Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Going Up (Tagalog Version)

Insular Building... isa 'yan sa mga pinakamatandang building sa Makati; 1962 pa nung maitayo. 'Langhiya. Memorable 'yan sa akin.

2005 noong ma-assign ako 'jan. Nagtatrabaho ako sa isang call center na nasa Insular ang training area, sa sixth floor.

Trainee lang ako, eh sa mga call center ang mga trainee laging pang-gabi ang sked. Kahit na me kainan at opisina ng security na open rin sa gabi, nasa first floor lang sila. Bale kami lang ang opisinang bukas sa mga upper level kapag gabi na. Puro Pinoy companies ang ibang tenants kaya regular hours ang pasok nila.

Tandang-tanda ko 'to. Pangatlong araw ko pa lang sa work. Puede rin, pangatlong gabi. Alas-dos ng umaga na, first break na namin.

Nasa ground floor ang yosi area. Ako dapat 'yung huling sasakay sa elevator pababa nang biglang tumunog ito. Overloaded. Paano, 12 kaming mga trainee eh 10-11 na tao lang ang kaya ng elevator.

"Bilisan mo sumunod, 'pre," sabi nung isang kasabay ko dapat magyosi. Sumara na 'yung elevator.

Paano ba naman kasi, napakaluma na nitong building. Dadalawa na nga lang ang elevator, pareho pang ancient. Mas matanda pa talaga sa amin, literal. Napakaluma at napakabagal. Sabi ko nga, baka hamster 'yung nagpapatakbo ng elevator at hindi kuryente. Ibang technology. 'Langhiya, ganoon kabagal itong mga ito.

So bale solo flight ako sa elevator. Ok lang.

Dumating 'yung sumunod na elevator. Inabot ng mga tatlong minuto paghihintay ko.

Pagpasok ko, pinindot ko 'yung "G" sabay atras.

Nakakabad-trip. Pagdating ko sa baba, malamang limang minuto na nabawas sa break ko bago pa ko makapagsindi ng yosi. Yosi na nga lang ang nagpapagising sa 'kin eh. Pag me nakatulog sa 'min, siguradong magbubwiset 'tong trainer kong bading. Ma-late ka lang ng limang segundo, akala mo nakapatay ka na ng tao kung makadakdak.

Napansin ko na lang, paakyat 'yung elevator imbes na pababa. Anak ng.

Umakyat 'yung elevator sa 11th floor. Bakit ganun, wala namang tenant dito?

Bumukas 'yung elevator. Madilim sa 11th. Walang katao-tao. Walang laman. 'Yung huling tenant kasi, umalis na noong isang linggo pa. Noong unang gabi ko pa nga, patapos na silang maghakot.

Sumilip ako sa labas. Wala na talagang gamit, kahit carpet wala na nga. Sa sobrang dilim, hindi ko na maaninag 'yung buong lugar. Malawak 'dun, siguro mga 1,000 square meters. Hindi naman ganoon kaliwanag 'yung ilaw ng elevator para mailawan 'yung buong lugar.

Baka naman me pumindot ng "down" dito bago ako nakapindot sa panel?

Hindi rin eh, kasi nung pumasok ako sa elevator naka-ilaw 'yung pulang "down" sa loob. So kahit hindi ko pa napindot 'yung "G" dederecho na talaga sa baba 'yung elevator. Dapat.

Saka, bakit nga dito pupunta ito eh wala na ngang tenant? Bawal na nga mag-loiter dito kahit sa umaga.

Kung guwardiya naman, malabo rin kasi hindi sila sumasakay ng mga elevator para sabay nila na-che-check 'yung bawat palapag pati 'yung mga hagdan.

Walang tao rito. Sure 'yan.

Kahit na magmukha akong g**o, sumilip pa rin ako tapos sumigaw ng "down?"

Wala namang sumagot.

Pero, 'langhiya. Me bigla akong narinig na naglalakad.

Ang linaw ng tunog. Tunog ng takong sa marbol. Doon banda nanggagaling sa malayo. Hindi ko makita kasi hindi inaabot ng ilaw.

Napansin ko na lang, lumalakas 'yung tunog.

Ta** i*a. Me naglalakad papunta sa elevator.

Pero wala pa rin akong makita, kahit na papalapit nang papalapit 'yung tunog.

Kung isa 'yun sa mga guwardiya, puede ba namang wala siyang dalang flashlight habang rumoronda? Saka sigurado namang sasagot siya nung sumigaw ako kanina ng "down".

May ilang segundo pa, lumapit na talaga 'yung tunog. Sa sobrang lapit ng tunog, dapat nakita ko na kung may paparating. Ganoon na kalapit sa elevator 'yung tunog.

May umihip na hangin bigla, tapos bumaba nang bahagya 'yung elevator na parang me bagong sumakay.

Nawala na 'yung tunog pagkatapos noon.

'Langhiya. Sigurado akong may bagong sakay 'yung elevator. May bagong sakay na hindi ko nakikita.

Lintek talaga, tama ako. Wala ngang tao rito! Minsanan na nga lang ako tumatama, ngayon pa nangyari!

Puny**a! Kelangan ko na makaalis dito!

Sa daming ulit ko pinagpipipindot 'yung "close" button, parang masisira na. Pero wala akong pakialam. Basta pindot lang ako nang pindot. Lech*.

Tinawag ko na lahat... ang Diyos, si Kristo... pati na lahat ng mga santo at anghel. Kahit sino na maisip ko, basta paandarin lang nila itong elevator!

Naramdaman ko, malamig na sa loob ng elevator kahit na walang aircon. Pero pinagpapawisan ako nang matindi.

Basta sige lang ako sa pagpindot. Tuluy-tuloy, mga 30 seconds.

Tapos bigla ring sumara sa wakas. Ewan ko kung papaano, basta sumara siya. Naramdaman ko pababa na ulit 'yung elevator.

Ni hindi ko makuhang lumayo sa panel. Mas lalong hindi ko makuhang lumingon. Malamang hindi ko magustuhan kung anuman ang makikita kong kasabay ko.

3... 2... G... halos patalon ako lumabas sa elevator noong bumukas ito. Sabay takbo papuntang smoking area. Basta makalayo ako sa puny**ang elevator na 'yun.

Nung pagdating ko, patapos nang magyosi 'yung mga kasama ko. Paubos na 'yung 15-minute break namin.

"Saan ka nagpunta, 'pre?" sabi nung isa sa akin.

"Saka bakit pawisan ka?" sabi nung isa pa.

Ni hindi ako makapagsalita nang maayos. Hindi ko maikuento kung anong nangyari sa akin. Dalawang magkasunod na yosi sinindihan ko. Ni hindi rin ako makapagsindi nang maayos.

Basta uubusin ko yosi ko. Wala akong pakialam kung magalit 'yung baklang trainer namin. Kailangan ko muna kumalma.

Pinaki-usapan ko 'yung dalawa sa mga kasamahan ko na samahan muna ako, kahit ma-late kami. Kailangan ko muna magyosi, pero puny**a hindi ako sasakay ng elevator pabalik nang mag-isa kahit pa masesante ako noon ding gabing iyon.

Pagbalik namin, sinabi ko sa trainer ko na nagpasama ako at ayoko sumakay ng elevator nang mag-isa.

"Wow... I've never heard THAT excuse from someone coming back in late to MY training session... the NERVE!!! What, are you trying to be 'innovative'?" sabi nung trainer. Hindi ko na masyadong pinakinggan 'yung pang-ookray niya sa 'kin. Pinapahiya niya 'ata ako. Nakaka-irita lang, ang laking tao pero ang tinis ng boses.

Hindi ko masyado ininda. Lintek na 'yan, meron pang ibang bagay na 'di hamak na mas nakakatakot keysa sa kanya dito sa building na ito.

Kaya mula noon, hindi na ko nag-elevator mag-isa sa Insular.

Siyempre, walang naniwala sa kuento ko. Ni isa, wala. Isang linggo nila ako pinagtitripan dahil dun.

Pero noong mangyari rin iyon sa dalawa kong co-trainee na nag-solo rin na sumakay sa elevator nang magkahiwalay sa madaling araw, hindi na sila natawa. Kagayang-kagaya ng nangyari sa akin. Ayun, eh 'di naniwala rin ang mga loko.

Puny**a. Kahit anong mangyari sa akin, hinding-hindi na ko sasakay nang mag-isa sa elevator sa Insular nang gabi. Kung wala rin lang akong kasabay sa elevator, huwag na lang 'uy.

Kung sino o ano man 'yung nakisabay sa akin sa elevator noong gabing 'yon, baka nagtatrabaho pa rin kahit sumakabilang-buhay na. Yan 'ata ang ibig sabihin ng 'overtime' at 'dedication' eh. 'Langhiya.

:::::
If you liked this chapter, HIT THE VOTE BUTTON! It helps every Wattpad creator whenever you do so!
:::::

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro