Chapter 41
You may purchase the ebook here: www.preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/5063/GOH-Book-1-Davide-Castillejo---LIBB0624
---
"Sa Sabado," sagot niya, naiinis na wala man lang pagbati ang lalaki.
"You need to go back as soon as possible. My grandmother is gonna stay with us."
Bigla siyang natigilan. Hindi pa niya nakikilala ang lola ng lalaki dahil hindi naka-attend sa kanilang kasal. "Gaano katagal?"
"I don't know. She didn't say. Wala siyang alam tungkol sa kasunduan ng pamilya. I really like her and I would like for you to be nice to her."
"Kailan ba ako naging hindi nice?"
"I'm just saying that I don't want to disappoint her. Sa isang araw, nandito na siya. You need to come back."
Napilitan siyang umoo sa lalaki. Nag-empake siya at agad na bumalik sa Maynila. Nang makarating sa bahay ay naabutan niya si Davide doon kahit may pasok sa opisina. Tumahip ang dibdib niya. Sa kabila ng lahat, hayun ang puso niya, hindi mapakali dahil lang nakita niya ang asawa.
"How are you?" tanong nito.
"Ayos lang. Ikaw?" Ilang babae ang nakasama mo habang wala ako?
"I'm okay. Just worried about my grandmother staying over."
"Sinabi ba niya kung gaano katagal siyang magbabakasyon dito?"
"She didn't say. Hopefully, a few days."
"Wala namang problema kung ilang araw lang naman pala."
"We need to sleep in one room."
Tumango siya dahil naisip na rin ang bagay na iyon. "Paano ang mga kasama natin dito?"
"I already talked to them."
Kung ganoon ay wala siyang nakikitang problema, maliban sa katotohanang sa iisang silid sila tutuloy. Pero mayroong couch sa kuwarto niya at malaki iyon, halos parang kama na rin. Walang problema kahit doon siya matulog. Hindi na siya tatabi sa lalaki. Baka kung saan na naman sila makarating. Okay sana kung hindi siya parang tanga na nagsisisi pagkatapos.
"My grandmother is very kind but she has a sharp tongue," anang lalaki. "Ikaw na sana ang bahalang magpasensiya sa kanya kung may masasabi siyang hindi mo magugustuhan."
Bigla tuloy siyang kinabahan. "Bakit, ano ang puwede niyang sabihin? Pupunahin ba niya ako kung hindi ako sosyal?"
Bigla tumawa ang lalaki. "No. But she had always said she expected a wife to take care of the husband. I know it's old-fashioned, and I'm not gonna ask that of you, but it will be best if we make her see that everything is okay between us. It's just for a couple of days."
Nakauunawa siyang tumango. Lumaki rin siyang kasama ang lola at malapit siya sa mga matatanda. Alam niyang madami sa mga ito ang sinauna kung mag-isip. Kung isumbong kaya niya sa lola nito si Davide at sabihin ang mga prinsipyo ng lalaki tungkol sa relasyon? Baka mapalo sa puwit ang kanyang magaling na asawa.
"Ano ang sasabihin natin sa kanya na dahilan kung bakit tayo nagpakasal? Hindi ba niya alam?"
"She doesn't know. Sasabihin na lang natin na whirlwind romance ang nangyari. I met you through your father and we fell in love and decided to get married." Ibinigay nito sa kanya ang mga petsa para daw hindi sila magkalituhan. Lumalabas na tatlong buwan lang silang nagde-date nang magdesisyong magpakasal. "Actually, she told me not to get married immediately but I did anyway."
"Nasa Amerika siya noong kasal natin, 'di ba?"
"Yes. She couldn't make it. Her second husband was not doing well at that time. I promised her we will get married again, this time in church. That's the only reason why she gave me her blessing."
Mukhang istrika nga ang lola nito kaya lalo nang kinabahan si Agwee, pero naisip niyang madali na sigurong makisama sa matanda, lalo na at wala rin siya sa bahay most of the time dahil pasukan na rin. Isa pa ay ano na lang ba ang ilang araw?
Sabado nang dumating ang matanda. Nagluto si Agwee ng mga putaheng paborito daw nito. Nagpaluto ng dessert si Davide sa asawa ng kuya nito. Sa kabila ng kaba, nahalata ni Agwee ang kasiyahan ng asawa.
"This is her favorite," anang lalaki habang inilalagay sa ref ang isang box ng ube cake. "My grandmother used to make this every weekend. She taught my sister-in-law how to make this cake since my mother—her only daughter—dislikes baking. I'm sure she will ask you if you know how to bake."
"Marunong naman ako pero tinapay lang. Hindi ako marunong ng cake-cake. Hindi uso sa amin."
"You make bread?" Nilingon siya ni Davide, mukhang hindi inaasahan ang sinabi niya.
"Oo naman. Kadali-dali ng tinapay. Harina, tubig, asin, yeast, may tinapay ka na. Hindi tulad sa cake na madaming mga chuchu."
"My grandmother likes making breads as well. I think you will like her. Are you ready? She's on her way."
"Kabado ako, sa totoo lang."
Tumingin sa kanya ang lalaki, saka bumuntong-hininga. "Me, too."
Lalo tuloy siyang kinabahan. Bakit pati si Davide ay kabado? Ano bang klase ang lola nito at pati ito ay kinakabahan na rin? Pero bago pa siya makapagtanong ay sinabi na ng kasambahay na may dumating na raw na sasakyan. Lumabas na sila ni Davide para salubungin ang lola nito.
Umibis mula sa isang puting Mercedes Benz ang lola ni Davide. Hindi mukhang lola ang lola ni Davide. Mukhang kapatid lang nito ang biyenan niyang babae, sa halip na anak. Ang suot ng matanda ay puwedeng irampa sa kahit na saang catwalk. Kung mayroong model na ganoon ang edad, maniniwala siyang model ang matanda. Mukha itong Miss Universe noong unang panahon.
"Ilang taon na nga siya ulit?" bulong niya kay Davide.
"She's seventy-seven."
Halos mapanganga na lang si Agwee. Mukhang wala pang singkuwenta-anyos ang matanda. Lalong hindi ito mukhang tipong marunong mangusina. Mukha itong pagsisilbihan ng lahat ng kasambahay. Ang suot nito ay pantalong puti na may katernong blazer na ganoon din ang kulay. Parang a-attend sa fashion meeting ang babae. Malaki ang sunglasses nito, parang celebrity na nagtatago sa paparazzi.
Anak ng timang na buhay 'to, hindi man lang sinabi nitong kamote kong asawang magaling na kakabugin pala ng lola niya si Audrey Hepburn noong araw! Tapos ganito ang suot ko?! Parang gusto niyang manliit. May mga magaganda siyang damit na pangporma pero hindi niya ginamit dahil nag-aalalang masabihan ng lola ni Davide na hindi asawang maasikaso. Alam niyang sinauna na ang mga ganoong isipin pero ano bang malay niyang hindi sinauna ang lola ng asawa niya? Sa pagkukuwento ni Davide, ang na-imagine niya ay isang lola na nakapuyod ang buhok, medyo mataba, puti ang buhok. Hindi ganitong lola! Ang suot niya tuloy ay napaka-conservative, parang pangsimba. Talbog na talbog siya sa lola ni Davide.
"Well, well, my favorite grandson," anito, nakangiti, agad na niyakap ang lalaki, saka siya binalingan. "You must be Aguida."
"Yes, Ma'am."
"Oh, please call me 'Mama.'" Ngumiti ito.
Kahit paano ay nakahinga si Agwee. Kahit mukhang mataray ay mabait ang tono ng matanda. Tumuloy na sila sa loob ng bahay. Sa sala ay panay ang kuwento ng matanda tungkol sa biyahe nito.
"I could've gotten here sooner if it weren't for my husband. He's a hypochondriac. One little pain and he wants to go to the hospital. He wanted to come with me but with all the disease outbreaks we're having, he decided he better stay in our home. But he wishes the two of you well. Now..." Nakangiti ang matanda nang tumingin sa kanya. "Tell me more about yourself, hija. My grandson doesn't bother to call me anymore. Children grow up so fast. Noong bata ang isang ito, hindi ko alam kung paano ko tatakasan nang hindi umiiyak. Now, he barely remembers his Mama Concha."
Halos hindi ma-imagine ni Agwee ang isang batang Davide na umiiyak kapag umaalis ang lola nito. Hindi niya makita ang asawa bilang isang bata. Parang hindi ito dumaan sa pagkabata dahil walang kahit na anong bakas ng kabataan sa mga mata at galaw. Kung naging bata man, siguro napaka-ismarte nito, bibo, hindi umiiyak. Pero malayo iyon sa kinukuwento ng matanda. Isang panig na naman ng kanyang asawa ang kanyang nakita. Naging normal din pala ito.
"Oh, he was very small," pagpapatuloy ni Mama Concha. "His brother was older than him and so they were never really playmates. This one here liked Legos and it was the only thing that he asked yearly for his birthday and for Christmas. I really thought he's going to be an engineer. He had always wanted to be one."
"Come on, Mama," ani Davide, parang nahihiya. Ang cute ng mokong, nagba-blush.
Tumawa ang matanda. "It's been a long time since I last saw you blush, my dear. How adorable." Pinisil nito ang pisngi ng lalaki. "Now, tell me about you two. Tell me everything. Where did you meet? Was it magical?"
Halos nawala na sa isip ni Agwee ang kailangang gawin kaya hindi siya nakapagsalita agad. Nablangko ang isip niya. Mabuti na lang at nandoon si Davide para punan ang sagot. "Mama, like I told you, our parents introduced us. As you know, Aguida's folks have been Papa and Mama's friends ever since."
"What was it about my grandson that you fell in love with, Aguida?"
Magkakasunod ang naging paglunok niya, pinagpawisan bigla. Tumingin siya sa lalaki at natuklasang hindi na niya kailangan pang mag-imbento ng salita. "'Yong mga mata niya, Mama."
___
Vote, comment, share. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.
PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro