Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

that night when lanterns flew...

Cesia's POV

Nakapangalumbaba ako sa mesa habang minamasdan sina Ria at Chase na sumasayaw hanggang sa matapos sila.Unti-unting nagbago ang kanta, at napangiti ako pagkatapos makita si Hermes na tumayo at inabot ang kanyang kamay kay Tita Grace.

Di nagtagal, nadagdagan ang mga tao sa gitna para sabayan ang bagong kasal.

Mabagal kong ibinukas-sara ang aking mga mata. Ang ganda kasing pakinggan ng pinapatugtog ng mga Arcadians... nakakaantok.

"Abigail?"

Mabilis akong napaayos ng pagkakaupo pagkatapos marinig ang tinig ni Papa. Nakatayo siya sa tabi ko at nakaabot ang kanyang kamay.

"Dance with me."

Natawa ako nang marahan at agad tinanggap ang alok niya. Tumayo ako at dumako sa gitna hawak-hawak ang nakataas niyang palad.

Napansin ko ang pagbagal ng pagsayaw ng iba para magbigay-daan. Bahagya ring yumuko ang ibang pillars sa'min. Pagkatapos silang tanguan ni Papa, ay saka lang sila nagpatuloy.

Nang makarating na kami sa gitna, ipinatong ko ang isa kong kamay sa balikat niya. Marahan niya ring hinawakan ang beywang ko. Kasunod na bumaba ang aking tingin sa paanan namin para panoorin ang direksyon ng bawat hakbang niya. Ilang sandali ang lumipas at nakabisado ko na agad ang bawat galaw niya.

Nang mapanatag na ang loob kong kaya ko na siyang sabayan, ay saka ko inangat ang aking tingin sa kanya.

"Would you look at that," puna niya nang nakangiti. "My daughter's a fast learner." 

Ngunit napansin ko ang dahan-dahang paglaho ng kanyang ngiti. "Akala ko hanggang sa panaginip lang kita maisasayaw, anak..."

"Nakita niyo po yung mangyayari, diba?" tanong ko. "Hindi niyo po ba nakita ang sandaling ito?"

"Iba ang nakita ko." Nanumbalik ang kanyang ngiti, at sa isang iglap, natagpuan ko ang aming sarili sa gitna ng ceremonial hall na pinapalibutan ng mga students at staff ng Academy.

Yumuko ako at nalamang suot ko ang gown na midnight blue at may maliliit na diamonds sa bandang dulo ng mahabang skirt. Pamilyar ito, dahil nasuot ko na ito, sa gabi bago ang unang digmaan, para sa selebrasyon ng tatlong lunar goddesses.

Napangiti rin ako, dahil naalala kong, hindi nga pala ako nakapagsayaw sa gabing 'yon kahit ang daming nag-aya sa'kin. Siguro dahil kinakabahan pa rin ako no'n na makipaghalubilo sa ibang estudyante, at mas lalo lang pinalala ng mangyayaring digmaan ang naramdaman ko.

"This was what I saw." Inangat niya ang kamay ko at umikot ako sa ilalim nito. "My Abigail, all grown up, in the middle of a big hall, wearing a beautiful gown, but not as beautiful as her."

Muli akong natawa. "Papa naman, eh."

"Mag-isa ka lang, bakit?" tanong niya.

"Baguhan pa po kasi ako no'n..." malumanay kong sabi sabay iwas ng tingin. "Tapos pinaghalong kaba at takot pa ang naramdaman ko sa gabing 'yon..."

Habang umiikot-ikot kami sa gitna, ay inilibot ko rin ang aking paningin sa ceremonial hall.

"Which is why you didn't notice him..." aniya, na ipinagtaka ko.

Kumunot ang aking noo. "Sino?"

"Someone who waited for a sign to dance with you," dagdag pa niya. "He waited for you to look back at him but you didn't, did you?"

Napakurap-kurap lang ako.

Sino yung tinutukoy niya?

Nasagot ang aking katanungan pagkatapos mahagilap ng mga mata ko ang isang lalaki na nakatayo katabi ang isa sa mga istatwa ng ceremonial hall. Nakapamulsa siya habang nakatuon sa direksyon namin.

Napahinto ako, at gano'n din si Papa.

"Trev?" bulong ko.

"You were too overwhelmed," ani Papa. "And he understood."

Panandaliang yumuko si Trev. Huling beses niya akong sinulyapan bago tuluyang umalis ng hall.

Susundan ko na sana siya nang maglaho ang ala-ala at bumalik kami sa Arcadia.

"Trev-" tugon ko nang makita siyang kalalabas lang ng templo. Nilingon ko si Papa na sinenyasan akong puntahan siya.

Dali-dali akong lumabas ngunit hindi ko siya nakita. Luminga-linga pa ako para hanapin siya. Umikot ako at dumaan sa gilid ng templo, hanggang sa makarating ako sa likuran kung saan mayroong hardin.

Nasaan ba 'yon?

Umikot-ikot ako sa gitna habang pinaghahanap ang heartbeats niya.

"What are you doing here?"

Napatalon ako nang marinig ang boses niya nang pangmalapitan.

Mabilis akong napaikot upang harapin siya.

Samantalang, nakakunot ang kanyang noo nang salubungin ang aking tingin. "I thought you were with your dad?"

"Oo, pero-" Paano ko ba sasabihin? "Kasi..."

"You're looking for me." Pinaningkitan niya ako. "Why?"

"Uhh-" Napalunok ako. "K-kasi.. ano..." Umiwas ako ng tingin. "Kasi... si Papa... sabi... niya... kasi...."

"Ano?" Umangat ang kanyang kilay, na para bang nakakamangha para sa kanya ang makita akong nahihirapang ipahayag ang gusto kong sabihin.

Sa huli, napabuga nalang ako ng hangin. "Hindi ko na rin alam."

Natawa siya nang mahina dahilan na samaan ko siya ng tingin. 

"Wag mo nga akong tawanan," napipikon kong sabi.

Nginitian niya ako sabay kagat ng pang-ibabang labi niya. 

"Daughter of Aphrodite," nakangisi niyang tugon. "Would you like to dance?"

Halatang ikinagulat ko ang sinabi niya.

"H-Huh?" Nagdalawang-isip ako kung tama ba yung narinig ko mula sa kanya.

"Would you..." Lumambot ang kanyang ngiti. "-like to dance?" 

Inilahad niya ang kanyang palad.

Napangiti ako nang tanggapin ito. "Mmm."

Ipinatong ko ang isa ko pang kamay sa kanyang balikat. Naramdaman ko rin ang mabagal na pagtakbo ng kanyang kamay sa beywang ko.

Pagkatapos, tumingala ako nang kaunti para maabot ang mga mata niya.

Bahagya siyang yumuko. "Shall we?"

Eksaktong nagbago ang kanta nang sabay kaming humakbang sa iisang direksyon nang magkahawak sa isa't isa, at habang sumasayaw, hindi ko naiwasang mapaisip...

Paano kung inaya niya akong sumayaw dati? Anong mangyayari?

Tatanggapin ko ba ito, o hindi? Kung oo, magiging kasinglapit ba kami sa isa't isa katulad ng ngayon?

"Cesia," sambit niya sabay hila sa'kin nang mahina at bahagyang ipiniling ang kanyang ulo malapit sa aking tenga. "I should have asked you to dance with me that night."

Palihim akong napangiti. "Anong ibig mong sabihin?"

"I was too naive," aniya. "And I was afraid I would only make you feel worse."

Ginamit ko ang ability ko at binago ang aming kapaligiran. 

Kami lang dalawa sa gitna ng ceremonial hall, pinapalibutan ng mga ilaw. Lumiliwanag din ang mga istatwa sa magkabilang gilid ng hall, pati na rin ang sahig dahil sa repleksyon ng gintong chandelier sa makintab na marmol.

"Ayan..." bulong ko.

Napasinghap ako nang tuluyan na nga niya akong yakapin habang sumasayaw. 

Wala nang natirang espasyo sa pagitan namin ngunit patuloy pa rin ang mabagal naming paggalaw, kaya isinandal ko ang aking ulo sa balikat niya habang nakatuon sa magkahawak naming kamay na nakatapat sa kanyang dibdib.

Dahan-dahan siyang napahilig sa balikat ko.

"Cesia," mahina niyang sambit.

Wala sa sarili akong napapikit pagkatapos marinig ang mga tibok ng puso niya. "Mmm?"

"I need you to know..."

Patuloy lang ako sa pakikinig sa mabagal na tunog ng mga instrumento, sa mahinang pagtibok ng kanyang puso, at sa boses niya...

"That I want to have it all with you."

Iminulat ko ang aking mga mata.

"I want to spend the rest of my life with you, Cesia."

Muli akong napatitig sa mga kamay namin.

"Mahal din kita, Trev." 'Yon lang ang naisip kong maisagot.

"Say that again?"

"Sabi ko," pag-uulit ko. "Mahal din kita."

Bahagya niyang inangat ang kanyang ulo. Naramdaman ko rin ang marahang pagdapo ng kanyang palad sa aking buhok.

"But I love you most." bulong niya, na may kasamang halik sa aking noo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro