Chapter 4
Chapter 4: Mate
I accepted his advice. I tried to understand and analyze everything about his kind, from their abilities, weakness, way of living, beliefs, traditions, and even their political system.
Bagaman limitado lang ang inilalahad ng mga libro sa akin at alam kong pahapyaw pa lang iyon ng kanilang pagkakakilanlan, alam kong ang kaunting ideyang iyon ay makakatulong sa akin upang protektahan ko ang aking sarili sa kanya. Tulad nga ng sabi ko noon, wala man akong kapangyarihan, ang kaalaman ko ang magsasalba sa akin sa mula kapahamakan.
The wicked vampire just announced to my clan that he needs a peaceful respite. At ang ginawa niyang pagbaba sa lupa ang siyang kumuha ng malaking porsyon ng kanyang kapangyarihan. Sinabi niya sa lahat na hindi siya maaaring maabala at ang tanging may karapatan lang tumapak sa templo kung nasaan ang kanyang silid ay ang kanyang alay.
Dalawang mababang lamesa ang nasa loob ng silid. Magkapat ang aming dalawang lamesa, ngunit bahagya iyong may distansya. Kapwa kami nakaupo sa sahig na nalalatagan lang ng malambot na tela.
The vampire is still wearing our god's attire. Kung maaari lang ay hubarin ko iyon mula sa kanya dahil sa tuwing ngumingisi siya sa akin at nagtataas ng kilay ay lubos akong naiinsulto.
How can he act so playful and annoying with that sacred white kimono?
Pinababasa ko sa kanya ang mga aklat tungkol sa aming panginoon, ngunit lalong nag-iinit ang ulo ko sa kanya dahil ilang beses ko nang nakikitang pumipikit ang kanyang mga mata at halos malaglag iyong ulo niya dahil sa paglaban sa antok.
I've read something about vampires and their resistance to sleep! It's even possible for them not to sleep for a year! Tapos itong bampirang nasa harapan ko, kaunting pahina lang ng aklat ay nagkanda tulog-tulog na?
I cleared my throat purposely.
He shook his head. Nangalumbaba siya gamit ang isa niyang kamay at pinagpatuloy niya ang pagtungo roon sa aklat.
Sa huli'y bumuntonghininga siya. "Do I really need to do this?"
"Of course! They will behead you if they—"
"But I can always dismiss them and isolate myself like this. They will never find out."
"They will notice! Ano ka ba, bampira?!"
He rolled his eyes. He lazily used his forefinger to follow the lines of the pages as he tried to read the book. "I have a name, you know."
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng aklat tungkol sa kanya. "You can't even address me like that. My empire will behead you as well..."
Umangat ang kilay ko. "Why? Are you a prince? A King?"
Taas noo niyang sinalubong ang aking mga mata. "I am a Prince. A royal blood."
I huffed. Ilang beses akong napailing at muling yumuko sa aking aklat.
"H-How dare you! Y-You insolent woman! I am a Prince!"
Hindi ko siya pinansin at mas ibinigay ko ang atensyon sa binabasa ko. Isa sa mga nabasa ko tungkol sa mga prinsipe at prinsesa ng mga bampira'y ang pino nilang kilos at ang pagiging pormal ng mga ito sa lahat ng oras.
Just like the royalties of Fevia Attero, royal vampires are high, collected, firm, and elegant even in stranger's eyes. Importante sa kanila ang impresyon at ang taas ng tingin sa kanila.
It's not hard to recognize a prince in first sight. And this man in front of me?
"Y-You!"
My eyes widened when the annoying vampire grabbed my chin and tilted it upward to meet his eyes. "What?!"
"I am a Prince," mas madiing sabi niya.
"Now you're a prince? Hindi ba't panginoon ka nitong nakaraang araw?"
Mariin siyang napapikit at iritado niyang binitawan ang mukha ko. He harshly sat back on his seat. Mainit na iyong mga mata niya sa akin.
"You're not even princely..."
"Ha! H-How could you— what the hell is your definition of a prince? Someone riding on a white horse with a red rose? Seriously? It's corny."
Nagkibit balikat ako. "Maybe..." corny?
This vampire has unusual words as well. Bago ko muli kunin ang aklat na binabasa ko, kinuha ko ang isa sa mga nakarolyo kong papel at mabilis kong hinampas ang kamay niya.
"Aw!"
"Stop touching me out of nowhere."
He huffed sarcastically. Ilang beses niyang hinimas iyong hinampas kong kamay niya na parang nasaktan talaga siya sa ginawa ko.
"Excuse me, woman, you're not even my type."
Muling nag-angat ang kilay ko. "And who is this someone who considered me as his mistress?"
Ano ang akala niya sa akin? Hindi marunong makipagsagutan? Ito na nga lang ang kaya kong gawin.
Umawang ang bibig niya. "Y-You—"
"What? Bakit hindi mo na lang bigyan ng oras ang pag-aaral mo ng aklat na iyan? I told you. We can't just ask for the main library's key. Lalo silang manghihinala sa akin o sa 'yo. At kung posible ngang wala sa aklatan ng angkan namin ang mapa na siyang hinahanap natin, we need to go to the holy tower. There, we can find the sacred library that possesses the important knowledge about this world and its connection to other worlds."
"Why can't we just open the main library when everyone is—"
Huminga ako nang malalim. "There is a spell, vampire. We need a key. Wala akong kapangyarihan."
Napamasahe siya sa kanyang noo. "And what if there's no map inside your library?"
"We don't have any choice but go to the Holy Tower."
"Is it easy?"
"That will never be easy. We need an invitation. Hindi rin tayo maaaring sapilitang pumasok doon. The holy tower is one of the most heavily guarded establishments in Fevia Attero."
"Shit."
Napahilamos na siya sa kanyang sarili. "They will all get worried... and Dastan just got his peace. Binigyan ko na naman siya ng sakit sa ulo."
"Dastan?"
Umiling lang siya sa akin. Napasubsob na siya sa libro at ilang minuto siyang nasa ganoong kalagayan.
"If she's here... maybe... maybe she can guide me."
"She?"
"A living map. My mate..." sagot niya sa akin habang nanatiling nakasubsob ang kanyang mukha sa libro.
"Mate?"
Biglang pumasok sa isip ko ang nabasa ko tungkol sa salitang iyon. Mate is someone who is destined to be with a vampire for the rest of his/her life. Ang karamihan pa nga sa kanila'y nagagawang kitilin ang sarili dahil sa tindi ng kalungkutan kung sakaling pumanaw na ang kanilang mga kapareha.
Mate thing is sacred for vampires. One of the highest rules in their world.
"Your partner," sabi ko.
Tumango siya.
Ilang beses kong tinapik ang daliri ko sa nakabukang aklat habang nakatitig sa lalaking nakasubsob pa rin sa lamesa. I haven't asked him what really happened. Bakit siya narito?
"What brought you here? Wala ka ba talagang ideya? Bakit bigla kang nagpakita sa ritwal na dapat ay iaalay ako?"
Tumunghay na siya at muli niyang sinalubong ang mga mata ko. Ilang beses siyang napakamot sa kanyang pisngi na tila nag-aalinlangan pa siyang sabihin sa akin ang naranasan niya.
"Well...I was in a middle of a fight. Inililigtas ko ang napakaraming nilalang sa aming mundo," patigil-tigil siya sa pagku-kwento na parang naghahanap pa siya ng ideya sa sariling karanasan niya.
Should I believe him?
"And then... when the witches..."
"Witches?"
"Yes. Two witches..." nagsisimula nang kumunot ang noo niya.
"When the witches cast a spell to attack our people, iniharang ko ang sarili ko. I sacrificed myself and their power dragged me in this world. Hindi ko akalain na ang sakripisyo ko'y mahahantong sa ganito."
Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan sa mga sinabi niya.
"But you already have the idea about my kind... sa mga Attero. You even have an unusual idea about this type of Attero na kahit akong matagal nang nag-aaral ay walang ideya."
Now that I have the memories of the past... with his father. Nasisiguro kong nakatakda ngang matungo rito ang bampirang ito. Ngunit sa anong dahilan? Hindi ko maaaring sabihin sa kanya na kami'y nagkrus na ng landas ng kanyang ama.
At base sa mga reaksyon niya, katulad ko'y nangangapa pa rin siya sa mga bagay na nais niyang sabihin sa akin.
"I've read something about mates, hindi ba't may koneksyon dapat kayo? She can locate you wherever you are. It was you who even said that she's a living map."
"Iris is a living map. She's part of the prophecy. She has the connection with the map handler from the past. She has the connection with my father just like the mates of my siblings..." saglit natigil sa pagtapik ang mga daliri ko.
Hindi ako nagsalita at nanatili akong nakatitig sa kanya. "I've felt something from her the moment I met her. But she's been denying me because of her duty..."
"So, she'll not find you. Ayaw niya sa 'yo."
Iritado niyang sinalubong ang mga mata ko at pansin ko ang pagkuyom ng mga kamay niya. "I asked Leticia about it. Some of the white wolves are late bloomers. They are late in recognizing their mates."
Dalawang beses akong tumango sa kanya. He's bringing up some names. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung ano ang mga posisyon nila at kung bakit ganoon na lang ang tiwala niya, ngunit pinigilan ko ang aking sarili.
If my ancestor, Anastacia vowed something from the past that she couldn't refuse, and as a descendant of her, I must fulfill it. Hindi ko na siguro kailangan pang malaman ang higit na impormasyon. All I need is to send this man to his home.
I thought his mate can help him, but from what I've heard from him, he's having a misunderstanding.
This tricky Thaddeus from the past might have his amazing plan for his children. Dahil ang lalaki na ring kausap ko ang nagsabi na may koneksyon ang bawat kapareho ng kanyang mga kapatid sa kanyang ama.
Maybe he's not aware that his father used other creatures as his instrument. Isa na ako roon...
"So, we can't ask for your mate's help then. Did she openly reject you? According to the book I've read... the vampire can die out of his/her mate's rejection," nangalumbaba ako sa harap niya.
"I can see that you're still healthy. So, you survived from rejection?"
"She didn't reject me! We even kissed!"
Halos mapapikit ako nang marahas niyang ibinagsak ang dalawa niyang kamay sa ibabaw ng lamesa. Nagngingitngit ang bagang niya at nagniningas ang kanyang mga mata sa akin dahilan kung bakit bahagya akong napaatras sa aking pagkakaupo.
"A-Alright!"
Itinaas ko ang dalawa kong kamay sa ere. I hit home, I guess?
Muli siyang bumalik sa pagkakaupo niya at nag-iwas na siya ng tingin sa akin. Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa librong binabasa niya.
"You don't know anything about mates..."
"You mean love?"
Sumulyap siya sa akin at nanlisik lang ang mga mata niya. Iritado niyang inalis muli ang mga mata niya sa akin.
"In our world, it is sacred. Hindi katulad ng mundo n'yo... maybe in this world you can marry or love a man as much as you can. In our world, we're devoted. There is only one. Only one, Anna."
Hindi ako nakapagsalita. Fevia Attero is open for divorce. We can marry or love someone as much as we can, and our royal palace practices polygamy. Nasa hari na nga lang ang desisyon kung gusto nila ng iisang asawa.
"That's why you're devoted to someone that can't recognize you?"
"Should I look for someone else? Can't I wait? I shouldn't make the same mistake—" ilang beses siyang umiling at hindi na niya itinuloy ang kanyang sasabihin.
"Why are we even talking about mates?!" iritadong tanong niya sa akin.
"Because she might help you and locate you? Pero tulad nga ng sinasabi mo ay hindi ka pa niya nakikilala. By the way... I also read that you have this sort of connection. What kind of connection? How did you recognize her?"
"She's special, powerful, very beautiful... she has the connection with my father, she has the map. I chose the map... katulad ng mga kapatid ko'y may mga pinili silang bagay. I chose a map. She has my father's map..."
Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya. At ang tanging naalala ko lang ang ang lamparang iniwan sa akin ni Thaddeus.
He told me that I'll be someone's lantern, and I'll allow him to hold me tight no matter what happens...
Is it really his son?
Because the man in front of me is not looking for a lantern but a map...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro