Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Story #8: Ligate


Maingat na hinahaplos ng mag-asawang Bryan at Karen ang bumbunan ng bagong silang nilang sanggol. Nakadapa ang huli sa may parteng dibdib ng ina at payapang natutulog doon.

“Napakaganda ng anak natin, mahal. Manang-mana sa iyo.”

Napangiti si Karen dahil sa tinuran ng asawa. “Sa iyo nagmana si Leticia. Look oh. Ilong palang, kuhang-kuha sa ’yo.”

Sumingit si Elton, ang labindalawang taong gulang na anak ng dalawa. Kakamot-kamot ito sa ulo. “Eh, nay, tay, mukha pang patatas si baby. Parang wala pa siyang kamukha ”

Napatawa ang mag-asawa sa sinabi ng panganay na anak. Nilapitan siya ni Bryan. “Kaw talaga, anak. Mabuti pa, maglaro muna kayo ng mga kapatid mo sa may labas. May pag-uusapan lang kami ng nanay n’yo. Huwag kayong lalayo, ha?”

Tumango-tango si Elton. Inakbayan niya ang mas nakababata pa niyang mga kapatid na sina Rufo at Fabian palabas ng kuwarto.

“Mahal? Handa ka na ba para bukas?”

Napatingala si Karen nang tanungin siya ng asawa. Hinanap ng palad niya ang braso ni Bryan at kinapitan iyon sabay pinisil. “Handa na ako.”

Banayad na halik ang iginawad ni Bryan sa kaniyang esposo bilang suporta.

Hindi pa nabubuo si Leticia ay napagkasunduan na ng mag-asawa ang pagpapa-tubal ligation ni Karen. Ika nila, kung sakaling palarin na silang magkaroon ng babaeng anak ay ipatatali na ni Karen ang dalawang fallopian tube. Iyon nga ang naka-schedule na mangyari sa kaniya bukas.

Alas diyes ng umaga kinabukasan ay nakahanda nang ilipat ang babae patungong operating room. Palilipatin na sana siya sa stretcher nang maantala sila nang pumasok ang attending gynecologist ni Karen. Bahagyang nakakunot ang noo nito na tila ba malalim ang iniisip.

“Mr. and Mrs. Pacheco, you have to see this.” Inilahad ng doktor ang ultrasound report ni Karen kahapon.

“According to this report, you have only one fallopian tube, Mrs. Pacheco. This is actually odd because your monthly records during your pregnancy shows that you have two fallopian tubes.”

Napaawang ang bibig ni Karen. “Paanong nangyari iyon, doc?”

“I honestly don’t know. To make sure, we could delay the surgery for few minutes then I’ll let you undergo another ultrasound. I’ll be the one to personally do your ultrasound so that I could see the results right away.”

Napapayag naman ang nagugulumihanang mag-asawa. Ilang saglit pa ay isinasagawa na ang naturang proseso kay Karen.

“It’s confirmed. You really just have one fallopian tube and... There’s even a surgical suture here.” Itinuro ng doktor ang parte ng sa tingin niya ay may tahi.

“Doc, hindi pa po ako nakakapagpaopera noon pa man.”

Tumango ang doktora. “ I agree, Mrs. Pacheco. Even your medical records confirm it.”

Wala mang makuhang direktang sagot ay isinantabi na muna nila ang kakatwang pangyayaring iyon. Nagugulumihanan man ay napagpasyahan pa rin nilang ituloy ang operasyon sa araw na iyon. Iyon nga lang, ang plano sana na dalawang tube ang tatalian ay naging isa na lang sa huli.

Malaki na si Leticia ay dala-dala pa rin nilang mag-asawa ang malaking palaisipan na iyon na sa tingin nila ay mahihirapan nilang hanapan ng kasagutan. Sa katagalan ay ibinaon na lang nila iyon sa limot at ipinagpatuloy na lang nila ang kanilang mga buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro