Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 50

Chapter 50: Flawed

Caleb was torn when I first met him. He thought that the love of his life would be the map that will lead him back to his home— Iris. The werewolf who has the ability to hold the most powerful map that can discover different worlds. But the moment our eyes met, inside that magical circle, I knew right at that moment that we felt that unnamed pull between us, an urge to be together that no one could ever break. Our mate bond.

Dati'y akala ko'y tangging kalayaan lang at kapangyarihan ng isang normal na Attero lang ang hihilingin ko sa buhay na ito, pero nang sandaling dumating si Caleb nang mga oras na iyon— looking handsomely lost in the middle of an unknown ritual. . .

Hindi ko man nagawang mapangalanan nang sandaling iyon, ramdam kong matagal ko na siyang hinihintay. He's always been a part of me. Ang lalaking itinakda para sa akin.

When I first read the idea of the mate bond about vampires, all I did was feel fascinated. We may have our heart and blood oath, na buhay ang siyang nakataya sa sandaling magbitaw kami ng mga salita, pero ang kaalamang sa sandaling isilang ka sa mundo'y may nilalang nang para lamang sa 'yo ay higit kong hinangaan. . . inasam.

Ang mabuhay at malagutan ng hininga na tanging iisang nilalang lang ang hihilingin at mamahalin ay isang napakagandang regalo sa isang nilalang.

Kung sa mundo ng mga bampira. . . o sa Nemetio Spiran ay may napakaganda nang tadhana sa isa't isa ang bawat nilalang, sa paanong dahilan ako'y patuloy na nakakarinig at nakakasaksi ng pagmamahalang tila punung-puno ng sakit?

Mula sa mga magulang ni Caleb. . . sa mga magulang ni Rosh, at maging sa sariling pag-ibig niya.

Ramdam ko ang kusang pagtulo ng mga luha ko nang pilit kong sinasalubong ang mga mata ni Caleb na ngayon ay nakatitig sa akin.

"C-Caleb. . ."

Umiiling siya sa akin habang nanghihinang naglalakad papalapit sa posisyon ko.

We're inside this bone-eating ruin, surrounded by different powerful creatures, and our time is already ticking quickly, but all I could do right now was to stare at his eyes.

Would I be able to look at him again if I'll choose this sacrifice? Would I be able to feel his warmth or even his soothing voice? I witnessed how the goddess sacrificed her body to overwhelm this ruin by her presence. Piliin man ni Caleb manatili sa tabi ko gaya ng ginawa nina Haring Raheem at ng Head Wizard, we can't no longer be together like we used to.

We can no longer communicate, embrace, or even the smallest way of touch. . . we might feel each other's presence, but everything seems so far.

Nang lumingon muli ako sa diyosa at sa Head Wizard hindi mawala ang pagkakayakap nila sa isa't isa. They were sobbing together and savoring each other's embraces, na kahit ilang taon na silang magkapiling sa lugar na ito ay tila napakalayo nila sa isa't isa.

"You need to choose," ani ng Earth Dragon Wizard.

"C-Can't we do something else?" napasabunot na sa kanyang sarili si Howl.

"You need to hurry. Maapektuhan nito ang dalawang babaeng may hawak pa ng dalawang lagusan. You don't want to waste their efforts, right?"

Kung kanina ay tila mapaglaro pa ang ekspresyon ng Earth Dragon Wizard, ngayon ay seryoso na ito at diretso lang ang titig niya— avoiding the presence of the goddess and the Head Wizard.

Who's moved on now?

I know that he saved this world not because of the creatures who are living in Fevia Attero, but he wanted to save the effort and sacrifices of the woman who failed to return his love.

Tanging sina Howl, Rosh at ang Earth Dragon Wizard na lang ang nag-uusap o gumagawa ng ekspresyon. Both Caleb and Tavion were standing coldly on their position. Kung kanina'y nagagawa pang humakbang ni Caleb ngayon ay pinanatili niya ang distansya namin sa isa't isa.

We're both afraid.

Habang nasa ere ako'y pinili ko rin salubungin ang mga mata ni Iris. Her golden eyes were already staring at me. Alam kong sa mga oras na iyon ay ang tangi lang naming nais gawin ay makapiling ang mga mahal namin, but we're already in the situation like those powerful women—Rosh's mother, the goddess, Queen Leticia, or even Caleb's mother.

How could we be so selfish if these powerful women chose to leave their happiness to save thousands of lives? Gayong kaming dalawa rin ni Iris ay binigyan ng kakaibang mga kapangyarihan?

Huminga ako nang malalim at pinili ko nang lumapag sa lupa. I chose to hide my wings as I tried to drew the hidden lantern from my hand, alam kong nasa akin na ang atensyon ng lahat ngunit ang mga mata ko ay naroon sa prinsepeng nakatitig sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kanya habang marahan ang bawat mga hakbang ko patungo sa kanya. Caleb didn't even blink as his eyes started to water, his hands started to tremble as he realized what my decision was, and his head was slowly shaking.

"N-No. . ." usal niya kasabay nang tumakas na luha mula sa kanyang mga mata.

"I will return this lantern, Caleb. Your father gave me this," I bit my lower lip when my eyes started to get blurry because of my tears. Ramdam ko ang pangangatal ng labi ko, ang hapdi ng lalamunan ko sa pagpipigil sa pag-iyak at sa unti-unting pagkirot ng dibdib ko.

"D-Don't make me do what my father did, Anna. . ." tinitigan niya lang ako at hindi niya tinatanggap ang lamparang hawak ko.

"You will never do it, Caleb. Maraming higit na maapektuhan. Your world, my world. . . those creatures who sacrificed. We can't be selfish," nahihirapang paliwanag ko.

"Anna, I will do it," matigas na sabi ni Iris.

"Iris!" malakas na tawag sa kanya ni Tavion.

Umiling ako kay Iris. "You have the most powerful map, Iris. Ikaw lang ang may kakayahang makabasa ng mapang iyan. You're the only one in this world. Habang ako, maraming Attero sa mundong ito. My non-existence is—"

"Is what? How about me?" napalingon akong muli kay Caleb.

Lumambot ang mga mata ko sa kanya. "I am supposed to be the sacrifice in the very first place, Caleb. Nang sandaling dumating ka sa mundong ito'y nakatakda na akong isakrispyo. This is the very reason why you came here, you stopped them from sacrificing me to the wrong means, dito ako nararapat. Inside this ruin."

Umiiling lang sa harapan ko si Caleb na parang wala siyang nais pang marinig na eksplenasyon mula sa akin.

"Anna, my map shouldn't be used. It should be kept and protected gaya ng naunang puting lobo. The map with me, inside this ruin might—" hindi na pinatapos ni Rosh ang sasabihin ni Iris.

"Can't you stop this argument, Anna, Iris? Sa tingin ninyo ba ay kahit pumayag kayong dalawa ay susunod sa inyo sina Tavion at Caleb? One of them will definitely snatch you away— sa kahit anong paraan. And I will not stop any of them from doing it."

"How about the efforts of your parents?!" sagot ko sa kanya.

He shrugged his shoulders. "That means we failed them. This situation will soon reach Nemetio Spiran, let Dastan have his hard time, and my brother Tobias as well."

Umawang ang bibig ko sa narinig mula kay Rosh. At nagkakatitigan lang kami saglit ni Iris. Kung maaari lang na ganoon ang desisyon namin dalawa ni Iris. But this is not just all about those kings from the other world. Dahil kami pa rin ni Iris ang siyang masusunod sa malaking desisyon na ito.

"Rosh, it is not as easy as that. . ." ani ni Iris.

Rosh tried to open his mouth to answer, but all he did was to look down. Pansin ko na nakahawak na rin ang kamay ni Iris kay Tavion na nakatulala na rin sa kanya.

But if we're going to weigh our responsibilities, the world needs a woman that can read the most powerful map. Maybe my lamp helped us in our obstacle in this journey, but its help was not as big as Iris' map.

Mas higit na kailangan nilang lahat si Iris kaysa sa akin.

Muli kong inilahad kay Caleb ang lamparang bigay sa akin ng kanyang ama.

"You can have this, Caleb. I am returning it to the rightful owner. Ikaw ang siyang nakatakdang humawak nito. You're destined to lighten the reality of the past. Kung ano talaga ang nangyari sa mga magulang ninyo, sa mga konektadong lagusan, at sa nakaraan. Ipinahabilin lang iyan sa akin ng iyong ama nang sa ganoon ay may nilalang na hahawak ng lampara na siyang magbibigay sa 'yo. "

"W-What are you talking about?" nangangatal na maging ang mga labi niya.

Marahan kong inangat ang isa kong kamay at hinaplos ang pisngi niya.

"You're a wise prince, Caleb. . . nangggaling sa mundo ninyo ang lampara at ang mapa. . . Iris and I came in this place because of you."

Iyon naman talaga ang siyang katotohanan, bago pa magtagpo sina Tavion at Iris ay kinilala na ni Iris ang kanyang misyon— iyon ay ibalik si Caleb sa Nemetio Spiran gamit ang kanyang mapa. While my lantern signifies Caleb— his relic.

The map and the lantern will be his biggest decision. . .

Nang ibaba ko na ang isa kong kamay at hawakan ko ang kamay ni Caleb habang inilalagay ko iyon sa lampara, ramdam ko ang lalong pag-iinit ng liwanag na nagmumula sa lampara.

Kapwa kami bumaba ang tingin doon dahilan kung bakit higit iyong nagliwanag na halos bumulag sa aming mga mata.

Ilang minuto siguro akong pilit na pumikit dahil sa hapdi ng aking mga mata, pero ang siyang biglang nagpamulat sa akin ay ang garagal na boses ni Caleb at ang nangangatal na lamparang hawak ko.

Una akong nagmulat nang nakayuko, kapwa nakahawak ang isa naming kamay ni Caleb sa lampara, ngunit ang atensyon niya ay wala na roon, kundi sa kanyang nasa unahan.

At nang sandaling habulin ko ang titig ng kanyang mga mata, maging ako ay napatulala sa kanyang nakikita.

The old ruin that looked exactly how it looks in our time with King Thaddeus, King Raheem who resembles Rosh a lot, the Earth Dragon Wizard, and the Head Wizard. They're with three beautiful women that I've ever seen in my lifetime.

The beautiful goddess who secured the old ruin for years, another goddess with few strands of golden hair, and an intimidating looking vampire with her striking beauty while playing droplets of water on her fingertips.

Those two other women must be Caleb's mother and Rosh's mother. . .

"Ama. . ." usal ni Caleb.

"We have to seal it," sabi ng Earth dragon wizard.

"W-We can't. . ." sagot ng ama ni Rosh.

"We can't let these bone-eating portals connect each other," sagot naman ng ina ni Caleb.

"The way to seal these portals are too ridiculous! Sa tingin ninyo ba ay papayag kaming tatlo sa paraang iyon?" sagot ni Thaddeus.

"Buo na ang desisyon naming tatlo," ani ng ina ni Rosh.

"Raeliana. . ."

"Hindi kami sasang-ayon, Talisha. This world could cramble, but—" katulad ko ay lumapit na rin si Talisha kay Thaddeus at hinawakan na niya ang kamay ng kanyang mahal.

"You sacrificed enough, Thaddeus. Years from now. . . I know a lot of creatures will look up to you, there are others that will hate you, but I know deep in your heart, that everything you did were for our family. . . ngayon naman ay hayaan mo ako. . ."

"I can't. . . allow me to be selfish for once, Talisha. Isa beses lang, kahit ngayon lang. Hindi ko alam kung magagawa ko pang ituloy ang lahat kung wala ka."

Umiling si Talisha. "I know that you fulfilled everything with her Thaddeus. . ."

Umawang ang bibig ni Thaddeus sa sinabi ni Talisha. Binitawan na ni Talisha ang kamay ni Thaddeus at hinarap ni Talisha ang mga babae.

"We're all aware that sealing these portals is not possible without that specific blood." Hindi ko agad naintindihan ang ibig sabihin ni Talisha sa sinabi niyang iyon.

"What do you mean?" tanong ni Raheem.

"Our sacrifices would be strengthened if it would be blessed by the blood of the creature that was already set foot on the three portals," ani ni Talisha. Humarap na silang mga babae sa mga lalaking kasama nila.

"And we're all aware that there is only one of you who had an opportunity to travel those portals. The sealing needs your blood, Thaddeus. . ." mahinang sabi ni Talisha.

I saw how the men in their lives contradict with the women's decision. Kung sina Tavion at Caleb ay natulala na lamang sa amin ni Iris dahil sa aming desisyon, sina Raheem, Thaddeus at ang Head Wizard ay naging aggresibo.

Dahil sa halip na makinig sila sa kahilingan ng mga babae ay pinili nilang harapin ang dalawa pang lagusan na unti-unti nang magbubukas.

"It's about to get connected. . ." sabi ni Caleb na katulad ko ay nanunuod rin sa sitwasyon ng nakaraan.

"Your parents, I mean the men are planning to destroy the portals. But it will never happen, hindi ganoon na lang kadali. . ." naiiling na sabi ko.

Dahil kung tanging pagwasak lang pala sa mga lagusan ang solusyon, matagal nang tapos ang problema at hindi na iyon aabot pa sa amin. The portals are so powerful that until in our time, wala pa rin nakakaalam kung paano ito tatalunin.

Humarang sa nagbubukas na lagusan ang tatlong babae. Talisha, Raeliana at sa Diyosa na hanggang ngayon ay wala pa ring pangalan.

"Don't let us fight you. Don't let us make this more complicated, Thaddeus," malamig na sabi ni Talisha.

"This is our final decision, Raheem," dagdag ni Raeliana.

"Na iwan kami? Na panuorin kayong malusaw sa loob ng mga lagusang iyan?" sagot ni Raheem.

"Mahal ko, ito ang tungkulin namin. Kami lang ang may kakayahang humawak ng mga lagusan at hindi na makapinsala pa ng mga nilalang. . ." sabi ng diyosa.

Hindi pa rin sumang-ayon ang mga lalaki sa nais nina Raeliana, Talisha at ng diyosa. Kaya nang mapansin nilang gagawa ang kanilang mga mahal ng paraan upang ilayo sila sa mga lagusan, una nang gumawa ng atake ang mga babae.

The mixture of water like tsunami, a yellow light that turned into sprinkle of lightning around it and white glitter dust that supposed to look elegant and beautiful turned into deathly.

Napatingala na lang sina Thaddeus, Raheem, Earth Dragon Wizard, at maging ang Head Wizard sa atakeng iyon sa kanila ng tatlong babae.

Those women were powerful enough not to be swayed. Ang mga babaeng katulad nilang may huling desisyon at buo ang sariling tumulong sa nakararami sa kabila ng kumikirot nillang dibdib ang alam nilang kalaban na hindi nila magagawang matalo.

Buong akala ko ay gagawa pa ng paraan ang mga lalaki habang nakatingala sila sa atake ng mga babaeng minamahal nila, but all they did were open their arms and welcome those attacks to be killed.

"W-What the. . ." usal ni Caleb.

Ang tangi ko na lang napansin ay ang buntonghininga ng Earth Dragon Wizard, kanyang mga kamay lang ang siyang gumalaw ng mga oras na iyon. At bago pa man silang lahat tamaan ng atake, ay una nang tumama ang kanyang kapangyarihan kina Raheem at sa Head Wizard— that turned them into different creatures.

A magical umbrella appeared on his hand and he shared it with Thaddeus who were slumped on the cold floor.

Muling bumuntonghininga ang Earth Dragon Wizard habang habol niya ng tanaw sina Raheem at ang Head Wizard na wala na ang atensyon sa kanila kundi sa liwanag ng mga lagusan na lumiliit na ang butas.

"I will definitely regret this decision for the rest of my life. .." nanghihinang sabi niya.

"Seal it now, Thaddeus."

Umiling siya. "N-Not yet. . . my role in this world, Talisha and I can't. . ."

"W-What?!"

Nagpahid ng luha si Thaddeus at habang nagsisimula na siyang tumayo ay bigla na lang may lumabas na nagliliwanag na espada mula sa kanyang kamay.

"D-Dastan's sword. . ." bulong ni Caleb.

Talisha, just like the other women were already inside a floating orb. Kung si Raeliana ay tuluyan nang nilamon ng lagusan at sinundan na ng kaanyuang usa ni Raheem, ang diyosa na ngayon ay may nakayakap na itim na gagampa, ang katawan naman ngayon ni Talisha ay hinihila na rin sa panibagong lagusan— inside Tavion's world.

Pero hindi iyon hinayaan ni Thaddeus, noong una'y mabagal lang ang lakad niya patungo sa nakalutang na bilog na may tubig kung saan lumulutang ang katawan ni Talisha, mas bumilis at lumaki ang hakbang niya hanggang sa mataas siyang tumalon at hatiin niya iyon sa gitna.

Humanig ang lupa nang pakawalan niya mula roon si Talisha na humihingal at mulat na mulat sa kanya.

Thaddeus received a painful slap from his mate's hand. "Y-You wasted all our efforts! Dapat hinayaan mo na lang ako! Dapat hinayaan mo na lang ako! You've been doing all the sacrifices and efforts since you were young, Thaddeus. Hayaan mo naman akong tulungan ang mundong tumanggap sa akin, ang mundong narito ka. . . ang mundo kung nasaan ang ating mga anak."

Umiiling si Thaddeus habang pilit siyang yumayakap kay Talisha. I could see how his shoulders were shaking.

"Let's go home. Zen's probably trying to give our Dastan a hard time. Finn, Caleb, and Evan still have their lesson with you. You promised Lily and Harper that you're all going to have a picnic, Casper's trying to learn to ride a horse. I can't do it without you."

"H-How could you say of all these, Thaddeus? Ikaw ang higit nilang kailangan. . . you can be their mother and father. Anong alam ng katulad kong diyosa na isang traydor—" pumiyok na ang boses ni Talisha.

"No. . . I need you. . . Talisha. I love you so much. . ."

"Enough with this, Thaddeus. How could you easily let go of those amazing women who helped you. . . how could you sacrifice them?"

Napalingon ako kay Caleb. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Talisha sa mga salitang iyon.

"I don't understand."

"I always adore him, my father, Anna. There are no days that I never look up on him, except for one thing; his flawed love for my mother— there are women who sacrificed so much for him, gave him efforts and trusted him so much. But he could forget all of those just for one woman— my mother. He could have save Raeliana and that goddess. . . pero hinayaan niya lang at si ina lang ang iniligtas niya. Nabubulag kami, Anna. . . nababaliw."

"C-Caleb. . ." napasinghap na ako habang napapahakbang paatras mula sa kanya.

"My father is flawed. . . and I think I am as well."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro