dalawa kong mata habang nakaupo at nakakrus ang braso sa dibdib, hinihintay ang turn ko. Simula umaga ay nagsho-shoot na kami rito, pero hindi nakikiayon ang panahon kaya tumatagal nang tumatagal. Wala na akong tulog simula kahapon dahil naka-standby ako. 


"Tapusin na natin ngayon," sabi ko naman sa kaniya at sa manager ko. Gusto ko nang tapusin 'yong shoot ngayon, kahit gaano ka-late abutin, para makapagpahinga ako bukas at magkaroon ako ng oras para kay Via at sa mga kaibigan namin. 


Pagod na pagod na akong umuwi. Parang pipikit na ang mga mata ko, pero sinubukan ko pa ring gumising dahil nakita ko si Via roon. Hinubad ko ang jacket ko. Nahihilo na nga ako at pakiramdam ko babagsak na ako. Hindi pala ako nakakain buong araw. Nakalimutan kong kainin 'yong biniling pagkain sa 'kin. Napakainit pa. 


"Wala ka bang klase ngayong araw?" tanong niya sa akin.


Hindi ko alam ang sasabihin ko. Via... wala akong klase dahil hindi ako nag-enroll ngayong sem. Gaano ba kadaling sabihin 'yon? Hindi ako makapag-isip nang maayos. Kapag nag-away pa kami ngayon, baka hindi ako makasagot at makapagpaliwanag. 


"Wala..." sagot ko. "Bukas pa."


Bukas... Bukas ko na lang sasabihin sa kaniya. Sa kakasabi ko ng bukas na lang, hindi na nakapaghintay ang mundo at nalaman na niya mismo sa iba. 


"Bagay nga sa 'yo mag-artista, Arkin... Napakagaling mong magsinungaling."


It hit me. It hit me so fucking bad... But my mind was such a mess. Alam kong nasaktan ko siya at naririnig ko ang mga sinasabi niya, pero parang hindi 'yon pumapasok sa utak ko sa sobrang pagod. "Saka na lang tayo mag-usap... Pagod na ako, Avianna, sorry..." 


Pakiramdam ko mas masasaktan ko lang siya kapag hindi ako nakapagbigay ng mas maayos na paliwanag dahil pagod ako, kaya saka ko na lang siya kakausapin. Hindi ko na rin siya nahabol noong umalis siya dahil inaantok na talaga ako. 


Gusto ko naman talagang makasama sa mga gala namin, kaso ayaw talaga ng schedule ko. Kapag may minove ako roon, lahat maaapektuhan. Mas mapapagod lang ako. Tapos hindi pa ako kinakausap ni Via noong mga nakaraang araw. Hindi ko na alam ang gagawin ko.


"Pa, si Via?" Pumunta pa ako sa bahay nila pagkatapos ng shoot ko para sana kausapin siya. 


"Tulog na, eh..." Napatingin siya sa orasan. Late na nga talaga. Madaling-araw na. "Pasok ka. Gusto mo bang gisingin?"


"Huwag na po... Titignan ko lang." Pumasok ako at umakyat sa kwarto niya. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog, habang nagkalat ang mga plates niya sa sahig. Bumuntong-hininga ako at niligpit ang mga 'yon. Inayos ko sa desk niya 'yong mga miniature designs na ginagawa niya, at nilinis ko rin 'yong mga ginupit-gupit niya. 


Tinignan ko rin 'yong schedule niya ng deadlines at nakitang sunod-sunod na rin 'yon. Napailing ako bago umupo sa kama niya at hinaplos ang buhok niya. Mukhang pagod na nga siya. 


"I'm sorry," bulong ko. "I love you..." 


Pagkatapos noon ay kinumutan ko na siya nang maayos bago ako umalis para bumyahe papuntang Batangas. May shoot kasi ako roon mamayang umaga. Sa sasakyan na lang ako natulog. 

As I rose in the industry, my schedule just became more packed. Birthday ni Samantha pero sabi ko susubukan kong makahabol, dahil noong tinanong ko ang manager ko kung free ako sa araw na 'yon, ang sabi niya ay depende raw sa kung gaano ko kabilis matatapos ang shoot. 


Hindi pa rin ako kinakausap ni Via kaya pati trabaho ko ay hindi ko na nagagawa nang maayos. Tumagal tuloy ang shoot at late na akong nakahabol sa birthday ni Sam. 


"Larkin! Ano ba?!" sigaw sa akin ni Via nang hatakin ko siya palabas. 


Ayaw kong mag-usap doon o magtagal man lang dahil baka makilala ako ng mga tao kaya naman hinatak ko na lang siya hanggang sa makarating kami sa loob ng van. Hindi pa rin safe doon dahil baka nasundan kami. 


"Ano bang problema mo, ha?!" sigaw niya at hinampas pa ako. 


Bumuntong-hininga ako at at marahang hinawakan ang palapulsuhan niya. Nang makitang namula 'yon dahil sa hawak ko, agad akong na-guilty. Hindi ko sinasadyang maging mahigpit 'yon. "Shit, sorry, Via... I'm sorry... I'm sorry..."


"Alam mo bang puro 'yan na lang ang naririnig kong lumalabas sa bibig mo tuwing nagkikita tayo?" 


"Gusto lang kitang makausap dahil ilang beses kitang tinetext, tinatawagan, pero hindi ka sumasagot. Binigyan kita ng space para kumalma ka pero ilang linggo na, Via... kaya mag-usap na tayo. Ano bang kailangan kong gawin? Gusto mo mag-enroll ako ulit? Sige, mage-enroll ako next sem. Gusto mo bang huwag na 'kong mag-artista? Sige, hindi na 'ko tatanggap ng projects. Tatapusin ko na lang-"


"Ano bang sinasabi mo?!" 


"Fuck, hindi ko na alam gagawin ko." 


Para na akong gago. Kaya ko naman talagang iwan 'yong pag-aartista kung mawawala naman siya sa akin... pero hindi ba sabi ko ito ang gusto ko para sa sarili ko? Hindi ba sinabi kong gagawa na ako ng mga bagay na gusto ko simula ngayon, nang hindi dumedepende sa kaniya? 


It was all so frustrating. I didn't want to lose her but I also couldn't keep her if I keep my job. Bakit ba ang hirap pagsabayin? It was so frustrating that I felt my tears coming. Hindi ko kayang hindi niya ako kinakausap. 


Pakiramdam ko nawawala na siya sa akin. I cannot lose her. She was there even before I started this career, so she was the one who should stay. I could give up anything, even this, for her... But was that even healthy for us? 


Hindi niya ako mahal gaya ng pagmamahal ko sa kaniya. If I could give up anything for her, then what about her? We were not on the same page. 


"Sorry, Kino... Hindi ko namamalayang... nasasaktan na kita. Sorry..." Pinunasan niya ang luha niya. "...kung masakit akong magmahal." 


What? 


She said she loved me... pero hindi ko alam kung bilang kaibigan lang. Ang hirap niyang basahin dahil hindi naman siya madalas nagsasabi kapag may problema. 


Just when everything was going well, I had to be paired with a very famous actress in the industry. Alam kong maganda 'yon sa career ko at ginawa ng manager ko ang lahat para maging ako ang leading man sa movie na 'yon. Nilakad niya ako kung kani-kanino. Iyon naman ang trabaho niya... ang panatilihing umaangat ako sa industriya. 


"Hello. Larkin, right?" tanong sa akin ni Clea noong nagkita kami sa loob ng kumpanya. Nasa tapat ako ng meeting room, nagte-text, nang dumating siya. Nakasuot siya ng mataas na heels at eleganteng dress. Nakaipit din ang buhok niya sa ponytail at kaunti lang ang makeup na suot. "I'm Clea."


Hindi siya mukhang approachable. Intimidating, sa totoo lang, dahil isa siya sa pinakamataas sa industriyang 'to. Narito na siya simula bata siya kaya alam kong mas marami siyang alam kaysa sa 'kin... pero mabait si Clea. 


"Larkin Sanchez. Arkin na lang or Kino," pagpapakilala ko rin. 


Nagulat ako nang lumapit siya sa akin bigla para bumulong. "Make sure you don't look down a lot when you're reading the lines. It pisses off the director." Iyon lang ang sinabi niya bago tinapik ang balikat ko at pumasok sa loob ng meeting room. 


Madam Clea ang tawag ko sa kaniya dahil ginagabayan niya ako sa industriya. Madalas niya akong binibigyan ng mga tips kaya naman napapadali kahit papaano ang buhay ko. She was such a professional. Kapag katrabaho mo siya, ramdam mo talagang hindi kayo mapapahamak kasi nariyan siya. Alam niya palagi ang gagawin niya. 


"Aminin mo na, Via. Nahuhulog ka na rin sa 'kin." 


Nagkaroon ako ng lakas ng loob aminin ulit sa kaniya ang nararamdaman ko dahil matagal ko nang napapansin ang sa kaniya. Alam ko kung paano siya umakto noong wala pa siyang gusto sa akin, kaya pansin ko ring may nagbago sa pakikitungo niya sa akin. Naiilang siya, mas nagagalit, mas nagtatampo, at iba ang tingin niya. Mas may pakialam na rin siya ngayon at... nagseselos pa kay Clea. 


Cute. Ang cute ni Via kaya nakakatuwa siyang asarin. Ayaw kasi niyang aminin. Alam kong ako na ang kailangang mamilit sa kaniya, dahil takot siyang i-risk ang pagkakaibigan namin. 


"Ayaw mong aminin?" Ginilid ko nang kaunti ang ulo ko at nilapit ang mukha sa kaniya. "Itulak mo 'ko kung hindi mo 'ko mahal." 


Hindi niya ako tinulak. Mahal niya ako. Hindi bago sa aking malaman 'yon pero iba pa rin sa pakiramdam 'yong alam kong... pagkatapos ng ilang taon, may nararamdaman na rin siya sa akin. Siguro naroon din 'yon noon. Kailangan lang talaga niya ng kaunting tulak para mapagtanto niya 'yon. 


"You need to act like a couple. Iyon ang gusto ng mga tao," sabi ng manager ko sa akin. "Fan service ang tawag doon, Larkin... pero huwag n'yo munang ipamukha para kumagat ang mga tao. Keep it simple. Keep them wanting for more information about your relationship status." 


Ano ba ang magagawa ko? May kontrata ako sa kumpanya... at kung walang problema kay Clea, ano pa sa akin, hindi ba? Kung si Clea nga, kaya niya, ano ang karapatan kong magreklamo? Siya ang nagdadala sa akin ngayon. 


"Single naman," sagot ko. "Hindi pa namin 'yan iniisip ni Clea kasi 'di ba, we just met each other for the movie. We're still getting to know each other. I also hope to work with her more in the future. Ang galing ni Clea, e'... Sobra."


"Yieee, bakit iba ang ngiti? Kayo, ha! Sa susunod na makita ko kayo backstage, sure akong hindi na ganiyan ang sasabihin n'yo! Sobrang nakakakilig pala talaga kayo, 'no? No wonder ang dami n'yo nang fans!" 


Anong pinagsasasabi nito? 


Iba raw 'yong ngiti, eh ganoon naman talaga ako ngumiti. Hindi ako natutuwa sa mga sinasabi niya dahil lahat na lang nilalagyan ng meaning, pero trabaho ko pa rin ang magpanggap na hindi ako naiirita. Pagkabalik tuloy namin ni Clea ng backstage ay napailing kaming dalawa.


"Nosy... but they're just doing their jobs. We need to keep the hype," sabi niya sa akin habang nag-aayos ng gamit, pero naging abala rin siya sa phone niya. "Ugh, he's not replying again." 


Mas naging busy ako sa pag-angat ko, pero sinusubukan ko pa ring magkaroon ng oras para kay Via. Kahit nga hindi na ako matulog dahil iyon lang ang oras na mayroon ako. Byahe na lang sa van ang ginagawa kong oras ng tulog. Kailangan ko pa ring gumising kapag dumating na kami sa destinasyon namin. 


"Do you know how to kiss? Just do it fast. I want this to be over. I need to go somewhere after this," sabi ni Clea sa akin. Kanina pa nga siya tingin nang tingin sa phone niya habang standby kami. 


"Yes, Madam," sabi ko naman sa kaniya. 


Mabuti na lang at hindi na kami nakarami ng take sa kissing scene na 'yon, dahil kahit hindi naman kami ni Via, nakakaramdaman ako ng guilt. Alam naman niya ang tungkol dito pero ang sama pa rin sa pakiramdam humalik ng iba, kahit trabaho ko 'yon. 


"Kino... Hindi ko na kaya..." Hanggang sa hindi na rin kinaya ni Via ang pagiging magkaibigan namin. "Ayaw kong maging kaibigan lang..." 


It felt so surreal. Sa buong buhay ko, hindi ko na naisip na dadating kami sa ganitong punto ni Via. Ilang beses ba naman niya akong ni-reject? Ako na lang talaga 'yong tangang asa nang asa sa kaniya. Ewan ko... Gusto ko lang siyang mahalin. Nawalan na rin ako ng pakialam kung mamahalin ba niya ako pabalik.


Sapat na sa aking mahal ko siya, dahil nararapat lang siyang mahalin. Sapat na sa akin 'yong nabibigyan ko siya ng sobrang pagmamahal. Hindi naman niya kailangang ibalik sa akin 'yon. Masaya na akong natatanggap niya kahit papaano. 


"Oh, hi..." Gulat na gulat ako nang buksan ni Clea ang pinto ng sasakyan ko. "You forgot this again," kaswal na sabi niya sa akin at binigay ang jacket ko. 


"Thank you..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Paniguradong nakita niyang magkahawak kami ng kamay ni Via kanina. "Uh, Clea..."


"You better not be caught," seryosong sabi niya at sinara na ulit ang pinto para maglakad pabalik sa restaurant. 


That was not a threat... but an advice from her. She knew what I was risking. It was my name. Alam niya rin kung gaano maaapektuhan ang mga tao sa paligid ko kapag nahuli ako sa ginagawa ko, dahil alam ng lahat na mayroong nagaganap sa amin ni Clea. I was not just risking my name, but hers too. 


So I was careful. I wanted to be careful, but I think my love for Via was so overpowering that whenever we saw each other, I just couldn't help but want to be as close to her as possible.


"Clea, thank you... sa pagpapahiram kay Via nito," sabi ko pagkabalik ko ng jacket sa kaniya. Pinagtakpan niya pa kaming dalawa sa interview. 


"You're dating a fan?" Nakakunot ang noo niya nang kuhanin ang paper bag sa akin. "That's dangerous, you know."


"Hindi, ah! Childhood friend ko 'yon! Girlfriend ko na ngayon pero... Matagal na kaming magkakilala!" pagpapaliwanag ko kaagad. Tumango lang siya at inis na nilapag ang paper bag sa gilid habang nagte-text. "Badtrip ka yata, ah?" 


"Well, the guy I like ignored me again. Maybe it's because of the news about us! Ugh, so annoying! I need air." Lumabas siya ng tent at nakita kong dumiretso siya roon sa van niya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero babalik naman 'yon bago pa dumating si direk. 


Habang mag-isa ako sa loob ng tent, kausap si Via, may pumasok namang lalaki roon, may dalang paper bag. Napakunot ang noo ko dahil parang familiar siya. Kaibigan ni Sam. 


"Hi, this is for Clea. Lalapag ko na lang dito." Nakasuot siya ng dress shirt na naka-tuck in sa slacks. Mayroon ding suot na specs at nakaayos ang buhok. Mukhang kakagaling lang sa school kasi nakasuot pa ng I.D. 


Ano ulit pangalan? Bakit nakalimutan ko? Starts with letter A. 


"That woman hasn't eaten right? Also remind her to drink this water. Thanks. I got to go. I have class!" Kumaway siya at naglakad na kaagad paalis. Ni hindi ko nga alam kung paano nakapasok dito 'yon?! Mukhang may koneksyon din! 


Pagbalik tuloy ni Clea, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sabi ko bigay ng isang lalaki, pero hindi na siya nagtanong kung sino. Akala niya yata ay fanboy niya. Pinaalalahanan ko na lang siyang kainin niya 'yon dahil hindi nga kumakain. 


Just when I thought that I could protect Via by hiding her, everything just got worse when our relationship just got more complicated. Alam kong may pinaplano ang managers namin ni Clea na sabihing officially dating na kami pero hindi ko naman inakalang noong araw na 'yon ilalabas, kaya hindi ko nasabi kay Via. 


"Bakit naman aayaw ka rito, Arkin? Wala namang mawawala sa 'yo," sabi ng manager ko.


Hindi ko naman madahilang may girlfriend ako dahil hindi ko dapat 'yon sabihin. Malalagot ako sa management. Wala akong magawa. 


"Ayaw ko hong magsinungaling sa fans namin," sagot ko. 


"Arkin, you are in showbiz... You are literally being paid to act. If you think acting is lying, then you can't thrive here," payo naman sa akin ni Sir Matt. 


Hindi lang naman ako ang na-stress dahil doon. Noong nagkita ulit kami ni Clea sa isang photoshoot para sa magazine, para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Nakahawak siya sa noo niya at nakatingin sa cellphone. 


"Sino ba 'yan?" nang-aasar na tanong ko sa kaniya. 


"The guy I like! I told you! The football player..." Kanina pa siya text nang text doon kaya napailing ako at sinabing tantanan niya muna ang kaka-text niya. Kapag tinigil na niya, saka 'ka ko siya noon rereplyan. 


Ilang beses kong nilagay ang posisyon ko sa posisyon ni Via. Inisip ko kung ano ba ang nararamdaman niya tungkol sa sitwasyong 'to. Wala akong magawa kung hindi palagi siyang bigyan ng assurance na kahit sino pa man ang kasama ko sa harap ng camera, sa kaniya pa rin ako uuwi. Gumawa ako ng kanta para sa kaniya, nang hindi nalalaman ng mga taong para sa kaniya 'yon. 


Muntik na akong hindi makapunta sa anniversary namin. Mabuti na lang at pursigido kong tinapos kaagad ang shoot ko para mapuntahan siya. Lasing nga lang... Alam ko kung bakit siya uminom. Dahil sa akin na naman. 


Dinala ko siya sa lugar kung saan sa tingin ko ay makakapagpakalma sa kaniya. Tanaw ang city lights sa tapat namin habang nakasandal ako sa gilid ng sasakyan ko. Pumunta naman siya sa tapat ko kaya hinawakan ko ang baywang niya. Paiyak na siya dahil wala na naman siyang masabi. Ang dami niyang hinanakit kanina. 


Napakurap ako nang ibaba niya ang facemask ko at pinatakan ako ng halik sa labi. Naestatwa ako saglit bago ko siya niyakap at hinaplos ang buhok. 


"We'll always be together, mahal," bulong ko. "Whatever happens."


Sinuot ko kaagad ang facemask ko at tumingin sa gilid ko. Nakita ko ang ilaw ng isang sasakyan na nawala rin pero nakasandal si Via sa dibdib ko at inaantok na kaya hindi ako nakagalaw. Inaya ko na lang siya sa loob at sinuotan ng seatbelt. 


Lumingon ulit ako sa gilid at nakitang may taong nagtatago roon sa likod ng poste. "Uwi na tayo, Kino." Natigilan ako nang magsalita ulit si Via. 


Alam ko na ang mangyayari. Hindi ako makapagsalita buong byahe dahil nakita kong sinusundan kami ng sasakyan sa likuran. Kung saan-saan na ako sumuot na daan para maligaw siya. Alam kong hindi ko pwedeng dalhin si Via sa condo ko kaya dumeretso ako kay Samantha. Kaninang red light ay sinendan ko siya ng message. Ang sabi ko emergency. 


Matagal akong nakatulala sa parking, hindi alam ang gagawin ko. The guy had a camera with him. Alam ko kung ano ang nakuhanan niya. Tumawag kaagad ako sa manager ko para ipaalam sa kaniya, kahit mahirap... at kahit alam kong mapapagalitan ako. Iyon lang naman ang paraan para maprotektahan si Via. 


"How could you be so careless?!" sigaw ng manager ko sa akin. Mag-uumaga na pero sinesermunan pa rin niya ako. Galit na galit siya sa akin at naiintindihan ko naman kung bakit. "Alam mong bawal 'yang ginagawa mo! Dating behind the camera?! May Clea ka, baka nakakalimutan mo, Arkin! Gaano ba kahalaga ang babaeng 'yan sa 'yo para isugal mo ang career mo?!" 


Gaano kahalaga sa akin si Via? Hindi niya alam 'yon. Hindi sapat ang salita para mapaliwanag ko kung gaano siya kahalaga sa akin. Nariyan si Via noong mga panahong wala pa kayong lahat. Kaya kong mabuhay nang wala kayo, pero hindi ko pipiliing mabuhay nang wala si Via. 


Kinuha ko ang cellphone ko dahil baka mag-alala na si Via. Lasing pa naman 'yon kagabi at bigla na lang akong umalis. 


"Maghintay ka... Maya-maya, ipapatawag na tayong dalawa ng management." Galit siyang lumabas ng balcony para magyosi. 


To: Via

Good morning :) 


Hindi ko masabi sa kaniyang may problema. Hangga't maaari, ayaw kong isipin niya 'to dahil makakaabala lang sa pag-aaral niya. She would shut down. Hindi pwede. Aayusin ko 'to. 


Wala pa akong tulog simula kahapon pero dumeretso kami sa agency dahil pinatawag na nga ako para sa meeting. Inamin ko lahat sa kanila. Inamin kong may girlfriend akong iba... at inamin ko ring hinalikan niya ako kagabi at may nakakita noon. 


"That woman will be the end of you, Larkin," sambit ng boss ko. 


"That woman..." Kinuyom ko ang kamay ko. "...is my beginning, Ma'am." 


Via was there even before I opened my eyes to the reality. Via was there from the start. Wala silang karapatang sabihing siya ang magiging katapusan ko, kung sa kaniya nagsimula lahat ng pangarap ko. 


"Call Clea over here. We need to come up with a plan. The photographer will most likely go here tomorrow to threat us with the photos in exchange of money. Once we see the photos, we should try our best to make it look like they are lying. Netizens are easy to fool," sabi ng boss ko. 


Noong dumating si Clea, nagkatinginan lang kaming dalawa bago siya umiwas at umupo roon sa dulo ng mahabang lamesa. Alam na niya kaagad kung bakit siya pinatawag. Tahimik lang siyang nakikinig at tumatango na lang. Nang matapos ang meeting, saka niya ako sinabihang mag-usap kami sa labas. 


"I told you not to get caught." Bakas ang galit sa boses niya. Pinipigilan niya ang emosyon niya. 


"I'm sorry," mahinang sabi ko. "I'm really sorry, Clea... It was careless, I know. I didn't think someone would follow me."


"You are one of the biggest stars now in this industry and you didn't think that someone would follow you?" She gritted her teeth. "You did not just risk your career... But you risked mine too. You know damn well how much I sacrificed to have a name in this industry. I worked so hard to be where I am right now, and because of one careless mistake from you, everything will crumble down. You... You will bring me down with you. I am so disappointed." 


Iyon ang sinabi niya bago siya naglakad paalis. Alam kong galit siya at naiintindihan ko ang sinasabi niya. I felt so bad for her too. Buong araw, sermon lang ang inabot ko, hanggang sa makarating kami sa condo. 


"Give me your phone. I'm confiscating your phone," sambit ng manager ko. "You can only text and call when necessary." 


"Po?!" Napakurap ako. "Hindi pwede-" 


"Things will get worse, Arkin... At alam kong kapag hinayaan kitang kausapin nang kausapin ang babaeng 'yan, mawawala ka na naman sa sarili mo. Harapin mo muna 'tong problemang dinala mo sa ating lahat. Things will be messier in the next days. From now on, you can't see that woman anymore," seryosong sabi ni Sir Matt. 


Sobrang guilty ko dahil lahat ng tao sa paligid ko ay namomroblema dahil sa ginawa ko. Wala na akong nagawa kung hindi ibigay ang phone ko. Pagkaabot ko, napatitig din siya sa suot kong bracelet. 


"Akin na rin 'yan," sabi niya sa akin. 


"Huwag po 'to, Sir..." pagmamakaawa ko sa kaniya. "Itatago ko na lang. Hindi ko na susuotin. Basta huwag-"


"Larkin, kaya mo bang i-manage ang sarili mo?" galit na tanong niya. "Kung kaya mo na, ano pang ganap ko rito? Kung hindi ka na nakikinig sa akin, mukhang alam mo na ang makabubuti sa 'yo, 'no? Sino ba ang manager sa ating dalawa? Sino ang nag-aalaga ng image mo? Ng career mo? Ikaw? Kung ikaw, sana walang nangyaring ganito!" 


Pagod na akong marinig ang mga susunod. Hinubad ko ang bracelet ko at binigay rin sa kaniya. Ang sabi ko ay alagaan niya 'yon at ibalik niya sa akin kapag okay na ang lahat. 


Kinabukasan, pumunta nga ang photographer sa agency para ipakita ang mga pictures. Patagong kumuha ng kopya ang agency bago sinabihang magsasampa sila ng kaso kapag nilabas ang mga litratong 'yon. 


"Pero huwag kang makampante, Arkin. Anytime, kaya niyang ibenta sa media 'yan, kaya kailangan natin ng panglaban. Distract the people with you and Clea. You need to counter those photos with yours. Madaling makalusot kung gagawin mo ang sinasabi namin." 


Wala naman akong magagawa kung hindi sumunod sa kanila dahil hindi ko 'to kayang ayusin mag-isa. Kung sa paraang 'yon, matatago ko si Via at mapoprotektahan ko siya, wala akong karapatan para magreklamo. Lahat ng 'yon, gagawin ko. 


Halos wala na akong tulog at pagod na pagod na ako tuwing uuwi sa condo, kaya humiling ako sa manager ko ng kahit ilang oras lang. Bibisitahin ko ang magulang ko. Mabuti na lang at binigay niya ang phone ko at pinahatid ako sa driver.


"Huwag mong kakalimutan... Mamayang gabi, may date kayo ni Clea. Alam mo na ang gagawin mo," paalala niya sa akin. 


Hindi pa rin ako kinakausap ni Clea pero sumusunod naman siya sa plano. Tumango na lang ako at sumakay ng van pauwi sa amin. Pagkapasok ko pa lang ng bahay ay niyakap ko na si Mama. Nagulat pa siyang naroon ako pero niyakap na lang din niya ako pabalik.


"Anong problema, anak ko?" malambing na tanong niya. "Bakit nandito ka? Wala ka bang shooting?" 


"Saglit lang 'to, Ma... Aalis na rin ako kaagad." Ngumiti ako sa kaniya at umaktong okay. "Kinuha ng manager ko phone ko dahil... nakaka-distract daw sa shoot kaya hindi ako masyadong nakakapag-reply. Pumunta lang ako rito para sabihin 'yon." 


"Magpahinga ka rin, anak..." Hinaplos niya ang buhok ko. "Mukhang wala ka nang tulog." 


Bumitaw ako at tumango. "Nagpapahinga po ako," pagsisinungaling ko. 


Pinabaunan niya ako ng mga pagkain bago ako umalis. Ang sabi ko sa driver ay may dadaanan lang ako sa kanto dahil may kukuhanin akong importante kaya nakapunta ako sa bahay nina Via. Nag-aaral siya noong pumunta ako kaya humiga na lang ako sa kama niya at natulala sa kisame, iniisip 'yong problemang hindi ko masabi sa kaniya. 


"Arkin... Ano ba 'yang iniisip mo?"


"Wala, love..." Paano ko sasabihin sa 'yo? Hindi ka makakapag-aral nang maayos kapag sinabi ko. Alam ko kung gaano kahalaga ang pag-aaral para sa 'yo kaya hayaan mo munang ayusin ko 'to. Maaayos ko 'to... Sana. Gagawin ko ang lahat para maayos 'to, dahil ayaw kong mabuksan ang sugat mo sa nakaraan. Kapag nangyari 'yon, alam kong mawawala ka sa 'kin. 


Tumawag ang manager ko kaya kinailangan ko nang umalis. Hindi niya alam na dumaan ako kay Via. Baka tanungin na niya ang driver kaya nagmamadali na akong umalis. 


"Saan ka pupunta?" tanong ni Via. 


"Susunduin ko lang si Clea... May... May date kami ni Clea. Utos... Utos lang..." Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya.


Pero tumango siya at ngumiti. "Okay lang."


Ngumiti siya sa akin... Ngumiti siya kahit ganoon ang sinabi ko. Ngumiti siya kahit alam kong nasaktan siya roon. Ngumiti pa rin si Via... kahit alam kong hindi siya masaya. Ngumiti siya sa akin para sabihing okay lang. Hindi ko mapigilang maluha nang makita ko ang hitsura niya. 


My innocent girl... Fuck. She was so bright and supportive. Alam niyang may problema pero hindi na siya nagtanong dahil alam niyang pagod ako at hindi ko rin masabi sa kaniya. She was that person. She would always think of you before her. 


Hindi ko na napigilang yakapin siya. Binaon ko ang mukha ko sa balikat niya at hindi na napigilan ang luha ko. Kahit lahat ng tao sa paligid ko, sinasabing iwanan ko na siya... Hindi ko kaya. 


"Arkin! Bakit?" Tinapik-tapik niya ang likod ko. I found comfort in her arms. 


"I love you," bulong ko. "Mahal na mahal kita."


Ganoon kita kamahal. I'm sorry if I can't let you go. I will fight for us whatever happens. Kahit kalabanin ko ang mundo, hindi kita kayang iwanan. 


Sabay kaming nagpunta ni Clea sa lugar kung saan ko dinala si Via noong anniversary namin. May kasama kaming photographer, at naroon din ang mga managers namin. Sila ang nagdikta kung paano namin gagayahin ang litrato namin ni Via para masabing si Clea 'yon at hindi siya. Kung mauuna naming ilabas ang litrato namin ni Clea, madaling masasabing edited ang sa amin ni Via. 


"I can't... kiss you. I'm sorry," bulong ko kay Clea nang magkatapat na kami. "I can't..." 


"Stop crying for Pete's sake," mahinang sabi ni Clea sa akin. "Just make it seem like we did. Shut up." 


Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at ginilid 'yon. Malayo naman ang litrato at malabo dahil gabi kaya madaling pagmukhaing naghalikan kami. Pagkatapos noon, mabilis akong umalis at pumasok sa van dahil ayaw tumigil ng luha ko. Nagulat ako nang buksan ni Clea ang pinto at pumasok doon para tabihan ako. 


Tahimik niya akong inabutan ng tissue at umirap. "Gosh, I know it's not because of me, but you're making it look like kissing me is the worst thing a man could do if you keep on crying like that." 


"Sorry," sabi ko at pinunasan ang luha ko. "Iniisip ko lang kung anong iisipin ni Via. Iniisip ko kung ano bang mararamdaman niya. Ni hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag. Kapag nalaman niyang may lumabas na pictures namin na hinalikan niya ako, sisisihin niya sarili niya... dahil nagpakalasing siya noon." 


"You know, every time you say a problem, you always mention what 'Via would feel,' or what 'Via would say.' For once, think about what you are feeling right now and embrace that first. You will lose your mind if you keep thinking of others without thinking of your current emotions."


Hindi binalik ng manager ko ang phone ko sa akin para hindi ko raw makita ang reaction ng mga tao kapag nilabas na ang pictures. Hindi ako makapagtrabaho nang maayos dahil iniisip ko kung paano ko ba ipapaliwanag kay Via. Wala akong cellphone at palaging nakabantay ang manager ko sa akin dahil halos buong araw ay nasa taping lang ako. Kapag tumatawag si Mama, saka lang niya sinasabi sa aking sagutin 'yon habang nasa tabi niya ako. 


I could not have my privacy anymore, but because of guilt, I just went along with what they wanted. This wouldn't have happened in the first place if I did not cause the problem. 


Pero hindi ko matiis. Tumakas ako sa shoot para puntahan si Via. Alam kong kailangan kong magpaliwanag sa kaniya dahil baka kung ano-ano na ang pumapasok sa utak niya. But again... I shouldn't have been impulsive. 


"This is why I can't fucking leave you alone! Mawala ka lang sa paningin ko, ganito na ang ginagawa mo! Paano mo ipapaliwanag ngayon 'yan, ha?! May yakap kang ibang babae sa braso mo! Buti sana kung kung sino-sino lang 'yan, pero 'yan ang girlfriend mo! Sinabi ko na sa 'yong bawal kayo magkita at bawal kayong mag-usap! Ano bang iniisip mo?!" sigaw ng manager ko.


I was surprised he didn't punch me. I deserved that. I just made the situation worse. 


"From now on, you have to do everything I say! No BUTs! Kung ayaw mo, then I will quit! It's not easy being your manager, Larkin! Fuck! Kahit ngayon lang, mag-isip ka naman!" 


I was living in guilt. I brought this to Via. I brought this to my manager. I brought this to Clea. I brought this to my agency. All problems rooted from me. Para na akong robot na sinusunod na lang ang sinasabi nila dahil alam kong kasalanan ko naman lahat ng 'yon. 


"It's nothing. I went there to buy something and we just happened to see each other. She was really sick so she collapsed. Hindi ko siya niyayakap. Natumba siya sa akin. Wala lang 'yon." Masakit sa aking sabihin 'yon. Masakit sa aking magpanggap na wala lang siya, kahit sa katotohanan ay siya ang lahat para sa akin. 


I became sick for days because of stress and lack of sleep, but I still tried to function. Kahit wala si Via, kahit hindi ko siya makausap o makita man lang, I still tried to set everything right. 


"Arkin, come on," aya sa akin ni Clea. Napakunot ang noo ko, nagtataka kung saan kami pupunta. "We're going to get something from my condo, remember?" Tinaasan niya ako ng kilay. 


"Ah..." Napatingin ako sa manager ko. "Oo..." Hindi ko pa rin alam kung ano 'yon. 


"We'll be fast. Thank you!" sabi niya sa manager ko bago ako hinatak paalis. Nagtataka pa rin ako pero sumama na lang ako hanggang makasakay kami sa van niya. "I'll take you to her. I know you want to see her." 


Hindi ko alam kung paano nakakayanan ni Clea gawin 'yon para sa akin kahit puro problema lang ang nabigay ko sa kaniya. Nagpasalamat pa rin ako. 


"Pa... Sisilipin ko lang si Via saglit. Kahit saglit lang," sabi ko nang buksan niya ang pinto. "Aalis din ako kaagad." 


"Pwede ba tayong mag-usap muna?" seryosong sabi ng Papa ni Via. Tumango ako at pumasok sa loob. Umupo kaming dalawa sa dining nila. Kinakabahan ako pero alam ko na ang sasabihin niya. "Kumusta ka?"


Napaawang ang labi ko. Hindi iyon ang inaasahan ko. Akala ko ay papalayuin niya na ako kay Via. 


"Okay... lang po." Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. "Kumusta ho si Via?" 


"Ilang gabi na siyang umiiyak. Nagkakasakit pa. Larkin, alam kong hindi mo sinasadyang saktan ang anak ko... Pero sinasabi ko sa 'yong mapapagod siya kung paulit-ulit kayong ganito. Alam mo 'yon. Kilala mo rin siya... Kung ayaw mong mawala siya sa 'yo, ayusin n'yong dalawa." 


"Mahirap pa ngayon, Pa..." Kinagat ko ang labi ko at napayuko. "Mahirap makipag-usap ngayon. Maraming bawal. Maraming pumipigil. Kapag okay na... Kapag kumalma na ang lahat... Kakausapin ko siya nang maayos." 


"Mahal ko ang anak ko, Larkin. Ayaw kong nakikita siyang ganito..." 


Tumango ako. "Alam ko po, Papa..." 


Umakyat ako sa kwarto ni Via at umupo sa gilid ng kama niya habang mahimbing siyang natutulog. Habang tinitignan ko ang mukha niya, hindi ko na napigilang maluha. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi siya magising. Nang halikan ko siya sa noo, tumulo pa ang luha ko sa kaniya. 


Hindi ko na kinaya at tumayo na ako at humakbang palayo. Napatakip ako sa mukha ko pagkasara ko ng pinto, kasabay ng pagsandal ng noo ko roon. "I'm sorry," bulong ko. "I'm sorry..." 


The pictures got out and everything got worse. Lahat ng tao, galit sa akin. Lahat ng tao, galit kay Via. Ayos lang sa akin kung ako lang ang sinasabihan nila ng kung ano-ano, pero mas doble ang sakit kapag tungkol na 'yon sa kaniya. 


I couldn't use social media. I couldn't use my phone. It was like I was on house arrest. Hindi rin ako makalabas. Noong sinubukan kong bumili ng pagkain sa labas, nakilala ako at sinabihan akong manloloko. 


I became a cheater. I became a lying asshole... because I loved someone I couldn't. I couldn't because of this job. 


My fans were starting to burn my photos. Some started deactivating and throwing away some merch. Clea's fans were constantly sending threats, hate messages, or anything to let out their anger. Noong binigay sa akin ng manager ko ang phone ko para tawagan ang magulang ko, nakita ko lahat ng sinasabi nila tungkol sa akin. 


That I wasn't even that great. My music... was shit. My music was empty. My acting was mediocre. And I wouldn't even have a name if Clea did not carry me in this industry. Some of them were right. 


Nagsisinungaling ako kung sabihin kong hindi ako naapektuhan. I was alone for days... I stayed in my condo, crying, for days. 


I couldn't look at my guitar anymore. Ang sabi nila walang laman ang musika ko. Walang kwenta ang musika ko. It was the only thing I loved doing. I was passionate about music... and that was why it hurt so bad to be told that the thing I loved the most was... nothing. 


Kapag nakukuha ko ang phone ko, nakaka-text ako kay Via, pero paminsan-minsan lang 'yon. I just hoped that someone would be there for her. Alam kong nasasaktan siya ngayon. Mabuti na lang at kasama niya sina Luna, Kierra, Sam, Yanna, at si Sevi. Hindi siya iiwan ng mga 'yon. Sapat na para sa aking nariyan sila para sa kaniya... kahit hindi na para sa akin. 


I faced all of it alone, because I knew it was my fault. Hindi ako nakakakain. Kadalasan, nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kisame. Almost all of my brands already cancelled their deals on me because of the issue. Umaalis lang ako kapag kailangang kailangan nang mag-shoot. 


I woke up with high fever, but I took care of myself. Uminom ako ng tubig at gamot bago bumalik sa kama at nagtalukbong ng kumot. Wala ang manager ko dahil mas naging busy rin siya kakaasikaso sa mga deals ko. 


I didn't know who to call. He left my phone with me already but I... I couldn't call anyone. Kapag may tinawagan ako, sino ang mananatili para kay Via? Baka nasasaktan siya ngayon. Kailangan niya ng kasama. Kaya ko naman mag-isa. 


Nagising ako noong gabi dahil may kumakatok sa condo ko. Nanghihina pa akong tumayo at binuksan ang pinto. I was expecting my manager but I saw Sevi instead. 


"Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko.


"Tangina mo, hindi ka sumasagot sa tawag ko." Pumasok siya sa condo, may dalang pagkain. Tuloy-tuloy lang siyang pumunta sa dining para ilapag 'yon. "Kumakain ka ba? Para ka nang patay, gago." 


"Nilalagnat ako, bobo," sabi ko bago umupo roon. Hinanda niya pa ang pagkain ko at pati kutsara't tinidor, nilapag na sa plato. Dinalhan niya ako ng hot dish. 


"Kumain ka nga nang marami," seryosong sabi niya. "Sabayan kita. Kawawa ka naman." 


Wala akong gana. Nakatitig lang ako sa pagkain. Hindi ko yata masikmura 'yon. Gusto ko na lang matulog dahil sa pagod. Ang sakit pa ng katawan ko. 


"Kailangan mong kumain para makainom ng gamot. Ano ba 'yan! Kailangan ka pa bang subuan? Nanay mo ba 'ko?!" Tumayo na si Sevi at siya na ang naglagay ng pagkain sa kutsara ko. 


"Ako na," iritang sabi ko at kumain na lang dahil pinipilit niya ako. 


Pinainom niya 'ko ng gamot pagkatapos noon kaya humiga na ako sa kama para matulog ulit. Akala ko aalis na siya pero naglinis pa siya ng condo ko. Rinig na rinig ko pa ang vacuum kaya hindi ako makatulog.


"Pucha, napakaingay mo naman! Hindi ako makatulog!" reklamo ko. 


Niligpit pa niya 'yong mga damit ko tsaka 'yong mga gamit kong nakakalat sa sofa. Naghugas na rin siya ng plato at naglagay ng mga pagkain sa ref. Initin ko na lang daw kapag wala akong makain para mas madali. Pinadala raw 'yon ng Mama niya. 


"Kumusta, pare?" tanong niya sa akin at sumandal sa may pinto. 


"Mukha ba 'kong okay? Gago ka rin, eh," sabi ko sa kaniya at tinaas ang middle finger ko. "Hindi na nga ako makagalaw." 


"Kaka-computer mo 'yan," sabi niya. 


Napakawalang kwenta talaga kausap. Tinakpan ko na lang ang mukha ko gamit ang braso ko. Umalis siya saglit at pagbalik, may dala na siyang baso ng tubig. Nilapag niya 'yon sa side table ko, pati 'yong gamot. Nag-set pa siya ng alarm para alam ko kung kailan ko iinumin 'yong susunod. 


"Huwag kang mag-alala... Maraming kasama si Via," sabi niya sa akin. 


Natigilan ako. "Buti naman..." 


Nang umalis si Sevi, tumayo ako at kinuha ang gitara ko. Matagal akong napatitig sa labas ng bintana, iniisip kung ano ang isusulat ko. Kahit walang laman ang musika ko para sa ibang tao... Alam kong makakarating kay Via ang gusto kong sabihin. 


Gusto kong magmakaawa sa kaniyang manatili sa akin. Gusto kong sabihin sa kaniyang kaya namin 'to malagpasan. 


Pero gaya ng sabi ni Papa, napagod na rin si Via. Hindi na niya kinaya at piniling sumuko na lang. Gusto ko siyang ipaglaban... pero anong karapatan ko? Mas pipiliin kong pakawalan siya kaysa masaktan pa siya lalo dahil sa 'kin. 


Hindi ko alam kung saan ko ibubuhos ang nararamdaman ko. Pagkauwi ko sa condo, mataas pa rin ang lagnat ko. Mag-isa akong umupo sa sofa at sinandal ang ulo ko. Tinakpan ko na lang ang mga mata ko gamit ang braso ko. Nakakapagod... Ni wala na akong lakas para hatakin siya pabalik sa akin. 


I lost her already. 


Ilang araw akong wala sa sarili ko. Ilang gabi kong iniisip kung deserve ko ba lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko alam kung ilang luha na ang naubos ko bago ko naisipang tawagan si Sevi. 


"Sev..." panimula ko. "Masama ba 'kong tao?" 


[Huh?!] Gulat na tanong niya. [Bakit mo naman nasabi 'yan?!] 


"Bakit ako pinaparusahan nang ganito?" Hindi ko na napigilan ang pagbiyak ng boses ko, kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. 


[Saglit lang! Pupuntahan kita!] 


Habang naghihintay, wala akong ginawa kung hindi umiyak. Inubos ko ulit ang luha ko bago pa siya dumating para hindi ako magmukhang tanga sa harapan niya. 


Via... always stayed with me. It probably took a lot for her to leave. "Pero hindi ako sanay..." sambit ko kay Sevi nang puntahan niya 'ko ulit. May dala pa siyang alak. 


"Paano ka masasanay? Magkasama na kayo noon kahit noong nasa tiyan pa lang kayo ng nanay n'yo," sabi naman ni Sevi at uminom ng beer. 


"Oo nga... Paano ako masasanay? Tangina, buong buhay ko, parang nakaalay na sa kaniya. Lahat ng plano ko, kasama siya. Nangako kami sa isa't isa na mananatili kami hanggang sa lumaki kami. We... promised a future together... kaya paano ako masasanay nang wala siya?" 


"Hindi ka masasanay... Matututo ka lang mamuhay nang may kulang sa 'yo." Nagkibit-balikat siya. 


"Iniisip ko pa lang na umiiyak si Via gabi-gabi noong mga panahong wala ako sa tabi niya..." Napatakip ako sa mga mata ko at yumuko dahil nagbabadya na ang luha ko. "Parang wala akong kwentang... kaibigan. Kahit bilang kaibigan na lang, hindi ko pa nagawa 'yon para sa kaniya." 


"Nahihirapan ka rin noong mga panahong 'yon, pare... Naiintindihan niya 'yon." 


I wanted to try again. I wanted us to work... Pero alam kong hindi naman 'yon mangyayari kung siya, ayaw na niya. Wala na akong magagawa roon kung hindi tanggapin na lang. 


I tried to be okay in front of the camera, kahit sa loob-loob ko, hindi ko na alam ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung para kanino ko ba ginagawa lahat ng 'yon. Para saan? To atone for the things I've done? For my mistakes? Para makabawi sa agency? Sa manager ko? Kay Clea? 


Hindi ko na ginagawa 'yon para sa sarili ko. Ginagapang ko na lang ang kontrata ko. Pagkatapos noon, ayaw ko na. Gusto ko nang magpahinga. Mag-aaral na lang ako ulit ng Film... at baka sakaling maayos ko 'yong sa amin ni Via. 


I tried to avoid her because I knew she would feel awkward around me. Dahil doon, hindi na ako sumasama sa mga gala ng tropa. Sinasabi ko na lang na busy ako, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung may mukha pa ba 'kong ihaharap sa kanila. I brought pain to their friend. I was the cause of her trauma this time. Pakiramdam ko galit sila sa 'kin, kahit binisita ako ni Sam at sinabing hindi ganoon ang nararamdaman nila. 


I wanted all of it to be over. The guilt... The pain. I hoped for us. I really did. Kaya noong nakita ko siya ulit sa harapan ko, I knew I was right. May pagkakataon pa kaming dalawa.


"Kaya mo bang hindi magtanong at umakto na lang na walang... nangyaring masakit sa ating dalawa? Hindi ba pwedeng bumalik na lang tayo sa panahon bago mo sinulat 'yong kanta?" 


"Kahit ngayon lang?" tanong ko, nagdadalawang-isip sa gusto niyang mangyari. 


"Kahit ngayon lang." 


It was a painful kiss. Gulong-gulo ako sa ginagawa namin. Hindi ko alam kung ano 'yon. Hindi ko alam kung pinaglalaruan niya ba ang nararamdaman ko, pero nakisakay ako... because that was the closest I could get to her. I got my hopes up. 


She wanted it to be me. She wanted her first to be me. She wanted to be intimate with me... so I hoped. Maybe after that, we could finally fix our relationship. Baka iyon lang ang paraan. I was so desperate for her to come back. Kahit sa paraang 'yon, wala na akong pakialam. 


Umiiyak siya habang yakap ako. Ang bigat-bigat sa dibdib magpanggap na parang walang nangyaring problema sa aming dalawa. Ang bigat magpanggap na hindi nangyari lahat ng gabing umiiyak ako at nasasaktan, sinisisi ang sarili ko kung bakit ganoon ang nangyari. 


I wanted to say sorry a lot of times while doing it because I was out of my mind... and she was hurting, not physically, but emotionally. Dahil ba sa 'kin? Ginagawa ko naman ang gusto niya. Bakit ganoon pa rin? 


But I still hoped... that after that night, I will wake up with her by my side again. Not just physically, but emotionally. Umasa akong... mahal niya pa rin ako kaya niya ginawa 'yon. Umasa akong pinili niya ako. 


But I woke up with her gone. I opened my eyes just to feel... so alone. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Did I mess up? Again? 


Hinanap ko siya kahit saan. I was expecting her to be near me... But I didn't know that she was already planning to stay far away from me. 


[Arkin, hindi ko kayang hindi sabihin sa 'yo. Sabi ni Via, sabihin ko kapag nakaalis na siya... Paalis na 'yon ngayon kaya pwede na siguro! Sa airport, bilisan mo na! Terminal 3!] 


Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas tumakbo pabalik para umakyat sa parking. I couldn't even drive properly. 


"Fuck... Please... Please..." Napayuko ako at dinikit ang noo ko sa manibela habang hinihintay mag-green light. 


Pagkarating ko ng airport, ginilid ko ang sasakyan ko at bumaba. Tumakbo ako at lumingon sa paligid. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Nakapasok na ba siya? 


Wala na ba? 


"Via!" desperado akong sumigaw. 


No one answered. No one came. Everyone started to notice me. Sa lahat ng taong lumapit sa akin, wala siya roon. Napakarami kong gustong sabihin sa kaniya. Napakarami ko pang gustong gawin... o plano para sa aming dalawa.


Paano... mo 'ko nakayanang iwan pagkatapos ng lahat? Naroon ako halos buong buhay mo. Nangako ako sa sarili kong hindi kita iiwan kahit anong mangyari... na hindi ako mawawala sa tabi mo. 


Ikaw pala ang mawawala. 


"Sabi mo hindi ka aalis..." Tumulo ang luha ko. 


She was not in the crowd anymore, silently watching and supporting me. She chose to leave and escape the spotlight I put myself in. 


But I realized that it was her. She was my spotlight... and when she left, I just lived in the dark. 

_______________________________________________________________________________

.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro