Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

my light and life, my everything...

Art's POV

Dahan-dahang bumaba ang aking tingin habang inaayos ng mga aurai ang skirt ko.

'Apollo said he cannot walk you down the aisle, Art.' Naalala ko ang sinabi ni Hades sa'kin kahapon. 'Perhaps he won't be coming.'

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa bouquet.

Okay lang... nandito naman sina Seht at Mama, ih.

"Art?"

Inangat ko ang aking ulo at nakita si Cesia, dahilan na mapangiti ako nang malapad. "Cesia! Kararating mo lang?"

Tumango siya.

"Oooh-" Lumiwanag ang mga mata ko. "Kasabay mo si Tito Gab?"

Tinanguan niya ulit ako.

"Nice!" nananabik kong puna. "Hehehe- umm- I think nasa Elysium na yung iba, ih," sabi ko sa kanya. "May portal lang diyan sa labas-"

"Art," sambit niya.

Kumisap-kisap naman ako. "Hmm?"

Sa laking gulat ko, bigla niya akong niyakap.

"Cesia..." bulong ko.

"Ayokong gamitin yung ability ko para mapagaan ang pakiramdam mo," tugon niya. "Kasi gusto kong tunay na kasiyahan ang maramdaman mo sa araw na'to."

Natawa ako nang marahan. "Okie lang ako! Promise!"

"Tsaka, kasama ko naman sina Mama at twinny, ih!" dagdag ko. "Kompleto rin kayo, diba?"

Bumitaw siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Artemia Blaire Sol... ang araw namin."

Mahina niyang hinawakan ang pisngi ko. "Maging masaya ka, hmm?" Bahagya niyang itinagilid ang kanyang ulo. "Dahil masaya kami para sa'yo..."

"C-Cesia-" Namamasa ang mga mata ko. "Pinapaiyak mo'ko! Huhuhu!"

"Cesia."

Napalingon ako kay Trev na nakatayo sa may pintuan. Samantalang, ibinaba naman ni Cesia ang kamay niya at napabuntong-hininga.

"Panira talaga..." bulong niya.

Kinawayan ko si Trev. "Hi Trev!"

Tinanguan niya lang ako, saka bumalik ang kanyang mga mata kay Cesia na dahan-dahang napatingin sa kanya nang nakasimangot.

Nag-abot ang kilay ni Trev pagkatapos makita ang reaksyon ni Cesia. "You told me you'd only be gone for a few seconds."

"Sinusundo ka na raw, wuy!" sabi ko kay Cesia na may kasamang halakhak.

"Usap tayo mamaya?" Binigyan niya ako ng isang manamis-namis na ngiti nang harapin niya ulit ako.

"Mmm!" Tumango ako.

"Okay!" Bahagya niyang inangat ang skirt ng dress niya at nagmamadaling pinuntahan si Trev. "See you, Art!"

Lumapad ang aking ngiti at kumaway sa kanila.

"See you..." bulong ko nang tuluyan na nga silang makaalis.

Ilang sandali pa'y pumasok ang tatlong aurai.

"Ready?" tanong ng isa sa kanila.

"Hehehe..." Humagikgik ako. "Noon pa."

Inalalayan nila akong lumabas ng kwarto nang hindi nagugusot ang gown ko. Off-shoulder ito at color yellow na may white sa bandang dulo ng skirt. Maikli lang din ang veil ko kasi sobrang haba na ng skirt ko, ih! Ang bigat din kaya sa ulo ng super cute na crown na binigay ni Persephone sa'kin tapos dadagdagan ko pa ng napakahabang veil?!

Narinig kong napasinghap ang isang aurai.

"Hala!" Nag-aalala kong puna. "Bakit po?!"

"Y-Your wrists!" Hinablot niya ang isang kamay ko para suriin ang pulang marka na nakaikot sa may pulso ko.

"Ah..." Tinignan ko sila. "Napahigpit ata ng tali si Cal, ih, kaya ang tagal mawala kahit anong gamit ko ng healing ability ko."

Hindi ko alam kung bakit pero agad namula ang kanilang mga mukha pagkatapos kong sabihin 'yun.

Oh my Greece- ba't naman sila naka-ambrosia eh ako kaya yung ikakasal!

Umuubo-ubo ang aurai na may hawak ng kamay ko at ibinaba ito. "P-Please excuse me for asking."

Kumurap-kurap ako. "Okie lang."

Isang portal papuntang Elysium ang unti-unting lumitaw sa harap namin kaya hinanda ko na ang sarili ko.

Pagkapasok ko rito, bumungad sa'kin sina Mama at Seht na napahinto sa pag-uusap at sabay na napalingon sa gawi ko.

Nginitian ko sila.

Samantalang, pinaningkitan ako ni twinny.

Nagtaka ako. "Bakit?"

"You're glowing different," aniya.

Eh mas lalo pa akong naguluhan sa sinabi niya. "Huh?"

Kasunod kong narinig ang mahinang tawa ni Mama. "Bakit naman hindi?"

Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nila- Oh my Grace!

Kinuha ni Mama ang kamay ko at iginiya ako sa nakasaradong pinto na nakatayo sa gitna ng field. Puti ito na pinapalibutan ng mga bulaklak.

Huling beses na inayos ng mga aurai ang suot ko bago iwan kami nang tuluyan.

Kumapit ako sa braso ni twinny. "K-Kinakabahan ako..."

Hinawakan niya ang kamay ko at tinapik ito. "Mom and I are here for you, Art. You can just tell us if you want to back out-"

"Sebastian," mahinahong tawag ni Mama sa kanya.

"I'm just kidding." Nginitian ako ni Seht. "Partly kidding."

Umayos ako sa pagkakatayo nang buksan ng dalawang aurai ang pinto. Sinalubong ako ng mga bisita na napatayo. Nakakalat ang flower petals sa daanan ko at sa kabilang dulo, nakita ko si Cal.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at ipiniling nang kaunti ang kanyang ulo.

Pinadalhan ko siya ng nananabik na ngiti.

Bahagya namang umangat ang isang sulok ng labi niya.

Saka ko inilibot ang aking tingin.

Nandito silang lahat...

Pagkatapos, tumigil ang mga mata ko sa lalaking nakaupo sa tabi ng isang malaking harp. Nakasuot siya ng gintong suit at kasingkulay nito ang kanyang buhok.

Kinalabit niya ang isa sa mga kwerdas... at mula rito, lumabas ang napakagandang tunog.

Napalunok ako.

Akala ko... akala ko hindi siya makakapunta!

'How can I walk you down the aisle when I'm here?'

Sa sandaling narinig ko ang boses niya sa isipan ko, nagsimulang bumagsak ang aking mga luha.

"P-Papa..." Umiiyak kong tugon.

Suot niya ang isang ngiti habang pinapatugtog ang instrumento niya.

'Smile, my Artemia...'

Inilipat niya ang kanyang tingin sa'kin.

'Shine, my sun... for this day is yours.'








Cesia's POV

"Artemia Blaire Sol..."

Napangiti ako nang banggitin ni Cal ang kompletong pangalan ni Art.

'Would you like to listen to my vow?'

Unti-unting lumitaw ang isang batang lalaki sa harapan ni Cal.

'I promise to take care of you...' sabi nito sa batang babae na nakatayo sa tabi ni Art.

"I promise to take care of you..." Narinig kong sabi rin ni Cal.

'I will look at you the same... the girl that I like.'

"I will look at you the same, the girl that I love." ani Cal. "I will always protect you, Art, I vow to keep you safe."

'...and someday, I will get you out of here.' dugtong ng batang lalaki sa sinabi niya. 'And when that time comes, when we'll be free, then... I'd like to see you happy. I will do everything to see you smile again.'

"I will risk everything just to see you smile." Bumaba ang tingin ni Cal sa labi ni Art na nakakurba sa isang malambot na ngiti. "To see you happy."

"Art..." Nanghina ang boses niya nang muling sambitin si Art.

'I'm too young to be a husband, Art, But I am old enough to learn how to be someone that deserves you.'

"I've loved you before, and I love you even more," dugtong niya. "You are my light, my life, you are my everything..."

Umiwas ng tingin si Art nang namumula ang magkabilang pisngi, at natawa kami nang marahan dahil rito.

Ngunit agad din kaming napahinto nang marinig din namin ang mahinang pagtawa ni Cal.

Narinig ko ang pagsinghap ng iba, samantalang, napakurap-kurap ako.

Pagkatapos, nagtinginan kami nina Ria nang nanlalaki ang mga mata.

"Did he just-" ani Dio.

"Gago 'tol," puna ni Chase. "Narinig niyo 'yon, diba? Nakita niyo 'yon?"

"PUTANGI-" Hindi natuloy ni Thea ang mura niya dahil kay Seht na tinakpan ang bibig niya.

"He did," nakangiting sabi ni Kara.

Ibinalik ko ang aking atensyon kina Cal at Art.

"I love you, Art," saad ni Cal. "And I promise to love and take care of you for the rest of my life."

"Cal-" Humagulgol ng iyak si Art. "W-Wait lang-"

Lumakas ang kanyang pag-iyak at nang mapagtantong matatagalan pa bago siya makapagsalita ulit nang maayos dahil sa matinding emosyon, iniba ko ang kulay ng aking mga mata at ginamit ang kapangyarihan ko para patahanin siya.

"Cal..." Humikbi siya. "Pinapangako kong ililibre kita ng merch kahit di mo pa sabihin sa'kin, kasi alam ko namang gusto mo deep inside... ehe-hehehe... "

Habang pinapakinggan si Art, dumako ang aking mga mata sa lalaking nakaupo sa kabilang row.

'I loved her, even after I realized that she was not meant for me.'

Nakababa ang kanyang tingin.

'I am not the one for her...'

Dumaan ang ilang segundo, inangat na niya ang kanyang ulo nang nakangiti.

Napalunok ako, pagkatapos kong maramdaman kung paano bumibigat ang damdamin niya sa bawat sandaling nakamasid siya sa kanila.

"Cesia."

Nilingon ko si Trev.

Sinulyapan niya si Hector bago ako padalhan ng nangungusisang tingin. "What is it?"

Binigyan ko siya ng isang mapait na ngiti saka umiling. "Wala..."








Seht's POV

For some reason, I looked away when they kissed.

There's no going back now. She's completely surrendered herself to him.

Siniko ako ni Thea. "Hoy, anong sinisimangot mo diyan?"

I sighed. "Nothing."

We're twins. We're of the same age, but Art has been a little sister to me, and I still can't believe she'll be going home to someone else now.

Matagal-tagal akong tinitigan ni Thea. "Oooh... nalulungkot ka?"

I gave her a subtle smile. "No, just..." I looked at them both. "A little bit lonelier, I guess."

Nagtaka ako nang bigla siyang humalakhak. "Diba? Ganyan din naramdaman ko nung nalaman kong magiging huntre yung kapatid ko."

"Okay lang yan, Seht." Tinapik-tapik niya ang balikat ko. "Naiintindihan kita."

"Pero alam mo..." Napatingin din siya sa gawi nina Art at Cal. "Panatag naman yung loob ko sa kanilang dalawa eh, na tutuparin nila lahat ng mga pangako nila sa isa't isa."

Ibinaba niya ang kanyang kamay. "Masaya ako para sa kanila..."

"Napakasaya..." mahina niyang sabi na may kasamang ngiti. "Kaya sana ikaw din."

I heaved a deep breath and let all my worry out. "He's lucky to have my sister."

"Ano ka ba, Sebastian." Muli siyang natawa. "Maswerte sila sa isa't isa."

I continued to stare at them.

"Husband and wife, huh..." bulong ko. "Husband..."

Slowly, I looked at the girl who stood beside me. "-and wife."

She blinked multiple times in a second.

"Thea-"

"Wait!" aniya. "Wait lang!"

I raised my brows.

"Seht, di pwede ngayon, okay?" She sounded nervous. "K-Kasi ano- gago- di ako nakapaghanda-"

"Thea."

"Di pa talaga! As in!"

"Are you..." I shook my head. "Are you perhaps thinking that I'm proposing right now?"

She looked at me, wide-eyed.

I chuckled lightly and leaned towards her. "Don't worry, I will." I whispered close to her ear. "Just not now, though."

Napaatras ako nang bigla niya akong itinulak. "Seht!"

Nakapamulsa ako at nginitian siya. "Thea-"

"Shh!" She waved her hands frantically. "Shhh!"

"I-"

"Aaaah!" She ran towards Cesia and the other girls.

Sinundan ko lang siya ng tingin at napabulong, "I'm serious..."

"Kill me now, Serenity."

I turned around and found Mom and Dad standing behind me, their arms intertwined.

"Artemia just got married and Sebastian-" Dad tilted his head back dramatically. "Heavens help me."

On the other hand, excitement drew across my mother's face. "Kailan ba yung kasal, anak? Gusto mo bukas?"

Apollo gasped. "Bukas?!"

I gave them both a bored look. "I haven't even asked her, yet."

"Good," Dad let out a sigh of relief.

"Disappointing," puna naman ni Mama, dahilan na mapasimangot ako.

"Mom," sambit ko.

Nginitian niya ako at nag-peace sign. "Joke," sabi niya at humagikgik pa. "Take your time, Sebastian, basta alalahanin mo lang na nandito kami para sa inyong dalawa ni Artemia."

What she said brought a smile on my face. "Thank you, Ma."

"How about me?" ani Apollo. "I have been one of the best dads out there- wait-" He easily got distracted by something behind me.

Then, his face brightened with delight. "Look sweetheart! Blobblebutt's wearing a tie with that yellow sponge!"

Nilingon ko si Blobblebutt na papalapit sa'min. Nakasabit sa kanyang leeg ang isang tie na may collage ng mukha ni Spongebob... you know that yellow sponge with the square pants?

Mom laughed softly. "Nagustuhan mo ba? Pina-custom made ko para-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla siyang hinatak ni Apollo.

"Spongebob! Spongebob!" The god chanted while dragging my mom.

"Bye, Seht!" She gave me a worried smile. "Kitakits- aaah!" She squealed when Apollo lifted her up effortlessly and put her on top of the hippogriff's lowered back.

Dad gave it a gentle pat before lifting himself up and sat behind her. "Let's go!"

"Teka-" Mom was panicking. "Teka! Saan tayo pupunta?!"

"To Olympus!" Dad laughed hysterically.

"W-Wag-" Mom attempted to get down but Dad got a hold of her waist and held her tight. "Apollo bitawan mo'ko! Hindi ako pwedeng pumunta do'n!"

"We're heading to whoever made his tie!" nananabik na sabi ng god sabay fist bump sa ere. "I want to have mine made as well!"

Tuluyan na ngang napatili si Mama nang pumapagaspas si Blobblebutt at inilunsad ang sarili nito mula sa lupa.

I heard my mother's scream and my father's laugh slowly fade away the further they got, until they finally disappeared behind the clouds.

"Wuy! Sa'n sila pupunta?!" Art appeared in front of me while catching her breath. "Gusto ko rin magpagawa ng tie na may mukha nina Bubbles para kay Cal!"

"Mamaaa!" sigaw niya nang nakatingala.

I felt another presence beside me, but I already know who it was, so I didn't bother to look.

"Cairo." I crossed my arms on my chest and glanced at my sister's wrists.

Truth be told, I already noticed the faint marks before I walked her down the aisle.

"Be gentle to her, will you?"








Ria's POV

Binuksan ko ang pinto at nakita si Chase na may dalang isang basket ng wines. Kukunin ko na sana ito mula sa kanya nang ilayo niya ito.

Kumisap-kisap siya. "Dito ka ba talaga matutulog?"

Sinamaan ko siya ng tingin at inagaw yung basket. "It's girls' night, Chase."

"Eh di ibig sabihin wala akong kasama sa kwarto..." Ngumuso siya. "Ria naman, eh."

"Go hang out with the boys or something," suhestyon ko. "Or you can go explore every corner of Hades' castle."

"Pero gusto ko-"

"Chase." Nakapameywang ako. "Pwede ba? Isang gabi lang naman tayong maghihiwalay."

Sumayad ang kanyang paningin sa paanan namin. "Ang dami na kaya nating magawa sa isang gabi lang..."

"What the fu-" I stopped myself from cursing him. "Seriously?!"

Ikinaseryoso nga niya ang sinabi ko. Inangat niya ang kanyang ulo at binigyan ako ng determinadong tingin.

"Oo," sagot niya.

I closed my eyes for a moment, and then sighed.

"Just this one night?" I calmly asked. "You already have me for the rest of my life, Chastille, baka nakalimutan mong kasal na tayo."

I noticed his jaw clench, dahilan na mapangiti ako. "Please?"

Matagal-tagal niya akong tinitigan.

I slightly lowered my head and tilted it to the side. The corner of my lips curved to a seducing smile. "Baby?"

Nakapamulsa siya nang bumaba ang kanyang tingin sa labi ko.

"Ngayon lang," aniya.

"Ngayon lang," I agreed, and took a step closer to kiss him lightly on the lips. Then, I smiled at him. "Love you."

"I love you too," he replied. "Sige na, bulabugin ko na rin yung iba para may kasama ako."

Natawa ako nang marahan. "Okay, good night!"

"Mag-enjoy kayo," Nginitian niya ako. "Bye!"

Nang maglaho na siya sa paningin ko, ay saka ako napasimangot.

"Gods," bulong ko. "That was harder than I thought."

Umikot ako at pumasok ng kwarto bitbit ang basket. Inangat ko ito para ipakita sa girls.

"Nice!" Thea whistled.

Tinulungan ako ni Kara sa paglapag ng mga bote sa mesa, pati na rin ang mga baso.

Narinig naming bumukas yung pinto kaya napalingon kami rito at nakita sina Kaye at Matilda na may dalang trays ng snacks.

"Ang dami!" namamanghang puna ni Art. "Huwaaah!"

"Art, wag malikot," ani Cesia na kasalukuyang binibraid ang kanyang buhok.

"Please tell me you brought juice," tugon ni Kaye nang makalapit sa mesa. "You know I can't drink."

"We did." Si Kara ang sumagot.

"So..." I grabbed one of the glasses and filled it halfway. "I was thinking, na baka gusto niyong magbakasyon?"

"Saan?" tanong ni Thea.

"'Yon nga, wala pa akong naiisip na lugar." sagot ko.

"Iiiiih!" Tumili si Art. "Kailan?!"

Nginitian ko siya. "After your honeymoon, of course. Siguro... one month from now?"

Nag-abot ang kanyang kilay. "One month? Ba't ang tagal?" Hinataw niya ang higaan. "Dapat next week!"

"Hindi na kayo makakapag-honeymoon nang maayos n'yan," ani Thea. "Wag, Art, kawawa si Cal."

Nagsimula na akong mag-abot ng mga baso.

Art let out a frustrated sigh. "Gusto ko next week, ih..."

"Art," I sat down and handed her a glass. "You have to spend time alone with your husband, okay?"

Ngumuso siya. "Eh di naman nakikipaglaro si Cal nina Bubbles," aniya. "Ano namang gagawin naming kaming dalawa lang? Huhuhu!"

"Gagawa ng bata-" Umubo-ubo si Thea at napainom sa baso niya.

Itinukod ko ang aking kamay sa higaan. A knowing smirk formed on my lips. "Usually, what newly weds do during the honeymoon..."

"-is to show their love to one another." Pinasadahan ako ni Kara ng nagbabantang tingin. "You'll find it out, soon, Art."

Pinaningkitan niya kami. "Sex?"

Agad naibuga nina Matilda at Kaye ang iniinom nila.

"Yun ba tinutukoy niyo?" aniya.

"I guess..." mahina kong sabi.

"Oo," sagot naman ni Thea.

She looked at us innocently. "Paano kung nagawa na namin 'yan ni Cal? Pwede na ba kaming mag-skip ng honeymoon?"

Biglang nasamid si Thea. "Puta-" Pinunasan niya ang kanyang bibig. "Putangina?!"

Muntik ko na ring mabitawan ang baso ko.

"Mmm!" Nginitian niya kami at tumango-tango. "So tuloy na tayo next week?"

"Wait what?!" Napasigaw ako. "You really did?!"

"Oo nga," napipikon niyang sagot, bago muling lumiwanag ang kanyang mga mata. "So..." Humagikgik siya. "Next week?"

"WAIT WHAT?!" I screamed even louder. "YOU... YOU DID?!"

Umusog ako papalapit sa kanya. "When?!"

"Umm..." Sumingkit ang kanyang mga mata. "Nung isang araw."

Napatakip ako ng bibig.

"You just couldn't wait for the wedding, huh?" Natatawang tanong ni Kara.

"Oh my fucking Gods-" I was overwhelmed with emotions. "Our Art-"

Tears started to form in my eyes.

"Ria!" Nanlaki ang mga mata ni Art nang makita niya akong naluluha. "O-Okie ka lang-"

"I'm not!" Pinunasan ko ang mga luhang tumakbo sa aking pisngi.

"Hala!" She seemed terribly worried. "S-Sorry Ria! Hindi ko alam-"

Marahang natawa si Cesia. "Di mo kailangang mag-sorry, Art."

"G-Gago-" Humikbi si Thea. "Hihimatayin na ako rito, baka di na ako gigising, bye guys." Saka siya bumagsak nang nakahilata sa higaan.

Natawa kaming lahat nang gawin niya 'yon.

"I'm free next week," ani Matilda. "If you still want to go."

"Ako rin," dagdag pa ni Kaye.

"Yieeeee!" Tumatalon-talon si Art sa kinauupuan niya. "Pero saan nga?! Kailangan na nating mag-decide!"

"Athens." Kasunod na nagsalita si Kara.

Nginitian niya kami. "Let's go to Athens."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro