Prologue
Prologue
I frozenly stood as I stared at the roof of our ancestral house. I could feel the numbness of my whole body as the wind gently blew with that gray ribbon tied at the silver arrow brightly lit with the moonlight's kiss.
I could hear the endless weeping of my mother and sisters, as well as curses from my father. The lights from the houses around our family's vicinity started to lit, followed by the sounds of opening doors and windows. And in a blink of an eye, everyone witnessed a nightmare that our family has never imagined.
That gray ribbon signifies the youngest member of the family, and that arrow symbolizes an offering.
It's me.
The youngest and the future disgrace of our family. Ang nag-iisang Callista na hindi sumunod sa kakahayang mayroon ang aming buong angkan.
Isang linggo na lang bago ang aking ika-labingwalong kaarawan. Isa ako sa mga Attero na ihaharap sa madla upang ipakita kung anong klaseng kapangyarihan ang siyang aking tinataglay na siyang magdadala ng aking kapalaran.
Callista is a well-known family for mages with a talisman. Ilang taon akong nag-aral at sinanay ng pinakamagagaling na salamangkero ng aming angkan, ngunit tila normal na mga papel lamang at mga salita ang kaya kong gawin.
They never even felt the presence of mana in my body. Minsan nga'y naririnig ko sa usapan ng ilang mga tagasunod na ako'y naligaw lamang na tao sa mundong ito.
I am not a born mage.
At hanggang ngayon ay itinatago iyon ng aming buong pamilya. Dapat ko bang paniwalaan ito?
My family isn't a perfect one. Lalo na't sa aming pamilya'y maraming naghahangad ng posisyon ni Ama. He's the current head of the Callista Clan—the mages with talisman that can summon the element of Earth.
Aside from the head wizard from the sacred tower of the whole Fevia Attero, our God is whom we value the most—the Earth God. At sa nakalipas na mga panahon, ngayon muli kami nakatanggap ng mensahe sa kanya.
"A-an offering!" singhal ni Ama. Gumala ang kanyang mga mata sa bawat kamag-anak na naroon na tila nag-aakusa.
"W-we can't hide from the Earth God, Gideon. Y-your daughter is—"
"Is what?!"
Lumapit na sa akin sina Ina at ang mga kapatid ko upang yakapin ako nang mahigpit. Kung sila'y nagagawang lumuha, halos matulala na ako roon sa pilak na pana at sa laso na nakatali roon.
Am I a disappointment? Is the Earth God trying to eliminate me to help this family from further damage?
"No. I will not offer my daughter! Maybe this is some kind of joke! An enemy family—"
"We can hide our daughter, Gideon! I will never accept my daughter to be an offering!" sabat ni Ina.
"The news will spread like fire. We can't hide this—"
"Bakit hindi ang mga anak n'yo ang gawing alay?!" madiing sigaw ni Ama.
One of my uncles stepped forward. Itinuro niya iyong pana na nasa bubong. "This is the clear message, Gideon."
Hindi na napigilan ni Ama ang kanyang emosyon. Agad niyang hinugot ang kanyang mga talisman na agad lumutang sa ere upang gumawa ng atake, ngunit ang lahat ng aming kamag-anak ay ganoon din ang ginawa.
Lahat sila'y nakapalibot sa amin at handang labanan si ama. Walang humpay sa pag-iyak sina Ina at ang mga kapatid ko.
Ano nga ba ang mawawala kung ialay ako? I am about to face the judgment of the sacred tower, at wala man lang akong ipapakita sa kanila. I will become a disgrace.
Ito na lang ang magagawa ko.
"A-Ama . . ." kumalas ako ng pagkakayakap mula kay Ina at sa mga nakatatanda kong kapatid, at hinawakan ko ang braso ni Ama.
"This is the law. The head of the family should know that."
"A-Anak . . . "
Umiling na lamang ako. Hinarap ko ang mga kamag-anak namin. "Can we talk about this tomorrow morning? Nangangako akong handa kong harapin ang kapalaran ko."
Lalo lang lumakas ang pag-iyak ni Ina mula sa likuran ko, ngunit wala na kaming magagawa. I maybe an Attero without a presence of mana inside my body, but I could feel the authenticity of the silver arrow.
It was from our God. And he's saving our family from a disgrace that might cause a serious problem to the bloodline of Callista.
Marahas na pagsasara ng capiz ng pinto ang siyang umalingawngaw sa aming tahanan. It was my father who harshly closed it tightly with a sealed talisman to protect us from attacks.
"Pack her things. Anna will escape tonight."
Ang dalawa kong kapatid ay nagmadaling nagtungo sa aking silid upang sundin ang pinag-uutos ni Ama.
"Ama . . ."
Umiiling akong nagtungo sa kanya at marahan kong hinawakan ang dalawa niyang kamay. Walang tigil si Ina sa pag-iyak.
"Anna, Anak . . . hindi ito ang nais kong mangyari sa 'yo. This might be someone who's willing to risk your life just to secure our family's name—"
"Ama, ikaw ang pinakamataas sa pamilyang ito. You're a powerful Earth mage. That arrow is genuine. The Earth God asked me."
Si Ina'y lumapit na sa akin at hinawakan niya ang kamay kong nakahawak kay Ama. "Makinig ka sa ama mo, Merliz. Nais kong maging masaya ka at malaya. Not because you can't use your mana and make powerful talisman means you're the one to—"
Tuluyan nang tumulo ang pinipigilan kong luha. Pilit ko man pinatatapang ang sarili ko at agad tanggapin ang mensahe, alam ko sa sarili kong gusto ko pang mabuhay nang matagal.
Gusto ko pang may gawin sa mundong ito at matuklasan ang maraming bagay.
And I want to fall in love just like my parents . . .
"You will escape tonight," mas matigas na sabi ni Ama.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at ilang beses akong tumango. Hindi nagtagal ay bumaba na rin ang mga kapatid ko dala ang mga gamit ko.
Ilang yakap at halik ang tinanggap ko bago kami sabay-sabay na nagtungo sa likuran ng aming tahanan upang doon ako dumaan. Hindi kami nagbukas ng kahit isang lampara at sinigurado namin na wala kaming gagawing ingay.
My parents, as well as my sisters, summoned their talismans in the air to cast a spell that creates a portal. Sabay-sabay iyon nagliwanag, ngunit ibang liwanag ang siyang inaasahan namin sapagkat sinalubong kami ng aming buong angkan.
This time they looked desperate to stop me.
"Itatakas nila ang alay! We should perform the ritual tonight!" anunsiyo ng isa sa mga tiyuhin ko na matagal nang nais ang posisyon ni Ama.
My parents and my sisters were about to fight them, but they're all well prepared to fight against our family. Hindi man lang kami nakapanlaban. They dragged me away from my family. Hindi lang ako nasisilaw sa mga nagliliwanag na papel sa paligid namin, kundi pati na rin sa mga simbong nakasindi na hawak nila.
Sapilitan akong dinala sa lugar kung saan nagaganap ang ritwal ng aming angkan. Nais man akong tulungan nina Ama ay wala silang magawa. They positioned me in the middle of a huge circle with lit torches around it. Gumawa rin ng bilog ang malalakas na Attero sa aming angkan upang simulan ang ritwal.
Walang tigil sa pag-iyak si Ina at pagsigaw si Ama.
Gusto kong lumaban at tumakas, ngunit ang tangi ko lang nagawa'y lumuha sa harapan nila. How could I even save myself from this situation? Wala akong kapangyarihan at ako ang pinakamababa sa kanila.
Kasalukuyan na akong nakasalampak sa gitna ng bilog habang nakatuon ang dalawa kong palad sa lupa. Unti-unting umaangat ang mga talisman sa paligid ko habang nagliliwanag ang mga letrang nakasulat doon. Naririnig ko rin ang mahinang bulong ng mga kamag-anak ko na tila nagdarasal.
Minsan na akong nakapagbasa ng ganitong klase ng ritwal. Wala pang nakapagsasabi kung ano ang pakiramdam na dala nito sa mga alay, ngunit isa lang ang kanilang kinahihinatnatan.
They will vanish and will never come back.
"Anna Merliz Callista," anunsiyo sa aking pangalan.
Napasigaw ako nang tila nagkaroon ng malakas na hangin sa ilalim ko at tila gusto akong tangayin paitaas. Nabalot ako ng higit na liwanag habang dinadala pataas ang aking katawan. Inaasahan kong matinding lamig ang ibibigay sa akin ng hangin, ngunit init na tila nakapapaso ang siyang gumagapang.
Mas lalong lumakas ang bulong na mga dasal, ang iyak nina Ina at ng mga kapatid ko, ang walang humpay na sigaw ni Ama, at ang mas matinding pagliliwanag na tila bubulag sa akin.
Ang mga simbo sa paligid ng bilog ay higit din nagliyab, ang hangin na akala ko'y ang aking katawan lang ang yayakapin ay kusang kumawala sa sarili kong bilog at naapektuhan nito ang mga nagsasagawa ng ritwal. Halos lahat sila'y napaatras sa kanilang pagkakatayo sa tindi ng hangin.
Hindi lang hangin kundi matinding pagyanig ng lupa ang higit na naganap na halos ang kabuuan ng nasasakupan ng buong angkan ng Callista'y binulabog. Marahas akong bumagsak muli sa lupa, at nang sandaling dumaop ang mga kamay ko sa mga guhit na nakaukit sa lupa'y agad nangunot ang aking noo.
Nagkakaroon ng bitak . . .
Mula sa kinalalagyan ng palad ko, gumagapang, lumalaki at tila may tinutulay. Sinundan ng aking mga mata ang bitak na iyon hanggang sa tumigil sa unahan ko. Nagkaroon muli ng sariling bilog na liwanag.
Nakaawang na ang mga labi ko sa pangyayari.
Kahit ang buong angkan ng Callista'y hindi na naiintindihan ang nangyayari. Hindi ganito ang siyang inaasahan namin. Dapat ay wala na ako sa mga oras na ito. Dapat ay magiging madali lang ang ritwal.
Ngunit . . .
Ang hindi inaasahang bilog sa aking unahan ay unti-unting nagbibigay ng anino. Ito'y malabong pigura lamang sa simula, ngunit habang tumatagal ay lalo itong nagliliwanag.
Mas lalong umawang ang bibig ko nang sandaling tumigil ang pagliliwanag at tuluyang ilahad sa amin ang iniluwa ng liwanag.
Isang binata ang matikas na nakatindig at nakatalikod sa akin.
Sunod-sunod na singhapan ang narinig ko sa paligid habang dahan-dahang lumilingon sa iba't ibang direksiyon ang binatang nasa harapan ko.
"Wh-who are—"
Halos mapatalon siya nang marinig niya ang boses ko at biglang napalingon sa akin na nakatingala sa kanya. Ngunit sa gulat ng binata'y naangat niya ang isa niyang kamay, dahilan kung bakit biglang may umangat na lupa na higit na mataas pa sa aming mga tahanan.
Nanlaki ang mga mata ko.
Sunod-sunod nagluhuran ang buong angkan ng Callista at halos humalik ang mga iyon sa lupa. Tanging ako lamang at ang binatang biglang nagpakita ang nanatiling nakatunghay at nakatitig sa isa't isa.
Nanatili akong nakasalampak at may mga palad na nakahawak sa lupa habang siya'y matikas na nakatindig at nakatungo sa akin.
"Earth God!"
"Aming panginoon!"
"Nagkatawang lupa ang ating panginoon!"
"Humayo kayo at magbigay pugay sa panginoon!"
Sabay-sabay nilang iniyuko ang kanilang ulo kasabay nang paghalik nang paulit-ulit ng kanilang mga kamay sa lupa habang mariing nakaluhod.
Ilang beses napakurap ang aming panginoon, at kumakamot siya sa kanyang pisngi habang sinusuyod ng tingin ang paligid.
Katulad ng aking angkan ay gumalang ako't yumuko rin sa kanyang harapan. Bakit piniling magkatawang tao ng aming panginoon?
Ngunit hindi ko inaasahan ang mahina niyang bulong na tila nais niyang ako lang ang makarinig.
"Erm, excuse me? Where am I?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro