Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

Hello ka diyan. Pa-cute ka bigla? Matapos mong makipaglandian sa Pia na 'yon?

Gustong maasar ni Agwee sa asawa pero aminado siyang kanina pa naghihintay sa pagbabalik nito. Hindi rin niya alam kung bakit. Inaasahan ba niyang baka hindi na ito bumalik ulit? Malay ba niya kung ma-realize nitong nagsasayang ng oras sa kanilang pagsasama kung mayroon namang naghihintay na Pia rito?

Nang malaman niya na si Pia Hortaleza pala ang babae ni Davide, agad niyang inalam ang lahat tungkol sa babae. Hindi naman mahirap makita ang detalye tungkol dito dahil kalat sa Google ang impormasyon. Bago pa niya nalaman ay lulong na lulong na siya sa pagre-research. O mas tama sigurong sabihin na pang-stalk.

Kahit ang mga comment section ay pinatulan niya. Kapag may chismis tungkol sa babae, nasa comments niya at tinitingnan kung may mumo siya ng impormasyon na maaaring sundan mula roon. Hindi man kasing-dami ng mga tradisyunal na celebrity ang impormasyon na tungkol sa babae ay marami pa rin siyang nakita. Matagal na ito industriya dahil college pa lang ito ay nagsimula na bilang radio jock sa isang programa sa radyo na laan para sa mga estuyante. Mula roon ay nagtuluy-tuloy ang magandang career ng babae, hanggang sa napunta na ito sa TV. Host ito ng isang sports program, bukod pa sa naging host din ng showbiz talk show.

Mahilig sa sports ang babae. Bukod sa tennis ay sumasali rin ito sa mga triathlon. Madami itong mga produktong ini-endorse at ang pinakahuli nga at ang pinakamalaki ay ang produkto ng kompanya nina Davide, isang panghugas ng chorva. Siguro palaging makati ang chorva ng babae dala ng matinding kalandian! Sa totoo lang, bago niya nalaman na si Pia Hortaleza pala ang babae ni Davide ay gusto niya ang babae, kahit pa nga may pagkasosyal ito. Halata iyon dahil na rin sa mga activities ng babae, kahit sa English format nitong sports program.

Base sa research ni Aguida, sosyal ngang talaga ang babae. Mukha rin itong disente kung ang pagbabasehan ay ang mga naka-date nitong lalaki, iyong mga na-link dito. Wala itong ni isang nakarelasyong may asawa. Ang mga nakakarelasyon nito ay mga matitinong lalaki, lahat halos ay negosyante at wala sa show business. Sa lahat ng na-link dito, ni minsan ay hindi nabanggit ang pangalan ni Davide. In short, may alam siyang hindi alam ng mga tsismosa sa internet, at hula niya ay mas madami pang itinatagong baho si Pia.

Una, pagtingin niya sa social media ng babae ay nakita niyang nag-post ito na nasa Macau nga, kasama ang isang boyfriend na Chinese. Pero bakit ito nakikipaglambutsingan sa kanyang asawa?! So napatalikod lang ang boyfriend ay iniputan na sa ulo? Ah, ewan, pero malinaw naman ang kanyang nakita. Hindi tamang hihilig-hilig ito sa ibang lalaki kung ang boyfriend ay nasa tabi-tabi lang. Hindi tamang umarte-arte ito nang ganoon kung ang lalaki ay mayroong asawa! Kalandi ng bruha. Pero sa isang banda, ang malaman na mayroon itong boyfriend ay nakapagdulot sa kanya ng kung anong ginhawa. Hindi niya rin maiwasang maisip na baka naman sadyang sintunado lang kung umasta ang babae, iyong mga masyadong pa-close. Mayroon namang taong ganoon kaya madalas na nagiging sanhi ng awayan, iyong mga tipo ng taong por que walang malisya sa mga ito ay hindi na naiisip pa ang ibang tao.

Anu't anuman, nawalan na ng kredibilidad sa kanya si Pia Hortaleza. At itong Davide na ito ay nakakaasar din, hindi lang niya maiwasang hintayin dahil asawa niya ang magaling.

"Why are you waiting for me?" tanong nito, bahagyang nakakunot ang noo.

"Hindi kita hinihintay. Nagkataon lang na nagbabasa ako."

Umupo ito sa sofa. "Akala ko ba pasado ka na sa entrance exam?"

"Oo, pero nagbabasa ako para lumawak ang vocabulary ko. At ikaw, kumusta naman ang lakad mo?"

"It's fine. Boring."

"Boring?" Kahit paano ay natuwa siyang marinig iyon, pero agad ding naisip na baka kaya boring ay dahil kasama ni Talandi ang Chinese boyfriend kaya hindi nakasingit si Davide. "Bakit naging boring?"

Itinaas ng lalaki ang balikat. "I don't know. The races were all... mediocre. And you? What did you do all day?"

So ano'ng nangyari sa inyo ni Pia? Masaya ka ba sa ganyang ginagawa mo? Bakit hindi ka na lang mag-stay dito sa bahay? Bakit hindi ka na lang mag-try na makuntento muna? Pero maling hilingin niya iyon sa lalaki. Kailan ba niya matatanggap na hindi normal ang kanilang samahan? Bakit hirap na hirap siyang i-digest ang bagay na iyon?

Lihim siyang napabuntong-hininga, saka naupo sa isang silya. "Wala. Nagbasa."

"You've been reading a lot." Ngumiti ito. "You enjoy it, huh? That's nice. What did you read today?"

"Harry Potter." Natiyempuhan niya ang serye mula na rin sa mga nababasa sa internet. Akala niya noong una ay pambata at nang simulan niyang basahin ay natuklasan niyang gustong-gusto niya. Halos hindi na siya natulog kagabi pa dahil gusto niya agad matapos ang serye.

"Ah, my favorite as well."

"Gusto mo rin 'yon?" Hindi inakala ni Agwee. Ang mga libro sa library ng lalaki ay puro tungkol sa business, nonfiction, at mga boring na libro.

"Of course."

"Alam mo, gusto kong magpuntang Japan, sa Universal doon. Pero ang mahal din pala ng entrance, ano?"

"We can go if you want."

"Talaga?" Bigla siyang nasabik. Hindi siya mahilig sa mga theme park dahil kahit sa perya ay hindi siya mahilig, pero kung pupunta sila sa Harry Potter sa Universal Studios, siya ang mangunguna. "Siguro kapag sembreak?"

"Sure. When are your classes gonna start? Do you have everything you need?"

"Dalawang linggo na lang, pasukan ko na. Kompleto na ako sa gamit."

"Are you excited?"

"Medyo. Kabado rin ako. Sana may maging kaibigan agad ako. Iniisip ko lang, masyadong bata ang mga magiging kaklase ko, baka hindi na ako masyadong maka-relate."

"I'm pretty sure you're going to do well."

"Salamat."

Patlang. Ang hirap palang umisip ng magandang topic kapag ganoon. Ano bang topic iyong hindi pagmumulan ng sagutan? Ah, baka naman kahit paano ay nag-improve na ang kanyang temper. Baka hindi na siya madaling ma-trigger. Ang dami niyang gustong malaman tungkol kay Davide, mga bagay na hindi niya malalaman kung titingnan lang ang social media nito na hindi naman active in the first place. Pero kahit heto na ang pagkakataon, nag-aalala naman siyang may masabi na namang sintunado.

"K-kumusta ang mga kaibigan mo?" aniya mayamaya.

"They're all okay. Want to have something to drink?"

Agad siyang tumango. Tumuloy sila sa kusina. Maghahanda siya ng maiinom nang sabihin ng lalaki na ito na ang bahala. Dahil magkakape ito, kape na rin ang sinabi niyang gustong inumin.

"I'd use decaf, otherwise, we won't be able to sleep."

Kahit naman mag-decaf pa sila, hindi na siguro siya makakatulog. Sa tuwing magkakaroon sila ng ganoong pagkakataon ni Davide, hinihimay niya iyon sa isip, bawat salita at bawat aktuwasyon ay iniisip kung ano ang ibig-sabihin. Masaya ba ang ngiti nito, ngiti dahil lang sa social obligation, o ano ba ang kahulugan. Ang facial expression nito, ano ang sinasabi sa kanya?

Kung minsan, aminado siyang napapagod na rin sa pag-a-analyze sa lalaki pero hindi niya maiwasan. Sabik siya sa impormasyon. Daig pa niya noong panahong high school siya at lahat ng gawin ng crush ay pinagpupuyatan. Ang masaklap, hindi isang high school crush si Davide kundi isang asawa.

"Magkaka-siyota ba si Harry Potter?" tanong niya. Kanina pa niya naiisip iyon, habang binabasa ang ikalawang libro ng serye. Alam niyang tatanda ang mga bida sa pag-andar ng istorya at gusto niyang hulaan ang mga love team na mabubuo.

Tumawa si Davide. "Siyota? Why don't you just read the books. Ayokong sabihin."

"Ang arte mo," ingos niya. "Sasabihin mo lang kung nagkaroon o hindi."

Lalo na itong tumawa. "In the end, they will get married."

"Wow. Talaga? So may kasalang mangyayari? So parang love story din pala."

"No. Absolutely not." Tawa ito nang tawa. "But there's some teenage romance element involved. Not a lot though. I'm glad to see you're enjoying reading."

"Noon pa naman, mahilig na akong magbasa ng mga libro. Nagbabasa rin naman ako ng Ingles, infernes, pero bihira. Doon kasi sa palitan ng pocketbooks sa palengke sa amin, kadalasan Tagalog. Minsan may Ingles pero kapag romance, parang hindi ako masaya sa Ingles. Parang bitin. Parang matabang. Parang may kulang. Hindi ako kinikilig, hindi ako maka-relate."

"Are you telling me that you actually like romances?"

"Oo naman. Alam ko, mababaduyan ka pero gusto ko talaga."

"Hindi ko sinabing nababaduyan ako, hindi ko lang ma-imagine na nagbabasa ka noon dahil parang..."

"Parang ano?" ismid niya. "Parang hindi ako romantic?"

"Well, yes." Nanunudyo ang ngisi nito.

Napairap siya. "Talaga. Iyan nga ang reklamo ng ex ko."

"Ah, an ex, huh? What happened to him? Still alive, I hope?"

"Bruho ka!" Biglang natawa si Agwee. Mukha bang natigok na sa konsumisyon sa kanya? O mukha bang hindi makakawala nang buhay? Kung bakit tawang-tawa siya sa ideya. Siguro dahil may bahid ng katotohanan dahil kung magsalita ang ex niya noon ay para bang hirap na hirap nang makisama sa kanya, pero dahil sa mga dahilang hindi niya inasahan. "Sabagay, madaming reklamong ganyan ang ex ko. Madrama 'yon, eh. Ako daw ang babasag ng puso niya." Tumirik ang kanyang mga mata, naalala na naman ang kadramahan ng ex.

Humalakhak si Davide. "What have you done to the poor guy?"

"Actually, wala. Iyon ang reklamo niya. Ako ang nagbabasa ng mga pocketbook na romance, pero siya 'yong madrama. Siya 'yong gustong bantay-sarado ko siya. Bakit daw hindi ko siya pinagbabawalan, bakit daw hindi ako nagseselos, bakit daw hindi ako sumasama sa kanya makipag-date."

"And why indeed?"

"Puwede ba, hindi ako nanay, girlfriend ako. Wala akong balak magbantay ng jowa. Kung hindi niya kayang hindi mambabae sa likod ko, aba, hindi ko na problema 'yon. Hindi ako makikipagsabunutan sa kung sino para lang patunayan na ipaglalaban ko siya. Hindi ako sumasama sa date dahil madami akong kailangang gawin sa farm. Kung talagang gusto niya akong makasama, bakit hindi siya ang tumambay sa farm para makatulong? Hindi rin ako nagseselos, break agad."

Nakangiti si Davide. "And the reason why you broke up was jealousy?"

"Nakita kong may ka-text. Break agad!" Natawa siya. "Isinumbat niya sa akin 'yon bandang huli. Na wala naman daw siyang ginagawang masama, achuchuchu. Kasalanan lang daw siguro niya na ginusto niyang magkaroon ako ng reaksiyon. Gusto daw niyang maramdaman na mahal ko siya. Mukhang tanga lang. Girlfriend niya na nga ako, gusto pa niyang umiyak-iyak ako sa pagseselos? Nakipaghiwalay na lang ako."

"I think that's a good decision anyway. Life is already too complicated to burden yourself with nonsense like that."

"Iyon mismo ang katwiranko. Ikaw? Ang dami mo sigurong naging girlfriend." Sa wakas, nabuksan na niyaang topic na matagal nang gustong itanong sa lalaki. Gusto niyang magkaroon ngidea kung sino ang naging babae nito, at kung ito ba ang tipo ng lalakingpapalit-palit ng girlfriend o iyong nagtatagal.

___

Vote, comment, share. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro