Kabanata 2
Panay ang paypay ni Aipha habang nakapila sa initan sa labas ng munisipyo ng Gigantes. May tent namang itinayo para sa aplikante, ang kaso ay sa dami ng gustong mag-apply ay hindi na nagkasya sa pobreng silungan. Ngayong araw ang una at huling application process para maging sekretarya ni Mayor Fergus Tiangco kaya naman nagkalat ang tauhan ng munisipyo para sa screening process. Marami na ring napauwi dahil resume pa lang ay hindi na papasa.
Lumingon siya sa kaliwa't kanan para maghanap sana ng kakwentuhan kaso walang pumapansin sa beauty niya. Siya kasi ang nag-iisang rosas sa palibot ng mga tinik. Nanatili na lang siya na tahimik kahit kanina pa kinakati ang dila niya na magsalita.
Masyado namang seryoso ang lahat! Sabagay, mas lalo't higit na kailangan niyang magseryoso dahil sa trabahong iyon nakasalalay ang pampagamot ng kanyang ina.
Inilabas niya ang make-up powder at walang kyemeng nagretouch habang nasa pila. Bahagya niyang inilabas ang kanyang cleavage sa suot na pink na polo blouse na hapit sa kanyang balingkinitang katawan, ang katerno nito ay hanggang tuhod na pencil skirt. Maging ang kanyang buhok na hanggang beywang ay kinulot niya ng beach curls.
Ngumiti siya sa harap ng salamin, sino naman kayang hindi mabibighani sa kanyang magandang mukha. Morena siya, hindi man inabot ng 5'5 ang kanyang height pero nadadaan naman iyon sa heels. Her body has the curves all in the right places.
"Ikaw dito." May kumalabit sa kanya na isang matandang babae na mukhang principal. Makapal ang suot nitong salamin at naka-powder blue na uniporme ng munispyo. Tumayo siya sa itinurong pwesto ng matanda na nilagpasan lamang siya pagkatapos. Kinuha nito ang resume ng nasa kanyang likuran, pinasadahan iyon at pinapuwesto naman sa kabila niya. Napansin niyang pinaghihiwalay sila base sa resume na binabasa ng matanda pero nakakapagtaka na hindi man lang kinuha ang kanya. Pinaganda pa naman niya ang isinulat niya roon, dinagdagan niya ang awards na nakuha niya noong elementary at highschool para magmukha siyang matalino.
Nasa kanan siya ng pinaghating pila, mahigit beinte sila roon, samantalang tatlo lamang ang nasa kaliwa. Inayos ng matanda ang salamin at tiningnan silang mabuti.
"Ang mga nasa kaliwa, maaari na kayong pumasok para sa final interview. Ang mga nasa kanan, maari na kayong umuwi."
Narinig ni Aipha ang pag-ungol ng mga kasamahan. Ungol ng panghihinayang. Ungol ng kalungkutan. Wala man lang umungol sa sarap. Tanggal agad kahit wala pa nga! Wala namang pakialam ang matanda at naglakad na papalayo.
"Wait-sung!" Hindi napigilan ni Aipha ang sarili na pigilan ang matandang strikta sa braso. "Bakit? Ni hindi niyo nga tiningnan ang resume ko, basta niyo na lang inilagay ako sa mga hindi pasado!"
"Miss." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Hindi ko na kailangang tingnan ang resume mo dahil nakapaskil sa gate ng munisipyo, 'The position is not open for female applicants." Pagdidiin nito. "Aba kahit pupwede ang babae, hindi pa rin kita tatanggapin kasi hindi ka yata marunong magbasa."
Natameme siya. Oo't hindi nga niya iyon nakita pero anong karapatan ng matanda na insultuhin siya?
"May discrimination?" Humalukipkip siya, "ano ba ang kayang gawin ng lalaki na hindi kaya ng ibang kasarian?" Matigas na tanong niya. Unti-unti silang nakakuha ng atensyon pero wala siyang pakialam, iyon pa nga ang kanyang gusto. Hindi siya ipinanganak para maging lowkey.
"Miss, hindi iyon discrimination kundi preference! Hindi ko na kailangan ipaliwanag kung bakit lalaki ang gusto ng Mayor basta hindi ka tanggap kagaya ng ibang mga lalaki na nasa likuran mo."
Aba! Hindi siya papayag na ganun-ganun na lang! Iyon na ang nag-iisang tsansa niya para may mapiga siya sa kanyang amain para sa kanyang ina.
"Misis." Mahinahon ngunit may diin niyang sabi. "Hindi lang ako makapaniwala na ang kagaya ni Mayor Tiangco ay may 'preference' pa pala sa taong makakahalubilo. Sabagay!" Mas lalo niyang nilakasan ang boses, desididong kumuha ng mas maraming atensyon, naglakad pa siya sa gitna, malapit sa fountain ng munisipyo para mag-isa siya roon maglitanya.
"Kung ang mga babae nga ay hindi madaling matanggap sa trabaho, paano pa kaya ang isang Transwoman?!"
Napasinghap ang naroon sa munisipyo. Masyado iyong malakas para makumpirma niyang nagulat ang mga iyon sa kanyang isiniwalat. Tiningnan siya ng karamihan mula ulo hanggang paa.
"T-transwoman ka?" Bumulong ang matanda. Taas noo siyang nagpamaywang.
"Kung tutuusin ay pupwede kong ipaglaban ang aking karapatan. If I was born with male genitals, I am technically qualified. But because I look like a woman, dressed like one, I will be denied a chance to have a decent government job. Kagaya rin kayo ng iba. Kagaya rin si Mayor Tiangco ng ibang dumidiskrimina sa LGBTQ!" Ang boses niya ay parang nagsisimula ng rally.
"Ah, alam ko na." Pagpapatuloy niya, "Mayor Tiangco refuses females to be his secretary because he's scared to fall in love with them. I doubt he'll fall in love with a transwoman or even to a natural born-woman. Masyadong matayog ang Mayor niyo, mapagmataas at mapanghusga. Hindi nga niya bibigyan ng tsansang makapagtrabaho ang ibang kasarian bukod sa lalaki, ang ibigin pa kaya ang kasariang mababa ang tingin niya?"
Unti-unting nagbago ang himig sa munisipyo. Ang mata ng iba ay parang natauhan, naawa sa kanya. Tumikhim ang isang aplikante.
"H-hindi na lang ako mag-a-apply sa trabaho na ito." Isinantinig ng aplikante. Nagsimulang gumaya ang iba. Ang iba ay pinunit pa ang kanilang mga resume na parang pagpupunit ng cedula ng mga katipunero doon sa Pugad Lawin.
"Sana mabigyan ka rin ng pantay na karapatan, Miss." Sabi sa kanya ng iba. Namumula-mula ang mga mata niyang tumango.
"K-kung ako ang tatanungin mo, mamahalin kita. Ipo-profile picture pa kita!" Tinapik ng isang aplikante ang kanyang balikat.
"Salamat.." Madamdaming tugon ni Aipha.
Unti-unting naubos ang kanina ay parang mga langgam na aplikante. Nagdiwang ang kanyang puso.
Ubos na ang kanyang mga kalaban! Sabi na nga ba't nasa kanya ang huling halakhak pero pinipigilan niya ang mapangiti. Nag-init tuloy ang mukha niya sa pagpipigil ng tawa. Trabaho plus sustento, pak na pumapalakpak! Minadali niyang kunin ang cellphone para magtext sa kanyang Daddy Ter.
"There's only one thing I will ask of you, don't you dare fall in love with me. Welcome to Gigantes Municipal Hall, you can start working tomorrow."
Napako sa kinatatayuan si Aipha nang marinig ang malamig na boses ng Mayor ilang dipa ang layo sa kanya. Bago pa man niya masagot ito ay tumalikod na ito sa kanya.
"Suplado!" Mahinang angil niya.
---
'The nerve of that woman.'. Mahigpit ang hawak ni Fergus sa kanyang ballpen. Nakatitig siya sa kanyang laptop habang hinihilot ang kanyang sentido. Narinig niya ang komosyon sa labas ng munisipyo kanina kaya naisipan niyang silipin iyon. Hindi niya akalaing may isang transwoman ang naroon at nagwawala dahil hindi siya natanggap sa trabaho.
Hindi totoong mapagmataas siya. Ang totoo ay hindi siya namimili ng makakasalamuha. Nagkataon lang puro lalaki ang kanyang mga kaibigan pero hindi ibig sabihin non ay mababa na ang tingin niya sa mga babae, bading, transgender o lesbyana. Siguro ay hindi siya maiinlove sa mga ito dahil hindi naman siya naniniwala sa konsepto ng pagmamahal, iyon na ang kanyang kinalakihan. Ang mga magulang niya ay magkasama sa iisang bubong pero hindi naman nag-uusap. They were good parents, the best, actually. Nagawa nga nitong tiisin ang isa't isa para sa kanilang mga anak nito, para lang masabing may kumpleto silang pamilya hanggang sa magkaroon na sila ng kani-kaniyang buhay.
Aipha Mendez played the LGBTQ card. Kapag hindi nakuha ang gusto ay isisigaw na hinihusgahan ito. Masyadong pa-victim. Bakit ang ibang kakilala niyang LGBTQ ay hindi naman ganoon. Some gays even respects women more than men. Some gays and lesbians respects dress codes at church. Siguro ay hindi niya magugustuhan si Aipha hindi dahil sa kasarian nito kundi sa pagkatao nito. Bratty, cunning. Alam niyang sinasanggi lang nito ang kanyang ego kanina. Pasalamat ito at sabay sabay na nag-pull out ng resume ang mga kalalakihan. He badly needs a secretary for his Mayors' conference meeting tomorrow. Nahihirapan na siyang mag-pull out ng empleyado ng munisipyo para dalhin sa mga meetings. Nagkakaproblema rin sa schedule niya dahil walang nagpapaalala.
Kung nainterview niya lang si Aipha, tiyak na hindi papasa ang personalidad nito sa kanya. Hindi niya agad ito gusto ano man ang kasarian.
Galit siyang nagtipa sa kanyang laptop. Isang specialized contract ang kanyang ihahanda para kay Aipha. Naglagay siya ng terms sa bawat kapalpakan na magagawa nito. Sa ikatlong warning, aalisin na niya ito sa trabaho at hindi ito dapat magreklamo as long as signed ang memo warning na ibibigay rito.
Inilagay niya rin ang specific non-negotiable flaws kung saan mai-issue-han ito ng memo. Illicit Acts, Tardiness, Absence, Typographical Error (3 erroneous words is equivalent to one memo), Forgotten Schedule, Cold Coffee.
Walang butas sa ginawa niyang kontrata. Alam niyang hindi aabot ng isang buwan si Aipha at tiyak na may magagawang tatlo sa nabanggit niyang pagkakamali na hindi niya mapapatawad.
Sa gitna ng kanyang pag-iisip ay nakarinig siya ng tatlong katok mula sa labas ng kanyang opisina bago bumukas ang pinto. It was Vito, his campaign manager and whom he considers a friend.
"Good move." Ngiting-ngiti ito. Tiyak na tinutukoy ang pangyayari kanina.
"I was caught off guard, Man."
"Yeah, knowing you, ipaglalaban mo pa rin ang kagustuhan mo at ang pinaniniwalaan mo. You have your way to get out at anything, anytime, with that mouth. But we have to agree that that transwoman has a smart mouth, too." Umupo si Vito sa kanyang lamesa.
"Kailangan ko lang ng secretary bukas."
"Well, mabuti at hindi mo na ipinaglaban ang kagustuhan mo. Malapit na ang eleksyon, maraming nakatingin sa iyo. Mahirap kantiin ang LGBTQ issues. It is a very sensitive issue especially today."
"I have gender neutral restroom inside this municipal hall. I allowed the Pride Run for two consecutive years. We have gay and lesbian employees." Pagpupunto niya.
"I know, Pare. But you know, all eyes are on you now. Ikaw ang isa sa binabantayan kung anong posisyon ang tatakbuhan. That's also the reason why you fired Melissa, right? You don't want to associate yourself in sexual harassment issues. That's why we also decided that you remain a bachelor, sayang ang boto ng mga kababaihan." Humalakhak ito.
"I was the one who decided to be bachelor, Vito." He corrected.
"So don't fall in love with that transwoman neither. It will result to a lot of questions regarding your sexuality, too. There's nothing wrong in being gay, though. But let's not take that route at this point. But she's hot, Pare. Really hot." Sumipol pa ito.
"You won't have a problem with me. I still love vaginas. The real one." Kalmado niyang sabi.
---
"Don't you dare fall in love with me.." Paulit-ulit sa isip iyon ni Aipha habang nakakamay na kumakain ng paborito niyang tuyo at itlog. Tom Jones na talaga siya dahil sa pagproseso ng kanyang pagsisimula sa Munisipyo ng Gigantes bukas. Nanggigil siyang isinubo ang malaking tipak ng sinangag sa bibig habang inaalala ang gwapong Mayor. Mayabang. Anong akala nito, lahat ay nagkakagusto sa kanya? Siguro nga karamihan ay nagkakagusto rito, pero hindi lahat.
"O, let's celebrate." Itinulak siya sa upuang bangko ni Fifer, ang bestfriend niyang transwoman na 'di hamak na mas maganda sa kanya. Pouty lips, mataas na cheekbone, mas malaking boobs at balakang. Walang mag-aakalang dati itong lalaki. Ibinaba nito ang isang platong pancit at isang half-roll na chocolate cake na paborito niya. Nagningning ang kanyang mga mata. Nakakatouch talaga ang isang 'to, hindi pumapayag na hindi i-celebrate ang bawat milestone niya, maliit man o malaki.
"Awww, hayaan mo, Fifer. Kapag naipagamot ko na si Mama, ako na mismo ang magpapaputol ng anetchiwa mo." Hindi pa ito nagpapa-sex change kagaya ng ibang Trans, alam niyang ayaw nito iyon dahil natatakot ito na wala nang balikan kung sakaling magbago ang isip nito.
"Gaga, ayokong ipaputol ang daloy ng kaligayahan ko."
Umirap siya sa kaibigan at saka malapad na napangiti. "May trabaho na ako bukas Fifer! At makakakolekta na rin ako sa stepfather kong ganid!" Napapalakpak siya.
"Kaya nga masaya ako para sa iyo. Sa inyo ni Nanay. Ako na ang bahala sa online business mo habang nagtatrabaho ka sa munisipyo sa kabilang bayan."
Humilig siya sa balikat ng kaibigan. "Salamat sa pag-aasikaso sa shipping ng mga benta ko kanina, ha? Pati na rin sa pagtingin-tingin kay Nanay." Seryoso niyang sabi. Awtomatiko siyang napalingon sa silid nila ng ina, nakabukas lang ang pinto noon para marinig niya agad kung dumadaing ito. Maaga itong nakakatulog, hindi naman daw niya itong pinapayagang kumilos kaya matutulog na lang ito.
"Ano ka ba? Kayo na ang pamilya ko ni Nanay simula nang palayasin ako ni Papang nang malaman na naka hormone pills ako." Humagikgik ang kanyang kaibigan pero may bahid ng lungkot ang tinig. "Fifteen years old pa lang ako noon, dalaginding." Muli itong natawa.
"Sana makabalik kang Thailand, Fifer." Sambit niya. Umuwi ito mula sa Thailand dalawang taon na ang nakakaraan nang magsara ang club na pinagtatrabahuhan doon, ngayon ay sinasabing over age na raw kaya hindi na tinatanggap. Sayang ang ganda nito at ang ipinagpagawa sa katawan dahil hindi na nito mairarampa.
"Alam mo, iyan din ang gusto ko. Magho-hostess talaga ako doon para maipagamot natin si Nanay."
"Sira! Di ba sabi mo, naroon ang jowa mong Afam kaya gusto mong bumalik?"
"Sus! Wala na iyon! Sino ba ang magseseryoso sa mga bakla? Mas mabilis pa sa babae ang expiration date. Huwag nga ako ang pag-usapan natin." Humiwa ito ng cake at inilagay sa dalawang platito para sa kanilang dalawa. "Kumusta si Mayor Fergus? Daks ba?"
Pinanlakihan siya ng mata, "Paano ko malalaman? Hindi ko pa nahahawakan! 'Di bale, next time!" Malakas silang nagtawanan. Nang matahimik sila ay wala sa sariling napatulala siya.
"Pero alam mo, Beks, kinakabahan ako. Hindi kaya masama ang gagawin ko?"
"Anong masama roon? Sasabihin mo lang naman sa Daddy Ter mo kung may masamang ginagawa ang Mayor at sila na ang bahalang mag-imbestiga. Eh di maganda kung sakaling may ginagawa ngang masama at mabuking mo. Masyado nang stress ang Pilipinas sa mga politikong corrupt!"
"Paano kung wala akong makitang masama?"
"Eh di maganda at honest ang Mayor na iyon! Gawin mo lang ang trabaho sa abot ng makakaya mo, Aipha. Siguruhin mong hindi ka maalis para tuloy-tuloy ang sustento ng Daddy Ter mo sa inyo."
Titiyakin niya iyon. Hindi niya pababayaan ang kanyang trabaho. Minsan lang siya mabigyan ng ganitong pagkakataon, susulitin na niya.
💋💋💋💋
Facebook Page 👉 Makiwander
Facebook Group 👉 Wanderlandia
Instagram 👉 Wandermaki
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro