Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44

Sa Wattpad may batas, bawal ang mareklamo at bawal magpa-update... pero kapag nag-comply ka at inayos mo at nag-like ka sa FB page ng writer, nag-vote at nag-comment ka, tapos follower ka pa... AY, BAKA MATUWA SA 'YO AT GANAHAN MAG-UPDATE.

Sa Wattpad may batas, bawal ang mareklamo at bawal magpa-update... pero kapag nag-comply ka at inayos mo at nag-like ka sa FB page ng writer, nag-vote at nag-comment ka, tapos follower ka pa... AY, BAKA MATUWA SA 'YO AT GANAHAN MAG-UPDATE.

Sa Wattpad may batas, bawal ang mareklamo at bawal magpa-update... pero kapag nag-comply ka at inayos mo at nag-like ka sa FB page ng writer, nag-vote at nag-comment ka, tapos follower ka pa... AY, BAKA MATUWA SA 'YO AT GANAHAN MAG-UPDATE.

---

Hate waiting for updates? Buy the ebook here:

preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/5063/GOH-Book-1-Davide-Castillejo---LIBB0624

---

Ang hirap naman ng assignment ni Agwee, kanyang naisip. Ano nga ba ang proposal na gusto niya? Noong nakaraan, may nakita siya sa Facebook na proposal sa hot air balloon. Mayroon ding tumaas sa kung saang bundok. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang buwis-buhay ang proposal, kahit sa isang banda ay naiintindihan niya kung bakit gusto ng ibang gawing viral ang mga iyon. Siguro dahil masayang ipagsigawan sa buong mundo ang isang uri ng pagmamahal na nag-uumapaw sa puso ng tao. Pero ang proposal na buwis-buhay ay hindi niya maintindihan. Kung kailangan niyang patunayan sa isang tao ang pagmamahal niya sa isang grandiosong paraan, baka sa halip na matuwa ay magtanong siya kung bakit. Hindi ba sapat ang simpleng pagpapakita ng pagmamahal para iparating iyon?

"Tell me, Aguida."

"Wala akong maisip, eh. Naaalala ko lang iyong mga proposal na napanood ko sa Facebook, iyong mga proposal na OA. May tumalon pa nga sa eroplano. Ayoko naman ng ganoon. Meron namang flash mob. Parang production number pa. OA din."

Tumawa si Davide. "What do you want then?"

"Hindi ko nga alam. Ikaw, paano ka sana nag-propose? Ano ang gusto mong gawing proposal?"

"I don't know. I never really thought about it."

"Oo nga pala, hindi ka naniniwala sa kasal." Muntikan nang tumirik ang mga mata niya. "Pero kung sakali, simpleng proposal lang ang gusto ko. Ayoko ng madaming tao. Ayoko ng madaming chenes."

"Chenes?"

Biglang napahagikgik si Agwee. Meron palang hindi bagay kay Davide at iyon ang salitang "chenes." Tumango siya, natatawa pa rin. "Ayoko ng madaming kung ano-anong kaekekan na ginagawa. Napanood ko sa Facebook iyong mga proposal na parang gustong patunayan kung gaano nila kamahal iyong mga jowa nila na kung ano-ano ang ginagawa. Hindi mo alam kung para ba sumikat sila kaya nila ginawa, hindi mo alam kung ano ang gusto nilang patunayan sa mundo."

"Then we'll make our simple. A dinner perhaps?"

"Puwede. Simpleng dinner."

"Sa farm."

"Ay, oo! Ikaw ang nag-setup ng dinner. Hindi ko alam. Kunwari na-surprise ako. Sa gitna ng parang. 'Tapos kinantahan mo ako. Marunong ka bang maggitara?"

"I do, but I'm not very good at it. I know how to play the piano well though."

"Hindi naman kapani-paniwala na naglagay ka ng piano. Kunwari na lang nag-tamborine ka."

Ang lakas ng tawa ng lalaki. "Let's stick with the guitar. Perhaps I played your favorite song."

"Ano ba ang favorite song ko? Teka..." Napaisip siya. "Single Ladies?"

Humalakhak si Davide, habang si Agwee ay halos gumulong sa kama sa katatawa. Nai-imagine niya si Davide na naka-costume ng Beyonce habang sumasayaw. Hindi bagay! Iyon pala ang damit na hindi babagay dito!

Tumayo siya at ginaya ang sayaw. Palagi nilang ginagaya ni Pipay ang sayaw sa video. "Uh-oh-oh. Woah-oh-oh. If you like it then you should've put a ring on it. If you like it then you should've put a ring on it."

Ni minsan ay hindi niya naisip na darating ang pagkakataong magtatawanan sila nang walang humpay. Noon din lang niya narinig ang halakhak ni Davide. Para silang kinikiliti, hindi matigil sa pagtawa. Ang sarap sa pakiramdam. Matapos ang lahat ng naganap, natatawanan na nila ang sariling kalokohan. Nilapitan niya ang lalaki habang sumusuntok sa ibaba, tulad ng sayaw ni Beyonce.

"Join mo ako, Davide." Hinigit niya ito patayo.

"I don't know how to dance! You silly woman!"

"Ganito lang, o. Simple lang naman. Igaganito mo ang kamay mo. Oh-oh-oh. Lagyan mo lang ng attitude."

Pero ang KJ nito, ayaw siyang samahan. Inirapan niya ito. "Ano, natatakot kang mabawasan ang kamachohan mo? Arte mo."

Tumawa ito, saka hinawakan ang kanyang kamay, saka siya kinabig palapit dito. "How about some tango, hmmm?"

"Tango? Hindi ako marunong noon. Woah-oh-oh!"

Humalakhak na naman ang lalaki, saka siya hinagkan sa labi. Saglit na saglit lang iyon, naglapat lang ang kanilang mga labi. Duda siya kung gusto talaga siya nitong halikan sa labi. Baka pisngi niya ang puntirya nito pero gumagalaw siya a la Beyonce kaya sa labi niya dumapo. Pero naging sapat na para matahimik siya. Nabura rin ang ngiti ng lalaki.

Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "You silly girl."

"Woah-oh-oh."

Umalog ang balikat nito sa pagtawa, napangiti siya. Niyakap siya nito. Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang sa ibulong ng lalaki sa kanyang tainga, "There's no alcohol this time, Aguida."

Alam na alam niya iyon dahil kanina pa siya humihiling ng excuse, ng kahit na anong alibi para magpatuloy ang lahat ng ito. Sana lumipad ang lahat ng pag-aalinlangan nila sa kung anong dahilan nang sa gayon ay huwag pang matapos ang gabi. Gustong-gusto niyang maabot ang asawa, kahit hayun siya sa mga bisig nito. Nakaka-frustrate ang ganoong pakiramdam, na parang napakalayo nila sa isa't isa kahit nandoon lang ito. Mas nakaka-frustrate na naghahanap siya ng paraan para pagtakpan ang gusto niya dahil nahihiya siya na gusto niyang makasama ang asawa, isang lalaking alam niyang hindi niya totoong asawa.

Fake husband. Fake wife siya. Kailangan niyang palaging maalala. Sa mga pagkakataong ayaw niyang maisip, kailangan niya ng alak para pagtakpan ang katotohanang hinding-hindi niya kayang kalimutan, katulad ng init sa katawan at puso niya para rito.

"Do you want me?" patuloy nitong bulong.

"Y-yes."

Parang iyon lang ang hinihintay nitong marinig. Nagtagpo ang kanilang mga labi para sa isang mainit na halik.

---

Bituinan mo na, istariray ka naman. Mag-comment ka, kahit lyrics ng "Tala" para bagay sa theme na bituin. Kahit ano, basta mabasa ng algorithm ng Wattpad para madaming tulad mong makabasa. Baka sakaling yumaman ako. Push mo na. Sagad mo na rin, like mo FB page ko para kunwari may sinusuportahan kang local writer: facebook.com/vanessachubby

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro