Chapter 38
Dedicated to: Britannic Ship
Chapter 38: Call
What's the most beautiful thing about life? It's fighting for what is right, sacrificing your every blood, sweat, and tear for the thing that you believed that's all worth it.
Just like our heart and blood oath— na ang bawat bitiw ng mga salita'y katumbas ang buhay. Ngunit ngayon? Ngayong muli na naman akong nakaharap sa isang labanan, masasabi ko bang nasa tamang labanan ako? Masasabi ko bang tama itong ipinaglalaban ko?
The mystery of this ruin against the government of Fevia Attero is killing me.
Ano ang matinding koneksyon namin sa mga nagdadatingang nilalang mula sa ibang mga mundo? Ano ang koneksyon nina Thaddeus, Raheem at Raeliana sa mundong hindi naman sila dapat naroon?
At kung iisipin, bakit tila naulit ang lahat? Kung totoo ang sinabi ng duwende na may misyong hindi natupad ang mga naunang mga bampirang nakarating sa mundong ito. Ito na baa ng kasagutan kung bakit narito ngayon sina Caleb, Tavion at Iris?
What was that failed mission all about?
Bukod sa akin? Ano ang matinding dahilan kung bakit ipinadala rito si Caleb?
Ang unang atake'y nagmula sa aming lima, pinangunahan iyon ng malakas na pagtalon ni Caleb habang nakakuyom ang isa niyang kamao at buong puwersang nakatutok patungo sa pinakamalapit na kalaban. Kapwa kami ni Howl nakaposisyon sa magkabila ni Caleb, nagliliwanag ang mga kamay habang nakatuon na rin ang atensyon nina Tavion at Iris sa iba pang mga kalaban.
At nang sandaling gahibla na lang ang distansya namin mula sa mga kalabang kapwa mga lumulutang sa ere, agad kaming inunahan ng mga ito nang isang napakalakas na atake.
Isang kumpas lamang mula sa kalansay na kamay ng aming kalaban sa gitna, ay katumbas na nang napakalakas na hangin na tila may halong mga patalim. Sabay-sabay kaming tumilapon at bumulusok pabalik sa aming pinanggalingan.
Caleb drifted down first, but he made a quick circular movement in the air with a crucified form body until one of his feet touched down the sands, the force made him kneel creating a huge crater, an explosion, and even a blinding smoke all around us, but that didn't waver him.
In the middle of the blinding smoke, trembling land, and specks of sandblasting all over our bodies, a shadow with those venomous rubies started to light up, slowly getting up with his balled fist, and hair dancing with the wind.
It was just Caleb's shadow, but his whole presence was damn overwhelming. Na kahit hindi ako ang kanyang kalaban ay nararamdaman ko ang bigat ng kapangyarihan niya.
Howl and I stopped ourselves in the air as Caleb positioned himself in between, while Iris and Tavion were on land and took both sides of Caleb.
Ang inakala naming siyang aming unang atake ay nagawa nilang baliktarin, ngunit hindi kami niyon matitinag. Hinayaan namin ang aming mga sariling manatili sa aming mga posisyon habang hinihintay kusang magnipis ang usok ng alikabok sa paligid.
The thinning smoke overwhelmed us, slowly revealing our courageous faces, that didn't even bother by that sudden attack. We weren't even threatened or surprised, but we offered our mocking faces in front of our enemies.
We might be unsure, we have a lot of questions, and everything seems so confusing, but the thing that we're all aware of right at this moment is that we are a team. If a creature is against one of us, we are a team to back each other up.
Ang kaninang nakaitim na talukbong na may kamay na kalansay ay unti-unting nag-angat ng kamay, higit kaming naging alerto at handa sa sunod nitong gagawin, ngunit nagtungo iyon sa talukbong niya at dahan-dahan niya iyong ibinaba.
Kasabay niyon ay ang unti-unting panlalaki ng mga mata ko at pag-awang ng aking mga labi sa nilalang na inilahad sa likuran ng talukbong.
The head wizard's right hand!
"Rezef!"
Kami lang ni Howl ang siyang nagkaroon ng matinding reaksyon nang magpakita ng mukha ang aming kalaban. Just like our head wizard, it's too unusual for his right hand to do the mission himself.
Ganoon na lang ba ang takot nilang may malaman kami sa lugar na ito?
"Who is he?" tanong ni Tavion.
"The right hand of this head wizard," sagot ko.
"Interesting, he could be Casper in our world," dagdag ni Caleb.
"Maaari mo pang linisin ang pangalan mo, Howl. Huwag na nating paabutin pa sa ganito at bigyan ninyo na ng kapayapaan ang lugar na ito," pormal na sabi nito na parang wala kami kanina sa gitna nang mainit na labanan.
"The Fevia Attero's government has been giving us lies about this ruin. Ano ang kinatatakot ninyong malaman namin sa lugar na ito? Habang tumatagal kami ay unti-unti naming natutuklasan ang katotohanan sa lugar na ito. This isn't Fevia Attero's way to pressure the historical place of our world, but a way to keep a prisoner. May itinatago kayo sa lugar na ito," mahabang sabi ko.
I saw how his solidified hand form balled after hearing my words. Walang sumunod na magsalita sa akin at hinintay ko pa ang sunod na reaksyon ng kanang kamay nang aming tinitingalang pinuno.
"Tell us everything or do we need to further dig for the answers? Sinasabi ko sa inyo, hindi kami susuko sa labang ito. We'll die fighting for it! At kung anuman ang itinatago ninyo sa lugar na ito, hindi kami papayag na hindi namin malalaman," madiing sabi ko.
"I am not sure yet. But once my father is involved, I am sure that it's all worth it. Alam kong sa bawat desisyon at kilos ng aking ama ay may matinding dahilan. If it was true that it was a failed mission, maybe this time, I can make it right. We can make it right," dagdag ni Caleb.
Nang sabihin iyon ni Caleb ay naagaw ang atensyon naming lahat nang malakas na tumawa ang kanang kamay ng aming pinunong salamangkero.
"It wasn't a failed mission. Ang mga pakialamerong bampirang iyon at ang maestro mo ang siyang nagdesisyon ng pangyayaring ito. Why our worlds are now connected. They gave a vow— a promise. Na siyang pinakamakapangyarihan sa mundong ito. Why do you have to undo it?"
"Undo what?" tanong ko.
"Simula pa lang ay alam na ng pinunong salamangkerong magkakasama-sama kayo at papasok sa lugar na ito. He wasn't planning to kill you, but you've been pushing him to hard. Lalo ka na, Howl. Dapat ay ginampanan mo na lang ang tungkulin mo at hindi na naghanap pa ng problema."
"Isn't this a problem? What happened to those Atteros? Nasaan na ang mga Attero na sunud-sunod nawawala at sinabing mga nagtangkang magtungo rito? You announced them dead because of what everyone thinks that this place is cursed. Na walang Attero ang may kakayahang mabuhay sa lugar na ito at kamatayan lang ang magiging katapusan. But why am I here? Still alive and breathing," huminga ako nang malalim sa mga binitiwang salita ni Howl.
Nanikip ang dibdib ko at ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata.
"Isinisisi nila sa lugar na ito na wala namang tiyak na kinalaman dito ang pagkamatay o pagkawala ng mga Attero sa mga nagdaang panahon. You are killing innocent lives for what reason?"
"There is a sacrificial tree in our place in Nemetio Spiran as well. Isa iyong babae na naging puno dahil isinakripisyo at kung hindi ako nagkakamali kinikuha ng punong iyon ang buhay ng nilalang na may masamang intensyon sa pagpitas ng kanyang bunga. Isn't it normal to have a place that needs sacrifice? I didn't dig any further about it, but I think it needs sacrificial maidens as well."
"You're a prince and you didn't do anything about it? A life is still a life, Caleb!"
Hindi nakasagot sa akin si Caleb ngunit nakakunot na ang noo niya at nakatingin sa lalaking nakalutang, ngunit ang isip niya'y tila lipad sa ibang bagay.
"There is a place in my kingdom as well that needs sacrifice— I thought it was just part of the tradition. I was against it, but I don't have enough power in my world to stop it," dagdag ni Tavion.
Napahilamos ako sa sarili ko.
"And I think there's a place ni Parsua Deltora. Dagat? It's eating lives. Iyong magkakapatid pa lang na Le'Vamuievos ang nagagawang makabalik nang buhay mula sa dagat na iyon."
"And you think that it was fucking normal?!" sigaw ko sa kanila.
Nanlisik ang mga mata ko sa kanang kamay ng pinunong salamangkero.
Two from Caleb's place have this sacrificial thing, they also have it in Tavion's world, and we have this ruin as well.
"Aren't they connected?" tanong ni Iris sa isipan naming lahat. Nilagyan iyon ng koneksyon ni Howl nang makasama siya sa usapan namin.
"Ang lalaking iyan mismo ang nagsabing hindi natupad na misyon ang nangyari ng nakaraan, kundi isang desisyon. If we're going to think deeper. The tree could be King Thaddeus' connection, the sea from Parsua Deltora could be King Raheem's, and the place in Tavion's world could be from his father?"
"My father is in different world. Paano ako magkakaroon ng koneksyon sa lugar na ito?" lahat kami ay napalingon sa sinabi ni Tavion, ngunit si Iris ay piniling ipagpatuloy ang kanyang konklusyon.
"And this ruin could be from my master's connection. All those life sacrificial places are connected," dagdag ni Howl.
"S-She's a goddess. . ." usal ni Caleb.
Lahat kami ay napalingon sa kanya. "They said that the maiden that turned into a sacrificial tree was an offer to a goddess. If you're familiar with Deeseyadah, there are goddesses who chose to leave their farfetched world and chose to live with us. Leticia, my mother, the goddess of the blue fire. . . but there is still an unknown goddess and still a mystery, na kahit si Leticia ay hindi nalalaman."
"Who are these goddesses?" nalilitong tanong ko.
"So, are you telling us that the unknown goddess that is connected in your world, Tavion's and Fevia Attero. . ." hindi na tinapos ni Howl ang sasabihin niya at muli siyang lumingon sa kanang kamay ng pinunong salamangkero.
"The goddesses really chose those powerful, right?" naiiling na sabi ni Caleb.
"From my wise father, Dastan and now, the Head wizard of this world. Hindi na ako magtataka kung bakit nang sandaling biglang nabuhay si Leticia'y nagmula siya sa kuweba. The cave that is connected in this ruin has a goddess. King Dastan and Queen Leticia sent me here," Caleb said in statement.
He's telling all those words without doubt or even hatred. Halos hindi ko makita ngayon kay Caleb ang presensiya niya na tila nais na niyang makaalis sa mundong ito.
Suminghap si Iris. "Y-You are keeping her as a prisoner."
Kumuyom ang mga kamay ko. Nang sulyapan ko muli si Caleb ay nakikita ko nang nagsisimula na siyang humakbang.
"They might have twisted the truth about their perfect world, but those goddesses who went down and left their world aren't worthy of this kind of treatment. Ilang Leticia pa ang pilit ipagsisiksikan ang kanyang sarili upang makaranas ng pagtanggap? Ilang katulad ng aking ina ang pilit itinatago ang pagkatao? Ilang mga diyosa pa ang pilit na ikukulong at gagamitin sa pansariling interes? They need to be freed. They need to breathe. They need love."
"Wala kayong alam! Tapusin ang mga pakialmerong ito!" sabay inangat ng kanang kamay ng pinunong salamangkero ang kanyang mga kamay dahilan kung bakit sunud-sunod lumipad ang mga tagasunod niya at sabay-sabay nang umatake.
The illusion made of ocean of sands faded in instant, the doors slowly disappeared, and the whole place suddenly covered by darkness. Higit naming pinagliwanag ni Howl ang aming mga kamay, mas nagningas ang mga mata nina Caleb, Tavion, at Iris.
I heard series of explosions, groans, and even pressure from spells coming from our hands. Sa tuwing tatapak ako sa lupa ang tanging nararamdaman ko lang ang yanig sa paligid.
Nagkahiwa-hiwalay na kaming lima na ang tanging nagawa na lang namin ay protektahan ang aming mga sarili. At sa tuwing aatake ako'y ang tanging nakikita ko na lang ay ang aking kalaban at ang mahabang pader na nagkukulong sa amin.
We're now inside a huge stoned room, still shaking, with numbers of statues, and consistent attacks from our enemies. Ngunit nang makarinig ako ng higit na malakas na atake na nasisiguro kong mula na naman kay Caleb ay ramdam ko nang tuluyan nang bibigay ang silid na iyon.
"We're gonna fall!" sigaw ni Tavion.
Howl and I burst a ball of light from our hands, at tulad nga ng sabi ni Tavion ay kasalukuyan na kaming bumabagsak kasama ng napakaraming piraso ng mga bato, kisame, sahig at mga palamuti sa silid.
"We're going back to the previous floors!"
Tila kapwa nawala ang kapangyarihan namin ni Howl lumutang dahil kasabay nina Caleb, Iris, Tavion ay bumagsak kami sa panibagong sahig, at halos mabaon na kami sa kapag ng alikabok at naglalakihang bitak ng bato.
I quickly noted that we're again in front of the previous altar with those yellow stone, pero mas lalong nanliit ang mga mata ko nang mapansin ko na kapwa lumulutang sa tabi ng mga bato iyong maliliit kong diwata na bigla na lang nawala sa labanan.
"We need to help them!"
"Vera, look they are here!"
Hindi pa man kami nakakabangong tuluyan sa sahig ay nagsimula nang humarap sa amin ang aming mga kalaban. And the black shadows are combining and turning into one big form.
"Alright, this isn't good," ani ni Howl.
"Why do I have this feeling na parang sila lang ang umaatake?" tanong ni Tavion.
"They have more magic," sabi ko.
"Oh my gosh, they will kill them! We need to call it! We need to call it when it is needed! I think they need it Vera!" nagkakagulo na sa likuran namin iyong dalawang diwata.
"Anong tatawagan nila?" naiiling na sabi ni Caleb.
"Let's summon it! We need a connection! A powerful connection!"
Hindi na sana namin papansinin pa ang nagkakagulong mga diwata sa likuran nang bigla na lang nahawi ang sahig at tumilapon ang mga katawan namin sa tagiliran.
Ang tanging naiwan lang sa gitna ay si Caleb na ngayon ay nakahiga sa sahig, nakabuka ang mga braso at paa. Doon ko lang napansin ang mga simbolong nakaukit dito.
"What the hell?!" sigaw ni Caleb.
"Let's protect him! The pixies are calling someone from his world!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro