Chapter 27
Dedicated to: Jho Na Fe Tumbali
Chapter 27: Ruined Plan
When they looked at me in unison, with their eyes expecting a brilliant way to enter the ruins, I knew right at that moment that my ability as an Attero would make our entrance safer and more possible.
Tavion, Caleb, and Iris might have powerful abilities but a way to get in with my Attenian skills would make it less catastrophic.
That's why when I devised this plan, I told myself that it should definitely work. Hindi lang para sa akin kundi pati na rin sa mga nilalang na kasama ko. This isn't all about my journey with Caleb, but also Iris and Tavion. At isa lang ang naisip kong paraan upang hindi agad malaman ng mga Attero ang siyang totoong sitwasyon.
They should think than one of their allies is in a brink of death, captured, helpless by an unknown creature. Hindi nila dapat isipin na nasa iisang panig kami ng nilalang na ngayo'y tila kinikitil ako.
They shouldn't think that we're a decoy for them to lower their guard. Hindi nila dapat isipin na ang intensyon namin ay ilayo sila sa kanilang totoong misyon. They should think that their only situation is to save a fellow Attero in the hands of the unknown monster.
Since Caleb Lancelot Gazellian mastered the art of pretention and acts, it was easy for him to show his scripted unexpected interruption. The guardian of the ruins was currently full of hesitation and even stepped backward when Caleb growled with his bared fangs, eyes red as fire, and spilled blood from his mouth to my neck, down to my clothes.
My breathing started to get rapid, not just because of the tension brought by the guardians around us, but also the sound of Caleb's beating heart behind me. Hindi ko akalain na sa kabila ng ganitong sitwasyon ay higit ko pa rin napapakiramdaman kahit ang pinakamaliit na detalye ng parte ng katawan ni Caleb. This is one of the effects of having one with him, offering my blood, and sharing each other's mind. Our senses are both active every time that we'd touch.
Pinipilit ko na lang labanan ang epekto ko kay Caleb at huwag ipikit ang aking mga mata at higit na humilig sa kanya. I should look like a victim, and not a lover enjoying his burning skin behind me.
I knew right at this moment that it wasn't just me who was currently experiencing this worst torture.
"Of course, babe. I'd be happier if I'll pull you away from this act and devour you somewhere with your moans and cries of my name."
"Shut up and do your job."
Hindi na sumagot sa isipan ko si Caleb, humigpit ang braso niyang tila nakasakal sa leeg ko habang unti-unti siyang humahakbang paatras na tila isang halimaw na aaagawan ng pagkain.
I squealed like I was somewhat in pain. Lalong naalerto ang mga tagabantay. Hindi nila magawang umatake dahil sa sitwasyon ko.
"D-Don't move. H-He will kill me," nanghihina kong inangat ang kamay ko para pigilan sila.
"A-Anong klaseng nilalang iyan?" rinig kong tanong ng isang tagabantay.
Of course, who would have any idea about the vampires? Kung may magkakaroon man ng ideya tungkol sa mga katulad ni Caleb ay galing lang iyon sa matataas na posisyon katulad ni Howl o kaya'y katulad ko na wala nang ibang ginawa kundi magbasa ng iba't ibang klase ng libro, pati na rin ang mga ipinagbabawal.
Ngayon ay hinawakan ko ang brasong nakayakap sa leeg ko na tila nasasakal ako. Patuloy pa rin kami sa paghakbang ni Caleb papalayo sa lugar kung saan higit nilang mararamdaman ang presensiya nina Iris at Tavion.
"What if he's a monster inside the ruins? Paano siya nakalabas? Bakit hindi natin siya naramdaman? Maybe his ability is beyond—" hindi na natapos ng batang tagabantay ang sasabihin niya nang lumingon siyang muli sa direksyon namin ni Caleb.
Pilit kong itinago ang ngisi sa mga labi ko. That was our plan, we should let them think that Caleb came from the ruins. Ibig sabihin lang niyon ay may halimaw na nakalusot sa kanila. They should be desperate to get rid of Caleb, bago pa makarating sa nakatataas na hindi nila ginampanan ang kanilang misyon.
At sa kaalamang may halimaw na nakalapas sa kanila, malilipat ang lahat ng kanilang atensyon sa amin ni Caleb.
"We should kill him!" sigaw ng pinuno ng grupo.
Ngayon ay nawala na ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. Kung kanina ay tila nagagawa pa niyang umisip nang ibang paraan upang iligtas ako, ngayon ay ang tanging nasa kanyang mga mata'y iligtas ang sarili mula sa parusa ng mga nasa itaas.
They will kill Caleb with me.
"Go!"
Nang higit na sumigaw ang pinuno ng mga nagbabantay, iyon na rin ang siyang naging hudyat para buhatin ako ni Caleb. And Caleb as a vampire with his speed, ran as fast as he could.
Our initial plan was for him to carry me like a sack of rice, but Caleb didn't stick to our plan. Hindi ko na rin naman iyon tinutulan dahil alam kong wala na rin pakialam sa akin ang mga Attero na iyon.
Caleb's jumping from one tree to another, running like a speed of light with his annoying boyish grin. Inihilig kong saglit ang ulo ko sa dibdib niya, ilang beses itinapik ang aking noo bago ako muling nag-angat ng tingin sa kanya. I wiped the remaining blood on his lips.
"Those fucking assholes. They immediately forgot about you. Akala ko ba ay importante sa mga Attero ang kanilang mga kalahi?"
"Well, position and own life is more important, I think?"
"My family can easily give up position and life, Anna. I've witnessed it a lot of times," he said without meeting my eyes.
Humarap na rin ako sa unahan. "Then I guess your family is quite unique. . ."
"Precious. . ." dagdag niya.
Ngayo'y nasisiguro ko na nasa amin na ni Caleb ang buong atensyon ng lahat ng mga tagabantay. Dahil iniisip nila na malaki ang koneksyon ni Caleb sa lugar na siyang binabantayan nila.
"What's next? Hindi rin magtatagal ay maabutan nila tayo. Should we fight?" tanong niya sa akin.
Umiling ako. Dapat ay hindi na kami kumuha pa ng atensyon, dahil sa ideyang isang halimaw si Caleb ang mga tagabantay na mismo ang siyang gagawa ng paraan upang hindi makalabas sa kagubatang ito ang kasalukuyang sitwasyon. It would become a disgrace to their group. Iisa lang ang plano nila sa mga oras na ito, kailangan nilang patayin si Caleb at maging ako upang walang lumabas na balita.
"Let's just give Iris and Tavion their time."
Halos kalahating oras kami ni Caleb nakipaghabulan sa mga tagabantay bago kami nagtungo sa sunod na parte ng plano. If we'd successfully entered the ruins, it would be Iris and Tavion's task. Sa aming apat ay silang dalawa lang ang nararapat sa parteng iyon, Tavion being a beast summoner and Iris with her map that would guide us in a safe location.
Tumigil sa pagtakbo si Caleb, humarap siya kung saan patungo ang mga tagabantay na humahabol sa amin habang nanatili ako sa mga bisig niya. I moved slowly to have a peck on his lips.
Ngumiti siya sa akin nang saglit bago niya muling pinagmasdan ang daang tatahakin ng mga kalaban. I closed my eyes and pretended to be dead. At nang kapwa na namin nakikita ang nagliliwanag na mga kamay ng mga Atterong bantay, rinig ko ang mabigat na paghugot nang hininga ni Caleb.
Still, with my eyes closed, I felt a series of Attero's attacks with lights moving around us, but that didn't stop Caleb from running quickly, with the sounds of the grumbling earth beneath us.
At bago pa man tuluyang lampasan at iwasan ni Caleb ang nakahilerang mga Attero sa kanyang unahan na may iba't ibang klase ng atake, tuluyan ko nang namulat ang aking mga mata at hindi nagawang iwasang pagmasdan ang iniwang bakas ng lalaking ngayon ay nakayakap at patuloy na tumatakbo habang buhat ako.
I suddenly witnessed a bamboo-like field made of stone, tall and unbeatable, and Atteros trapped inside, unable to chase us with their hands desperately attacking us with their power.
Hindi ko mapigilang mapatingala kay Caleb at mapahanga. I was expecting a simple attack from him, but to create a place that could even surpass a historical place?
The lights from the Attero's hands were bouncing when they mistakenly threw an attack. Sa halip na sa amin ni Caleb tumama ang kanilang atake ay sa kanila iyon bumabalik.
A tall stoned bamboo field with blinking lights around it. Kung may mga batang Attero na makakarito ay iisipin nilang mga maliliit na diwatang naglalaro at naghahabulan doon.
How could he make a beautiful attack like that?
"It's beautiful, Caleb. . ."
He laughed. "That idea was from my father. He used to throw us inside a bamboo forest. A narrow place is a difficult battlefield for the long-range opponents."
Saglit umawang ang labi ko sa narinig sa kanya. Nakilala ko si Caleb na hindi mariing nag-iisip. He would attack as simple as possible, but that creation impressed me.
"But it would not take too long. . ."
"It's okay. Kailangan din nila tayong abutan."
Caleb started to get slower, not because he's getting weak but for us to wait for our wounded audience. At nang sandaling natatanaw ko na ang lugar kung saan nasisiguro kong matagumpay nang napasok nina Tavion at Iris, doon na ako ibinaba ni Caleb.
We were now both looking up at the old ruins at the top of long stairs. The dark clouds hiding the moonlight slowly moved above it, I suddenly heard whispers from the wind as it blew my hair, the dried leaves and dust on the old stair floors moved with the cold breeze around us, and the heavy footsteps behind us were getting louder.
Nagsimula na kaming humakbang ni Caleb paakyat ng mataas na hagdanan at sa bawat hakbang namin ay patuloy ang pagbaba ng klima.
As an Attero, this place would kill me. But now that I have a way to save my own mana, my hesitations didn't waver me. Sasamahan ko si Caleb sa misyong ito.
Nang kapwa na kami nasa pinakamaataas na palapag kung saan nakikita na namin ang malaking pintuan patungo sa loob, hinayaan kong humakbang si Caleb sa akin pauna.
He'd face me as an enemy. Tulad nang una naming pakilala sa mga Attero na humahabol sa amin. And this time, I opened my frail arms with my brightened hands, like a fighter in her last breath.
Nanatiling nakatindig si Caleb sa harapan ko. Looking at me, not an enemy, but a handsome mate— proud of the ability that I have. The mana that I've been wishing for, is the most important thing that an Attero should possess.
At nang sandaling kapwa na namin maramdaman ang presensiya ng lahat ng tagabantay sa likuran ko, higit kong ibinuka ang aking mga braso.
I allowed them to see my blood from my neck, and the stains on my clothes. Marahan kong itinagilid ang mukha ko na tila saglit silang sinisilip.
"As an Attero, I vowed to my blood and heart that I'd bring him back inside the ruins," mahinang sabi ko ngunit nasisiguro kong rinig nilang lahat iyon.
The guardians of the ruins would witness how a woman, an earth mage, would sacrifice her vow— her blood and heart as a hero of her own world.
"Allow me. . ."
Ito ang siyang naisip kong plano. Kung malaman man ng lahat kung ano ang pagkakakilanlan ko, madali nila iyong matatanggap dahil ang isang Attero na pinagkaitan ng mana ay piniling gamitin ang kanyang buhay upang ialay sa kapakanan ng lahat.
No one would ever suspect that I purposely entered the ruin with the monster.
Kung kanina'y kamay lamang ang nagliwanag sa akin, ngayon ay buong katawan ko. With my mana around my body, I allowed myself to lift in the air. My hair flew, my blooded dress fluttered, and all their eyes looked up on me.
Siguro'y sa tingin nila'y nahihirapan si Caleb sa sitwasyon niya ngayon, with his veins on his forehead, arms, bared fangs, and red-blooded eyes, but it was the opposite— he's now desperate to devour me, to felt in his arms, and claim me repeatedly.
Ilang beses niyang pilit gustong humakbang patungo sa akin, abutin ako at itigil na ang paglilinlang sa mga Attero, pero siya mismo ang pumipigil sa kanyang sarili.
And there, with our great performance, the howl of the other monster from the ruins overpowered the situation. With Tavion's possible ability, the heads of the different creatures inside the ruins made an exit towards my direction— as if they wanted to eat me.
Malakas na sigawan ang narinig ko mula sa mga tagabantay at nakita ko ang ilang beses nilang pag-atake.
I tried to make a light attack on the monsters, but one of them wrapped its big tail around me, pulling me inside the ruins. Sinubukan kong manlaban at gawing kapani-paniwala ang lahat.
Patuloy sa pag-atake ang mga Attero sa likuran ko habang panay ang paghila sa akin ng mga halimaw at ang walang katapusan nilang pag-ungol, alulong at sigaw sa amin.
Nakangisi na si Caleb habang nakabuka ang mga braso at hinihintay ako.
"I am the King of the Monsters! Come here my bride!" anunsyo niya na wala naman sa aming mga plano.
At nang sandaling abot-kamay na niya ako, isa muling nakabubulag na liwanag ang siyang umagaw sa atensyon ng lahat.
Sa halip na sa paghila sa akin ni Caleb ang siyang pumukaw sa lahat, ang biglang paglapag ng dalawang paa, ang kanyang magandang tindig sa gitna ng usok, ang galaw ng kanyang mahabang hikaw, at ang nadadala niyang mahabang buhok at ang kasuotan niyang nakapatong lang sa balikat ang nagpatulala sa lahat.
The elegant, handsome, and villainous, Howl Paladein De Voss just made an entrance in front of our performance.
He formally bowed like a prince in the middle of our catastrophic war. "Let me end this event, ladies and gentlemen."
At isa pang napakalakas na sigaw ang umagaw sa atensyon naming lahat. And there, below the ruins, another batch of Atteros with their armed hands ready to kill.
"Catch the traitor! Howl Paladein De Voss!"
Howl shrugged his shoulders before he pulled his right hand and pointed it in front of the enemies. Walang kahirap-hirap tumalapon ang kanilang mga katawan sa ere.
And Howl entered the ruins without minding us— ang pinaghirapan naming plano ay nauwi sa wala.
Humahangos sa galit si Caleb habang nakasunod kay Howl, habang ganoon din si Tavion na pulang-pula na rin ang mga mata at labas na ang pangil.
But we didn't expect Howl's response. Because his elegance and composure suddenly disappeared in an instant, he went on his knees, head looking down, and his arms started to tremble.
"S-She's gone. . . she's gone."
Howl Paladein De Voss showed his tears in front of us.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro