Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

28


"Larkin Sanchez and Clea Aguilar, confirmed dating!" 


Napatingin ako kay Luna habang binabasa niya nang malakas ang laman ng article na lumabas ngayong araw. Napatingin ako sa kaniya at napailing na lang dahil mukhang hindi rin siya natutuwa sa binabasa niya. Napasimangot siya lalo nang kuhanin ni Kierra ang phone mula sa kaniya at binasa rin. 


"Bakit ganito?" nagtatakang tanong ni Kierra habang binabasa. "Pumayag ka rito? Bakit may ganito?" 


"Sobra naman na yatang publicity 'yan! Bakit kailangang ganiyan?! Sikat naman na si Clea! Hindi na nila kailangan niyan!" Pabagsak na umupo si Luna at nangalumbaba. "Ilalabas na kasi teleserye nila, 'no? Kailangan talaga nila i-establish 'yong chemistry?" 


"Hayaan n'yo na," mahinang sabi ko habang nagsusulat sa notebook ko. Vacant namin ngayon kaya naman wala masyadong tao sa room. Halos kami lang at kaunting kaklase. Wala naman akong ginagawa kung hindi maglista ng mga bibilhin ko mamaya. Dadaan akong palengke bago umuwi dahil inutusan ako ni Papa. 


Hindi naman sa pumayag ako pero naramdaman ko lang din na wala naman akong choice kung hindi suportahan siya. Kung anong makabubuti sa kaniya ay roon ako. He also looked helpless. I remembered him asking me to tell him if it was already too much because he was always ready to give up his career pero ayaw ko namang mangyari 'yon. Magtitiis ako. Kaya ko namang magtiis.


Iniisip ko lang na kung kay Clea nga na isang professional sa industry, wala nang kaso sa kaniya ang ma-link nang ganoon kay Kino, si Kino pa kaya ang tatanggi? Parang para kay Clea, normal na 'yon sa kaniya. Ginagawa niya ang trabaho niya nang maayos kaya dapat si Arkin din. Ayaw kong hayaan siyang gumawa ng mga bagay na hindi naman makabubuti sa kaniya dahil lang sa akin. Sino ba naman ako? Ano bang karapatan kong pigilan siya?


If he could thrive better riding in that kind of publicity with Clea, then he should go with it. At the end of the day, alam ko namang sa akin pa rin siya pupunta. Alam ko naman kung sino ang mahal niya at ako 'yon. 


Pagkatapos ng klase ay dere-deretso lang akong lumabas ng room at tinext na lang sina Luna na mauuna na ako dahil mahirap na humanap ng masasakyan papunta sa malapit na palengke. Habang naghihintay ako sa sakayan ng jeep ay may tumabi sa aking naka-cap at facemask kaya akala ko ay holdap iyon. Lumayo kaagad ako at niyakap nang mahigpit ang bag ko. 


Muntik na akong mapasigaw nang hawakan niya ako sa balikat. Kinakabahan akong tumingin sa paligid ko para manghingi sana ng tulong. 


"Hoy, Via." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Arkin. Lumingon ako sa lalaki at tumingin sa mga mata nito. Siya nga! Anong ginagawa niya rito?! Bakit hindi siya nagsasabi?!


"Kinabahan ako sa 'yo!" Inis ko siyang hinampas sa braso at tumawa naman siya bago ako inakbayan. "Bakit narito ka? Hindi ka nag-text na pupunta ka." 


"Naghihintay ako sa tapat ng building n'yo pero hindi mo ako nakita kaya sinundan na lang kita. Sabi mo mamamalengke ka ngayon kaya sasamahan kita," pagpapaliwanag naman niya. 


"Nasaan ang sasakyan mo?" Lumingon ako sa paligid na para bang makikita ko 'yon doon. Umiling lang siya at sinabing nagpahatid lang siya sa UST. May huminto na kaagad na jeep kaya naman sumakay kaagad ako at nakipagsiksikan pa. Mabuti na lang at nauna si Arkin sa akin at nilagay ang kamay niya roon sa space sa tabi niya para i-save 'yon.


"Via!" Tinapik niya ang space doon kaya umupo na ako. Nasiksik pa ako palapit sa kaniya kasi nga maraming pasahero kaya naman tinaas niya ang braso niya at inakbay na lang 'yon sa akin para hatakin ako palapit. "Ang init," reklamo niya kaagad.


"Huwag mong tanggalin," pagbawal ko kaagad dahil muntik na niyang alisin ang facemask niya. Tinanggal ko na lang ang cap niya at nilabas ang panyo ko para punasan ang pawis niya sa noo. Mabuti na lang at hindi siya naka-jacket ngayon. Nakaputing shirt lang siya at adidas pants na itim. Sobrang casual lang at presko tignan. 


Nakatitig lang siya sa akin habang pinupunasan ko ang pawis niya. Inayos ko na rin ang buhok niya bago binalik ang cap doon. Nang mapalingon ako sa harapan ko ay nakita kong pinapanood na kami ng ibang pasahero at bumubulong ng 'sana all may jowa.' 


Nagbayad na kaagad ako sa jeep at sumandal na lang sa balikat ni Arkin dahil inaantok ako. Nakakapagod 'yong araw na 'to. Ang daming ginawa sa school at tsaka sa org kaninang lunch. 


"Wala kang taping?" mahinang tanong ko sa kaniya habang nakapikit. Gamit ang isa niyang kamay ay hinawakan niya naman ang sa akin at pinatong iyong magkahawak naming kamay sa binti niya. 


"Wala. May schedule na iba si Clea kaya na-move bukas," sabi niya naman sa akin habang nilalaro ang daliri ko. "Kumusta school? Pagod ka?" Iyong kamay na nakaakbay sa balikat ko ay humawak naman sa gilid ng mukha ko para pisilin ang pisngi ko. 


"Sakto lang," inaantok na sabi ko pa rin at inalis ang hawak niya sa pisngi ko. Pagkadilat ko, nakita kong nakatingin na naman sa amin ang ibang highschool students na pasahero, mukhang naiinggit kaya umayos ako ng upo. Na-conscious na tuloy ako sa ayos namin! 


Tumawa pa si Arkin nang mabasa ang iniisip ko pero hindi niya inalis ang hawak niya sa kamay ko. Wala naman talaga siyang pakialam dahil walang nakakakilala sa kaniya. Wala ring mag-iisip na nasa jeep papuntang palengke si Larkin Sanchez. 


Pagkababa namin ay nakasunod lang sa akin si Kino, hawak ang kamay ko. Naka-uniform pa ako habang naka-casual attire siya. Bawat bili ko ay siya ang nagbubuhat. Mabuti na lang at nagdala ako ng tinutuping eco bag para roon ko nilalagay ang mga plastic tapos nakasabit lang iyon sa balikat niya. Nakakatawang isipin dahil parang walang nagbago sa gawi namin. Ganito na kami simula high school. Sinasamahan niya ako sa palengke at siya ang nagbubuhat ng mga pinamili ko. 


Pawis na pawis na siya nang tumambay muna kami sa bilihan ng palamig. Binaba niya ang facemask niya habang nakaupo kami sa may tabing gutter at umiinom mula sa straw. Nakatingin lang kami sa harapan kung saan nagkakagulo ang mga tao dahil abala sa mga pinapamili. 


"Hindi pa naman madilim. Diyan lang iyong Valeria High. Gusto mong bumisita?" tanong ko sa kaniya. 


Tumayo kaagad siya at nilahad ang kamay niya sa akin para hatakin ako patayo. Binalik na rin niya ang facemask niya habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng tricycle. Nag-trike pa kami papunta roon at nang makarating sa tapat ng gate, halos wala nang mga estudyante. Nag-uwian na ang iba dahil lagpas 4 PM na. 


"Hello, Kuya!" bati niya kaagad sa guard. Nagulat pa ito nang binaba ni Larkin ang facemask niya at kumaway mula roon sa may gate. Agad-agad binuksan ng guard ang gate at pinapasok kami. "Dito ka pa rin pala, Kuya!" Close kasi ni Kino ang mga staff dito. Sila ni Sevi. 


"Grabe, Kino! Bakit napadpad ka rito?! Iba na ang kasikatan mo, ha! Gustong gusto ka ng anak ko!" Naglabas kaagad si Kuya guard ng papel para magpa-autograph kay Kino. Ibibigay niya raw sa anak niya. "Hala, si Via na ba ito?" 


"Hello po," bati ko naman at ngumiti. Nakakahiya at naka-uniform pa ako. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga natirang estudyanteng naglalaro roon. "Bibisita lang po sa loob." 


"Sige lang, sige lang! Salamat dito, Kino! Via, ang laki mo na, ha. Dalaga na talaga ang hitsura mo!" puri niya pa sa akin. 


Ngumiti lang ako at hinatak na ako ni Kino paalis para maglibot. Iniwan niya pa muna ang dala niyang eco bag doon sa guard house para wala siyang bitbit. Pagkatapos, una niyang pinuntahan iyong room ko dati. Walang tao sa loob kaya pumasok kami roon at umupo siya sa may teacher's table. 


Iba na ang design ng room at may nadagdag na rin na aircon doon. Mas mukhang maayos na rin ang mga armchairs at tables. White board na rin pala ang gamit dito. 


"Naalala mo noong muntik na kitang halikan dito?" Tumawa siya at tinapik iyong teacher's table. Nag-init ang pisngi ko at umiwas ng tingin, naaalala ang araw na iyon. Noong panahon na iyon ay totoong wala akong pakialam sa mga first kiss. Inisip ko lang na kung ganoon ka-importante 'yon, eh di kay Arkin ko na lang ibibigay dahil siya naman ang pinakaimportanteng lalaki sa akin noong panahong 'yon. 


"Bakit mo 'ko gustong halikan non?" Umupo ako sa teacher's chair habang nasa harapan ko naman siya. 


"Kasi gusto kita," deretsong sabi niya. "At ang ganda tignan ng mukha mo." 


"Bata ka pa tapos iyon na ang iniisip mo." Napairap ako sa kaniya. "Bastos ka talaga." Umiling pa ako kaya napaawang ang labi niya sabay hawak sa dibdib niya na para bang sobra siyang nasaktan sa sinabi ko. 


Tinanggal niya ang cap at facemask niya at bumaba sa may teacher's table para hatakin ang monoblock sa gilid papunta sa tabi ko. Umupo siya roon at hinawakan ang mukha ko para mahalikan ako sa labi. Nanlaki ang mga mata ko at lumayo kaagad pagkatapos dahil baka may pumasok na estudyante.


"Wala nang papasok na Luna at Kierra diyan," natatawang sabi niya nang makitang sumulyap ako sa pinto.


"Kailan mo na-realize na may gusto ka na sa 'kin?" tanong ko sa kaniya at nilagay ang kamay sa baba ko. Napanguso siya saglit habang nakatingin sa taas, nag-iisip. 


"Alam ko na noong elementary pa lang na crush kita pero inisip kong normal naman 'yon dahil magkaibigan tayo pero noong high school... Noong may gusto kang iba, na-realize ko lang na ayaw ko noon." Bumuntong-hininga siya. "Noong gusto mo si Pres." 


"Huwag mo nang banggitin si Pres. Masaya na 'yon ngayon." Kinilabutan ako nang maalala ang tingin sa akin noong lalaking kasama niya na para bang isa akong hadlang! "Nagustuhan ko lang naman siya dahil... ang bait niya, gwapo siya, at matalino pa. Soothing din ang boses." 


"Hindi ba 'ko mabait at gwapo? Matalino? Soothing ang boses?" reklamo niya na naman sa akin. "Bakit kaya hindi ka na-fall sa 'kin, nilalandi naman kita noon?" Napaisip ulit siya.


"Landi na 'yon para sa 'yo? Kasi para sa akin, normal lang 'yon sa magkaibigan." Tinaasan ko siya ng kilay. 


Totoo namang noong panahon na 'yon ay lahat ng ginagawa niya, iniisip kong normal lang dahil ganoon naman talaga namin ituring ang isa't isa. Para sa akin, wala namang bago kapag caring siya sa akin o kapag gumagawa siya ng mga bagay para sa akin. Hindi naman ako manhid. Hindi lang ako assumera na may meaning lahat ng ginagawa niya. Simula bata kami ay ganoon na siya sa akin kaya paano ko malalaman ang pinagkaiba? 


"Normal ba 'yon? Sa tingin mo ba ganoon ako sa ibang tao?" Bakit parang nagagalit pa siya, ha? "Hay, hayaan na nga natin. At least sa akin ka pa rin bumagsak. Hah." Napangisi siya at humawak pa sa baba niya, proud na proud. 


Binatukan ko siya at tumayo na para lumabas ng room. Sinuot niya ang facemask niya at sumunod naman sa akin. Bumisita ako sa may covered court at umupo sa may bleachers habang pinapanood ang mga estudyante mag-training. Umupo naman sa tabi ko si Kino at nanood din. 


"Ayaw mo na talaga mag-volleyball?" tanong niya sa akin. 


Tipid akong napangiti habang pinapanood ang bawat pagtaas ng bola sa ere. "Hindi ko naman kailangan..." Iyon lang ang sinagot ko pero hindi ko kayang sabihin kung gusto o ayaw ko. Hindi ko siya ayaw. Actually, gusto ko ang volleyball pero hindi ko siya tinatrato na necessity sa buhay ko. Hobby? Pwede. 


"Pero ang galing mo mag-volleyball..." Sumandal siya sa upuan at nilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo niya. "At ang galing mo rin kumanta. Magaling ka rin maggitara. Bakit... Bakit Architecture?" 


"Hindi ko rin alam." Tumawa ako at napayuko. "Ayaw ko... ng musika." Alam niya naman kung bakit. Alam niya kung bakit hindi ko iyon kayang mahalin kahit mahal ako ng musika. Hindi ko naman hiniling na maging ganito. Kung pwede lang na hindi ako natutong kumanta o maggitara, sana ay hindi ko na iniisip kung ano kaya ang magiging career ko kung pinagpatuloy ko 'yon. 


"Gusto ka ng musika," sabi niya naman sa akin. "At nagustuhan ko ang musika dahil sa 'yo." 


Umiling ulit ako at bumuntong-hininga. Naaalala ko muli si Mama at kung paano siya sinira ng passion niyang 'yon. Sa musika, may pera kapag sumikat ka. May pera kapag maraming may gusto sa kanta mo. Paano kapag walang tumangkilik sa akin? Paano ang mga kapatid ko? At ano ang gagawin ko naman sa kasikatan kung maabot ko 'yon? Magpapabulag ba ako roon? Huwag na. Para sa akin, ang focus ko ay makapagtapos, magkapera, at magpaaral ng mga kapatid. 


"Hindi ko kailangan 'yan," muling sabi ko bago tumayo. "Tara na. Umuwi na tayo." 


Pagkauwi namin ay naroon na si Mira, nagluluto na ng hapunan. Tinuruan ko na kasi siyang magluto para naman kahit wala ako ay may makakain pa rin sila, tutal siya ang susunod na nakakatanda sa akin. Hindi naman palagi ay narito si Papa at tsaka ako. Kahit ayaw ko namang maranasan niya ang naranasan ko noon, wala silang choice kung hindi matuto mamuhay mag-isa. Sinusubukan ko naman ang makakaya kong umuwi nang maaga para ako na ang gumawa ng mga 'yon. 


Tinulungan ako ni Arkin ayusin ang mga pinamili naming pagkain sa ref bago kami umakyat sa kwarto para makaligo na ako. Naghintay naman siya roon, nakaupo sa sahig at hawak ang gitara ko. Nakabihis na ako nang maabutan ko siyang kumakanta pagkapasok ko. Hindi ko alam ang kinakanta niya pero nakinig na lang ako habang nagpapatuyo ng buhok. 


"Babe, halika." Napalingon ako sa kaniya nang ibaba niya ang gitara. Gumapang ako sa sahig hanggang sa mapaupo ako sa harapan niya pero hinatak niya ang kamay ko para maupo ako sa gitna ng binti niya habang nakatalikod ako sa kaniya. Nasa sahig pa kami. "Are you okay?" bulong niya sa akin. 


"Oo naman," kinakabahang sabi ko at sumulyap pa sa pinto. Ni-lock ko ba 'yon? Baka biglang pumasok ang kapatid ko. Mabuti na lang at wala si Papa. 


"In-announce 'yong news kanina na kami na raw. Are you okay?" Hinawi niya ang buhok ko and then he started showering small kisses on my neck. Nanghina kaagad ako at sumandal na lang sa dibdib niya. 


"Oo naman. Sabi ko naman sa 'yo na okay lang dahil s... susuportahan k... kita." Hindi na ako makapagsalita nang maayos dahil nakafocus na ako sa halik niya sa leeg ko. 


Bumaba ang halik niya sa balikat ko. Dahil oversized shirt ang suot ko ay nalalaglag pa iyon sa balikat ko. Hindi ko naman maayos dahil hinahatak niya talaga pababa iyong sleeves para ma-expose ang balat ko. 


"I only love you," seryosong bulong niya ulit sa akin. "Alam mo naman 'yon, 'di ba?" 


Tumango ako sa kaniya, hindi na nakapagsalita. Nagulat ako nang marahan niyang kinagat ang isang parte ng balikat ko. Then, he sucked on it a bit before giving my cheek a soft kiss. Nang mapatingin ako sa salamin sa harapan namin ay nakita kong may marka na roon! Napalingon ako sa kaniya at tinuro 'yon.


"Ano 'to?" nagtatakang tanong ko. 


"Hickey," pagpapaliwanag niya. Napakunot lalo ang noo ko. Para saan 'yon? Bakit nilalagyan ng ganoon? "Gusto mo gawin sa 'kin?" 


"Huh?" Napaawang ang labi ko sa pagtataka. Bakit ko gagawin sa kaniya 'yon? Hindi ba may makakakita kapag ganoon? Umiling ako kaagad at lalayo na sana sa kaniya pero pinalupot niya ang braso niya sa bewang ko para hindi ako makaalis. "Bakit?" Nautal pa ako. 


"Wala..." Hinawakan niya ang baba ko gamit ang isa niyang kamay at pinalingon ako sa kaniya. When I faced him sideways, his lips reached for mine, giving me a soft kiss. Pagkatapos noon ay napatitig pa siya sa mga mata ko at sa pisngi kong namumula bago siya lumapit ulit. He smirked in between our kisses, hawak-hawak pa rin ang baba ko para mapanatili akong nakaharap sa kaniya. 


His hold on my waist got tighter as he started tasting every corner of my mouth. Napahawak ako sa braso niya sa baywang ko nang mawala ang kamay niya sa baba ko at bumaba iyon sa dibdib ko. Nanlaki ang mga mata ko ngunit napapikit na lang din nang ipasok niya ang kamay niya sa loob ng shirt ko. 


"Nakakahinga ka pa ba?" nag-aalalang tanong niya nang tumigil sa kahahalik sa akin. Hinihingal na kasi ako at ang bigat na rin ng paghinga ko. Tinanong niya sa akin 'yon pero ang kamay niya ay nasa dibdib ko na! I bit my lower lip, unable to talk. Hinalikan ko na lang siya ulit kaya napangisi siya at tinanggap ang halik ko. 


He massaged one of my mounds through my bra while kissing me passionately. Hindi ko alam ang gagawin ko! Pakiramdam ko nararamdaman niya sa kamay niya ang bilis ng tibok ng puso ko! I couldn't do anything so I just kissed him back. 


Ito na ba? Gagawin ba namin 'yon? Hindi ako handa! Anong gagawin ko?! Nag-panic tuloy ako sa loob-loob ko kaya humiwalay ako sa kaniya. Lumingon ulit ako sa harapan, kung nasaan ang salamin. Mas lalo lang nag-init ang pisngi ko nang makita ang ayos namin. Nasa loob ng shirt ko ang kamay niya at nakahawak iyon sa dibdib ko habang nasa likod ko siya. Nagtama ang tingin namin sa salamin kaya tumawa siya at inalis ang kamay niya. 


"Cute," bulong niya bago ako sinabihang tumayo na. 


Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at naglakad pababa ng hagdan para tignan kung may pagkain na. Hindi pala niya ni-lock ang pinto! Mabuti na lang at tinigil namin kaagad iyon! 


Mayamaya, bumaba na rin si Arkin at sinabing aalis na siya dahil nariyan na ang van sa tapat ng bahay. Akala ko pa naman ay rito siya kakain. Humalik na lang siya sa noo ko bago siya nagpaalam kina Ysha at umalis. 


Kinabukasan ay maaga kaming pinauwi kaya naman napagdesisyunan nina Luna tumambay muna sa condo ni Sam. Iinom na rin daw kami kaya nag-ambagan pa sila sa pambili ng alak. Dapat sa labas kami iinom ngunit walang maiiwan kay Avi kaya naman dito na lang kami sa living room habang si Avi ay tulog doon sa kwarto. Bawal nga lang mag-ingay. 


"I'm going to get some clothes from home so I can sleep here." Tumayo si Sam at kinuha ang susi ng kotse niya. "Who wants to come with me? It's boring to drive alone." 


Tumingin ako sa kaniya at nagtaas na ng kamay. Tutal, ayaw ko rin namang uminom masyado kaya sasama na lang ako sa kaniya habang abala sina Luna at Kierra kulitin si Yanna. Sumakay kami sa kotse ni Sam at nag-drive na siya papunta sa bahay nila ni Clyden. Balita ko ay medyo lumalabo na raw sila dahil hindi na sila nagkikita. 


"Come on. You can wait inside," aya sa akin ni Sam pagkapark sa garahe ng bahay nila. Pagkapasok ko pa lang sa bahay ay nagulat na ako sa tatlong asong tumatakbo papunta sa akin. Hindi naman ako takot. Nagulat lang talaga ako dahil ang laki ng mga aso. "Oh, this is Summer, and then Maple, and then Hail. My children." 


"Hello." Lumuhod ako saglit para hawakan sila sa ulo bago ako inaya ni Sam paakyat sa second floor. Ngayon lang yata ako nakapunta rito. Ako pa lang ba ang nakapunta rito? Hindi naman kasi nag-aaya si Sam dito para na rin sa privacy nila ni Clyden. 


Pumasok siya sa master bedroom at sumunod naman ako papasok. Umupo ako roon sa sofa habang iniikot ang paningin ko. Maayos na maayos ang kwarto na para bang wala sa kanila ang humihiga roon. Hindi na yata talaga nakakauwi si Clyden at si Sam naman ay mas madalas na rin doon sa condo ni Yanna. 


"Have you already done it with Larkin? Don't answer if you don't want to. No pressure," tanong niya habang nagbubukas ng cabinet, nakatalikod sa akin. Sobrang kaswal niyang magtanong! Nahiya tuloy ako! 


"H-hindi pa... Iyon na nga. Hindi ko naman alam kung paano," sabi ko sa kaniya. "Kaya nagtatanong ako sa inyo ni Yanna..." 


Narinig ko ang tawa niya bago pumunta sa side table at may kinuha roon. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at nilapag ang isang box sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano 'yon. 


"Bakit mo ako binibigyan ng condom?" Nagtatakang tanong ko. 


Ngayon ko lang nahawakan ang ganoon! Ang isang box! Binuksan ko pa 'yon at nakitang tatlo ang pack sa loob. Nag-init ulit ang pisngi ko at sinara 'yon. May flavor pa! 


"You might need it. I doubt Arkin would go out to buy some. He's a shy person." Nagkibit-balikat siya at bumalik sa pagkuha ng damit. "So I just got some from Clyden. He won't mind. I just don't know about Larkin's size..." 


Bakit ang casual?! Ganito ba talaga kapag sanay na? Ganito rin si Yanna! Ako, hiyang hiya ako! Tinignan ko pa iyong box at nakita ang size noon. Bakit... Bakit naman ang laki ng size?! Paano pa kapag binuksan ko na? Anong hitsura?! 


"Thank you?" patanong na sabi ko dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko! Tinago ko na lang iyon sa bag ko. Kay Clyden pa talaga siya kumuha! Nakakahiya naman 'to! 


"No worries! Actually, Arkin could have asked Sevi to buy some. We don't know that yet so at least you have back-up protection, right?" sabi niya ulit habang inaayos ang damit sa bag niya. 


"S-si Sevi?" Napaisip tuloy ako kung may ganito rin si Sevi! Ano ba 'to! My mind was being corrupted. Hindi ko maisip si Sevi na ganoon! 


"Oh, don't even imagine it. Some people change when they're in bed." Lumingon na siya sa akin, nakangiti at dala-dala ang bag niya. "Let's go! I'm done!" 


Sumunod ako sa kaniya pababa hanggang sa makarating kami sa kotse. Hindi na maalis sa utak ko iyong box sa bag ko! Pagkabalik namin sa condo ay parang walang nangyari. Uminom tuloy ako nang uminom para matanggal ang hiya ko. 


"Via, huwag masyadong marami," sabi sa akin ni Yanna dahil sinusunod-sunod ko ang inom ko. Kinuha niya ang bote at nilayo sa akin. 


"Hoy, Kierra, bakit may yosi ka?" Napalingon kaming lahat kay Luna nang makita nito ang isang box sa bag nito. May hinahanap yata kasi siya roon sa mga bag. 


"Huh?" Napalingon din si Kierra at tinignan. "Ah, hindi sa akin 'yan. Nilagay niya 'yan sa bag ko para hindi niya na makita." Nagkibit-balikat siya. 


Napasimangot si Luna at hinanap na ulit iyong cellphone niya. Iyon pala ang hinahanap niya kanina pa. Nakalimutan daw niya kung saang bag niya nilagay. 


"Bakit may condom ka, Via?!" 


Halos madura ni Yanna ang iniinom niya sa gulat. Nabulunan din si Kierra at lahat napalingon kay Luna. Nanlaki ang mga mata ko, hindi alam kung paano ipapaliwanag ang sarili ko! Napatakip naman si Sam sa bibig niya para pigilan ang tawa. 


"Grabe ka na, Via! Hindi ko inaakalang magdadala ka ng ganito sa school!" pag-aakusa kaagad ni Luna sa akin, hawak pa iyong box. "Nagbago ka na talaga! Hindi na ikaw ang Via na nakilala ko!"


"Hindi s-sa akin 'yan!" agad na tanggi ko. "Kay Clyden 'yan!" Sinabi ko na ang totoo.


"Ha?! Bakit nasa 'yo?! Gago, may affair sila, Sam!" gulat na sabi ni Yanna at napatakip din sa bibig niya. 


"Dito na ba masisira ang pagkakaibigan natin?" tanong din ni Kierra, hindi na alam ang gagawin. 


"Guys, calm down, uh..." Hindi alam ni Sam kung paano niya sisimulan. "I gave that to her, okay?! Chill! There's no affair!" Natatawa na rin siya sa nangyayari. 


Tinabi kaagad ni Luna iyon at nakita na ang cellphone niya sa tabi ng TV. Pinaningkitan niya ako ng mga mata nang maupo siya sa tapat ko, kinikilatis ang mga desisyon ko sa buhay. 


"Sure ka na riyan?" parang nagbabanta pa siya sa akin o kaya tinatakot ako. 


Umiling kaagad ako sa kaniya para wala nang pag-usapan. Mabuti na lang at iniba na ni Yanna ang topic kahit natatawa siya sa hitsura ko. Napatakip ako sa mukha ko at uminom na lang ulit ng alak. Nawala tuloy ang tama ko dahil doon! 


"Susunod daw si Sevi at tsaka Arkin," pagbabalita ni Sam sa amin. 


Kinabahan kaagad ako! Kasama pala si Arkin? Akala ko ay may shoot siya hanggang madaling-araw. Magkasama ba sila ni Sevi ngayon? Hindi ko na kasi natanong. Busy siya sa taping kaya hindi na ako nag-text. Binagalan ko na lang ang inom ko dahil ayaw kong maabutan niya akong lasing. 


Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang may mag-doorbell na. Pagkalingon ko, pumasok na si Sevi at si Arkin. Magkasama nga silang dalawa.  


"Hoy, Kino! Bakit kayo na ni Clea, huh?!" sigaw kaagad ni Luna at tinuro si Arkin. 


"'Di ba relatives kayo ni Clea, Sam?" tanong din ni Kierra. Nagulat ako at napalingon. Hindi ko alam 'yon, ha! 


"Oh, yeah. Mother side, but she's like... A far relative. Second cousin or something? Third? May ganoon ba?" Nagkibit-balikat siya. "But we're friends. Good thing Clea agreed to do that? She doesn't like dating rumors, especially confirming one." 


"May deal yata sila ng management. Bawal akong magsabi..." Umupo si Arkin sa tabi ko at nilagay kaagad ang kamay sa baywang ko. Napatingin sina Yanna roon at napangiwi. Nainggit pa. 


"I understand. It's just weird because minus points ulit siya sa crush niya." Samantha laughed and sipped on her glass of wine. 


"Sinong crush?" tanong ni Kierra pero umiling si Samantha at napatakip sa bibig niya. Hindi raw niya pwedeng sabihin dahil secret daw pala 'yon. Tipsy na yata si Samantha at kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig. 


"Please don't tell! I accidentally slipped! Ah, shit." Tinampal ni Samantha ang bibig niya. "I thought everyone knows already, especially in our circle. She's not really hiding it. She was all over him last time sa club." 


Napalingon ako kay Arkin para tignan kung nagtataka rin siya pero mukhang wala siyang pakialam. Nagbubukas lang siya ng chichirya para may makain. Nang magtama ang tingin namin ay ngumiti siya sa akin. 


"'Di ba, Arkin? You know that too, right?" Napalingon si Kino kay Sam nang siya ang tanungin nito. 


"'Yong football player?" tanong ni Arkin at nagsalpak ng chichirya sa bibig, inosenteng ngumunguya. 


"Hey, hindi ako ang nagsabi, ha!" Tinaas ni Samantha ang dalawang kamay niya. "I'm out!" 


Huh? Sinong football player 'yon? Sikat? International football player? Ngayon ko lang naisip na sobrang swerte naman pala ng crush ni Clea. Mukhang out of reach nga si Clea tapos ganoon pa? 


Pero... May ibang gusto si Clea! Pareho lang sila ni Arkin! 


"You guys want to go to the nearest bar? We don't have drinks anymore. Sayang naman kay Sevi and Arkin." Tumayo si Samantha, dala-dala na ang bag. Kawawa naman si Sevi at Arkin kung sumunod tapos hindi makakainom.


"May gagawin pa ako tsaka baka magising si Avrielle kaya kayo na lang muna," sabi ni Yanna. 


Wala kaming choice kung hindi iwan siya roon. Nagpaiwan naman si Luna kasama siya dahil nahihilo na raw siya at ayaw na niyang uminom. Naglakad lang kami sa Katipunan para makapunta sa malapit na bar na sinasabi ni Samantha. Sa roof deck pala 'yon kaya umakyat pa kami sa hagdan. Naka-facemask na naman si Arkin. 


"Adi! You're here pala!" Nagulat si Sam nang makita sina Adonis sa kabilang table. Nagulat din ako dahil naroon si Kalix at 'yong isa pa nilang kaibigang si Leo. May kasama pa silang ibang tao sa table nila, mukhang mga kaklase nila. 


"Gagi, upo na tayo roon," aya kaagad ni Sevi sa amin nang makita si Kalix. Tumawa si Arkin at hinawakan ang kamay ko para umupo kami sa kabilang table. Tinaas na ni Kierra ang kamay niya para um-order ng alak habang nakikipag-usap pa si Sam doon. 


"Sayang, wala si Luna," tumatawang sabi ni Kierra. 


Bumalik na rin si Sam sa table namin pagkatapos noon at uminom na kami. Tumigil muna ako saglit dahil nalalasing na ako. Si Arkin na lang at Sevi ang inom nang inom habang nagkekwentuhan. 


"Nakilala ko si Eli dahil may common friends kami once sa party. Artista tsaka player kasi ng DLSU 'yon tapos finollow na niya ako sa Instagram," kwento ni Arkin kay Sevi. "Bakit? Selos ka?" 


"Ulol, mas pogi ako sa 'yo," sabi naman ni Sevi at uminom sa beer. 


"Asa ka, pare, tsaka-" Napatigil si Arkin sa pagsasalita nang may makitang babaeng umakyat din dito sa roofdeck bar. Napalingon din tuloy ako at napakunot ang noo dahil parang nakilala ko iyong babae.


Nakasuot siya ng sleeveless top, cardigan, pants, at heels, tapos naka-cap at facemask din. Nakumpirma ko lang dahil sa reaksyon ni Arkin. 


"Clea?" nagtatakang tanong niya. 


"Omg, Zorel!" Tumayo kaagad si Sam at lalapit na sana pero napatigil din nang biglang hatakin ni Clea si Adonis sa collar ng shirt nito. Nakikipag-usap kasi si Adi roon sa isang babae at nagtatawanan pa. "Oh my..." Napatakip si Sam sa bibig niya. 


"Dude, what the hell?" rinig kong sabi ni Adi nang hatakin siya ni Clea paalis. "Kalix, help!" 


Tinaas lang ni Kalix ang kamay niya para sabihing wala siyang pakialam bago sumimsim doon sa baso ng alak. Tumawa lang si Leo at tinulak pa si Adi paalis. 


Saktong naiihi pa ako at hindi ko na talaga kaya. Tumayo ako at nagpaalam kay Arkin na pupunta muna akong C.R. Pagkatapos ko sa cubicle ay lalabas na sana ako kaso hindi ko inaasahang nasa labas din pala si Clea! 


"Why did you send me that message?" rinig ko ang inis sa boses ni Clea. 


"What message?" Nagtago ako sa pader nang marinig din ang boses ni Adi. Hindi ko alam kung paano ako lalabas ng CR! 


"You rejected me again through text! I told you to come talk to me in person! That news... That was nothing, I swear," rinig ko ang pag-papanic sa boses ni Clea. "Adi-"


"I don't like you, Zo." Napatakip ako sa bibig ko nang marinig iyon. "And I definitely don't want to be in your spotlight too so just leave me alone. Are we done here?"

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro