Chapter 17
Chapter 17: Her promise
Tuluyan nang nawalan ng malay si Caleb sa huli niyang pagsusuka. Sasaluhin ko na sana siya nang ang dalawang diwata na ang gumamit ng kanilang mga kapangyarihan upang ibalik si Caleb sa kama.
They even used their magic to clean the blood on his clothes and on my bed. Hindi na ako nakagalaw sa pagkakatayo ko habang nakatitig sa kasalukuyang kalagayan ni Caleb.
Natatakot na ako... natatakot na akong lumapit sa kanya.
Is this some part of their mate bond? Na sa sandaling may ibang babaeng lumapit sa kanya'y magkakaganito siya? Is this the effect of my blood for him?
Sarkastiko na akong natawa habang nag-iinit ang sulok ng aking mga mata. Inangat ko pa ang aking braso upang itago ang aking mga labi at bawasan ang lakas ng pagtawa ko.
How could I possibly laugh but could feel pain inside?
Why do I have to experience this? Why do I have to feel this strange attraction towards him?
May hinangaan din naman akong mga kilala at tinitingalang Attero noon, ngunit bakit kaiba ang ipinadama sa akin ng bampirang ito sa maiksing panahon?
Sa aming dalawa'y ako ang ipinanganak na may dugo ng mahika, ngunit nang sandaling magtama ang aming mga mata ng gabing iyon, bakit tila siya ang nagdala ng kakaibang mahika sa akin?
The fake earth God who was seemed lost that night...
Kapwa nakadungaw sa natutulog na si Caleb ang dalawang maliit na diwata, ang nagniningning nilang mga pakpak ay kusang naglalaho bago pa man iyon lumapat sa katawan ni Caleb.
Huminga ako nang malalim at lumapit na sa kama. Hinila ko ang isang upuan at itinabi iyon sa kanya.
Naupo na ako, sinubukan kong hawakan ang kamay ni Caleb ngunit agad ko iyong binawi.
"A healer..." usal ko.
"I-I have a little ability in healing..." nag-aalangang sabi ni Sierra.
"Do it."
Tumango siya at sinimulan niyang ilapit ang dalawa niyang kamay kay Caleb. Nang una'y maliit na liwanag lang ang nagmula sa mga kamay niya, ngunit hindi rin nagtagal ay nagsimula na rin iyong lumaki.
Nakatitig lamang ako sa mukha ni Caleb habang abala si Sierra, ngunit ramdam ko ang ilang pagsulyap sa akin ni Vera.
"It's not your fault. If he's really poisoned, it wasn't your blood. Sa henerasyon ng inyong angkan ay wala pa akong nasasaksihang nagtataglay ng nakalalasong dugo. And you're the chosen one, Anna..."
I smirked. Pinagkrus ko ang aking mga braso. "Chosen one? I don't even have my own mana. Ano na lang mangyayari sa akin, sa kanya, kung hindi kayo nagpakita ngayon ni Sierra?"
"Anna, we are your power!" ani ni Sierra.
"I should finish this mission," madiing sabi ko. "I should finish this mission as soon as possible."
Nag-aalalang tumingin sa akin ang dalawang diwata. "I might kill him. We might kill each other for asking for too much. Mali ang naging desisyon ko nang gabing iyon. I should have pushed him more..."
"Anna..." lumapit na sa akin si Vera at naupo siya sa balikat ko.
"Can you do something for me?"
I kept my straight face as I continued to stare at his face. "Can pixies remove feelings?"
Nawala ang atensyon ni Sierra kay Caleb at napalipad mula sa aking balikat si Vera.
"W-What?!" sigaw nilang dalawa sa akin.
"I want you to remove my feelings. Make me forget about my feelings for him. Ang nais ko lang maalala sa misyong ito'y ang pangako ko sa kanyang dadalhin siya sa kanyang mapa at tutulungan siyang bumalik sa kanyang mundo. Let's forget about taking the risk, the bargain, and being the villain. I just realized that it's better if I can't remember or recognize anything but my oath and mission as a Callista— as Anastacia Callista's descendant."
"B-But what about him?" marahas itinuro ni Sierra si Caleb na ngayon ay banayad nang natutulog.
"I was just an attraction, the subject of his curiosity... maybe I had hopes that his wavering mate link might do something good for us— me. But I was wrong, look what happened to him?"
"But Anna..." sabay nang umiiling sina Sierra at Vera sa akin.
"Do it. If you're really mine. My gift. Do it."
"We can do something about it, Anna. But we can't guarantee that it will last. After all, no creatures could ever manipulate someone's feelings. Magagawa namin mabura ngunit pansamantala lamang, babalik din iyon, Anna," paliwanag ni Sierra.
"Will it last after we killed the monsters inside the ruin?"
"It depends," sagot ni Vera.
"What?"
"It depends upon him. The feelings that are sealed can be freed by another's feelings. Mabuti sana kung gamitin namin ang kapangyarihan namin sa 'yo at maghihiwalay na kayo. But, Anna, you are going to have a journey with him. Do you think you're not going to fall for him again?"
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago ko muling sinulyapan si Caleb.
"Just do it."
Nagkatitigan sina Sierra at Vera bago sila tumango sa isa't isa. Lumutang silang dalawa at tumapat sila sa mukha ko, kapwa nila itinapat sa akin ang kanilang mga palad na sabay na nagliwanag.
Unti-unting pumikit ang aking mga mata habang dama ang magaang init mabagal na yumayakap sa katawan ko, hanggang sa higit kong maramdaman iyon sa bawat pintig ng puso ko.
Sa aking nakapikit na mga mata, kusang gumalaw ang mga kamay ko at hinanap ang mga kamay ni Caleb. Hindi ko inaasahang gagalaw iyon, ngunit naramdaman ko ang magaan niyang pagpisil doon.
Sa huli'y tipid kong ngumiti sa kanya habang nagliliwanag na ang buong katawan ko.
"I can't fight for you. I am sorry..."
Bago pa ako tuluyang masilaw ng sariling liwanag ng aking katawan, nakita ko pa ang marahas na pagbangon ni Caleb sa kanyang kama habang may nanlalaking mga mata.
At ang tangi ko na lang naramdaman ay ang pagtawag niya nang malakas sa aking pangalan.
***
"Anna! Gumising ka na!"
Sa halip na pakinggan ang sigaw sa akin ni Vera, hinila ko pa ang makapal na kumot at higit na iniyakap iyon sa katawan ko.
"Maaga pa..."
"Anna! We need to find Lord Howl's weakness, remember?"
Bigla na akong napabangon sa sinabi ni Sierra. Dilat na dilat ang mga mata ko at halos tumalon na ako sa aking kama para agad makapag-ayos.
Dapat ay maghahanap pa ako ng talisman na siyang gagamitin ko para mabilisan akong makapagpalit ng aking kasuotan, ngunit sa tulong ng dalawa kong diwata, isang ikot lang ng aking katawan ay parang bumabad na ako ng matagal sa isang paliguang na may purong gatas.
"Since Anna can already see us, we can dress her up na!" natutuwang sabi ni Sierra.
When her hands ignited with her familiar light, my whole body brightened as well. Suddenly, I found myself covered by a beautiful dress. With a white ruffled long sleeves from its low neck line and its pulse, and the second layer dark brown dress with the light brown ribbon located under the chest to the waist. They even put a light brown handkerchief as my headband with my braided hair, and used a high brown ribbon type boots.
Sabay napapalakpak sina Sierra at Vera nang makita ang kabuuan ko. Isinakbat ko na ang bag ko at handa na akong buksan ang pintuan nang may kumatok doon.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na binuksan iyon.
There, the smiling Caleb Lancelot Gazellian greeted me.
"Good morning, Lady Callista."
"Good morning," tipid kong sagot.
Sabay kong narinig ang hagikhik sina Sierra at Vera nang hindi ko tanggapin ang braso ni Caleb nang alukin niya akong alalayan.
Hindi lingid sa kaalaman kong malaki ang interes ng dalawa kong diwata sa bampirang ngayon ay misyon ko.
"So, what's our plan?"
"Kailangan natin malaman ang kahinaan ni Howl. He will send us to the place that he's afraid to enter. Nasisiguro ko na hindi lang ang mga halimaw roon ang siyang kinatatakutan niya o kaya'y ang epekto ng lugar na iyon sa kanya."
"Hmm..."
Hindi ko nililingon si Caleb ngunit ramdam ko ang titig niya sa akin.
"Do we have a problem?"
"Are you okay? Do you think there's no more side effect—" hindi na naituloy ni Caleb ang sasabihin niya nang humarang sa mukha ko ang dalawa kong diwata na hindi niya naman nakikita.
Itinikom na lang ni Caleb ang bibig niya nang humarap ako sa ibang direksyon at pilit na pinandilatan ang dalawnag diwata.
"If that's what you want. Alright," ani niya na hindi ko maintindihan.
Nang makalabas na kami sa aming tinutuluyan ay muli kaming sinalubong ng abalang plaza ng Itara Thenon.
"Why don't we ask the creatures around?" tanong sa akin ni Caleb.
"And give Howl an idea that we're digging something about him? Malaki ang respeto ng mga Attero kay Howl at siguradong makakarating agad sa kanya ang balita tungkol sa ginagawa natin."
"Well, we should ask some non-suspicious question?" muling sabi ni Caleb.
"Can you give me an example?"
"Hmm...wala akong maisip," umirap ako sa kanya nang ngumisi siya sa akin.
Pinili na muna namin ni Caleb muling maglakad-lakad habang nagmamasid sa mga nilalang na maaari namin lapitan.
"Kung iisipin, ang babaeng iyon lang talaga ang kahinaan ni Howl."
"You think so?" tanong ko sa kanya.
"What else? It's hard to admit, but Howl's a powerful creature. Marami na akong nakasalubong na malalakas na nilalang sa Nemetio Spiran at inakala kong hanggang doon na lang. But when I've met Howl, well, there's really more into this world. But just like my brothers, my ancestors, or even the other historical men in our world, there's only one weakness for us."
Muling umikot ang mga mata ko. "Woman."
Ngumisi si Caleb. "The woman we love."
"Are you telling me that we're just wasting our time here? We can't have the woman, Caleb. Howl will kill us."
"We're not going to have her. You can simply befriend her. After all, once that you and the woman have the same thoughts, iikot na pa lang sa palad mo si Howl. Well, women can be manipulative," ani niya na may kasamang pagkibit balikat.
"What?"
"Well, even if we can notice that we're being used or manipulate... kahit alam namin na umiikot na kami sa mga palad nila, wala na kaming magagawa kundi umikot na lang."
Natawa ako sa sinabi niya. "Are you an idiot, Caleb?"
"No. It runs through the blood. Even my damn brothers are like that," inaasahan kong nakangisi siya nang sabihin iyon sa akin tulad ng lagi kong nakikita sa kanya, ngunit nang mga oras na iyon ay seryoso siyang nakatitig sa akin.
Ako ang siyang unang nag-iwas ng tingin sa akin. "Then, shall we?"
Sabay namin tinanaw ang direksyon kung saan patungo ang lugar kung saan tumitigil si Howl.
"How I hate his office..." naiiling na sabi niya.
"Well, I love everything about magic."
Sa pagkakataong ito ay saka na siya natawa. "We're quite opposite in that matter. I don't like magic much..."
"Why? Do you have a bad experience? I thought it was cool?"
Ngumiwi siya. "A bit?"
Bigla niyang ipinilig ang ulo niya na parang may bagay siyang hindi na gusto maalala. Naubos ang oras namin ni Caleb sa tipid na pag-uusap ng magaang bagay.
He's smiling and grinning as usual. Ngunit pansin kong may kakaiba sa kanyang mga mata na parang pilit niyang itinatago sa akin.
Pain?
It was two days ago when my pixies informed me that Caleb accidentally had a silver intake mixed in his liquor. Kaya isang araw din kaming hindi nakausad sa aming mga plano.
I was curious but I never mentioned it until we finally arrived at Howl's place. Inakala kong isa na naman sa mga tagasunod niya ang siyang haharap sa amin, ngunit si Howl mismo ang siyang nagbukas ng pintuan.
The usual busy office welcomed us, with series of moving objects, colorful smokes and glitters fluttering around. Ganoon pa rin kami ni Caleb na parang laging matatamaan ng mga bagay na lumilipad na lang bigla sa harapan namin.
Howl sat on his throne in his elegant manner.
"You will start today. I can send you straight at the front of the ruin."
"I want to speak with her first."
Natigil sa pagbuklat ng mga papel si Howl at agad tumama ang mga mata niya sa akin. Base sa paraan ng pagtitig niya sa akin, hindi niya nagustuhan ang kanyang narinig.
Tumungo muli siya at nagbuklat ng mga papel. "I think there's no need for you to speak with—"
"I want to speak with her too, Howl."
Napatayo si Howl nang biglang magpakita ang nakabalabal na babae habang alalay ng isa sa kanyang mga tagasunod.
He was about to scold the poor servant, but the woman immediately stopped him.
Tulad nga ng sabi ni Caleb, walang nagawa si Howl kundi pumayag sa kagustuhan ng babae. Sa huli, hinayaan nila kami sa iisang silid ng babae na kapwa nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.
"Howl will betray us the moment he already has the possession of the potion."
Nanghihinang yumuko sa akin ang babae. "He will do everything for me, Anna. But everything's too late. Nararamdaman ko na ang pagkalat ng karamdaman sa katawan ko. I might not any last longer..."
"That potion... you can do it. You can make it with your ability, Anna. You don't have to wait for Howl and ask for your share. You can have it. You can use it. But promise me, promise me to help Howl, kayong dalawa ng bampira. Help him to secure his position against his enemies... and I promise once that you helped him, I will give you answers that Howl couldn't tell you..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro