to a phoenix, from her wings...
Ria's POV
Napangiti ako habang minamasdan ang sarili ko sa salamin. Bahagya akong umikot para muling tignan ang suot kong gown.
It didn't have sleeves. The top was white, and it shined like silk along with the golden details. While the long skirt was made out of different layers of fabric, and the color red beautifully draped its ends.
It fit me perfectly.
My red hair was tied in an elegant ponytail, and on top of my head, lay a gold wreath with a faded gold veil flowing from behind.
Nabaling ang aking atensyon sa grupo ng mga babaeng kapapasok lang ng kwarto at agarang napatigil pagkatapos akong makita.
Humarap ako sa kanila nang nakaangat ang kilay. "What?"
"Ang..." ani Cesia nang naluluha ang mga mata. "Ang ganda-"
Nagulat kami nang biglang humagulgol ng iyak sina Art at Thea, dahilan na pasadahan ko ng naiiritang tingin silang dalawa.
"It's the third time you cried since this morning," paalala ko sa kanila.
"Tangina- akala ko nga tapos na akong umiyak, eh!" sigaw ni Thea sabay yakap kay Matilda na nakatayo sa tabi niya.
Inabutan naman ni Kaye si Art ng panyo nang nakailang hikbi na ito.
Napansin ko si Cesia na huminga nang malalim.
"You too, Cesia." I gave her a warning look. "Don't even think about letting go of those tears."
Namuo ang isang malambot na ngiti sa kanyang labi bago siya umiling.
Ilang sandali pa'y natagpuan ko ang aking sarili na nakangiti rin sa kanya. Bahagya kong ipiniling patagilid ang aking ulo. "You know I cry every time you do, at ayokong masira ang make-up ko."
"Mmm." Tumango siya. "Mamaya nalang."
Naunang lumapit si Kara sa'kin. "Ria," sambit niya. "You look beautiful."
"I know," I replied, causing her to break a smile.
At saka ko lang napansin ang pulang box na bitbit niya nang ibigay niya sa'kin ito. "From your groom."
"Huh." Tinanggap ko ito. "I kept on telling that idiot not to give me anything. He just doesn't listen, does he?"
Kara chuckled. "That's Chase for you."
Upon opening the box, I found a golden feather lying on top of the white cushion. It was made out of metal... and it resembled his weapon. But I know it wasn't his weapon, because it wasn't sharp.
Kumunot ang aking noo habang nakatingin dito, saka ko ito inilabas mula sa box.
Sinuri-suri ko ito nang bigla itong lumiwanag. Napaatras ako dahil unti-unti itong lumaki sa kamay ko at tuluyan na ngang nag-iba ang anyo.
My jaw immediately dropped after the feather transformed into a broadsword. It was gold, with a red handle. The cross-guard had the shape of two feathers pointing to opposite sides.
The blade also caught my eye, because there was something engraved along its edge.
I tilted my head to read the words written in cursive.
'to a warrior, from her sword... to a phoenix, from her wings... to Arianne, from Chastille...'
"Too cheesy," pabulong kong puna.
"Your new favorite weapon?" Narinig kong tanong ni Kara.
The corners of my lips slowly curved to form a subtle smile. Yes, it is.
Muli akong humarap sa kanya. "I don't know. I still have to test it out."
Naglaho na ang espada sa kamay ko nang maramdaman ko ang mabigat na presensya mula sa labas dahilan na mapalingon ako rito.
Palihim akong napasinghap pagkatapos makita kung sino ang nakatayo sa may pintuan.
I thought he wasn't coming?
"Don't get me wrong, Ria, I am still mad at your groom," nakasimangot niyang sabi. "Proposing without asking for my blessing."
Natawa ako nang marahan.
It's only been three weeks since the departing ceremony, because the very moment I returned, was the same moment Chase asked me to marry him, in front of our friends, family, and the whole school.
And I remember...
Napangiti ako pagkatapos makita silang napatayo.
'Hey, you.'
'Ria!' Napaatras si Art bago tumakbo patungo sa kinatatayuan ko para salubungin ako ng yakap.
'B-Bumalik ka...' umiiyak niyang tugon. 'Andito ka...'
Hinigpitan niya ang kanyang pagkakayapos sa'kin. 'R-Ria... akala ko-'
Namamasa ang balikat ko habang hinahagod ang likod niya. 'Don't worry, nandito na ako.'
Nginitian ko yung iba na napalapit din sa'kin.
Nang bitawan ako ni Art, ay saka ko napansin si Chase na siyang natirang nakatayo sa likod ng mesa. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatuon sa gawi ko.
I was about to walk towards him when he used his ability to appear in front of me.
Umangat-baba ang kanyang lalamunan nang makarating siya sa harap ko. Namamasa ang kanyang mga mata, nang dahan-dahan niyang inangat ang kanyang kamay at marahang hinawakan ang aking pisngi.
'Hindi ako nananaginip?' tanong niya, tila hindi pa rin makapaniwala. 'Hindi ka lang alaala?'
Hinawakan ko ang kamay niya, saka umiling.
He let out a sigh. 'Ria...'
Ilang segundo niya akong tinitigan bago muling magsalita. 'Huwag ka nang mawala ulit... pakiusap.'
Nag-abot ang aking kilay.
Pakiusap?
'Pakasalan mo na ako.'
Napatigil ako sa sinabi niya. Narinig ko rin ang pagsinghap ng iba na nakamasid sa'min.
'What the fu-'
'Marry me, Ria.'
Napaatras ako ng isang hakbang nang bigla siyang lumuhod sa harap ko.
'Chase-'
'Sigurado na ako,' aniya. 'Ikaw. Ikaw lang ang gusto kong makasama sa bawat habang-buhay.'
He pleaded with his eyes. He sounded desperate, and I started crying. I cried because I could hear the agony in his voice. I could hear his silent cries every night when he thought he lost me.
'Hinding-hindi na kita kayang pakawalan pa,' dagdag niya. 'Kaya maging akin ka na, Ria.'
'Ibibigay ko sa'yo lahat ng meron ako. Ilalaan ko bawat segundo ng buhay ko simula sa araw na'to para sa'yo, Ria, pakasalan mo lang ako.'
Napangiti ako, saka tumango. 'Mmm...' Walang tigil ang pagbagsak ng aking mga luha. 'I will marry you, Chase.'
"Kasasabi mo lang na hindi ka iiyak dahil baka masira yung make-up mo."
Namalayan ko si Cesia na nakatayo na pala sa harap ko. May dala siyang bouquet.
"I-I'm sorry..." Naiiyak kong sabi.
Inabot niya sa'kin ito. "Sobrang saya ko para sa'yo..."
'Walang may gustong kaibiganin ako, eh. Madali raw kasi akong magalit. Buti nalang nandito ka kasi nililibre mo lang ako ng ice cream, eh, hindi mo ako inaaway katulad nung iba. Hindi mo'ko iniiwan.'
'Sus! Di ka lang nila kilala!'
I chuckled. "Do you remember that one time I punched a girl in the face because she pushed you? Sa playground?"
Humalakhak din siya. "Oo. Bakit ba?"
'Ikaw nalang best friend ko. You want? Para lagi tayong magkasama. Close din naman tita mo at mama ko, eh!'
'Best friend?'
'Mmm! Ito oh. Pinky swear, na kapag may aaway sa'yo, aawayin ko rin. Sobrang bait mo kasi, eh, kaya ako nalang, Abby. Ako nalang magiging sandata mo. Like back-up! Ako ang aatake para sa'yo-'
'Arianne naman eh! Ayoko ng gulo!'
'Hehehe... sorry. Ano bang gusto mo? Maging shield mo na lang ako?'
'Kaya mo bang ipagtanggol ako nang hindi manakit sa nananakit sa'kin?'
'....hindi.'
'Eh di okay na 'yun. Basta wag mo lang sobrahan. Pinky swear?'
"Wala lang." Nginitian ko si Cesia. "I just... remembered."
Napayuko ako sa bouquet na hawak-hawak ko. Pamilyar ang mga bulaklak, at kumikinang ang mga ito sa tuwing iginagalaw ko ang kamay ko.
"Bigay 'yan ng mga Hesperides," pagbibigay-alam niya. "Galing sa garden nila."
"Pretty." Inangat ko ang aking tingin sa kanya. "-like the daughter of Aphrodite."
She was the first one who truly knew me, and despite all my imperfections, she still chose to accept who I am.
She scoffed. "At nagawa mo pa talagang sabihin sa'kin 'yan sa araw ng kasal mo, kung kailan ikaw ang dapat pinakamaganda."
Little did she know... I wasn't only referring to her looks.
"There she is."
Nilingon ko si Mama na kararating lang. She held my shoulder and gave me a kiss on the cheek.
"Hi, Mom," bati ko sa kanya.
"Handa ka na ba?" nananabik niyang tanong, dahilan na ilibot ko ang aking paningin sa mga kasama namin.
Pagkatapos, ngumisi ako. "Handa na."
Chase's POV
Hindi pa ako handa.
Kinakabahan pa kasi ako! Putcha naman oh! Kanina pa nanginginig ang buong katawan ko habang nakatayo rito!
'Calm down, son. No groom is truly prepared for his wedding.'
Napatingin ako kay Hermes na nasa front row. Binigyan niya ako ng thumbs up. Napansin naman ito ni Mama na katabi niya kaya't dalawa na silang nag ta-thumbs up sa'kin.
"Go, anak!" pabulong na sigaw pa niya.
Huminga ako nang malalim, at nagbuga ng hangin. Inayos ko rin ang suit ko.
"You look nervous," puna ni Jonah na siyang master of ceremony na ibinigay ng Council of Elders para sa kasal namin.
Sa likod niya, nakatayo ang magkatabing istatwa nina Hera, ang goddess of marriage, at Hestia, ang goddess of home. Itinuturing din silang dalawa na goddesses of family.
"Before we start, demigod, I would like to say that it is indeed an honor to wed you and your wife-to-be." Binuklat niya ang libro na nasa kamay niya. "Mrs. Prince, huh?" aniya, nang nakatuon rito.
Napahinto naman ako nang marinig ang sinabi niya.
Hindi niya ako binabalingan ng tingin nang mamuo ang isang ngiti sa kanyang labi. "Arianne Lilah Prince..."
Arianne Lilah S. Prince...
Mabilis na naglaho ang kaba na nararamdaman ko. Kasabay nito ay ang pagliwanag ng aking mga mata.
Puta- ikasal niyo na kami!
"And... if it is okay to ask, why did you choose Arcadia?" tanong ni Jonah.
Natawa ako nang marahan nang maalala ang dahilan kung bakit dito sa Arcadia namin napiling magpakasal.
Inikot ko ang aking paningin.
Nasa pinakamalawak na garden kami ng Arcadia. Maaliwalas ang panahon, maamo ang ihip ng hangin, siguro dahil sa magkabilang panig ng hardin, nakahanay ang mga kahoy na nagsisilbing pader at yung mga sanga nito, nagmistulang kisame ng buong lugar. Nakatali rin sa mga sanga ang ginto at pulang ribbons na nakakabulag ang kinang kung titigan nang matagal dahil sinasalamin ng mga ito ang liwanag mula sa labas.
Pinalibutan kami ng mga halaman, mga bulaklak na iba't-ibang kulay...
Nakahati sa dalawang pangkat ang upuan ng mga bisita dahil sa gitna, naroon ang mahabang carpet na kulay pula at nagagayakan ng puting flower petals.
Napangiti ako, pero mabilis itong nabura pagkatapos magsimulang magpatugtog ng Arcadians gamit ang mga instrumento nila.
Yumuko ako, nanlalaki ang mga mata.
Takte, Chase. Kumalma kang gago ka.
Kinuyom ko ang aking palad nang magsimula na naman itong manginig.
Humugot ako ng malalim na hininga, at pinakawalan ito, bago ko dahan-dahang inangat ang aking tingin sa babaeng nasa kabilang dulo ng hardin.
Nakakapit ang isang kamay niya sa braso ni Ares samantalang nakahawak naman sa kabila niyang braso ang nanay niya.
Napalunok ako nang magkasalubong ang aming tingin.
Pinaningkitan niya ako dahilan na manumbalik ang ngiti sa labi ko.
Kumunot ang aking noo pagkatapos madatnan ang isang babae na nakatayo lang sa harap ng nakasaradong pinto ng dorm. Nakasuot siya ng uniform at may dala rin siyang knapsack.
'Chix?' bulong ko sa sarili.
Dumaan ang ilang segundo at nanatili pa rin siyang nakatitig sa katagang 'Alpha' kaya lumapit na ako sa kanya.
'Miss?'
Nilingon niya ako at binati ako ng isang simangot.
Napangiti naman ako. 'Ako hinahanap mo, 'no?'
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Pagkatapos, dumako ang mga mata ko sa pin na nakasabit sa vest niya.
Kaninong Olympian kaya siya?
'Hindi nga kita kilala.'
At saka, ako lang ba o namamaga yung mga mata niya?
'Kanina ka pa nakatayo diyan? Ayaw mong pumasok?' tanong ko.
Napabuntong-hininga siya. 'Tinapon ko yung susi.'
'Ba't mo naman tinapon?' usisa ko.
'Kasi ngayon ko lang nalaman yung tungkol sa papa ko.'
'Oh?' Umangat ang magkabilang kilay ko. 'Sinong tatay mo?'
'Papatayin ko pag magkikita kami,' sagot niya.
Lumapad ang aking ngiti dala ng pagkamangha.
Kakaiba rin to, ah.
Kinapa-kapa ko ang bulsa ko at binunot mula rito ang isang susi na agaran kong inabot sa kanya. 'Sa'yo na 'yan. May extra naman ako, eh.'
Tinitigan niya lang ito, kaya kinuha ko ang kamay niya at ipinatong ito sa palad niya.
'Huwag ka nang mahiya, baka bukas ibigay ko na rin sa'yo susi ng puso ko.' Humagikgik ako.
Pinasadahan niya ako ng naiiritang ngiti. 'Kung saksakin kita gamit 'to?'
'Tadtarin mo nalang ako ng pagmamahal-' Nanlaki ang mga mata ko nang iangat niya ang kanyang kamay para tuparin ang sinabi niya.
Ginamit ko ang ability ko at mabilis na lumipat ilang metro ang layo mula sa kanya.
Marahas niyang ibinaba ang bag niya at tumakbo sa direksyon ko. 'Bumalik ka rito!'
Bahagya kong itinagilid ang aking ulo habang minamasdan siya na naglalakad kasama ang mga magulang niya.
"Arianne..." mahina kong sambit.
Umiwas siya ng tingin. Kumurap-kurap siya para pigilan ang mga luha niyang nagbabantang makatakas.
Samantalang, marahan kong pinunasan ang isang luha na tumakbo sa pisngi ko.
Buwisit. Nagpustahan pa naman kami kung sino ang unang maluluha.
Mukhang mapapalibre ako ng isang daang gallon ng ice cream nito, ah.
Sumingkit ang mga mata ko nang magkaroon ako ng ideya.
Kung magpatayo nalang kaya ako ng ice cream factory para sa kanya?
Ilang sandali pa'y napatango-tango ako.
Sinundan ko sila ng tingin, hanggang sa makarating sila sa harap ko.
"Break her heart and you will never see daylight again," bulong sa'kin ni Ares nang bitawan siya ni Ria. "...bro."
Narinig ko rin ang mahinang hikbi ng nanay ni Ria pagkatapos nilang magyakapan. Tinanguan niya ako bago iwan si Ria sa tabi ko. Kasunod niyang itinulak si Ares na ayaw magpatinag sa kinatatayuan nito.
Napabuga ng hangin si Ria. "Gods."
Natawa ako nang mahina. Saka ko inangat ang aking kamay at inilagay sa likod ng kanyang tenga ang hibla ng buhok na nakatakip sa kanyang mata.
Napayuko siya, dulot siguro ng hiya, kaya marahan kong hinawakan ang baba niya at bahagya itong itinaas nang magtama ang tingin namin.
"Nagustuhan mo ba yung regalo ko?" Ibinaba ko na ang kamay ko.
Nginitian niya ako at tumango.
"Graced by the gods, blessed by life, bestowed with love..."
Nakatuon pa rin ako sa kanya kahit nang magsalita na si Jonah.
"Ladies and gentlemen, family and friends, we are gathered here today to witness and celebrate the union of Chastille and Arianne..."
Hindi ba talaga pwedeng halikan siya kahit di pa tapos yung ceremony?
Cesia's POV
"You may now kiss the bride."
Napatakip ako ng bibig hindi dahil naiiyak ako, kundi dahil kanina pa ako natatawa. Alam ko kasing kanina pa naiinip si Chase na tapusin yung ceremony.
Hinawakan ni Chase ang mukha ni Ria at hinalikan siya. Kasabay nito ay ang pagliwanag ng mga statues sa likod nila.
Hmm.
Yan ba yung sinasabi nilang blessing mula sa deities?
Napatingala ako nang magsimulang umulan ng mga bulaklak.
Napangiti ako at binalik ang aking atensyon kina Chase at Ria na kabibitaw lang mula sa isa't-isa.
Isinandal ko ang aking ulo sa katabi ko habang nakatuon sa dalawa.
"Cesia?" sambit niya sabay hawak sa aking likod. Marahan niya ring pinisil ang balikat ko.
Ramdam ko ang kasiyahan nila... at hindi ko na napigilang maiyak.
Humikbi ako. "O-Okay lang ako."
Hinagod-hagod niya ang balikat ko. "Mmm."
Tuluyan na nga akong napaiyak nang todo sa sandaling nagkasalubong ang tingin namin ni Kara. Namumula pa ang mukha niya bago niya napagdesisyunang pakawalan ang namumuong luha sa mga mata niya.
"T-Trev-" Suminghot ako.
"Here." Niyakap niya ako.
Ibinaon ko naman ang mukha ko sa dibdib niya at humagulgol ng iyak.
Tahimik lang siya habang pinapatahan ako.
Pero ramdam ko kaya yung nararamdaman niya! At luha niya 'tong iniiyak ko!
"Putangina ayoko na- aalis na ako. Didiretso na ako sa afterparty." Mangiyak-ngiyak na anunsyo ni Thea. "S-Sa'n ba yung party- Seht!" Hinahampas-hampas niya si Seht. "Seht! Sa'n yung afterparty?!"
"At Ariethrusa's place, I think..." mahinahong sagot ni Seht.
Pagkatapos ng ceremony, dumiretso na kami sa pinakamalaking templo ng Arcadia. Nakakapit ako sa braso ni Trev papunta roon, nang pumasok ang isang katanungan sa isip ko.
"Trev..." Nakasayad ang aking paningin sa mapuputing bato na dinadaanan namin habang naglalakad. "Ano yung niregalo mo kina Ria at Chase?"
Narinig ko siyang tumikhim bago sumagot. "A castle."
"Ah... castle-" Kusa akong napahinto. Saka ko inangat ang aking tingin sa kanya nang nanlalaki ang mga mata. "Ano?!"
"A castle," pag-uulit niya. "...in Scotland."
"Pfft-" Tatawa na sana ako, kaso nakita kong walang ipinagbago sa ekspresyon niya. Seryoso pa rin ito.
Napalunok ako. "S-Seryoso ka?"
Tinapik niya ang braso ko, senyas na magpatuloy kami sa paglalakad.
"Chase wanted a castle ever since we were young," pagbibigay-alam niya.
Nanghihina ang magkabilang tuhod ko habang naglalakad kasi... kasi seryoso siya. Isang palasyo ang binigay niya para sa dalawa, tapos ako...
Perfume lang?!
Kasi 'yon din yung unang binigay ni Ria sa'kin, eh! Naalala ko, pagkatapos ng claiming ceremony binilhan niya ako ng mamahaling perfume kaya...
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang naiiyak sa hiya.
"He was always frustrated, as to why his name means Castle, and his last name, Prince, when he doesn't have a castle," aniya. "So I gave him one."
Nanginginig ang isang sulok ng labi ko nang iangat ito.
Sana pala hindi nalang ako nagtanong...
Hindi na ako magtatanong-
"Cesia!" Lumapit si Thea sa'kin pagkarating namin sa malaking pintuan ng templo. "Ano yung niregalo mo?!"
"A-Ah..." Nag-aalangan akong sumagot. "W-Wala pa akong naiisip, eh-"
Napasinghap ako nang bigla niya akong hinatak dahilan na mabitawan ko si Trev na agad napasimangot.
Nakapamulsa siya at napabuntong-hininga bago ibaling ang kanyang atensyon kina Chase na pinalibutan siya.
Dinala ako ni Thea sa isang sulok ng templo.
"Cesia!" Nagpapadyak-padyak siya.
"Bakit?" Nag-aalala kong tugon.
"Mga plato at tasa lang binigay ko sa kanila! Tapos tinanong ko yung kambal kung ano yung gift nila, Cesia- dalawang kotse yung binigay nila!"
"Yung kay Dio, ano raw?" usisa ko.
"A stable of horses, a rest house, and its surrounding land."
Sabay kaming napalingon kay Kara na siyang sumagot.
"What are you two doing here?" nakakunot-noo niyang tanong.
Siniko ako ni Thea. "Isang buong hacienda ang niregalo ni Dio!" pabulong niyang sigaw. "Putangina-"
"What are you-" Sandaling natahimik si Kara, na para bang may nahinuha siya. "Are you worried about your gifts?"
"Kasi naman, eh!" reklamo ni Thea. "Ba't ganon?! Ba't ganon yung mga regalo niyo?!"
"Do you wanna know what I gave them?" ani Kara. "A book."
Napatigil kami ni Thea.
"A book about life after marriage, that I just bought from a bookstore," dagdag pa niya, at saka napabuntong-hininga. "How much you give does not matter, Thea, Cesia. If I know, the fact that you're here is already enough for them both."
Nagpakawala rin ako ng hangin.
"Huy!" tawag ni Art na papalapit sa'min. Nakasunod sa kanya si Ria na nakakapit sa gown niya.
"Anong ginagawa niyo rito? Huh?" Pinaningkitan kami ni Art.
"They're worried that their wedding gifts were unsatisfying." Nakahalukipkip ang mga braso ni Kara sa dibdib niya.
"Really?" Umangat ang kilay ni Ria.
Tinignan niya si Thea. "You mean the porcelain set handcrafted by Hephaestus? The same glasses and plates that the Olympians use?"
Pagkatapos, inilipat niya ang kanyang paningin sa'kin. "And the perfumes made out of flowers personally handpicked by Persephone and essential oils from Aphrodite?"
Nakapameywang siya. "Are you kidding me?!"
"You guys gave me the best gifts!" aniya at hinarap si Kara. "You too, Kara, akala mo hindi ko bubuksan yung libro at makita ko yung mapa?"
"Map? Anong map?" tanong ni Thea.
"A map of Egypt," sagot ni Ria. "Showing the location of the Great Library of Alexandria, one of the seven wonders of the ancient world."
"And you bet we're going on an adventure after the honeymoon," dugtong niya na may kasama pang kindat.
Nagtinginan kaming tatlo nina Thea at Kara.
Art's POV
Marahan kong hinatak ang damit ni Cal. "Cal!"
Tumigil siya sa pakikinig nina Dio at nilingon ako.
"Cal! Sa'n ba yung kwarto natin? Kailangan ko nang magbihis, eh! Ang hirap kayang maglakad sa gown na 'to!"
Panandaliang bumaba ang tingin ni Cal sa wine glass na nasa kamay niya.
"Excuse me," sambit niya sa mga kausap niya at saka humilig papalapit sa'kin.
"It's the same room we used when we last stayed here," sagot niya.
Lumiwanag ang aking mga mata. "Okie!"
Aalis na sana ako nang tawagin niya ako. "Artemia."
Bahagya kong inangat ang dulo ng skirt ko sabay ikot. "Hmm?"
Mahinahon niyang inubos ang iniinom niya bago ito ipatong sa tray ng aurai na napadaan malapit sa kanya.
Sumunod siya sa'kin. "I'll come with you."
"C-Cal..." Nagsimula na akong kabahan. "Kaya ko namang magbihis mag-isa-"
Ipiniling niya nang kaunti ang kanyang ulo. "I need to use the comfort room."
"Ah!" Humalakhak ako. "Okie!"
Akala ko talaga dumating na yung araw na kukumbinsihin niya akong humithit ng ambrosia kasama siya. Di pa pala. Siya lang pala muna, mag-isa, sa CR... Hehehe.
Lumundag-lundag ako at panandaliang napahinto sa harap ng malaking bintana sa hallway.
Gabi na.
Napasinghap ako.
Ibig sabihin party time na!
"Iiiiihhh!" Tumili ako at tumakbo papuntang room namin. Nang makarating ako ay agad kong hinanap sa wardrobe yung dress na hinanda ko para sa afterparty.
Lumiliwanag ang aking mga mata nang kunin ito at ilapag sa higaan. Short dress ito na color yellow at may lace details.
Sabik na sabik na akong tanggalin yung suot kong gown kaso nahirapan akong abutin yung mga butones at zipper sa likod ng dress ko.
Umikot-ikot ako sa kinatatayuan ko. "Ano ba-"
Naramdaman ko ang isang pares ng kamay sa likod ko kaya dahan-dahan akong napatingin sa katapat kong salamin at nakita si Cal.
Sinulyapan niya ako sa salamin bago muling ituon ang kanyang atensyon sa gown ko. Isa-isa niyang tinanggal ang mga butones at binuksan na rin ang zipper sa ibaba nito. Ilang segundo siyang napatitig sa likod ko bago ako talikuran at tumungo na sa CR.
Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko.
Pagkatapos, umiling-iling ako at tuluyang hinubad yung gown ko. Dali-dali akong nagpalit ng damit habang hindi pa lumalabas si Cal.
Ilang sandali pa'y tumatakbo-takbo ako sa room para hanapin yung yellow heels na binili ko para sa dress na suot ko.
Wala kasi ito sa maleta ko, ih! Saan ko ba yun nalagay?!
Napasinghap ako sabay takip ng bibig.
Nakalimutan ko bang dalhin 'yon?!
"Oh my Gree-"
"It's under the bed."
Agad akong yumuko para silipin ang ilalim ng higaan. "Oh my Greeks!" Kinuha ko ang pares ng heels na kanina ko pa hinahanap. "Andito nga! Huwaaah!"
"Thank you Ca-" Pinaningkitan ko siya. "Ikaw nagtago nito no?!" Padabog akong lumapit sa kanya at tinapat yung heels sa mukha niya. "Nooo?"
Binigyan niya ako ng nababagot na tingin. "I can see your shoes from where I'm standing."
"Huh." Inarapan ko siya at tumakbo patungo sa dulo ng higaan. Umupo ako rito at sinuot yung super sparkly yellow heels ko. Ilang sandali pa'y tumayo na ako at lumulundag-lundag sa harap ni Cal.
Samantalang, nakatapat ang kanyang mga braso sa dibdib niya habang sinusundan ako ng tingin.
"Grabe Cal! Parang ang haba ng araw na 'to pero di pa rin ako nakakaramdam ng pagod!" sabi ko sa kanya. "Party! Party! Party-" Napansin ko siyang umupo sa gilid ng higaan.
"Party?" Nagtaka ako.
Hinubad niya ang jacket ng suit niya saka humiga.
"Cal!" sigaw ko. "Hindi ka pwedeng matulog! May afterparty pa!"
Pumikit siya. "I'll be up after a few minutes."
"Caaal!" Tumalon ako sa tabi niya at tinulak-tulak siya. "Hindi nga pwede."
"I'm feeling a bit drunk, Artemia."
"Ha?!" Nabigla ako sa sinabi niya. "Agad-agad?!"
"We've been drinking since this morning." Umayos siya sa pagkakahiga at pinatong ang kanyang braso sa noo niya. "I need to rest."
"Hmp!" Hinataw ko ang unan sa tabi niya. "Eh di bahala ka."
Iminulat niya ang kanyang mga mata. Mula sa kisame, dahan-dahan niyang inilipat ang kanyang tingin sa'kin. Nginitian niya ako, bago muling pumikit.
"Cal naman, eh!" Hindi ako mapakali. "Paano kung bukas ka na magigising? Hindi ka pwedeng mag-skip ng party! Walang dapat mag-skip ng party!"
"Mmm." Tumagilid siya ng higa.
"Caaaal!" Itutulak ko na sana ulit siya nang bigla niyang hinawakan ang magkabilang braso ko at hinatak ako dahilan na bumagsak ako nang nakayakap sa kanya.
"Push me again and I'm pulling you closer," bulong niya.
Sinubukan kong kumawala sa kanya ngunit hinigpitan lang niya ang pagkakayapos sa'kin.
"Iiiiih!" Tumili ako. "Caaaal!"
Narinig ko ang mahina niyang tawa bago ako bitawan. "You go, first. I'll follow. I promise."
"Paano kung biglang magpakita si Hector-"
Umupo siya sa higaan. "I'm up."
Dio's POV
The music's too loud. It's making my head spin.
Huminga ako nang malalim at dumako sa glass dispenser na nasa mesa. Kinuha ko ang isa sa mga baso sa tabi nito saka nagsalin ng juice.
Umikot ako para masdan ang mga bisita. Napangiti ako nang makita ang girls na nagtatawanan sa sariling table nila.
Ininom ko ang juice at agad napabuga pagkatapos malasahan ang alak.
"What the fu-" nangangalit kong bulong habang sinusuri ito.
Wala bang ordinaryong inumin dito?! Tubig?! Nasaan yung tubig?!
"Bro!" tawag sa'kin ni Chase. May kausap siyang centaur at imbes na lumapit sa kanya, ay sinamaan ko lang siya ng tingin.
"I saw you spit out your drink."
Nilingon ko si Kara na hindi ko namalayang nakatayo pala sa tabi ko.
"You don't like it?" tanong niya.
I sighed and shook my head. "I needed water."
Matagal-tagal niya akong tinitigan. "Wait here," aniya at umalis.
Binaba ko ang baso sa mesa at bahagyang itinagilid ang aking ulo para sundan ng tingin si Kara. She approached an aurai and after a few seconds of talking, they both glanced at my direction. She gave her a nod before coming back.
Bago ko pa matanong sa kanya kung ano yung pinag-usapan nila, nakita ko ang dalawang aurai na may dalang glass dispenser na naglalaman ng tubig. Itinabi nila ito sa lalagyan ng juice.
Kara thanked the aurai and gave me a knowing glare.
Meanwhile, I crossed my arms on my chest and wore an amused smile.
"What?" nagtataka niyang tanong.
"Nothing," sagot ko. "I just noticed how you always remind me why I'm so lucky to have you."
She squinted her eyes.
"So..." Humakbang ako papalapit sa kanya. "Have you already decided? Are you... finally ready to go to Athens with me?"
"Not yet," aniya.
"It's okay," I chuckled lightly. "I can wait."
Nanghahamon ang uri ng tingin na kasunod niyang ibinato sa'kin. "Even if it takes a million years?"
Lumapad ang aking ngiti. "A day with you is worth a million years, Kara." For a moment, I glanced at her pursed lips. "A life with you is worth more than a million years of waiting."
I lifted my eyes and saw how she immediately avoided my gaze.
"I think-" She cleared her throat. "I think the girls are looking for me. I should go."
Hindi mabura ang aking ngiti nang ihatid siya ng tingin sa table nila. Hindi niya ako sinulyapan ni isang beses.
Akala niya siguro hindi ko makikita yung pamumula ng pisngi niya.
"Cute," puna ko.
Narinig kong may tumikhim sa tabi ko kaya napatingin ako kay Trev na kumukuha ng juice.
"Trev? That's not juice," pagbibigay-alam ko sa kanya. "That's still alcohol."
He gave me a sharp glare as a response, so I just shrugged and let him be.
Di nagtagal, dumating na rin si Chase. Nakasunod sa kanya sina Seht at Cal na nag-uusap. Wala akong gaanong narinig sa pinag-usapan nila maliban nalang sa pangalang 'Hector'.
"Andito lang pala kayo, bro!" ani Chase. "Magsisimula na yung program, handa na ba kayo sa intermission niyo?"
Kumunot ang aking noo. "Intermission?"
"Oo, bro," Tumango siya. "Eh di ba sasayaw kayo?"
Nagtinginan kami ni Trev. "Wala akong naaalalang-"
Biglang humalakhak si Chase dahilan na matahimik ako. "Biro lang, 'tol. Pero pwede niyo na ring totohanin kung gusto niyo. Hehe." Sabay angat-baba ng kanyang kilay.
Napabuntong-hininga ako saka napailing.
"Nga pala," usisa pa niya na may kasamang pag-akbay. "Anong sabi ni Kara? Kailan daw tayo pupunta sa Athens?"
Napakurap-kurap ako. "Tayo?"
"Mmm!" Tumatango-tango siya. "Hindi pwedeng kayong dalawa lang ang pumunta, bro! Dapat ando'n din kami!"
"Who told you we were going to Athens?" nangunguryuso kong tanong.
"Nasabi kasi ni Kara kay Ria," sagot niya. "Yung plano mo na..." Bumulong siya, "Alam mo na, mag-propose-"
Siniko ko siya.
"Bro naman!" aniya.
"Shut up, Chase," seryoso kong sabi. "If you don't want me to flood your wedding."
Pagkatapos, napatingin ako sa direksyon ng babae na nakaupo sa tapat nina Ria.
Does she want the others to go with us? After I told her that I want it to be just the two of us?
Napalunok ako.
"Shit." I cursed under my breath.
We're going to argue about our different preferences, won't we? Kung pupunta ba kami sa Athens nang kaming dalawa lang o kasama yung iba.
I lightly scratched my lips.
"Where?"
Nagulat ako nang biglang magsalita si Trev. Nilingon ko siya nang nagtataka. "Where what?"
"Where do you want to get married?"
I let out an awkward laugh. "About that... we're still conflicted."
"Athena wants us to get married in Athens, but Poseidon doesn't," sabi ko. "We still have to compromise before deciding."
He took a sip of juice from his glass. "Mmm."
Muli akong natawa nang marahan. "May gusto ka bang sabihin? It sounds like you actually do."
He turned to face me. Suot niya pa rin ang pangkaraniwang ekspresyon niya. "You should stop letting others control you, especially the deities. You know what happened last time you let them."
Humibi ang aking labi nang maalala ang tinutukoy niya.
His voice deepened to utter a simple advice. "Take charge, Dio."
I sighed. "It's not that I'm letting them control me but... I just want to respect both our deities. They're still our parents."
"Then force a compromise." He glanced at the girls' table while taking another sip. "You know how the gods are."
I took an interest of what he said. "You think you can help me?"
Sumayad ang kanyang tingin sa ibaba, at dahan-dahang lumipat sa'kin. "You think I won't?"
Tuluyan na nga akong natawa sa sinabi niya at mahinang hinataw ang likod niya. "Thanks, bro."
He gave me a threatening look before shrugging my hand off his back.
"Trev!"
Sabay kaming napalingon kay Cesia na tumawag sa kanya.
Trev cleared his throat, one of his ways to excuse himself, before making his way towards her.
Ilang sandali pa'y lumipat ang aking tingin kay Kara na nakaupo at nakatuon din sa'kin.
Nginitian ko siya saka sumunod kay Trev.
Thea's POV
Pinalakpakan namin si Tita Grace, yung nanay ni Chase na kararating lang sa gitna ng stage. Kasama niya si Hermes na panay ang pagpunas ng nanggigilid niyang mga luha.
Inayos ni Tita ang microphone sa stand nito bago ngitian sina Chase at Ria na nakaupo sa mesang pinakamalapit sa kanya.
"Umm... hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nasaksihan ko sa araw na 'to. Wala akong masabi, pero susubukan ko, dahil napakaespesyal ng araw na'to para sa pamilya namin," aniya. "Alam naming lahat, Chase, Ria, kung gaano niyo kamahal ang isa't isa." Tumawa siya nang marahan. "Na kahit magpatayan pa kayo diyan, alam naman namin yung totoo, na kung masaktan o mamatay man kayo, hindi ito dahil sa inyo, kundi para sa inyo."
Mahina kong sinampal ang sarili ko para pigilan ang pamumuo ng mga luha ko.
Huwag kang umiyak, Thea. Putangina. Utang na loob. Huwag kang umiyak! Kanina ka pa!
"Alagaan niyo ang isa't isa." Tumango-tango siya. "At huwag niyo hayaang maglaho ang apoy ng pagmamahalan niyo-" Napalunok siya. "Gods- I'm sorry, ramdam ko pa kasi ang yakap ni Chase hanggang ngayon noong bata pa siya, sa tuwing umuuwi ako galing sa business trips-" Humikbi siya. "Tapos ngayon-" Huminga siya nang malalim. Hinagod-hagod naman ni Hermes ang likod niya.
Saka siya nagpatuloy. "Chase, maikli man ang panahon na ibinigay sa'tin ng tadhana, anak, masaya pa rin ako dahil lumaki ka nang maayos. Akala ko kasi papabayaan ka lang ng ama mo, sa totoo lang."
Nagkasalubong ang kilay ni Hermes pagkatapos marinig 'yon.
Narinig namin ang pagbuntong-hininga ni Tita. "Yun lang." Tinignan niya kami. "Wala na akong ibang masabi pa, dahil kahit anong pilit ko sa sarili ko na paghandaan ang araw na'to..." Umiling siya. "Hinding-hindi ako naging handa."
"Nag-iisa lang ang anak ko, Ria, at nag-iisa lang din si Ria sa mundong ito, Chase." Lumapad ang kanyang ngiti. "Kaya huwag niyong pakawalan ang isa't isa. Mabuhay kayo."
Tinuyo niya ang isang luhang nakatakas bago yumuko.
Pumalakpak kami at tumigil lang nang palitan siya ni Hermes sa likod ng mic.
Umubo-ubo si Hermes at saka tinapik ang mic. "Well... uhh-" Inayos ng deity ang suit niya. "First, I wanna thank you all for coming to my son's wedding." Bahagya niyang inangat ang wine glass na bitbit niya. "But who I wanna thank the most..." Tinignan niya si Ria. "-is his wife."
"His mother and I had a very hard time raising Chastille, Ria, just so you know." Natatawa niyang sabi. "Aside from his good looks, he inherited some of his father's attributes that make him overwhelming. Way too overwhelming, sometimes, but you know, that is him, and I see myself in him."
"He's spoiled, definitely, because he wouldn't stop screaming right in front of my face if I did not get him what he wanted."
Napansin ko si Chase na panandaliang napapikit at napayuko sa hiya.
"As a true son of mine, he is swift, and cunning..." Napangiti lang si Hermes sa naging reaksyon ng anak niya. "And I'm sorry to say this, Ares, but he also used to have a lot of girlfriends, like me."
"Enter Ria." Umangat ang kilay ni Hermes. "I have been watching my son since his first day in the Academy. I know how his eyes sparkle every time he wants something, and it happened, every time he looked at her. One quick glance from her was all he needed to get flustered, and I witnessed it all. I witnessed how they spent time with each other, how they grew together, and how they finally came to love one another."
"It was like watching a movie, reading a romantic book..." Nanlambot ang boses ni Hermes. "And it made me realize, that of all legends and stories of myths I have come to know, it is theirs that I have enjoyed the most."
Umiling-iling siya. "I will never understand how the minds of mortals work, but I understand now, that it does best with the support of the heart."
"The both of you earned such happiness, demigods." Nilingon niya sina Ria at Chase. "So continue to love, because that is the greatest connection, the one above all."
Palihim kong sinulyapan ang lalaking katabi ko.
"A love like yours' is a weakness and a strength. It is strong, very strong, but it is also fragile. So keep it, treasure it, protect it at all costs... and doing so means to understand, care, forgive, sacrifice..."
Kumisap-kisap ako pagkatapos maramdaman ang isang luha na tumulo sa pinsgi ko.
"And from this day onwards, Chase, Ria, live every day of your lives for love, for one another."
Isang kamay ang nag-abot sa'kin ng panyo kaya muli akong napatingin kay Seht na siyang may-ari nito.
"Are you okay?" tanong niya.
Nginitian ko siya at tinanggap ito.
"Continue to conquer your fears and weaknesses, for your marriage is just the start of another lifetime, and all I wish for this new life of yours, is for this to be filled with love. Nothing but love."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro