Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 58

Davide Castillejo ebook on sale now: preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/5063/GOH-Book-1-Davide-Castillejo---LIBB0624

FOR ANY QUESTIONS OR REQUEST FOR ASSISTANCE WHEN BUYING, PLEASE MESSAGE FACEBOOK.COM/PRECIOUSHOPONLINE

___

Ipinatong ni Agwee ang tabla sa putol na puno. Doon niya tinataga ang mga iyon. Kahit mayroong de-gas na lutuan ay mas sanay silang gumamit ng kahoy sa pagluluto, bukod sa mas matipid.

Mayroong malaking handaan sa farm. Kasal ng pinsan ni Pipay. Noong nakaraan pa binanggit iyon sa kanya ng babae para magpaalam. Ang pinsan nito ay doon din lumaki pero nakapag-abroad. Ang mapapang-asawa ng babae ay isang Amerikano. Noong bumisita raw sa farm ang dalawa ay na-"in love" doon ang Amerikano kaya nakiusap sa kanya na doon na magkasal. Sino siya para tumutol? Kahapon pa abala ang lahat sa pag-aayos. Bongga ang kasal at mayroong tents. Gustong magpa-cater ng ikakasal pero ang bruhang si Pipay ay nag-volunteer na maging caterer kahit hindi nito kaya. Gusto daw nitong kumita nang malaki para may ipang-negosyo. Bruha talaga. Tuloy ngayon, pati si Agwee ay na-stress sa paghahanda. Sa kusina niya magluluto ang bruhang Pipay.

"Ate, isasalang ko na 'yong roast pork sa pugon. Ikaw na ang bahala. Iiwan ko muna sa 'yo. Kinulang ako ng rekado. Sasaglit ako sa palengke. Isa't kalahating oras lang naman 'yon."

Hindi na siya nainis sa babae, sa isang banda ay humanga sa diskarte nito. Nagrenta ng gamit ang babae, mula chafing dish hanggang kubyertos. Tantiya daw nito ay kikita ng mahigit singkuwenta mil. Lahat ng iluluto nito ay na-testing na sa nakalipas na ilang buwan. Wais si Pipay.

"Everything okay?" tanong ni Davide, bagong ligo.

"Oo. Ang bruhang Pipay, may nakalimutan daw na reklado."

"Will she make it?" nakangiting tanong ng lalaki. Kahit ito ay natatawa sa ginawa ni Pipay. "I need to hire her. That woman knows how to get things done."

Natawa na siya. "Kapit daw siya sa patalim. Pero in fairness, mukhang magagawa niya nang maayos. Alas-sais pa naman ang reception. Mayamaya, darating na 'yong magle-lechon ng baka. Kung tutuusin, apat na putahe lang naman ang iluluto niya. Iba rin naman ang gagawa ng dessert. Dinaan lang niya sa diskarte."

"You need my help?"

Tumango siya. Inabot nito ang palakol at nagsimulang magtaga ng kahoy. Ininspeksiyon niya ang pugon at nang masigurong walang magiging problema ay binalikan niya si Davide, para lang matigilan. Wala na itong pang-itaas habang nagtataga ng kahoy. Parang ang sarap nitong kunan ng picture at i-post sa Instagram. Walang maniniwalang hindi ito model at naligaw lang sa farm niya.

Mukhang hindi siya napapansin ng lalaki kaya pasimple niya itong kinunan ng picture. Come to think of it, noon lang siya nagkaroon ng picture ng lalaki. Itinabi na niya ang phone at nilapitan ito.

"Pa-yummy ka na naman."

Tumawa ang lalaki. "Is it working?"

Hindi pa siya nakakasagot ay nag-ring na ang kanyang phone. Ang kanyang ama ang nasa kabilang linya. "Pa?"

"How is your vacation, my dear?"

"Okay naman po." Tumawag ito noong nakaraan at hindi niya sinabi na kasama niya si Davide sa farm.

"Everything is okay?"

"Okay naman po lahat, 'Pa. Kumusta kayo?"

"Oh, I'm great, especially since I know Davide is there with you. Sana maayos na ninyo ang lahat, hija. The Castillejos would like to have grandchildren soon. Sabi ko naman sa kanila, mukhang maaayos na ninyo ni Davide ang gusot."

Hindi niya nagawang makapagsalita nang maunawaan kung ano ang sinasabi ng ama: may pakay si Davide kung bakit nagpunta sa farm at iyon ay ang magkabalikan sila para sa anak, tulad ng unang plano. Nagpaalam na siya sa ama, hindi ipinahalatang sumama ang loob sa nalaman.

Sinasabi na nga ba niya na mayroon na namang agenda si Davide. Taong-bato ba ito? Hindi ba naging mahalaga rito ang damdamin niya? So kung masuyo siya nito at magpakatanga na naman siya at magbuntis, pagkatapos ay ano? Babalik na naman ang lalaki sa dating bisyong panlalamig.

Nagtungo na lang siya sa kusina, ayaw nang makita ang lalaki. Kung puwede lang, iiwanan na niya doon si Davide pero kailangan niyang tingnan ang iniluluto ni Pipay. Salamat at mayamaya pa ay dumating na ang ibang mga tutulong, maging ang mga magle-lechon.

Ilang ulit nagtangkang tumulong si Davide sa kusina pero sinabi ni Pipay na mas macho daw kung sa set-up ito tutulong kaya lumakad na rin ito, kasama ang isang pinsan ni Pipay para tumulong sa setup ng kasalan.

Pinagod ni Agwee ang sarili. Ayaw niyang ilagay sa isip ang mga nalaman. Madali namang magpakapagod kung napakaraming kailangang gawin. Alas-tres ng hapon, tapos na ang lahat. May mga tauhan na maglilinis ng bahay. Nagpaalam siya sa mga ito at sinabing matutulog muna.

Nang maisara ang pinto ng silid ay napasandal siya doon. Hindi niya alam kung bakit masakit pa rin kahit ilang ulit na niyang pinagdaanan. Naligo siya, walang pakialam kahit mapasma, saka dumungaw sa bintana, tulala. Bigla, parang ayaw na niyang lumuwas ulit. Gusto na lang niyang manatili sa sulok na iyon ng mundo dahil doon ay mahal siya ng lahat ng tao at walang gustong gamitin siya sa kung ano.

Ang makarinig ng pagkatok ay binuksan niya ang pinto. Si Pipay iyon, niyayaya na siya papunta sa kasal.

"Hindi na lang ako a-attend. Gusto kong matulog."

"Masama ba ang pakiramdam mo, Ate?"

"Pagod lang ako. Isama mo si Davide."

Matagal siyang pinagmasdan ng babae, saka tumango, wala nang ibang naging tanong. Mukhang naiintindihan nito kahit hindi niya ipaliwanag.

Nagkulong lang siya sa silid hanggang sa makatulog na rin. Nang magising siya ay madilim na sa labas. Alas-diyes na ng gabi. Siguro, tapos na ang kasal pero siguradong mayroon pa ring nag-iinuman. Sa bahayan ng mga magsasaka ay siguradong mayroong videoke. Naghilamos siya at nagsepilyo. Malamang, hindi na siya dalawin ng antok buong gabi.

"Ate?" May banayad na pagkatok sa pintuan niya. Si Pipay iyon. Binuksan niya ang pinto. "Ate, ikaw nga ang sumaway kay Kuya Davide."

Agad siyang kinabahan. "Bakit, ano'ng nangyari?"

"May nakaaway doon sa kasalan, eh, ayaw umuwi."

Agad niyang dinampot ang shawl at sumama na kay Pipay. Sumakay sila sa isang scooter na gamit sa farm, si Pipay ang nagmamaneho. "Ano ba ang nangyari?" tanong niya habang umaandar sila.

"Basta!"

Nakarating nga sila sa lugar kung saan ginanap ang kasalan. Wala na ang mga tent, wala na ang entablado, wala na ang mga silya. Ang natitira na lang ay isang spotlight, isang piano, at hayun si Davide sa likod noon. Patagilid sa kanya ang puwesto ng lalaki at ng piano.

"Ano...?"

"Good night, Ate," ani Pipay. Bago pa siya makatugon ay pinaandar na nito ang scooter paalis.

Hindi niya alam ang gagawin. Malayo siya kay Davide, siguro ay mayroong tatlumpung dipa. Wala siyang choice kundi lapitan ito. Tumingin ito sa kanya, saka nagsimulang tumipa sa piano. Unchained Melody.

"Oh, my love, my darling, I've hungered for your touch..." awit nito. Halos matulala si Agwee. Nakakainis talaga ang lalaki. Ang sabi nito ay hindi ito marunong kumanta, puwes, ano iyon? "A long, lonely time..."

Kung bakit bigla ay gusto niyang mapaiyak. Nang ganap siyang makalapit ay tumingin ito sa kanya at bahagyang ngumiti. Umusog ito, pinapatabi siya sa upuan.

"I need your touch. Godspeed your love to me..."

"Davide..."

"Hello," anito, bahagya pa ring nakangiti.

"Ang sabi ni Pipay, may kaaway ka raw."

"I asked her to take you here. Hindi ko alam na 'yon ang sinabi niya."

"So ano ito?"

"This could've been a proposal if we're—"

"Tama na, Davide," awat niya sa lalaki dahil mas masakit lang kung sasabihin pa nito ang kasinungalingan. "Alam kong gusto mo ng anak. Iyon ang dahilan kaya nandito ka, kaya mo ito ginagawa."

"That's a lie."

"Alam ko ang totoo. Mas masakit lang kung pagtatakpan mo pa. Pasensiya ka na rin, hindi ko kayang ituloy ito dahil mali. Mali ang dahilan natin ng pagpapakasal kaya mali ang dahilan natin para ipagpatuloy ang lahat. Lalong mali na magdagdag pa tayo ng mga bata—"

"Hindi 'yan ang dahilan kung bakit ako nandito."

Gusto niyang maniwala sa nakikitang sinseridad sa mga mata ng lalaki pero hindi niya maiwasang magduda. "Alam mo, Davide, sa isang banda naiintindihan naman kita. Hindi ito ang buhay na gusto mo. Gusto mong maging malaya at paano kita masisisi? Pero hindi tamang magsinungaling ka para lang makuha ang gusto mo. Alam kong noong honeymoon natin, nakipagkita ka sa ibang babae. Alam kong sa tuwing akala ko okay na tayo, palagi kang kumukuha ng ibang babae na para bang sinasabi mo na hindi tayo magiging okay. Na kahit kailan, hindi ka magiging faithful—"

"Wait, that's a lie. Hindi ako nakipagkita sa ibang babae."

"Nakita kita. Kasama mo si Pia. Noong nag-Macau ka, nakita ka ni Janet, kasama mo si Pia. Ilang ulit kong naamoy ang damit mo, may glitters pa at amoy pabango ng babae. May lipstick pa noong isang beses."

"Yes, I saw Pia on both occasions but not intentionally. She happened to be at the right place at the right time. Noong honeymoon natin, may kinausap akong tao. Siya ang endorser ng brand ko. Sa Macau naman, endorser din siya doon."

"Pero alam kong naging kayo."

"That's true. But that was a long time ago. And never again since I married you. And about the other things, yes, I did go to a men's club on those occasions, and yes, it was a horrible thing to do. Tama ka, gusto kong sabihin sa sarili kong walang nagbago sa buhay ko. Because it felt like I was slowly losing grip of my life. And it was the kind of life I have built for myself to fit into my goals. The thing is, I felt like I was losing grip because I was starting to hate the man that I have become. He's a horrible man. And that man was the one fighting the emergence of a new man, a new man whom I hated at first. But now I kind of like him because he keeps telling me I have the right to be happy. To be with you." Namasa ang mga mata nito, tumaas-baba ang Adam's apple. "I may be too late but... But I guess all I'm trying to say is... I want you to know that... I love you. And I fought hard not to because I didn't believe in it. I taught myself not to believe in it... because all my life I was trying to get it from my parents and I felt like they never really gave it to me, you know? Ayokong ilagay ulit ang sarili ko sa ganoong posisyon na gugustuhin kong makuha ang pagmamahal at atensiyon ng isang tao dahil mahirap gawin. It's either they love you or they don't. You can't make them love you. So I thought, why would I want to be in a position where I would have to do all that again? Why would I put myself in a vulnerable position? But with you, I'm willing to take a chance because I love you so much and I know just experiencing life with you will be worth it—"

Hindi na niya ito pinayagang magsalita pa. She can feel his pain and he didn't deserve to be in pain any longer. She kissed him. Tumugon ang lalaki, buong-puso.

Ikinulong niya sa mga palad ang mukha nito. "Mahal din kita, Davide. Mahal na mahal."

___

WATTPAD VERSION ENDS HERE. EXTRA CHAPTER ONLY AVAILABLE IN BOOK. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro