Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1


"Mga kababayan... Sa susunod na halalan, ating tandaan, Mayor Fergus Tiangco, hindi manloloko! Ihalal si Mayor bilang Gobernador!" Mas nilawakan ni Fergus ang kanyang ngiti at tipid na kumaway sa nasasakupan sa Bayan ng Gigantes. Bahagi iyon ng isang malaking probinsya sa southern part ng Luzon, five hour drive mula sa Manila, treinta-minutos naman kung helicopter. However, Fergus Tiangco will never be seen living in luxury or enjoying the benefit of his mayorship, although he was born with a silver spoon in his mouth.

Bumulong si Fergus kay Mario, ang Baranggay Chairman ng Baranggay San Vicente na kaniyang binisita dahil sa kakatapos pa lamang na malakas na lindol kung saan naapektuhan ito ng husto. "Malayo pa ang eleksyon, Mario. At hindi ito ang tamang panahon para mangampanya."

Napako naman ang ngiti ni Mario at halatang namula sa kabila ng pagiging maitim ng kutis nito. Ah, nakalimutan yata nito na malayo sa 'trapo' o 'traditional politician' ang kagaya niya. He was recognized as a fresh blood in politics, a young mayor who surpassed his promises by doing more than what was expected of him. Ang kanyang plataporma ay nagawa niya agad sa loob ng isang taon. Mula sa pinakamahirap na bayan sa Pilipinas ang Gigantes sa loob ng ilang dekada, naiahon agad ni Fergus ang katayuan ng bayan sa pagsisimula ng paglilinis ng mga ghost employee sa munisipyo. Ginawang kabuhayan ng isang makapangyarihang political family ang Gigantes. Halos buong angkan ng mga Umali ang naghari-harian sa Gigantes sa mahabang panahon. Kamag-anak din kasi ng mga ito ang Gobernador ng probinsya ng Loreta na hindi mapatalsik-talsik. Gigantes is more than a simple town where people invested in agriculture and fisheries. They have forest, numerous falls and pink sand beaches that are open for tourists. Kahit gaano kapangit ang seguridad noon sa bayan ay dinadayo pa rin ito dahil sa magagandang tanawin. The Umali's took advantage of the tourist spots, naningil ng malaki sa bawat entrada pero hindi naman ginamit ang pera para ipaayos ang lugar. Napabayaan lang ito. But Fergus ordered all these tourist spot to be temporarily closed and placed into a five-month rehab, he succeeded. Mabangong-mabango tuloy ang kanyang imahe, hindi lang sa probinsya kundi sa buong Pilipinas.

The Mayor is not only young but also good-looking, they said. Not just good-looking but also smart, dependable, and incredibly charming. Madalas ay natatawa na lang siya sa atensyon na ibinibigay sa kanyang bayan pero sino ba siya para magreklamo? He could promote Gigantes even more because of its free airtime. Mas lalong dumami ang kyuryoso sa kanilang bayan. In less than two years of service, iba't ibang kampo na ang lumalapit sa kanya para tumakbong gobernador o di kaya ay senador. He's not yet sure though. Ang pagiging Mayor niya ay parte lang ng kanyang bucketlist. Mayroon siyang listahan ng kanyang 'Things to do before thirty'. Those are list of the big things he wanted to achieve to prove his father who expected nothing from him.

Hindi naman ibig sabihin ay hindi siya seryoso sa paninilbihan sa bayan. In fact, he got interested in helping the community since he was in highschool. Mula sa pagiging pilyong teenager na pinarusahan ng school para makibahagi sa outreach, nagbunga na iyon sa mas malalaking proyekto nilang magkakaibigan. They insisted to build a livable community in Baranggay Halcon, a small baranggay in Manila. Maraming nagsabi sa kanila noon na dapat ay pumasok sila sa pulitika, all his friends shook it off, but him? He put a piece of that thought in his heart. Kaya naman sobra ang pangangantyaw ng kanyang mga kaibigan nang magpasya siyang tumakbo bilang Mayor sa probinsyang kinalakihan ng kanyang ina.

Oh how he miss his friends, Davide, Zauro, Tranq, Puma and Colt. Ang mga ito ay abala sa kani-kaniyang negosyo o di kaya sa babae, pero siya? Abala siya sa pagtulong sa mamamayan. It is odd but he found peace in doing so. Hindi na niya hinahanap-hanap ang rockstar lifestyle niya three years ago, noong 25 siya. He got harem of girls that he could booty call. Ngayon ay mas focused siya sa pagpapaganda ng Gigantes at sa pag-iisip kung tatakbo pa ba siya sa susunod na eleksyon.

"Mayor, tumawag po si Melissa." Balisang pagbibigay alam ng head of security niya na si Ipe. Kinuha pa nito ang inaabot na relief goods sa isa sa residente ng San Vicente.

"When will she come back?" Balik-tanong niya sa bodyguard. Si Melissa ang kanyang sekretarya na bigla na lang hindi nagpakita pagkatapos niyang tanggihan ang alok nito na one-night stand.

"Ang sabi Mayor, toot toot daw muna kayo."

"Toot-toot?" Kunot-noong tanong niya.

Napakamot ng ulo si Ipe, "alam mo na Mayor, yung ginagawa ng babae at lalaki sa dilim." Bumilog pa ang nguso nito na parang sumisipol. Gusto niyang matawa. His secretary is crazy. Kung hindi siya Mayor ay baka napagbigyan niya pa ito pero iba na ang panahon ngayon. Maraming mata ang nakatingin sa kanya at nag-iingat siya. Ayaw niyang mawalan ng tiwala sa kanya ang nasasakupan dahil lamang sa isang babae. In fact, he could make his friends arrange a private lap dance party for him if he wants to. Iyong walang lalabas sa media o sa kahit kaninong makakating dila. Pero wala siyang interes sa ganoon ngayon. Kailan ba ang huli simula nang nakipagkita siya kay Kayla na kayang f*ck buddy? Two months ago pa yata ang huli.

"Well, then, get me a new secretary as soon as possible." Desisyon niya. Hindi naman nabigla ang bodyguard.

"Ano pong credentials, Mayor?"

"At least college level, marunong sa Microsoft Office, mapagkakatiwalaan, mabilis ang pick-up, willing akong samahan kahit saan."

"Sige po, Mayor. Maghahanap ako sa bayan. Papupuntahin ko sa munisipyo ang mga aplikante para makausap ni Ma'am Monette." Tukoy nito sa Head of Admins niya sa munisipyo.

Tumalikod na si Fergus para muling tumulong sa pag-aabot ng relief nang may maalala. "Oh, and one more thing.. I prefer a boy this time."

---

'Hindi ka na natuto, Aipha.' Impit na hikbi ang pinakawalan ni Aipha habang nagmumukmok sa banyo ng opisina ni Governor Terrence Umali. Inalat na naman siya sa paghingi ng sustento sa amain. "Stress Drilon talaga ang makipag-usap kay Pudrabels. Hay, life! Cuts like a knife!" Pinaypayan niya ang sarili at hinawi ang mahaba at ash blonde na buhok na bagong kulay ng kaibigan niyang si Fifer.

Governor Terrence Umali was her stepfather. 'Was' dahil may bagong pamilya na ito at matagal na panahon nang hiniwalayan ang kanyang ina. Gayunpaman, ito lang ang pinakamalapit sa ama na kanyang kilala. Ibinaon na ng ina sa limot ang nagcontribute sa genes niya kung bakit siya maganda. Ang problema ay hindi nagbunga ang pagmamahal kuno ng kanyang ina at ng gobernador kaya hirap na hirap ang huli na tustusan siya dahil hindi naman siya nito kaano-ano.

"Palibhasa di kita kamukha. Ang chaka mo kasi!" Himutok niya sa sarili habang iniisip ang amain. "Sabagay, buti na lang hindi kita kamukha." Sambit niya habang pinipisil ang ilong ng toilet paper sa kanyang tabi.

Hindi naman siya humihingi para sa sarili kundi para sa inang dina-dialysis linggo-linggo. Kahit maging si superwoman pa siya ay hindi niya kayang maglabas ng limpak limpak na salapi para ipagamot ang ina.

'Aipha, sa langit din naman ang punta nating lahat. Una-una lang iyan.' Muling sumagi sa kanyang isip ang sinabi ng kanyang Daddy Ter kanina.

"Pakyu, hindi sa langit ang punta mo, ma-return to sender ka lang doon. Tiyak magsasara ang pinto ng langit kapag naamoy kang paparating." Bulong niya sa sarili habang ini-imagine ang itsura ng matandang gobernador.

"Saka bakit ba hindi na lang ikaw ang naunang nagkasakit? Para namang hindi ka nalalayo sa mikrobyo sa sobrang dumi." Bulong muli niya nang may kumatok na sa labas. Narinig niya ang kanyang Daddy Ter na pinapalabas siya mula sa banyo. Agad niyang pinunasan ang luha at humarap sa salamin. Ilang beses siyang huminga bago tuluyang binuksan ang pinto.

Taliwas kanina ay nakangiti sa kanya ang amain. "Dahil hindi ka naman katalinuhan, ako na ang nakaisip ng solusyon para sa iyo. Tiyak na matutulungan mo si Cel sa kanyang dialysis."

Hindi siya umimik at nanatili lang ang mata sa gobernador na naglalakad papabalik sa malapad na mahogany table nito saka umupo sa swivel chair.

"Mag-a-apply ka ng trabaho." Anito. Napahalukipkip siya. Anong klaseng solusyon iyon? Naturalmente, maghahanap ka ng trabaho kung kailangan mo ng pera. Akala ba nito ay hindi niya ginawa iyon? Online seller siya ngayon. Bukod doon may sideline din siya bilang paralegal sa korte ng probinsya. Hindi man lang updated ang amain sa ginagawa niya dahil hindi man lang ito nangamusta simula nang iwan nito ang kanyang ina noong nasa highschool pa lamang siya.

"Hindi basta-bastang trabaho. Kung matatanggap ka rito, tatapatan ko rin ang sahod na ibibigay sa iyo."

Napalunok siya. Doble ang sahod? Malaking tulong iyon para sa kanilang mag-ina. Gayunpaman, nakaramdam siya ng pagdududa. Hindi kaya ilegal iyon? Kilala pa naman ang amain na marumi maglaro sa pulitika para manatili ang kapangyarihan.

"Nabalitaan kong naghahanap ng sekretarya ang Mayor ng Gigantes."

Napalunok siya. Isang beses niya nang nasilayan ang artistahing Mayor ng kabilang bayan. Hot. Iyon ang tumatak sa kanyang isip. Nag-viral pa nga iyon dahil sa kagwapuhan. Matangkad, matipuno, mestisuhin at higit sa lahat, matalino, tuwing bumubukas ang bibig nito ay mapapatitig ka talaga. Lahat ng sinasabi nito ay may sense, hindi nakakapagtaka na lalampasuhin nito ang kanyang Daddy Ter sa pagka-gobernador kung tatakbo ito sa susunod na taon. Ang laki pa naman ng tyan ng stepfather niya, tinernuhan pa ng pangit na ugali ang pangit na mukha. Triple whammy.

"Gusto kong pumasok ka roon para hanapin ang baho ng Mayor." May ngisi sa labi ni Daddy Ter.

"Paano kapag hindi ako natanggap, Dad?"

"Kapag hindi ka natanggap, wala ka ring sustento."

"Ganern?" Hindi napigilang utas niya na may kasama pang taas ng kilay. Dapat ay tuwing Chinese New Year lang lumalabas si Daddy Ter, para kasing tikoy ito sa kunat!

"That's why you need to do everything you can para matanggap ka." Paalala pa nito.


💋💋💋💋

Salamat sa paghihintay at pagbabasa! Votes and comments please! 

Facebook Page 👉 Makiwander

Facebook Group 👉 Wanderlandia

Instagram 👉 Wandermaki


Maligayang Pasko!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro