Katatapos lang ng Summer Vacation. Sobrang saya ko kasi lahat ng mga kalaban ko sa Mobile Legend ay natalo ko. Bumili lang naman ako ng mga armas at boots.
"Par, pabalato! Lagi kang panalo ah!"
"Loko! Hindi ko pa nga nababawi yung mga nailabas ko. Ang dami ko kayang nagastos diyan. Pati magaling ako."
"Sus ikaw pa! Manlibre ka man lang." Makukulit talaga itong sila.
Para matapos na ang pangungulit ng mga tropa ko ay pinagbigyan ko sila na ilibre ng inuman ngayon sa Bar.
Habang nag-iinuman kami ang pinag-uusapan nila ay yung mga girlfriends nila. Ako wala akong babae dahil focus ako sa ML ko. Ako nga pala si Mark Galman. Kasalukuyang nag-aaral sa mamamahaling paaralan. Kumukuha ng kursong Engineering.
"Par next week na ang enrollan sa school. Kailan kayo pupunta ng school?" tanong ni Reynel.
"Ako sa baka sa biyernes." sagot ni Joseph.
"Ako baka sa mismong pasukan na." sagot naman ni Philip.
"Ikaw ba par kailan ka pupunta?" tanong sa akin ni Reynel.
"Ah. A-ako baka sa pasukan na din. Ikaw ba?"
"Baka sa isang araw na ko mag-enroll nagpadala na kasi ang tita ko." sagot naman ni Reynel.
Ang totoo advance na sa akin binigay ni Mommy yung pera na pang bayad sa Tuition Fee ko ang kaso nga lang nagamit ko na ang pera sa ML. Paano na ako niyan kailangan ko na talaga mabawi ang pera sa laro. Mas kailangan ko pang galingan. Paano kung hindi ko magawa? Lagot ako nito sa erpat ko. Nakakainis!
Pagkatapos namin mag-inuman ay nag-uwian na naman kami. Tulog na ang mga tao dito sa bahay dahil 1am na ng umaga.
After 10 hours...
Kakagising ko lang. Tulad ng routine ko araw araw ay binuksan ko agad ang wifi namin na GLOBE. Bago ko pa lang bubuksan ang ML ko ay biglang may nag notif sa akin sa messanger.
Congratulations Sir/Mam. Ikaw ay nanalo ngayon ng One Million Cash sa aming Aplliances Raffle. Para makuha ang prize ay kailangang maibigay mo ang iyong banking information via e-mail: au_appliances@gmail.com Salamat!
Ito na yata yung hinihintay kong swerte. Hindi naman siguro masamang patulan ito. Kailangang kailangan ko ng pera na pang-enroll. Wwhhoo!
Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na maclaim ko ang premyo. Binuksan ko agad ang e-mail ko at nagsend na.
To: au_appliances@gmail.com
From: markgalman@gmail.com
Subject: Appliances Raffle Winner
Message:
Banking Information
Account No.: 3186-0484-35
Password: 1234
Birthday: March 28, 19**
SEND!
Hayan okay na yung message. Siguro naman mamaya mababasa na nila at bukas ay ipapadala na nila yung prize. Abot tenga ang ngiti ko dahil sa iniisip ko.
Magkakasama na ulit kami ng mga tropa ko sa tambayan namin. Habang ako naglalaro pa din ng ML.
"Par, alam nyo na ba yung balita?" tanong ni Joseph sa amin.
"Anong balita par?", sagot naman ni Philip.
"Tungkol sa na scam at nanakawan sa bank account." - Joseph
"Anong klaseng scam?" - Reynel
"May magme-message na panalo ka daw tapos pag pinatulan mo yun. Ikaw ang talo kasi di mo alam na nanakawan kana.", paliwanag ni Joseph. Nakuha niya atensyon ko tinigil ko ang paglalaro ko at nakinig sa usapan nila.
"Ah. Kahapon may nagmessage sa akin ganoon hindi ko pinatulan." sabi ni Reynel
"Sa akin din may nagmsg. Wala naman akong pakialam sa dami ba naman ng magloloko ngayun." - Philip
"Anong klaseng message?" singit kong tanong sa kanila.
"Par yung katulad nito." pinakita sa akin ni Joseph yung text parehas na parehas nung nagmessage sa akin. T**g *n*! Halos mapamura ako sa nalaman ko.
Pinagsusuntok ko ang pader na nasa harapan ko. Halos duguan na ang kamay ko. Pati sila pinagmumura ko.
"Bakit ngayon niyo lang sinabi?", pagalit kong tanong sa kanila. Wala naman umiimik sa kanilang lahat sa takot na baka masaaktan ko. Maya maya nag salita na si Philip.
"Par, pinatulan mo ba yung nagmessage? Diba marami ka ng pera." Lalo akong ginagalit nito. Hinawakan ko agad siya sa kwelyo.
"P*t*! Wala ako sa mood makipagbiruan sayo! Kailangan ko ng pera ngayon. Ngayon mismo!" halata sa kanya ang takot. Inaawat naman kami ng ibang tropa.
"Ano bang nangyayari sayo? Bakit hindi mo muna icheck ang account mo para sigurado ka, pati par hindi na namin kasalanan yun." paliwanag ni Reynel.
Saka ko lang binitawan si Philip.
Nagpunta agad ako sa bangko.
"Sir, No Balance na po ang account niyo." sabi ng teller.
"Ano? Pakiulit nga baka mali lang kayo ng tingin." pangungulit ko sa teller at ginawa naman niya ulit.
"Sir Sorry pero wala po talagang laman.", sabi ulit ng teller. Gusto kong magalit sa mga oras na ito pero nasa loob ako ng bangko.
Ang T*nga t*nga ko! Dapat hindi kona pinatulan. Mas lalo tuloy ako nawalan ng pera pati allowance ko wala na. Nagi-guilty ako sa sarili ko! Aahhrrgg!!!
Tatawagan ko si Mom para sabihin ang nangyari.
"Hello mom. Nanakawan po ako ng pera, wala na yung allowance ko pati na rin yung pang tuition fee ko." - mark
"What? How? Alright! Explain mo sa akin pag-uwi ko ng Pinas. Magpapadala na lang ulit ako ng pera pero sa Cebuana na lang. Ayusin mo yung sa bangko. Iloveyou kid." -Mom
"Thanks Mom. ILoveYouToo." -mark
Napakabait talaga ni Mom. Lesson learn para sa akin ang nangyari sa account ko. Simula ngayon kailangan ko ng alagaan ang pera, wag na magastos. Siguraduhin muna ang lahat. Wag agad magtitiwala sa social media.
The End.
#makeITsafePH
#WritingContest
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro