Chapter 8
Chapter 8: Another Oath
"Caleb, from the vampire world... I swear to my blood and heart that I will bring you to your map."
When I recited my oath, my heart glowed visibly with mixtures of grayish and silver light. Ang buong kabuuan ng kagubatan ang siyang unang naging saksi ng kauna-unahang pangakong katumbas ng aking buhay.
Nagpatuloy ang pag-ihip ng hangin, higit na nag-ingay ang nagkikiskisang haligi ng nagtataasang mga kawayan, ilang piraso ng maliliit na daho'y dumadapo ng sa aking mahabang buhok, habang ang mga mata ng bampira'y hindi na maihiwalay sa akin, maging ang kanyang mga labi na wala nang ibang ginawa kundi manghamak at manlinlang ay ngayo'y nakaawang.
"Y-You..."
Ang mga mata ko mismo ang humiwalay sa kanya at pinili kong habulin ng tingin ang isang dahong dumaan sa aking harapan, pilit ko iyong inabot ng aking kanang kamay habang tangay iyon ng hangin dahilan kung bakit bahagya akong napaangat sa aking pagkakaupo.
And when the peculiar shape leaf reached the tip of my fingers, I couldn't help but smile with my little achievement. They say, when you whisper your wish to a flying leaf with an unusual shape from the others, there's a guarantee that it will come true.
I sat comfortably back at the big stone, with the little leaf on my fingertips. The wind was still blowing with several tiny leaves around me, and my heart was still shining with grayish and silver light. My long black hair was swirling with the wind, and my eyes started to close as I slowly lifted the leaf in front of my lips.
Please, guide me in this journey.
"Shit..."
Sa halip na magmulat at higit na tingnan ang reaksyon ng bampira, hinayaan ko ang sarili kong malunod sa mga oras na iyon. Anna Merliz Callista, as an Attero who laid her first blood and heart oath.
Sa isang Attero na katulad ko, makapangyarihan man o hindi, ang pagbibitaw ng mga salita at pangako'y isang mataas na prinsipyo. It's our identity and power. We will die fulfilling our promises. Bagaman wala kaming katulad ng sa mga bampirang itinakda sa isa't isa, masasabing katumbas na niyon ang mga salitang binibitawan namin na may dalang pangako.
Maybe I've been asking why? Bakit ako ang napili sa misyong ito? Why would the Earth God allow a lowly Earth mage like me? Why did Anastascia, the great mage of our clan will give this oath to me? Maybe because of the fate, na sa kabila ng kakulangan ko ay hinayaan nila akong tuparin ang isang mabigat na pangako.
And now, I finally claimed it as mine.
I, Anna Merliz Callista will keep this oath into my blood and heart.
Nang sandaling unti-unti na akong nagmulat, nanatili pa rin ang bampira sa aking harapan, ngunit nang magtama ang aming mga mata, halos mapatalon siya at tila nagulat.
For the very first time, I genuinely smiled at him. I wholeheartedly embraced this mission. At kung saan man ako dalhin nito ay magaan kong tatanggapin iyon. Ngunit ang inaasahan kong reaksyon niya na siyang madalas kong makita sa kanya'y kabaliktaran.
I was expecting that he'd immediately change his surprised look, o kaya'y lalo siyang mag-aangat ng tingin sa akin dahil sa kaalamang mayroon na siyang matapat na tagasunod at wala na akong ibang magagawa kundi sumunod sa mga nais niya.
But the vampire looked conflicted. Instead of looking happy and overwhelmed, it was as if he took a heavy burden.
And right when I was about to open my mouth and throw words of assurance that I'd do my part efficiently, the vampire in front of me suddenly just vanished. Ilang beses akong napalinga sa aking pagkakaupo para hanapin siya, ngunit tila humalo na siya sa malamig na hangin sa paligid.
"Ca—"
"Callista," matigas na tawag niya sa pangalan ko ang nagpatigil sa akin upang tawagin siya.
He was there, sitting next to me, with our little distance and his ragged breathing near my right ear. Hindi ko magawang tuluyang lumingon sa kanya dahil sa hindi ko inaasahang distansyang tinulay niya sa pagitan namin.
"Why.Did.You.Do.That?"
Matigas at mabagal niyang binitawan ang bawat salitang iyon, dahilan kung bakit hindi ko agad nakuha ang sinabi niya.
Ilang beses akong napalunok at pilit tumitig sa mga nagtataasang puno sa harapan ko habang nag-iisip ng dapat gawin. This vampire has been very careful with our distance, at nagkaroon lang kami ng higit na paglalapit sa isa't isa dahil sa pangangabayo. Kahit nang nasa loob pa kami ng templo'y maingat siya sa distansyang nais ko, ngunit ano ang ginagawa niya at tinulay niya ang distansyang hinihiling ko sa kanya?
I was about to touch my bracelet, an item connected with his necklace to keep him away from me, when he gently patted my right hand, and that made me stop, and slowly turned in his gaze. His eyes were not as cold as his firm words.
At lalo iyong lumambot nang marahang humamplos ang isang daliri niya sa ilang daliri kong nakahawak sa maliit na dahoon hawak ko. Hindi lang ang kanyang mga mata, kundi ang sunod niyang mga salita'y higit na nanlambot dahilan kung bakit ako naman ngayon ang napatulala sa kanya.
"Why did you do that?" he asked in whisper.
Gusto kong sumagot sa kanya na matagal na iyong pangako at ipinagpatuloy ko lamang. Ngunit unti-unti nang nanlaki ang mga mata ko nang ang kamay niyang marahang nakapatong sa akin ay dahan-dahang nag-angat.
At sa unang pagkakataon, nagawa kong salungatin ang lahat ng mga salitang ibinato ko sa kanya noon pa man. Is he...is he really...?
The vampire, with the silver grayish hair, slowly bent his head in front of me, with his delicate fingers on the tips of my hair, and with his perfect gesture that only a true royalty can possessed.
Bagaman panay ang malamig na haplos ng hangin sa aming katawan, tila unti-unti na akong tinatakasan nito, kasabay nang higit na pagyuko ng bampira sa harapan ko at paglapat ng ilang hibla ng aking buhok sa kanyang mga labi.
"I, Caleb Lancelot Gazellian, the fourth prince of Parsua Sartorias, swear to my blood and heart that I'll die protecting you while fulfilling your oath."
Walang pusong nagliwanag sa kanya, ngunit nang sandaling unti-unting nag-angat ng tingin sa akin ang bampira, sa kanyang kamay na nananatiling nakahawak sa dulo ng aking buhok at sa katawan niyang bahagya pa ring nakayuko sa akin, malinaw na malinaw ang siyang nagliliwanag sa aking harapan.
His eyes were glowing red... like rubies burning in fire. "We're even, Callista..."
Bago pa man ako makapagsalita ay ngumisi na siya sa akin at mabilis na gumawa ng distansya sa pagitan namin. Halos mga lima hanggang pitong hakbang ang layo niya sa akin habang nakatalikod at nag-uunat unat.
"So, what's our plan, little miss?"
"Vampire, what was that—"
"Tinawag mo na akong Caleb kanina. Why not start to call me that?"
Nanatili akong nakaupo sa bato habang siya'y naroon sa malayo. Maybe he's afraid that I might trigger his necklace.
"Ikaw ang higit na malakas ang pakiramdam sa atin. Bakit sa akin mo itinatanong iyan? Sa tingin mo ba'y wala na tayong makakasalubong sa daan?"
Pinagkrus niya ang kanyang mga braso at saglit siyang sumulyap sa kabayo at sa akin. Ilang beses nagpabalik-balik ang tingin niya bago siya napabuntonghininga.
"We can spend the night here. Is it okay with you?"
"I am not a royalty. I can sleep anywhere."
Bigla siyang napasipol sa isinagot ko sa kanya. "Why are you suddenly bringing the royalty—"
I cut him off. "What?"
Nagkibit balikat siya. "Stay here. I'll find woods. We need to light a fire."
Tatalikuran na sana niya ako pero agad ko siyang pinigilan. Dahil isa nga akong Attero na walang kakayahang gumawa ng sariling mahika sa isang talisman, lagi kong inihahanda ang sarili ko sa mga koleksyon ng mga talisman na maaari kong gamitin na hindi na kailangan ng kapangyarihan kundi presensiya lamang.
"Hindi na kailangan, Caleb. I have fire talisman."
"Oh? Your talisman is really cool."
Simula nang sumang-ayon na akong makipagtulungan kay Caleb ay hindi na ako nagtatanggal sa aking katawan ng iba't ibang talisman na maaari kong magamit kung kinakailangan. Sinimulan ko nang hanapin sa mga dala kong talisman ang naglalabas ng apoy.
I glanced at Caleb. Naroon pa rin siya sa malayo. What is wrong with him?
"Bakit nariyan ka pa rin? I will not do something about my bracelet."
He huffed. "I... need fresh air!"
"Alright."
Habang tinitingnan ko ang mga talisman na dala ko, pansin ko na nagpapalinga-linga na siya. Probably looking for a nice spot to sleep. If he's really a prince, how can he possibly...? Ilang beses akong nailing sa naiisip ko.
What's really wrong if he's a prince or not? But I hate the royalties, wala na silang ibang ginawa kundi magpaganda ng imahe. Sobrang taas din ng mga tingin nila sa kanilang mga sarili na parang... napatingin akong muli kay Caleb.
He's fitting all the descriptions!
Nagsisimula na siyang hubarin iyong ilang parte ng puting kimono dahilan kung bakit higit na hinubog niyon ang matipuno niyang katawan. Napatigil ako sa paglipat-lipat ng papel sa palad ko habang magkatitig ang aming mga mata.
"What?" he asked with a grin.
"Y-You're...ruining my God's kimono."
"Oh? This? Bayaran ko na lang. How much?"
Napailing ako at tumungo na lang sa aking mga talisman. Naupo na siya sa isa sa ilalim ng isang puno. Prente siya roong sumandal habang nakatuwid ang isang binti sa lupa at ang isa'y nanatiling nakaapak, nakapatong doon ang isa niyang kamay habang nakaangat ang kanyang tingin sa patuloy na nagdidilim na kalangitan.
"The flies fast here... kanina ay umaga lang."
"Hindi ba't mabilis din ang umaga sa mundo n'yo?"
"Yes. But not as fast as this... parang umaga lang nang pumasok tayo sa kagubatan na ito."
"Our forests are different. Especially inside the territories of Earth Mages, mabilis ang oras sa sandaling pumasok ka sa isa sa mga kagubatan dito. Siguro'y sa sandaling lumabas tayo sa kagubatang ito'y maghahapon pa lamang."
"Oh?"
Nawala ang atensyon ni Caleb sa kalangitan at napatingin siya sa akin. One of the things that I'd noticed about him was his simple fascination. Minsan ay parang may kausap akong bata na babago pa lamang nakakasaksi ng mga mahika.
When I tried to read things about his world, magic and spells are already common. Pero sa tuwing may mga bagay akong ipinaliliwanag sa kanya, natatagpuan ko na lang ang sarili kong pinipilit ang sariling huwag ngumiti at matawa. Dahil parang bago lang ang mga iyon sa kanya.
How can he be so high, mighty, proud, and confident about himself with this silly and innocent like reactions? Nakilala ko na siyang mapagpanggap at pilit na itinatago ang totoong pagkakakilanlan, but his personality's too powerful that his real self was clearly leaking in front of my eyes.
If he's not an actor... probably a silly prince of an empire na nais ipatapon ng kanilang hari? What if it was really like that?
He's a vanished prince, and the king is not interested to look for him?
I chuckled. Itinigil ko na ang pagpili sa talisman dahil nakita ko na ang hinahanap ko. Hinawakan ko ang patay na lampara at nagsimula na akong maglakad patungo kay Caleb na nakasunod ang mga mata sa akin.
"Where are you going?"
"We can share my lantern's light," sagot ko habang sinisindihan ang lampara gamit ang aking talisman.
"W-Wait..." tumigil ako sa paglalakad at kapwa kami tumitig sa isa't isa. Ang siyang nagmistulang liwanag sa pagitan namin ay ang lamparang ngayo'y hawak ko.
Tila nabaliktad ang aming sitwasyon nang una kaming nagkita. Siya ngayon ang nakatingala sa akin habang ako ang bahagyang nakatungo sa kanya.
Anino ng sumasayaw na apoy mula sa lampara ang siyang sumalamin sa aming mga mukha ng ilang segundo, habang ang aming mga mata'y nakapako sa isa't isa. Humigpit ang pagkakahawak ko sa manipis na hawakan ng lampara nang kapwa kami nag-iwas ng tingin sa isa't isa.
"A-Alright," ilang beses niyang tinapik ang tabi niya para roon ako umupo.
At nang sandaling saglit na maglapat ang balikat namin bago ako tuluyang makaupo, ramdam ko ang pagpitlag niya. Sa huli isinandal niya ang ulo niya sa puno at ipinikit ang kanyang mga mata, ilang beses niyang inuntog ng mahina ang sarili niya na parang may pilit siyang tinatanggal sa isipan niya.
Ibinaba ko na ang lampara at isinandal ko na rin ang sarili ko sa puno.
"For someone who unexpectedly escaped from her clan, you really did a good job of bringing some items. Even the talismans..."
"Lagi ko silang dala sa katawan ko."
"Hmm, how about that lantern?" tanong niya sa akin na may kasamang pagturo.
"Just like your handkerchief. It has a sentimental value."
"Hmm..."
Muli kaming nabalot ng katahimikan. Ramdam ko na ang unti-unting pagbigat ng talukap ng aking mga mata nang marinig ko ang huli niyang katanungan ng gabing iyon.
"Your shampoo... what is your shampoo?"
"Huh? What?"
He chuckled. "Nothing. Good night, Anna."
Hinayaan ko na ang sarili kong tuluyang sumandal sa kanyang braso at tangayin ang diwa sa malalim na pagkakatulog.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro