Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Chapter 12: Competition

The magical ropes around the females' waist slowly disappeared and turned into pecks of diamond dust floating in the whole plaza. The different colors of confetti continued to pour, and the claps of the audience never left my ears. But all those beautiful happenings around me were nothing compared to the burning gazes of Caleb and Howl had to each other. 

But it wasn't all about the brewing attention of people, but what I have heard from Howl.

Tama ba ang pagkakarinig ko?

How could he possibly identify that Caleb's not from here? Ngunit dapat ko pa ba iyong ipagtaka? He's the famous train wizard after all! His title is nothing if he's not powerful enough to easily identity an Attero or not.

Is this the end for us? Will he how report us? Should I beg...?

Kung kanina'y na kay Howl ang atensyon ng halos lahat ng mga manunuod ng sayaw, ngayo'y unti-unti na rin nilang napapansin ang lalaking may hawak sa iisang panyong hawak ng tanyag na Attero.

I suddenly want to draw a dagger or a knife to stab Caleb in his eyes for his insolent move! We did all our best to hide our identity, but where the hell did he get his confidence to join the dance and compete with one of the famous celebrities of Fevia Attero?

Hindi lang si Caleb ang ngayon ay kumukuha na rin ng atensyon, dahil maging ako'y pinagtitinginan na rin ng mga kababaihan.

I could hear different insulting whispers!

How could I ever make an enchantment charm? I couldn't even make a damn simple spell! At sa tingin ba nila'y magagawang mapasailalim niyon si Howl Paladein?

Habang umiikot ang sarili kong isipan dahil sa sitwasyong kinahaharap ko, at sa dalawang lalaking kaunti na lang ay masisira na ang panyong kanilang pinag-aagawan, mas lalong dumami ang pumasok sa aking ideya.

There's no way that Howl would take an interest in me, unless he has a deeper reason. What if he's already aware of us? What if this is already a trap? This whole dance is to lure Caleb, the outsider, away from his hiding. 

Kumuyom ang mga kamao ko. Higit na dumagundong ang pintig ng puso ko. Saglit na umikot ang paningin ko sa paligid, nagawa man naming makatakas sa mga Callista, sa paanong paraan kami tatakbo ni Caleb sa mga oras na ito?

How could he fight the whole magicians of this plaza? Kung si Howl pa lang ay siguradong...

I should beg. They will kill Caleb. I will never accomplish my heart and blood oath! I will disappoint my ancestor.

Handa na akong lumuhod sa gitna ng buong plaza at magmakaawa kay Howl at sa lahat na wala kaming balak na masama ni Caleb, nang higit na nanlaki ang mga mata ko at umawang ang mga labi ko sa ginawa ni Caleb.

Dahil sa halip na itago niya ang kanyang sarili, hinayaan niyang tuluyang madala ng hangin ang talukbong na nagtatago sa kanyang kaanyuan.

His grayish silver hair that turned into bronze shone with the brightness of orange light from the slowly setting sun. As he tried to pull the white handkerchief his cloak move with the wind, showing what beneath those unattractive covers, the gasps from the female Atteros went from a different direction as Caleb's firm body with his fitted all-black suit, boots, leather belts, and gloves perfectly contradict Howl's elegant persona.

Hindi magkaintindihan ang mga kababaihan ng Attero kung saang panig titingin.

Is it the elegant Howl Paladein De Voss that glistened like a celebrity with his warm colors, or the stranger... outsider with a rugged, sexy... what? Caleb whatever his name is... foolishly, insanely, sinfully handsome...

Ilang beses akong napapilig ng aking ulo at mariing napapikit. How could I possibly think of these thoughts right now?

Nasa bingit kami ng kamatayan sa mga oras na ito at hindi man lang siya natitinag! How could he be this arrogant? Bakit siya nagpakita sa madla?! He's a fucking idiot!

Sa huli'y napunit ang puting panyo dahil wala sa kanila ang nais magpatinag. Bumuntonghininga si Howl at tamad na inangat ang kanyang isang kamay nang mapansin niyang may ilan ng mga kawal ang tila handa nang umatake kay Caleb.

"Don't bother. He's an old acquaintance," he shoved the guards and the suspicious look of everyone by his mere statement.

Mabilis nawala ang tensyon sa paligid at natuloy ang kasiyahan. Napatulala na lang ako kay Howl at sa bagay na ginawa niya. Did he just help us?

Agad nang nakalapit sa akin si Caleb, akma na sana niyang hahawakan ang baywang ko at igiya palayo  sa plaza nang mabilis ko iyong tinampal. "Don't touch me."

Saglit umawang ang bibig niya at napatitig siya sa akin. He huffed. "Wow!"

"Follow me," ani ni Howl na tinalukuran kami.

Caleb smirked at him. Hahawakan niya muli ako at handa nang magtungo sa ibang direksyon at hindi sundan si Howl nang tabigin ko ulit ang kamay niya. "Seriously, Callista!"

"Let's follow him, Caleb. He just saved us. Idiot."

Inirapan ko pa siya bago ko sundan si Howl. Alam kong naiintindihan ni Caleb ang sitwasyon namin. Howl Paladein De Voss covered for us!

Mabibilis ang hakbang ni Howl na parang lumilipad na yata, kaya wala akong nagawa kundi bumilis din sa paglalakad, hindi rin nagtagal ay katabi ko na rin si Caleb at bumubulong pa ng kung anu-anong hindi maganda tungkol kay Howl.

"Is that your world's celebrity?"

"Shut up."

"Do you think long hair men are handsome? Tsk. Such a taste."

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko ang paglalakad, pero hindi pa rin siya tumigil sa pagpuna kay Howl.

"And what's with his get-up? How can they maintain their coats hanging like that on their shoulders? They glued it? Hindi nililipad ng hangin? Even Das— whatever."

Iritado akong humarap sa kanya. "And you think you're better than him because of that—" nag-angat lang siya ng tingin sa akin at taas noo niyang sinuklay pataas iyong buhok niya.

This damn idiot!

"S-sa tingin mo ba'y bubuhayin ka pa kanina kung hindi tayo tinulungan ni Howl?"

It's better not to talk about his looks and confidence!

"You're smart, Callista. He lured us here. He made you as a trap in that damn silly dance. He's catching a bigger fish, and that's me. He's just waiting for the bigger fish to bite the trap."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya dahil iyon din ang siyang pumasok sa isip ko kanina. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na siya kinausap. But I noticed that he moved closer with me as we continued to follow Howl's trail.  He slowly tilted his body that I even felt his hot breath near my ears.

"And who am I not to bite, my lady?"

Natigil ako sa paglalakad. Nanatili siyang bahagyang nakayuko at may gahiblang distansya sa akin, saglit akong lumingon, hinayaan kong halos magdikit na ang tungki ng aming mga ilong, ngunit pinanatili ko ang aking seryosong mukha sa kabila ng tila sasabog kong dibdib.

Is he seducing me or what? Siya itong nagsabing may babae nang itinakda sa kanya. And this is not good for me...

"Did you bite enough, then, Prince?" I blinked at him lazily.

I lightly tapped my fingers on his cheeks before I distanced myself and walked away from him. "Stop flirting with me, you might fall. At tatawanan kita habang pinapanuod kong kinakain mo ang mga salita mo..."

I clasped my hands behind my back and followed Howl's trail without looking at his reaction. "And by the way, I changed my mind. If you need blood, I am not willing to offer mine. Mauhaw ka."

Akala ko'y matatagalan pa bago siya muling makalapit sa akin, pero agad siyang nagpakita sa tabi ko. "I am not flirting with you, Callista."

"Eh?"

Lalong kumunot ang noo niya sa sagot kong iyon. His words and actions are now contradicting. Na parang saka na lang niya naiisip ang kanyang mga ginagawa kapag may nagpaalala sa kanya ng totoo naming distansya.

"And yes, I am mated. I am just kidding you. Kidding and flirting is different."

Nagkibit balikat ako. "Alright."

Hindi pa rin tumitigil si Howl sa paglalakad, natahimik na rin naman si Caleb, pero may naalala akong sinabi ko sa sarili kong hindi ko palalampasin sa sandaling nagkaroon ako ng pagkakataon.

Maybe this is the great time, after all, it was him who said that he's just actually kidding.

"By the way, Caleb..."

"What?"

"About our incident at the entrance gate, dear vampire... I am a Callista," ako naman ngayon ang lumapit sa kanya, tipid akong tumingkayad at ilapit ang mukha sa kanya. "In our bloodline we never had a hard time conceiving a child... I can even bear five to ten."

Sinadya kong makita niya kung paano pumasada ang mga mata ko sa kanya mula ulo hanggang paa. "You could have said that it's your problem..."

Tuluyan nang umawang ang mga labi ni Caleb bago ko tipid na hawiin ang buhok ko at talikuran siya.

"Y-You witch! Let's try—"

Hindi na natapos ni Caleb ang sasabihin niya nang kapwa maagaw ang atensyon namin sa lumang bahay na sumalubong sa amin. Nasa unahan namin si Howl habang kapwa kami nakatingala ni Caleb sa kahoy na bahay na punung-puno na ng alikabok. Napahakbang pa ako paatras nang may isang parte ng kahoy ang lumaglag sa lupa.

"Is this house safe?" tanong ni Caleb.

Hindi sumagot sa amin si Howl, sa halip ay tipid niyang ipinitik ang daliri niya. Sa isang iglap ay unti-unting gumapang ang kulay sa mataas na kahoy na bahay na kanina'y parang anumang oras ay gigiba na.

"This is my office."

Mga naglulundagang maliliit at puting kuneho ang siyang unang nagpakita sa amin. Nagpatung-patong sila hanggang sa maabot nila iyong hawakan ng pintuan para buksan iyon para sa amin.

Howl elegantly entered his magical office and was welcomed by his servants. Two female magicians and two male magicians dressed in the usual working magicians' attire. They bowed in unison the moment Howl stepped foot on his office.

Ilang beses din akong yumuko bilang pagbati sa mga tagasunod niya. Hindi ko na inasahan si Caleb na gagawin ang bagay na iyon, dahil taas noo pa siyang pumasok at tipid na sinulyapan lamang ang mga nilalang sa paligid.

I could see the disapproving look of creatures around us, particularly Caleb. Nadiretso si Howl doon sa kanyang lamesa na halos matabunan na ng napakaraming papeles. Dahil sanay na rin naman ako sa mga gusali ng Attero na napupuno ng iba't ibang kagamitan na may mahika, hindi na ako bago sa paligid ng opisina ni Howl.

But Caleb's different, palingon-lingon siya sa paligid at walang tigil sa pagbibigay ng kumento.

"Cool! Oh, that's weird! Hey! Muntik na akong tamaan!" napapahawak pa siya sa aking balikat at iritadong hinahawi sa hangin ang mga nagliliparan.

The whole office was made of magic. Kaya halos lahat ng bagay ay may sariling buhay at gumagalaw ayon sa nais ni Howl o ng kanyang mga tagasunod. May makukulay na usok kahit walang apoy, may nagliliparang maliit na hayop, mga maliliit na estatwang naggagalawan, at maging ang ilang instrumento'y tumutugtog ng kanila.

May ilang makukulay na ibon ang siyang lumapit sa amin at sila na mismo ang nagtanggal ng aming mga balabal dahil higit na mainit sa loob ng opisina. Habang panay si Caleb sa pagpansin sa paligid si Howl naman ay tipid na nagmamasid sa aming dalawa.

"Caleb..."

Dalawang kamay ko na ang inihawak ko sa braso niya para agawin ang atensyon niya at hilahin patungo kay Howl na prenteng nakasandal sa kanyang upuan. He's tapping his fingers while watching Caleb with his mocking look.

Caleb immediately collected himself. He straightened and scratched his left shoulder before he removed my arms on his and walked faster to Howl's table.

He sat proudly.

Nagmadali na rin akong umupo sa katapat ni Caleb. Gustung-gusto ko nang kumuha ng kahit anong talisman o kaya'y gamitin ang aking kwintas kay Caleb para patigil siya sa kayabangan niya.

How could he act consistently like this?

Nakakalimutan niya na ba ang sitwasyon namin?

"You're the master of this house, right?" Of course, he is!  This idiot!

Biglang inilapag ni Caleb ang isa niyang braso sa lamesa. I blinked twice. What is this again?

"Familiar with arms wrestling, magician? Or all you can do is dance?"

Howl Paladein smirked at him before he offered his hand. Nasapo ko na lamang ang aking noo nang nagdaop ang mga kamay ng dalawang lalaki sa ibabaw ng lamesa at mariing nagtitigan na tila anumang oras ay kikitilin ang isa't isa.

"And the winner's prize, vampire?"

"Ask anything."

"Fine."

And the whole magical house started to tremble like crazy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro