Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Isang buwan na lang ay entrance exam na ni Agwee. Satisfied naman siya pagdating sa maths at science dahil palagi niyang perfect ang mga online exam, maging ang mga reviewer na nabili niya. Ang pinakamalaking problema niya ay ang English dahil wala pa siyang nape-perfect ni isang test. Nalilito siya sa grammar.

Nabubuwisit na siya sa online test dahil nakatatlo na siya ay hindi pa rin perfect. Ayaw niyang sukuan dahil high school grammar lang iyon. Paano na ang college? Kung minsan, pinanghihinaan siya ng loob. Nakakaintindi naman siya ng Ingles, talaga lang sablay kapag siya na ang nagsusulat noon. Kahit nga fill in the blanks at multiple choice pa, mali ang kanyang sagot. Heto siya ngayon, alas-dose ng madaling araw, umiinom ng gatas habang kumakain ng mani. Pampatalino raw ang mani. Baka sakaling hindi na siya magkamali kapag naubos niya ang biniling kutkutin.

Napatingin siya sa pinto nang may marinig na ingay. Nakita niya si Davide. Wala itong pang-itaas at shorts lang ang suot. Mukhang hindi nito inaasahang makita siya sa kusina. Ang yummy ng lalaki. Paanong hindi kung pagkagising pa lang, gym na ang inaatupag nito? May sariling gym ang lalaki sa bahay.

Hindi pa rin sila nagkikibuan pero at least ay hindi na sila nag-aaway. Kung minsan, sinusubukan niya itong kausapin pero ito na mismo ang parang ayaw sumagot. Kapag weekends din ay umaalis ito kaya walang chance maayos ang kanilang silent war. Siyempre, gusto rin niya na kaliwaan ang magiging "abutan." Paano siya makakapagsimula ng peace talks kung hindi ito nagbibigay ng daan?

"I'm sorry. I didn't know you're here," anito. "I'm just gonna get something to drink and go back to my room."

"Wala bang laman ang ref mo sa kuwarto?"

"I want something hot."

"Sige, igagawa kita ng kape. O baka tea ang gusto mo?"

"It's all right," anito, dumiretso sa espresso machine. "Would you like something to drink?"

"Hindi, okay lang. Hindi pa ubos itong gatas ko."

"Can't sleep?"

"Inaantok na nga ako." Kahit paano ay napangiti siya. Noon lang sila ulit nakapag-usap nang mahaba-haba nang hindi nagtatalo. "Pero pampatalino raw ang gatas kaya ito ang tinitira ko. Saka mani. Sana makuha ko na ito."

"What are you studying? What for?"

"Nakakahiya namang bumagsak sa entrance exams."

"I doubt you will. Hindi mo nabanggit kung saan ka kukuha ng exam?"

Binanggit niya ang tatlong eskuwelahang balak pasukan. Ang mga iyon ang rekomendasyon ng kanyang ama, school ng mga sosyal. Sa totoo lang ay kinakabahan siya dahil masyadong pangmayaman ang mga iyon. Tama na sana siya kahit sa school na hindi masyadong kilala, pero ayaw ng kanyang amang pumayag. Sayang naman daw ang oras kung hindi niya gugugulin sa mga eskwulahang maganda, kung kaya naman daw niyang bayaran. Actually, ang kanyang ama ang nag-volunteer magbayad sa lahat ng gastusin sa eskuwelahan dahil utang daw nito sa kanya iyon. Tinanggap niya naman ang tulong dahil totoo naman. Ayaw niyang obligahin si Davide na pag-aralin siya, kahit pa nga sobra-sobra ang allowance niya para sa tuition, sabihing napakamahal din ng babayaran sa school.

"Don't worry about it."

"Bakit?"

Dinala ng lalaki ang isang maliit na cup na may kape sa tapat niya at doon pumuwesto. Pareho na silang nasa kitchen counter. "I know the administrator in all of those schools."

"So nadadaan sa lagay ang mga 'yon?"

"I wouldn't put it like that, no."

"Kung ganoon, ano pala?"

"It helps if you know someone."

"So ganoon na rin sa madaling sabi? Parang ganyan din naman ang linya ni Papa, na huwag akong mag-alala. Pero lalo akong nag-aalala dahil kilala niya. Nakakahiya kung babagsak ako. Ano na lang ang sasabihin noong kakilala niya, na ang tanga-tanga ng anak niya?"

"What makes you think that's what they'll say? I'm pretty sure some of the students who fail just do because they're lazy. Besides, the exam isn't that hard."

"Para sa 'yo. Ilang ulit na nga akong mali-mali ng sagot."

"Let me see." Inabot nito ang kanyang tablet at tiningnan ang binabasa niya—resulta ng test niya kanina. Gusto niyang mapahiya, pero parang balewala naman sa lalaki. "The problem you have is with subject-verb agreement."

"Medyo nalilito ako. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa niyan, samantalang sa ibang bansa nga hindi naman mahalaga ang Ingles. Hindi ba, iyong mga Koreano, hindi naman magaling sa English? Kahit mga Hapon. Sa Europe nga, hindi rin naman magaling mag-Ingles ang mga Italiano at German. Bakit sa Pilipinas masyadong importante ang Ingles?"

"Because a lot of people use it and we don't have direct translation of important words in the field of medicine, and others. I don't think it's the important to have flawless grammar, one only needs to understand and speak basic English if you don't intend to teach or write correspondence and others. Anyway, I can teach you. Let's see. Oh, here: Maria did not blank to bring her umbrella. A. forget, B. forgot, C. forgotten."

"Maria did not... hmmm. Hindi nakalimutan ni Maria ang kanyang payong. Nakalimutan. Past tense. Forgot?" aniya, nakangiwi.

"No. It's forget."

"Pero kapag sa Tagalog, lalabas na mali kasi 'di ba—kalimutan, nakakalimutan, nakalimutan."

"But there's did in the sentence. Kahit anong may did, present tense ang verb kasi did na ang auxiliary verb niya."

"So general rule 'yan? Kasi ang mahirap sa Ingles, palaging may exception to the rule."

"I think there's only one exception, and that's 'used to.' But using 'use to' is also correct so don't bother with the exception."

"Okay, sige. Gets ko."

"All right, here's another one."

Tumango na lang si Agwee, kahit hindi maiwasang mapatingin sa machong dibdib ng asawa. Kung kanina ay inaantok na siya, biglang nabuhay ang kanyang dugo. Siguro kung ganito ka-macho at kaguwapo ang kanyang tutor ay lalo siyang hindi matututo dahil wala siyang gagawin kundi ang pagmasdan ito.

Agad niyang sinaway ang sarili. Kailangan niyang maging immune sa overall impact ng asawa. Pero iyon nga, asawa. Asawa ko siya. Bakit masamang magnasa sa asawa? Bakit unfair?

Lihim siyang napabuntong-hininga dahil alam din niya ang sagot, hindi lang niya matanggap. Sinubukan na lang niyang sagutin ang lahat ng tanong ni Davide at mali rin ang una niyang naisip na wala siyang matututunan dito dahil na-gets niya ang lahat ng sinabi ng lalaki dahil magaling itong magpaliwanag. Nagbigay din ito ng mga bagay na dapat niyang tandaan para mas mabilis na maibaon sa isip ang lesson. Hindi naman siya nangangarap na maging kasing-husay nito mag-Ingles pero gusto niyang makasabay. Iyon bang tipong lahat ng salitang sinasabi nito ay nage-gets niya, kung minsan kasi ay ang kahulugan ng buong pangungusap ang nage-gets niya, pero may mga salitang hindi masyadong maintindihan.

"Gusto kong lumawak ang vocabulary ko, Davide."

"Read."

"Iyon na nga ang gagawin ko, pero sa totoo lang, iyong mga libro mo sa library, mahirap intindihin. Wala ka bang romance?"

Bigla itong ngumiti. "If you want romance, I can get you some. I'll buy you a Kindle and you may choose any ebook you like using that device."

Tumango na lang siya, kasabay ng haplos ng panghihinayang sa kanyang puso. Damang-dama niya ang term na "mahirap abutin" pagdating sa lalaking ito. Naitanong niya sa isip kung may babae na ba itong official. Siguro. Madalas, kapag weekend, palagi niyang naiisip ang bagay na iyon. Siguro ay kasama nito ang babae. Siguro ay nasa kung saan hotel ang mga ito o kung saang tagong lugar. Posible pang nasa ibang bansa ang dalawa, sa bansa kung saan saglit lang ang biyahe. Kung minsan, natutukso siyang tumawag sa sekretarya ng lalaki pero alam niyang sarado ang opisina nito kapag Sabado at Linggo.

Pilit na lang niyang kinakalimutan ang mga ganoong bagay at iniisip na siya rin naman ang nagsabi dito na okay sa kanya ang ganoon. Pero kung minsan, naiisip niyang sana ay hindi na lang niya sinabi ang lahat ng iyon. Siguro, kung hindi niya isinulat, baka sakaling puwede niyang hilingin ditong sumubok sila, kung kaya niyang ibaba ang pride. Para kasing masarap mag-ulam ng pride kung minsan, lalo na kung sa hapag ay kaharap niya ang isang masarap na ulam, ang Davide con Papa.

Ilang ulit na siyang natuksong gawing rice ang pride, at ulam niya si Davide. Kaso, pangarap na lang iyon. Too late. Napapirmahan na niya ang papeles na siya mismo ang gumawa.

"It's getting late. I'm sure you're sleepy now," ani Davide. "Don't worry too much on your exam."

"Salamat."

"Good night, Aguida."

"Good night."

Iniwan na siya nito sa kusina. Pagkalalim-lalim ng buntong-hiningang kumawala sa kanya.

___

Vote, comment, share. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro