Chapter 5
Chapter 5: Prince
Hindi ko akalain nang sandaling pumasok sa usapan namin ang salitang mate ay magkakaroon kami ng mainit na sagutan. Bagaman ay may ideya na ako rito at sa pagiging sensitibo ng mga bampira tungkol sa bagay na ito, hindi ko inaasahang ang pagiging bukas ng aking mga kumento'y magdadala ng init ng kanyang emosyon.
I didn't even expect that he's capable of that...
I'd discover him as this playful. Minsa'y tila para siyang isang bata, ngunit nang magkasagutan kami, pilit ko na lang itinago ang biglang pagkabalot ng takot ko mula sa kanya.
From his heated glaring eyes, his fangs, and even those veins prodding on his forehead.
Akala ko'y magagawa niya akong aatakehin.
Huminga ako nang malalim. Ngayo'y pinili ko munang dumistansya sa kanya, iniwan ko siya sa lamesa at pinili kong ibalik ang ilang aklat na tapos ko nang basahin sa maliit na aklatan sa kanyang silid.
Ngunit hindi man ako nakaharap sa kanya sa mga oras na ito'y ramdam ko ang titig niya mula sa aking likuran. Kaya nang marahan akong saglit na tumigil sa ginagawa ko at bahagya kong inilingon ang aking ulo'y mabilis niyang ibinaba sa libro ang kanyang tingin habang nanatiling nakapangalumbaba gamit ang kanang kamay.
Muli kong pinagpatuloy ang pagbabalik ng mga aklat mula sa braso ko.
Tumikhim siya ng dalawang beses. "I-I'm sorry...I might have frightened you."
Natigil sa ere ang hawak kong aklat at muli'y napalingon ako sa kanya. Wala sa akin ang kanyang mga mata o kaya'y maging sa libro, nakalingon siya sa may bintana kahit na nakasarado iyon.
He's really avoiding my eyes.
Dapat ay tanggapin ko na lang ang paghingi niya ng tawad, ngunit natagpuan ko na lang ang sarili kong nagbabato ng ibang mga salita sa kanya.
I could see how uncomfortable he was with that small apology like he was somewhat not used to it.
"A royalty does not ask forgiveness for creatures with a lower profile. I thought you're a prince?"
Pinagpatuloy kong muli ang pag-aayos sa aklatan. "S-Seriously? This woman! I am a prince!"
Nang sandaling matapos ko na ang pag-aayos ng mga libro'y muli na akong humarap sa kanya. Hindi man ako nagkaroon ng pagkakataong makasalamuha ang mga maharlika at royalidad ng emperyong ito, may kaunting ideya naman ako ng pagbati o kaya'y pakikipag-usap sa kanya.
I am wearing a normal dress. At nasisiguro kong pagtataasan ako ng kilay ng mga maharlika kung sakaling makakasalubong ko sila sa daan at magtangka akong bumati sa kanila.
I held the sides of my dress and formally curtsied in front of him. "Malugod kong tinatanggap ang iyong paghingi ng patawad, Mahal na Prinsipe."
Kusang umawang ang bibig ng bampira. Umangat ang isa niyang kamay habang itinuturo ako at naniningkit ang mga mata niya sa tindi ng inis sa akin. "Y-You! You are mocking me! Stop that! Stop calling me that!"
"Ngunit ikaw ang nagsabi sa akin na tawagin kitang—"
"No! Stop it. Bahala ka na sa buhay mo kung ayaw mong maniwalang isa akong prinsipe," ilang beses niya pang ikinumpas ang isa niyang kamay sa ere na parang napapagod na siya sa usaping iyon.
"Come back here," ilang beses niyang tinapik ang lamesa.
Buong akala ko'y magagawang panindigan ng bampira ang sinabi niyang pagpapahinga, ngunit nakakadalawang araw pa lang kami sa mga aklat ay sumusuko na siya.
He even suggested that we forcefully enter the main library of our clan. At paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na iyon ang magdadala sa kanyang maagang kamatayan.
We need to think of a solid reason for opening the main library. He is the known god, after all. Everyone already thought that his knowledge was enough and he'd not need any books from the main library.
Siya ang higit na nakakaalam ng mga impormasyon sa Fevia Attero, sa kontribusyon ng mga Atterong may kapangyarihan ng elemento ng lupa, at maging ang mga nagdaang makasaysayang nakaraan.
Sa sandaling matunugan ng lahat ang interes ng bampira sa pinaka-iingatan naming aklatan, magsisimula na silang manghinala sa kanya.
Ilang beses na niyang minamasahe ang kanyang noo.
"What are we going do? I can't stay in this world. Hindi ito ang mundo ko."
Gusto ko na siyang sagutin at sabihin na hindi ko na problema iyon. But I should respect my ancestor and her vows. Ganoon na din ang utang na loob ko sa kanyang ama.
"Can I go outside?"
Tumaas ang kilay ko sa kanya. How can he possibly suggest that? He should stay inside the temple.
"It's impossible."
"You can tell them that I came back to my well... my world? Pero babalik naman ako saglit."
Napangiwi ako. Hindi niya ba naaalala ang binasa niya? The Earth God can't just appear and disappear in the same period, day or even a year. Isang beses lang sa napakaraming mga taon. But it didn't declare the specific years.
"Should I bury myself here? How about we ask someone outside or any accomplice that can open the library?"
Napatitig ako sa kanya. Kung sana'y madali lang iyon, ngunit sino pa sa mga Callista ang maaaring tumulong sa amin na hindi magdadala ng hinala sa lahat?
Ako naman ngayon ang napahilamos sa aking sarili.
We just need to confirm if our main library has the copy of the whole map of Fevia Attero.
"Do you have a family or something? They are the best comrades, Anna," napaangat ako ng tingin sa kanya. He usually gave me his silly grins, but when the moment he uttered those words, he had this gentle smile that made me suddenly stop and just stare at him.
"H-Hindi ko sila gustong madamay..."
Bumuntonghininga siya. "I told you, if something happens beyond our plans, I will not drag you with this."
"You're not going to announce me as your devoted mistress?"
Ngumiwi siya dahil nagagawa kong ibalik ang mga salita niya. "It depends. If you're going to stop mocking me."
Napaisip ako sa sinabi niya. Maaari nga akong humingi ng tulong sa isa sa mga kapatid ko. Ngunit ano ang matinding dahilan ang siyang maaari kong sabihin sa kanila upang tulungan nila ako at ang bampirang nasa harapan ko?
I can't even tell them what happened in the past. Maniniwala ba sila na ipinakita sa akin ni Anastacia Callista ang nakaraan? That she vowed to this someone and one of her descendants should fulfill the oath.
At bakit sa dami ng mga Callista ay ako ang napili niya? Isa pang malaking katanungan ay ang kinalalagyan ng lamparang ibinigay sa akin ni Thaddeus. Nagawa man bumalik ng mga alaala ko, may mga bagay pa rin nanatiling malabo at tila sinasadyang itago sa akin.
"Was that a spell?" I massaged my temple.
"A spell?"
Umiling ako sa kanya. Hindi ko na napansin na lumabas na pala sa bibig ko ang aking iniisip.
"I will ask one of my sisters. Ngunit hindi ko alam kung anong dahilan ang maaari kong sabihin sa kanila. Bakit ka namin kailangang tulungan?"
I convinced myself not to tell him. Nangako ako sa sarili kong hanggang sa akin na lang ang totoong dahilan ng biglang pagbabago ko ng isipan. I'll just allow this man to think that I am helping him because he might help me during the traditional show-off of our powers.
How can we possibly do that without getting noticed? Mas higit ko pang tatanggapin ang isa niyang alok sa akin I can run away together with him. Maaari akong manirahan sa kanila at mamuhay nang tahimik at mag-isa, sa ganoon ay hindi ko na magagawang masira ang magandang pangalan ng mga Callista.
If this power of mine continues to hide behind my hands.
Siguro nga'y iyon na ang dahilan ni Anastacia Callista sa pagpili sa akin. It was like hitting two birds with one stone.
"You don't have anything to offer with one of my sisters."
"How about my looks?"
Umangat ang kilay ko. "My sisters and I have the same type. Wrong bargain."
"How about a jewel?"
"A jewel?"
Hinila niya iyong malaking kahon kung saan nakalagay ang una niyang kasuotan. Ilang beses niyang kinapa ang bulsa niyon hanggang sa may ipakita siyang isang napakagandang pulang bato. Wala man akong pag-aari ng mamahaling mga alahas at bihira lang ako makakita niyon, nasisiguro kong higit na kayamanan ang nasa kamay ng bampira.
It can even buy a whole villa!
"H-How did you have this?"
"I told you, I am a Prin— nevermind," naiiling na sabi niya sa akin.
Hahawakan ko na sana ngunit itinago niya iyon sa loob ng puti niyang kimono. "I can give this to your sister. I suppose you have the same type? Nagningning ang iyong mga mata."
"That little...siguro'y sumama siya kay Naha sa pamimitas, mabuti at pinahabilin niya sa akin," rinig kong bulong niya sa sarili habang natatawa.
Tipid kong sinulyapan ang kahon kung nasaan nakalagay ang kanyang unang kasuotan, maging ang disenyo nito, ang malilit na burda at ang ilang mga bato'y nagsusumigaw ng karangyaan.
Is he really a prince?
Ngunit napailing na rin ako dahil sa patawa-tawa at pag-iling niya mag-isa. He's an actor, probably.
Hindi na nasundan ang pagtatalo namin ng bampira dahil hindi na pumasok sa usapan namin ang salitang iyo, ngunit hindi pa rin matigil ang ilang sagutan namin na sa huli'y nasusundan ng tawanan.
"Uuwi ako mamaya. I will talk to my sister. Maybe I'll ask Ate Amie..."
Kilala ko ang mga kapatid ko at ang katapatan nila sa pamilyang ito. They will think the same way I did before. Ngunit ang kaalamang nagkaroon na ako ng koneksyon sa lalaking maaari nilang sabihing espiya, iyon na mismo ang pipigil sa kanilang gumawa ng hakbang laban sa bampira.
They will protect me.
"Be careful," ani niya sa akin.
Hindi ko alam ang mangyayari sa sandaling lumabas na ako ng templo at sabihin sa isa sa mga kapatid ko na huwad ang panginoon na aming pinaglilingkuran. This might be our last hours together if something goes wrong.
"Ang pinamalapit na kuwadra'y nasa kanang bahagi. Piliin mo ang ikatlong kabayo kung sakaling—" itinigil ko ang sasabihin ko. Binuklat ko ang aklat na hawak ko at may inabot ako sa kanyang isang talisman.
"This is enchanted. My father made some protective talismans to prevent me from some attack... you can fight but you can't avoid an Attero's enchantment."
Hindi siya nagsalita at kinuha niya lang ang isang talisman. Saglit niya lang tinitigan ang talisman at inilagay niya iyon sa likuran ng kanyang kimono. "Just come back."
Tumango ako. Tinalikuran ko na siya at hindi na ako nagtangkang lumingon muli sa kanya.
Tulad nang inaasahan ko'y hindi naging madali ang pakikipag-usap ko kay Ate Amie, lalo na't hindi rin siya pumayag na hindi iyon sasabihin kay Ate Maya. Kapwa sila tila maluluha na parang anumang oras ay nais akong sabunutan nang sabihin ko sa kanila ang nalalaman ko.
"A vampire from another world?"
"He offered me his help. Sinabi niyang maaari niya akong tulungan sa aking magiging pagpapakilala sa madla."
"You mean, he can manipulate his magic and make it appear like yours?"
Tumango ako kahit alam kong imposible iyon.
I actually have few options to continue my life.
First is to use the vampire's power and make it appear like mine, even though everything seems impossible. Dahil wala akong ideya kung paano iyon gagawin na walang makakahuli sa amin.
Second is to make the holy tower noticed my knowledge so that they can give me an opportunity to work with them as their official holy researcher.
Third is to attract the interest of one of the head wizards of the legendary trains and hopefully marry him.
Fourth is to escape with this vampire, forget this world and live peacefully inside an unknown world to help my own clan from tarnishing our precious name.
Nagkatitigan ang dalawa kong kapatid. Of course, bilang mga kapatid ko, nais nilang manatili ako rito at makasama sila. Ngayon na iniisip nila na iyon ang magiging sagot upang hindi na ako ialay ng aming angkan, pikit mata silang pumayag na tumulong sa akin.
Nang sandaling dalhin ko sa templo ang dalawa kong kapatid, tila nag-aakusa ang kanilang mga mata sa akin nang sandaling higit nilang mapagmasdan ang bampira.
Tila nawala ang bampirang ilang araw kong kasama sa silid na ito nang sandaling salubungin niya ako at ang mga kapatid ko. Nawala ang gusot ng suot niyang puting kimono, naging pino ang lakad niya at higit na kay tikas ng kanyang tindig.
Higit na lumamlam ang liwanag sa loob ng silid.
Akala ko'y nalanta na at naghiwa-hiwalay na ang piraso ng puting bulaklak na iyon dahil ilang beses na niya iyong inihagis sa sahig sa tuwing naiirita siya o kaya'y tila may biglang naalala.
Nanatili akong nasa gitna ng dalawa kong kapatid na ngayo'y wala na ang atensyon sa akin.
Ang aking mga mata'y nakatuon sa bampirang una'y natatakpan ng anino, ngunit sa bawat pinong hakbang ng kanyang paa, ngitngit ng aming sahig na kahoy at ang tipid na ingay ng kanyang kimonong humahagpos sa kahoy tila kami'y napasailalim sa kakaibang klase ng mahika.
Nanatili siyang hawak ang puting bulaklak, ngunit kaiba na sa paraan ng una ko iyong nakita sa kanya. Hindi na niya iyon inikot, sa halip ay tila tamad na tamad niya lang hawak iyon.
Pansin ko na nagawa niya na rin sindihan ang ilang insenso sa silid dahilan kung bakit tila higit na bumigat ang pakiramdam ko sa paligid. Hindi na rin nakaayos ang kanyang buhok na dati'y tila suklay na suklay iyon.
His disheveled grayish silver hair glimmered with the dimmest light of the temple's room.
"Greetings, ladies of Callista..."
Dinala niya ang isa niyang kamay na may hawak ng bulaklak sa likuran niya at tipid siyang yumuko upang kunin ang kamay ni Ate Maya, maingat siyang humalik doon, maging si Ate Amie ay napatulala na lang sa ginawang pagbati ng bampira sa kanila.
"It's an honor to accept your help, ladies," tipid siyang yumuko sa aming tatlo habang nakahawak ang isa niyang kamay sa kanyang dibdib.
Narinig ko na lang ang sabay na usal ng mga kapatid ko. "A prince..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro