Chapter 52
Davide Castillejo ebook on sale now: preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/5063/GOH-Book-1-Davide-Castillejo---LIBB0624
FOR ANY QUESTIONS OR REQUEST FOR ASSISTANCE WHEN BUYING, PLEASE MESSAGE FACEBOOK.COM/PRECIOUSHOPONLINE
Kung ayaw mo naman, no problem basta't wait ka lang at 'wag demanding ng update.
___
"Are you okay?" tanong ni Danielle kay Agwee. Nasa bahay niya ito at ginagawa nila ang project para sa school. Kaklase niya si Danielle, ang pinakamalapit sa kanya. May mga anak na ito pero hiwalay sa asawa. Pang-apat na shift na raw nito ng course. Mas matanda ito sa kanya ng isang taon.
"Ayos lang."
Bumuntong-hininga ang babae. "I'm sure you're thinking about your ex again."
Wala siyang naisagot. Totoo. Alam din iyon ni Danielle. Alam nito at ng iba nilang kaibigan sa school. Nagtaka ang mga ito nang malamang wala na siyang driver kaya nakikisabay na lang siya kay Jet, ang isa pa nilang kaibigan.
"Honey, you need to get over him. It's been a month. Finals na natin this week. After this, let's go some place where you can forget about him. Men are the worst, I'm telling yah."
Kung sana ganoon kabilis kalimutan si Davide. "Let's just finish the paper."
Pinilit niyang tumutok sa ginagawa. Madalas naman na kaya niya, may mga pagkakataon lang talaga na nagpipilit ang alaala ni Davide na gumawa ng puwang sa kanyang isip. Kadalasan, sa mga pagkakataong kailangan niyang mag-focus sa ginagawa, tulad na lang ngayon.
Kahit alam niyang nasa maayos ang lalaki, hindi niya maiwasang itanong kung kumakain ba ito nang tama, kung masaya ba ito, kung hindi ba masyadong nagpupuyat sa trabaho dahil may bisyong ganoon ang lalaki. Hindi lang miminsan niya itong nakitang madaling araw na ay may ginagawa pa sa laptop, o may binabasang dokumento. Kung minsan, tumatawag siya sa bahay nito para magtanong sa kasambahay. Natural, nagpapanggap siyang hindi concerned sa lalaki kundi nangungumusta lang sa mga tauhang nakasama rin ng ilang buwan.
"Well, that's done," ani Danielle nang matapos sila. "Let's pop open a bottle of wine."
Tumango siya at kumuha ng alak. Natuto na rin siyang uminom noon dahil kay Danielle. Nagkaroon na siya ng paboritong brand ng alak.
"So tell me about your plans. Hindi ko maintindihan kung bakit tinanggihan mo ang sasakyan at driver."
"Dahil hindi ko naman kailangan. Sa school lang naman ako nagpupunta." Kung tutuusin, malapit lang ang condo tower sa eskuwelahan pero dahil sa heavy traffic ay maaga siyang kailangang umalis araw-araw. Walang problema dahil maaga ring dumadaan sa condo si Jet. Ilang hakbang lang mula sa condo niya ang condo ng lalaki. Tulad niya, solo si Jet sa tirahan. Tulad niya, hiwalay si Jet, pero hindi kailanman naikasal. Nasa ex nito ang mga bata.
"Jet likes you, do you know?"
Umiling siya. "Hindi. Mabait lang 'yong tao at nakaka-relate siya sa akin. May ex din naman siya at may anak pa sila. Tulad mo rin."
"No man will pick you up every single day and drop you off as well, honey. You are so naive."
Kung minsan, naiisip niyang malisyosa lang si Danielle dahil na rin siguro sa mga karanasan nito. Kahit sa school, madaming pumuporma sa babae. Napakaganda nito, at napaka-sexy pa. "Ewan ko sa 'yo. Wala na sa isip ko ang mga lalaki."
"Touche. I told you, men are the worst." Nagdeklara na si Danielle na hindi na kailanman magkakaroon ng boyfriend. Kung relihiyon lang daw ang gender, malamang na nagpa-convert na ito. "Your ex never contacted you?"
"No." Iyon siguro ang pinakamasaklap sa lahat. Nang maghiwalay sila, ni hindi na niya nakita si Davide sa bahay. Iniwan lang nito ang susi ng condo kung saan siya lumipat. Mula noon, hindi na sila nagkausap pang muli.
Ang sakit-sakit, sa totoo lang. Ni hindi man lang ito nag-pretend na mahalaga siya rito kahit paano. Ni hindi man lang ito nagpaalam. Ni hindi nga nila napag-usapan ang mga plano, kung mayroon man. Hindi niya alam. Noong nakaraang linggo lang nalaman ng kanyang ama ang lahat dahil noong nakaraang linggo lang siya nagkaroon ng lakas ng loob.
Mukhang hindi rin alam ng matanda kung ano ang nangyari dahil hindi rin niya iyon nasagot nang maayos. Hindi niya rin kasi alam kung matutuloy pa ba ang pagkakaroon nila ng anak ni Davide. Sa pagkakaalam niya ay natuloy na ang merger at iyon lang naman ang gusto ng kanyang ama.
"Men are the absolute worst," ulit ni Danielle. "I'm telling you, if only I can be a lesbian, I will. I will find myself a woman like myself, who's loving and true. Because men are all the same. Men are pigs."
Sa mga ganoong pagkakataon ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kaibigan dahil hindi naman siya agree dito pero hahaba pa ang debate. Depende na lang siguro sa tao ang lahat. Nagkataon lang na nauwi sila sa mga lalaking may issue. O siguro ay hindi issue kay Davide ang dahilan, kundi ang mismong setup nila.
"Buti nga hindi ka nabuntis," patuloy ni Danielle. Hindi nito alam ang tungkol sa totoong setup nila ni Davide. Ang bahaging iyon ay hindi niya sinasabi sa kahit na sino. "Imagine kung may anak kayo."
Tama rin ito. Sa ngayon, buo ang loob niyang huwag silang mag-anak ni Davide. Kung igigiit ng lalaki na may usapan sila, igigiit niya ritong nagpakasal sila at hindi tamang ganoon ang mundong kalakihan ng mga bata. Ito na rin ang nagsabi na change ang hindi nagbabago sa mundo at nagbago rin ang isip niya. Hindi lang niya alam kung ano ang sasabihin nito tungkol sa kanyang desisyon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin ng mga magulang nito. Kung minsan, gusto niyang malaman ang lahat pero mukhang hindi pa rin alam ni Davide. Baka kahit ito ay tinitimbang pa kung ano ang magiging kasunod na hakbang. Kung si Agwee ang tatanungin, simple lang ang lahat—nagkamali sila. Nagkamali silang lahat. Inuna nila ang pera, sa halip na damdamin ng mga taong involved. Ipagpapatuloy ba nila ang kamalian o itatama?
Mayamaya ay nagpaalam na rin si Danielle. Nag-review na lang si Agwee, kahit alam na niya halos lahat. Nadadalian siya sa mga subject, sa totoo lang. Siguro dahil mas matanda siya, mas may mga technique para mas ma-absorb ang leksiyon. Mayamaya, tulad ng palaging nangyayari nitong huli, ay natagpuan niya ang sariling nagbabasa ng history, tungkol sa arranged marriage sa kasaysayan. Nao-obsess siya sa mga kuwentong iyon dahil nakaka-relate siya. Kung minsan ay naitatanong niya kung ang mga sinaunang hari at reyna, o kahit ang mga modern na taong pumasok sa ganoon, ay naging totoong masaya ba o tinanggap na lang ang lahat dahil iyon ang kapalaran ng mga ito, iyon ang kultura.
Nang mayroong kumatok sa pinto ay agad niya iyong binuksan. Si Jet. Nakangiti ang lalaki, may bitbit na paper bags.
"O, ano'ng ginagawa mo dito?" takang tanong niya.
Kumunot ang noo ng lalaki. "Did you forget? We're supposed to review together."
"Oh, right." Nakalimutan niya talaga. Napatawa siya at pinatuloy na ang lalaki. Guwapo si Jet, kasing-edad niya. Napakadami nitong pinasukang eskuwelahan at nakaabot pa sa kung saang kolehiyo sa Amerika, pero wala ni isang kursong natapos. Aminado itong naging problem child ng magulang. Dalawang babae ang nabuntis nito, isa noong seventeen ito at isa noong twenty-three. Aminado rin ang lalaki na nagsisisi na sa mga nagawa noon at ngayon ay gustong may marating sa buhay. Kapag nakapagtapos ay bibigyan daw ito ng puwesto sa kompanya ng magulang. Mabait si Jet at madaming kuwento.
Ihinain niya ang mga pagkain. Sa sala sila pumuwesto at nagsimula ng review sa Accounting. Doon ito mahina, habang favorite subject niya naman.
"You have got to help me out here," anang lalaki. "I don't want to fail. This should be simple but somehow I can't quite balance this fucking balance sheet."
Natawa siya at tiningnan ang gawa nito. "Dito ka nagkamali, sa entry na ito. Accounts receivable siya."
Inabot na sila ng gabi pero naintindihan na rin ng lalaki ang lahat ng kailangan nitong malaman. Ininom nila ang tirang alak kanina ni Danielle at tinext na rin niya ang babae na bumalik doon kung gusto nitong uminom.
"Papasa tayo," aniya kay Jet.
"Hell yeah! The last thing I want is my father telling me I'm a moron. I told you, he's a CPA-lawyer." Noon may nag-doorbell. "That's probably Danielle. I'll get that."
Binuksan nito ang pinto at natigilan si Agwee dahil hindi si Danielle ang nasa likod noon kundi si Davide. Kumunot ang noo ng lalaki, wala ni katiting na ngiti sa mga labi.
___
'Wag kalimutan mag-follow, lagyan ng bituin, at mag-comment. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.
PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro