Kabanata 14
"Kulang pa ang ipinadala mo, huwag mo kaming titipirin." Galit na sinugod ni Aipha ang kanyang stepfather na Gobernador. Uminit ang kanyang ulo nang makitang kulang-kulang ang gamot na ipinadala nito pati na rin ang mga pagkain. Hindi siya makakapayag na tipirin siya ni Ter pagkatapos ng lahat ng isinakripisyo niya para sa lahat ng masamang layunin nito.
"What did I tell you about knocking? Manners my dear daughter." Sambit nito nang hindi nakatingin sa kanya, may kung anong nilalaro ito sa kanyang Nintendo Switch.
"Hindi mo ako anak!"
"Exactly. So bakit ka umaarte na parang anak kita at may obligasyon ako sa iyo?"
"Pinagtrabahuhan ko iyon! Lahat ng hinihingi ko sa iyo ay ginawa ko nang may kapalit."
"Then, wait. Hindi pa bumabagsak si Fergus."
"Hindi siya babagsak kasi hindi siya kasingbulok mo!"
"Ouch." Kunwari'y naoffend ito. "Out! Get out, Bitch!" Galit na asik nito. Itinuro pa nito ang pinto na agad na bumukas kasunod ang pagpasok ng dalawang bodyguard nito.
"Don't bite the hand the feeds you, Boba!" Sigaw muli ni Ter habang inaayos niya ang damit pagkatapos siyang itapon ng security sa labas ng opisina ng Gobernador.
---
Kahit anong kalokohan ni Fergus, naging bulag na rin si Aipha sa kanya. Hindi siya pumapasok na walang hangover o di kaya ay kissmark sa leeg pero walang pakialam ang dating nobya, o naging nobya nga ba. Laman na rin siya ng mga tabloid. Nagsawa na rin yata ang tao na pagchismisan siya dahil tila wala na rin siyang pakialam.
"Tsk, tsk. How poor this once brilliant Mayor was?"
Napalingon si Fergus mula sa pananahimik niya sa veranda ng mga Alvarez, ang host ng isang charity ball sa Loreta. May hawak siyang whiskey sa kamay na agad niyang ibinaba nang mapagtanto kung sino ang kaharap. Si Governor Terrence Umali. Agad niyang sinugod ito at hinawakan sa magkabilang kwelyo. Imbes na mataranta ang matanda ay ngumisi lamang ito sa kanya.
"Barking at the wrong tree, aren't we? Ako ba ang pinagbibintangan mo?"
"Ikaw lang naman ang takot na takot na mawala sa pwesto, hindi ba?"
"Mayor, imbes na gumawa ka ng solusyon, hinahanap mo pa rin ang dagang sumisira sa iyo? Hindi kaya mali ang priorities mo?"
"Huwag mo akong didiktahan."
"Baka naman sa labas ng bakuran ka nakatingin pero hindi mo pa pala nawawalis ang sarili mong pamamahay?" Mahinang natawa ang Gobernador. "Just saying."
Naiwang palaisipan sa kanya ang sinabi ni Terrence. Tinawagan niya si Vito para humingi ng suhestyon. Gabi na nang napasugod ito sa kanyang bahay.
"Why don't we start from the people you hired from the previous term? Sila ang walang loyalty sa iyo." Suhestyon ni Vito.
"Alam mo namang hindi ang pagsuporta sa akin ang naging bahagi ng selection process ng empleyado hindi ba?"
"Then, start with the old employees. Pasundan natin, discreetly."
Ganun nga ang ginawa ni Fergus. Malaki ang investment ni Fergus sa pagpapahanap ng nagtataksil sa kanya pero dalawang linggo na ang lumipas ay wala pa ring balita.
"Aipha.." Fergus called while he's swamped with a lot of documents to sign.
Kinuha niya ang dokumentong kailangan I-scan nang makitang wala si Aipha sa lamesa nito. He scanned the documents on Aipha's workstation. I-se-send niya na sana ang file sa kanya nang mapansin ang isang dokumentong naroon sa folder ni Aipha. It was dated a month ago, ang petsa rin kasi ang filename nito. Natigilan siya nang makitang iyon ang dokumentong sinasabing pinirmahan niya para aprubahan ang dumpsite. Napasandal siya sa upuan ni Aipha. Nalubog sa pag-iisip ng matindi.
Binalikan niya ang kanyang cellphone, tiningnan ang unang araw na lumabas ang kanyang kontrobersiya. It was the same day as Aipha's file, iyon nga lang ay lumabas iyon ng gabi sa balita. Paanong nagkaroonng kopya si Aipha sa mas maagang oras?
Fergus was in denial. Ginulo niya ang buhok at paulit ulit na nagpalakad lakad sa opisina. He sent the scanned document to him before he called Vito.
"Kailangan ko ng file origin nang nag-circulate sa social media tungkol sa pinirmahan kong agreement sa dumpsite. I want to have it, now."
Wala pang ilang minuto ang kanyang hinintay para makuha ang resulta. Confirmed. It was the same as Aipha's copy. Napuno ng bigat ang damdamin ni Fergus. Nang bumukas ang pinto at nakita roon si Aipha ay agad niya iyong hinawakan ng mahigpit at hinila papalabas sa munisipyo.
"M-mayor, b-bakit?" Bakas ang kaba sa boses ni Aipha. He wanted to scream. It all makes sense now. Sa kainosentehan ng mukha ng dalaga, hindi talaga mahahalata ang intensyon nito.
Hindi niya alam kung gaano sila nakarating sa kanyang bahay. Hinila niya si Aipha patungo sa kanyang silid. Sinasabi nitong nasasaktan ito sa higpit ng hawak niya pero hindi siya nakinig.
Malakas niya itong itinulak sa sofa, tumama ang tagiliran nito sa armrest, napahawak roon si Aipha at mangiyak ngiyak siyang tiningnan. Umiwas siya ng tingin, she is not who he thinks she is. Surprise, Fergus, he's also a man so treat him one.
"Lalaki ang tingin ko sa iyo ngayon at gusto kitang sapakin!" Fergus shouted out of frustration. "How dare you?" Inilabas niya ang cellphone at inihagis kay Aipha. Tiningnan naman iyon ng dalaga. Hindi ito nagsalita.
"I'm.. I'm.."
"I respected you. Fck! Ginirlfriend kita pero ginagago mo lang pala ako."
"M-magpapaliwanag ako.."
"Sinong nag-utos sa iyo?"
"Fergus-"
"Mayor! Call me Mayor!" Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Aipha at niyugyog. Matigas ang katawan nito kahit nanginginig ang balikat.
"M-mayor.. S-sorry..."
"Sino Aipha?! Sino?"
"S-sorry..." Mas lalo lamang naluha ito. "Sorry..."
Muli niyang pabagsak na binitawan si Aipha sa sofa.
"H-hindi ko pupwedeng sabihin." Humihikbing bulong nito. "Magalit ka na lang sa akin—"
"I will sue you."
"M-mayor.."
"I will sue you and I will make sure you will rot in jail doing man's work all your life. The one that you probably hate."
"S-si Mama.. Paano si Mama kung makukulong ako?"
"Should that concern me now? Nung niloko mo ba ako, inisip mo ba ang mga mamamayang ilalagay mo sa kamay ng mga politikong ganid at magnanakaw? Sure, I can live my life comfortably out of politics, Aipha, but these people, your own race, they will die in poverty and lies. Naiisip mo ba iyon?"
Hindi umimik si Aipha. Nanginginig niyang kinuha ang telepono at idinial ang numero ng kanyang pinagkakatiwalaang abogado.
"I want to file a case, Attorney Gan. This is urgent."
Pagkababa niya ng telepono ay pinasadahan niya ng huling tingin si Aipha, alam niyang sa susunod na pagkikita nila ay sa kulungan na. Hindi siya titigil hangga't hindi naipapakulong ang taong nagtaksil sa kanya sa kabila ng pagmamahal na inilaan niya.
"See you in court."
---
Takot, lamig at samu't saring emosyon ang bumalot kay Aipha nang makita ang galit ni Fergus. Alam niyang mali siya pero hindi niya alam na ganoon kalaki ang magiging reaksyon ng binata. Histerikal siyang lumuhod at halos sambahin ang sapatos ng lalaking minamahal.
"F-fergus.. Parang awa mo na.. Tanggalan mo ako ng trabaho, sige, pero ang ipakulong ako? Ang Mama ko, hindi niya kakayanin..."
"Leave, Aipha. Ayaw na kitang makita."
"Fergus, Mayor. Please.. Alam kong maawain ka sa mahihirap. Di ba? Kaya ka mahal ng tao kasi maawain ka sa amin? Hindi naman ako masamang tao, ito lang, ito lang Fergus at dahil gipit na gipit ako."
"Magkano?" Halos lumabas ang lahat ng ugat sa leeg ni Fergus kahit malumanay ang tanong nito.
Umiling si Aipha.
"Magkano!" Nangangalit na panga at pagtaas ng paa ang nagpasubsob kay Aipha sa carpeted na sahig.
"G-gamot, maintenance ni Mama. Buhay ni Mama, buhay ko. Iyon ang kapalit. Hindi ko kayang ako mismo ang pumatay kay Mama. Nangako akong bibigyan ko siya ng magandang buhay bago matapos ang lahat ng ito. Nangako ako, Fergus. Ayaw ko siyang biguin."
"Drop your sob stories, Aipha. Umalis ka na. Magpaalam ka sa Mama mo dahil matagal mo siyang hindi makikita."
Walang tigil ang patak ng luha ni Aipha habang binabaybay ang daan palabas ng lupain ng mga Tiangco. Malayo-layo iyong lakaran at mainit ang araw pero hindi niya iyon alintana. Balot siya ng pag-aalala. Umiisip ng solusyon pero pinapagalitan din niya ang sarili. Ayaw na niyang tumakas. Sa galit ni Fergus, alam niyang karapat-dapat siya sa parusa ng binata.
Hindi niya alam kung paano siya nakarating sa bahay. Ang alam niya ay madilim na. Sinalubong siya ni Fifer nang mahigpit na yakap. Nakabukas ang TV at nakatulala ang Mama niya roon. Ipinapakita ang interview kay Fergus.
"I was deceived by my executive assistant. Pinapirmahan niya ito kahalo ang ibang dokumento. Who knows whom she sent it to. Aalamin pa natin. Ang mahalaga ay mayroon na akong lead." Si Fergus kausap ang isang reporter.
"What will be your next move?" Tanong naman ng isa pang miyembro ng media.
"Definitely I will file a case. Mananagot ang dapat managot. Pinamamadali ko na ang subpoena at warrant of arrest. Clearly, this is a criminal case. Fraudulent eh, the document was forged too. "
"Will you name your executive assistant, Mayor, if I may ask?"
"Ainsley Paulie Kazemi, a transwoman." Buong-buo ang pagsambit ng kanyang pangalan sa local television.
Nagmamadaling pinatay ni Aipha ang TV at nilapitan ang Mama niya na umiiyak.
"Huwag kang umiyak, Ma. Makakabawi ako. Sasagutin ko ang kaso na isasampa nila. Si Fifer muna ang bahala sa inyo."
Pinalis ng kanyang ina ang kanyang kamay at sinabunutan ang sarili nito, "Bakit ba hindi pa ako namamatay! Bakit ba hindi na lang ako tumigil sa paghinga para hindi ka na napapahamak!" Paulit-ulit na pinukpok ng ina ang sarili. Bumuhos ang luha ni Aipha.
"Mama, tama na po."
"Bigyan mo ako ng kutsilyo! Ayoko na! Ayoko nang sirain ang buhay mo, Anak! Tama na! Tama na ang sakripisyo mo!"
"Ma, tama na. Tama na." Hinawakan niya ang pulsuhan ng ina. "Sinong mag-aakala na aabot ka ngayong araw. Ipagpasalamat natin yun."
"P-pero ikaw—"
"Kaya ko. Kaya ko po, huwag kayong mag-alala."
Mali siya. Oras na dumating ang subpoena kasabay ng warrant of arrest, gustong bumaliktad ng sikmura ni Aipha. May mga media sa labas ng kanyang tahanan, si Reden na puno ng awa ang tingin sa kanya. Umiling siya rito, ayaw niya itong madamay.
Malakas ang hiyaw ng hinagpis ng kanyang ina habang sinusuotan siya ng posas at kinukunan ng kamera. Nang dumating siya sa police station, para siyang papel na nagpapaagos, pumipirma sa papeles na pinapapirmahan sa kanya.
"Sa panlalaki." Sambit ng babaeng jail warden. "Mukhang pagpepyestahan ka nga lang doon. Babaeng babae na ang dating mo e." Napakamot ito ng ulo.
"Pasensya ka na." Sambit ng pulis na nag-aasikaso sa kanya, "Wala pa tayong batas na kinikilala ang mga transsexual. Kung ano ang gender mo nung ipinanganak ka, iyon pa rin ang trato sa iyo dito sa Pilipinas, sa mata ng batas."
Tumango siya. Hindi niya alam kung ilang beses siyang umiyak sa araw na iyon. Takot na takot siya, tila basang sisiw na hindi alam ang gagawin. Ayaw niya ring tawagin si Terrence dahil baka lalong mapahamak ang kanyang ina.
"Pupwede kang kumuha ng abogado sa PAO kaya lang sa probinsyang 'to, medyo malabo. Siguro iyong mga bagong graduate na abogado. Kaya lang malakas ang ebidensya sa iyo, buti kung may magkagustong ikaw ang buena mano kung matatalo rin lang sila. Ang lakas naman kasi ng kinalaban mo, politiko na, mula pa sa mayamang pamilya. Ayaw na ayaw napapahiya nang mga yun."
"Opo, Sir." Humihikbing sagot niya.
"Huwag ka nang umiyak. Baka pagtripan ka ng mga nandiyan sa loob. Loko-loko pa naman ang mga 'yon."
"Opo, Sir."
Kumapalmpag ang malamig na rehas at inaalis na ang suot niyang posas. Naririnig niya ang malakas na paghinga ng mga lalaking preso.
"Ang ganda niyan ah? May naligaw ata?"
"Oist, huwag kayong loloko-loko. Akin 'tong si Aipha. Mananagot kayo sa akin kapag kinanti niyo!" Banta ng jail warden pero alam niya na balewala iyon. Tumawa lamang kasi ng malakas ang mga preso.
Amoy grasa at sigarilyo ang sumalubong kay Aipha. Iniabot sa kanya ang pampalit na t-shirt pero niyakap lamang niya iyon.
"Darling, pupwede ka rito sa kama ko, tabi tayo." Sabi ng isang lalaking punong-puno ng tattoo. Humalakhak ito pagkatapos.
"Sa akin ka tumabi, may ticket ako papuntang langit."
Humihikbing tumakbo si Aipha patungo sa banyo at nagkulong doon ng nangingig. Sa unang beses, takot na takot siya.
-----
A/N: Mag-iipon muna ako ng votes and comments mga beshy. Last muna ito tonight. Haha 749 ang total comments ng Kabanata 1-9, 5,400 naman ang votes as of tonight.
Let's make it, 3,000 comments and more, more votes para i-update ko na ang Kabanata 15-18
Naks, may pa-ganun na ako. Lol. Mas nakakagana kasi mag-update kapag maraming nakasuporta.
Goodnight!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro