Chapter 25
Dedicated to: Deasy Tribucio
Chapter 25: Breakfast
I woke up with that vivid dream.
It was a quick dream, but it felt like a huge portion of my mana has been used. As an Attero who was born with an idea that everything could be possible in this world—a dream or a message from a deceased creature wasn't surprising at all.
But with the fact that he's just a vampire— a creature from another world. How could King Thaddeus freely roam inside an Attero's dream?
My visions before about Anastacia Callista and how the king helped her gave me idea or reasons on why the king had choose, maybe it was because of my bloodline, and the connections I had with Anastacia. But this recent dream was not the same at all. Dahil hindi na ito tungkol pa sa mga pangakong binitawan ni Anastacia sa hari, kundi ito na mismo ang siyang koneksyon ko sa kanya—sa anak niya.
Caleb, Iris, Tavion, and I maybe had a misunderstanding about our connection, but King Thaddeus' sudden visit in my dream was the last card of my confirmation— that Caleb is really meant for me.
Sa mga oras na ito ay tanging si Caleb lang ang koneksyon ko sa mundong tinatawag nilang Nemetio Spiran, at ang mga alaalang iniwan sa akin ni Haring Thaddeus. Ngunit nang sandaling ipakita niya sa akin ang saglit na panaginip na iyon, kasama ng iba't ibang klase ng nilalang na inaasahan ko nang nagmula pa sa iba't ibang mundo higit kong naramdaman na may iba pa akong koneksyon sa mundong iyon.
That small dream made me feel that I am one of them.
Napabuntonghininga na lamang ako habang nakatitig sa itaas. Higit na nagkikislapan ang naggagandahang mga diyamanteng nakabaon dito dahil sa liwanag na nagmumula sa aking lampara.
If I could just pick all those expensive stones and offer them to my clan, or to the Attero's government to make things easier, I'd make sure to collect every piece of the jewel before my eyes. Ngunit alam ko sa sarili kong kaiba ang Attero kumpara sa ibang mundo— because we value more our honor, oath, or promises than power and possessions.
Kaya alam ko sa sarili kong walang magagawa ang mamahaling mga batong ngayon ay nakadungaw sa akin.
Nang sandaling lumingon ako sa tabi ko ay wala na si Caleb. Sumulyap din ako sa posisyon nina Iris at Tavion, wala na rin ang isa pang Gazellian sa tabi niya. Nakaupo na si Iris habang sinisimulan nang itali ang kanyang buhok.
"You woke up early," sabi niya na hindi man lang tumitingin sa akin.
"You noticed?" nagsimula na rin akong bumangon.
Tumango siya. "They are inspecting the situation. Tulad nga ng sinabi ni Howl, may mga nagbabantay na sa labas. There's no way that we'd enter the ruins without being noticed," she gave me an expectant look.
Alam kong hinihintay niyang ilatag ko ang abilidad ko. Dahil sa sitwasyon namin ngayon, ang kakayahan ko ang higit na kailangan namin.
Werewolves like her are good in close combats. But Atteros like me are into distance. Mahihirapan siyang makipaglaban sa isang Attero sa sandaling gumawa na ito ng atake sa kanya. While Caleb's power may attract too much attention. Bigla akong napaisip ng kakahayang mayroon si Tavion. Caleb told me that Gazellians have special vampire gifts that being envied by different empires.
Hindi na ako magugulat kung may malakas din kakayahan si Tavion na hindi maaaring basta na lamang gamitin.
"Unless I do something about it?" dagdag ko.
"Who else? You and your ability will make our entrance possible. I don't think we can give the tasks to the Gazellian cousins, hindi biro ang kapangyarihang mayroon sila. We might attract more attention."
We have the same thoughts.
Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang tumango sa kanya. "We should wait for them and make a plan."
Hindi na sumagot si Iris at ipinagpatuloy niya ang pag-aayos sa kanyang sarili. Pinili ko na lamang na mag-ayos na rin habang hinihintay ang dalawa pero natapos na kami ni Iris ay hindi pa rin sila bumabalik.
We decided to cook our food. Nasa kalagitnaan na kaming dalawa sa pag-iihaw ng pagkain nang kapwa kami magkatitigan ni Iris sa isa't isa.
She smirked. "Why are we even toasting these foods for them? This won't give them nutrients."
Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong maliit na kahoy kung saan nakatusok ang manipis na ulam ng usa.
They rather bite our necks for breakfasts. Hindi na kami muling nagsalita ni Iris dahil kami na mismo ang nagsimulang umubos ng iniihaw naming mga ulam.
"We are just wasting our efforts. They can even survive without eating," kapwa na lang kami napailing ni Iris.
Kalahating oras pa ang hinintay namin ni Iris nang maramdaman na namin ang presensiya ng dalawang Gazellian. At hindi pa man tuluyang nakakapasok ang dalawa ay nauna nang tumayo sa akin si Iris.
She quickly faced Tavion and grabbed his wrists. "Have you seen a river? Bring me there."
"What?"
Hindi na siya sinagot ni Iris, nauna na itong maglakad palabas ng kuweba habang hila niya si Tavion.
Nagtatakang nanunuod lang sa kanila si Caleb.
"I think I saw a river—" hindi na pinatapos ni Iris si Tavion dahil higit niya pa itong hinila.
"Let's go," nagtatakang sumulyap sa akin si Tavion pero hindi na siya nagsalita pa at sumunod na lang sa gusto ni Iris.
Mabagal na naglakad papalapit sa akin si Caleb, ilang beses pa siyang sumulyap sa bukana ng kuweba.
"What happened there?" itinuro niya pa ang dalawa gamit ang nguso niya.
I gulped twice. I averted his eyes and I unknowingly touched my neck. Hindi sa lahat ng bagay mabilis si Caleb bumasa ng sitwasyon, pero sa mga sandaling ganito, gusto ko siyang palakpakan. Dahil wala pa mang mga salitang lumalabas sa bibig ko, alam na niya ang sunod niyang gagawin.
He's too fast to sit beside me, with the tip of his nose slowly sniffing my neck, his silly fingers expertly tracing my right leg upward as he lifted my long skirt, and now his whispers that giving me this chills all over my body.
My body moved on its own, as if every movement of Caleb, his breathing, the touch of his fingertips has its own rhythm together. It was too late to realize that I was already tilting my head to give him full access to my neck.
At bago pa mabilis na matapos sina Iris at Tavion sa ilog, hindi ko na pinatagal pa ang mahabang ritwal ni Caleb. I swiftly cradled on his lap, embraced him tightly, and pushed his head on my neck.
"Make it fast," I whispered to him.
Hindi ko na yata alam ang magiging reaksyon ko kung muli na naman kaming magkahulihang apat. Katulad ko ay yumakap na rin nang mahigpit sa akin si Caleb, inaasahan ko nang kakagat siya sa leeg ko pero nanlaki ang mga mata ko nang mas ibinaba niya ang kanyang ulo.
I just found him in front of my chest. His arms around my waist got tighter as his silly teeth started to unbutton me.
"C-caleb. . ." kusang humaplos ang aking dalawang kamay sa kanyang abong buhok.
Now that he has the full view of my front, he gently kissed the place where my heart beats for him. And when I finally saw his sharp fangs, my eyes slowly closed as I anticipated the sudden pain from it.
Ngunit iba ang siyang una kong natanggap. My eyes opened again when his soft lips landed on mine. "I love you. . ." he whispered near my lips.
Ang isa niyang brasong nakayakap sa baywang ko'y biglang umangat at nagtungo sa likuran ko upang alalayan ako. Nanatiling humahaplos ang aking mga kamay sa ibabaw ng ulo niya habang pinaliliguan na niya ako ng mga halik sa aking leeg.
And when his lips stopped on the upper part of my left breast, I took a long breath, my fingertips crumpled on his hair with his fangs marking me as his possession.
Kusang umangat ang tingin ko sa itaas ng kuweba, bahagyang umawang ang aking mga labi kasabay nang unti-unting pag-iktad ng aking katawan. Caleb's protective arms wrapped around me to support my whole body as he buried himself on my chest.
Ramdam ko ang pagdaloy ng ilang patak ng aking sariling dugo mula sa labi niya. And when he noticed a single drop started gliding down my skin, his insatiable tongue followed it with pleasure.
"C-caleb. . ."
Inakala kong kakagat pa siya sa kabilang parte ng dibdib ko, ngunit tumigil na siya at bahagya nang humiwalay sa katawan ko. He gave me another feathery kiss on my face before he pulled me closer and allowed me to rest on his chest.
Kapwa namin habol ang aming paghinga habang magkayakap kami sa isa't isa.
"M-masakit ba? Did I drink too much—" agad akong umiling kahit ramdam ko ang bigla kong panghihina.
Nakasandal na si Caleb habang hinahayaan niya akong manatiling nakakandong sa kanya at nakayakap habang ang kanang pisngi'y nakadikit sa matipuno niyang dibdib.
I could hear his heart beat. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ko ang sarili kong pakinggan iyon. Ni hindi ko na pinansin ang pagbubutones ni Caleb ng kasuotan ko.
"Anna? Are you sure that you're fine? I am sorry. I lost my control," sinimulan niyang haplusin ang mahaba kong buhok.
"I am fine. Is that your favorite spot?"
Saglit siyang natawa sa katanungan ko. "No. Thigh."
Umalis ako sa pagkakayakap niya at sinalubong ko ang mga mata niya. "Bakit dito ka kumagat? Kung mas gusto mo sa hita."
"I already tried the thigh. I want to experience everywhere," I rolled my eyes.
I buried myself again on his chest. Hindi siya nagsalita at muli niya na lamang akong niyakap. We stayed like that for a few minutes before he started talking again.
"You know? I always make fun of my brothers before. Lagi ko silang tinatawanan sa tuwing halos mabaliw sila kapag hindi sila nakakainom ng dugo mula sa mga babaeng mahal nila. I even find the underground prison of our castle ridiculous when my sisters decided to bring them there— with different mate related reasons."
Marahan akong nag-angat ng tingin kay Caleb, siya naman ay yumuko sa akin. Ngayon naman ay naglalaro na ang mga daliri niya sa likuran ko at gumagawa ng iba't ibang hugis doon na parang isang batang naglalaro.
"But I can now understand, Anna. Every time that your blood touches my lips, I feel so high. It's like a drug, fire, hypnosis— something unexplainable that I never thought I'd experience," he gently cupped my face.
"Just like them. . . mababaliw ako kapag inilayo ka sa akin. I will kill myself if you choose to abandon me or leave me. Hihilingin ko na lang sa mga kapatid ko na sa leeg ko na lang itali ang kadenang itatali nila sa akin sa sandaling pigilan nila akong hanapin ka. You made me this insane. Ganito pala talaga, Anna. I don't know if I should admire or get scared of my bloodline because of this behavior," nakangisi na siya at napapailing.
"Caleb. . ."
"Because I could see the pattern. I witnessed how my siblings turned into madness because of their mates. Everyone's willing to make a damn war, tear every world apart for the sake of their love, and even break every damn rule they once promised to fulfill. When Gazellians found their mates, everything is already over. Just like now— sa 'yo na umiikot ang mundo ko. I might have goals, questions that I want to answer, but I knew to myself that you're always above them, Anna."
Kusang umangat ang isa kong kamay sa mukha niya at marahang kong iginalaw ang isang daliri ko para tanggalin ang bahid ng aking dugo sa gilid ng labi niya.
"And I noticed, you're this much vocal after drinking my blood. Is this one of the effects of my blood?"
Marahan siyang tumango. "Maybe. . . I just want you to feel good after biting you. I hurt you—" umiling ako.
"I like it, Caleb. I love it, every time you bite me."
Because when Caleb's biting me, he never made me feel that I was his food, but a beautiful lady that needs to be worshipped.
He gently kissed my forehead. "I'll promise to make you love it, even more, Anna."
Muli pa sanang maglalapat ang mga labi namin nang maramdaman na namin ang presensiya nina Tavion at Iris. At hindi tulad nang una naming pagkikita, mabilis na kaming nakapaghiwalay ni Caleb.
We're already in a good distance while waiting for them.
And what I notice the most? Tavion looked as happy and satisfied as Caleb. Naupo na rin sila ni iris at gumawa kami ng maliit bilog na apat.
"Now that everyone's already energize. Let's start making plan," anunsyo ni Iris na nagpatango sa aming lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro