Chapter 6
Chapter 6: Escape
"A prince..."
Umawang ang bibig ko at ilang beses akong napalingon sa magkabila ko upang higit na makita ang reaksyon ng kapatid ko.
Seriously? Can't they visibly see the pretention?
He is a farce! He is not a prince!
Dahil nakikita ng magaling na bampira ang reaksyon ko dahil sa nakikita ko sa mga kapatid ko, nanunuya na ang kanyang mga mata sa akin. Higit pang nakaangat ang isa niyang kilay na parang sinasabing ako ang hindi nakakakita ng katotohanan.
Bago pa niya tuluyang bitawan ang kamay ni Ate Amie, ako na mismo ang siyang humablot ng kamay ng kapatid ko mula sa bampira.
"He's just pretending. He's not a prince but an actor."
Ngumisi sa akin ang bampira, inirapan ko siya at mabilis kong dinala ang dalawa kong kapatid sa lamesa kung saan doon na nakalatag ang mga impormasyon na maaari namin gamitin sa sandaling malaman namin na walang mapa na siyang tutulong sa amin para makabalik ang bampira sa kanyang mundo.
Halos ipagtulakan ko ang dalawa kong kapatid upang tanggalin ang paninitig nila sa bampira na tila nawiwili sa reaksyon ng mga kapatid ko at sa pagkairita ko sa pangyayari.
"I thought you have the same taste?" mabilis niyang bulong sa akin nang makaroon ng distansya sa amin ang mga kapatid ko.
I sharply looked at him.
Pinili kong maupo muli sa pagitan ng mga kapatid ko at naupo sa unahan namin ang bampira.
"Tulad nga ng sabi ko. We need to find the map inside the main library. At mabubuksan lang ang aklatan sa pamamagitan ng susing may mahika o mismong mahika mula sa ating angkan. Humingi ako ng tulong sa inyong dalawa dahil alam n'yo ang kakayahan ko. I can never open the main library," bahagyang humina ang boses ko nang sabihin ko ang huling kataga.
Sabay hinawakan ng mga kapatid ko ang dalawa kong kamay na nakapatong sa lamesa. Dahil alam kong nararamdaman din nila ang nararamdaman ko. I've been frustrated with my power. I've been a burden to my family.
Alam kong hindi lang ako ang humihiling araw-araw na sana'y bigla nang magpakita ang kapangyarihan ko. My parents have been doing their best to send me support just to awake my power, but no matter how we tried my power is failing me.
At dahil nga ang bampirang ito ang siyang maging dahilan ng posible kong pananatili rito sa mundong ito na hindi na kailangan humantong sa pagiging alay, handa ang dalawa kong kapatid na sumalungat sa batas ng aming angkan.
We're helping an outsider.
"Tama ba ang sinabi sa amin ni Anna na magagawa mo siyang matulungan sa sandaling siya'y isalang na sa kanyang pormal na pagpapakilala?"
I knew that it was an empty promise. Ngayon na nagkaroon na ako ng ideya sa kakayahan ng mga bampira, alam kong malayo na iyon sa nasasakop ng kanyang magagawa. We will get caught if he will to use his power and make it appear like mine.
Tumango ang bampira sa mga kapatid ko. Ramdam ko ang mas lalong paghigpit ng mga kamay nila sa akin.
"Alright. We will cooperate."
Napahinga nang malalim ang bampira. "Now, we need to get the map as soon as possible."
"We should use the key. We steal it and bring it back," ani ni Ate Amie.
"You should be aware, Anna. Since the main library is well-protected even the familiar presence of our power can trigger its magic and alert the elders. Kaya mas mabuti nga na gamitin natin ang opisyal nitong susi," dagdag ni Ate Maya.
"Where is the key, then?" sabat ng bampira.
"Wala ba sa pangangalaga nina ama't ina? After all, they are the official leaders of our clan."
"We have the elders. Alam mo naman na kahit sina ama't ina ang itinuturing na namumuno rito'y may malaking impluwensiya pa rin ang matatandang Callista. They have huge contributions when it comes to our clan's decision-making," sagot ni Ate Maya.
"We need to infiltrate the elders' quarters," sabi ko. Sabay tumango ang mga kapatid ko.
"And it requires Callista's power too?"
Muling tumango ang mga kapatid ko. "The elders' quarters are not heavily secured. Hindi katulad ng puso ng aklatan. Maybe a presence can even surpass—" pinutol ko ang sinasabi ni Ate Amie.
"I'll get the key. You can cover for me..." magkasunod akong lumingon sa mga kapatid ko.
Akala ko'y tututol sila sa akin ngunit kapwa sila tumango sa sinabi ko.
"What can I do to help?" tanong ng bampira.
"Just keep your promise, vampire. Anna is very precious to us," mahinang sabi ni Ate Maya.
"Alright."
Dahil ilang beses na rin akong nakapasok sa loob ng tinutuluyan ng mga matatandang tagapayo ng aming angkan, hindi na naging mahirap sa akin intindihin ang mga bilin ng mga kapatid ko bago ako pumasok sa kanilang sariling templo.
All I have to do is to go straight to the prayer room. Sa altar kung saan naroon ang estatwa ng aming diyos na nagkatawang hayop, at ang telang siyang nakabalot sa lamesang nagtataklob doon ay siyang nagtatago ng maliit na kahon kung saan naroon ang susi.
My sisters gave me their different talismans that I might use to get the key. Hindi man lang ako kinabahan sa kakayahan ng dalawang kapatid ko. They're known as two of the most talented Callistas in our clan. Isa na rin dahilan kung bakit ganoon na lang ang pagtataka ng lahat kung bakit ako'y walang talento katulad nila.
One of Ate Amie's talismans has an ability to make me invisible and it can also hide my presence. Kaya ang siyang tanging ginawa ko'y ay ang maiingat kong hakbang sa aking naapak na mga paa. Dahil gawa sa kahoy ang sahig ay lalo akong naging maingat, ganoon na rin sa tuwing nakakasalubong ako ng matatandang Callista.
I almost had a heart attack when an elder Callista suddenly stopped walking and tried to look around. Pigil ang paghinga ko habang mariing nakasandal sa sahig. Ilang beses pa niyang inikot ang lumang lampara sa harap niya para higit na makita ang paligid.
Kagat ko na ang pang-ibabang labi ko nang magsimula siyang humakbang papalapit sa akin, at nang sandaling tatami na sa katawan ko ang lampara, biglang yumanig ang lupa. Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil sa posible kong pagsigaw.
"May anunsyo raw ang ating panginoon! Nais niyang lumabas ang lahat at magtungo sa bulwagan!" rinig kong sabi ng kadarating na boses sa matandang Callista sa harapan ko.
Bago siya sumunod ay matalim pa siyang lumingon sa paligid. Napahinga ako nang maluwag at pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa silid kung saan naroon ang altar.
Ngunit habang patuloy ako sa paglalakad, biglang pumasok sa isip ko ang siyang narinig ko.
He has an announcement? Sigurado ba siya sa pinaggagawa niya? Maaari siyang mahuli sa pinaggagawa niya! But on the second thought, he has my sisters with him. They will not allow him to act foolish in front of everyone.
Habang panay ang lakad ko, ramdam ko ang bilis ng mga hakbang ko hanggang sa maramdaman ko na naman ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Alam kong kinakabahan ako na posible akong mahuli ng matatandang Callista, ngunit ibang kaba ang nararamdaman ko na halos hindi ko na maipaliwanag.
Parang may nanunuod...
Hindi ko akalain na ganito pala kabaha ang pasilyo ng templo ng matatandang Callista, at lalong bihira lamang akong dumaan dito dahilan kung bakit sa halip na hindi na ako kabahan at maging kampante'y lalo akong nabalisa. Isama pa ang mga simbo na nakasabit sa mga pader na parang anumang oras ay mamamatay na dahil sa kalumaan.
Pilit kong pinakalma ang sarili ko at nag-isip ng ibang bagay. At nang sandaling makita ko na ang dulong silid kung saan naroon na nga ang altar, gusto ko na agad tumakbo at kuhanin ang susi upang makaalis na sa templo. Ngunit ang pagmamadaling siyang inaasahan ko'y tila nalusaw nang parang bula, lalo na nang tumambad sa akin ang estatwa ng aming totoong panginoon.
The Earth God is also known for directions. Sa tuwing may mga naliligaw na Attero sa mundong ito, kadalasan ay sa kanya nagdarasal upang humingi ng tulong. Karamihan sa mga nangunguna sa ekspedisyon mula sa iba't ibang emperyo ng Fevia Attero'y mga Attero na may kapangyarihang magmanipula ng lupa.
Earth is everywhere. Our Earth God is everywhere.
Kung hindi lamang nangako si Anastacia Callista ay nagawa ko nang pilipitin nang buhay ang bampirang iyon sa pag-iinsulto niya. He's nothing compared to our God.
A gray fox. Iyon ang anyong piniling gamitin ng aming diyos nang sandaling bumaba siya sa lupa noon. Kusa akong lumuhod upang magbigay ng respeto sa kanya.
Alam kong isa nang malaking kasalanan ang pagpasok dito nang walang permiso, ngunit hahayaan niya bang makarating sa akin ang mga pangyayari ng nakaraan kung wala siyang ibang rason?
Maybe this is just a part of my journey as a Callista, or this is one of the challenges that I need to surpass to claim what I desired the most.
Hihiramin ko lang po...
Nang matapos akong madasal ay lumapit na ako sa altar upang hawiin ang asul na telang siyang nagtatakip sa hinahanap ko. Ngunit hindi ko inaasahan ang siyang nakikita ko.
It's wasn't just the box with the key, but the lantern!
Isang tingin ko pa lang ay agad ko nang nakilala ang lamparang nakikita ko. It was the lamp that Thaddeus gave to me!
Bakit nasa templo ng matatandang Callista? Bakit nasa ilalim siya ng altar ng aming panginoon?
Some parts of my past are still blurry. At hindi ko na nga natatandaan kung paano ako nakabalik matapos akong kausapin ni Thaddeus at ibigay ang lampara. Why is it here?
Dapat ay ang susi lamang ang siyang kukunin ko sa mga oras na iyon, ngunit natagpuan ko na lang ang sarili kong muling inilalagay ang isa pang talisman ng kapatid ko upang magmistulang kapalit na lampara at susi.
Tumutol ako nang una kong malaman na mag-iiwan ako ng talisman na siyang gawa nila, ngunit sinabi sa akin ng mga kapatid ko na ang papel na gamit nila'y may kakayahang ikubli ang nagmamay-ari ng kamay na nag-iwan ng kapangyarihan dito.
They will not trace my sisters.
Dumaan ako sa likuran ng templo habang nangangatal pa ang dalawa kong kamay na may hawak na susi at lampara. Hindi ko alam kung bakit maging ang lampara'y dala ko, ngunit alam kong hindi ako mapapanatag kung hindi ko iyon dadalhin at sasagutin ang sarili kong katanungan.
Nang sandaling makapasok na ako sa silid, napalugmok na ako sa sahig. Napatulala na ako roon sa sahig kung saan nakapatong ang kahon na may susi at ang lampara. Hindi ko na nabilang ang oras ng pagkakatulala ko roon hanggang sa marinig ko ang pagbubukas ng pintuan. Marahan akong napaangat ng tingin at ang siyang sumalubong sa akin ay ang bampira na nakatungo sa akin.
"I sent your sisters back to your home. Sinabi ko sa kanila na bumalik sila bukas sa kaparehong oras. Have you—" tumango agad ako.
"I got the key."
Humiwalay ang mata niya sa akin at nagtungo iyon sa kahon na may lamang susi, at nasundan din iyon ng pagsulyap sa aking lampara. Hindi na siya nagsalita at nilampasan na niya ako.
"You need to take a rest, Anna. You need to get ready for—"
"We need to get the map now."
"What?"
Agad siyang napalingon sa akin at nakakunot ang noo niya. "What was your announcement?"
"You're a smart woman, Anna. Alam mong ginawa ko iyon para pagtipon-tipunin ang lahat para hindi ka mahuli. It was a fake excuse about my return—"
"Your return?"
"If your map can't answer my question, Anna. I need an escape. I will leave this clan as soon as possible."
Napasinghap ako. "Y-you can't escape... they will report you. Hindi mo alam ang kakayahan ng mundong ito. You're an unknown. They will think you as an enemy. You will be killed."
"Then give me a useful map, Anna."
Hindi na humaba ang usapan namin ng bampira. Nabuo na ang desisyon namin at pinagpasyahan namin na pasukin na nga ang silid-aklatan. Dahil ang silid lang na may susi ang siyang may malakas na seguridad hindi na naging mahirap sa amin ng bampira ang makalapit doon. At nang sandaling gamitin ko nga ang susi, hindi man lang nagkaroon ng problema.
Sabay kaming napahinga nang maluwag nang unti-unti naming binubuksan ang pinto. Hindi na kami nag-aksaya ng oras at agad naming hinanap ang mapa. Wala kaming tigil ng bampira sa paghahanap mula sa iba't ibang lamesa, hanggang siya na mismo ang siyang tumawag sa akin.
"Anna, I found it."
Ngunit nang sandaling patungo na ako sa bampira'y kusang nagliyab ang mapa sa harapan niya. Ang mga lamparang nakasabit sa pader ay unti-unting nalaglag at sa isang iglap ay kumalat na ang mabilis na apoy.
Nasusunog ang silid-aklatan at kasama kaming matutupok doon kung mananatili kaming nakatindig doon.
"A... self-destruction spell..." nangangatal na usal ko.
"W-What?"
Mariin lang siyang napapikit at napamasahe sa kanyang noo. At ang tanging naalala ko lang ay ang paghawak niya sa kamay ko habang sabay kaming tumatakbo mula sa nagliliyab na silid-aklatan.
He pulled me into the stables, picked the fastest horse, held my waist, and lifted me. He quickly joined me before grabbing the reigns as his arms wrapped my body.
And he whispered, "I think...the fake Earth God will kidnap the wisest Callista."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro