Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43

Chapter 43: Four

Natigil na sila sa pagtatalo nang marinig ang salitang binitiwan ni Tavion. He was right, now that our goals are already aligned with one another, we need a solid plan to continue this journey.

I know that this is not the good time to consume too much time inside this room. Kung maaari ay dapat ay hinaharap na namin ang kalaban sa labas upang mapabilis ang paghahanap namin sa lagusan patungo sa mundo nina Caleb, ngunit alam kong higit na mas magtatagal kung hindi namin nasisiguro ang susuungin naming labanan.

Ngayon ay nasa amin ni Iris ang buong atensyon ng apat na lalaki.

"My map is not giving an accurate location since it is being influenced by the ruin," panimula ni Iris.

"Ganoon din ang lampara ko. We're all aware that our relics work together. Kung nagawa ng mga ito na tulungan tayo kanina at sa mga nauna nating paglalakbay, maybe this ruin or the mastermind behind this place doubled his protection spell against us. Nasisiguro ko na kapag sinubukan pa rin nating sundan ang mapa ni Iris ay iikot lamang tayo," huminga ako nang malalim.

Nagmasid ako sa paligid. Kung sana'y nasa ibang pagkakataon ako ay higit akong natuwa sa lugar na ito. Nang nasa angkan pa ako ng Callista, ito ang pinangarap kong aklatan. Silid na napupuno ng iba't ibang klase ng aklat, mga halaman at lumang kagamitan.

Hindi ko na napansin na nakatitig na pala sa akin si Caleb habang nakatingala ako sa mga aklatan na nasa ikalawang palapag.

Bahagya ko siyang pinanlakihan ng mata para itanong sa kanya kung bakit siya nakatitig sa akin. Tipid siyang umiling sa akin pero higit siyang lumapit, pumulupot ang isa niyang braso sa baywang ko at marahan siyang yumuko sa akin.

"Parsua Sartorias has the best libraries, Anna. They are waiting for you."

Ngumiti ako sa kanya bago ko ibinalik ang atensyon kay Rosh na matalim na ang tingin sa amin ni Caleb. We're not flirting, iyon ang gusto kong sabihin sa kanya ngunit hinayaan ko na lang siyang ipagpatuloy ang kanyang mga sinasabi.

I just can't suppress this feeling of slight happiness in the middle of this chaos. Na kahit alam kong may panganib na naghihintay sa akin, alam kong narito si Caleb sa tabi ko. He's in love with me and he never sees me as a burden na siyang ilang taon kong tiniis sa mundong ito.

I am happy that even in my slightest movement, he'd understand me clearly. Alam kong hindi niya binabasa ang isipan ko, ngunit sa kaunting pagtitig niya lang sa akin ay alam na niya ang itinatakbo nito.

Hinawakan ko na lang ang kanyang kamay at marahan siyang pumisil sa akin. I just want to end this journey with all of us safe.

Dati ay mataas ang tingin ko sa Fevia Attero, it's the most powerful world ever created. But no matter how powerful or perfect this world is, it never made me feel the warmth of home.

Hindi ko akalain na may mga nilalang na maghahatid sa akin sa mundong iyon. I thought it was just Caleb, but seeing Iris, Tavion, Rosh and even Howl made me finally say that at last I have my own circle— a group to rely with.

Kaya sa gitna ng hirap ng paglalakbay na ito, masaya akong kasama sila sa oras na ito.

"We'll just end up inside another killer room," naiiling na sabi ni Rosh. I saw him looked at our clasped hand. Umirap siya nang makita iyon.

"I think this ruin is really designed for it— an old ruin made of killer rooms," dagdag ni Howl.

"To protect the goddess, of course," kibit balikat na sabi ni Tavion.

"The Head Wizard's mind is quite complicated," komento ni Rosh.

"Wizards, magicians, and witches are quite detailed," sagot ni Howl.

"Huh? So, are you trying to say that you'll design a ruin like this if you're going to protect your mate? It will take time," ngiwing sabi ni Rosh.

"I never had an opportunity," tipid na sagot ni Howl.

Natahimik ang lahat sa sinabi niya, pansin ko na saglit natigilan si Rosh dahil sa aming lahat ay siya lamang ang walang alam tungkol sa nakaraan ni Howl sa babae mula sa mundo ng mga tao.

Rosh cleared his throat. Hindi niya hinarap si Howl, sa halip ay sinalubong niya ang mga mata ko.

"If I have to hide my mate, I could make a giant flower for her. A tulip, rose, lily? Because I know that the petals of those flowers will only open for me."

Hindi lang ako kundi pati na rin si Iris na napatitig kay Rosh nang sabihin niya ang mga salitang iyon. I couldn't even hide that small smile from my lips. If we're all in different situation, I'd like to listen to his story.

"That's it. That is the loophole in this ruin. Why would he create a place that will protect his mate but still allow anyone to enter? The ruin is still accessible to everyone. Yes, they said that the Atteros are forbidden to enter, but it was purely a word of mouth—a law that is still breakable. Why would he allow a flaw?" tanong ni Caleb.

Tumaas muli ang kilay ni Rosh. "I didn't expect that you'd notice that."

"The protection should be invincible. Bakit nga?" napahawak na rin sa kanyang baba si Howl.

"Maybe he doesn't have much choice?" sagot ni Tavion.

Maging kami ni Iris ay natahimik sa sinabi ni Caleb. Kung sa umpisa pa lang ay proteksyon ang nais ng Head Wizard sa diyosa, bakit kailangan niya pa ngang gumawa ng maraming pagsubok at hayaang madaling pasukin ang lugar na ito?

Nagkakatitigan na kami sa isa't isa. The mystery between the Head Wizard, the goddess, and this ruin is killing us.

"I can't fully believe that he's protecting the goddess. . ." mahinang sabi ni Rosh.

"There's something wrong," dagdag ni Howl.

"Because if we're all in his position, even the main entrance would not be possible for anyone to enter. But in his case, he invited us— he challenged us," madiing sabi ni Caleb.

"So, are you trying to say that he's using the goddess as bait?"

"Bait for what?" tanong ni Tavion.

"I don't think that our Head Wizard is evil. I am a good judge of character. I had a few conversations with him. I don't think he'd do something. . ." nag-aalangang sabi ni Howl.

"But he's been sacrificing the lives of Atteros for the goddess. Isn't that evil enough?" sagot ni Tavion.

Howl bit his lower lip. "What I mean. . . what other reason aside from his goddess? Power? He has that already."

Ipinilig ko ang ulo ko sa panibagong katanungang umiikot sa amin.

"Siguro ay magagawa rin natin iyang malaman sa mga susunod na oras," iyon na lang ang nasabi ko.

Dahil alam kong kung magtatagal pa kami ay marami pang katanungan ang mabubuo sa aming anim at hindi na namin iyon masagot ko.

Aside from the mystery of this ruin, the goddess and the head wizard, we still have questions about the real connection of Caleb's father, Rosh's parents, the previous Earth dragon wizard, and even Tavion.

"Isa lang ang masasabi ko. . ." sabay-sabay nag-angat ang tingin nila sa akin.

"If this ruin allows us to enter, it has a reason. And these series of the killer room might not be really protection, but a filter to test us."

Bahagyang nawala ang kunot sa kanilang mga noo nang sabihin ko iyon.

"Habang nag-uusap tayo at naririnig ko ang palitan ng inyong mga salita, iyon lang ang pumasok sa isip ko. Tama si Rosh, gagawin mo ang lahat para gumawa ng nakatagal na harang para lang proteksyunan ang mahal mo, but the Head Wizard allowed us to enter."

"But did he really allow us or was it out of his expectation?" tanong ni Tavion.

"Then what's with the rooms and obstacles in this ruin? As if it is designed to test the power, brain, and capability of someone who would enter this place," sagot ni Caleb.

Napamasahe sa kanyang noo si Rosh at iritado niyang itinuro si Howl. "Isn't he someone who has the position in this world? When we passed all these damn rooms, can't you talk with your Head Wizard? May iba ba iyong lengguwahe? Ako na ang magtatanong sa kanya mamaya. My head is aching to be honest."

Pinagkrus ni Iris ang kanyang braso.

"It's just too ironic that he has to gather us together with different abilities. Lalong lumalakas ang pakiramdam ko na totoong hindi nagtagumpay ang mga naunang nagpunta rito."

Natahimik sina Caleb, Rosh, at Howl.

"I think I'll die thinking if we further discuss the mystery of this ruin and its connections with us. Why don't we just finish all the rooms? Siguro naman ay nasa dulo ang kasagutang hinahanap nating lahat."

"The question is, how many rooms are left?" tanong ni Rosh.

Muli ay bumalik sa amin ni Iris ang atensyon ng apat. Iris stepped up as she slowly opened her palm in front of us, unti-unti iyong nagliwanag sa harapan naming lahat habang marahang hinihipan ng hangin na nagmumula sa nagliliwanag niyang palad ang kanyang buhok.

Una'y puting anino ng nakarulyong papel ang lumutang mula sa kanyang palad hanggang sa unti-unti pa iyong nag-angat at mabagal na nagbukas sa aming lahat. At nang sandaling kapwa na kami nakatingala roon ay tila sumabog ang liwanag sa paligid nito kasabay nang tuluyang pagguhit ng mga detalye nito sa aming harapan.

"Just like what I've told you earlier, the characters are moving," panimula niya. "But I am already familiar with the characters that we've been through," itinuro niya ang ilang lugar na gumagalaw sa mapa.

"We've been here, ibig sabihin ay hindi na natin kailangan dumaan ulit sa lugar na ito o kaya'y hindi natin dapat salubungin. Though we can't guarantee it, but I am starting to learn a pattern. Look closely," mas lumapit kaming lahat nang sabihin iyon ni Iris.

Inilabas niya iyong maliit niyang buhanging orasan at inilapag niya iyon sa lamesa na siyang pinaggigitnaan naming lahat.

"There's a time pattern," dagdag niya.

Nang sandaling maubos ang buhangin sa itaas, sabay-sabay gumalaw ang mga karakter sa mapa at nalipat iyon ng iba't ibang posisyon.

"Oh, that's why you mentioned that wizards are detailed, huh?" tumatangong sabi ni Rosh habang nakatingala sa mapa.

"So, we're now aware of the time pattern. Our problem now is how to know the pattern of their movement. Is it randomly or not?"

"It's not going to be random," agad na sagot ni Howl.

Tumango ako sa sinabi niya. "We can watch it closely."

"Ilan na baa ng narating ninyo? My arrival is quite late," tanong ni Rosh.

"We passed the moving statues, the room consisting of doors, water and nymphs, a collapsing tunnel, and a desert. We finished four obstacles," sagot ni Tavion.

"I can see six moving characters. There are still two obstacles," sabi naman ni Howl.

Hindi nagtagal ay nagbago na ulit ang posisyon ng mga karakter. Walang nagsalita sa amin at nanatili kaming nakatitig sa mapa. We stayed like that in few turns of movement of the map.

"Is it a pyramid?" tanong ni Caleb.

"Two pyramids?" dagdag ni Tavion.

"I thought it was a star at first, but it is a combined pyramid. There are in the opposite positions," sabi ni Rosh.

Howl used his magic to place a pen and a paper on the table. Siya iyong pumagitna sa amin habang nakalutang pa rin ang mapa ni Iris. Dahil hindi na gaanong maliwanag sa silid ay inilapag ko na rin sa lamesa iyong lampara.

Howl started to draw the pattern in front of us. Paminsan-minsan ay nasulyap pa rin kami sa mapa at sa orasang buhangin para makita ang eksaktong galaw ng mga karakter.

"I thought each three will only move on the same pyramid, but look at the next movement, the pattern changes and they are following a diamond pattern. May mga hindi rin gumagalaw."

Nagsimula nang magpaliwanag si Howl sa amin. What's good about wizards, tulad nga ng sabi ni Rosh, mahilig kami sa mga komplikadong bagay. Howl sees this pattern as challenging.

Naghintay pa kami ng ilang beses na paggalaw ng karakter sa mapa hanggang sa mapapitik siya sa kanyang daliri.

"I am certain on its movement," tumungo ulit si Howl sa papel at ipinagpatuloy niya ang pagguhit at paglalagay ng direksyon sa susunod na galaw ng mga karakter.

When he drew all the details and showed it to us, napahanga na lang kami nang makitang tama ang inilagay niya sa papel at ang sunod na kilos ng mga karakter sa mapa.

"There you have it," ibinuka niya pa ang dalawa niyang braso sa aming lahat, looking so proud.

"So, all we have to do is to wait for this two places to come for us," itinuro ni Rosh iyong karater na hindi pa namin napupuntahan. We still have to finish two more obstacles."

"What's the nearest to this room?" tanong ni Tavion.

"I wonder why this room is not changing," napatingin sa paligid si Caleb. Kahit ako ay iyon din ang ipinagtataka.

"Maybe this place is really designed as a meeting room," natatawang sabi ni Rosh.

"We need the proper timing. Sa sandaling buksan natin ang panibagong pintuan, we have to be sure that the obstacle inside is not the same as the one that we already passed through. Lalo na iyong kwarto na puro tubig. I don't like that room," ngiwing sabi ni Howl na nadistubre naming lahat na hindi naman pala marunong maglangoy.

Ibinaba na ni Iris ang kanyang mapa, hinawakan ko na rin ang aking lampara, si Howl ang siyang nanguna sa aming lahat habang nanatili sa likuran namin si Rosh. Caleb and Tavion positioned themselves on our sides.

Wala nang nagsalita sa amin at tanging ang aming ang ingay ng aming mga hakbang ang namayani sa kabuuan ng silid. We're all aware that the moment Howl opened the door, we'll be facing another adventure.

We experienced different life-and-death situations in each room that we passed. Pero ramdam ko na may higit pang naghihintay sa aming lahat. It's not just the fight between the creatures that might be waiting for us— but the answers.

Would these answers enlighten us or welcome us to another mystery?

O isa na naman ito sa manipulasyon ng haring tinitingala ng lahat? Tipid akong napasulyap kay Caleb. I've seen his father when I was young, when I first saw him I knew right at the moment that he was too powerful na ang mundong inakala kong hindi mapapasok ng ibang nilalang ay nagawa niyang pasukin.

He even befriended the Atteros who think highly of themselves.

Huminga ako nang malalim nang hawakan ni Howl ang pintuan, nagliliwanag na ang kanyang mga kamay habang hawak ng isang kamay niya ang buhanging orasan.

Alerto sina Caleb at Tavion sa tabi namin ni Iris habang ramdam ko ang mga gumagapang na halaman mula sa aming likuran. Kusa ko na rin pinagliwanag ang mga kamay ko habang si Iris ay nagkukulay ginto na rin ang mga mata at nagsisimula na rin humaba ang mga kuko.

If Howl saw the pattern on the map, I could see another pattern between King Thaddeus, King Raheem, the late Earth dragon wizard, and the Attero's Head Wizard.

Howl failed to share the complete story and I hope I was wrong about it. There were not three, but four friends. Howl, Rosh, Tavion, and Caleb are the representations of those four.

And this whole thing happened because someone from the past was a traitor. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro