Chapter 10
"Hey, hey, look here."
Uminit ang ulo ni Agwee nang pumitik-pitik sa tapat ng kanyang mukha si Janet. May kabastusang taglay ang inggrata niyang ate. Hindi niya ito makuhang tawaging ate. Mukhang masama ang ugali nito. Walang dahilan na umakto itong para siyang tatanga-tanga o tulala para pumitik pa sa mukha niya. Ano din siya, aso? Naiwan sila sa sala, habang ang kanilang ama ay may kakausapin lang daw sandali.
"Ano 'yon?" angil niya. Hindi siya natatakot dito. Bakit, kung ito ang may utang-na-loob sa kanya? Hindi ba at ito ang nangako ng kasal at tumalikod? Hindi niya alam ang batas pero may binanggit na may kaso daw iyon. Hindi na mahalaga sa kanya dahil hindi naman niya pakakasalan ang Davide na iyon para iligtas ang kapatid na noon lang nakilala. Suwerte ito na kapit sa patalim siya. Kaya tumino-tino ito kung ayaw na maasar siya. Wala siya sa mood, umayos ito. Hindi siya tulad ng ina na mabait, palaging nagbibigay. Siya ay mana sa kanyang lolo, madalas sabihin ng kanyang lola. Palaban siya, hindi magpapaapi. Hindi siya umaatras kahit maton ang kalaban. Aba, walang sasantuhin ang itak niya.
"I noticed you're looking around, hun. Trying to calculate just how much you're gonna get?" Nakakaloko ang ngiti ng babae.
"Hindi ko ugaling magbilang ng sisiw."
"Good because you're not getting any. Oh, my dear father forgot to tell you that he took care of our assets before he adopted you. He isn't stupid."
"Alam mo, Janet, puwede pang magbago ang isip ko. At kapag nagbago ang isip ko, ikaw ang malalagay sa alanganin dahil sa breach of contract."
Humalakhak ito. "How dumb are you exactly? No one will go to court for that nonsense. Verbal agreements are weak. Besides, Davide's family was the first to change the rules. It was his brother I was supposed to marry. Hindi ikaw ang unang substitute, dear."
"Wala akong pake. Hindi ko ito ginagawa para sa 'yo." Ano ang problema ng bruhang babae?
"Oooh, you are precious, aren't you? Got a sharp tongue, I see. Quick to anger as well. I thought you would at least show some gratitude for being a part of the family your existence almost destroyed. I mean, you won't get all this you see, but you will get something I'm sure."
Aminado si Agwee na hindi ganoon kabilis ang pang-unawa niya sa Ingles, lalo na at may accent ang nagsasalita, gayunman, malinaw sa kanya ang sinabi ng babae. Natural na uminit ang ulo niya.
"Magpasalamat? Kanino, sa 'yo? Bakit, ano ba'ng ginawa mo para sa akin? Ngayon lang kita nakilala at nakilala lang kita dahil may kailangan kayo sa akin."
"Stop pretending you're doing us a favor, honey, because I know you will receive a handsome amount, money you will never make on your own."
"Ah, ganoon ba ang tingin mo? Puwes, totohanin natin. Iyong halaga kasing original kong hinihingi eh kaya ko sanang kitain sa farm kung hindi lang ako nagkaproblema. Pero dahil mayabang ka masyado at hindi ko gusto ang tabas ng dila mo, tataasan ko ang presyo." Itinaas niya ang mukha sa babae. Sige, galitin pa siya nito at talagang lalo siyang mang-aasar.
"Bitch, you're lucky to be here. You will never find anyone who comes close to Davide. May magpakakasal ba sa 'yong ganoon kayaman? Get off your high horse."
Ano'ng pinagsasasabi nitong horse? Bumaba siya sa mataas na kabayo? Tama ba ang pagkakaintindi niya? Ibig-sabihin siguro ay nagmamataas siya. Gaga talaga. Siya pa pala ang nagmamataas kahit ito ang sige sa pang-aalipusta sa kanya kahit ito ang dapat magpakumbaba.
"Ikaw ang horse!" angil niya sa asar. "Labi mo pa lang, parang sa kabayo na. 'Yan ang uso sa mga artista, 'di ba? Iyang nagpapaturok sa labi. Hindi ka kagandahan, 'Teh, kaya 'wag kang mayabang."
"Why, you have some nerve, you bitch—"
"Janet!" sigaw ng kanilang ama na nagbalik na sa sala. "What is wrong with you?!"
"Me? Your other daughter is the real bitch!"
"What happened?"
"She called me a horse! Who the hell does she think she is?! Sampid lang naman siya dito, ah! She's a maid's child from your disgusting affair!"
"That's enough, Janet! Go to your room now! Now and I mean it!" singhal ng matandang lalaki sa panganay na anak.
Kahit paano ay natuwa si Agwee na hindi kinampihan ng ama ang babae. Hiling niyang sana ay hindi kasingbastos ni Janet ang ina na hindi pa niya nakikilala. Kaaalis lang daw ng babae pa-Amerika.
"Pasensiya ka na sa ate mo. I believe I spoiled her too much."
Kaya ba hindi niya ginawa ang obligasyon niya at ako pa ang kinailangan ninyong kuning kapalit kahit wala na sana kayong balak na makita pa ako? Pero lahat ng iyon ay hindi niya magawang sabihin dahil ang totoo ay napapahiya rin siya sa sarili dahil pumayag siya sa gusto ng ama. Pumayag siya sa kasal.
Pinag-isipan niyang mabuti ang lahat. May pagpipilian siyang gawin, sa totoo lang. Puwede niyang ibenta ang farm sa mas mataas na halaga at ipangtubos ang pinagbentahan. Ang problema ay hindi siya agad makakahanap ng buyer. Hindi mabilis ang bentahan ng lupa, lalo na at ganoong hindi pa ayos ang papeles sa bangko. Habang umaandar ang panahon, lumalaki ang interes kung hindi siya makakabayad. Sa huli, mas malaki ang chance na mailit sa kanya ang farm. Paano siya magsisimula? Ni wala siyang tirahan. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, kaya saan siya mag-a-apply? Malamang sa ibang farm. Magkano lang ang kikitain niya? Baka kuwarenta anyos na siya ay nangangarap pa ring makabili man lang ulit ng lupa. Iyon ang dahilan kung bakit niya tinanggap ang alok. Hindi uso ang pride sa taong gipit.
"Don't mind her," patuloy ng matanda. "Whatever she said or will doesn't matter."
Tumango na lang si Agwee. Gusto niyang itanong kung totoo ba ang sinabi ni Janet na may nangyari nang kung ano sa mga assets para wala siyang makuha, pero pinigil niya ang sarili. Hindi siya interesado doon, kahit pa gusto niyang malaman kung gaano ba kaganid ang ama. O kung gaano kaliit ang tingin nito sa kanya. Sabagay, dapat alam na niya noon pa. Ang ipinagtataka lang niya ay kung paano naisip ng ina na mabuting tao ang lalaki noon. Hindi naman siguro papatol ang nanay niya kung antimano ay nakita ang totoong ugali ng among may asawa. Pero dapat pa ba niyang itanong kung heto sa harap niya ang lalaki at mabait kung umakto?
"Are you ready to meet Davide? He will be arriving soon," anang lalaki.
Magkakasunod ang naging lunok niya matapos tumango. Moment of truth, 'ika nga. Dalawa lang ang hiling niya: sana mabait si Davide at hindi sadista at sana kahit paano ay hindi sobrang chaka.
___
To support the writer, you may click the star button. You may also leave a comment. If you are in the mood to support the one giving you free reads, you can to facebook and like my page:
Facebook: vanessachubby and theromancetribe
Thanks.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro