Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MATE _ 01 Entry

Maaga akong ginigising ng mga kasama ko dito sa bahay. Nakakainis kasi sabado naman ngayon hindi pa ako pagbigyan matulog ng mahaba. Hays.

"Kkkaaattt!!! Gising na!" sigaw nila Mommy at Daddy.

"Opo! Babangon na po!" sigaw ko para matigil sila. Pero bumalik ako sa pagtulog.

Ako nga pala si Katrina Reyes, 16 years old at kasalukuyang nag-aaral ng Senior High School, dahil weekend ngayon sinulit ko kagabi ang pagpupuyat. Okay lang mapuyat nakausap ko naman ng matagal si Jaycee. Hindi ko kilala si Jaycee dati. Nagsimula kami sa isang Clan sa Group Chat. Sinali ako ng kaibigan kong si Mae doon. Si Jaycee ang unang nagchat sa akin at unang lumabas sa notification ko sa messanger. Siya lang din ang una kong naging katextmate, ka-callmate, at kachatmate. Lagi kasing conflict ang schedule kaya tuwing gabi kami magkatext at magkausap sa loob na ng anim na buwan. Para na rin kaming magBestfriend kasi Open na kami sa isa't isa. Pakiramdam ko MU na kami pero until now hindi ko pa siya nakikita personal. Masaya ako pagkausap siya.

"Aba! Gising na kat. Anong oras na!", niyugyog ako ni mommy at no choice bumangon na ako. Hala! 12:15pm na pala.

"Bumaba kana at kumain na, tanghalian na", sumunod naman agad ako.

--- After 7hrs. ---

Take time to realize... 🎶

Sinagot ko naman agad yung tawag ni Jaycee.

"Hello, Jaycee. Himala ikaw yata ang tumawag sa akin", hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa. Nasanay kasi ako na ako yung natawag sa kanya dahil naka-Plan naman ako sa GLOBE Unli Call at Unli Text to all net.

"Kamusta? Na miss kita", medyo kinilig ako.

"I miss you too. Bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko sa kanya.

"Pwede ba tayo magmeet?"

"Ha? Seryoso ka?"

"Ou naman matagal ko na ring hinintay na makita kita. Tayong dalawa lang sana." Nagulat lang ako sa sinabi niya dati kasi ayaw niya makipagmeet.

"Sigurado ka? Saan mo gusto makipagkita?", kahit na sabihin niya na kaming dalawa lang ang magkikita ay isasama ko pa din si Mae. Takot kasi ako makipagmeet lalo na paglalaki pero may tiwala na naman ako kay jaycee.

"Bukas sana sa may Simbahan."

"Simbahan dito sa amin?" taga ibang bayan si Jaycee kaya sinisigurado ko.

"Oo, ako ang pupunta. Wag ka sana matakot sa akin. Magkita na lang tayo ng alauna ng hapon doon."

"Ah. Hehe! Sige see you." yun lang nasabi ko at naputol na yung nasa kabilang linya.

Bigla ko namang tinawagan si Mae.

"Hello Negra!" bungad ko sa kanya sa telepono.

"Grabe ka makanegra ah! Bakit ka napatawag? May kailangan ka ano?" naiinis niyang sabi.

"Hahahaha! Parang ganun na nga." sabi ko.

"Ano nanaman yon?"

"Magpapasama sana ako sayo bukas after lunch sa simbahan."

"Anung meron? Hindi mo ba kasabay sila Tita Josie na magsisimba?"

"Hindi. May tatagpuin kasi tayo."

"Sino? Si Jaycee?"

"Oo mae! Okay lang ba? Pero hindi ka magpapakita ha."

"Bakit?" tanong niya at pinaliwanag ko na sa kanya ang lahat at pati na rin yung gagawin bukas.

-----------------------------------------

Ngayon yung araw na magkikita kami ni Jaycee.

"Aba. Ang ganda ng ayos ah. May pupuntahan ka no?" sabi ni Mommy. Kapag medyo nakaporma ako alam na ni mommy na lalabas ako ng bahay.

"Opo mommy sasaglit lang po ako sa simbahan may practice po kami sa choir." Oo kasali ako sa choir pero hindi ako gaano ka-active.

"Sige anak. Mag-iingat ka ha." nag kiss na ako sa kanya at umalis. Dinaanan ko naman si Mae sa kanila dahil walking distance lang naman ang layo.

Nadito na kami sa simbahan at tinitingnan ko naman ang paligid.

Nasaan kana? text ko sa kanya.

Nadito na ako sa loob nakikita na nga kita. Yan lang ang reply niya sa akin. Kinakabahan ako parang may mali wala kasi akong makitang binata. Ang nakikita ko lang ay ang matandang lalaki na papalapit sa akin. Si mae ay nasa malayo pero nakatanaw pa rin sa akin. Natatakot ako hindi ako makagalaw. T*ng *n*! Siya ba ito?

Nang makalapit siya sa akin ay bigla niya akong hinatak patago sa loob ng pintuan ng simbahan sanhi para hindi ako matanaw ni mae. Wala rin masyadong tao doon. Tinapat niya ang kutsilyo sa leeg ko.

"Hindi kita gagalawin, pero ibigay mo sa akin yang mga gamit mo!" pananakot sa akin ng matanda.

Nanginginig na ako sa takot. Ang lakas pa ng loob niya na dito pa talaga sa loob ng simbahan ako nanakawan.

No Choice ako! Binigay ko na lang sa kanya ang bag ko kaysa patayin o saktan niya ako.

"Salamat Katrina binigay mo agad. Ako nga pala si Jaycee." sabi ng matanda at mabilis na tumakbo dala ang gamit ko. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na yung lalaking lagi kong kausap ay isang matandang adik. Hindi rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Kat nasan ka?" naririnig kong tawag sakin ni mae.

"Uy, nadiyan ka lang pala. Bakit nagtago ka? Nakita mo na ba si Jaycee? Teka. Bakit umiiyak ka?" hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Oo best ninakaw niya yung gamit ko." umiiyak kong sabi.

"You mean yung matandang lalaki kanina na nagmamadaling umalis ay si Jaycee? Paano?" umiling lang ako. Hindi ko alam. Mali ako na nagtiwala ako sa lalaking sa facebook ko lang nakilala.

Umuwi ako na umiiyak pa din. Nalaman na din ni Mommy at Daddy yung nangyari. Napagalitan din ako dahil mali din ang nagawa ko at aminado ako. Hinding hindi na talaga mauulit yon.

Binuksan ko ang facebook ko at block ko na si Jaycee ang lahat pala ng nasa fb niya hindi totoo. Poser lang yon. Pati yung boses niya sa cellphone peke din. Ginamit niya yung Chinaphone kaya nakakapagpalit siya ng boses. Aahhrg! Yuck! Handsome to Beast! Hindi ko maimagine yung sweet topics namin dati. Eww. Kinikilabutan ako pag naiisip ko yun.

Kaya sa lahat ng nakakabasa nito mag-ingat kayo sa mga manloloko. Wag basta basta magtitiwala. Sumunod sa magulang at higit sa lahat magdasal dahil si God lang ang totoong mapagkakatiwalaan natin.

End.

#makeITselfPH
#WritingContest
#Globe

AmbassadorsPH

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro