Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

Dedicated to: Mayflower Ship

Chapter 35: Road

Kasalukuyan pa rin kaming naglalakad sa madilim na daan, hawak ko pa rin ang lampara na siyang nagsisilbing aming liwanag, habang si Howl ay nanatili pa rin nakaangat ang isang hintuturong nagliliwanag.

Naririnig ko ang bawat tubog ng aming mga paa sa mababaw na tubig ng daan, ngunit sa bawat hakbang namin patungo sa dulo ng daan, ramdam ko ang higit na pagbaba ng temperatura. Bukod roon ay naririnig ko rin ang paminsang patak ng tubig mula sa itaas ng aming dinaraanan, minsan pa'y tumatama iyon sa aking katawan.

Saglit kong inangat ang lampara upang makita ang nasa itaas at agad ko rin iyong ibinaba. Pawang matatalas na bato na anumang oras ay tila babagsak sa amin. Nang sandaling pumasok kami sa pintuan kanina, hindi ko lubos maisip na tila isang kuweba na naman ang aming papasukan.

"Are you cold?"

Mas lumapit sa akin si Caleb at iniyakap niya ang isa niyang braso sa akin.

Saglit lumingon sa amin si Howl na nakangiwi. Bumutonghininga bago ko narinig ang pagpitik niya ng kanyang ilang daliri.

Dahil sa liwanag mula sa aking lampara, nasaksihan ko kung paano unti-unting natuyo at bumalik sa kakisigan si Howl na tila na man lang napasabak sa laban.

Doon ko lamang naalala na maaari nga pala kaming hindi lamigin sa sitwasyong ito. Hindi gaya ni Howl na sa isang iglap ay mabilis kong mapapalitan ang aming kasuotan, ilang minuto ko pang hinintay ang sapat na daloy ng aking mana bago ko sabay na pinilitan gamit ng aking mahika ang aming mga kasuotan ni Caleb.

And Caleb was surprised, not because of my magic but by the clothes I gave him. It was his royal suit during his first arrival in this world.

"Y-You kept this?"

I saw how happy he was. Hindi mawala ng ngiti sa labi niya habang inaangat niya iyong mga braso niya at pilit na sinisilip ang detalye ng kanyang kasuotan.

Isa iyon sa pagkakakilala ko kay Caleb. He loves the reality of him being a prince— a royalty. And seeing himself in his usual suit made him so happy.

Hindi man niya sabihin sa akin, alam kong gustong-gusto na niyang makabalik sa mundo niya.

I bit my lower lip. Originally, I kept his clothes because of its gemstones. Dahil alam kong malaki ang halaga niyon kung ibebenta. At hindi iyon dahil sa kanya, pero dahil ayokong masira ang iniisip niya tipid na lang akong tumango.

Isa pa, si Caleb ang tipo ng nilalang na mababa ang kasiyahan. At ayokong sirain iyon. 

"Thank you," he gently caressed my cheeks before he gave me a peck on my forehead.

"Aww," the two pixies said in chorus.

Kapwa na ulit sila nakaupo sa balikat ni Howl habang ang kanilang mga palad ay nakahawak sa kanilang magkabilang pisngi at pinapanuod kami ni Caleb.

Howl's right brow was arched, looking annoyed.

"Hindi ba talaga maipagpapaliban iyan?"

"Y-You—" mabilis kong iniharang ang kamay ko sa dibdib ni Caleb bago pa sila magtalong muli ni Howl.

"Tch," sabi ni Howl bago kami muling tinalikuran.

May gusto pa sanang sabihin si Caleb pero tumalim na ang mga mata ko sa kanya. Dahil alam kong sa sandaling nagsalita siya, agad na sasagot si Howl at sa huli ay si Caleb lang ang mapipikon.

Howl's still walking ahead of us, while the pixies were back sitting on his shoulders. Kung hindi ako nagkakamali ay matagal na rin siyang may hinala tungkol sa maliliit na diwatang iyon at hindi niya na lamang ito pinansin.

I glanced at Caleb. Kung kanina ang atensyon niya ay na kay Howl, ngayon ay bumalik na ulit iyon sa mga pixies. Patuloy na nanliliit ang kanyang mga mata doon sa dalawang diwata na tila walang nangyari at tuwang-tuwa pa ring titigan ang mukha ni Howl.

"No wonder why they are like that," naiiling na sabi ni Caleb.

"Huh? What?"

Nakakrus na ang mga braso ni Caleb at nakakunot pa rin ang noo niya nang sumulyap sa akin.

"Hindi ako matutuwa kung tama ang iniisip ko. We've been trying to risk our lives here to find a way. To find a damn door to Nemetio Spiran. Tapos dadating lang siya at lalabas sa kung anong larawan o kahit anong hindi ko maisip na paraan? Epal talaga iyang si Rosh kahit kailan."

"Huh? What's epal? Sino si Rosh?" nagtatakang tanong ko.

Ngumiwi lang si Caleb sa akin nang marinig niyang binanggit ko ang pangalang sinabi niya.

"Is he the master of these pixies?" sabat ni Howl.

"I don't know. Maybe it's just my hallucination. Are you familiar with Rosh? Tutal para ka rin namang nawawalang Le'Vamuievos," may pag-ismid pa si Caleb habang nakikipag-usap sa nakatalikod na Howl.

Pabalik-balik na ang tingin ko kina Howl at Caleb. Wala na akong maintindihan sa pinag-uusapan nila.

"I am not familiar with what you're talking about, Caleb," tamad na sagot ni Howl.

"Are your pixies not willing to give some information?" tanong ulit sa akin ni Caleb.

Ilang beses akong napailing. Hindi ko nga maintindihan ang pinag-uusapan nila. At tulad nga ng sinabi niya kanina sa akin, parang hindi naman talaga sa akin ang mga pixies na iyan.

"Will you stop talking about us? Hindi ninyo ba napapansin na narito lang kaming pinag-uusapan ninyo?" sabat ni Vera.

Sasali na sana ako sa usapan nang kapwa kami natigilan nang makakita na kami ng liwanag sa dulo ng aming dinadaanan.

"Let's hurry," anunsyo ni Howl.

Mas bumilis na ang paglalakad naming lahat at habang ginagawa namin iyon ay ramdam ko na ang unti-unting pagyanig mula sa tubig.

"Fuck," usal ni Caleb.

Hinawakan na niya ang isa kong kamay habang higit na malalaking hakbang ang ginagawa namin. Dahil sa pagmamadali namin ay natalisod pa ako, nabitawan ko ang lampara at gumulong na iyon patungo sa dulo kung saan naroon na si Howl.

He picked up the lantern as he waited for me and Caleb. Inaalalayan na ako ni Caleb nang halos mapahiga ako nang muli na namang yumanig at nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na babagsak na kay Caleb ang malalaking bato sa itaas.

"Caleb!"

Hinayaan ko na ang sarili kong tuluyang mapahiga sa medyo basang lupa at agad kong inangat ang dalawa kong kamay upang pigilan ang pagbagsak ng bato kay Caleb.

"Shit!" napalingon siya sa nakalutang na batong muntik nang bumagsak sa amin.

"I can't hold it for too long," nahihirapang sabi ko.

Tumango si Caleb. He quickly scooped me and started running in front of us. I hugged my body around him as I extended my hand to protect us. Habang siya ay nakatuon ang atensyon sa daang lalabasan namin ay ako naman ang siyang gumagawa upang bigyan ng proteksyon ang aming bawat pagkilos.

What I hate about this old ruin? Lahat ay buhay at tila may sariling mga isipan! And they are advised to kill every living creature! At kami iyon!

The huge raining stones were on our trail. Ilang beses pang halos madapa si Caleb dahil sa yanig ng lupa.

"Fuck! The road is extending!" sigaw ni Howl.

Hindi man ako lumingon sa kanya, alam kong hawak niya pa rin ang aking lampara. I can feel it with my connection to the lamp.

"Faster! Faster!" sigaw ng dalawang pixies.

When I tried to glance in the front, I cursed inside my mind. Totoo nga ang sinabi niya, tila higit na lumalayo ang daang tinatahak namin ni Caleb. Kanina ay ilang hakbang na lang ay mararating na namin ang bukana.

I saw how Howl tried to make a step or extend his hand to cast magic to save us, pero bumabalik lang iyon at hindi na tinatanggap ng daan.

Why do we have to experience all of this? Can't they give us a little break? Hindi na ba sila nakuntento sa labanan namin kanina?

Mariin akong napapikit, huminga ako nang malalim at mas binigyan ko ng atensyon ang mga malalaking batong humahabol sa amin. If Caleb trusted me to protect us, I should trust him in reaching the end of this road.

"Shit!" iritadong sabi ni Caleb nang hindi lang mga bato mula sa likuran namin ang nagsisimulang bumagsak.

Even in front of us!

I was about to extend my other hand in front of us when one of Caleb's right hand irritatingly waved his hand, harsh, and desperate.

"Just run, Caleb. The road is now under a magic spell again. And it's under the illusion, don't get tricked. Allow me to protect us and overcome this illusion."

"Alright."

Kung kanina ay nakayakap ako kay Caleb at nakaharap sa likuran, ngayon ay higit niyang itinaas ang aking katawan. I started to climb on his body and reached his shoulder. Una ko munang isinampa ang isa kong hita bago ako bahagyang humarap sa madilim na pader ng daan, ngayon ay kapwa na nakasabit sa balikat ni Caleb ang mga binti ko.

"Why are you facing there? It's alright if you face in front of me. Sanay na—"

"Shut up, Caleb."

Nakaupong nakatalikod ako sa balikat ni Caleb habang kapwa na nakaangat ang dalawa kong kamay. Both we're extended to the back and to the front, ready to fight those falling sharp rocks.

Halinhinan ang aking ulo sa pagbaling sa unahan at sa likuran habang patuloy sa pagliliwanag ang dalawa kong kamay. Habang si Caleb ay mabilis na tumatakbo at mariing nakahawak sa isa kong hita.

Kung kanina ay nagliwanag lang ang daan dahil sa liwanag ng aking lampara, ngayon ay nasisiguro kong kahit ang mga bata'y iisipin ay nanunuod sila ng isang palabas sa isang pagdiriwang.

It was like we were in the middle of darkness, watching for silver fireworks. But in reality, we're not just watching, instead, we're the ones creating the fireworks.

Dancing silver lights in the middle of darkness, and every time it hit a huge rock, the silver lights suddenly turned us silver dust, scattered around the darkness, like stars in the moonlight.

Sa kabila nang mga sumasabog at naglalag-lagang bato, naririnig ko pa ang palakpakan ng mga diwatang nanunuod sa amin.

Howl made a huge shield in front of them since my attack might reach him as he watched as struggled to leave this place.

Patuloy pa rin sa pagtakbo at pagmumura si Caleb. Sumulyap ako sa unahan pero ganoon pa rin ang distansya namin mula kay Howl na tila hindi kami gumagalaw.

"Caleb, this is fake. Think about it! It's just an illusion! Huwag kang magpapatalo."

"I am trying! But these rocks seem so real, Anna. It will kill us! My brother has this kind of ability, but he never— goodness!" napatigil siya sa pagtakbo nang muntik na kaming tamaan nang malaking bato na bumagsak.

I failed to sense its presence.

Kapwa kami napatulala roon ni Caleb na may mabibigat na paghinga.

"Y-yes, it will kill us," nangangatal na sabi ko.

Of course, this place is partly true! At hindi lang si Caleb ang nagsisimulang lamunin nito.

"Come on! Mas tatagal kayo riyan kung hahayaan ninyong humahabol iyan sa inyo! Figure it out, idiots!" sigaw ni Howl.

"Anong gusto mong gawin? Saluhin namin ang mga batong iyan?!" sigaw pabalik ni Caleb.

"You have the same ability! Why do you have to fight your own abilities? Fucking idiots!" muling sigaw ni Howl.

Hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin. Si Caleb ay patuloy pa rin sa pagtakbo habang ako ay kapwa pa rin nakaangat ang dalawang kamay upang protektahan ang aming mga sarili.

"Should we embrace it, Caleb?"

"Huh? Huh? What?" iritadong tanong niya sa akin.

"We should embrace it. Why are we afraid of the element that we have?"

"W-What?" ilang beses siyang napailing. Nagawa pa niyang hawiin ang isang bato na bigla na namang bumagsak sa harapan namin.

"Why should we run, Caleb?"

Iyon na ang nasa isip namin simula pa lang, tumakbo. We've been trying to run the moment we entered this ruins, but how about we find the roots?

Iyon naman talaga ang siyang dahilan kung bakit kami narito. We need to find the mystery of this ruin, and fighting is not all about running.

"What do you mean?"

"Our opponent is inside this dark road. At pinaglalaruan lang tayo!"

"Fucking illusionist!"

"Wala siyang kapangyarihan katulad natin, Caleb."

That's when Caleb stopped running, I stood straight on his back with my extended hands, and together with him, with our similar ability, we ruled the long road with another earthquake, not from our minds, but from our real power.

Higit na lindol ang naganap habang kapwa kami magkatalikuran ni Caleb, panay ang patak ng mga naglalakihang bato ngunit dahil sa kapangyarihan namin ay kusa na iyong nagiging mga alikabok bago tumama sa amin.

"Enough with this game, Caleb," ani ko.

Sabay kaming tumango ni Caleb at kapwa namin higit na ipinadama ang aming mga kapangyarihan.

"Yes, enough with this silly game."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro