Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

Kung ayaw mong maghintay, buy ka ng ebook na naka-sale for now dito: preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/5063/GOH-Book-1-Davide-Castillejo---LIBB0624

FOR ANY QUESTIONS OR REQUEST FOR ASSISTANCE WHEN BUYING, PLEASE MESSAGE FACEBOOK.COM/PRECIOUSHOPONLINE

Kung ayaw mo naman, no problem basta't wait ka lang at 'wag demanding ng update.

Needless to say, don't read if you dislike the work or the writer. No one is forcing you to.

___

SALAMAT at alas-siete ang klase ni Agwee every other day, hindi na niya kailangang maabutan pa sa umaga si Davide. Ang sabihing masama ang kanyang loob sa lalaki ay kulang. Hindi niya maintindihan kung ano ang trip nito. Kahit sa paanong paraan niya isipin ay hindi niya ma-gets kung bakit kailangan nitong itodo ang pag-arte na okay sila noong nandoon si Mama Concha. Kahit ba sa kama, kung saan wala na ang lola nito, ay kailangan pa rin ng lalaking magpanggap? Sa sandaling wala na ang lola nito, agad-agad itong nagbagong-anyo. Ganoon lang kabilis. Hindi ba nito kayang subukan na huwag magpanggap? Hindi ba nito naisip na hindi siya nagpapanggap sa mga gabing magkasama sila?

Alam siguro nito, sadyang ayaw lang siyang totohanin. Gaano man kahirap tanggapin, iyon naman ang totoo. Puwes, sa pag-aaral niya ilalaan ang panahon. Ayaw na niyang isipin pa ang lalaki. Mas madami siyang kailangang gawin, mas madaming kailangang asikasuhin. Kung siya lang, okay sa kanya kahit hindi na umuwi sa bahay ni Davide. Ang problema, wala naman siyang ibang tutuluyan.

Sa bahay nila ng lalaki ay parang boarder lang ito. Sa pag-andar ng mga araw ay natuto siyang ituon ang atensiyon sa pag-aaral. Natuto siyang siguruhing hindi makikita si Davide dahil naiinis siya rito. Ayaw niya nang mainis. Ang gusto lang niya ay maging maayos ang pag-aaral dahil iyon na lang ang focus niya ngayon.

Ikatlong buwan niya sa eskuwela. Madami siyang sinalihang org. Wala siyang inaatrasang project. Natuto na din siyang maging semi-sosyal dahil mahirap maging hindi sosyal kung ang araw-araw niyang kausap at kasama ay mga shala. Mabilis ang pick-up niya kaya halos katulad na rin siya ng mga kasamahan sa pagsasalita.

Sa araw na iyon ay kailangan niyang um-attend ng meeting ng teatro. Nagpa-member siya doon dahil interesado siyang umarte-arte. Kahit noong high school, pangarap niyang mapasali sa dula. Hindi man siya artista ay puwede na kahit tagagawa ng props. Mayroon silang production. Siya ang isa sa pinakabagong miyembro at naka-assign sa production. Alas-sais ang meeting.

Mahusay ang facilitator ng grupo, isang teacher at artista rin. Alas-otso na ay hindi pa nangangalahati ang dapat pag-usapan. Tumunog ang kanyang phone at nakasulat sa screen ang pangalan ni Davide. Nagpaalam siya sa grupo at lumabas ng auditorium.

"Hello?"

"Where are you?"

"Nasa school pa ako."

"Hindi ko makontak si Manong."

"Nakontak mo naman ako. Ano ba 'yon? Sasabihin ko kay Manong." Nagtataka siya kung bakit parang mainit ang ulo ng lalaki. Isa pa, ano ang sasabihin nito sa driver niya? May sarili itong driver.

"I was just wondering why you're still at school. I mean, it's past eight in the evening."

"May kailangan ka ba?" Tumaas na ang mga kilay niya. Kahit kailan ay hindi nagtanong ang lalaki sa kanya kung anong oras siya makakauwi at ano rin ang pakialam nito? Nakikialam ba siya kahit na dalawang ulit na niyang naamoy ang polo ng lalaki na amoy-pabango ng babae? Tinigilan na niya ang pag-inspeksiyon sa mga damit nito dahil naiirita siya. Hindi siya guwardiya para bantayan ang isang asawang ayaw magtino.

"Yes. It's my brother's birthday tomorrow. We leave around seven." Binanggit ng lalaki na sa isang exclusive island resort gaganapin ang selebrasyon. "I forgot to show you the invitation. They sent it two weeks ago."

"Wala namang problema sa akin."

"Why are you still at school?"

"May meeting ang org."

"Anong oras ka makakauwi?"

"Hindi ko alam. Baka mamaya pa. Matagal pa ang meeting."

"That's insane."

"May problema ba?"

"No. None. All right. I'll see you later." Nawala na ito sa linya.

Muntikan nang mapatingin si Agwee sa phone dahil hindi makapaniwala sa narinig mula kay Davide. So bigla na lang ay may pakialam na ito? Ah, baka naghahanap ng bagong putahe. Baka gusto na namang tikman ang kanyang sapin-sapin at baka sawa na sa bibingka ng iba.

Alas-otso y medya natapos ang meeting pero nagyaya ang iba niyang ka-org na kumain sa labas. Dahil naasar kay Davide, sa halip na umuwi ay sumama siya sa mga bagong kaibigan. Alas-diyes y medya, habang nasa loob ng isang bar and restaurant, ay tumunog muli ang kanyang cellphone. It was Davide. "Hello?" sagot niya.

"What kind of school meeting requires students to stay out this late?"

"Ano ba ang problema, Davide?"

"Late na. Umuwi ka na."

Uminit bigla ang ulo niya. "Bakit, pinauwi ba kita kahit kailan kung ikaw ang inuumaga sa meeting mo?"

"Kailan ako inumaga ng meeting?"

"Baka hindi meeting, pero inuumaga ka rin."

"Oo, pero ikaw ang nasa meeting ngayon at late na. Maaga pa tayong aalis bukas."

"So?" angil niya. "Makakasama naman ako, eh. Sinabi ko na sa 'yo kanina na makakasama ako kaya anong problema? Nasa labas na kami, kasama ko ang mga ka-org ko. Masama ba?"

"Why would you choose to stay out late tonight? Aalis tayo bukas."

"Fine." Tinapos na niya ang tawag, ngitngit na ngitngit. Nagpaalam na siya sa mga kasama. Ang totoo, bored na siya sa usapan ng mga bagets. Sumakay na siya sa kotse at tinanong ang driver. "Hindi daw kayo makontak ni Davide?"

"Natawagan naman ako, Ma'am. Kanina pa nga kayo hinahanap ni Sir."

Ikot ang puwet niya ngayong may social life ako? Bakit? Feeling niya siya lang ang may karapatan?

Nakataas ang kanyang noo nang makauwi, handang makipagsagutan kay Davide. Pero madayang kalaban ang lalaki dahil hindi na niya ito naabutan. Duwag, sa isip-isip niya. Tumuloy na siya sa silid at nag-empake para sa lakad kinabukasan. Nagpunas siya at nahiga na rin kahit parang hindi siya dadalawin ng antok. Kinabukasan nang maalimpungatan ay kalat na ang liwanag sa kanyang silid. Dali-dali siyang naligo at bumaba.

Naabutan niya sa kusina si Davide. Bahagya itong nagtaas ng mukha nang dumating siya. Bahagya itong tumango at sinabi, "We'll leave as soon as you finish your breakfast."

Wala siya sa mood kaya tahimik na lang siyang kumain. Ano ang karapatan nitong magmukhang fresh at mabango sa umagang iyon kung kailan asar na asar siya rito? Inistorbo siyang maigi kahapon, pero hindi naman pala siya hihintayin sa pag-uwi? Sa susunod kaya ay ito ang kanyang bulabugin?

"Ready to go?" tanong ng lalaki nang matapos siyang kumain.

Tumango na lang siya. Sumakay na sila sa van. Nasa isla na raw ang kapatid nito at mga magulang kahapon pa. Hahabol lang sila ngayon dahil nga may pasok siya nang nagdaang araw. Parang lumalabas pa na siya ang dahilan ng pag-adjust. Muli, hindi siya umimik. First time niyang makakasakay ng eroplano at siyempre, kahit paano ay excited siya. Hindi ito ang tamang oras para ma-bad trip kay Davide.

Nang makarating sa airport ay saka niya natuklasang maliit na eroplano ang kanilang sasakyan, pag-aari ng resort. Hindi na yata siya masasanay sa yaman ng pamilya ni Davide, at maging ng kanyang ama.

Magkatabi sila ni Davide sa eroplano. Tahimik lang siya, nagpapanggap na hindi kabado kahit pa nga kanina pa siya kinakabahan. Normal lang sigurong maramdaman ang ganoong kaba sa isang taong unang pagkakataong sasakay sa eroplano. Bahagya siyang napaigtad nang madama ang kamay ni Davide sa kamay niya.

"Are you all right?"

Tumango siya, pinabayaan ang lalaking hawakan siya dahil iyon ang kanina pa niya gustong gawin. Bigla niyang naalala ang mga napanood na pelikula noon, tungkol sa pagbagsak ng eroplano—Alive at Cast Away. Nang magsimula ang take off ng eroplano ay lalo na siyang kinabahan. Bakit umaalog? Normal lang ba na umaalog ang eroplano? Ipinikit niya ang mga mata, nadama ang pagpisil ni Davide sa kanyang kamay.

"It's all right."

Ayaw niyang magmukhang ignorante kaya nagpanggap siyang walang problema. Pero wala pang labinlimang minuto sila sa ere ay gumalaw-galaw na ang eroplano. Siguro ay normal lang iyon dahil mukhang hindi apektado ang mga sakay, pero na-stress si Agwee. Muli, pinisil ni Davide ang kanyang kamay.

"Relax. Everything is fine."

Harinawa. Pero mayamaya ay nag-announce ang piloto at sinabing mayroon lang daw kaunting turbulence. Nagsimulang umalog-alog ang eroplano. Hindi na niya makuhang pekein ang takot, humawak siya sa braso ng asawa at pumikit, saka idinikit ang mukha sa balikat nito.

Umakbay sa kanya si Davide. "Calm down. Is this your first time riding a plane, honey?" Napilitan siyang tumango. "It's all right. Everything is going to be okay. We will land sooner than you think."

Wala naman siyang choice. Nahihilo na siya sa pag-alog at stress. Feeling niya, napakaliit ng eroplano kaya siguro mas maalog. Mayamaya pa ay sinabi na ng piloto na lalapag na raw sila. Para siyang nakahinga nang maluwag. Kumalma na siya. Pagtingin niya kay Davide ay nakita niyang nakatingin sa kanya ang lalaki. Agad siyang nagbawi ng tingin.

"Are you okay now?"

Tumango lang siya. Nagkaroon sila ng kaunting interaction pero wala na siyang balak lumalim ang lahat. Sala sa init, sala sa lamig si Davide at wala na siyang balak patuloy tantiyahin ang tubig bago lumusong. Ayaw na niyang lumusong dahil baka malunod lang siya at siguradong iiwan siya nito doon, nalulunod dito at hindi alam kung ano ang gagawin.

___

'Wag kalimutan mag-follow, lagyan ng bituin, at mag-comment. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro