Kabanata 3
"Good morning!" Malakas na bati ni Aipha nang bumukas ang opisina ng Mayor. Maaga siyang pinapasok ni Miss Monette, ang isa sa pinakamatandang empleyado sa munisipyo para i-orient sa buong Munisipyo. Naluha pa nga ito nang sabihing malaki ang pasasalamat nito kay Mayor Fergus dahil hindi siya inalis sa trabaho kahit galing pa siya sa mga nakaraang termino ng mga Mayor.
"Coffee." Magilas siyang tumayo at sinundan ang matangkad na Mayor na nakatalikod sa kanya. Malapad ang likod, matambok ang pwet, yum! Napakagat labi pa siya habang pinagmamasdan ang lalaki.
Umupo ito sa swivel chair at pumikit. Hindi man lang siya binati!
"Hot. Very, very, very hot." Sambit niya habang nakatitig sa guwapong mukha Mayor at ibinababa niya ang tasa ng kape sa lamesa nito. Pinigilan niya ang pagkasamid. Kamukha ni Superman. Sana ilabas din nito ang brief sa pantalon.
Dumilat ang Mayor at binigyan siya ng matalim na tingin, napansin yata na nagtagal siya ng husto sa paglalagay ng kape sa lamesa nito.
"Super hot ng coffee." Kumindat pa siya at tumalikod na.
Nabasa na kasi niya ang kontrata na iniwanan ng Mayor sa kanyang bagong lamesa. Walang patawad dahil pati ang kanyang make-up ay pinakailaman, bawal daw ang makapal at takaw pansin, bibigyan daw siya ng memo kapag ginawa iyon. Memo agad! Napilitan tuloy siyang bawasan ang kanyang make-up kanina.
Iniangat ng Mayor ang hintuturo nito sa kanya nang makaupo siya sa kanyang lamesa na nakaharap sa Mayor, katabi ng pintuan, tumaas ang dalawang kilay niya.
"Yes?"
"Your make-up." Seryosong sambit nito.
"Ay, binura ko na. Natural yan. Rosy cheeks, red lips. Big boobs, big butt." Hindi niya napigilang idugtong.
Naglapat ang labi ng Mayor at saka inabot ang tasa. Hindi pa man ito nakakailang higop ay naubo na ito.
"Ang pait!" Reklamo nito.
"Talaga ba?" Inosenteng tanong niya. Hindi naman kasi siya nagkakape. Hot chocolate lang siya sa umaga. "Naku, sorry, Mayor. Hindi kasi ako sanay na magtimpla ng kape sa coffee maker. Saka ang sabi niyo lang naman, ayaw niyo sa malamig ng kape so nag-focus ako sa pagpapainit. Importante ang pagpapainit para mas masarap." Itinaas niya pa ang hintuturo na parang minememorya ang kanyang sinabi. Napaawang ang labi ng Mayor sa kanya.
"Nevermind. Hanapin mo si Ipe sa labas, magpaturo ka sa gusto kong timpla ng kape."
Sinunod ni Aipha ang utos ng Mayor. Idinikit niya sa braso ang post-it kung saan naka-summarize ang ayaw at gusto ng Mayor. Nagdikit pa siya ng isang blangkong post-it para naman sa tamang timpla ng kape. Easy! Kung ganito ang kailangan niyang gawin araw-araw, hindi siya basta magkakamali.
Bumalik si Aipha makalipas ang ilang minuto bitbit ang panibagong tasa ng kape. Ngiting-ngiti niyang inilatag iyon sa lamesa ng binata.
"Two scoops ng coffee grind, double filter, dalawang kutsarang creamer at isang kutsaritang brown sugar." She recited. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng binata dahil tutok ito sa kung anong binabasa sa laptop.
"We will go out after lunch, we will have a meeting in Teresa. Bring your notebook and a pen. I want you to write every details of it. Oras na may makalimutan ka---"
"Memo." Inunahan na niya ang sasabihin nito.
"That's right."
"And your clothes--" Bumuntong hininga ito.
Tiningnan niya ang sarili. Naka-gray pencil skirt siya at ruffled baby blue sleeveless blouse.
"Hep! Wala iyan sa kontrata, Mayor." She pointed out. Lumapit pa siya sa kanyang lamesa para kunin ang kontrata at iwinagayway sa hangin. "May pirma mo na, at pinirmahan ko na rin kaninang umaga. Cross your heart, hope to die. No erase, locked, tapon ang susi sa dagat."
---
Helpless ang pakiramdam ni Fergus habang tinitingnan si Aipha. Mukha naman itong masayahin at maayos magtrabaho sa loob ng dalawang linggo nito pero hindi niya magawang makampante rito. Maybe because he never worked up close with a Transwoman before? But he knows that shouldn't make a lot of difference. Hindi nga siya judgemental. He shouldn't mind.
However, her face, no, probably her beautiful body, her scent, it is making him uncomfortable, not because it is bad but it is good, too good. Damn it.
Aipha literally look like an Asian Barbie. Her face is small and delicate, she got sexy lips and eyes that seems like it was smiling even if it is not looking at anyone. Ang mahabang buhok nito na abot sa beywang ay sumasayaw sa bawat kilos nito. He can smell her shampoo whenever she gets close to him. Fergus appreciates fair-skinned beauty but he never thought a morena skin would also look good, if not, better.
"Mayor!" Magiliw na tawag sa kanya ng bagong sekretarya. "Baka matunaw ako." Mapanukso na pakli nito. Alam niyang normal sa mga gays ang mapagbiro o blunt magsalita pero biglang nag-init ang kanyang mukha sa sinabi ni Aipha. Kinailangan niya pang yumuko at magpanggap na nagsusulat sa kanyang planner para maikubli iyon.
"Biro lang." Aipha giggled. Goodness, even her giggles came cute. "Ngayon ka lang nakakita ng Tranny?" She asked. Tumayo ito at umikot sa harapan niya. Akmang hahawakan nito ang dibdib pero itinaas ni Fergus ang kanyang kamay.
"Illicit acts." Pagpapaalala niya.
Mabilis na umakyat ang kamay nito sa mukha at hinawi ang buhok mula batok. "Masyadong kang kabado, Mayor. Ano bang iniisip mo?" Aipha giggled again. He grunted because he knows she's being naughty and he cannot do anything. She's vibrant and happy, even his employees love her. Lalong numinipis ang dahilan para matanggal niya ito sa trabaho agad-agad kagaya ng naunang plano.
"Kain na, Mayor." Nakangiting sambit nito habang inilalagay ang insulated lunch box sa kanyang lamesa. Tinitiyak nitong kumakain siya ng pananghalian sa tamang oras. Mas lalo siyang nakokonsensya sa pagsusungit niya rito, mahaba na ang isang sentence tuwing kakausapin niya ito pero parang hindi naman nito alintana. Masayahin pa rin at panay ang kausap sa kanya.
"Ang galing-galing noong proyekto mong Kariton Aklatan. Bet na bet ko, Mayor. Winner." Kinuha rin ni Aipha ang baon nito mula sa ilalim ng lamesa at naghanda na rin kumain.
"Alam mo noong bata ako, lagi akong tumatakas para makapagbasa sa library sa school. Hindi pa kasi ako nag-aaral, marunong na akong magbasa. Tinuruan ako ng tindera ng diyaryo sa malapit sa amin."
Usually, he would ask questions. He knows that Aipha is trying to have a small talk with him over lunch. Pero hindi niya maibukas ang bibig. Ayaw niya talagang makipag-close dito.
"Alam mo rin ba.." Napahinto ito, "hindi mo pa alam kasi hindi ko pa sinasabi." Tumawa si Aipha sa sariling biro. Tumikhim siya para hindi niya ito masaluhan sa pagtawa. "Nag-volunteer ako sa Kariton Aklatan. Nag-sign up ako sa isang kariton at mag-iikot ikot ako sa Linggo para magturo sa mga bata. Huwag sanang Jumulanis Morisette tuwing Linggo." Sumubo ito habang nag-iisip. She looks cute being excited.
Natigilan si Fergus. Bumilib siya sa dedikasyon ni Aipha pero ayaw niya iyong ipahalata.
"Anong ituturo mo sa mga bata, Gay language?" Bigla na lang dumulas sa bibig niya iyon. Mabilis sumara ang labi ni Aipha at dahan-dahang ngumuya. Nahihiya itong ngumiti.
"Hindi naman, Mayor." Sinarhan nito ang lunch box at tumayo. "Tapos na akong kumain. Magpapahangin lang ako sa labas."
Agad siyang binalot ng pangongonsensya. Pinagalitan niya ang sarili sa pagiging malamig kay Aipha.
---
Buong maghapon na walang energy si Aipha. Sumusobra na talaga ang Mayor na iyon. Iyon na kaya ang i-report niya sa kanyang Daddy Ter? Galit yata talaga ito sa LGBTQ. Ayain niya kaya si Fifer na mag-welga sa munisipyo?
Mabuti na lang at nang bumalik siya sa opisina ay wala na ito. Nag-iwan lang ng note sa kanyang laptop.
'You don't need to wait for me.' Pati sa note, ang cold!
Nag-aabang na si Aipha ng jeep na masasakyan patungo sa kabilang bayan kung saan siya nakatira pero kahit nasa probinsiya ay apektado pa rin siya ng rush hour lalo't sa bayan siya nagtatrabaho. Kaya lang kakaiba ngayong araw, mayroon daw nationwide strike ang mga jeepney kaya kaunti lang ang bumabyahe.
Inabot na siya ng paglubog ng araw at bahagyang dumidilim na. Ilang kasamahan sa trabaho ang nag-alok sa kanya ng sakay pero wala rito ang nakatira sa bayan kung saan siya nakatira kaya naiwanan din siya.
Tiningnan niya ang kanyang sandals na mataas ang takong. Nagsisimula nang manakit ang kanyang paa sa matagal na pagkakatayo. Gusto niyang umupo sa kalsada kaya lang ay maigsi masyado ang kanyang palda. Baka masilipan siya. Iniisip niyang tawagan si Fifer pero wala rin naman itong sasakyan, maliban na lang kung willing itong ipasan siya sa likod nito.
'Crayola Boom Boom. Maluluma na yata ako rito. Wala sanang dumating na mga goons.'
Palinga-linga si Aipha sa paligid dahil ang nasa harapan niya ay malawak na palayan, ang munispyo ay napapalibutan naman ng matatayog na coconut trees, pabawas na rin ng pabawas ang dumaraang sasakyan. Kung ano-anong viral posts ang tumakbo sa kanyang utak tungkol sa modus ng masasamang loob. Budol-budol gang, riding in tandem at puting van. Tiniyak niyang magiging alerto siya kapag may lumapit sa kanyang kahina-hinala.
Ang dalawang oras na paghihintay ay nadagdagan pa ng treinta minutos. Panay ang text sa kanya ni Fifer, hinahanap siya. Naubusan na rin siya ng load kaya hindi na siya makasagot. Napataaras siya nang may itim na sasakyan na mabagal ang takbo patungo sa kanya. Nasisilaw siya kaya yumuko siya ng kaunti.
Bumilis ang pintig ng puso niya nang maramdamang huminto sa kanyang tapat ang sasakyan. Itim na sasakyan. Bagong modus operandi yata. Nakarinig siya ng pag-click ng pinto ng sasakyan, mas lalo siyang nag-panic.
"Wag po!" Sigaw niya. Handa na sana siyang tumakbo nang may humawak sa braso niya. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak kaya hindi siya nakalayo. "Poorita lang ako! Wala akong datung! OMG please, hindi po ako masarap, promise!"
"Aipha!" Inalog ng may pamilyar na boses ang kanyang balikat.
Dahan-dahan siyang napalingon sa may hawak sa kanya, "M-mayor Fergus?"
"What are you still doing here?"
"Wala akong masakyan, mayroon kasing strike ang mga jeep."
"Why didn't you--" Huminga ito ng malalim, halatang pinipigilan ang inis. "Hop in. Ihahatid na kita."
Pinag-isipang mabuti ni Aipha ang alok ng Mayor pero sa huli ay nanaig ang pride niya. Masama pa ang kanyang loob sa sinabi nito kanina.
"Hindi n--"
"I also want to talk to you. Can I invite you for dinner?"
Hindi niya naituloy ang sasabihin. Napakurap-kurap pa siya. Ito ang pinakamahabang salita na natanggap niya mula sa Mayor bukod noong first day niya.
Pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan. Agad na sumalubong sa kanya ang panlalaking pabango nito. Fresh and cool. Masarap amuyin. Malalakas niyang sininghot ang buong sasakyan bago pumasok ang binata sa driver seat.
"Mayor, yung sinabi ko kanina, hindi iyon totoo."
Kumunot ang noo nito, "hindi totoong magvo-volunteer ka sa Kariton Aklatan?"
Sunod-sunod ang pag-iling niya, "Hindi totoo yung hindi ako masarap. Rawr."
Fergus chuckled.
For the first time, she saw him chuckled. Sa isang iglap, parang gumaan ang lahat at napawi ang pagod niya sa maghapon. Bagay sa Mayor ang nakangiti.
💋💋💋💋
Sorry for making you wait, ituloy tuloy na natin ito :)
Salamat sa paghihintay at pagbabasa! Votes and comments please!
Facebook Page 👉 Makiwander
Facebook Group 👉 Wanderlandia
Instagram 👉 Wandermaki
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro