"Kaya nga ako narito para samahan ka, hindi ba? Ano pa bang gusto mo? Ginagawa ko naman lahat para sa 'yo!"
Matalim kong tinignan si Arkin nang tumaas ang boses niya sa akin. "At sapat ba 'yon?" tanong ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin at nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang arm rest ng inuupuan ko.
"Sabihin mo kung ano ang gusto mo para alam ko. Hindi kita kayang basahin... Ang lalim. Masyado kang malalim para sa akin," bulong niya at nilapit ang mukha niya. "Kaya parang awa mo na..."
Nahugot ko ang hininga ko habang tinititigan ang mga mata niya. Pinanood ko kung paano bumaba ang tingin niya sa mga labi ko bago niya hinawakan ang mukha ko at hinalikan. Napapikit ako nang maramdaman ang malambot niyang labi bago ako natauhan at tinulak ang dibdib niya nang mahina.
"Wala naman 'yan sa script, ha!" reklamo ko sa kaniya at tinaas ang papel na binabasa namin. Pinapractice niya kasi ang mga lines niya sa akin.
"Wala, gusto lang kitang halikan. Ang cute mo." Tumawa siya at siniksik ang sarili niya sa tabi ko kahit isa lang naman ang kasya sa upuan. Hinampas ko ang braso niya nang itayo niya ako gamit ang pagtulak sa baywang ko bago niya ako pinaupo ulit sa mga binti niya.
Pinalupot niya ang braso sa akin at sinandal ang likod ko sa dibdib niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang dalawang binti ko at nilagay iyon sa gilid niya para nakasabit iyon sa may arm rest at nakalutang ang mga paa ko sa gilid. Para naman akong baby rito sa posisyon namin!
"Okay na 'yon." Sinandal niya ang mukha niya sa leeg ko. Tumindig ang balahibo ko nang maramdaman ang paghinga niya roon habang nakapikit. Galing siya sa photoshoot sa malayong lugar kaya naman pagod na pagod siya ngayon.
"Matulog ka na," sabi ko sa kaniya. Narito kami sa condo niya dahil weekend naman. Tuwing weekdays ay umuuwi ako sa amin dahil may mga plates pa ako, pero kapag weekend ay pumupunta ako rito, lalo na kapag free siya at wala masyadong schedule. Bihira kasi siya magka-schedule ng Sunday unless kailangang kailangan talaga dahil rest day niya iyon.
"Let's stay like this for a while," bulong niya ulit at pinatakan ng halik ang leeg ko bago sinandal ulit ang ulo niya.
Yumakap ako sa leeg niya at marahang hinaplos ang buhok niya para makapag-relax siya. He sighed so I flinched a bit because I felt his hot breath on the sensitive part of my neck. Napansin niya ata 'yon dahil kumunot ang noo niya at tinignan ako saglit.
"Magkano talent fee mo?" tanong ko sa kaniya bigla. Naalala ko lang na may event ang buong Archi at gusto nilang magpa-mini concert. Nahihirapan kasi silang humanap ng artist ngayon at akala ata nila ay close kami ni Luna kay Arkin dahil close kami sa admins kaya may 'connections' daw kami. Nasaktuhan pang napasama ako sa partnerships pool dahil sa org kaya kami ang kumokontak ng artists.
"Para saan?" Tumaas ang isang kilay niya. His voice was low and hoarse because he was sleepy and tired.
"May event 'yong Archi... Org ko 'yong nag-hahandle. Iniisip ko lang kung kaya ka i-hire sa budget since marami kang fans doon," sabi ko naman. "Pero hindi naman 'to malaking event katulad ng Paskuhan kaya okay lang din na huwag na. Tinatanong ko lang..."
Tumawa siya nang mapagtantong binawi ko lang din ang sinabi ko. Sinandal niya pa ang noo niya sa balikat ko habang tumatawa para itago ang mukha niya. Tinatawanan ako?! Bakit?! Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko?
"You're so cute." Hinalikan niya ang pisngi ko at sunod ang labi ko. "Kakausapin ko manager ko. I can do it for free."
"Huh?! Huwag naman free! Baka magtaka naman ang org namin kung bakit free!" reklamo ko agad sa kaniya.
"Hindi kakayanin ng budget n'yo ang fee ko, Via..." Pinisil niya ulit ang pisngi ko. "Just say that I'm doing you or Luna a favor. Dalawang kanta. Okay na ba 'yon para hindi ka ma-guilty?"
"T-titignan ko..." Sasabihin ko pa kasi 'yon sa org namin at depende na rin sa programs pero for sure naman ay papayag sila kahit nga isang kanta lang ni Arkin dahil bigatin na siya! Kahit presensya niya nga lang ay okay na sa kanila.
Impit akong napasigaw nang tumayo siya, buhat-buhat pa rin ako sa ganoong posisyon at naglakad papunta sa kama. Binaba niya ako roon at pumasok na siya sa banyo para maghilamos ulit. Kanina pa kasi ako tapos sa night routine ko at hinintay ko lang talaga siyang makauwi. Kinabahan kaagad ako dahil matutulog na naman kami sa iisang kama!
Nakakatawa dahil noon naman ay wala kaming pakialam kahit matulog kaming magkatabi. Madalas nga iyon noong bata kami pero ngayon... kinakabahan talaga ako. Paano, naririnig ko kina Luna ang mga storya nila kapag nakakatabi nila ang jowa nila. Ganoon ba 'yon?! Wala pa naman akong kaalam-alam! Dapat ko bang tanungin si Yanna tungkol dito?
Pumikit na lang ako at niyakap ang unan hanggang sa matapos na si Arkin maghilamos. Humiga na siya sa tabi ko, amoy ko pa ang sabon at mouthwash sa kaniya. Dahan-dahan niyang tinanggal ang unan na yakap ko at lumapit sa akin para siya na ang yakapin ko. Akala yata niya ay tulog na ako.
"Ang bilis ng tibok ng puso mo, ha..." pansin niya kaya napadilat ako. Tumawa ulit siya nang lumayo ako sa kaniya at tumalikod. Lumapit tuloy siya at nilagay ang braso sa bewang ko para mahatak ako palapit. Niyakap niya ako patalikod at sinandal ang baba sa tuktok ng ulo ko.
"May gagawin ka ba sa akin?" Kinakabahang tanong ko, nautal pa.
"Huh?" Naguluhan siya bigla kaya lumingon ako para makita ang itsura niya. Takang taka siya sa sinabi ko ngunit napaawang din ang labi nang mapagtanto ang ibig kong sabihin. "Grabe, babe, ganiyan na ba ang tingin mo sa akin?!"
"Nagtatanong lang! S-sabihan mo ako kapag oo p-para handa ako..." Pakiramdam ko pulang pula na ang pisngi ko. Umiwas pa ako ng tingin at napakagat sa labi ko dahil sa sobrang hiya.
Mas lalong napakunot ang noo niya, hindi na maipinta ang mukha. Hindi niya alam kung matatawa siya sa akin o maiinsulto. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.
"Handa saan?" tanong niya ulit, salubong pa rin ang kilay. "Ano bang gagawin ko sa 'yo?"
"Alam mo na 'yon!" Tumalikod ulit ako sa kaniya, hindi na kaya ang kahihiyan sa pinag-uusapan namin ngayon. Bakit pa kailangan ko pang sabihin? Hindi ba na-gets na niya? "'Yong... Ganoon!"
"Sex?" bulong niya sa akin kaya napalayo kaagad ako at nahulog sa kama. Nagulat siya at sinilip ako sa sahig. "Okay ka lang?"
Agad akong tumayo at tumalikod sa kaniya, inaayos ang buhok ko. Hinatak ko rin pababa ang dolphin shorts na suot ko at inayos ang damit ko. Nawala ang poise ko roon! Umubo ako saglit bago humarap sa kaniya, pulang pula na ang pisngi. Nakadapa lang siya sa kama at nakasandal ang siko sa gilid.
"Oo!" nag-papanic na sagot ko. "'Yon! Sabihin mo kapag... Kapag... Ano... Hindi ako... handa..." Hindi ko na alam ang sasabihin ko! Kung saan-saan na ako tumitingin! "O-okay lang naman sa akin... Matagal ko na siyang pinag-isipan... Tsaka... Ano... Basta..."
Natigilan ako nang malakas siyang tumawa at napahiga pa sa kama, nakahawak sa tiyan. Sumimangot ako habang pinapanood ko siyang mamatay kakatawa roon. Bakit ba hindi niya ako seryosohin, ha?!
"Sorry, Via!" Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya dahil sa kakatawa. "Ang cute mo lang panoorin kaya natawa ako. Halika na rito..." Inabot niya ang kamay niya kaya dahan-dahan akong naglakad palapit.
Napasigaw ako nang hatakin niya ulit ako at pinaupo sa taas niya habang nakasandal ang likod niya sa headboard. Magkalapit na tuloy ang mukha namin habang nasa magkabilang side niya ang tuhod ko. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo, sinusubukang pigilan ang ngiti niya kaya nakakaasar siyang tignan.
"Hindi ako nagmamadali," mahinang sabi niya sa akin at hinalikan ang ilong ko.
Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya sa labi. Nagulat siya sa akin pero humawak din siya sa baywang ko at binalik ang halik ko. Mabagal lang iyon sa una hanggang sa humawak na siya sa likod ng ulo ko para madiinan ang halik sa akin. Naririnig ko pa ang tunog ng halikan naming dalawa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
He opened his mouth so I tried to mimic his moves. I pushed my tongue inside and he sucked on it until I couldn't breathe anymore. Mas lalo ko lang nahugot ang hininga ko nang maramdaman ang kamay niya sa may likod ko pababa sa may pwetan ko. Napakurap ako at napalayo sa kaniya saglit. Tinaas niya kaagad ang dalawa niyang kamay, tinatantya ang reaksyon ko.
"Okay... Uhm..." Gumalaw ako saglit para mapalapit sa kaniya ulit. He suddenly flinched like he was in pain so I got worried. Nagulat din ako nang may maramdaman ako sa gitna ng binti ko. "Larkin?" nagtatakang tanong ko.
"I know." Napabuntong-hininga siya at marahang tinulak ang balikat ko. "Matulog ka na," nahihirapang sabi niya.
"Pero..." Bumaba ang tingin ko, nanlalaki pa rin ang mga mata. Ano 'yon? Ganoon ba talaga 'yon? Parang ang weird naman. Wala naman akong naramdamang ganoon kanina, ha? Hindi ba naiipit 'yon sa boxers? "Hindi ba masakit?"
"Via..." He sighed heavily and tried to push me away again. "Sige na, matulog ka na."
Humiga na lang tuloy ako at tumalikod sa kaniya, iniisip pa rin iyon. Naramdaman kong nawala siya sa tabi ko kaya sinundan ko siya ng tingin. Lumabas siya ng kwarto at narinig ko ang pinto ng C.R sa labas. Napatakip ako sa bibig ko at pumikit nang mariin. Nahihiya ako sa nangyari!
Kinabukasan ay Sunday kaya naman nagising akong nasa tabi ko pa rin si Arkin. Nauna na akong tumayo para magluto ng breakfast. Balak ko sanang mag-jogging sa labas pero sabi ni Arkin ay sabay na kami mag-exercise mamaya. Palagi rin kasi siyang nag-woworkout kasama si Sevi. Ngayon, ako na raw muna ang kasama niya.
Light breakfast lang ang kinain ko. Mayamaya, nagising na rin naman si Kino kaya kumain na rin siya at sinabihan akong magbihis na dahil pupunta raw kami sa isang court. Nagsuot lang ako ng red dri-fit shirt, black athletic shorts, at rubber shoes. Ganoon din naman si Arkin pero white iyong sa kaniya na shirt.
Nag-drive siya papunta roon sa sports center na pupuntahan namin. Ang sabi niya, naroon daw ang iba niyang kaibigan sa UP noon at naroon din daw si Sevi at tsaka Yanna. Napagtanto ko lang kung ano ang gagawin namin nang pumasok kami sa isang covered hall na may volleyball court sa loob. Ang mga kaibigan niya lang ang tao.
"Oh, bakit nandito ka?" tanong ko kay Yanna na pawis na roon. Nag-warm up ata sila habang hinihintay kami. Si Arkin naman ay busy makipag-usap sa college friends niya.
"Exercise habang nag-bebreakfast date si Sam at Avi," sagot niya sa akin. Naroon din pala si Theo, kasama nina Sevi. "Mag-gym sana ako kaso hinatak ako rito ni Sevirous."
"Tara!" Aya kaagad ni Arkin sa amin. Tumayo ako at naglakad palapit. "Si Via," pakilala niya sa mga kaibigan niya. Isa roon ay 'yong nakita ko sa UP last time. Ang sabi nila, kilala naman na raw nila ako dahil lagi akong kinekwento ni Kino sa kanila.
"Kay Via ako!" reklamo ni Arkin nang nagpipilian na kami ng team.
"Hindi, wala! Sa team ka namin!" Hinatak siya ni Sevi mula sa collar hanggang sa makapunta sila sa kabilang side ng court. Nakasimangot tuloy si Arkin habang nag-wawarm up. Tig-apat nga lang kami ng players dahil 8 lang kami pero okay lang dahil hindi naman daw seryoso ang laro. Exercise lang daw. Magkaka-team si Sevi, Arkin, Theo, at 'yong isa pang taga-UP. Kami naman ni Yanna at tsaka dalawang tropa ni Arkin sa kabilang team.
"Easy lang, ha!" Tinuro ako ni Sevi dahil ako ang unang mag-seserve.
Matagal na rin akong hindi nag-vovolleyball kaya wala naman akong ine-expect sa sarili ko. Huwag din naman daw seryosohin kaya sinubukan kong huwag talaga. Hinagis ko ang bola at naglakad palapit bago tumalon at hinampas iyon.
"Arkin!" sigaw ni Sevi dahil si Kino ang mag-rereceive pero natulala lang siya roon at nilagay ang dalawang kamay sa harapan para protektahan ang sarili niya. Natamaan pa rin naman siya sa ulo.
"Ouch!" reklamo niya. Agad akong tumakbo palapit at dumaan sa ilalim ng net para tignan ang ulo niya dahil napalakas yata ang hampas ko. "Teka, nahihilo ako!" Tinaas niya ang isa niyang kamay.
"Hala, sorry... Okay ka lang?" Hinawakan ko ang mukha niya at tinaas din ang buhok niya para makita ang noo niya. Tumingin siya sa akin at ngumuso, nagpapaawa. "I'm sorry..." Hinalikan ko ang noo niya.
"Putang ina naman," reklamo ni Yanna. "Via, bumalik ka nga rito!"
"Anak ng," sabi rin ni Sevi at hinatak si Arkin palayo sa akin. "Arte mo, oy! Hindi naman ganoon kalakas!" Nagtawanan din ang mga kaibigan ni Kino at kinantyawan siya.
Tumakbo na kaagad ako pabalik sa side namin para ipagpatuloy ang laro. Nagulat ako nang mag-spike bigla si Sevi sa kalagitnaan at hindi ko na-receive. Sinamaan ko siya ng tingin dahil ngumisi siya nang mayabang sa akin.
"Sporty," pagmamalaki niya at nag-flex pa ng biceps niya. Tinapik niya 'yon, nagyayabang. "Feeling ko 'yong panganay ko, mahusay na volleyball player! Sa galing kong 'to?!"
"Magpakasal ka muna, tanga!" ganti ni Arkin sa kaniya. "Buti pa ako, kasal na! Highschool pa!"
Napailing na lang ako at sinabing ituloy na ang laro. Ang daming commercial ng mga 'yon. Bawat bagsak ng bola ay marami pang sinasabi kaya tuloy ang tagal namin naglaro.
"Ang pangit ng serve mo, Kino. Hindi ka na nahiya kay Via!" sabi naman ni Theo.
"Mas pangit ka, Lavin," ganti ni Kino.
Lumagpas ng net pero kaunti lang kaya kinailangan kong tumakbo paharap para ma-receive 'yon. Napadapa tuloy ako pero at least napataas ko ang bola at nahampas naman ni Yanna.
"Via!" Tumakbo sa akin si Kino at tinulungan akong makatayo. "Nasugatan ka ba?" Tinignan niya kaagad ang siko ko dahil wala naman akong suot na elbow support.
"Hoy, pangit mo talaga kalaro. Imbis na i-receive 'yong bola, tumakbo sa kalaban?!" sigaw na naman ni Sevi sa kaniya. Sinundo tuloy siya sa side namin at hinatak ulit sa collar pabalik sa kanila.
"'Yan, pinaghiwalay n'yo pa kasi," sabi naman ni Yanna. "Magnet 'yan. Tanga ka ba?"
Nanalo pa rin naman ang side namin dahil ang lakas din palang humampas ni Yanna. Paano, tinatarget niya si Sevi kaya may motivation siya. Mayamaya, naggantihan na silang dalawa. Umupo ako sa bench at uminom ng tubig habang pinupunasan ni Arkin ang likod ko gamit ang towel.
"Sasama muna ako kay Yanna," paalam ko sa kaniya. "Kakain kami ng lunch."
Tumango siya sa akin at sinabing magkita na lang kami pagkatapos dahil kakain din sila sa labas ng dati niyang classmates at nina Sevi at Theo. Nagbihis na muna ako ng panibagong shirt bago kami lumabas ni Yanna at naglakad sa malapit na fast food chain.
"So anong itatanong mo sa 'kin at inaya mo pa 'ko rito?" tanong niya sabay kagat sa burger na inorder niya. Uminom muna ako ng iced tea habang kumukuha ng lakas ng loob.
"Kasi... Ano... Gusto ko lang itanong kung..." Huminga ako nang malalim. Naghihintay naman si Yanna ng sasabihin ko. "...kung paano 'yon ginagawa?"
Kahit hindi ko sabihin ay nakuha niya kaagad ang gusto kong iparating. Muntik na siyang mabilaukan sa kinakain niya kaya napainom siya ng tubig, hinahampas pa ang dibdib niya. Napakagat ako sa labi ko at umiwas ng tingin, nahihiya, pero siya lang ang kaya kong tanungin.
"Pucha, ang weird pala kapag dalawang kaibigan mo 'yong gagawa noon. Hindi ko maisip." Kinilabutan siya bigla at umiling. "Paano ko ba 'to ipapaliwanag... Uh... Nasubukan mo na bang manood o wala ka talagang idea?"
Umiling ako. "Wala, eh..."
Napasapo siya sa noo niya at lumapit sa akin para hindi marinig ng iba ang pinag-uusapan naming dalawa. Dito pa talaga kami nag-usap tungkol sa ganitong topic!
"Hanggang saan na kayo?" Kinwento ko sa kaniya iyong nangyari kagabi. "Huh?! Tapos natulog ka lang?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Ganito, Via... Makinig ka sa akin, ha. Huwag mong hayaan na si Arkin lang ang mag-cocontrol dahil wala rin namang experience 'yon. Sigurado ako. Kaya..."
Nakinig lang ako sa mga sinasabi niya kahit hindi ko gaanong nakukuha. Tama bang desisyon 'to?! Parang hindi ko kayang gawin lahat ng sinasabi ni Yanna! Sinendan niya pa ako ng mga link at sinabing tignan ko raw roon na parang nag-aaral lang ng lesson! Hiyang hiya akong napasapo sa noo ko habang nagkekwento siya.
"Sa sobrang galing ni Hiro, grabe, may Avi na tuloy ako," bulong niya pa sa akin.
"Yanna!" Napatakip ako sa tainga ko kaya natawa siya nang malakas. Ang hilig nito sa mga ganoong biro!
Umuwi na rin kami ni Yanna pagkatapos namin kumain dahil hinihintay na rin siya ni Avrielle sa condo ni Sam. Pagkarating namin doon ay naroon pa rin si Sam, nagtutupi ng mga damit. Binuhat ko kaagad si Avrielle at niyakap habang naka-cling siya sa leeg ko.
"How are you, Via?" tanong kaagad ni Sam at ngumiti sa akin.
"Okay lang. Kumusta ka?" tanong ko rin sa kaniya pero tumango lang siya at sinabing okay naman siya. Nakakandong si Avi sa akin habang naglalaro siya noong mga shapes na iba't ibang kulay. "Sam... Gaano kadalas n'yong... Ano..."
Napatingin silang dalawa sa akin, nagtataka. "What?" Hindi nakuha ni Sam ang tanong ko. Kailangan ko pa bang sabihin out loud? Nakakahiya naman!
"Gaano kadalas n'yo raw gawin 'yon ni Clyden?" Si Yanna na ang nagtanong para sa akin! Nahiya ako at nilaro ang daliri ko habang hinihintay ang sagot niya.
"H-huh?!" Namula kaagad si Samantha, hindi inaasahan ang tanong ko. Umiwas siya ng tingin at napatakip sa bibig, nag-iisip. "Well... When we weren't that busy, we used to do it... Uh... Around five times a week... At least."
"At least," ulit ni Yanna at tumawa.
"Ang... Ang dami naman," bulong ko, na-ooverwhelm sa lahat ng nalalaman ko ngayon. Hindi naman kasi ako interesado sa mga ganito noon kaya hinahayaan ko lang sila mag-usap.
Sinundo na rin ako ni Kino pagkatapos kaya hinatid na niya ako sa bahay. Bumaba siya saglit para batiin si Papa at makipaglaro muna sa mga kapatid ko. Umakyat naman kaagad ako para tapusin na ang plates na iniwan ko noong Friday. Kaunti na lang naman ang gagawin. Final touch na lang at marami pa akong oras. Sumunod naman si Arkin sa akin paakyat sa kwarto para tignan kung ano ang ginagawa ko.
Umupo siya sa kama ko at kinuha ang gitara ni Mama sa gilid para tumugtog dahil wala siyang magawa. "Behind the cameras, I see you... You know it's always you and me... And no one else will ever be the leading lady in this story..." pagkanta niya.
"Bago mong kanta?" tanong ko sa kaniya habang gumagawa ng plates sa desk.
"Oo, may sinusulat akong bago," sagot niya at binaba ang gitara sa gilid. "Tapos ka na ba? I want a hug."
Inalis ko na lahat ng kalat at niligpit bago ko tinakpan ng plastic iyong gawa ko para hindi marumihan. Tumayo na ako pagkatapos at lumapit sa kaniya para yakapin siya habang nakaupo siya at nakatayo ako.
Hahalikan na sana niya ako kaso bigla siyang tinawag ni Papa sa baba kaya napatakbo siya paalis, nadapa-dapa pa sa hagdan. Natawa ako at humiga muna sa kama ko para magpahinga. Napagod ako sa volleyball kanina kaya nakaidlip tuloy ako.
"Mahal..."
Nagising ako nang marinig si Kino. Pagkadilat ko ay madilim na sa labas at nakasuot na siya ng apron sa harapan ko.
"May pagkain na. Tara na. Kumain ka na. Nagluto kami ni Papa," proud na sabi niya sa akin. Marahan niyang hinatak ang dalawa kong kamay para bumangon na ako.
Habang kumakain ay chinichika naman ni Mira si Arkin tungkol sa mga napapanood niya sa internet. Mabuti na lang talaga at hindi siya madaldal at napagsabihan na rin siya ni Papa na huwag ikekwento sa mga kaklase na close sila ni Kino. Ganoon din kina Ysha.
Umuwi rin nang maaga si Kino dahil may shooting pa siya bukas kaya nag-aral na lang ako pagkaalis niya. Kinabukasan, nagkaroon kami ng meeting para sa event ng Archi. Nanghingi sila ng updates tungkol sa mga artists na mag-peperform sa concert.
"Uh... May contact na ako kay Larkin Sanchez," sabi ko naman sa meeting. Napatingin silang lahat sa akin, gulat na gulat.
"Talaga?! Larkin Sanchez?! Seryoso ba?!" Napuno na ng hiyawan at katuwaan ang meeting room. Kinikilig pa ang iba at ang daming tinatanong gaya ng paano ko raw na-contact, kung pumayag na raw ba, at magkano.
"Okay lang daw ba kahit two songs lang? Kahit token of appreciation lang daw ang ibigay, okay na. Wala na raw fee dahil he's... He's doing someone a favor here," sabi ko. "Hindi ko alam kung sino."
"Kahit one song nga, okay na okay na! Grabe, Via! Hindi mo naman sinabing bigatin pala ang connections mo!" Tuwang tuwang sabi ng head namin. "Sige, ikaw na ang i-assign namin mag-asikaso kay Larkin, ha. Hala, excited na tuloy ako! Matutuwa sila, panigurado!"
Naging abala kami sa pagpaplano ng event dahil malapit na nga iyon. Abala rin naman si Kino buong week dahil sa shooting at promotions, pati ang recording ng kanta niya.
"Si Clea talaga at Arkin 'no? Balita ko ang sweet nila backstage! Nagtatrabaho kasi ang Tita ko as event organizer tapos sa isang show raw, todo alaga raw talaga si Arkin kay Clea kahit sa backstage," pagkekwento ng blockmate ko.
"Baka naman maalaga lang talaga si Arkin!" sabi naman ni Luna.
"Nakakakilig naman 'yon," sarkastikong sabi ni Kierra. "Malay n'yo hindi naman talaga sila."
"Huh?! Napanood n'yo ba ang interview?! Lowkey inamin ni Arkin na sila ni Clea! Teka, panoorin n'yo!"
Na-curious tuloy ako kaya lumapit din ako at nakisali sa circle nila roon. Nilapag ng blockmate ko ang phone niya sa may arm chair at nilakasan ang volume para marinig naming lahat. Pinatahimik pa ang lahat.
"So what is the real deal between you and Clea? For sure, marami nang curious dito," sabi ng interviewer.
Ngumiti lang si Kino, hindi nakasagot kaagad. "I can say that our relationship is... very special to me and to her as well. We're really good partners and we work well together."
"So are you guys official already?" tanong ulit ng nag-iinterview.
"You should ask Clea instead. She has the answer." Kumindat si Kino bago umalis dahil inalalayan na siya paalis ng manager niya.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko roon, lalo na't noong gabi bago ang mini concert ay nag-post si Clea ng picture nila ni Arkin. Nakalagay ang kamay ni Arkin sa baywang niya at ganoon din siya. Nakasandal ang ulo ni Clea sa dibdib ni Arkin at nakatingin sa mukha nito habang si Arkin ay nakangiti sa camera.
cleazorel: Always.
Matagal akong nakatitig sa picture hanggang sa hindi ko na kinaya at pinatay ang cellphone ko. Napatulala ako sa kisame habang ang buong mundo ay kinikilig sa kanila. Was that the confirmation?
Alam ko naman na hindi sila pero alam ng lahat na... sila dahil sa isang post na 'yon. Alam ko ring nautusan lang sila ng management pero hindi ko maiwasang magselos. Napatakip ako sa mukha ko at nagpakawala ng mabibigat na hininga.
Kinabukasan ay maaga ang call time ng artists para makapag-rehearse sila bago sumabak mamaya. Sa isang floor sa QPAV iyon gaganapin. Hindi maganda ang gising ko dahil bumungad sa akin ang sunod-sunod na news na official na raw ang ArClea kahit wala pa namang totoong nanggagaling sa dalawa. Hinahayaan lang nila isipin ng mga tao 'yon para mapag-usapan sila, lalo na't ipapalabas na ang pilot episode ng shinoshoot nila ngayon.
Maagang dumating si Larkin at sinundo naman siya ng dalawang ka-org ko. Hindi naman siya kapansin-pansin pa dahil naka-casual clothes lang, cap, at facemask. Pagkarating niya sa backstage ay halos mahimatay na ang ibang orgmates ko sa presensya niya. Binati niya kaagad ang lahat habang ako ay abalang nag-aayos ng microphone sa gilid.
"This is Via, the one who contacted you. She will guide you through the rehearsals." Nanginginig pa ang boses ng orgmate ko. "Thank you so much, Arkin, for lending us some time! Thank you, thank you! Hindi pa rin ako makapaniwala!"
Ngumiti lang si Arkin sa kaniya bago lumapit sa gilid ko. Tinesting ko ulit ang microphone at hindi siya pinansin. Nang mapansing okay naman na ay inabot ko lang sa kaniya 'yon at lumabas sa stage para sumunod siya sa akin.
"Ilabas mo na gitara mo para makabit na namin," malamig na sabi ko sa kaniya.
Nilapag niya ang case ng gitara niya sa gilid at kinabit iyon. Dumating na rin kaagad ang bandang tutugtog para sa kaniya. Separate sila pero magkakilala na sila dati pa kaya kumportable si Kino sa kanila.
Nag-rehearse lang sila ng isang kanta bago bumalik sa backstage para makapag-prepare sa concert. Sunod nag-rehearse sa kanila ang ibang artists na kinuha namin. Nagbihis lang si Arkin ng button-down polo na naka-tuck in sa pants niya na may belt.
"Alisin mo 'yan," sabi ko nang mapadaan siya sa gilid ko. Tumingin siya sa friendship bracelet na tinitignan ko. Kapag may shoot siya ay hindi naman niya suot 'yon. Bakit sinuot niya ngayon?
Bumuntong-hininga siya at tinanggal. Nilagay niya iyon sa case ng gitara niya bago hinawakan ang braso ko. Tumingin ako sa paligid at nakitang abala naman ang lahat.
"I'm sorry," bulong niya sa akin. "Hindi ko alam na ipopost niya na 'yon kagabi. Sasabihin ko sana sa 'yo pagkatapos nito..."
Tinanggal ko ang hawak niya sa braso ko at umalis na para mag-prepare ulit sa event dahil pumapasok na ang mga tao. Hindi tuloy ako nakapag-focus noong nagsimula na at nag-perform muna ang small artists. Maraming dumalo dahil kumalat ang balitang narito raw si Arkin.
Lumabas muna ako saglit para bumili ng tubig at bumalik para ipamigay 'yon. Nang iabot ko kay Arkin ang sa kaniya ay hinawakan niya pa ang kamay ko pero tinanggal ko rin kaagad at umalis. Hindi ko siya pinansin hanggang sa sila na ang mag-peperform.
Sobrang lakas ng sigawan at nabingi saglit ang tainga ko, lalo na noong nag-mic test si Larkin at narinig ng lahat ang boses niya. Nagsimula nang tumugtog ang banda niya at nahimigan ko kaagad kung ano ang unang kanta. Ikaw Lamang ng Silent Sanctuary.
"'Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso.. tuwing magkahawak ang ating kamay... Pinapanalangin lagi tayong magkasama. Hinihiling bawat oras kapiling ka..." Nagsigawan silang lahat, lalo na noong tumugtog na ang ibang instruments at siya naman sa gitara. "Sa lahat ng aking ginagawa... Ikaw lamang ang nasa isip ko, sinta. Sana'y 'di na tayo magkahiwalay kahit kailan pa man..."
Lumabas muna ako at sumama kina Luna sa may harapan. Siniko naman kaagad ako ni Kierra at tinuro si Arkin, nang-aasar. Umiling ako at sinabing magkagalit kami ngayon kaya inasar-asar ako lalo ni Luna.
Pagkatingin ko sa harapan ay sa akin na nakatingin si Kino habang tumutugtog ng gitara. "Ikaw lamang ang aking minamahal... Ikaw lamang ang tangi kong inaasam. Makapiling ka habambuhay, ikaw lamang, sinta. Wala na 'kong hihingin pa... Wala na..." Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin.
Paminsan-minsan ay bumababa ang tingin niya sa gitara dahil tumutugtog siya pero kadalasan, kapag kakanta na ay titingin ulit siya sa akin na para bang hinahanap talaga ako ng mga mata niya hanggang sa matapos ang unang kanta.
"How are you guys?" tanong niya habang naghahanda ang banda sa susunod na kanta. Naghiyawan naman kaagad ang mga tao! Ang dami na nila kaya kinailangan na naming isara ang pinto at hindi na magpapasok. Napupuno na kasi. "I hope all of you are okay, especially with your loved ones." Nagsigawan sila lalo.
"Hoy." Napalingon ako bigla kay Dan na kinalabit ako. "Bakit narito ka? Hindi ka ba kailangan sa backstage?"
"May ibang staff naman doon," sabi ko sa kaniya at siniko siya paalis sa tabi ko. Napasimangot ako nang inakbay niya pa sa akin ang braso niya at nagpabigat. "Susuntukin kita."
"Ang init ng ulo!" Tumawa siya at inalis ang akbay niya. Napatingin ako sa stage at nakitang nakaiwas na ng tingin si Arkin sa amin. Nakita niya kaya 'yon?
"Sana hindi kayo magkaaway ng mga mahal n'yo... Ipanalangin na lang natin 'yan. Let's go." Tumugtog na ang banda niya. "Panalangin ko sa habang buhay... Makapiling ka, makasama ka, 'yan ang panalangin ko..." mabagal na pagkanta niya.
"Ang ganda ng boses," puri naman ni Dan. "Ganito pala hitsura niya malapitan, 'no? Pogi, ah!"
"Buti alam mo," sabi ko sa kaniya.
"Familiar," mahinang sabi niya ulit. Kinabahan kaagad ako at napalingon sa kaniya. Tumingin lang din siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "May kamukha siyang artista noon... Nag-commercial ba siya dati?"
Nakahinga ako nang maluwag at tinuon ulit ang atensyon sa harapan. "Wala nang iba pang mas mahalaga sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa. At sana nama'y makikinig ka... kapag aking sasabihing minamahal kita..." Nakatingin sa gawi namin si Arkin, masama na ang timpla at hindi na nakangiti.
Lumayo na tuloy ako kay Dan at bumalik na sa backstage. Last song na 'yon ni Arkin kaya nakabalik kaagad siya. Nagpasalamat siya sa lahat at niligpit ang gamit niya. Hindi siya nagdala ng assistant ngayon at buti pinayagan siya ng manager niya? Hindi naman siya masyadong nag-ayos ng itsura. Hindi na niya kailangan.
May guards na umalalay sa kaniya papunta sa parking. Hindi pa ako pwedeng umalis dahil hindi pa tapos ang event kaya hindi ko alam kung nauna na siya. Tumulong pa ako magligpit.
"Saan 'to dadalhin? Sa building natin?" Sumunod si Dan sa akin, dala-dala iyong boxes. Mabigat kasi kaya sinamahan niya na ako. Sina Luna ay abala namang naglilinis doon sa loob. Tumango na lang ako sa kaniya at naglakad, iniisip pa rin si Kino. Nauna na kaya siya? "Ako na magbuhat niyan."
Binaba muna ni Dan ang box na dala niya at kinuha ang box na hawak ko para ipatong 'yon doon. Napatingin ako sa namumula kong palapulsuhan dahil sa pagbubuhat. Tumingin din tuloy siya roon at hinawakan ang isa kong kamay para makita.
"Pulang-pula-" Nanlaki ang mga mata ko nang matigilan siya dahil may humawak ng isa kong kamay at hinatak ako paalis. "Via!" tawag ulit ni Dan pero ang bilis na maglakad ni Kino!
Naka-jacket na siya ngayon at facemask, hatak-hatak ako hanggang sa makarating kami sa parking lot. Binuksan niya kaagad ang pinto ng sasakyan niya para papasukin ako sa loob. Sumakay na lang ako at sumakay naman siya sa driver's seat.
"Ano?! Masakit ba makita?! Nagseselos ka?!" galit na tanong ko sa kaniya. "Buti naman para alam mo ang nararamdaman ko! Mas malala pa riyan!"
"Avianna..." mahinang sabi niya.
"Hindi mo 'ko pwedeng hatak-hatakin lang nang ganoon sa harapan ng blockmate ko! Paano kapag may nakakilala sa 'yo, ha?! Hindi ka nag-iingat!" sigaw ko ulit sa kaniya. "Ginagawa mo lang kasi ang gusto mo! Hindi mo ako iniisip! Hindi mo iniisip ang nararamdaman... ko..." Humina ang boses ko para pigilan ang luha ko.
Natahimik din siya at hinawakan ang kamay ko. "Hindi ako galit," sabi niya sa akin. "And I'm sorry... about the news."
"Kayo na?" tanong ko sa kaniya. Napaawang ang labi niya at yumuko para bumuntong-hininga. Napakagat ako sa labi ko at umiwas ng tingin, pinipigilan ang luha ko. "Sasabihin n'yo... sa lahat ng tao... na may relasyon kayo?"
"Kailangan..." mahinang sabi niya at napahawak sa ulo. "Kailangan, Via..."
Alam ko kung ano ang pinasok ko. Alam kong makakarating kami sa ganito, pero hindi ko inaasahang ngayon na. Hindi ko inaasahang mangyayari nga. Hindi ako handang magmukhang mang-aagaw sa mata ng ibang tao. Paano na ako? Pero... Paano siya?
"Hindi ko alam na kagabi nila binalak gawin 'yon," pagpapaliwanag niya sa akin. "Pero iyon ang utos ng management. Wala akong... magagawa."
Tumango na lang ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. Ano bang choice ko? Nangako akong susuportahan ko siya sa lahat.
So sila na? Magbabakasyon sila... Magkakasama sila outside shoot... Magde-date sila... Long drives... Holding hands... Hugs... Kisses? Lahat ng ginagawa namin... gagawin din nila? Ganoon ba?
"Gustong-gusto kitang suportahan..." Napatakip ako sa bibig ko at nagpakawala ng hikbi. "Kahit ikakasira ko, Arkin. Kahit masira ako... Kasi mahal kita."
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro