LINK _ 03 Entry
Thanks God it's Friday!
"Best, napanuod mo na ba yung Meteor Garden na latest?" tanong sa akin ni Julia. Umiling lang ako.
"Wala pa din ba kayong internet?"
"Kakakabit lang best kahapon ng GLOBE. Okay nga eh. Ang ganda ng connection ang bilis yun nga lang hindi pa ako nakakapagtry mag download ng movie", sagot ko sa kanya.
"Ay! Naku best i-download mona yung Meteor Garden ang ganda. Ang gwapo ni Dylan Wang", kinikilig pa siya habang sinasabi yun.
Edi ako na ako na huli sa mga movies.
"Ipapalabas naman diba yan sa Abs-Cbn", sabi ko.
"Ou nga pero mas maganda pa din na mapanuod mo na para advance kana din. Pati best ang daming mga new movies na korean, chinese, japanese at taiwanese sa facebook nadun yung mga link. Ipasa ko sayo mamayang gabi para mai-download mona. Bukas tamang tama sabado na edi yun ang gawin mo."
Tama naman siya. Pwedeng manuod na lang sa bahay ng movies para hindi bored ang buong weekend ko. Parehas kami ng bestfriend ko ng hobbies ang manuod ng manuod, kaya madalas magkasundo kami minsan nga nagpa-popcorn pa kami.
"Sige best asahan ko yang link na yan. Libre ba ang pagdownload?" Sabi ko sa kanya.
"Ou libre lang best. Promise ang daming pagpipilian na movie. Pero check mo din kasi minsan may virus eh."
"Ha? Paano yun?"
"Nagloko kasi yung laptop ng kuya ko nung nagdownload ako noon buti na nga lang IT siya nagawan agad niya ng paraan."
"Sige check ko na lang later. Salamat."
Ako nga pala si Joanna Mallar, 15 years old. Nakatira sa Laguna.
Pagkauwi ko ng gabi ay dalidali kong binuksan ang wifi namin at pumunta sa kwarto ko saka ko binuksan yung laptop ko. ACER. Pagbukas ko pa lamang ng facebook nakita ko agad yung messanger ko nag pm sa akin si Julia, at isang link ang binigay.
www.allmovies-18kcjt-1234.com
Pagkaclick ko agad ng link ay lumabas agad yung site na sinasabi niya, kaso pagbukas pa lang ay may nagnotif agad sa laptop ko buti na lang may anti-virus ako kaya naagapan ko agad. Hindi na ako nagdalawang isip na ichat si Julia.
CHAT
Joanna: Best, bakit ganun? Pagbukas ko agad ng link na binigay mo ay may virus agad. Legit ba talaga yung link na binigay mo para sa ma-idownload yung movie?
Julia: Yes best! Diyan ako kumukuha ng movie.
Joanna: Okay best. Thank you.
End Chat.
Ginagawa ko ngayon yung instruction sa pagdadownload na sinabi sa akin ni Julia. Pero natatakot ako kasi baka magloko laptop ko dahil sa sinabi niyang may virus pero pinagpatuloy ko pa din dahil gustong gusto ko kasing mapanuod ng advance yung mga kinukwento niya. Bahala na nga.
After 25 minutes...
Malware Virus Detected:
BablasXXX12345
MellisaX.A67890
MarburgXXX09876
IloveyouXXVirus54321
Terrax.1069XXX000
What the F***?! Ang daming virus! Nagloko yung laptop ko at biglang nag shutdown. Hala.
Inulit-ulit kong buksan kaso nakakainis ayaw na niya magrecover. Naiiyak na ako. Try to survive pa please! Kung anu-ano ng napindot ko at ginawa ko. Inalis ko din yung battery tapos binalik kaso wala pa din. Dalawang buwan pa lang sa akin itong laptop ko at hindi ko pa tapos hulugan sa credit card ni mommy. Iyak!
"Daddy! Hindi ko mabuksan laptop ko." sinabi ko na sa kanya dahil hindi ko na alam gagawin ko.
"Anung nangyari?" tanong niya sa akin.
"Nag shut down tapos hindi na nagresponse", sagot ko.
Dahil Retired Technician ang daddy ko kaya sa kanya agad ako lumapit.
Kinabukasan tinanong ko agad kay daddy yung laptop ko.
"Daddy, kamusta na laptop ko yari na po ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa anak. Lahat na ginawa ko. Masyadong malaki ang damage."
"Paano na yan?" malungkot kong sabi.
"Dalhin na lang natin sa binilhan mo niyan. Diba may warranty pa yan."
"Ounga pala daddy. Sige po." nabuhayan ako sa sinabi ni daddy. May chance na maaayos yung laptop ko. Six months kasi yung warranty. Thank you Lord.
----
Lunes ngayon at wala ako sa mood kausapin si Julia. Nakakainis siya. Hindi naman okay yung tinuro niya.
"Best kamusta? Nadownload mo na ba yung Meteor Garden?" tanong niya sa akin.
"Hindi. Nasira laptop ko dahil sa virus na binigay mo. I mean yung link na binigay mo." Naiinis kong sabi.
"Hala. Sorry best. Yun naman talaga ang ginamit ko kaso nga lang may ginawa ang kuya ko. Pati nasabi ko naman sayo na may virus yun diba?"
"Oo nga kaya nga nasira eh."
"Best sorry talaga." Gusto kong magalit sa kanya pero kasalanan ko din. Hays. Ewan.
"Okay na yun. Dinala na naman ni daddy yung laptop ko ngayon sa Gilmor buti may warranty pa."
"Buti naman best ayaw ko kasing masira friendship natin."
"Okay na yun."
Meow meow meow 🎶 (ringtone ko pusa)
"Hello Daddy! kamusta laptop ko?"
"Okay na anak. Pinalitan na nila ng bago."
"Talaga po? Salamat Daddy! Iloveyou."
"Uwi ko na lang sa bahay paara may magamit ka kaagad."
"Sige daddy ingat po sa biyahe."
End call.
Problem Solve!
Sa susunod mag-ingat sa pagpindot ng mga LINK sa social media. Huwag agad agad gagawa ng hakbang, pag-isipang mabuti bago gawin. Pag Virus laging mag-iingat! Alagaan ng mabuti ang mga bagay na importante. At higit sa lahat humingi ng tulong sa mga may alam mabuti na yung nag-iingat tayo.
End.
#makeITsafePH
#WritingContest
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro