Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TIWALA _ 02 Entry

Breaktime kaya nadito ako mag-isa sa cafeteria. Isa lang naman akong nerd at walang may pakialam sa akin. Mas gugustuhin ko pang mag-isa kaysa sa makisama sa mga plastic na tao.

Ako nga pala si Jamie Fernandez kung tawagin nila ako ay "Jam". May mga kaibigan din naman ako dito sa school kaso bilang lang.

Habang kumakain ako ng burger at fries ay may lumapit sa akin. Ang Spice Girls na grupo dito sa school ang mga nang bu-bully sa akin. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa paningin nila ngayon. Favorite talaga nila akong lokohin at saktan.

"Hello, Pathetic Girl! Ang sarap yata ng kain mo ah." sabi ni Catherine, siya lang naman ang isa sa mga demonyo sa buhay ko. Hindi ko siya pinansin at yumuko na lang ako.

"Dapat hindi ka pinapakain. Ang dapat dito ay tinatapon sa pagmumukha mo!" sabi ni Catherine at sinampal lang naman niya sa akin ang pagkain ko.

"Hahahahahahaha! Yan ang bagay sayo!" saka sila nag-alisan.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko halos lahat kasi sila ay nakatingin sa akin. Sa sobrang bait ko kasi sinasamantala nila.

Umiiyak ako at umuwi na sa bahay, wala kasi akong dala na pamalit. Ang dumi ko na.

"Anak, anong nangyari sayo?" tanong sa akin ni mama. Nakita niya yung ketsup sa damit ko.

"Wala ito Ma. Nabunggo lang ako dun sa kasalubong ko kanina." pagdadahilan ko ayaw ko kasing mag-alala siya. Nag-skip din ako sa klase, maiintindihan naman siguro ako ng guro ko.

Okay na ako. Nadito ako ngayon sa kwarto ko at binuksan ko ang facebook. Nagulat na lang ako kasi may mga stolen shot ako sa nangyari kanina. Sino siya? Anonymous ang name niya sa facebook at wala din pictures. Pagtingin ko sa mga post niya halos lahat ay ang mga panget kong pictures. Karamihan tuloy sa mga ka-schoolmate ko ay may mga bad comments like...

"Ang panget talaga ni Jam."

"The duck crazy girl hahaha bagay sa kanya."

"Si JAMbo ang jowa ni Dagul."

"Si Corazon ang huling aswang."

"Poor girl. Maging matapang ka naman. Duwag!"

"Mukha talaga siyang batang lansangan."

"Mukha siyang tae."

At marami pang ibang bad comments. Naiiyak nanaman ako. Sino ba sila? Ano bang kasalanan ko sa kanila? Nakapublic yung post kaya kalat sa lahat.

May kumatok sa pinto ng kwarto ko at binuksan iyon.

"Anak, naririnig kitang umiiyak." lumapit siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko.

"Ma, bakit ganun sila?" umiiyak kong sabi kay mama.

"Ano bang nangyari anak?" This time kailangan ko ng maging matapang sumosobra na sila. Pinakita ko kay mama yung facebook ni Anonymous.

"Anak bakit may mga ganyan ka?"

"Hindi ko din alam ma."

"Kailan pa ito? Dapat sinabi mo agad ng magawan agad natin ng aksyon." sabi ni Mama at bigla niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa para tawagan si Papa. Boses lang ni mama yung naririnig ko. Unli call naman siya sa GLOBE kaya amytime pwede siya tumawag.

"Pa, yung anak natin nabu-bully sa school at facebook masyado ng cyberbullying ginagawa nila."

"Oo pa. Ipatrace mo yung facebook account."

"Kakasuhan natin ang may gawa niyan. Sige pa Salamat."

Nag End Call na. Pulis ang Papa ko kaya mas natatakot ako magsumbong tuwing inaaway ko nila Catherine, baka bigla na lang barilin. Basta ang dapat kong gawin ngayon ay maging matapang. Isa lang naman ang hinala ko ang grupo ng Spice Girls ang may kagagawan.

Bumaling ulit sa akin si mama.
"Anak, wag kana umiyak. Papahuli na natin kay papa mo yung may gawa niyan", saka lang ako tumigil sa pagkakaluha.


Dalawang araw na simula ng malaman kong may bad anonymous stalker ako.

I'm a Barbie Girl... 🎶🎶🎶 ringtone

"Hello Daddy! Napatawag ka po?"

"Anak alam na namin kung sino ang may-ari ng account na iyon at mamaya pupuntahan na namin siya sa bahay nila."

"Sino po papa?", walang ibang gagawa noon sila Catherine lang yun.

"Ka-schoolmate mo siya. Lalaki. Ang pangalan ay John Mel Serrano." nabigla ako sa sinabi ni Papa. Hindi din ako makapaniwala.

"Sige pa. Salamat.", natulala ako sa nalaman ko. Yung silahis kong friend na isa sa mga pinagkakatiwalaan ko ay siya pala yung ta-traydor sa akin. Akala ko kakampi ko siya dahil minsan na niya akong pinagtanggol sa Spice Girls dati. Pakitang tao lang pala yun para siraan ako.

Mali ako na pinagbintangan ko sila Catherine. Mali ako na binigay ko ang buong tiwala sa kaibigan ko. Mali ako sa napili kong kaibigan. Ang dami kong pagkakamaling nagawa. Sorry.

Nakausap na ng mga pulis si John Mel. Hindi pwedeng hulihin dahil minorde edad pa lamang ito. Binigyan na lamang siya ng warning. Humingi siya ng tawad sa akin. Simula din noon tumigil na ang Anonymous na account. Nawala na din yung Spice Girls na nambubully sa akin, dahil sila na ngayon ang mga nakakasama ko at masasabi kong tunay na kaibigan. Paano nangyari? Humingi sila ng tawad sa akin simula nung nalaman nilang Pulis ang Papa ko. Binago ko na rin yung style ko sa sarili ko simula sa damit hanggang sa pakikisama sa mga tao. Thanks God dahil bawat tao may second chance na pwede pang magbago.

Kaya kayo mag-iingat kayo palagi. Huwag ilagay lahat ng info mo sa facebook. Mamili ng tunay na mga kaibigan. Tanging pamilya mo lamang ang iyong kakampi lalo na sa ups and down mo sa buhay. Pati na rin si God, Thank you kasi after all, pinagbigyan mo pa din kami na itama ang mga mali. Salamat.

End.

#makeITsafePH
#WritingContest

AmbassadorsPH

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro