the first glimpse at forever, and after...
Cesia's POV
"Mas maganda siguro kung ito..." Tinuro ko ang beige color palette na inilahad ng interior designer sa'min.
Tinignan ko si Ria. "Gusto mo ng neutral, diba?"
"Yes," sagot naman niya. "I also want it spacious and airy."
"Lagyan nalang din natin ng kaunting maroon at royal purple sa furnitures?" suhestyon ko. "Para eleganteng tignan?"
Umiling siya. "But I don't want just elegant. I want simple and class."
"Oh." Tumango-tango ako. "Pastel furnitures? Light-colored?"
Magsasalita na sana si Ria nang biglang mag-ring yung phone niya.
"Chase-" aniya nang sagutin ito at sumenyas na aalis. "Excuse me."
Humarap ako sa interior designer. "Did you get everything?"
Inangat niya ang kanyang tingin mula sa malapad niyang notebook. "I have."
"Good." Nginitian ko siya. "Thank you."
Habang naghihintay kay Ria na bumalik, naglibot-libot ako sa silid na kinaroroonan namin. Nasa second floor kami ng palasyo na niregalo ni Trev kila Chase at Ria. Sobrang laki ng estate, at ang lawak ng garden at field na nakapalibot, kaya medyo secluded ito, dalawang kilometro ang layo mula sa pinakamalapit na village.
Naramdaman kong gumalaw ang phone ko sa loob ng aking bulsa kaya inilabas ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag.
Napangiti ako, saka itinapat ito sa aking tenga. "Trev."
'How's Scotland?' tanong niya sa kabilang linya.
Dumako ako sa pinakamalaking bintana ng silid at dumungaw. "Ang ganda ng mga lugar dito..."
'Did Ria like the castle?'
"Sobra," sagot ko. "Tumawag nga agad ng interior designer pagkapasok namin, eh."
'That's good to know.'
Habang nakamasid sa tanawin, napakagat ako ng aking pang-ibabang labi at yumuko. "Trev..."
Matagal-tagal pa bago ko muling narinig ang boses niya.
'Cesia.'
Humugot ako ng malalim na hininga. "Nasa'n ka?"
Narinig ko ang mahina niyang tawa. 'On the way to you, my love.'
"Mmm." Sabi ko na nga ba.
Darating din kasi si Chase mamaya at kinutuban akong hindi siya mag-iisa.
'I'll see you later.'
"Cesia!" tawag ni Ria sa'kin.
Kinawayan ko siya saka nagpaalam na kay Trev. "See you."
Kasama sina Ria at yung interior designer, pinasok namin ang bawat silid ng palasyo at pinag-usapan ang posibleng magiging hitsura nito. Patuloy ang pagbabato ko ng mga suhestyon kay Ria na napapatango at paminsan-minsa'y ipinapahayag din yung mga gusto niya. Nilista naman ng interior designer ang pinagsasabi namin habang tumatango-tango nang nakakunot ang noo, desididong tuparin ang lahat ng mga ito.
Pagabi na nang magpaalam ang interior designer sa'min. Hintayin nalang din daw namin ang ise-send niyang drafts ng layouts.
Hinatid namin siya sa labas ng palasyo, at sinundan ng tingin ang puting kotse niya na tumakbo papalayo sa'min.
"Cesia." Nginitian ako ni Ria. "When we grow old, let's retire here."
"Kasama yung iba?" tanong ko na tinanguan niya.
Inilibot ko ang aking paningin sa malawak na kaparangan. Tapos, napaduro ako sa may unahan. "Diyan ako magpapatayo ng modernong bahay." Kasunod kong inilipat-lipat ang pagkakatuon ng aking hintuturo sa nakapaligid naming lupain. "Pwedeng diyan naman si Art... si Kara... si Thea... at sina Kaye..."
Mahinang natawa si Ria. "Yeah," sang-ayon niya. "Let's leave our men and live together when we're older."
"Ria!" Pabiro ko siyang hinataw sa balikat. "Hindi pwede 'yon!"
"They're always busy, anyway," aniya.
"Eh diba si Kara yung mas busy sa kanilang dalawa ni Dio?" paalala ko sa kanya. "Ibig sabihin si Dio ang makakasama natin."
Muli siyang natawa. "Did Kara tell you about how he's been the one making her meals and doing the chores in their apartment?"
Tumango ako nang nakangisi.
Nakapameywang siya, sabay tingin sa malayo. "It's not too late to change husbands, right?"
Pinandilatan ko siya. "Ria!"
"What?" aniya. "Kung alam ko lang na magiging gano'n pala si Dio, eh di sana siya nalang yung inasawa ko."
"...and eventually, I'd have an affair with Chase," dugtong din niya.
Tumango-tango pa siya, na parang magandang ideya nga ang magpalit ng asawa at gawin nalang kabit ang unang asawa niya.
Pinaningkitan ko siya. "Di mo naman siguro sinasadyang sabihin 'yan 'no?"
Pinadalhan niya ako ng nangangahulugang ngiti. "You don't know me-"
Tuluyan ko na nga siyang tinulak, dahilan na bumulalas siya ng tawa.
"I'm joking, Cesia!" Hinawakan niya ako sa balikat at madahan akong niyugyog. "I'm not like the gods, you know, always taking love for granted."
"Though, I can't blame them." Ibinaba niya ang kanyang mga kamay. "Mga imortal naman kasi sila."
"I will never have anyone besides Chase..." mahina niyang tugon. "He's the only one for me, and he will always be."
Napangiti ako nang masdan kung paano siya tumingin sa malayo habang iniisip si Chase. Mabagal na bumukas-sara ang kanyang mga mata, tila pinapahalagahan ang bawat segundong naaalala niya ang pinagsamahan nilang dalawa ni Chase, mula sa panahon ng nasa Academy pa sila, at hanggang ngayon na mag-asawa na.
"Ria..." pabulong kong sambit.
Nilingon niya ako.
Matagal-tagal akong napatitig sa kanya.
"What is it?" kunot-noo niyang tanong.
Lumapad ang aking ngiti saka umiling. "Wala."
Masaya ako para sa inyong dalawa, Arianne. Masaya ako para sa inyong lahat, at sana alam niyo 'yan.
"Speaking of." Ipiniling niya ang kanyang ulo at may sinilip sa likod ko.
Umikot ako at nakita ang dalawang maiitim na kotseng pumarada sa harap ng palasyo.
Tumakbo si Ria kay Chase na kalalabas lang at sinalubong ito ng mahigpit na yakap, na para bang ilang taon silang hindi nagkita.
Pagkatapos, lumipat ang aking atensyon sa lalaking lumabas mula sa kabilang sasakyan.
Hinalukipkip ko ang aking mga braso sa dibdib at lumapit sa kanya. Sinundan niya naman ako ng tingin hanggang makarating ako sa harap niya.
Nginitian niya ako. "What's a princess doing outside a castle?"
"Hinihintay ka," sagot ko.
Napapikit ako nang hawakan niya ako sa mukha at marahang inilapit sa kanya nang mahalikan niya ako sa noo.
"I miss you," bulong niya nang bitawan ako.
Tumingala ako upang maabot ang kanyang tingin. "Na-miss din kita."
"What the fuck."
Sabay naming nilingon si Ria na napamura. Kumurap-kurap siya habang nakatuon sa'ming dalawa ni Trev.
"Shh-" Hinila siya ni Chase papasok ng palasyo. "Pabayaan mo na."
"Since when did Trev-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang tangayin siya ni Chase.
Natawa ako ng mahina at muling tinignan si Trev na kasalukuyang tinatapunan si Ria ng nababagot na tingin.
Marahan ko siyang siniko.
Sinalubong niya ang aking tingin, at kapansin-pansin ang paglambot ng ekspresyon sa kanyang mukha.
Sinenyasan ko siyang sumunod na kami sa kanila.
"Wait a moment." Bumalik siya sa kotse at may inilabas na paper bags mula sa backseat. Inangat niya ang mga ito sa kamay niya nang harapin ako. "I almost forgot we brought dinner."
Patakbo siyang naglakad pabalik sa tabi ko. "Let's go?"
Tumango ako, at sabay kaming pumasok sa naglalakihang pintuan ng palasyo.
"Sa'n ba talaga kayo galing ni Chase?" usisa ko papuntang dining room.
"I met him in Glasgow to help settle with the papers."
"So, sa'yo talaga ang palasyo na'to?"
"I bought a lot of estates while we were still in the Academy," sabi niya. "Because one of my goals after graduating is to expand my properties."
Bumagal ang aking paglalakad. "Pero pinamimigay mo rin naman..."
"To the people who deserve it," dugtong niya, at nilingon ako. "Why? Do you want one too?"
"Di ko naman 'yan kailangan, eh," sagot ko.
Pinaningkitan niya ako, sabay ngiti, tila nagka-interes sa sinabi ko. "Is that so?"
"Mmm." Tumango ako. "Marami pang mas mahalaga kesa sa mga ari-arian, Trev."
Yumuko siya, bago ituon ang kanyang atensyon sa aming harapan. Hindi na siya nagsalita pa, isang tahimik na pagsang-ayon, dahil ramdam ko ang mababaw na kaligayahan na idinulot ng sinabi ko sa kanya.
"Sabi ko sa'yo di makakalimutan ni Trev yung mga pagkain, eh!" ani Chase nang makarating kami sa dining room.
"He looked distracted!"
"Pfft-" Umiling-iling si Chase at kinuha ang paper bags mula kay Trev. "Thanks, bro."
Napakurap ako nang gamitin niya ang kanyang ability at nilapag lahat ng mga pagkain sa mesa sa loob lamang ng isang segundo.
Lumapit siya kay Ria at hinila ang isa sa mga upuan para sa kanya.
"Oh?" Sinenyasan niya ito na maupo.
Sinimangutan siya ni Ria bago umupo. "Thank you," labag sa loob nitong pasalamat sa kanya.
"Bakit ba parati ka nalang nagtatampo?" Tumabi si Chase sa kanya. "Buntis ka ba?"
Nakaani siya ng isang mariing sulyap mula sa asawa niya.
Tumango-tango si Chase, tila naintindihan ito. "Na-miss mo 'ko?"
Kumawag-kawag ang isang sulok ng labi ni Ria, saka siya umiwas ng tingin.
Mahinang natawa si Chase at ipinatong ang kamay nito sa hita niya. "Kaya nga kita sinundan dito dahil hindi ko kayang mahiwalay sa'yo nang matagal, diba?"
"Shut the fuck up, Chase."
"Ayan ka na naman."
Nagsiupuan kami ni Trev sa tapat nila at nagsimulang kumain habang hindi pa sila tapos sa pagbabangayan.
"Ano bang gusto mo? Mag-honeymoon ulit tayo?" ani Chase.
"Where? In your office?" Inirapan siya ni Ria. "Tsk."
Tahimik lang kami at niwalang-kibo ang sigawan na sumunod.
"Putangina. Sabihin mo na kasi kung saan mo gustong pumunta!"
"Don't fucking curse at me!"
"Maldives?!"
"Hawaii!"
"Eh di lumipad na tayo do'n bukas agad kung 'yan gusto mo!"
Napatigil si Ria. "R-Really?"
Humilig ako kay Trev na inaantok ang mga matang nakatuon sa dalawa. "Trev." Ngumuso ako sa pagkain niya. "Ano 'yan?"
"Lobster."
"Ooh-" Saka ako kumuha ng isang piraso mula sa plato niya.
Kumisap-kisap ako habang natatakam nito. "Palit tayo?"
"Why?" aniya. "You don't like yours?"
"Nag-beef na kami kaninang agahan at tanghalian, eh."
Napatitig siya sa pagkain ko bago palitan ito ng sa kanya.
Umayos ako sa pagkakaupo. "Thank you."
"You're welcome."
Pinagkuskos ko ang mga palad ko at matagumpay na ngumiti. Hindi ito mabura-bura kahit nang bumalik na ako sa pag-kain.
"Kung maghalikan nalang kaya kayo?" ani Chase na nakakita pala sa'min.
Panandalian akong napahinto. "Ayoko..." malumanay kong sagot.
"Ayokong may makakita."
Biglang naibuga ni Ria ang iniinom niya.
Patagilid namang yumuko si Trev at umuubo-ubo.
"Cesia naman!" Bumagsak ang mga kamao ni Chase sa mesa. "Hindi kaya patas 'yon! May kapangyarihan kang makita lahat ng nakikita namin, eh!"
"Oh, they'll kiss, alright." Inilapag ni Ria ang baso niya. "When they get married."
Tuluyan na nga akong napatigil sa sinabi niya.
"You have asked her..." Magkasalubong ang kilay ni Ria nang tignan si Trev. "Right, Trev?"
Tumikhim si Trev at inayos ang sarili niya bago magsalita. "Do I have to?"
Nanlalaki ang aking mga mata nang lingunin siya.
Isang pilyong ngiti ang nasilayan ko sa labi niya nang mag-abot ang aming tingin. "I will," pagbabawi niya sa huli niyang sinabi. "If she agrees to meet me in the gardens later this evening."
Palihim akong napasinghap.
Trev's POV
I looked at the clear night sky above me.
"And here I thought I scared you..." I turned to face her who just arrived.
"Bakit sinabi mo agad sa'kin kung kailan mo ako balak tanungin?"
I followed her with my gaze until she stopped in front of me.
"The last time I surprised you, you dropped my hand," I reminded her.
She leaned her head to the side. "Ah..."
"And you left me without saying goodbye," dagdag ko pa.
Tumango-tango siya. "Naalala ko nga."
A smile slowly drew across my lips when I realized that not even the the moon and stars can justify the most attractive feature on her face, which is just itself entirely.
"Cesia," sambit ko. "Now that the others are living their happily ever after..." I tilted my head slightly to the side. "Don't you think it's time for us, too?"
She bit her lower lip before breaking into a smile. "Sigurado ka na ba d'yan?"
"Please," I replied. "I've never wanted more."
Her purple eyes glistened with keen satisfaction, as I found myself slowly kneeling in front of her.
"Daughter of Aphrodite..." I gently reached for her hand and showed her the ring I've been keeping close to my heart, while waiting for this exact moment.
"Are you willing to spend the rest of your life with me?" I finally asked. "As I am, to you?"
She let in a faint gasp, before releasing a deep sigh.
"Son of Zeus-" Her voice broke as tears started to form in her eyes.
She eagerly pursed her lips, and flashed a smile that made me glad I was on my knee, because if I weren't, I would have already lost the strength to stand.
Then, she nodded. "Mmm." And her smile widened. "Handa akong makasama ka habang buhay."
Letting out a breath I held this entire time, I took bliss in wrapping the ring around her finger.
She pulled me up afterwards, and enclosed me in her delicate arms.
I leaned on the top of her shoulder and embraced her, tighter, and with an even more earnest intention.
Because finally, she said yes.
I nestled my head on her neck to hide an aching smile.
"Gods," I whispered. "I love you so much it hurts."
She ran her hand along my back and chuckled softly. "Trev, di na ako makahinga."
Agad ko siyang binitawan nang marinig 'yon.
"I'm sorry..." Inayos ko ang buhok niya na nagulo sa mahigpit naming yakapan.
From her hair, my fingers glided to her cheek, stopping to hold her.
And we remained still, to take in every second of this moment.
"Walang katumbas ang kaligayahan na ikaw lang ang nakapagbigay sa'kin, Trev..." mahina niyang tugon.
My arm reached for the back of her waist, and pulled her close to me.
"And I am, by far..." I lifted her head. "The luckiest man to have ever be loved by someone like you."
I smiled when I saw her eyes drift to my lips.
"Cesia," I said under my breath, before closing the gap between us.
My heart longed for forever, when I kissed her as if it was going to be our last. And she kissed me back, with the same desire.
Under the heavens, I carelessly let go of a tear, and did not regret it.
Because from this moment on, I will never be afraid to show my weakness...
When that weakness, is also my strength.
And that has always been her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro